42


"Isa sa mga kilalang tauhan ng Rizal Governor na si Matthew Villaflor, natagpuang patay sa tama ng baril sa Quezon City..." 


Halos madura ko ang kinakain ko nang marinig ko iyon sa radyo habang nagda-drive pauwi. Nag-overtime ako sa office dahil sa dami ng kailangan kong tapusin. Ayan, Paris pa! Pagbalik ko ay isang damakmak na trabaho ang bumungad sa akin. Pabalik-balik pa ako sa mga site para mag-check ng progress nila roon. 


Iyong take-out kong burger ang lunch at dinner ko dahil hindi na ako nakakain kanina. Gutom na ako kaya kinakain ko na habang nagda-drive pauwi. 


"May pinatay na naman sila..." bulong ko at napabuntong-hininga. Ano na naman ang dahilan ngayon? Bakit ba nila ginagawa 'yon? Ang sasahol nila. 


Pagkababa ko ng sasakyan ay nakasalubong ko si Shan sa may parking lot, may buhat-buhat na dalawang boxes na puno ng papeles. Nakasuot pa siya ng working attire niya at may dala ring leather briefcase na nakasabit sa balikat. 


"Hello!" bungad ko nang lumitaw sa gilid niya. Bigla siyang napaatras at nahulog ang mga dalang box. Napaawang ang labi ko at agad siyang tinulungang pulutin 'yon. "Sorry!"


"No, I'm sorry. I was just so distracted," he said while picking up the papers. 


"Ano b'ang iniisip mo?" tanong ko, sinusubukang basahin ang emosyon sa mga mata niya pero iniwas niya ang tingin sa akin. 


"I'm..." Napabuntong-hininga siya at nilagay ang mga papel sa box. "I'm just so frustrated with work and everything going on." 


"Tungkol ba 'to sa balita?" 


He pursed his lips and slowly nodded. "It's so hard to fight in a place where you're surrounded by the allies of your enemies."


"Are you giving up?" 


Napatitig siya saglit sa akin bago ngumiti at umiling. Tumayo kaagad siya at binuhat ulit ang dalawang boxes. "I will never give up," sabi niya sa akin at sabay na kaming naglakad papuntang elevator. 


"Send me the CCTV footage along Katipunan Ave," sabi ni Shan sa kausap niya habang nakaipit ang phone sa balikat at tainga. Naglalakad na kami papunta sa unit namin. "Did you run the plate number already?" 


"Laters," sabi ko sa kaniya bago pumasok sa unit ko. Mukhang abala siya sa trabaho niya kaya hindi ko na siya ginulo. 


Pagkatapos kong mag-shower, nagbukas na lang ako ng chips at umupo sa tapat ng TV para manood ng romantic movie. Halos lahat ng bago ay napanood ko na kaya roon na ako sa luma. Korean movie na lang ang pinanood ko dahil wala na akong makitang iba. 


Pero sa kalagitnaan ng panonood ko ay biglang may kumatok kaya pinause ko muna ang movie at pumunta sa pinto, dala-dala pa ang bag of chips ko. Hindi na ako nagulat nang makita si Shan na kaliligo lang dahil medyo basa pa ang buhok at laglag 'yon sa noo niya. He pushed it back using his hand before smiling at me. My heart just skipped a beat. 


"I'm here to hang out," pagpapaliwanag niya. 


"Nanonood ako ng movie kaso nasimulan ko na. Humabol ka na lang," sabi ko at hinayaan siyang pumasok sa loob.


Umupo ako sa sofa at tumabi naman siya sa akin. "Oh, I know this!" turo niya sa pinapanood ko. "I saw this on Netflix." 


Plinay ko ulit ang movie at tahimik na nanood. Nang lingunin ko si Shan ay mukhang seryosong-seryoso siyang nanonood. "Ganito kasi 'yan... Matagal na silang magjowa. Nagkakilala sila sa hospital. Nurse 'tong babae," pagpapaliwanag ko sa kanila para naman may background knowledge siya. 


Pinaliwanag ko sa kaniya ang mga na-miss niyang details bago namin pinagpatuloy ang panonood. Nakikikuha pa siya sa chips ko kaya nilayo ko 'yon sa kaniya.


"Damot mo, ah," reklamo niya sa akin at tumawa naman ako.  


Kumagat ako ng chips at lumapit naman siya bigla para kuhanin 'yon mula sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko pero hinalikan niya lang ako at umayos na ng upo, nginunguya na ang chips na inagaw niya sa akin. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at hinawakan ang kamay niya habang nanonood. 


"What the fuck?!" Pareho kaming nagulat sa plot twist ng movie. "Wait, I told you! I told you from the start!" Mukhang mas excited pa siya sa akin. 


"Mali ang sinabi mo. Ang akala mo iisa lang sila," pakikipagtalo ko.


"No, I told you she was also doing something suspicious. I just knew!" pakikipagtalo niya rin. "Wow, I didn't expect it to be like that! I couldn't solve that one, huh..."


Hanggang sa matapos ang movie ay hindi pa rin siya makapaniwala sa plot twist na para bang first time niyang makanood noon. "Kailan ka ba huling nanood ng movie, huh?" pang-aasar ko.


"Hmm, matagal na rin," sagot niya naman. "Want to go see a movie with me soon?" he smoothly asked. 


"Nice try." Natawa ako sa kaniya. "Cinema?"


"Yes, a cinema date. You. Me. It's a date, my love." Tinuro pa niya ako at sunod ang sarili niya. 


"Hmm, fine." Napairap ako at natawa. 


Tumingin siya sa phone niya nang mag-vibrate 'yon. Pagkabasa niya ng message ay nag-iba kaagad ang ekspresyon ng mukha niya. He looked mad and frustrated. 


"Sino 'yan?" curious na tanong ko.


"My senior," sagot niya naman. Sumilip ako sa text at hinayaan niya naman ako.


'Stay out of it, Lopez. Pareho tayong mapapahamak diyan. It will do us no good. I'm telling you.' 


"Villaflor?" Alam ko naman na pero gusto ko lang ma-confirm mula sa kaniya. 


"Yes, but it's better not to ask anything more than that." Ginulo niya ang buhok ko at binigyan ako ng tipid na ngiti. "The little you know, the less dangerous it will be for you." 


Iyan ang palagi niyang sinasabi sa akin. Dapat wala akong alam dahil mapapahamak lang ako... pero paano naman siya? 


"Natatakot ako para sa 'yo, Shan..." Yumuko ako at pinaglaruan ang daliri ko. "Pero hindi naman kita pwedeng pigilan. Ano b'ang gagawin ko?"


"Nothing will happen. Don't worry about me." Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ako sa noo. "It has been like this for years, and I'm still here, okay? I will always be here." 


"Then what if this year is 'that' year, huh? Mawawala ka na naman sa 'kin? Kakabalik mo lang..." Marami pa akong gustong sabihin pero nilagay niya ang isang daliri niya sa labi ko. Napanguso ako at inirapan siya.


"You will not lose me," mahinang sabi niya. "I promise..." 


I held on to that even though I was scared of what they could do to him. I knew he was doing something dangerous. I knew he was risking himself kahit hindi niya sinasabi sa akin kung ano talaga ang balak niya. 


"And even if you do... Just keep walking, Kierra." He gave me a painful smile while holding my face in his palm. "Just keep on walking, my love... Promise me." 


Umiling ako at yumuko, gusto nang lumuha. "Paano ako kapag wala ka?"


"Kierra..." Bumuntong-hininga siya at hinalikan ang noo ko. "You have greater things ahead of you. You will do amazing... because you are you. I trust you. Time will still run without me... So just continue walking down the road... until we meet again."  


The next day I saw him rushing to go to work. Halos tumakbo na siya papunta sa sasakyan niya. Mabilis din siyang nag-drive paalis. I couldn't focus on my work when I arrived at the office. Napapasabunot na lang ako sa buhok ko. 


I went out of the office to get some coffee from the pantry room. Sumandal ako sa may desk habang hinihintay ang paggawa ng kape sa coffee maker. Saktong pumasok si Theo at nag-refill ng tubig sa tumbler niya. 


"Ano'ng problema, Architect?" tanong niya, nakangiti. 


Natawa ako at umiling. "Wala naman, Engineer. Wala ka sa site ngayon, ah," pansin ko dahil madalas siyang wala rito.


"Nagpatawag ng meeting si Master." Sumandal din siya sa may desk sa tabi ko at humalukipkip. "Ano'ng iniisip nito, huh?" Tinuro niya ang ulo ko at pabirong tinulak ang noo ko. 


"Si Shan," pag-amin ko.


Natigilan siya saglit pero ngumiti lang din ulit. "Hanggang ngayon ba naman iniisip mo siya? Malala ka na talaga, Architect!"


"Hindi! Okay na kami!" pagpapaliwanag ko. "Nag-aalala lang ako sa kaniya. Ah, basta. Wala 'to..." Kinuha ko ang kape ko at nilagyan ng sugar tsaka creamer. 


"Mahal mo pa siya?" tanong niya bigla.


"Oo..." nahihiyang sabi ko at nilingon siya. 


"Ang tagal din 'no? Grabe naman 'yong pagmamahal n'yo. Sana makahanap din ako ng ganyan!" Hindi ko alam kung nang-aasar siya o ano.


"Sira, makakahanap ka rin. Ang daming willing magmahal sa 'yo diyan, hindi mo lang pinapansin." Marami kasing nagkakagusto sa kaniya rito sa kumpanya. Pati nga sa mga kliyente ay may nagkakagusto sa kaniya. 


"Salamat, Ke... Pero aayusin ko muna sarili ko bago pumasok sa relasyon. Kawawa naman 'yong magiging jowa ko kung hindi ko mabibigay best ko, 'no?" Ngumisi siya at umayos na ng tayo. "Sige na, balik na 'ko sa trabaho. Good luck!" 


Bumalik na rin ako sa opisina at uminom ng kape habang nagtatrabaho. Kahit papaano ay nakapag-focus naman ako. Pagkatapos ng office hours ay nagligpit na ako ng gamit ko para makauwi na kaagad. Wala na si Sevi. Umuwi na sa asawa. Ganoon din si Luna. Hindi na tuloy kami nakakapag-dinner madalas nang sama-sama... pero okay lang 'yon dahil alam ko namang may kaniya-kaniya silang buhay. Hindi naman maiiwasan 'yon. Ang mahalaga, may koneksyon pa rin kami. 


From: Shan

Movie this Sunday?


Nag-reply kaagad ako. 


To: Shan

What time? 


From: Shan

4 PM :) 


To: Shan

Okay take care on your way home


Hindi ko siya nakita noong araw na 'yon hanggang sa kinabukasan pero nag-text naman siya at sinabing abala siya sa trabaho niya at sunod-sunod siyang nasa korte. 


Gabi na ulit ako nakauwi dahil may binisita akong malayong construction site. Bumaba ako ng condo at naglakad papunta sa malapit na fast food restaurant para bumili ng dinner. Habang naglalakad ako ay may nadaanan akong pusa sa gilid ng grocery store. 


Hindi ko na napigilan ang sariling bumili ng cat food sa malapit na tindahan at buksan 'yon, saka nilapag sa gilid. Pinakain ko iyon sa pusa. Nakaupo lang ako sa gilid habang pinapanood siya. 


Umalis din ako nang maubos na niya para sarili ko naman ang bilhan ko ng pagkain. Pagdaan ko pabalik ay wala na 'yong pusa. Dumeretso na lang ulit ako sa unit ko at kinain ang binili ko. Pagkatapos kong magligpit ay nag-toothbrush na ako at humiga na ng kama. Nakatulala lang ako sa kisame, nag-iisip. 


Hindi ako makatulog kaya kinuha ko ang phone ko para mag-scroll nang makarinig ako ng kalabog sa kabilang unit. Tumayo kaagad ako at sumilip sa hallway. Nagtago ako sa gilid nang bumukas ang pinto ng unit ni Shan at may dalawang lalaking lumabas, parehong nakaitim at nakasombrero. 


Nang makaalis sila ay nagmamadali kong hinawakan ang door knob para hindi sumara ang pinto bago ako pumasok. Magulo ang condo at mukhang binaliktad nila lahat ng gamit habang si Shan ay naiwang nakaupo sa may dining chair at nakahawak sa ulo niya.


"Ano'ng nangyari?" kinakabahang tanong ko nang makapasok. Sinubukan kong silipin ang mukha niya nang hindi siya sumagot ngunit mas napansin ko ang namumula niyang leeg na may bakas ng pagkakasakal. 


"Nothing. I just had unexpected visitors." Bahagya niyang tinakpan ang leeg niya gamit ang kamay niya at tumalikod sa akin. "Why are you here?"


"May narinig akong kalabog. Ano'ng nangyari sa condo mo?" Halatang may nangyari. May kinuha sila sa kaniya. "Nanakawan ka ba?" 


Natawa siya habang kalmadong inaayos ang mga gamit niya. "They got my laptop and my hard drive," he said like it was not a big deal.


"Ano?! I-report mo na kaagad sa security!" nag-aalalang sabi ko at tinulungan siya sa pag-aayos ng gamit. 


"I can't," mahinang sabi niya. "They got what they want. It's done." 


Ano ba ang gusto nila? Tauhan ba 'yon ni Villaflor o may iba pa? He said his job was dangerous. I couldn't help but worry. 


Nilagay niya sa kaniya-kaniyang posisyon ang mga gamit na nasa sahig bago siya pumunta sa kwarto niya. Paglabas niya ay may dala na ulit siyang laptop. Napataas ang kilay ko, nagtataka. 


"Akala ko ba kinuha nila ang laptop mo?" tanong ko.


"I have two. The other one is hidden." He laughed and went to the cabinet to get a small camera hidden at the spine of the book. May butas doon. He inserted the small card into his laptop and opened the footage from the camera. The audio was clear. 


He opened the door and two boys went in, asking for him to surrender the "videos." Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nila. Shan said he didn't know so he got slapped in the face. Napatakip ako sa bibig ko. 


"Don't watch it." He was about to close it, but I stopped his hand. I wanted to know what happened. 


He was choked. They wanted him to tell them where the videos were but he said he didn't know about it. Kinuha nila 'yong phone niya and asked him to open it. They scrolled through it and started pressing some buttons before throwing it away. Then, they started rummaging the place. 


"It's not anywhere. I don't know what you're talking about," Shan told them. 


"Ang video na nakuha mo," sabi ng isang lalaki. "Saan mo nilagay? Sabihin mo kung gusto mo pang umalis kami rito nang buhay ka pa." 


"Which video are you talking about?!" Shan yelled, getting frustrated. 


"Iyong pamamaril ni Governor Villaflor! Ano?! Magmamaang-maangan ka pa ba?!" 


He closed the footage and called someone from his contacts. "Hello, yes... Are you still in media?" He stood up and walked away so he can talk in private. 


Naguguluhan ako sa nangyayari! Hinintay ko na lang siyang makabalik. Abalang-abala siya sa pagtatype sa email. He was using a different account. He sent the footage to someone from the media. 


"Anong video 'yon, Shan?" naguguluhang tanong ko. 


"I don't have it anymore." He looked at me and gave me a small smile. "It was in the hard drive they got from me." 


"Pero ano nga ang nasa video?!" Kinakabahan na ako. 


"You should not know." Tiningnan niya ako. Nag-aalala ang mga mata niya. "Not knowing is better." 


"Pero narito na ako, eh. Nakita ko sila, napanood ko ang nangyari. Wala pa rin ba akong alam?" I just wanted to know what he was up to. 


"Governor Villaflor shot his employee in a vacant lot in Quezon City," seryosong sabi niya. 


Iyong recent incident?


"There's a video. I am the only one who has it. My mistake was telling the senior prosecutor about it so the case can move... Now, they know that I have it, and they're trying to silence me. The governor wants to meet me this weekend... maybe to bribe me with money or a position." 


"Pupunta ka?" nag-aalalang tanong ko. 


"No..." Umiling siya at tumingin sa akin. He gave me a genuine smile. "We have a date, remember?" 


Umupo ako sa sofa at sumimangot. Abala siya sa pagtatype niya sa laptop niya pero napansin niya ang hitsura ko kaya napalingon siya sa akin saglit. 


"What's wrong?" tanong niya. 


Gusto ko siyang pigilan. Gusto kong sabihin sa kaniyang tama na, huwag na niyang kalabanin ang mga 'yon dahil makapangyarihan ang mga taong 'yon... pero kung hindi siya, sino pa ang gagawa? He was not doing this just for himself pero nararamdaman ko pa rin ang pagiging selfish dahil natatakot ako. 


He swore to take them down. He said that was his purpose. He will start with that family and then take down the others. Ano ang laban ko kung iyon ang gusto niyang gawin? 


"Bakit mo ginagawa 'to?" tanong ko, naluluha na. 


"Because I don't want to be one of the rotten ones." He looked at me and smiled. "I did many things before that I am not proud of... At least I could be proud of this one." 


"Pero nag-aalala ako sa 'yo..." Pinunasan ko ang luha ko. "You're just attracting death." 


"Ke, when I entered this field... I already knew what I was up against. I told you, I am not scared," paglilinaw niya sa akin.


"Pero paano naman ako?" My voice broke. "Ako ang natatakot." 


"What do you want me to do?" He looked like he was also in pain. 


I can't... I can't tell him to stop, so I just stared at him while my tears were flowing down my cheeks. Hindi ko masagot ang tanong niya dahil alam kong mali kapag sinabi kong tigilan niya na ang mga 'yon. 


I can't do anything but continue to spend the remaining days with him rather than run away because I was scared to be left again. 


"I love you," I whispered.


"And I love you," he replied. 


Doon na ako natulog sa unit niya dahil hindi ako mapakali. Nagising ako nang madaling-araw nang tumabi siya sa akin at niyakap ako. Hinaplos niya ang buhok ko at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya. He was lightly tapping my shoulders, making me feel sleepy. 


Noong nagising ako, ang sabi niya sa akin ay hindi kami makakapag-dinner dahil lalabas sila ng boys. Noong Saturday, kasama niya si Elyse, tapos umalis din sila ng mga kaibigan niya. Ako naman, umuwi sa bahay namin dahil nakauwi na ulit sina Mommy and Daddy galing sa trip. 


Naabutan ko si Mommy sa garden, nagdidilig ng mga halaman niya roon at sinabihan akong pumitas ng mga bulaklak. Kumuha ako ng basket at naisipang kumuha ng mga bulaklak para kay Shan, tutal magkikita kami bukas. He wouldn't expect it. 


"You look happy," pansin ni Mommy habang nagtatanim ng panibagong halaman sa tabi ko. "May nangyari ba?" 


Umiling ako. "Wala, Mommy... Okay na kami ni Shan," pagbabalita ko sa kaniya.


"After all those years, huh?" Natawa siya at parang hindi na nagulat. "You clearly love this man... and he obviously loves you a lot too. I'm also happy it's him." 


"To feel his love again, Mommy... makes me happy." Napangiti na lang ako habang tinitingnan ang puting bulaklak na pinitas ko. It looked so pretty. 


"He's going beyond for you," she said like an inside joke in the family. Alam namin kung ano ang ibig sabihin noon. 


Pagkapitas ko ng mga bulaklak ay pumunta na ako sa table para i-arrange 'yon. May mga pang-design ng bouquet si Mommy kaya kinuha ko rin 'yon. I wrapped the white, pink, and yellow flowers in a white bouquet wrapper with gold linings. I wrapped it with a ribbon and put a small card on it. 


'For Ciandrei. 

See you yesterday.' 


Nilagay ko muna 'yon sa tubig para hindi madaling mabulok at umabot pa hanggang bukas. Nang pumasok na ako sa dining room pagkatapos maghugas ng kamay ay may pinag-uusapan si Mommy at Daddy. 


"Grabe na rin si Villaflor, ano?!" sabi ni Daddy. "I just watched the video. Walanghiya talaga..." 


"Ano 'yon, Daddy?" tanong ko. Parang nagulat silang dalawa nang makitang naroon na ako. 


"Si Shan, anak... Pinasok pala siya sa condo niya," sabi naman ni Mommy.


Kinuha ko kaagad ang phone ko para tingnan ang news. The video was all over the internet, released by a newspaper company! Nagkakagulo na ang mga tao sa media. I knew he planned to spread it but I didn't know it was today! He just risked everything! He... He attracted them! 


Tinawagan ko kaagad siya. Mabuti na lang at sumagot siya kaagad. "Nasaan ka?" tanong ko, kinakabahan sa kaniya. 


"Oh, I'm actually on my way to you. Where are you? Can we meet?" sagot niya mula sa kabilang linya. 


"Nasa bahay ako. Nandito sina Mommy."


Sabi niya ay pupunta raw siya rito kaya sinabihan ko sina Mommy na susunduin lang ako ni Shan at aalis na rin kami dahil may gusto raw siyang puntahan. Habang naghihintay, nilalaro ko lang ang mga kamay ko. I hoped... that he would arrive. 


He did. Nakahinga ako nang maluwag. 


"Shan! Wow, long time no see, ha! You've been so busy!" Niyakap ni Mommy si Shan nang bumungad siya sa pinto.


"Good afternoon, Tita," magalang na sabi ni Shan pagkayakap niya sa Mommy ko. Nang kumalas sa yakap ay yumakap naman siya kay Daddy. "Hello, Tito," bati niya.


"Aalis lang po ako saglit. I'll be back!" paalam ko kina Mommy.


"Enjoy," sabi ni Daddy. 


Nagtataka pa rin ako pagkasakay ko ng sasakyan ni Shan dahil hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. He said he wanted to take me somewhere beautiful. Pinaghahandaan niya daw 'yon. Nakaalis na kami nang ma-realize kong hindi ko pala nadala ang bouquet ko. Ibibigay ko na lang sa kaniya sa susunod.


I realized we were going to Bataan dahil sa daang tinatahak niya. Pumasok siya ng NLEX at SCTEX papuntang Bataan. We just talked about other things while he was driving. I didn't want to ask about the footage anymore. 


We laughed at each other's jokes while we were on the way. He told me what happened when he went out with his friends, tapos nagkwento rin ako ng nangyari sa akin sa trabaho. We laughed at the dumbest things. Our ride was so fun. 


"Kapag naging palaka ako, mamahalin mo pa ako?" tanong ko dahil bored na. 


"I'm scared of frogs," sagot naman niya.


"Ang pangit mong sumagot."


"But... I will still love you. Even if you become a ghost, I'll go through different dimensions just to be with you," bawi niya. 


"Weh? Corny." Tumawa ako. 


"Sus, kinilig ka nga..." 


We went back to the same resort we used to stay in. Doon naman kami palagi kahit noong bata pa. Binuksan niya ang compartment ng sasakyan at kinuha ang mga naroon para dalhin malapit sa beach. Tinulungan ko siya at kinuha ang dalawang canvas. Magpe-paint yata ulit kami! I got so excited. 


He asked me to close my eyes while he was preparing. Tumawa ako at umupo sa may buhanginan habang nakapikit ang mga mata. Nakasuot ako ng long white satin dress. Hinahangin din ang buhok kong nakalaglag sa likod ko. 


"Matagal pa ba 'yan?" reklamo ko.


"Wait, wait, don't open your eyes yet!" narinig ko ang pagpa-panic niya. Nadapa pa nga ata siya dahil narinig ko ang 'ouch.' "Okay, it's ready!"


Dinilat ko ang mga mata ko at tumayo para lumingon sa ginawa niya. Lumiwanag ang mga mata ko nang makita ang set-up niya. Naglatag siya ng malaking kumot sa buhanginan. May basket ng flowers. May mga pagkain din like pastries, and then my sakura drink. Nakalatag din doon ang dalawang canvas at iyong painting materials na gagamitin namin. May candles din na nakalagay sa loob ng glass para hindi hanginin. 


"Wow, thank you... Ang ganda," namamanghang sabi ko. "Plinano mo talaga, ha? Akala ko bukas pa ang date natin?" Kinuhanan ko ng litrato iyon. Kasama siya sa litrato na nakaupo sa may kumot. Ngumiti lang siya sa camera.


"I can't wait to see you," he teased, then laughed when he saw my disgusted face. 


Umupo na rin ako sa kumot at kinuha iyong plato na may slice ng cake. "Saan galing mga 'to?" tanong ko. 


"I made all of them," proud na sabi niya sa akin. 


"Wow! Tikman ko nga!" I ate a piece of cake. "Good! So good! Sanay na sanay ka talaga. Na-miss ko mga pastries mo sa Yesterday's Coffee." 


"The secret ingredients are in my drawer." He winked. "But keep it a secret..." 


Kinuha ko ang canvas pati ang painting materials. "Diyan ka lang... Hawakan mo 'to." Binigay ko sa kaniya ang isang pink carnation para hawakan niya. Bahagya niyang dinikit iyon sa labi niya at pumikit habang nakagilid sa akin. I started sketching him in my canvas. 


Nang matapos ko iyong i-sketch ay natigilan ako. Napadilat din siya at tumingin sa akin. We stared at each other quietly before he leaned to give me a soft kiss. 


"I love you," he whispered.


"I love you," sabi ko at ngumiti. "Thank you for this." 


"Your turn." Pinag-pose niya rin ako at kumuha ng canvas. Nakaharap lang ako sa kaniya at nakangiti nang hindi kita ang ngipin. Hinahangin ang buhok ko pagilid kaya hinahawi ko iyon gamit ang kamay ko. 


Kinuhanan niya na lang ako ng picture at iyon na lang daw ang gagayahin niya dahil nahihirapan daw siya mag-sketch. I started working on mine while still eating his pastries. I painted him with beautiful colors. I liked colors. Medyo matagal din kaming nag-paint bago kami nagpalitan ng canvas.


"Damn, this is amazing," hindi-makapaniwalang sambit niya habang pinagmamasdan ang gawa ko. Nakakahiya nga dahil minadali ko pa 'yon. "You're so good! Best artist!" He gave me a thumbs up and laughed. 


"Hindi kaya. Ito kaya ang best artist. Iyong gumawa nito." Pinakita ko sa kaniya ang gawa niya. "Ang ganda... Thank you." 


"You're lying." He laughed again. 


"I'm not lying," pakikipagtalo ko. I really appreciated his painting because it was how he perceived me. It was also full of colors. I loved it. May dinikit din siyang post-it note sa likod ng canvas. "Ano 'to?" 


"Title ng painting ko."


'My forever & beyond.' 


"Cheesy, huh," pang-aasar ko sa kaniya. 


May isa pang canvas. Ang sabi niya ay lagyan daw namin ng paint ang kamay namin at idikit iyon doon. Pagkatapos ay nilagyan ko ng quote sa baba.


'So, this is love.' 


Hinayaan naming matuyo ang mga painting habang nakaupo kami sa may kumot at nakatingin sa dagat. Sumandal ako sa balikat niya habang hawak niya ang kamay ko. 


"I visited him at the hospital today." Kahit wala siyang sinabing pangalan ay alam ko kung sino ang tinutukoy niya. 


"How was it?" Lumingon ako sa kaniya.


He shrugged. "He could barely talk, so it was an advantage for me to let out everything I wanted to say. I had to do it for the younger Shan." 


"I admire you." Inakbayan ko siya at tinapik sa balikat. "You're so brave."


"You are, too." Hinalikan niya ang pisngi ko. "The younger Shan must be so proud of me and what I've become, right?" tanong niya dahil gusto niya ring marinig sa iba para makumbinsi ang sarili.


"Oo naman. You are such a brave person..." mahinang sabi ko habang pinagmamasdan ang mukha niya. "You already suffered a lot... Why... Why are you still putting yourself in danger?" 


Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "This is the life I chose to have. Yes, I already suffered enough, and I will continue to suffer on the inside if I fail. I am fighting back now, Ke, so I could finally be at peace, so I could finally forgive myself. It's a battle against myself... so I choose to fight, no matter how dangerous it is... because I know it is the right thing to do." 


Tumulo ang luha ko habang nakatitig sa mga mata niya. Napakurap ako at yumuko, naiiyak na. "I... will always be proud of you. I love you, Shan... Beyond forever." 


I wanted to say a lot more... but I couldn't. I knew what could be ahead of us but I chose to stay... because I will always choose to love him while I still had him... than lose him without having a chance to hold him in my arms again. 


"I love you... beyond forever, Kierra." 


Hinatid na niya ako pabalik sa bahay. Halos paumaga na nga nang makarating kami. Nanatili kaming dalawa sa tapat ng pintuan. Hawak ko ang ginawa niyang painting dahil nagpalit kami. 


"So... See you... tomorrow?" patanong na sabi ko dahil paumaga na nga. 


Tumawa siya at hinawakan ang kamay ko. "See you yesterday, my love."


"See you yesterday." Ngumiti ako at pinanood siyang umalis. Kumaway-kaway pa ako hanggang sa mawala na ang sasakyan niya. 


Bumawi lang ako ng tulog pagkapasok sa kwarto ko kaya tanghali na ako nagising. Bumaba na ako kaagad para kumain ng brunch. Pagkatapos noon ay nagdilig ako sa garden at tinulungan si Mommy sa mga pasalubong niya. 


Two o'clock pa lang nang hapon ay nag-ready na ako para sa date mamaya. Tinabi ko na ang phone ko sa bag ko para hindi ko na malimutan. I showered, blow-dried my hair, and then curled the ends. Pagkatapos ay nagmake-up na ako. Nahirapan pa akong pumili ng susuotin kaya natagalan ako lalo.


Three o'clock na nang matapos akong mag-ready. I wore another white flowy dress. Nagpabango na rin ako bago nagmamadaling umalis dahil baka ma-late pa. 


"Bye, Mommy!" bati ko dahil umalis si Daddy. 


Sumakay na ako sa sasakyan at nag-drive papunta sa mall. Medyo malayo kaya kinabahan ako dahil baka ma-late ako. Binilisan ko na lang tuloy ang pagpapatakbo ko. 


Habang nasa stoplight, nilingon ko ang bulaklak na dala ko. Napangiti ako sa sarili ko. I was so excited to see him again. 


Pagkarating ko sa mall, halos four o'clock na. Nilabas ko ang phone ko para tawagan si Shan pero hindi naman nagri-ring. Nasa cinema area na ako at lumilingon sa paligid. May hawak pa akong maliit na bouquet. 


Umupo na lang ako sa sofa roon at naghintay. The movie probably already started. 


Did he forget? 


Kinuha ko ulit ang phone ko mula sa bag para tawagan siya pero sunod-sunod na text at chat ang bumungad sa akin. Marami rin akong missed calls. My heart started beating so fast when I realized it was from different people. 


My hands were shaking as I opened the internet to see what was happening because everyone was telling me to check. 


My heart dropped. 


The flowers hit the floor. I couldn't breathe. I put my hand on my chest as I tried to catch my breath. It was like everything was spinning around me. I held onto my phone tightly as my knees became weak. 


"No..." I whispered, eyes wide while staring blankly at the screen. 


Prosecutor shot dead in an ambush. Rizal Governor, allegedly involved.


I saw his name. Everything went blank. 


I ran. I ran so fast to the hospital as soon as I read Clyden's message. I wasn't in the right mind while driving. I was crying badly inside the car, and I couldn't see much, but I knew I had to go... I had to go. I had to see him. I had to... hold him. 


Pagkarating ko, dinala nila ako sa isang kwarto. Some of his friends were already there but I didn't bother looking at them. Tuloy-tuloy lang akong pumasok sa kwarto at natigilan. 


"He died... around four o'clock," sabi ni Clyden. 


Bumagsak ang mga tuhod ko sa sahig. I cried so loudly. I cried my pain out. I screamed in pain... in agony. I was still holding the bouquet I made for him. They tried to calm me down, but I just started crying more. I couldn't breathe. I felt like I was going to pass out. 


"You promised..." I whispered. "You promised me! You..." 


I cried louder. I screamed, hoping it will make it hurt less. It didn't. It just hurt more... and more... and more.

________________________________________________________________________________

.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top