41
"Sam, I love you... and I am thankful to spend the rest of my life with you."
Hindi na namin maasar ang pag-iyak ni Sam dahil kasal na niya 'tong iniiyakan niya. Wala pa siguro sa kalahati ng vow ay umiiyak na siya sa sobrang saya at touched sa mga sinasabi ni Clyden. I witnessed another scene that could prove their genuine love for each other.
Sobrang saya kong ma-witness na nakakaranas ng ganitong pagmamahal ang mga kaibigan ko, at narito ako para masaksihan 'yon. Parte ako ng kasiyahan nila. Parte kaming lahat ng kasiyahan ng isa't isa.
When they sealed it with a kiss, I clapped my hands together with the others. Their wedding was beautiful and elegant, perfect words to describe them. Ang maid of honor ay si Yanna, at ang best man naman ni Clyden ay ang kaibigan niyang si Ridgen. Nandito rin 'yong kaibigan niyang si Eva, sumunod lang tapos uuwi lang din ulit dahil kailangan siya sa hospital.
Pati sa reception ay napakaganda rin ng design. It was outside, on a big balcony with a view of the Eiffel Tower.
While the others were still eating, pumunta ako sa dulo ng balcony, dala ang champagne glass ko. Sumandal ako sa may stone fence at kumuha ng litrato ng Eiffel Tower kasama ang glass. Iyon lang, pagkakuha ko ng litrato ay sumandal si Shan sa tabi ko at nasama pa siya sa picture. Tinago ko kaagad ang phone ko at umiwas ng tingin.
"I'm sorry about last night," sabi niya habang nakatingin sa malayo. May hawak naman siyang whiskey glass. Mabagal niyang ginalaw ang baso para umikot din ang whiskey na nakasalin doon.
"The kiss or the confession?" Napalunok ako, hindi alam kung alin doon ang sagot na gusto kong marinig.
"Both..." Napayuko siya at tumingin sa baso niya. "It just feels so... wrong, given the situation."
"Pagkakamali 'yon sa 'yo?" Natawa ako nang sarkastiko. I never felt sorry for that kiss. Embarrassed, yes, but I never saw it as a mistake. We wanted that... At least I knew that I did. Pati ba 'yong sinabi niyang mahal niya pa ako, pagkakamali lang ba 'yon?
Napailing siya at pekeng tumawa. "Loving you was probably the best thing I did."
"Then why are you sorry for it?"
He looked at me and gave me a small smile. "Because you don't feel the same."
Hindi ako nakapagsalita. He got me there. Hindi man lang ako nag-abalang itama siya sa akusa niya sa akin.
"I am sorry for it because... after everything I did, I still continued loving you, at alam kong mahirap 'yon para sa 'yo. You know, Ke..." Pinamulsa niya ang isa niyang kamay habang ang isa ay nakataas sa dibdib at may hawak na baso. Nakatingin lang siya sa harapan. "I am longing for you. I want to hold you so badly... I want to be with you again, but I know that I can't, and I know that it will just make everything hard for you and I. It pains me in the chest. I can feel it everytime you are near me, because I want to be close to you but I can't and it's frustrating me that it hurts so bad..."
Nang sinabi niyang masakit sa dibdib, parang naramdaman kong lumubog ang puso ko. He just... described everything I was feeling too. Iyong mga tinatago kong emosyon na pilit kong pinapalitan ng galit, lahat ng 'yon ay naramdaman din niya.
I was longing too, but I was also scared that he didn't feel the same. I kept on telling myself that it was all in the past. Past na 'yon kaya kailangan ay kalimutan na... but it didn't work that way. Hanggang ngayon, naguguluhan pa rin ako kung bakit nararamdaman ko 'to. Tama ba 'to? Pakiramdam ko rin ay pagkakamali 'tong ginagawa ko... being close to him again.
But I couldn't stop myself. It was not my intention to be around him. Sobrang daming events lang na naroon siya, pati sa condo ko ay lumipat siya. Lahat ng 'yon... hindi ko inaasahan. I didn't want all of these to happen. It just did.
Does that mean anything?
"I know you don't feel the same way I do, and that's alright. I just hope my confession did not make you uncomfortable or anything..." He tried to dismiss what happened casually and just gave my shoulder a tap while smiling.
Aalis na sana siya nang magsalita ako. "That's it?"
Natigilan siya sa paglalakad, nakatalikod pa rin sa akin. Lumingon ako sa kaniya, hinihintay na magsalita siya but he just stiffened.
"Sasabihin mong mahal mo pa ako, tapos biglang sorry na parang hindi mo sinasadya, tapos ngayon gusto mong umakto ako na parang wala lang 'yon, na parang wala akong narinig? Bakit ba sobrang dali sa 'yo?"
Lumingon siya sa gawi ko at mabilis na naglakad palapit. "It's never easy, Kierra," mariing sabi niya, mahigpit ang hawak sa baso. "I just don't want to make everything hard for both of us."
"Then what if it's hard?!" I yelled. "Ano naman?! Hanggang ngayon ba, tingin mo sa akin ay hindi ko kayang mahirapan? Ano ba sa tingin mo ang naramdaman ko noong mga nakaraang taon? Sobrang hirap sa akin, Shan... Pero nandito pa rin ako, 'di ba? Lumalaban pa rin ako." Tumulo na ang luha ko.
"What do you really want to happen?" Napakunot ang noo niya. "What do you feel for me?"
"Hindi ko alam! Naguguluhan ako! Bakit ba dumating ka pa ulit, huh?! Bakit parang nagiging okay na ulit ang lahat?! Bakit ang sakit pa rin pero nangtatraydor 'yong puso ko tuwing nakikita ka?! Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa 'kin! Bakit ba naaapektuhan pa rin ako sa presensya mo?!"
"Do you love me?" Nagsalubong ang kilay niya.
Hindi ako sumagot at huminga lang nang malalim. Hindi ko kayang sagutin. Hindi ko kayang aminin sa sarili ko.
"That's what I thought," mahinang sabi niya. "I'll stay away from you until you make up your mind... because this is also hard for me, Ke." Tinalikuran niya ako at naglakad na paalis.
Naiwan ako roong nag-iisip nang malalim. Ininom ko kaagad lahat ng champagne sa baso ko at naglakad pabalik sa mga tables. Nilapag ko ang baso sa isang table at napaupo na lang, tahimik at may iniisip, habang ang iba ay nagkakasiyahan doon.
"Hey..." Umupo sa tabi ko si Luna, may dalang juice. "Kumusta ka? Tahimik mo diyan, ah..." Alam niya kaagad na may problema kaya lumapit siya sa akin.
Napabuntong-hininga ako at napahawak sa ulo ko. "Wala, naguguluhan lang ako. Hindi ko alam ang nararamdaman ko."
"Saan? Kanino?" magkasunod na tanong niya. Nilapit niya ang upuan niya sa akin nang hindi ako magsalita. Alam na niya kaagad ang tinutukoy ko. "Hindi mo alam kung mahal mo pa siya o nadadala ka lang kasi palagi siyang nariyan at may pinagsamahan kayo?"
"Hindi. Galit ako sa kaniya, Luna, eh..." Natawa na lang ako, hindi na alam ang gagawin sa sarili ko. "Kaya bakit ako naguguluhan kung may nararamdaman pa akong iba sa kaniya?"
"Ke..." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Pwede tayong magalit sa mga mahal natin... Pero hindi ko naman sinasabing mahal mo siya kaagad. Ikaw lang ang makakaalam niyan."
Napakagat ako sa ibabang labi ko. "Minsan... Tuwing naiisip kong gusto ko ring makaramdam ng ganoong klaseng pagmamahal..." Tiningnan ko si Sam at Clyden na sumasayaw sa gitna. "Naiisip ko siya... Kasi gusto kong paniwalaan na... 'yon 'yong pagmamahal na binigay niya sa akin noon kahit maraming nangyari... kasi iyon ang naramdaman ko, pero galit ako sa kaniya at sa sarili ko dahil pakiramdam ko nagsisinungaling pa rin ako sa sarili ko. Sinaktan niya ako."
"Iyon ang naramdaman mo rito..." Tinuro niya ang dibdib ko. "Hindi mo kailangang magalit sa sarili mo dahil naramdaman mo 'yon noon. Totoo 'yon para sa 'yo... Hindi ko alam ang lahat sa inyong dalawa kaya wala ako sa lugar para magsalita pero pansinin mo rin kung ano ang sinasabi nito." She pointed at my chest again before smiling. "Ikaw lang ang makakaalam niyan, Kierra."
Setting aside everything, lahat ng what ifs... Ano ba ang nararamdaman ko?
If I were given a chance to love someone again for the first time, I would still choose to love him... because I knew, deep inside, that his love was one of the best forms of love I received in the past. It was not perfect, but it tried its best to be. Loving him made me happy. Loving him made me realize that love was greater than I thought it would be.
If I were only given a chance to love again, huh... But what if that chance was this moment? What could I lose?
Time.
It was running for me. It was running for us. What could I lose besides time?
"Nothing," I whispered to myself.
Tumayo ako at nagmamadaling umalis pagkatapos magpaalam kay Sam at Clyden. I wished them a fun night before I ran towards the elevator. I went to our floor and tried to find his room number.
I composed myself. Huminga ako nang malalim bago kumatok doon. I thought to myself that if he opened the door, it was a sign to try again... but if he didn't, then it was also a sign not to.
I counted in my head. The door did not open. I also couldn't hear a sound from the inside. Tinaas ko ulit ang kamao ko, iniisip kung kakatok ako ulit nang biglang bumukas ang pinto.
Shan looked at me with surprise, like he didn't expect me to be there. He was still wearing the dress shirt and slacks, only with his necktie untied and his chest exposed.
"Why?" His voice was almost a whisper. It was raspy.
"I won't lose anything if I say this," pangungumbinsi ko rin sa sarili ko. Tumaas ang isang kilay niya sa akin.
"Say what?" interesadong tanong niya at sumandal sa may door frame, nakahalukipkip.
Huminga ako nang malalim, handa nang sabihin, pero naduwag na naman ako. I pursed my lips and shook my head before turning around to walk away. Ayaw ko! Hindi ko kaya!
"Not so fast, Ke," sambit niya kaya napatigil ako sa paglalakad. I turned both of my hands into a fist, nagpipigil at nangongolekta ng katapangan para masabi ang nasa isip ko. "What is it? What do you want to-"
"I'm still in love with you!" My yell echoed in the hallway.
Napalakas pala ang boses ko! Nahiya kaagad ako at at mariing pinikit ang mga mata ko. Mabuti na lang at kami lang ang nasa floor na 'to dahil lahat sila ay nagkakasiyahan sa baba.
"Wow..." His eyes looked so amused when I looked at him again. "What a strong way to profess your love for me. The hallway is a witness." Tumingin siya sa paligid.
"Stop teasing," mariing sabi ko, winawarningan siya.
"Come here, please?" Nilahad niya ang kamay niya.
Napairap ako bago naglakad palapit at humawak sa kamay niya. Nagulat ako nang hatakin niya ako papasok at sinara ang pinto. Sumandal siya roon at nilagay ang dalawang kamay sa baywang ko.
"You mean it?" nanigurado pa siya at tinaas ang isang kilay.
"Sasabihin ko ba kung hindi?" Sinamaan ko siya ng tingin. Napangisi siya at inayos ang buhok ko. Nilagay niya ang iba sa likod ng tainga ko habang pinagmamasdan ang mukha ko.
"I love you... and I will never get tired of it," bulong niya sa akin at hinalikan ang noo ko. Napapikit ako at humawak sa baywang niya.
That night, we risked it all. We were intimate... and we made love. He held me in his arms like we had all the time in the world. I rested on his chest. I wasn't thinking of anything but him. I wasn't thinking of our yesterday or our tomorrow... but today. I was just thinking of the moment we had in the present.
I opened my eyes and looked at the curtains. Madilim pa sa labas pero mukhang malapit na ang sunrise. Hindi kami nakatulog. I was wearing his polo and an underwear when I stood up and walked towards the balcony. Sumunod naman siya sa akin at yumakap sa akin patalikod. Sinandal niya ang baba niya sa balikat ko habang hinihintay namin ang pagtaas ng araw.
"Last night became another yesterday," bulong ko at humawak sa braso niya. "Ang galing ng concept ng time, 'no? Pagkasapit ng alas dose, panibagong araw na kaagad siya. All the memories you had on that day will suddenly just be left in your yesterday, and then you'll have to move forward again... because time is constantly running. Kailangan mong sabayan palagi. I felt before... that I was running out of time in love."
"Because everyone around you is getting married?" he softly asked and kissed the side of my head. "I know... But you know what I think? Love is beyond time."
Kumunot ang noo ko at lumingon sa kaniya. "Beyond time?"
"You cannot run out of time in love, because love is beyond time. Infinite love. Eternal love... Whether it is yesterday, today, or tomorrow, love... is there. It is something that cannot be measured by time."
"Naniniwala ka ba sa kasal?" I just wanted to know. "You told me before... that you do not have plans to marry."
Natahimik siya bigla at napabuntong-hininga. "I believe in marriage. Marriage has lots of benefits if we are legally speaking. I respect people who get married, and I am really genuinely happy for them. It's nice hearing their vows to each other... and seeing them so in love... but I grew up with parents who got married but probably never loved each other... so I know it's not for everyone."
"Wala ka pa rin planong magpakasal?" tanong ko ulit.
He gave me a small smile. "I do... I do want to marry you if I get the chance..." Napakunot ang noo ko. What chance? "But if I don't get that chance... I want you to know that my love for you is not limited by marriage."
"What do you mean?"
"Because marriage can be terminated by death, but my love for you is beyond forever, remember? So, even if you lose me, Kierra... I will still love you from where I am... until we meet again."
Napangiti ako habang nakatingin sa mga mata niya.
"I love you," bulong ko at hinalikan siya sa labi. "Alam mo, kung may alternate universe man, sana magkakilala pa rin tayo roon."
"I just know that every version of me will find you. Every version of me, at any point in time... will always find a way to be with you." Hinalikan niya ang noo ko at niyakap muli ako.
After that, we silently watched the sunrise in Paris... The city of love.
"Wake up, gorgeous." I felt a whisper in my ear.
Dahan-dahan akong dumilat at napakunot ang noo dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko galing sa bintana. Shan walked towards the window at sumandal doon, walang suot na pantaas at may hawak na kape.
Nakatulog pala ako pagkatapos ng sunrise. Agad akong napaupo at tiningnan ang oras. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang maaga pa kaya alam kong hindi pa gising ang mga 'yon. Naglasingan 'yon kagabi. Kailangan ko palang bumalik sa hotel room ko.
"It's my last day here," sabi niya sa akin. "Let's go out for a date."
"Wait... Magsha-shower lang ako..." Sinubukan kong bumaba sa kama at naramdaman ang sakit sa gitna ng binti ko. A lot happened before I slept.
"Are you okay?" tanong niya.
Binigyan ko siya ng thumbs up at nagmamadaling kinuha ang mga gamit ko. Sumilip pa ako sa hallway para tingnan kung may tao bago ako tumakbo pabalik sa hotel room ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil walang nakakita sa akin.
"Ke?!" gulat na bungad sa akin ni Luna.
"Ah!" Napatili ako nang makita siya. Napayakap tuloy ako sa mga gamit na dala ko tulad ng heels ko, gown, at purse kagabi. "Bakit ka nandito?!"
"Bakit ka kamo nandito?! Hotel room namin 'to! Iniwan kong bukas ang pinto para kay Kalix!" gulat na sabi niya rin. "At bakit ganyan ang hitsura mo?! Oh my god!" nagpa-panic na siya.
"Shh!" Pumunta kaagad ako sa kaniya at tinakpan ang bibig niya. Nagsasalita pa rin siya kahit nakatakip ang kamay ko sa bibig niya. Tinanggal ko lang 'yon nang tumigil siya. "I'll explain later!"
"Oh my gosh, nakipag-totnak-" Hindi ko na siya pinatapos at tumakbo na ako palabas.
Pagkarating ko sa totoo kong hotel room ay nag-shower na kaagad ako at inayos ang sarili. I wore a black flowy dress hanggang sa ilalim ng tuhod ko at saka pinatungan ko ng makapal na dark green jacket. I wore a pair of boots, a belt, and a hat.
Hindi ko alam pero parang bigla akong nakaramdam ng hiya nang magkita na ulit kami ni Shan sa lobby. He was wearing a black turtle neck, a green jacket, and a pair of black pants. Naka-boots din siya. Tinanong niya kasi kung ano ang susuotin ko.
"Let's go. I got us passes in The Louvre." Ngumiti siya sa akin.
"Weh?! I wanted to go there!" masayang sabi ko. Of course, an art museum?! Who wouldn't want to go?!
Excited ako nang makarating kami kahit may pila pa rin at maraming tao. I was so excited I kept on shaking his arm. He was smiling the whole time while watching me get excited. He took photos of me outside, and I also took photos of him. Nag-selfie na lang din kaming dalawa for memories. May litrato pa kaming nakahalik siya sa pisngi ko.
Pagkapasok namin, halos mahulog ang panga ko. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko! Hindi ko alam kung saan muna ako pupunta! Everything was so fascinating!
"Oh my gosh, oh my gosh..." Inalog-alog ko ulit ang braso ni Shan. Iyon ang ginagawa ko everytime we see a painting I admired even before. "Look, love! Tingnan mo... Inaaral ko lang 'yan dati tapos nasa harapan ko na siya ngayon. Wow..."
"Ke, look..." Shan pointed at a painting. "Someday, your art will also be in an art museum."
"Huh?! Taas ng pangarap mo, ha!" Tumawa ako.
"Why not?" Tumaas ang isang kilay niya. "You're the best artist I know."
Namula ang pisngi ko at umiwas ng tingin. Iniwan ko na lang siya roon dahil nahiya ako bigla sa sinabi niya. Ang O.A! Hindi naman ako ganoon kagaling! Baka art exhibit ay pwede pa... kaso hanggang pangarap ko na lang 'yon.
Nakakaiyak sa tuwa ang maglibot sa isang famous art museum. Hanggang sa coffee shop na pinuntahan namin ni Shan ay iyon pa rin ang bukambibig ko. Tumatango-tango siya habang nakikinig sa mga fun facts ko tungkol sa mga art na naroon.
"Wow, really?" He acted surprised.
"Eh... Alam mo na 'no?" Sumingkit ang mga mata ko. Mukhang peke naman iyong reaksyon niya sa sinabi ko!
"Yes." He laughed and pinched my cheek. "But you looked excited to say it."
Siya naman ang mukhang excited ngayong tinitikman ang mga kape. Mahilig talaga siya roon. Gusto niya yata ma-explore ang bawat kape sa bawat bansa. Tumikim pa siya sa kapeng in-order ko.
Noong pagabi na ay sumakay kami sa cruise sa Seine River. Doon daw kami magdi-dinner. We had our own table for two beside the window. Namangha na naman ako sa view. The table set-up looked so romantic with all the candles and flowers. May violinist ding nagpe-perform sa harapan.
"How could you prepare all of these in such a short time?" nagtatakang tanong ko. "Umamin ka. Inasahan mo nang mangyayari 'to, 'no?!"
"What?" Natawa siya sa akin. "I just paid extra for rushing tickets, and I know some people."
"Ang dami mo namang kakilala," pansin ko.
"Well? Being in lots of parties before finally pays back." Sumimsim siya sa baso niya ng tubig.
Nang sinerve na 'yong appetizer namin, nag-usap lang kami tungkol sa mga nangyari sa amin these past few years. I told him my experiences at work when I just started, and he also told his. Then, the topic went to his dad.
"He's still alive, in hospital arrest," sambit niya sa akin. "He keeps on asking for me. He probably knows he's going to pass away soon."
"Don't you have anything to say to him?" curious na tanong ko.
Napailing siya. "I actually want him to live longer... so he can pay for the things he has done. Going away too soon is not a punishment."
"I know that feeling..." Iyon din ang tingin ko kay Miguel. I didn't want him to go too soon. I wanted him to suffer from the things he did. He should feel the pain. He should feel the punishment. Hindi siya pwedeng mawala kaagad. "Well... Sabi nga nila, matagal mamatay ang masasamang damo," pagbibiro ko.
Napatingin siya sa phone niya nang tumunog iyon. He excused himself for a bit before answering a call.
"What?" Nanlaki ang mga mata niya, tila gulat na gulat. "Alright, tell me more about it when I'm back. I'm flying home this midnight."
Pagkapatay niya ng tawag, mahigpit niyang hinawakan ang baso at ininom lahat ng tubig na naroon. His other hand also turned into a fist like he wanted to slam the table. It was bad news.
"Bakit?" tanong ko. "Okay ka lang ba?"
"Just when we were talking about death..." He put his tongue against the inside of his cheek and shook his head. "Mackoy died inside the prison."
Mackoy? Iyong bumaril kay Amethyst? Iyon ang main suspect nila sa kaso ni Amy at nakakulong na siya ngayon.
"Oh my god... Pinapatay ba siya?" Napaawang ang labi ko. Villaflor probably wanted him dead so he wouldn't talk about getting involved with him.
"I can't think of any other reason. They said a fight just broke out inside, and he just happened to be stabbed by another inmate." Malalim siyang nag-iisip. "He cannot talk anymore. Fuck," he hissed.
He tried to act like he wasn't thinking about it during dinner so I wouldn't feel bad, but I knew how bothered he was because of it. Ngumingiti siya sa akin pero alam kong nawawala ang isipan niya.
"They would really resort to killing, 'no?" I opened the topic again para hindi na siya magkunwaring hindi niya iniisip 'yon. "Para wala lang sa kanilang pumatay ng tao. Wala silang konsesya. Parang hindi buhay ng tao ang kinukuha nila."
"They've been doing it so often that they just got used to it. They don't mind the blood on their hands anymore. They have already been consumed by evil. Wala na lang sa kanila 'to..." He sighed heavily. "It's also to scare people who are planning to take them down. They want to send a message..."
"Kasama ka?" kinakabahang tanong ko.
He looked at me and gave me a small smile. "I have always been on their list... ever since what happened to Miguel."
"Hindi ka ba natatakot?" Ako ang natatakot para sa kaniya.
"I already started it. I cannot stop now... This is not just for me, not just for you, but all the other people that will become their victims in the future if I stop now," pagpapaliwanag niya. "But to answer your question... I am not scared of death."
"Bakit?"
"If I will die fighting, I won't regret anything. I will only regret dying if I didn't do anything good in life... but I am trying." Nagkibit-balikat siya. "At least I know I'm doing something right. I know I did my purpose. I could finally be... forgiven by myself, by others, and by the universe. How about you?"
"Takot akong mamatay, 'no!" sabi ko kaagad. "Ang dami ko pang gustong gawin! Ang dami ko pang gustong maranasan. Ang dami ko pang gustong maramdaman. Hindi pa ako pwedeng mamatay." Tumawa ako.
"You can't. We have a lot more to explore." Ngumisi siya sa akin.
Pagkatapos ng dinner namin ay naglakad-lakad muna kami malapit sa river para bumaba ang mga kinain namin. Namamangha lang ako sa mga lights at kumuha ng iilang litrato para ma-post sa Instagram, tutal bumabalik na ako sa pagpo-post ngayon.
"Heart tayo," sabi ko kay Shan. "Dali na!" Mukhang nagdalawang-isip pa siya bago niya tinaas ang kamay niya para mag-form kami ng heart. Naka-timer lang ang phone ko na tinayo ko ulit sa sahig gamit ang bag ko.
"Can you pass those photos, please?" Kinuha niya ang phone niya. "If you don't mind, include your favorite photos of yourself too."
Ngumiti ako at pinasa sa kaniya ang mga pictures. Nagsama ako ng iilang pictures ko at habang naglalakad, nakita kong ginagawa niya iyong lock screen. Ang picture na napili niya ay iyong picture ko sa Eiffel Tower noong isang araw. Nakangiti ako abot sa mata habang hawak niya ang kamay ko. Sa likod ko ay iyong Eiffel Tower.
"I had fun today," sabi ko sa kaniya nang ihatid na niya ako pabalik sa hotel room ko. "Thank you. Have a safe flight."
"Thank you." He smiled and kissed me on the cheek. "Don't you want to spend more time with me?"
Tumawa ako at binuksan nang mas malawak ang pintuan para makapasok siya. Hindi pa naman siya aalis kaya mas gusto ko pa siyang makasama. Umupo siya sa sofa at umupo naman ako sa binti niya habang yakap-yakap niya ako sa baywang. Sinandal ko ang sarili ko sa dibdib niya habang ang mukha ko ay nasa leeg niya.
"Are you contented with my love?" tanong niya bigla sa akin.
Napatingin kaagad ako sa kaniya. "Oo naman... I had been longing for this kind of love... and it feels greater with you."
"I love you, Ayi," he said, smiling because he used my nickname. Tumawa ako at pinisil ang braso niya.
"I love you," sambit ko pabalik.
I was just in his arms the whole time until we checked the time. He stood up because he needed to go and leave already para makaabot siya sa flight niya.
"See you yesterday," paalam niya sa tapat ng pintuan ko.
I felt something weird in my stomach when I heard that phrase. My heart just started beating faster.
"See you yesterday." Ngumiti ako. "Safe skies."
Tumalikod na ako at pumasok sa hotel room. Para akong tangang nakangiti buong gabi hanggang sa makatulog. The next day, wala na si Shan pero nag-shopping kaming girls at humiwalay naman ang boys. Last day na namin 'yong fifth day kaya wala kaming ginawa kung hindi mag-ayos lang ng gamit.
Pagod na pagod na naman ako pag-uwi ko ng Pilipinas dahil sa jet lag. Nag-text ako kay Shan na nakauwi na ako pero hindi siya nag-reply.
Lumabas ako ng unit para sana kumatok sa condo niya pero wala ring sumagot. Kumatok ulit ako at naghintay.
Wala pa rin.
Aalis na sana ako nang bigla akong may narinig sa hallway. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nagmamadali si Shan maglakad at hingal na hingal. Natigilan siya bigla nang makita ako.
"Ke..." He was panting when he held my hand. "You're home."
"Ano'ng nangyari sa 'yo?" Mahigpit ang hawak niya sa phone niya. I saw a video footage on the screen.
"I'll talk to you later. I'm sorry." Nagmamadali siyang pumasok sa condo at sinara ang pinto. Nagtataka ako pero hindi na lang ako nagtanong. Baka busy siya sa trabaho.
Kinabukasan, maaga siyang nag-doorbell sa condo ko, may dalang breakfast bago kami pumasok sa trabaho.
"Is this a real plant?" tanong niya sa akin habang nakatingin doon sa halaman na nasa gitna ng coffee table.
"Nope," sabi ko sa kaniya. "Hindi ko kayang mag-alaga ng halaman."
Nakita kong may nilagay siyang maliit na kulay itim sa may paso kaya napakunot ang noo ko. He stood up and looked at it from afar.
"Ano 'yan?" tanong niya sa akin.
"A small flash drive." He looked at me and gave me a nervous smile. "It's mine."
"Bakit mo naman nilalagay diyan? Bakit hindi sa 'yo at bakit sa halaman pa?"
"It's my backup plan." Tumawa siya. "Just keep it there for me, okay? If something goes wrong, give it to Attorney Martinez. He will know what to do."
"What are you planning to do?" Kinabahan kaagad ako. "What is going on?"
He just gave me a smile. "Nothing... Nothing is going on."
That was also the lie he told me back then.
But he said... not knowing was better. He said it was something confidential from work that he couldn't tell anyone. Of course, I respected that. He was a prosecutor. There were a lot of things that he should keep a secret from me.
"Kumain ka na rito," sambit ko sa kaniya.
Naglakad siya palapit sa akin at niyakap ako bigla sa baywang. I giggled and told him to stop because it was ticklish, but he just kissed my lips and smiled.
"I'll pick you up after work," sabi niya nang maghiwalay na kami sa parking.
I was so excited to go home. Hindi pa nga ako nakakarating sa trabaho ay gusto ko nang umuwi. Motivated tuloy akong gawin lahat ng naiwan kong trabaho dahil alam kong may naghihintay sa akin pagkatapos noon. Dapat ay mago-overtime ako pero napagpasyahan kong tapusin na lang ang iba kinabukasan dahil may date ako.
"Nagmamadaling umuwi, ha?" sabi ni Luna sa akin.
"May date," sabi ko, nakangiti.
"Wow..." exaggerated na sabi niya. "Sige, good luck! Galingan mo, Ke! Kaya mo 'to! Bilib ako sa 'yo!" Hinampas pa niya ang dibdib niya gamit ang kamao niya bago tumuro sa akin.
Tumawa lang ako at pumasok sa elevator. Pagkarating ko sa lobby ay naghintay na lang ako sa tapat. Naka-working attire pa ako at hawak-hawak lang ang bag ko sa handle habang naghihintay. In just a few minutes, I saw Shan's car. Pumasok kaagad ako sa loob at sinalubong naman niya ako ng halik.
"Nice day at work?" tanong niya sa akin, nakangiti. He was also still in his working attire. Ang gwapo niyang tingnan doon.
Kinwento ko sa kaniya ang nangyari sa araw ko pero hindi siya makapagkwento sa akin dahil... confidential daw 'yon. Hindi ko alam kung dahil doon o kung ayaw niya lang talagang magkwento, pero tinanggap ko naman dahil may iba pa kaming napag-usapan.
Lumiwanag ang mga mata ko nang huminto ang sasakyan sa tapat ng Yesterday's Coffee. It still looked the same... ngunit bago na ang mga pintura. Lumabas ako ng sasakyan at nanatiling nakatayo sa tapat noon habang nakatingala sa signage.
"Wow..." bulong ko. All the memories came back to me. May mga tao pa rin sa loob pagkapasok namin. May mga katulad ko noon na nag-aaral, at may iba naman na nagchichikahan lang. The vibe was still calming as ever. The smell of coffee was amazing.
"Prosecutor Lopez!" bati noong manager doon. Ngumiti lang si Shan at kumaway. "Miss ka na namin dito, Sir."
"Can I make our drinks?" tanong ni Shan. Lumawak ang ngiti sa labi ko at pumalakpak pa ako sa sobrang tuwa.
Pumasok siya loob ng staff room para siguro maghugas ng kamay bago lumabas na naka-apron na. Nakasandal lang ako sa counter habang pinapanood siya. He was smoothly moving around like he really knew what he was doing. Of course... Siya ang gumagawa niyan noon. Palagi pa 'yon.
He made me the iced americano he always made me before. Ang sa kaniya naman ay cafe latte. Nag-order na rin siya ng pastries at pasta para makakain kami ng dinner.
Umupo kami sa isang table, magkatapat. Nakasuot pa rin siya ng apron kaya natawa ako at kinuhanan siya ng litrato. "I hope this can be renovated soon. I want to put more colors... and then a board, maybe."
"A board?" tanong ko.
"Where people can put photos or notes. It could be their favorite memory... or anything important to them. It's nice to look at that board to walk on other people's memories. I just like looking at their past... their yesterdays... so it lives up to the name. Yesterday's Coffee."
"Agree. Magandang idea 'yan." Tumango ako. "So... what's your favorite memory?" tanong ko sa kaniya.
"You answer first." Tumawa siya.
Napaisip tuloy ako. "Hmm... When we danced in front of the Eiffel Tower. Pangarap ko kasi 'yon... and I'm glad I did that with you. Oh, ikaw naman."
His lips formed a small smile and held my hand on top of the table. "When we got married in the garden... under the rain."
"It was a fake marriage," natatawang sabi ko sa kaniya.
"But everything was real to me. My feelings at that time... as I watched you walk down the aisle... were real. Witnessing that moment was very important to me. It was one chance... and you gave it to me."
"We can do that again," sambit ko. "Hindi naman kailangang isang pagkakataon lang. Marami pa naman tayong oras."
His smile grew wider. Marahan niyang pinisil ang kamay ko bago magsalita. "I hope so. I really hope... that time will stop when I'm with you, Kierra."
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top