35
"I don't remember!"
Ilang beses ko nang pinapalo ng malambot na unan ang ulo ko para lang maalala ko kung paano ako napunta rito sa lintik na hotel room ng lalaking 'to! Nakapag-shower na siya't lahat-lahat ay hindi ko pa rin maalala.
Narito pa rin ako kahit gusto ko nang umalis dahil ang sabi niya ay ikekwento niya raw ang nangyari kagabi, at kailangan kong malaman kung may ginawa ba akong masama! Wala pa naman ako sa ayos kapag nalalasing.
Tiningnan ko ang sarili ko at mukhang okay pa naman. Wala namang nagbago sa suot ko kahapon... Medyo dugyot nga lang dahil ito pa rin ang suot ko sa pagtulog. Nagmamadali akong tumayo at tiningnan ang sarili ko sa full-length mirror na nasa hotel.
Gulo-gulo ang buhok ko dahil natulog akong hindi nagbabasa ng buhok. Inamoy ko pa ang sarili ko at halos masuka ulit nang maamoy ko na naman ang alak sa sarili. Tumakbo kaagad ako at kinuha ang tubig sa may side table para inumin 'yon.
Nang hindi 'yon gumana ay nagmamadali akong kumatok sa C.R para buksan niya dahil nasusuka na ako!
"I'm getting dressed!" sigaw niya pero tuloy-tuloy pa rin akong kumatok.
Napatakip na ako sa bibig ko at hindi na makapagsalita. Kinalabog ko na naman ang pinto kaya napilitan na siyang buksan 'yon. Magagalit na sana siya sa akin nang tumakbo ako bigla sa inidoro at lumuhod para sumuka. Narinig ko ang buntong-hininga niya nang sumandal siya sa may sink at pinagkrus ang mga braso.
"Wild night, huh?" sambit niya.
Flinush ko kaagad 'yon at pumunta sa sink para maghilamos at magmumog ng mouth wash. I felt horrible! Bakit ba kasi inom ako nang inom?! Hindi ko na napipigilan ang sarili ko kapag may alak na! Pero... Celebration ng pinsan ko 'yon! Dapat lang na magsaya! Minsan lang magkaroon ng mga kasal-kasal!
Pagpunas ko ng face towel sa mukha ko ay napatingin ako sa salamin. Noon ko lang na-realize na nakasuot lang siya ng towel na nakabalot sa baywang niya. He was crossing his arms so I could see his defined muscles and his perfectly sculpted back through the mirror.
"I told you... I was getting dressed," he told me when he noticed me staring. Hindi ko alam kung paano niya nalaman dahil nakatalikod naman siya sa salamin dahil nga nakasandal siya. Nakita niya siguro ako sa gilid niya!
"Hindi mo man lang tinanggal ang makeup ko," reklamo ko nang makita ang sarili ko sa salamin.
"For the record, I just got back from the party," pag-point out niya at tinaas pa ang isang daliri.
"At six A.M?!" gulat na tanong ko nang tingnan ko ang orasan. "Six na natapos ang inuman?!" Grabe naman sila! Ang tagal nilang nag-inuman!
"Haze, Hiro, and I. Kami na lang ang natira. My head kind of hurts, honestly." Minasahe niya ang sentido niya.
"Wala akong paki," sagot ko at lumabas na ng banyo.
Narinig ko ang tawa niya nang isara niya ang pinto pagkalabas ko para makapagbihis na siya. Napatingin ulit ako sa sarili ko sa salamin. Nakasuot pa rin ako ng bwisit na dress na amoy alak. Natapunan siguro ako kagabi. Puro chug kasi tapos umaapaw na kaya natatapon papunta sa damit ko!
Tumingin ako sa cabinet at binuksan 'yon. Nakita kong may sweater doon na malaki. "Magpapalit ako! Pahiram!" sigaw ko dahil baka lumabas siya bigla. Tinanggal ko ang dress ko at sinuot ang sweater. Finally! Wala na 'yong alak na amoy. Napalitan na ng pabango.
Umupo ako sa may sofa nang lumabas siyang banyo, nakasuot na ng sweatpants at simpleng shirt. Kumunot ang noo niya nang makita ang suot ko pero hindi na lang niya pinansin at umupo na sa dulo ng kama habang pinapatuyo ang buhok gamit ang maliit na twalya.
"Last night, you were so drunk that they had to carry you to your hotel room," pagkekwento niya sa akin. "Clyden, Hiro, Sevi, and Acel carried you."
"Stop! Pause!" Tinaas ko ang kamay ko nang marinig 'yon. "Si Pres?!" Halos kainin na ng kahihiyan ang sistema ko. Hindi ko na alam kung paano pa ako sasali sa breakfast buffet namin ngayong araw!
"Yes... They put you inside your hotel room but you suddenly rose from the dead and ran into the hallway, asking where I was. Hiro said you kept on shouting, cursing me... You were asking them where my hotel room was. You asked them to open the door." Hindi niya malaman kung itutuloy pa niya ang kwento. "I don't know what happened after that or how you ended up sleeping in my room. I wasn't here the whole night. We were partying."
"My gosh..." Napatakip ako sa mukha ko. It was complete silence until I decided to stand up and leave immediately. "Ayaw ko na. Babalik na ako!"
Kinuha ko kaagad ang mga gamit ko at nagmamadaling umalis papunta sa hotel room ko. Mag-isa ako dahil lahat sila ay by partner sa hotel room! Mga mahaharot!
Naligo kaagad ako at nag-ayos para naman mukha akong presentable. Ayaw ko nang dagdagan ang kahihiyan ko! Nagsuot ako ng tank top at long skirt na pareho ang printed design. I tied my hair in a high ponytail before going down to the hotel restaurant for the breakfast buffet.
Nakita kong naroon na sina Luna. Halos kompleto na sila. Pinalakpakan nila akong lahat pagkarating ko. Sobrang nakakahiya! Napatakip ako sa gilid ng mukha ko at dumeretso sa may buffet para kumuha na ng pagkain.
"Ayaw mong tantanan 'yong pagsisisigaw mo sa hotel room ni Shan kaya roon ka na namin pinatulog," paliwanag ni Luna sa akin pagkaupo ko sa tabi niya. "Pinagpalit na lang namin kayo ng room kaso hindi niya yata naintindihan kaya nagkita pa rin kayo roon."
"Pucha, ayaw ko na mag-inom," sabi ko sa kaniya habang nakahawak sa ulo ko.
"Sabi rin naman niya hindi raw siya matutulog. Well, buti wala rin naman siya dahil anong oras na rin silang natapos. Okay lang 'yan, sis..." Tinapik-tapik niya ang balikat ko.
"Tangina mo talaga, Luna. Huwag na nating uulitin 'to," bulong ko sa kaniya sabay inom sa apple juice na kinuha ko.
"Okay ka lang ba? Sigaw ka nang sigaw kahapon. Mabuti na lang tayo lang ang nasa floor na 'yon. Nakakahiya," sabi sa akin ni Via.
Pinagpatuloy ko ang pagkain habang pinag-uusapan nila ang kaganapan kagabi. Hindi ako natutuwa dahil hindi ko matandaan ang mga 'yon! Nag-blackout yata ako nang gising. 'Yong feeling na gising ka pa pero hindi mo na alam 'yong ginagawa mo!
Mabuti na lang at wala si Pres doon. Tulog pa raw. Wala rin si Hiro, Shan, at Haze. Sila kasi ang mga natira kaya siguradong tulog pa rin ang mga 'yon.
"Kailan bachelorette mo, Ely?" tanong ni Luna habang kumakain kami.
"Oh, it's actually two weeks from now. Ida is planning it. I'm not sure what will happen for the surprise effect but I think we're going to Vegas."
"We're going to Vegas?!" gulat na tanong ni Sam. "Oh my gosh, I like that!"
"Ikaw, Sev? Saan bachelor party mo?" tanong ni Yanna. Curious din ako sa bachelor party nitong lalaking 'to.
"Vegas din kami, siyempre! Ako bahala sa 'yo, p're! Wala kang gagastusin kahit piso!" Umakbay si Arkin kay Sevi at ngumisi. "I'm the organizer! Huwag kayong mag-alala. Invited kayo, gentlemen... Ambagan na lang tayo, ha."
"Kinakabahan ako sa 'yo, tol," sabi ni Sevi.
"I'll try to clear my schedule," sagot ni Clyden sabay simsim sa kape. Lumingon kaagad si Sam sa kaniya at humawak sa braso, nangungumbinsi na.
"Don't try. Just do it," seryosong sabi ni Kalix.
"Why? Are you covering for me?" Tumaas naman ang kilay ni Clyden.
Napailing na lang ako sa kanila at pinagpatuloy ang pagkain. Hindi pa rito nagtatapos ang celebration ng wedding ni Luna dahil mayroon pa kaming pool party mamayang four o'clock para raw wala nang araw. Bukas pa talaga kami babalik sa trabaho... Maliban sa iba na pagkatapos ng breakfast ay bumalik na sa kanilang hotel room dahil naging abala sa mga phone calls at meetings. Tumatanda na talaga kami.
Natulugan ko na ang lunch dahil may hangover pa ako. Nagising na ako noong two o'clock na nang tanghali at hindi na nag-abalang kumain dahil nga nabusog na ako kanina. Nag-ayos na lang ako ng sarili para sa pool party mamaya. May buffet na naman doon kaya roon na lang ako kakain.
Naglagay ako ng sunscreen at inipit sa bun ang buhok ko. I was wearing a maroon bikini with the ties crossing over my body. Pinatungan ko iyon ng white beach robe, iyong manipis kaya kita pa rin ang suot ko sa loob.
Naka-close ang pool side ng hotel para sa amin kaya naman pagpunta ko roon, pare-parehong mukha lang ang nakita ko. Wala pa 'yong iba, pero naroon na sina Luna, Via, at Yanna, nag-aayos ng mga design kahit hindi naman nila role 'yon. Maselan lang talaga si Luna sa mga design... pati ako. Pagdating ko tuloy ay nag-ayos din ako.
"Nasaan 'yong iba?" tanong ko sa kanila nang maupo na kami roon. Nakasuot si Luna at Via ng one-piece habang si Yanna ay naka-two piece na may string din.
"Si Kalix, may meeting pa with client. Si Elyse, may meeting din with international companies. Si Sevi, ayaw lang mahiwalay kay Elyse. Si Sam, nag-endorsement shoot muna roon sa may garden para lang sa isang product na kailangan niyang i-post sa Instagram. Si Clyden, busy rin sa phone call from the ER," sunod-sunod na sabi ni Luna.
"Si Hiro, kasama ni Avi sa playground habang naghihintay ng sundo niya. Doon muna siya sa Lola niya. Si Haze, busy rin daw sa meeting. Si Chevy, may tinatapos lang daw sa work. Si Shan, nagbabasa ng files pero patapos na raw," dagdag pa ni Yanna.
"Si Arkin... Tulog," sabi ni Via. "Nag-alarm na 'yon kaya paakyat na rin siya."
"Talagang back to work pagkatapos mag-inom, ha," natatawang sabi ko dahil halos lahat sila ay mga busy pa rin para matapos ang trabaho bago makipag-pool party.
Magkatabi na kami ni Luna sa lounge chair habang naghihintay. "'Yong beach wedding ko, nauwi sa pool party," natatawang sabi ni Luna.
The wedding was actually moved further than the original date. Ang daming naging problema dahil madalian. Ayaw niya kasing magpakasal na malaki na raw ang tiyan niya kaya gusto agad-agad kaso hindi umabot 'yong mga kailangan para sa kasal in two weeks, lalo na iyong dress kaya stressed na stressed siya at kinailangan pang um-absent sa trabaho. Napunta tuloy sa akin ang mga inaasikaso niya kaya mas naging busy rin ako noong wala siya. Paano na kaya kapag nag-maternity leave na siya?
"Pero wala naman sa lugar 'yon, 'no?" sabi ni Yanna.
"True. Basta makasal kay Kalix." Ngumisi si Luna at sumandal sa may upuan, nakasuot ng shades. "Kawawa ka naman, Via. Na-extend din nang na-extend ang stay mo." Tumawa kaming lahat.
"Wala... Sunod-sunod ang event, eh," sabi ni Via, natatawa rin. "Mayroon pa kay Sevi at Elyse, tapos kay Sam at Doc."
Unti-unti na rin naman silang sumunod sa amin pagkatapos ng mga meeting nila. Medyo mukhang na-stress pa ang iba, tulad ni Elyse na pagkarating ay dumeretso kaagad sa pagkuha ng orange juice para lang pakalmahin ang sarili.
"My gosh, nakaka-stress talaga kausap ang mga 'yon. Pwede bang tumalon na sa pool?" Napairap siya.
Sabay dumating si Sevi na mukhang sinundo si Arkin sa hotel room dahil hindi nagising sa alarm. Si Sam ay pawis na kaagad pagkarating dahil mainit sa pinagshooting-an niya. Si Clyden, Kalix, at Haze ay sabay ring dumating. Ang pinakahuli ay sina Hiro, Shan, at Pres.
May booths doon sa tabi ng pool. May unlimited drinks like cocktails, shake, juice, at mayroon ding unlimited snacks. Iba't iba siya. Tumambay muna ako sa may mga tables habang kumakain ng sushi. Ang iba ay nag-swimming na. Nagsihubaran na ng mga pangtaas ang mga kalalakihan para mag-swimming. Tanggal na rin ang cover-up ng girls habang umiinom kami ng shake sa may gilid ng booth at pinag-uusapan ang bachelorette ni Elyse. Hindi naman halatang sobrang excited sila.
"I'm not sure because Luna and I cannot drink. Maybe hindi n'yo mae-enjoy," nag-aalalang sabi ni Ely.
"Oh my gosh, ano ka ba! We don't need alcohol naman!" sabi ni Sam. "We can just have fun by doing different activities! We can go to other places if you want!"
"New York kaya?" Siniko ko si Luna at nagtawanan kami nang makuha ang inside joke na 'yon. Pinaliwanag pa ni Yanna sa mga hindi naka-gets.
"Ah, okay. Ngayon ko lang na-gets. Sorry, sa car lang kami, eh," sabi ni Sam, natatawa.
"Dugyot, Sam, ha," nandidiring sabi ni Yanna.
"Ikaw naman! We're not young anymore, babe!" Sinandal ni Sam ang ulo niya sa balikat ni Yanna at yumakap sa baywang nito.
"Ikaw, Via? Kumusta naman?" tanong ni Luna at tinusok pa ay baywang nito.
"Ano ba 'yan. Huwag na nating pag-usapan ang mga ganiyan." Namumula na si Via at hindi makapagsalita nang maayos.
"Sus, sige, si Ke na lang!" Ako naman ang pinuntirya ng pinsan ko. Sabi ko ay tantanan niya ako.
"Oh my gosh. I don't want to hear." Nagtakip ng tainga si Elyse. "This is weird!"
Tumawa lang ako at binatukan ang pinsan ko. Wala na akong balak sagutin 'yon! Kung ano-anong pinag-uusapan ng mga girls. Napatingin tuloy ako kina Sevi, napapaisip kung ano ang pinag-uusapan nila. Nakaupo si Arkin at Sevi sa may gilid ng pool at nasa pool naman mismo si Clyden, Kalix, at Hiro. Si Shan ay nakatayo sa gilid kasama sina Haze at Acel dahil umiinom sila ng juice. Mga nabilad na sila sa araw at naka-shades.
"Parang seryoso pinag-uusapan ng mga 'yon," sabi ko kina Luna. "Ano kaya ang topic nila?"
"Trust me. They're probably just talking about us." Napailing si Sam.
"Backstabbers ang mga 'yan," pag-agree ni Yanna. "Lalo na 'yang si Shan, Hiro... Isama n'yo na rin ang Kuya niya. Baka kung ano na ang pinagchichismisan nila."
"Hindi, eh. Parang nag-uusap sila kung ano ang plano nila sa bachelor party." Pinagmasdan din sila ni Via. Lahat kami ay nakatingin lang sa kanila. "Ano kaya ang gagawin nila?"
"Sev is probably talking about this new computer game he discovered last week..." Iyon naman ang hula ni Elyse.
"Kaya pala parang mukhang interesado si Kalix." Sumingkit din ang mga mata ni Luna habang may hawak na shake.
"Kaya n'yo 'yan, girls. Ako, chill lang." Iyon lang ang ambag ko.
Tumawa ako sa kanila dahil abala sila sa paghuhula kung ano ang pinag-uusapan ng mga partner nila. Wala naman akong partner kaya umupo na lang ako sa may lounge chair at sumandal. Nagsuot ako ng shades at pinikit ang mga mata, nagpapahinga.
Nang magkayayaan na silang mag-swimming ay sumama na rin ako at unti-unting nilubog ang sarili ko sa pool. May hired photographer at videographer si Luna for memories kaya hindi na namin kailangang mag-abala sa pagkuha ng litrato sa isa't isa.
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko." Napasapo ako sa noo ko nang magkaroon na ang couples ng isa-isang picture.
"Ke, tayong tatlo!" aya sa akin ni Luna sa picture nila ni Kalix.
"No, thanks! Ginawa mo pa akong third wheel!" sabi ko sa kaniya kahit alam kong nagpapaka-considerate lang siya sa akin dahil ako lang ang walang partner sa kanilang girls.
"What's your type ba? I can look for someone," alok ni Elyse sa akin habang nakaupo kami sa may gilid ng pool.
Natawa ako sa kaniya. Hindi ba siya naiilang na reretuhan niya ng lalaki ang ex ng kapatid niya? Parang ako ang nahiya pero sinagot ko na lang din. Nagbibiruan lang naman siguro kami.
"Hmm, poging matalino," sabi ko sa kaniya. Sinimplehan ko na lang.
"Ang general!" Kinuha niya ang phone niya at naghanap. "Do you like businessmen? I know a lot of people but most of them are assholes."
"Si Theo, Ke?" Umupo bigla sa kabila kong side si Sevi, nakangisi. "Ayaw mo ba kay Engineer Lavin?"
"Ano b'ang sinasabi mo, Sevi? Kaibigan ko 'yon!" tanggi ko kaagad. "Tsaka wala namang gusto sa 'kin 'yon!"
"Nakakatawa ka talaga, Kierra." Sabay akong tinawanan noong dalawa. May alam ba silang hindi ko alam?! Bakit nila ako tinatawanan?!
"Malay mo you can turn from friends into lovers!" sabi rin ni Elyse.
Napasimangot ako at umiling sa kanilang dalawa. Tumayo na kaagad ako at iniwan silang tumatawa roon, nang-aasar. Pumunta na lang ako sa may snacks booth at kumuha ng isang small plate ng nachos.
"Fuck you! I don't have a girlfriend but at least I'm not a fucking coward!" rinig kong sigaw ni Shan na naglalakad patalikod, nakikipagtalo kay Haze. Nabunggo pa niya ako kaya natigilan siya at lumingon sa akin. "Oh, sorry."
I heard a collective 'ooh' when he looked at me and gave me an awkward smile. I heard louder 'oooh's when I just rolled my eyes and went back to the lounge chair. Shan just raised his middle finger at Haze and Hiro because they kept on laughing.
"Kuya, don't worry! I will find someone for you! What's your type ba?" narinig kong tanong naman ni Elyse. Iyon din ang tinanong niya sa akin, ah?!
"I don't want a girlfriend, Elyse." Nilagay ni Shan ang kamay niya sa tuktok ng ulo ng kapatid.
Hindi ko na pinansin ang asaran nila roon at kumuha na lang ng buko juice bago naglakad paalis. Dala-dala ko pa ang baso at ang plato ko habang naglilibot sa pool area nila. Nagkaroon lang ako ng kapayapaan nang makakita ako ng couch sa malilim na lugar.
I took some selfies of me, and then took photos of the food. Pinost ko lang iyon sa Instagram at nilagay ang location ng hotel. Walang caption. I could... take photos of myself now. Kapag tinitingnan ko ang camera roll ko ay napapangiti na lang ako dahil hindi ko inakalang dadating ang araw na confident na ulit ako sa pagkuha ng litrato sa sarili ko. Confident na akong ipakita ang sarili ko sa iba.
I was happy with what I achieved... sa work, sa buhay, sa sarili. Hindi ko naman pagkukulang ang hindi pagkakaroon ng partner o kung ano man. Kompleto pa rin naman ako kahit wala 'yon... pero iniisip ko lang din ang mga what if's.
"No point, Ke," bulong ko sa sarili ko. Diyan ako nadadali, eh... sa mga what if's na 'yan. Diyan nagugulo ang utak ko.
When I went back to return the plate and the glass, it was already sunset. Kaniya-kaniya silang kuha ng litrato ng sunset. May live band na ring tumutugtog dahil hanggang gabi itong pool party. Ewan ko lang kung hindi sila magsawa sa kaka-swimming. Sawa na nga ako. Mukhang nage-enjoy pa sila dahil naglalaro sila ng games.
Mabuti na lang at hindi na kami nag-inom. Hindi na raw nila gusto dahil may alak pa rin sa sistema nila.
Pagkatapos ng celebration ay balik na naman kami sa trabaho. Tapos na naman ang maliligayang araw ko at napalitan na naman ako ng stress. Nag-iinit ang ulo ko habang chine-check ang gawa noong isang team na in-assign ko sa project sa Quezon City.
"Ano 'to? Kaparehas ng design doon sa Premium City building sa Taguig. Wala na bang bago?" Napamasahe ako sa sentido ko at binaba ang folder. "Sundin ang gusto ni client as much as possible. 'Di ba ang sabi niya ay ayaw niya ng complicated exterior na ganito?"
Pagod na pagod na naman ako nang makauwi. Umulan pa sa site kaya basang-basa ako habang nagda-drive pauwi. Pagkatapos kong mag-shower ay binagsak ko padapa ang sarili ko sa kama para ma-stretch ang likod ko. Nagkakaroon na ako ng back pains. Minasahe ko na rin ang balikat ko.
Ayaw ko nang maging adult! Paano ba 'to i-rewind?! Kung alam ko lang na magiging ganito kahirap ay sana ang dami ko nang ginawa noong bata pa ako. Well... Ayan na naman ang what if's na kailangan kong tigilan. Nandito na ako kaya haharapin ko na lang 'to.
"It's part of life, Ke!" pangungumbinsi ko sa sarili ko. Pero gusto ko ng rest... Kahit kaunti lang!
Parang hindi naging maganda ang kinalabasan ng sinabi ko dahil kinabukasan ay sobrang sama ng pakiramdam ko. Tumawag kaagad ako kay Luna at sinabing gagamitin ko ang sick leave ko dahil hindi man lang ako makatayo sa kama nang hindi sumasakit ang katawan ko.
"Pupuntahan kita!" sabi niya sa akin.
"Huwag na! Marami ka pang aasikasuhin! Tingnan mo mga folders sa desk ko. Naiwan ko ang gawain ko kahapon," bilin ko sa kaniya. "Kaya ko sarili ko. Tatawagan ko na lang si Mommy."
Nakumbinsi ko rin siyang huwag na akong puntahan. Pagkatapos niya ay si Mommy naman ang tinawagan ko sa Messenger. "Mommy, saan ka?" tanong ko kaagad.
"Your dad and I are in Singapore!" tuwang-tuwang balita niya sa akin. "Why? Is there something wrong?"
"Wala, Mommy! Take care!"
Hindi ko na sinabi dahil baka umuwi pa sila galing Singapore. Pinilit ko na lang ang sariling tumayo at maglakad papuntang kusina para magtingin ng pagkain. Na-realize ko rin na wala akong lakas magluto kaya naman humiga na lang ako sa sofa at nag-order ng pagkain online. Ipapadala ko na lang at kukuhanin ko sa baba. Kaya ko naman bumaba! Kakayanin ko! Ako pa ba!
Nag-order ako ng pinakauna kong nakita pagkabukas ko ng application. Mabuti na lang at noodles 'yon dahil wala akong gana kumain ng kanin. Pumikit lang ako saglit pero mukhang nakatulog ako.
Nagising ako sa doorbell sa unit ko at sa limang missed calls galing sa driver. "Oh my gosh." Minura ko ang sarili ko at dahan-dahang tumayo para pumunta sa pinto.
Naubo pa ako pagkabukas ko ng pintuan kaya napatakip ako sa bibig ko. Hindi nakatulong na si Shan ang bumungad sa harapan ko, dala-dala iyong paper bag na may logo ng restaurant na pinag-orderan ko.
"I picked this up from the lobby. Apparently, the lobby called the wrong unit. Good thing I still haven't gone to work... Are you okay?" Hindi ko na maintindihan ang mga sinabi niya.
Kinuha ko na lang ang paper bag. "Thank you." Naubo ulit ako bago isara ang pinto... kaso hinarang niya ang kamay niya at tinulak ang pinto pabukas para hindi siya maipit. "Wala akong energy makipagtalo sa 'yo."
Humiga na lang ulit ako sa couch pagkalapag ko ng pagkain sa may coffee table. Ni wala na akong lakas itulak siya palabas ng unit ko. Kahit masigawan siya ay hindi ko pa magawa. Pinikit ko na lang ang mga mata ko habang naka-curl up ang katawan ko dahil nilalamig. Hindi naman nakabukas ang aircon pero nilalamig pa rin ako.
Napadilat ako nang ilagay niya ang kamay niya sa may noo ko. "Shit, you're burning," sabi niya sa akin. "You should eat."
"Wala akong gana." Pumikit na lang ulit ako.
Narinig kong nilabas niya ang pagkain mula sa paper bag. Pagkadilat ko, nakabukas na iyong container at hinahalo-halo na rin niya ang noodles gamit iyong chopsticks pero tumayo ulit siya at kumuha ng tinidor para hindi na ako mahirapan.
"Pumasok ka na sa trabaho mo. Hindi kita nurse," sabi ko at tinakpan ang mga mata ko gamit ang braso ko.
"Get up. Slowly..." Parang wala siyang narinig at inalalayan akong umupo sa couch para makakain ako. "You should eat before you sleep again."
"I can do it," I hissed. Kinuha ko ang container at pinilit ang sarili kong kumain.
Tumayo naman siya at inikot ang paningin sa unit. Nang makita niya iyong nakatupi niyang sweater sa may taas ng table ay kinuha niya 'yon. Iyon 'yong hiniram ko sa kaniya mula sa party ni Luna. Ibabalik ko sana ngayong araw.
"Wear this." Dala-dala niya sa kamay niya ang sweater.
"Hilig mo mang-utos, 'no? I can do it myself without you telling me."
"You clearly still have the energy to argue... but that's good."
Kinuha ko ang sweater at sinuot 'yon. Hindi ko na inubos ang in-order ko at humiga na lang ulit sa sofa para matulog. Wala akong gustong gawin kung hindi mahiga lang. Hindi naman ito ang 'rest' na pinapangarap ko!
"Go to work. Just leave me alone," mahinang sabi ko habang nakapikit. "What else do you want to hear for you to leave?" ulit ko ng sinabi niya sa akin noon nang maalala ko.
Natahimik siya bigla at umiwas ng tingin. "Alright... I need to go to work anyway."
Kinuha niya ang mga gamit niyang nilapag niya sa sahig dahil sa pagmamadali. Pinanood ko lang siyang umalis ng unit ko. Nang mawala na siya ay napabuntong-hininga na lang ako at tumingin sa kisame.
"He deserves it," bulong ko.
Natulog lang ako buong araw. Iyong noodles na ang huling kinain ko dahil wala akong gana. Naging mas okay naman ang pakiramdam ko dahil tumayo ako kanina para maglagay ng basang bimpo sa noo ko. I did all of those myself just to prove that I could take care of myself without the help of anyone.
But I still felt so shitty. Nagpawis na ako kaya nagpalit na ako ng damit. I wanted to take a shower but my body hurt so bad that I couldn't. Pinunasan ko na lang ng bimpo ang sarili ko at humiga ulit, nakatapat sa TV para makanood ako at hindi ma-bored.
It was around six o'clock in the evening when I heard a doorbell. Nakahawak ako sa ulo ko habang naglalakad papunta sa pinto dahil tumayo ako kaagad.
"What now?" bungad ko kay Shan nang makita na naman siya. Mukhang kakabalik niya lang galing trabaho. Naka-untie na ang necktie niya sa leeg at nakatupi ang polo hanggang siko.
"Dinner," seryosong sabi niya, mukhang hinihingal pa at nagmadaling pumunta rito.
"Huh?" Nagsalubong ang kilay ko.
"I know you haven't eaten dinner. I cooked." Nilahad niya gamit ang dalawang kamay ang dala niyang containers na mukhang hinanda niya talaga. "If... If you want to... Uh... taste them."
It was a weird way of saying that he wanted me to eat dinner. Siguro dahil sinabi ko sa kaniyang mahilig siyang mang-utos kaya dinadaan niya sa ibang paraan. Well... It worked.
"Thanks." Kinuha ko ang containers sa kaniya pero nakatayo pa rin siya roon. "Ano pa?"
"Can I... wait for you to be finished? I... Uh... I need the containers back," palusot niya na naman.
Natawa ako nang sarkastiko at binuksan nang mas malawak ang pintuan para makapasok siya. He just wanted to make sure that I would eat them, obviously. Hinayaan ko na lang siya at dumeretso sa may dining para buksan ang containers.
He cooked chicken soup, may avocado salad din, at may rice. "I'll get utensils," sabi niya at tumayo na. Nilapag pa niya ang phone niya sa table.
I happened to see what was on the screen. He searched for something on Google.
'Good food for sick person'
I bit my lower lip to stop myself from laughing. Uminom na lang ako ng tubig para hindi halata. Unang-una pa roon sa article ang chicken soup kaya siguro ito ang hinanda niya. May avocado rin kaya siguro may avocado salad.
"Here." Bumalik sa normal ang mukha ko nang umupo siya sa tapat ko at binigay sa akin ang utensils.
"Thank you," sabi ko ulit at kumain na. Nakatitig siya sa akin, hinihintay ang feedback ko. Pagkanguya ko ay tumingin din ako sa kaniya. "Masarap, ha..."
I could never doubt his cooking skills. He was good at cooking, baking, making coffee, and other dishes.
"You're good at everything. Give me something you're bad at," hamon ko sa kaniya.
Natahimik siya at napatitig sa akin. He pursed his lips like he wanted to say something but he was still debating it with himself.
"What?" I urged.
"Love," he answered.
Natigilan ako sa pagkain ko. Nakatingin lang ako sa soup, nakayuko sa table.
"I'm the worst at love."
Inabot ko ang baso at inubos ang tubig doon. Hindi ako nagsalita at tumayo na para salinan ng panibagong tubig galing sa ref ang baso. We were silent again. Iyong tubig lang na tumatama sa baso ang naririnig ko.
Nang bumalik ako sa upuan ay nilapag ko ang baso sa gilid at tumingin sa kaniya. "Then you shouldn't have tried. Dinamay mo pa ako."
He gave me a small smile that didn't reach his eyes. "Right..." Tumango siya. "Do you regret being with me?"
I didn't know how to answer that. We just stared at each other's eyes for so long. It was probably the first time we talked about ourselves. I felt awkward. When asked directly, hindi ko na alam ang isasagot ko.
"Do you?" tanong ko pabalik.
His lips formed a lazy smile as he leaned against the chair with his arms crossed. "You should eat before it gets cold." He changed the topic and also refused to answer.
Hindi ko alam kung aling sagot ang gusto kong marinig. Ito ang problema ko. I had been hurt over and over but deep down, I still hoped that there was love in the relationship... that I did not fail on that part. At least, kahit sa akin na lang galing ang pagmamahal na 'yon... basta mayroon.
"But I want you to know... that all throughout our relationship, I loved you... so much, and I would... over and over again." He gave me a small smile.
____________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top