31
"Kung nakulong sana siya, hindi ako habangbuhay matatakot na baka pagpunta ko sa isang lugar ay naroon siya at makikita ko siya."
Sumandal ako sa balikat ni Luna habang nakaupo kami sa may balcony. Undas break na pero narito pa rin kami sa condo at hindi pa umuuwi sa pamilya namin. Umiinom pa kami ng beer.
"Bakit kaya ganoon 'no? Kung sino pa 'yong makasalanan, sila pa 'yong malaya," sabi rin ni Luna. Pareho kaming nakatingin lang sa harapan habang hawak ang bote. "Ano nang nangyari sa justice system natin?"
"Sana... balang-araw, may mga successful nang lawyers na kayang baguhin 'yong sistema. Alam mo, umaasa pa rin ako na balang-araw, mapunta siya sa totoo niyang lugar," pagod na sabi ko. "Pero... ang hirap umasa sa sistema natin."
Dahil biktima ako noon. Kung sana ay nakulong na siya noon pa... Hindi ko na sana siya makikita ulit.
"'Di ba ang dami na niyang biktima? Nakakatakot na nasa labas pa rin siya at may chance na may mga isusunod pa siya. Hindi na talaga magbabago ang ugali ng taong 'yon. Habangbuhay na siyang demonyo. Tangina, dapat talaga roon binubulok sa kulungan. Sana pala nag-abogado na lang ako, Ke," pagbibiro niya sa dulo. "Ipaglalaban kita hanggang kamatayan."
"Kung mayroon lang sanang tao na kayang gawin 'yan..." Napabuntong-hininga ako. "Pero wala... Pera-pera na lang at kapangyarihan, ano?"
"Malay mo... Dumating ang araw na hindi na sila kayang isalba ng posisyon nila." Humarap siya sa akin. "Hay... Gago talaga ng mga Villaflor. Lahat sila mga siraulo. Ginawa nang family business ang politika."
They wanted to preserve the power within their family that they built for years. They established lots of connections for that to happen. Kaya nilang gawin lahat. Pati kasalanan ay kaya nilang takasan. Kahit ano pa 'yan, kaya nilang pagtakpan. Parang kinakalimutan na lang ang mga kasalanan nila. Nawawala na parang bula. Parang isang panaginip.
"Kumusta na kaya si Sam?" tanong ko nang maalala ang balita sa magulang niya. "Nag-aalala ako roon dahil hindi na masyadong nakikipag-usap. Hindi rin siya nag-celebrate ng birthday. Palagi pa namang grand ang birthday niya at maraming tao. Sayang. Masaya sana 'yon."
"Hay... Sayang nga. Alam mo naman 'yon, hindi naman talaga nagsasabi masyado 'yon. Ikaw... Nag-promise ka sa 'kin na sasabihan mo ako kapag masama ang pakiramdam mo o kapag hindi ka okay, ah," paalala niya sa akin. "Kapag talaga sinaktan ka ni Sundae... Susuntukin ko 'yon!"
Tumawa ako sa sinabi niya. "Huwag kang mag-alala, ako na unang mang-aaway roon. Akala niya hahayaan ko lang siya?!" Sumimangot ako.
"Ang taray naman ng cousin ko. Baka cousin ko 'yan," pang-aasar ni Luna.
Sana nga mayroon ako ng tapang na 'yon kapag dumating ang araw na kailangan kong gamitin 'yon. Pinanghahawakan ko 'yon dahil pinapahalagahan ko ang sarili ko. Ito na lang din ang mayroon ako.
"What's your plan for your birthday?" tanong ko kay Shan habang kumakain kami.
He lied to me countless times, but I kept on thinking that he had his own reasons... na baka hindi pa siya ready na sabihin sa akin, na mag-open up sa akin. Ayaw ko siyang pilitin. He waited until I was ready. Kailangan ganoon din ako sa kaniya.
Hindi pala madali. Hindi ko naman inisip na magiging madali, pero kapag nasa relasyon ka na talaga, ang hirap... lalo na kapag... ayaw niyang makipag-usap. Ayaw niya ng problema.
He was escaping. Nasabi niya sa kaibigan niyang ayaw niya ng mga away o gulo sa relasyon, kaya ang solusyon niya ay takasan na lang. Isang sorry, dapat okay na, nabura na ang kasalanan pero... Hindi ko maiwasang pagdudahan siya.
Nanatili pa rin ako. Maghihintay ako hanggang sa handa na siyang magsabi.
Naisip ko... na baka may malalim na pinanghuhugutan naman ang problema niya sa komunikasyon. Baka... may nakaapekto roon dahil may mga pinagdaanan din siya sa nakaraan, pero hanggang 'baka' lang lahat ng 'yon dahil hindi naman siya nagsasabi sa akin.
"I have a lot to do on that day," sabi niya sa akin at napabuntong-hininga. "Law school is draining. I'll just spend it in the condo."
Was that true? O isa na naman 'yon sa mga kasinungalingan niya?
"Okay..." mahinang sabi ko at ngumiti na lang sa kaniya.
Naisip ko nang i-surprise siya noon dahil noong huling birthday niya ay hindi kami nakapag-celebrate. Noong birthday ko, hindi ko rin siya nakasama i-celebrate 'yon noong mismong araw na 'yon dahil nasa bakasyon ako sa Bataan.
Bago niya ako ihatid pauwi ay tumambay muna kami sa isang empty parking lot. May hawak pa akong cup ng shake na hindi ko naubos. Nakasandal lang kami sa hood ng sasakyan niya habang magkatabi.
"Kahit bago lang relasyon natin, ang dami na rin pala nating pinagsamahan 'no?" Na-realize ko lang na kahit hindi pa kami, ang dami na naming memories na magkasama. "Pakiramdam ko... ten years na tayong magkakilala."
"Technically, we've known each other since we were kids," he pointed out, laughing.
"Eh, hindi mo ba gets ang sinabi ko? Parang ten years na tayong... Alam mo 'yon, magkasama," paglinaw ko naman. "Do you... see your future with me?"
Natigilan siya bigla at lumingon sa akin. Nagkatinginan kami nang matagal bago niya inabot ang isang kamay ko para hawakan.
"You know, Ke... I never imagined myself being in love." Yumuko siya, umiiwas ng tingin sa 'kin. "I already lost all hopes in family or building relationships with people because I grew up with my parents... who didn't love each other. Araw-araw, may sigawan. Araw-araw, may away. And I... as a child, would be the receiving end of their emotions. I watched them fight a lot... so I hated fighting. I don't like it when we fight... or are about to fight."
Tumango ako at tumingin sa kamay kong hawak niya ngayon. "But..."
"But I know that it's normal to have disagreements in a relationship. I'm just scared... that we would end up like them. I don't like looking into the future... because I don't want to become disappointed... but heaven knows how much I want this to work. I really want us to work. I don't know what awaits us tomorrow... but I hope I can still hold you like this." He tightened his hold on my hand.
"We can make this work... only if we play our parts," sabi ko naman sa kaniya. "I cannot make this work alone, Shan. Alam mo 'yan... I need you to tell me the truth. Ano ang nangyayari sa 'yo?"
He scoffed and shook his head. "Ke... It's something that I don't want you to be involved in. It's my problem, not yours."
"Ganoon ba 'yon, Shan? So, kapag may problema ako, dapat hindi ko rin sabihin sa 'yo dahil hindi mo naman problema 'yon, ganoon ba?" hindi-makapaniwalang sambit ko. "Mas pipiliin mong magsinungaling, ganoon?"
"You know why I lied a lot when I was a kid?" Umiwas siya ng tingin sa akin. He swallowed the lump in his throat, remembering the memories. "Because... I was scared. Every time my dad would hurt me, I would make different excuses to my mom, saying it was an accident... or I tripped... I fell... My head accidentally hit the sink... Why? Because I was scared. And right now, Kierra... I am scared."
Napaawang ang labi ko habang nakatitig sa kaniya. "Bakit?"
"I am always scared to lose you."
"But lying and hiding things from me could also make that happen..." sambit ko. Kung ipagpapatuloy niya 'yon, baka mawalan na ako lalo ng tiwala sa kaniya. The effect of what he was doing was greater than what he thought. "Hindi pwedeng ganito, Shan."
"Can you... give me more time?" His eyes were begging.
I did. I gave him time. I cannot force him to tell if he was not ready.
Kahit busy sa school, naghanda pa rin ako para sa birthday niya. Ayaw ko namang punuin ng designs ang condo niya kaya kaunting balloons na lang ang hinanda ko, isang cake, at nagluto ako ng food para sa aming dalawa. I set up the table in his condo with candles.
Hindi mawala sa labi ko ang ngiti, naiisip pa lang kung paano siya magre-react. I was sure na matutuwa siya rito. I was so excited for him to come home.
My gift was a watch. Super common pero wala na akong maisip. The watch looked good. Bagay naman sa kaniya.
I was seated on the couch while waiting dahil tapos ko nang i-prepare lahat. Kinuhanan ko pa ng pictures 'yong mga lobo at 'yong design. Nag-selfie pa nga ako, nakangiti. Parang mas excited pa ako sa magbi-birthday.
Tumingin ako sa orasan at nakitang late na kaya dapat nakauwi na siya... pero wala pa rin siya rito. Napanguso ako at nanood na lang ng TV para libangin ang sarili ko. Hindi rin siya sumasagot sa text ko kaya inisip kong baka nagda-drive na siya pauwi. Baka na-late lang ang klase o kaya baka may ginawa pa siya. Baka nag-aral pa siya o kaya ay nag-exam.
"Antok na 'ko..." bulong ko at tumingin ulit sa phone ko. "Wala pa ba?"
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog. Pagkagising ko ay nine o'clock na. Nakarinig ako ng nagbubukas ng pinto kaya agad akong tumayo, sasalubungin sana si Shan dahil birthday niya.
Nang bumukas ang pinto ay nawala ang ngiti sa mga labi ko. Bumungad sa akin si Shan na nakatulala, marumi ang suot, may kaunting sugat, at may mga talsik ng dugo sa damit. Napaawang ang labi ko nang isara niya ang pinto at bigla na lang napaupo sa sahig, nakasandal ang likod sa pintuan.
"Shan... Ano'ng... Ano'ng nangyari?" nag-aalalang tanong ko.
I gasped when I looked at his hands and saw some dried blood there, mainly on his fist. He looked devastated. He was full of fear. Nakatulala na lang siya sa sahig.
"Shan..." Sinubukan kong maglakad palapit sa kaniya, naguguluhan sa hitsura niya.
"No! Get away from me!"
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko at hindi nakagalaw nang tumaas ang boses niya. I wanted to care for him, hug him, ask him what was wrong, but he suddenly yelled. Hindi ko alam ang nangyayari. Parang wala siya sa sarili niya.
"Ano'ng nangyari? Bakit ganiyan ang hitsura mo?" nag-aalala pa rin ako.
Hindi niya ako sinagot. Noong humakbang ako palapit ay natigilan din ako dahil bigla siyang nagsalita.
"Please, Kierra... Just leave. Just leave me alone," he begged, with his tears almost falling.
"Shan, gusto ko rin maintindihan kung bakit ka nagkakaganyan!" I was getting frustrated. He cannot lie about this anymore!
I tried walking towards him again but he stood up and walked away from me na para bang may nakahahawa akong sakit. Hindi man lang niya ako matingnan. Nanginginig ang mga kamay niya nang itaas niya iyon sa harapan niya para pigilan akong makalapit.
"Stay... away... from me," dahan-dahan ngunit mariin niyang sabi.
"Bakit ba?" Sinubukan ko ulit magtanong pero umiyak lang siya.
I watched him go down to his knees with both of his bloodied hands on the floor. I was starting to get scared for him. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari bago siya nakauwi.
"Go, please... Please... I'm begging you. Please go..." paulit-ulit niyang bulong. "Just go!"
Lumuhod din ako sa sahig at sinubukang hawakan ang balikat niya pero mabilis niyang inalis ang kamay ko at takot na takot na umatras palayo sa akin.
"Don't touch me!" sigaw niya sa akin. "Don't even come near me!"
"Ano b'ang ginawa ko, Shan?!" sigaw ko na, pinipigilan ang mga luha. "Kausapin mo ako! Nandito naman ako! Ipaintindi mo sa akin ang nangyayari dahil naguguluhan ako kung ano ba ang nagawa kong mali para ganyanin mo ako. May nangyari ba? Bakit umuwi kang-"
"Stop asking and just leave!" He cried more. "Please..." His voice broke. He looked down at his shaking hands and cried again like he couldn't breathe. "It's not safe with me anymore..."
Tumulo na ang mga luha ko nang marinig ko siyang umiyak. Kumikirot ang dibdib ko bawat rinig ko ng mga hikbi niya.
"Shan, please..." I couldn't leave.
"For fuck's sake, Kierra!" His loud voice echoed in the unit. Natigilan kaagad ako at mas lalong naiyak. "Pwede ba?! Umalis ka na!"
"Pero-"
"Leave! Now!" He yelled louder this time, so I hurriedly got all my things and walked towards the door.
Pinunasan ko ang mga luha ko. Tinapunan ko siya ng tingin bago ako umalis pero nakaluhod pa rin siya sa sahig, umiiyak. Umiwas ako ng tingin at lumabas na lang. Pagkasara ko ng pinto, narinig ko ang sigaw niya sa loob. It was a scream of pain. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nag-aalala ako at gusto kong pumasok ulit ngunit ayaw niyang makita ko siyang ganoon.
It took a lot for me to start walking towards the elevator. Sinabi ko sa sarili kong mag-uusap kami bukas. Baka hindi lang talaga siya okay ngayon.
Tiningnan ko ang bag ko at napansing naiwan ko ang regalo ko sa kaniya roon, katabi ng cake. Hindi ko na binalikan 'yon at umalis na lang.
I tried calling him and texting him the next day but he never answered. Sinubukan ko ring bisitahin ang coffee shop pagkauwi ko pero wala rin siya roon. It was like he started avoiding me.
"May problema ba, Ke?" tanong sa akin ni Luna noong breaktime dahil napansin niyang kanina pa ako nakatitig sa phone ko.
Ngumiti ako sa kaniya at umiling. "Wala..." Dahil hindi ko rin alam kung ano ba ang problema.
I tried continuing my week like nothing happened. Naghihintay lang ako na maging okay siya at i-message na niya ako. Sinabi ko sa sarili kong babalik naman 'yon sa akin kapag maayos na siya... kapag hindi na siya emosyonal.
I was still constantly updating him on what I was doing.
To: Shan
Good morning. Going to class!!! Text me back once you're okay I love you
To: Shan
Break time. Huwag kalimutang kumain ok?
To: Shan
Uwian naaa on my way home kasama ko si Luna ingat ka
To: Shan
You can talk to me kung may problema I'm here for you
Pero lahat 'yon ay walang reply mula sa kaniya. It was after a week that I finally received a text from him. I even got excited, and my heart started racing... until I read what was in the text.
From: Shan
I'm breaking up with you.
Muntik ko nang mabitawan ang phone ko habang nasa kama. Ano 'to? Nagbibiro ba siya? After a week of not talking to me... after a week of not seeing me... Ito ang una niyang sasabihin sa akin?
To: Shan
Kausapin mo ako in person. Magkita tayo bago mo sabihin 'yan
From: Shan
What part of that did you not understand? It's as simple as that.
To: Shan
It's not as simple as that. KAUSAPIN MO AKO PUPUNTAHAN KITA DIYAN
Pero hindi na niya sinagot ang text ko. Naisip kong baka emosyonal lang siya... baka may nangyari lang sa kaniya dahil biglaan lahat ng nangyayari. Wala akong maintindihan. Noong tumawag ako ay pinatay niya lang ang phone niya.
I asked him to talk in person. Naii-stress na ako dahil hindi ko na mapagsabay ang school ko at ang problema naming dalawa. Malapit na ulit ang finals at hindi ako mapakali. Hindi ko makwento kina Luna dahil wala rin akong kaalam-alam sa nangyari. May nagawa ba ako? May mali ba akong nagawa sa kaniya na kinagalit niya?
"Saan ka ulit pupunta?" tanong sa akin ni Luna nang makitang paalis na ulit ako ng condo. Gabi na at tinapos ko lang ang plates ko.
"Coffee shop," sabi ko sa kaniya.
"Araw-araw na yata 'yan, ah," pansin niya.
Gabi-gabi, pagkatapos kong gawin ang mga dapat kong gawin sa school, dumadaan akong coffee shop para tingnan kung pupunta siya roon... pero sabi ng mga staff niya ay hindi pa raw siya dumadaan. Matagal na raw siyang hindi masyadong bumibisita roon.
Ganoon din kinabukasan. Maaga na akong pumunta sa coffee shop at doon nag-aral. Nakatulog na nga ako sa table habang hawak pa rin ang lapis. Sobrang pagod na ako sa ginagawa sa school at sa paghihintay sa kaniya.
I just couldn't let go when I still had unanswered questions. Ganito naman ako noon pa... Nilalaban ko ang relasyon namin... because again, I... I chose this... and I wanted to prove that I did not make the wrong decision again.
Wala na akong choice kung hindi umalis nang maaga sa klase kinabukasan para puntahan siya roon sa law school niya. Naghintay ako nang matagal sa gate, umaasang makikita ko siya palabas. Mukha na akong tanga at desperada... pero gusto ko lang malaman kung bakit. Hindi ko maintindihan at... nasasaktan ako.
Nang dalawang oras na ang nakalipas at wala pa rin siya roon ay pinuntahan ko na lang siya sa condo niya. Papasok na sana ako sa unit niya nang makita siyang naglalakad pa lang sa hallway pauwi. Natigilan siya nang makita ako.
"What are you still doing here, Kierra?" he coldly asked. Tumabi ako mula sa pintuan nang lumapit siya para buksan 'yon. "I told you, we're done."
"Bigyan mo ako ng rason, Shan. Hindi pwedeng ganito. Hindi ko maintindihan." Sinubukan kong makipag-usap sa kaniya.
"Because I want to. How is that so hard to understand?" parang nahihirapan niyang sabi.
Binuksan niya ang pintuan at nagmamadaling pumasok sa loob, ni hindi na ulit ako sinulyapan pabalik at sinara na lang ang pintuan. Nanatili akong nakatayo roon, nakatulala. I was getting so frustrated that I began crying. Napahilamos ako sa mukha ko at kumatok ulit.
"Lumabas ka diyan at mag-uusap tayo!" sigaw ko pero parang hindi niya ako naririnig.
I tried entering the passcode, but he changed it. Napapikit ako at minasahe ang sentido ko. I was thinking of different scenarios. In the end, I just had to go home.
I was forced to just... accept that? Hindi. Hindi pwedeng ganoon. I gave him time. Baka may pinagdadaanan lang siyang ayaw niyang sabihin.
"Focus muna sa sarili, Ke..." bulong ko sa sarili ko habang nag-aaral. Pinilit ko ang sarili kong magpatuloy pa rin kahit magulo ang isipan ko. I had to prioritize my studies first. Ciandrei will come around... That was what I thought.
Pinunasan ko kaagad ang luha ko nang tumulo iyon sa papel habang nagii-sketch ako. Nilukot ko kaagad 'yon sa kamay ko at galit na binato sa pader, sabay hilamos ng mukha ko, umiiyak pa rin. Punong-puno na ng crumpled paper ang gilid ng table ko dahil hindi ko matigilan ang pag-iyak... pero kailangan ko pa ring humabol sa deadlines.
"Pagod na ako..." bulong ko habang umiiyak. I bit my lower lip to stop myself from sobbing. Baka marinig ni Luna.
He never contacted me. I just... I just gave up on trying to find a way to talk to him... but I still went to the coffee shop to grab a cup of coffee. Hindi na ako nagpunta roon dahil inaasahan kong naroon siya.
Pero nagulat ako nang makita siyang naroon. Tinuturuan niya iyong isang staff. My heart started beating so fast. Traydor. Naglakad pa rin ako palapit sa counter kahit sinabi ko sa sarili kong susukuan ko na 'to.
"Shan, pwede ka na bang maka-usap?" tanong ko.
He gave me a single glance and then looked away. "I'm... busy," he said, taking a gulp.
"Now." I was getting so fed up with what he was doing. Kailangan ko siyang makausap nang masinsinan. "Or do you want your staff to hear?"
He bit his lower lip and took off his apron to get out. Nilagpasan niya ako. He stood far away from me, like he was really avoiding me.
"Hindi ba natin pag-uusapan kung ano ang nangyari noong birthday mo?" tanong ko.
"It's none of your business," malamig na sagot niya.
"Shan... Makipag-usap ka nang maayos. May kinalaman ba 'yon sa kung bakit ka nakikipaghiwalay?"
"No." Umiling siya. "Stop trying to connect things together. I'm breaking up with you because I want to break up. I'm done with this relationship bullshit."
Bullshit? Iyon lang ba ang tingin niya sa relasyon namin?
"Shan..."
Sabay kaming napatingin sa babaeng tumawag sa kaniya. Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Shan nang makita ang mga nasa harapan niya.
"Oh my, hello!" 'Yong babaeng kasama niya sa restaurant dati... iyong may magandang buhok. Inalok niya ang kamay niya sa akin at ngumiti. "I'm Helen."
"What are you guys doing here?" naguguluhang tanong ni Shan.
"We're just... We wanted coffee... after drinking." The other girl was staring at me with wide eyes. "Are you Kierra?"
Napakunot ang noo ko. Paano naman nila nalaman?
"So you really did it!" Tumawa 'yong babae at makahulugang tinulak si Shan sa braso, natatawa.
"Did what?" Mas naguluhan ako.
"Ericka, come on..." Hinatak ni Helen 'yong braso ng kaibigan para umalis. Shan couldn't talk, but I knew he wanted to say something.
"Oh, it's nothing!" sigaw ni Ericka habang hinahatak na siya ni Helen. "Wait, Helen! It's our chance to talk to her!"
"Ericka, stop! You're drunk," rinig kong sabi ni Helen, galit na.
"Huh?" Pinabalik-balik ko ang tingin ko kay Ericka at kay Shan. "Ano 'yon?" tanong ko kay Shan nang hindi siya kumibo. Mas lalong kumunot ang noo ko.
"Keep her out. She's drunk," sabi niya kay Helen, hindi ako pinansin.
"Yanna! Were you the one who told Shan where she was?!" Nagulat ako sa tanong niya. She got out of Helen's hold and ran towards me. "We've been looking for her!"
"She doesn't know. Stop it. Go home. You're drunk." Hinawakan siya ni Shan sa balikat.
Hinatak nila 'yong Ericka papasok ng staff room at doon sila nag-usap. Napaisip tuloy ako kung ano ang kasalanan ng kaibigan ko at bakit nila hinahanap.
Naglakad ako papuntang staff room para tanungin kung bakit nila hinahanap ang kaibigan ko pero napahinto ako nang marinig ang pinag-uusapan nila.
"We just showed him a photo of her just in case he would meet her somewhere. It might just be a coincidence, Ericka..." sabi rin ni Helen.
"If you have been with her all this time... then why didn't you tell us anything? You could have asked about Yanna once before and updated us... or Hiro. He's your best friend. Does he know?"
"Enough about Yanna, please! It's done! Hiro's not coming back. She's already out there, happy, reaching her dreams again, so what is the point?" Shan said, frustrated.
"Huh? Isn't that why you pursued her in the first place? To ask where Yanna is?" Mahina ang boses ni Ericka ngunit narinig ko pa rin. Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang marinig 'yon. Agad akong napatalikod at nagtago sa pader nang sumandal si Helen malapit sa pintuan.
Was I... being used? No... Probably not. He would never do that to me.
But... he was constantly lying for the past weeks. How could I trust him?
No... It was not a big deal. It's alright. Okay lang 'yon... Nakaraan na siguro 'yon. Hindi naman na mahalaga kung bakit. I also used him the first time we saw each other.
Maglalakad na sana ako palayo nang marinig ulit ang huling sinabi ni Ericka.
"Are you together? I thought you and Helen have a thing going on..."
"What?"
Nahugot ko ang hininga ko. Kaya ba... Kaya ba ayaw niya akong ipakilala sa mga kaibigan niya dahil... dahil may nangyayari sa kanila?
Everything was starting to make sense.
"Or am I wrong? Is it that girl from your school? 'Yong nakita ko sa lobby ng condo mo the other day? Ang dami... Is everything still a game to you? Maawa ka naman sa kanila, Shan... They look like genuine people!"
Para akong nahilo. Tumakbo ako papuntang restroom para pakalmahin ang sarili ko. Everything they were talking about was enough for me to understand why... why he was breaking up with me in the first place.
Naghilamos ako at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Did I... make the wrong choice again? Was I... putting myself in that situation again? Napailing ako sa sarili ko. Was it worth it fighting for our relationship?
Did it ever exist?
I tried to compose myself just so I could finally leave the place. Pagkalabas ko ng restroom ay nakita kong nag-aabang na si Shan, mukhang narinig akong tumakbo. Nilagpasan ko siya at tuloy-tuloy na umalis sa backdoor. Narinig kong sumunod siya sa akin.
"Bakit sinusundan mo pa ako, ha? You avoided me for weeks like I was carrying a disease!" sigaw ko nang makalabas kami papunta sa isang bakanteng lote. Maliit na parking iyon at walang tao. Mayroon lang ilaw galing sa back door at isang street lamp sa parking.
"Did you hear what we were talking about?"
Napahinto ako bigla sa tanong niya. Natawa ako nang sarkastiko at humarap sa kaniya. "So that? That was your worry all along? Oo! Narinig ko! And I fully understand now!"
Tiningnan niya lang ako, hindi alam ang sasabihin. Napahawak ako sa baywang ko at ang isang kamay ay ginamit ko para itulak ang buhok ko patalikod mula sa noo ko. I bit my lower lip to stop my tears from falling.
"Ano 'yong kay Yanna? Ginamit mo 'ko?" My voice broke. "You intentionally... pursued me because of that?"
I was aware that I also used him to forget... pero hindi ko siya kilala noon. It could be anyone. Siya... Siya, ginamit niya ako dahil ako 'yon. Kilala niya ako bago ko pa siya makilala at tinago niya 'yon.
I felt played.
When I took a step near him, he immediately stepped back like it was an automatic reaction. He almost put his hand up in defense. It was like... he was disgusted to be near me. Mas lalo akong nasaktan.
"At ano pa? May iba ka na?" Mas lalo akong naiyak nang tanungin ko 'yon sa kaniya.
"Kierra..." He didn't know what to say but looked at me with pain and fear.
"Ayaw mo na sa 'kin? Bakit? Wala na 'kong kwenta sa 'yo?" Napangiti ako nang sarkastiko habang tumutulo ang luha ko sa labi ko. "Hindi mo rin ba ako mahiwalayan dahil hindi mo pa ako natitikman ulit? Ha?" Nanginginig na ang boses ko.
"Don't say that," he hissed.
"Eh, ano, Shan?! Magsalita ka nang maintindihan ko!" Humawak ako sa dibdib ko. "Ano ang dahilan?! Iyon ba?! Ginamit mo ako... tapos... noong okay na... itatapon mo na lang ako na parang damit na pinagsawaan mo na? Ganoon ba?"
He pursed his lips and looked away from me, unable to answer my questions. Ni hindi niya man lang ako binibigyan ng karapatan malaman kung ano ba ang nararamdaman niya para sa akin.
My tears just kept on falling to my cheeks. "Kaya ba nakikipaghiwalay ka na? Kasi... Hindi mo naman na ako kailangan?" I looked at him with so much pain... but also hope. I was hoping that he would say no.
Na hindi niya kayang gawin 'yon... dahil mahal niya ako. Dahil naramdaman ko... na mahal niya ako.
"Pero... Pero okay lang naman na ginamit mo ako noong una kung ganoon, 'di ba... Kasi... Minahal mo naman ako... Mahal mo naman ako... 'di ba?" I asked, full of hope.
It was a simple question, but he couldn't even say yes. I started sobbing as he stared at me with cold eyes. He was looking at me like I was nothing to him.
"Hanggang ngayon ba... ginagamit mo lang din ako?" tanong ko ulit. "Sagutin mo 'ko! Bakit hindi ka makapagsalita, ha?!"
He looked at me with bloodshot eyes as he tried to stop himself from tearing up. The light glinted in his eyes. He was about to tear up, but he remained firm.
"What do you want to hear for you to finally stop and leave?" He was heartless and cold.
"The truth," mariing sabi ko. Pinunasan ko ang mga luha ko para makita ko siya nang maayos. "I need the truth, Shan! At least give me that!"
"Yes! You're right!" His voice was so clear. "I did all of that!"
Everything crumbled down.
I exhaled a large amount of breath before looking up, hindi makapaniwalang sinabi niya 'yon. Inamin niya 'yon sa harapan ko. I asked for the truth... At least he gave it to me. Kailangan ko pa ba siyang pasalamatan doon pagkatapos niya akong biyakin ulit? Sirain ulit? Bakit?
I was nothing but nice to him in the relationship. Masaya naman kami... Maayos naman kami. Bakit? Mali ba ang pagkakakilala ko sa kaniya? Masyado ba akong... nagtiwala ulit?
"My god, Shan... It was a small fucking thing that you could have said from the start!" sigaw ko sa kaniya. "Kung sinabi mo, una pa lang, kung tinanong mo na ako, una pa lang, tungkol doon, sana hindi na tayo umabot sa ganito! You made me a laughing stock."
"You're right," he said, not looking at me.
"Are you sorry?" I looked at him again, hoping. Still... I was hoping... and ready to forgive... because it didn't matter anymore. It shouldn't matter anymore. "Please tell me you're sorry..."
But he shook his head. Mas lalo akong naiyak sa sagot niya. Who is this man in front of me?
He... didn't love me after all. Ganoon lang ba kababaw ang relasyon namin para sa kaniya? Paano naman ako?
"Did you just force yourself to be with me these past few months knowing that you don't even need me anymore?" tanong ko pa rin.
"Yes." He swallowed hard, avoiding my eyes. He was clenching his hands into a fist.
"Then all those times we spent together... Ano ang itatawag ko roon?" I started crying harder. "Was it all fake? Every time I asked you if you loved me, were you lying all along?"
Lahat ba 'yon, kasinungalingan lang para sa kaniya? Kaya ba sobrang dali sa kaniyang pagsinungalingan ako dahil lahat ng 'to... hindi naman totoo para sa kaniya?
Hindi siya nagsalita at umiwas ng tingin sa akin. His hand was clenched into a fist as he controlled his emotions.
"Alin ang totoo roon, Shan? Alin ang totoo sa relasyon natin kung hindi mo ako minahal? Paano naman 'yong mga oras na naramdaman kong mahal mo 'ko? Wala lang 'yon lahat? Hindi ba 'yon nangyari? Was I living in a dream again?" I sobbed more. "Hirap na hirap na akong intindihin ka... Naguguluhan ako... Sagutin mo naman ako... Ipaliwanag mo sa akin kasi gulong-gulo na ako!"
"Just leave me alone." Iyon lang ang sinabi niya. "Yes, I did all those things. You're right. I did a lot of horrible things, Kierra, so it will be better to just stay away from me."
"Wala lang ba ako sa 'yo?" My lips were quivering as I cried. Natikman ko na ang luha ko sa labi ko.
Umiwas siya ng tingin. "Yes..." he whispered. He pursed his lips and looked down on the floor.
"Putangina..." Napahawak ako sa ulo ko at tumalikod sa kaniya. Yumuko ako at tinakpan ang bibig ko habang umiiyak. He was just silent the whole time.
I felt... pathetic. I could accept, understand, and forgive him for what he did... but he was not sorry about everything. Ni hindi nga niya masabing mahal niya ako. Ni hindi niya ako kayang harapin para makipaghiwalay sa akin. Bakit... Bakit ko pa ba siya pinaglalaban?
Umiyak ako nang umiyak sa harapan niya habang hinahampas ang dibdib niya gamit ang mga kamay ko. He didn't budge. He just looked down on me without saying anything.
"You knew what I've been through..." I broke down on the floor, crying loudly. "You knew... You knew, and you still..."
"So would you rather force me to stay in the relationship? For what? For me to fix you?" he hissed.
"I don't need you to fix me!" I screamed.
"Then act like it!"
Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tiningnan siya. Was he... was he thinking like that all along? Was he just there... thinking that I needed him? Kaya ba hindi niya ako maiwan? Did he just see me as a broken machine and not as someone who went all her way to give him the love I believed he deserved?
Mas naintindihan ko na kung bakit siya nanatili... dahil ganoon ang tingin niya sa akin. He... he pitied me... and that was why he forced himself to stay.
"How dare you say that? Naririnig mo ba ang sarili mo?" Kumunot ang noo ko.
"I did a lot of horrible things! I used you, I lied to you, played with your heart, and hurt your feelings many times! Why can't you just let it go?! Stop fighting for it because I'm tired! I'm tired of pretending that this relationship matters to me!"
Mas lalo lang lumala ang galit na nararamdaman ko. Kinuyom ko ang mga kamao ko at huminga nang malalim.
"Please, Kierra... Just leave me alone! Stop hanging onto this relationship like your world revolves around it, and show me that you can do shit without my fucking presence!" sigaw niya sa akin.
Napaayos ako ng tayo at lumapit sa kaniya para hatakin siya sa kwelyo. He couldn't get away from me when I clenched on the collar of his polo. I looked at him straight in the eyes with so much anger.
"I am not broken for you to fix me," mariing sabi ko. "I never needed you... and I will prove that to you."
He didn't talk and just looked at me with cold eyes. Everything... went down the drain. Wala na. Ayaw ko na siyang makita. Hindi ko na kayang ipaglaban ang relasyong 'to. It was... useless.
"You're nothing to me now," I hissed.
Marahas ko siyang binitawan at tinulak bago siya tinalikuran. Tumutulo pa rin ang luha ko nang magsimula akong maglakad paalis. Before I stepped out of the light from the street lamp, I realized that he was still there, standing.
Lumingon ako sa kaniya at nakitang nakagilid siya at nakatakip sa mukha niya.
"Ciandrei," I called. He took a deep breath before looking back at me. I saw the tears in his eyes as he waited for me to talk. "You... disgust me."
He looked at me with so much pain, but instead of getting mad, he gave me a small painful smile.
"Save yourself," maikling sabi niya bago pumasok sa loob, leaving me behind.
________________________________________________________________________________
.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top