30


KIERRA


"Ang sabi... Siya raw ang tumawag ng ambulansya at sinabing bigla na lang akong tumalon sa sasakyan nang hindi niya namamalayan, at noong nahimatay raw ako ay tumama ang ulo ko."


I was already unconscious then. Hindi ko na alam kung paano ba ako nakarating sa hospital. Ito lang ang sinabi sa magulang ko. 


"Baka raw may pinagdadaanan ako at gusto ko nang magpakamatay kaya ko ginawa 'yon... Pero hindi niya raw alam kung bakit. Umiyak-iyak pa siya noong dumating ang ambulansya na para bang hindi siya ang may gawa noon. Hanggang sa huli, pinagmukha niyang wala siyang kasalanan... na nasaktan din siya sa ginawa ko. Alam kong mahaba at mabigat marinig lahat ng 'to kaya okay lang kahit-" 


Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang yakapin niya ako bigla. Nagulat pa ako noong una at hindi nakagalaw ngunit nag-relax din ang mga balikat ko at niyakap siya pabalik. Tahimik siya at hindi makapagsalita habang hinahaplos ang buhok ko. Pumikit na lang ako at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.


Naramdaman ko ang mga luhang nagbabadya sa mga mata ko ngunit agad kong pinunasan 'yon bago pa tumulo. "Thank you for telling me." 


"Do you still accept me after everything that happened in my past?" Kumalas ako sa yakap at tumitig sa kaniya.


Nakita ko ang pag-awang ng mga labi niya, hindi makapaniwala sa sinabi ko. "You shouldn't even be asking that. Your past is never your fault." 


Ngumiti ako nang tipid sa kaniya. "So... Do you accept my love?"


He laughed a little and nodded. The smile remained on his face when he kissed me on my forehead. He was smiling in front of me... but his hand was clenched. 


"Galit ka ba?" nagtatakang tanong ko. 


"Yes. I'm mad at the one who did this to you," he said, trying so hard to control his anger. "I'm so mad that I might not be able to control myself once I see him out there." 


Naiintindihan ko ang galit niya dahil galit din ako. Galit akong kailangan kong maranasan 'yon. Galit ako dahil hindi man lang siya nakulong. Galit ako dahil nasa labas pa rin siya. Galit ako dahil hindi ko kasalanan lahat ng nangyari. 


"How do you know him?" tanong ko at sumandal sa may sofa. "Sa book shop..." 


"He's my classmate in law school," pagsabi niya sa akin ng totoo. 


I felt something in my heart, but it was not that painful. Nailang akong malamang malapit si Shan sa kaniya. Araw-araw siyang nakikita. Araw-araw siyang nakakasalamuha. It kind of scared me how close he could reach me. 


"But we're not friends. He's nothing to me," pagpapaliwanag niya ulit. 


Tumango ako sa kaniya at uminom ng tubig. Telling the whole story exhausted me a lot. Tumayo ako at tinanggal ang mga gamit sa sofa para makahiga roon dahil nangangawit na ako sa pagkakaupo ko. 


"Nagyoyosi ka pa?" Nagulat ako nang makita ang box ng yosi roon. 


"Hindi na," sambit niya sa akin. "I just bring it with me... Just in case. You can have it so I won't see it anymore and won't have the urge to smoke." 


"Sure ka?" tanong ko. 


"Yes." Tumayo siya at niligpit ang pinagkainan namin pagkatapos ilagay sa bag ko 'yong kaha. "I also don't want to smoke anymore." 


Humiga ako sa sofa at tumingin sa kisame. I started overthinking after sharing everything. Did I overshare? Sumobra ba ako sa pagkekwento ko? Okay lang bang kinwento ko sa kaniya? Baka mabigat masyado sa kaniya. Paano kapag inisip niyang kailangan niyang bitbitin lahat ng 'yon? 


"You're not a burden, Ke. You are never a burden to me... so please... Don't think like that." Parang nabasa niya ang iniisip ko nang marinig ko siyang magsalita mula sa kusina. Hinuhugasan niya ang kubyertos na ginamit namin. Pero... hindi ko naman maiiwasan ang isipin 'yon. 


"Do you love me?" I asked.


Gusto ko lang marinig ulit pagkatapos ng mga sinabi ko. Maybe it was a way to assure myself that he still loved me... after everything. That his love was still genuine... that it never changed, unlike what happened in my past.


I wanted to hear it over and over again just to make myself feel at ease. 


"I love you," he answered. "And you?"


"I do," I answered, too. 


I knew he was smiling kahit nakatalikod siya sa akin. I suddenly felt embarrassed of saying that. Mabuti na lang at nakatalikod siya. 


I was still thinking if this was the right decision. I was still scared... had doubts... but I couldn't help it. I trusted him. I trusted myself again. For once... after everything that happened, I finally regained my trust in myself. The love for myself... and I thought... nothing could ever ruin that again because I worked hard for it. 


Ang tagal kong sinubukang buuin at mahalin ang sarili ko. Hindi ko hahayaan ang ibang taong saktan lang ako ulit. The most important person to me now was myself. Not anyone else. Ang tagal bago ko ulit binigyan ng halaga ang sarili ko. Hindi ko pwedeng sirain ulit 'yon. 


"Tara, Dapitan," aya ni Luna sa amin ni Via pagkatapos ng klase. 


"Ang layo ng lalakarin, ah!" reklamo ko sa kaniya pero sumunod pa rin naman ako dahil nagugutom na ako. "Siomai rice tayo. Parang gusto ko..." 


"Isaw lang ang bibilhin ko," sabi sa akin ni Via. May mga bitbit pa kaming drawing tube sa balikat namin habang naglalakad. Hinubad ko ang coat ng uniform at nilagay sa bag ko. 


Bumili muna kami ng street food bago nakikain doon sa lugar na may siomai rice. Open 'yon kaya nakiupo na lang kami sa green na plastic bench. Nakaupo ako at kumakain habang nakatayo 'yong dalawa at pinag-uusapan kung gaano nakakaantok ang subject kanina. 


"Hindi naman ako nakinig. Ginagawa ko 'yong task natin kay Sir Alvin," sabi ko sa kanila. "Tapos n'yo na ba?" 


Siyempre ay tumango si Luna at umiling naman si Via. Maaga talagang tinatapos ni Luna lahat ng gawain dahil wala naman na siyang ibang pinagkakaabalahan kung hindi samahan lang din si Via sa kung ano-anong tungkol kay Arkin. 


"Nahihirapan naman ako simulan 'yon. Walang idea sa 'kin," reklamo ni Via habang kumakain. 


"Sabi sa 'yo, mag-beer ka para magkaroon ka ng creative juices. Gumagana sa 'kin 'yon!" payo naman ng pinsan ko. 


"Ayaw ko na ngang nag-iinom," pagtatanggol ni Via sa sarili niya. 


"Tama, masama sa kalusugan 'yong inom nang inom," sabi ko rin at ngumisi kay Luna. 


Nagkikita lang kami ni Shan kapag hindi kami busy sa school dahil 'yong schedule namin ngayon ay hindi nagtutugma. Kadalasan ay weekend na lang kami nagkikita, o kaya randomly kapag kasama ko ang mga kaibigan ko ay naroon din siya. Minsan ay pinupuntahan niya naman ako pero saglit lang din dahil kailangan niyang mag-aral. 


We were not perfect. We had small fights too. 


"Ano 'yang nasa pisngi mo?" nagtatakang tanong ko nang magkita kami at napansin kong may band-aid siya sa kanan niyang pisngi. 


"This is nothing. Just an accident," sagot niya habang nagda-drive. "We're eating good dinner tonight!" pag-iba niya ng topic. 


Our favorite meal of the day was dinner. Palagi kaming nagde-date para kumain ng dinner sa iba't ibang restaurants. He was a food person, that was why he was so fond of exploring a lot of restaurants. He was probably getting ideas from them. 


Inalis ko na sa isip ko ang band-aid sa pisngi niya dahil baka aksidente lang naman talaga 'yon... pero dumalas ang pagkakaroon niya ng sugat. Noong weekend, nagpakita siya sa akin na may sugat naman sa labi. 


"Ano naman 'to?" Tinuro ko ang labi niya. "Ano'ng nangyari diyan?"


"My phone fell on my face." He laughed and touched his lip with his thumb. "It doesn't hurt. Don't worry. Hmm... Where should we go?" 


Iba't ibang excuses ang binibigay niya sa akin kada nagtatanong ako kung ano 'yon. Nagalit na tuloy ako noong nagkita ulit kami at mayroon na naman siyang band-aid sa kaliwang panga naman niya ngayon. He looked okay. It was just his small wounds. 


"Ano na namang excuse ang ibibigay mo sa akin?" Tinaasan ko siya ng kilay at nagpamaywang sa harapan niya nang puntahan niya ako sa condo. Naroon pa si Luna sa may sofa at napatingin sa amin. 


"Kierra... It's nothing. I just had a small fight," sambit niya sa akin.


"Is it your dad or someone else?" tanong ko na sa kaniya. 


Hindi siya sumagot at umiling lang. "It's nothing. It's not a big deal, really..." 


"Nagsisinungaling ka na naman sa 'kin," seryosong sabi ko. "Pinapagbigyan kita noon. Tuwing nagtatanong ako sa 'yo, iba-iba ang sinasabi ko. What is it this time, ha?"


"Uy, teka... Nag-aaway ba kayo?" singit ni Luna mula sa may sofa. "Huwag kayong mag-away, gagi..."


"Bumalik ka na lang kapag kaya mo nang magsabi ng totoo." Sinara ko ang pinto at padabog na pumasok sa kwarto ko dahil sa inis. 


Shan tried to knock on my door. Tinawagan pa niya ako para kausapin siya kahit nasa labas lang siya pero hindi na ako lumabas. Hindi ko siya kinausap hanggang sa dumating ang Friday. Nag-aya si Sam sa BGC para sa isang small party. 


I knew Shan will be there because he told me. Ang sabi niya ay magkita na lang daw kami roon pero hindi ko siya sinagot. Badtrip ako nang pumunta sa club. Pagkaupo pa lang ay ininom ko na ang in-order nila.


Tumingin ulit ako sa taas para hanapin si Shan dahil palagi namang doon ang pwesto nila kapag pumupunta silang magkakaibigan sa club. Nakita kong naroon ang mga kaibigan niyang hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikilala dahil busy raw si Shan at hindi niya ako mapakilala sa kanila. Kilala ko sila sa mukha dahil sa mga posts niya. 


But... still, sometimes, naiisip ko kung iyon ba talaga ang dahilan kung bakit ayaw niya akong ipakilala sa mga kaibigan niya. Baka may tinatago siya o ano... But... He wouldn't lie to me like that, right? Baka totoo namang busy. 


Nagpaalam akong aalis lang ako saglit para bumili ng beer sa may counter, pero nadaanan ko ang smoking area at nakitang nagve-vape doon si Shan, may kausap na lalaking kaibigan niya. Hindi na talaga siya nagyoyosi. 


Shan looked like he was having a serious conversation with his friend. Napapailing pa siya. Bumili ako saglit ng beer at dumaan ulit doon para marinig nang kakaunti ang pinag-uusapan nila. 


"Like... I love my girlfriend, bro. It's just... sometimes, I really don't know what to do. I don't want fights or problems. They just suck." 


Napairap ako nang marinig 'yon. Hindi naman ako gumagawa ng gulo dahil gusto ko lang. Hindi naman ako magagalit nang walang dahilan. Totoo namang may tinatago siya sa akin. Gusto ko lang naman malaman kung ano ba ang nangyayari sa buhay niya pero bakit parang wala akong karapatang alamin 'yon? Ano ba niya ako, ha? Girlfriend. Hindi ba dapat nagsasabi rin siya sa akin? Wala ba siyang tiwala sa akin?


Bumalik na lang ulit ako sa counter para ipabukas ang bote ko ng beer dahil hindi pa pala nila 'yon binuksan. 


Noong pabalik na ulit ako sa couch ay may humawak sa braso ko. Nagulat ako at agad napalingon. Kumalma ako nang makitang si Shan lang iyon. 


"Let's talk for a moment," sabi niya sa akin. 


"Bakit? Tapos ka na bang magsinungaling?" paghahamon ko kaagad sa kaniya. 


"Let's not start aggressively," paalala niya sa akin nang seryoso ang mukha. Umupo ako sa may couch malapit sa smoking area at tumingala sa kaniyang nakasandal sa pader at may hawak na vape. "I'm sorry."


"Alam mo ba ang ginawa mo?" tanong ko sa kaniya. 


"I was always shrugging everything off... But I did not lie. I just had a small fight with a classmate at school. It's really nothing big," sabi niya sa akin. 


"Bakit kayo nag-away?" Tumaas ang kilay ko. 


"You know... Heated arguments in law school," pagpapaliwanag niya. "I won't get hurt anymore. I'm sorry, okay? Let's make up already."


Napasimangot ako at uminom ng beer, pinag-iisipan kung makikipagbati na ako sa kaniya. Pagkatapos kong uminom ay kinuha niya ang bote at nakiinom doon. 


"Ganoon lang ba kadali 'yon?" nagtatakang tanong ko. "Sorry tapos okay na? Ilang beses kang nagsinungaling. Sabi mo wala lang 'yon pero may away pala. Hindi ba pagsisinungaling ang tawag doon?" 


"I'm sorry," sabi niya. "I just didn't want to worry you."


"But it was okay to make me doubt?" 


Natahimik siya at dahan-dahang tumango. "Hindi... Hindi okay. I was wrong, and I am sorry I made you feel like that. From now on, I will tell you everything, okay?" 


He regretted what he did. He knew what he did was wrong at nangako siyang hindi na niya gagawin 'yon... kaya ano pa ba ang gusto kong mangyari? I just gave him a chance. We were just starting after all. Hindi naman talaga madaling magkasundo kaagad sa relasyon. 


"Hmm..." Natigilan ako nang bigla siyang lumapit at hinalikan ako. Namula kaagad ang pisngi ko nang humiwalay siya. Both of us tasted like the beer I bought. "Basta, huwag mong uulitin." 


"Yes, boss." Sumaludo pa siya sa akin gamit ang dalawa niyang daliri.


We agreed to talk about the things that were bothering us... and we agreed to compromise. Kailangan 'yon kung ayaw kong magkaproblema kami. Hindi ko siya pinagbabawalan sa kung ano man at ganoon din naman siya sa akin. I felt free while still in a relationship. We set our boundaries. 


"Have you heard?" tanong sa akin ni Shan pagkauwi niya galing sa law school. Nag-stay ako sa condo niya. Nakadapa ako roon sa sahig at gumagawa ng plates. "About Sam's parents?" 


Napaawang ang labi ko at dali-daling umayos ng upo para kuhanin ang phone ko. Tiningnan ko ang recent trends. Nakita ko kaagad ang apelyido niya. Habang nagii-scroll ako roon ay lumulubog ang puso ko. 


Sinubukan ko siyang tawagan at i-text pero hindi siya sumasagot. "Wala..." sabi ko kay Shan, nag-aalala na. "Hindi siya sumasagot, eh. Baka kasama naman niya si Yanna..." 


He stared at me for a moment before nodding. "Maybe she doesn't want to talk to anyone right now. She has her boyfriend, right?" 


Hindi ko masabing hindi na sila masyadong nagkikita dahil palaging nasa hospital si Clyden. Busy rin si Sam sa schedule niya. I was already thinking that their relationship was falling out. Hindi na rin siya kinekwento ni Sam. Hindi ko na sila nakikitang magkasama masyado. 


"Bakit mas nag-aaral ka na ngayon? I mean... Noong first year ka sa law school, parang lagi kang nasa coffee shop. Ngayon, bihira na lang kasi nag-aaral ka," pansin ko sa kaniya habang nagbabasa siya. 


"I want to top the bar," sabi niya sa akin. 


"Huh? Kailan mo na-set ang goal na 'yan?" He didn't talk about that before. 


"When you told me your story," seryosong sabi niya. "Because of that, I want to study harder, work harder, until I could put him behind the bars." 


"I'm touched pero hindi mo naman kailangan i-pressure ang sarili mo," sambit ko. 


"I've been pressured all my life, babe. This is my motivation to continue."


He wanted to be a prosecutor. He said that was the goal. That was his finish line, and he would achieve it kahit ano pang mangyari. 


Kahit anong mangyari. Pinangako niya 'yon sa sarili niya. 


He took me out on a cinema date dahil may bagong romance movie na pinalabas. I told him I would want to watch that, so he surprised me with two tickets after class.


"Paano ka nakapasok dito?" Tuwang-tuwa ako nang makita siya sa labas ng building namin. Nakaupo siya sa may bench. 


"UST Hospital," sabi niya sa akin at kinuha ang mga bitbit ko, pati ang drawing tube na sinabit niya sa balikat niya. "We're going to watch a movie!" 


Napatingin ako sa mukha niya at nakita ang maliit na sugat sa may cheekbone. Lumapit ako at hinawakan 'yon. Napangiwi siya at nagulat sa ginawa ko. 


"Ano'ng nangyari?" tanong ko ulit. 


"I tripped in the coffee shop while I was getting beans," he told me with a laugh. 


"Uh... Okay. So... Anong movie papanoorin?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa carpark. Dumaan kami sa football field kung saan palubog ang araw. Naroon na naman ang mga nagte-training na football players, at iyong mga naglalaro lang. May ibang estudyanteng naglalakad lang din katulad namin. 


Pinakita niya sa akin ang tickets sa phone niya at ngumisi. "It's tonight. Let's have a date." 


Naka-uniform pa ako at siya naman ay galing din sa school. Naka-slacks at long-sleeve na polong blue. May suot din siyang I.D. na agad niyang tinanggal at pinaikot na lang sa kamay niya ang lace. Pagkasakay namin sa sasakyan niya ay pinaandar na kaagad niya 'yon paalis para makahabol kami sa movie. 


"Bumabawi ka ba kasi dinitch mo ako last week?" Tumaas ang kilay ko, hindi pa rin nakakalimutan 'yon. It was not a big deal but he cancelled our date on the last minute dahil binabaha na raw siya ng readings. 


I understood those reasons. Kahit ako naman, kapag may kailangan akong tapusin, mas uunahin ko 'yon. Makakapaghintay naman ang date. Kapag binabaha rin naman ako ng mga deadlines, hindi talaga ako lumalabas. Kailangan kong tapusin 'yon. Naroon din ang pressure dahil magkasama kami ni Luna. Palaging tinatapos ni Luna lahat nang maaga kaya ako, nape-pressure akong tapusin din 'yong akin. 


"I'm sorry." Guilty na ulit siya ngayon. 


"This is not enough," pagbibiro ko at pinagkrus ang braso sa dibdib ko. 


"Look at the glove box," turo niya sa maliit na compartment sa harapan ko.


Nagsalubong ang kilay ko at pinindot iyon para bumukas. I bit my lower lip to stop myself from smiling when I saw a pink rose and some bars of chocolates. Kinuha ko 'yon at nilagay sa binti ko. 


"Thank you," mahinang sabi ko. 


"Still mad?" Ngumisi siya at hinawakan ang kamay ko habang nagda-drive. 


Lumapit ako at humalik sa pisngi niya. Hindi na ako galit. Naiintindihan ko naman. 


Habang pinapanood ko ang movie, naramdaman kong nag-iba ang pananaw ko. Instead of dreaming to experience those gentle gestures, I started relating to the main character. I started to understand everything she was feeling. I was resonating with her. 


"Such a good movie," sabi ko kay Shan pagkalabas namin. "Nagustuhan mo ba?"


"I did not like the ending. In romantic movies, they always end up together." Tumawa siya habang magkahawak ang kamay namin. 


We had a good date and a good dinner too. Ako na ang nagbayad dahil dinahilan kong binayaran niya iyong ticket kanina. I always wanted it to be equal. It just felt weird making him spend his allowance on me. 


"Hoy, Ashro!" tawag ko kay Theo nang makita ko siya sa may España. Galing kasi akong The One, kaya napunta ako sa may España. "Bakit ka nandito?!" 


"Ah, may kukuhanin lang ako sa office," sabi niya sa akin. Graduate na kasi 'to at nagre-review na sila sa boards. 


"Hindi ka na nagpaparamdam, ha!" sabi ko habang papasok kami ng gate. Ang tagal ko na siyang hindi nakakausap. Ayaw ko lang na mawala 'yong pagkakaibigan namin. 


Tumawa lang siya sa sinabi ko. "Hindi ka na rin naman nagpaparamdam sa akin, ah!" ganti niya pa. "Kumusta kayo ni Shan?" 


"Hmm, okay naman!" Ngumiti ako sa kaniya. "So far, so good." 


"Buti naman." Ginulo niya ang buhok ko. "Sige, dito na 'yong daan ko. Bumalik ka na sa room n'yo." Tinuro niya iyong building nila dati. 


"Text mo 'ko, okay?!" bilin ko sa kaniya. Tumango lang siya at ngumiti sa akin bago umalis. 


Hindi ako sanay na hindi nakikita sina Sevi sa campus, o kaya sa mga fishballan diyan sa labas kung saan sila madalas kumakain pagkatapos sa computer shop. Kapag gumagala pa naman ang mga 'yon ay nasa malalaking grupo ng mga engineering. Lahat naka-uniform at lahat sa tropahan nila ay lalaking maiingay. 


"Ano'ng ginagawa n'yo?" tanong ko kina Luna dahil mukhang naglalaro sila ni Via sa room habang breaktime. Wala kasi iyong prof namin. 


"Sali ka? Nagpapaunahan kami ng papel," sagot ni Luna. 


Tinuruan nila akong gumawa noong papel na umuusad kapag hinihipan. Para kaming gagong walang magawa roon. Inurong pa namin ang mga upuan para makapaglaro kami nang maayos, habang ang iba ay abala sa panonood sa laptop, pagkain, o kaya naman ay paggawa ng plates. 


"Napapagod na ako. Ang sakit sa pisngi." Sumuko na si Via dahil hindi siya manalo-nalo. Nagtuos kami ngayon ni Luna.


Competitive ang pinsan ko at gusto palaging nananalo... pero dahil na-pressure din ako ay nagsamaan kami ng tingin. "Ready... Go! Ang matalo, manlilibre!" sabi ni Via. 


Parang inalay ko ang buhay ko roon sa paghipan nang papel hanggang sa makarating sa finish line. Halos sabay lang kami ni Luna pero dahil si Via ang judge ay sinabi niyang nauna raw talaga ako. Sumimangot si Luna at sinabing isa pa raw pero umiling ako at bumelat sa kaniya.


"Wala, talo! Bleh!" Bumelat ako sa kaniya at tumawa. "Manlilibre ka mamaya ng... Hmm... Saan kaya pwedeng kumain?" 


"Punta kaya tayong High Street after class? Maaga naman ang uwian," aya ni Via.


"Siraulo ba kayo?! Ang mahal doon! Bakit kapag kayo ang nanlilibre, diyan lang sa fishballan, tapos kapag ako, sa High Street?!" reklamo kaagad ni Luna. 


"Talo ka pa rin, Luna." Tinapik ko ang balikat niya at ngumisi. "Wala kang no choice, sis." 


"Tama..." Nag-agree pa si Via. "May dala ka namang sasakyan..."


"Ang mahal kaya ng gas!" 


Wala nang nagawa ang reklamo niya dahil bandang huli ay nagpunta pa rin kaming BGC para maghanap ng kakainan. Mga nakasuot pa kami ng uniform, maliban sa coat dahil ang init. Iniwan namin ang gamit namin sa sasakyan kaya halos mga wallet at phone lang din ang dala namin. 


"La Picara kaya tayo? Parang wala namang tao. Walk-in na lang," aya ko sa kanila. 


"Siraulo, isang libo lang yata ang dala ko!" Nagpa-panic na si Luna nang tingnan ang wallet niya. "Okay, may dala akong card... Phew..." 


"Mayroon naman palang card. Tara na!" Tuwang-tuwa akong umakbay kay Via at nauna na kaming umakyat papunta sa restaurant. Lugmok si Luna nang mahanapan nga kami ng table kahit walang reservations. Sa labas kami pumwesto, sa balcony at sa high-chair. 


"Saan tayo pagkatapos?" tanong ni Via. Confident siya dahil may sasakyan at idadaan namin siya pauwi. Wala ring gagawin bukas. It was a chill day dahil malapit na rin ang Undas break. 


"Ice cream tayo pagkatapos," aya ko sa kanila. 


"Sige... Sige lang..." Namomroblema na si Luna. "Kung saan kayo masaya." 


Nag-order kami ng paella, Angus beef, potatoes, at mini-burgers. Sinamahan na rin namin ng sangria. Tumikim lang si Via sa baso ko. 


"Parang hindi tayo kumain ng lunch, ha," sabi ni Luna sa amin. "Uy, may cute, oh," turo ni Luna sa likuran namin ni Via.


Nanatili lang kaming nakatingin sa kaniya, hindi lumingon dahil hindi naman interesado. Napasimangot kaagad siya sa amin. 


"Ang boring n'yo, ha!" sambit niya sa amin. 


Nang matapos kumain ay naglakad-lakad muna kami para magpababa ng kinain bago bumili ng ice cream. Umupo kami sa outside area ng ice cream shop, iyong table na may malaking payong. Nagmamasid lang si Luna at naghahanap ng pogi habang ako ay abala sa kaka-text. 


From: Shan

Where are you? I just got out of class 


Ni-reply ko ang ice cream shop dahil ang sabi niya ay pupunta raw siya. "Bibili ako ng candy. May ipapabili kayo?" 


Umiling silang dalawa kaya tumayo na ako at naglakad papunta sa malapit na convenience store. Kumuha ako ng candy at pumunta sa mga may inuminan para bumili na rin ng tubig. Masyadong matamis ang kinain ko. 


May lalaking tumabi sa akin at binuksan ang kabilang ref para kumuha ng softdrinks. Paglingon ko ay nabitawan ko bigla ang hawak kong bote ng tubig. I suddenly stopped breathing when he glanced at me and noticed who I was.


"Kierra?" Kumunot ang noo ni Miguel.


I immediately took a step back and looked at him with wide eyes. Nabitawan ko na rin ang pack ng candy sa isa kong kamay. Sinubukan kong habulin ang hininga ko pero putol-putol iyon. Nakaawang ang labi ko at nakatulala sa kaniya. Bakit... siya nandito? 


"Didn't think I would see you here..." The side of his lips rose when he stepped closer to me.


Napaatras ako lalo at natamaan ang isang shelf kaya may mga nahulog na chips. My hand went to my chest. I could feel my heartbeat.


"Long time no see. You're with Shan now, huh?" Natawa siya nang sarkastiko. "Yeah, you suit each other. You're a bitch while he's an asshole-"


May humatak sa kaniya kaya tumama ang likod niya sa may ref. Napahawak kaagad siya sa balikat niya sa sakit. Lumipat ang tingin ko kay Shan na mukhang galit na ngayon. 


He hurriedly went to me and turned me around. I tried catching my breath while we walked away. Nang makalabas ay umupo kami sa bench dahil nanlalambot ang mga tuhod ko. I... saw him again. He talked to me. He called my name... I felt so... disgusted. 


"Slowly..." Hinagod niya ang likod ko. "I'm here. He's not in front of you anymore." 


I swallowed the lump in my throat and closed my eyes, controlling my breathing. I felt dizzy. Parang gusto kong masuka nang makita ko siya ulit. Bumabaliktad ang sikmura ko. Disgusting. It was so disgusting. Nang nakakahinga na ako nang maayos ay tumingin ako sa kaniya, puno ng takot at galit ang mga mata ko. He touched my face and caressed my cheek gently. 


"You're okay," sambit niya sa akin. 


"Bakit... Bakit siya naroon?" tanong ko habang nakakapit sa damit niya. He went straight here from law school. Nakasuot pa siya noong leather sling bag. "Dinala mo ba siya rito?" 


"What?" Kumunot ang noo niya at agad umiling. "I would never do that. We just ended class... and our school is near. Why made you say that?" Hindi niya alam ang sasabihin niya. 


Umiling ako. "Hindi ko alam." Because... he knew I was here. 


Binigyan niya ako ng tubig at uminom ako roon. Nakalahati ko yata ang nasa bote niya. Napapikit ako at sinandal ang ulo ko sa balikat niya, pinapakalma pa rin ang sarili. 


"Are you feeling better now? He's not around anymore," he assured me, hindi na pinansin ang paghinala ko sa kaniya. "Let's go back to your friends." 


Hinatid niya ako papunta sa kung nasaan kami nina Luna. Pagkaupo ko ay sinabi ko kaagad sa kanila kung ano ang nangyari para mawala sa dibdib ko. Tinanong din naman nila kung bakit ganoon ang hitsura ko. 


"Ano?! Nasaan 'yong gagong 'yon?!" Tumayo kaagad si Luna para sumugod pero hinawakan ko ang kamay niya. 


"Saan nagpunta si Shan? Baka binalikan niya..." sabi ni Via. 


Hindi ko alam. Hindi niya sinabi sa akin kung saan siya pupunta. Ang sabi niya ay may kukuhanin lang daw siya. Ayaw ko na ng gulo. Natahimik na lang ako sa kinauupuan ko. 


Natakot na akong maglakad ulit kaya sinabi kong hintayin na lang namin si Shan at umuwi na kami. Tinawagan ko siya pero hindi siya sumasagot. 


Mayamaya, dumating na siya ulit. Ngumiti siya at niyakap ako kaagad nang makita ako. 


"Saan ka galing?" tanong ko sa kaniya. 


"School," sabi niya sa akin. "I forgot my book." 


Pero nang tingnan ko ang mukha niya ay may bakas ng sugat sa labi niya. Maliit lang 'yon at hindi gaanong kita pero tinitigan ko iyon nang mabuti. Nakababa na rin ang sleeves ng polo niyang may lukot. May dumi rin sa bandang balikat niya na wala naman kanina. 


"Sigurado ka?" tanong ko, nag-aalala. "Iyon lang?" 


He looked at me and nodded. He gave me a smile that convinced me that he was telling the truth. "Yes, Kierra. Nothing happened." 


That day, I discovered his new habit. Lying.

 _______________________________________________________________________________

.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top