01


KIERRA


"Magkano ba 'yon... Ugh, nasaan ang phone ko?"


Nang suminag ang araw sa mukha ko, nagising kaagad ako. Saka ko lang napagtanto kung nasaan ako at kung ano ang mga pinaggagagawa ko kagabi. Napapikit na lang ako at napasapo sa noo ko. Ni hindi nga ako uminom. Wala sa plano namin 'yon pero... Bakit?!


Suot ko pa rin ang suot ko kagabi. Ingat na ingat ako dahil baka magising 'yong lalaki. Shet, sobrang awkward kung makita niya akong paalis. I mean... It was just a one night stand, right?! I should leave immediately!


Kierra... Paano ba nangyari 'to? Kumakain lang naman kami ng bingsu. We started laughing and talking about other stuff... and then the truth or dare.


The truth or dare!


Tama, dahil doon 'yon. I was not the woman I was yesterday.


Nakita ko nang naka-charge ang phone ko sa gilid, katabi ng wallet ko. I checked if may nawala sa wallet ko at wala naman. Inakusahan ko pa talagang magnanakaw 'yong lalaki sa utak ko.


I was searching for the menu of the restaurant I dined in last night, so I could pay for the food. The guy charged it in his room! Kailangan kong bayaran 'yon! Ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa lalaking 'yon. Lalo na't hindi ko naman siya kilala. Mas okay nga na hindi ko siya kilala para makalimutan ko kaagad at makalimutan niya rin ako kaagad.


I just left four one-thousand bills on the side table before going inside the bathroom to wash my face and prepare to leave. Ang gulo ng buhok ko! I didn't expect all of that to happen.


"Puta," bulong ko sa sarili ko nang maalala ko ang mga nangyari kagabi. "Mali... Maling-mali..." I regretted it a lot but it was not a bad night.


I was... distracted. For the first time after months, I wasn't crying at night because of Miguel. Nakalimutan ko na ngang may iniisip pala ako kahapon. Ang bilis ng oras at hindi ko napansin 'yon. For the first time... I wasn't thinking about him.


I had my breath of fresh air last night... but today, I went back to reality. Hindi ko habangbuhay kayang takasan ang nakaraan.


I went to the kitchen first and looked back at him, sleeping. "Ah, shit," I whispered to myself before doing something I never thought I'd do. I just wanted to leave something aside from my payment for the food I ordered last night. Tutal, naging masaya naman siyang kausap kagabi. Sobra-sobra na 'tong ginawa ko kaya wala na akong utang na loob!


Pagkalabas ko ng hotel room na 'yon, pinangako ko na rin sa sarili kong kakalimutan ko lahat ng nangyari kagabi. It was just for one night. I was someone else. I wanted to be free for one night... but it was all pretentious... dahil bandang huli, babalik din ako sa tunay na ako... iyong tunay kong nararamdaman. Wala rin.


What gave it away? Bakit nangyari 'yon? Bakit hinayaan ko? 'Yong kagustuhan ko bang patunayan sa sarili ko na... kaya kong gawin lahat? Iyon ba 'yon?


Was it worth it? I felt free for one night. I wasn't crying for one night. I felt like I wasn't the person who was broken and damaged inside. I felt... normal... like others.


Nadala ako ng damdamin ko. I thought it was like the movies. I used someone else to forget him, but I felt worse afterward. It was never like in the movies or in the books. Kahit kailan naman, hindi naging ganoon.


"Saan ka ba galing? Kagabi pa ako naghahanap sa 'yo! Noong tinawagan kita noong madaling-araw, lalaki 'yong sumagot! 'Yong kaba ko, Kierra! Muntik na akong magtawag ng pulis!"


Nasermunan na naman ako ni Luna, ang pinsan ko, pagkauwi ko. Mukhang galit na galit siya at nakapamaywang pa.


"Nawala cellphone ko kagabi," pagdadahilan ko sa kaniya at umiwas ng tingin. Kilalang-kilala niya ako kaya alam niya kung kailan ako nagsisinungaling.


"At bakit ba takip ka nang takip diyan?" Inagaw niya kaagad sa akin 'yong cardigan na dala-dala ko kagabi. Napaawang ang labi niya nang makita ang nasa dibdib ko. Tinakpan ko kaagad 'yon at umiwas ng tingin. "Kierra?! Sino'ng nanakit sa 'yo?! Putangina-"


"Luna!" I cut her off. Napatakip ako sa mukha ko, hiyang-hiya na. "H-hindi siya masakit..." Hindi ako makatingin sa kaniya.


"Ano?" naguguluhang sabi niya.


"Inaantok na ako... Mamaya na lang." Pumasok kaagad ako sa kwarto ko at sinara ang pinto, pero bigla siyang tuloy-tuloy na pumasok at hinawakan ang balikat ko. Kitang-kita ko sa mukha niyang na-realize na niya kung ano 'yon.


"Pucha... May bago ka nang jowa? N-naunahan mo ako?!" hindi-makapaniwalang tanong niya sa akin. Umiling naman ako sa kaniya. "Hindi mo jowa?! Kierra, ano b'ang nangyayari sa 'yo?!"


"Luna... Wala lang 'yon." Hindi na ako makatingin sa kaniya ngayon. Sobrang nakakahiya! Ni hindi ko nga magawang ipaliwanag ang sarili ko dahil hindi ko rin alam kung paano nangyari 'yon.


"W-wala lang 'yon?! Huh?!" Mas lalong hindi siya makapaniwala. "One night stand?! Or... Or... May fubu ka na ba?!"


"One night stand lang 'yon," pagpapaliwanag ko para tapos na. "Hindi na mauulit 'yon. Okay na ba?"


"Lang?! One night stand lang?! What the fuck!" Napasabunot siya sa buhok niya, parang hindi pa nagsi-sink in lahat ng sinabi ko.


Alam kong hindi naman talaga madaling paniwalaan dahil kahit ako, hindi ko rin alam kung bakit at paano nangyari 'yon... pero hindi ko na siya inisip. Para sa akin, hindi nangyari ang gabing 'yon. Parang panaginip.


"Ikwento mo nga sa akin! Ano ang nangyari?!"


Nakagat ko ang ibabang labi ko at umiwas ng tingin, inaalala kung paano ba nagsimula lahat ng 'yon. "Luna..."


"Ano?" Umupo siya sa tabi ko, naghihintay.


Napaiwas ako ng tingin at napabuntong-hininga. "Ganito kasi 'yon... Kagabi, lumabas ako para kumain dahil, siyempre... Ayaw ko nang makulong sa kwarto... Umalis ka, 'di ba, tapos naiwan ako mag-isa kaya..."


"Kierra, aalis lang ako saglit. Okay ka lang ba rito? May kailangan ka ba? Kailangan mo ba ako?"


Tumingin ako kay Luna at tinawanan siya dahil masyadong worried ang mga mata niya sa akin. Naiintindihan ko naman dahil halos tatlong buwan pa lang ang nakalilipas mula nang makalabas ako sa hospital. Alam kong mag-aalala talaga siya.


"Okay lang ako rito. Huwag kang mag-alala." Ayaw niya na kasi akong iniiwang mag-isa simula nang mangyari 'yon. Mukhang hesitant pa siya ngunit ngumiti ako sa kaniya kaya bumuntong-hininga na lang siya at pinaalalahanan akong tawagan siya kapag may kailangan ako bago niya isara ang pinto.


Nawala ang ngiti sa labi ko nang sumara ang pinto. Napatingin na lang ako sa may TV kahit hindi ko naman maintindihan ang pinapanood ko. Napatakip na lang ako sa mukha ko at sinandal ang ulo ko sa couch habang nakapikit.


"Pucha," bulong ko sa sarili ko.


I couldn't even watch romantic movies anymore without thinking of him... and the nightmare he put me through. I loved romantic movies. I liked reading romantic books... dahil mahilig akong mag-imagine kung ano kaya ang pakiramdam kapag nagmamahal o kaya minamahal.


Mali. Hindi naging ganoon ang pakiramdam.


Hindi ako makalabas sa condo buong break habang nagpapagaling ng sarili ko... at ng puso ko. Bukod pa roon, I was always scared that he might be out there. I was scared that he might be following me to hurt me again. Just the idea of him being free outside scared me.


Iyon ang unfair... dahil malaya pa rin siyang nakakalabas habang ako ay nakakulong sa sarili kong takot. Gusto kong manatili na lang sa loob ng kwarto kung saan pakiramdam ko ay hindi niya ako maaabot.


But the air in the room was already suffocating me. Kailangan kong lumabas. I needed to face my fear. I needed to at least pretend that everything was normal... that everything was okay.


Tumayo ako at nagpalit ng damit. I wore a black formal dress and put my hair in a ponytail before putting on makeup. I dressed up to hide the fact that I was a mess. I couldn't even look at myself in the mirror.


It was pretentious... but it was all I could do today. To pretend. Paano ko mapapaniwala ang sarili kong kaya ko? Na matapang ako ngayong araw? Gusto kong... maging iba... kahit ngayong araw lang. Pagod na akong manatili, magkulong sa kwarto. It was the first time I wanted to go out and be... free.


Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nasa tapat lang ako ng lobby habang iniisip kung ano ba ang gusto kong gawin. Should I buy myself a good meal for the first time? Hmm... I think I should do that. Dinnertime naman na at nagugutom na rin ako.


I booked myself a car papunta sa isang restaurant na gusto kong kainan. I was trying so hard not to tremble while the car was moving... because just being inside the car scared me. The memories were flashing back to me. Dahil sa kaniya, natakot na ako sa sasakyan, mas lalo na sa shotgun seat.


"Nandito na po tayo, Ma'am." I did not even notice the time. Narito na pala ako.


Pagbaba ko, sumakay na akong elevator at pumunta sa mataas na floor kung nasaan ang restaurant. Naiilang ako dahil mag-isa lang din ako pero hindi ko rin naman alam kung sino ang isasama ko.


"Welcome, Ma'am!" bati sa akin ng waitress. Wala akong reservation pero dahil madalas naman dito si Daddy, binigyan nila ako ng isang table. I was looking around to see if may familiar faces akong nakikita. Mabuti na lang at wala.


I just realized how lonely I was while looking around and seeing all those couples having the time of their lives. Meanwhile, I was here to make myself forget. Ano ang gagawin ko?


Pretend. Iyon ang gagawin ko. Pretend I was someone else... and not myself.


"Thank you," I told the waitress when they served the pasta I ordered. Nangalumbaba lang ako habang kumakain. Ang hirap. Wala akong kausap. Wala akong kasama. Lumabas nga ako pero mag-isa pa rin ako kaya hindi ko rin na-distract ang sarili ko sa mga iniisip ko.


Gusto ko bigla ng kasama. Iyong hindi ako kilala... para hindi ko maramdamang kinakaawaan niya ako. Iyong hindi alam ang totoong nararamdaman ko para lang maramdaman kong... normal ang lahat.


Gusto ko nang maiyak habang kumakain ako ng pasta. It frustrated me so much. I bit my lower lip when it trembled, and the tears started pooling in the corner of my eyes because of so much anger. My hand was shaking while holding the fork. I let out a heavy sigh before covering my face. Sumandal na lang muna ako saglit sa upuan ko para pakalmahin ang sarili ko.


Tinanggal ko ang mga kamay ko sa mukha ko nang maramdamang may umupo sa tapat ko. I looked at the man with so much confusion. He was wearing a semi-formal attire too, but his neck tie was untied.


"Who are you?" Tinaasan ko siya ng kilay. He looked familiar... but not that familiar. Hindi ko nga alam ang pangalan niya.


"Are you okay?" he asked with concern in his eyes. Englishero. "Did someone ditch you? Why do you look like you're about to cry?" Tumaas ang isang kilay niya sa akin.


Ang daming tanong. Sana isa-isa lang.


"That's a long name," pambabara ko sa kaniya saka siya inirapan nang hindi sinasagot ang mga tanong niya. Narinig ko ang tawa niya. He looked so amused by my reply. Ano kaya ang tinatawa-tawa niya?


"Can I sit here?" tanong niya sa akin ngayon. "I got ditched too." The side of his lips rose. He was such a great liar, but I was getting better at reading lies.


"Nagtatanong ka kung kailan nakaupo ka na," masungit na sabi ko sa kaniya. His amused smile grew wider when he heard my reply. He even put his elbows on the table and leaned a little forward. I didn't budge and just raised my eyebrows at him. Sino ba 'to at bakit nakiki-upo rito?


"Sungit, ah," nakangising sabi niya sa akin. "Just keep that face instead of the one earlier."


"What was the other one?" Nagpatay-malisya ako kahit alam ko naman ang tinutukoy niya. "Wait... Were you watching me?"


"No, you just caught my attention," he smoothly said. "I wondered why you looked so scared... and thought that someone might be bothering you... so where is he? I'm good at fighting, you know."


Hindi ko naman tinanong.


"He's not here," mariing sabi ko.


"So there really is someone," he concluded.


Ano ba ang problema ng lalaking 'to at ang chismoso?! He was even watching me from afar. Baka sa kaniya dapat ako matakot! Sino ba 'to?!


He put a hand up and ordered a dessert for two from the waitress before gesturing for me to finish my food. Napailing ako sa kaniya at pinagpatuloy ang pagkain ko ng pasta habang nakaiwas siya ng tingin sa akin. Pakiramdam ko nakaiwas siya dahil ayaw niya akong mailang. It was working.


Nang i-serve na ang in-order niyang ice cream para sa aming dalawa, tumingin na ulit siya sa akin. He was leaning forward again while eating his ice cream through the small spoon. He was staring at me like he was reading my mind, so I worked hard to hide my thoughts.


"Please tell me ice cream is your comfort food." Tinaas niya ang dalawang kilay niya sa akin. "If not, I'd feel really bad for not ordering the right one."


"Yes, it is my comfort food but you did not get the right flavor. Chocolate ang gusto ko, hindi vanilla," sabi ko naman sa kaniya. Ni hindi ko alam kung bakit pa ba ako nakikipag-usap sa kaniya.


"Damn." He really looked frustrated that he got it wrong. "Hmm... Dark chocolate would more likely fit your personality."


"Is your hobby guessing ice cream flavors based on personalities? May bayad ka ba diyan?" pagsusungit ko ulit kaso lahat yata ng sinasabi ko, natatawa siya. Hindi naman ako nagpapatawa. Ano b'ang problema nito?


"Why? Are you willing to pay me?" Tumaas ang isang kilay niya. "Just buy me an ice cream next time too."


"There won't be a next time." I also arched a brow, giving him a sarcastic look.


"Trust me, there will." He gave me a smug look this time. Napatitig kami nang matagal sa isa't isa bago ako umiling sa kaniya at kumain na lang ng ice cream.


We quietly ate our ice cream, but I did not feel awkward. All I was thinking about was how to make a good comeback on anything he will say. Ano kaya 'yong susunod niyang punch line? Paano ko kaya siya babarahin?


"Do you drink?" tanong niya sa akin pagkatapos niyang kumain ng ice cream.


"Sometimes," sabi ko sa kaniya. Hindi na 'ko nakakainom lately dahil hindi naman ako lumalabas ng bahay or condo. Tumango naman siya sa akin at nanghingi ng tubig sa waitress. Akala ko ay alak ang hihingin niya.


"How will you go home? I would offer to take you home, but I know you'll be more scared because I'm a stranger, so I'll just suggest booking a ride. If something bad happens to you, call me." Sinulat niya ang number niya sa tissue bago binigay sa akin.


Natawa ako nang sarkastiko sa kaniya. "Is this how you get girls? It's pretty lame."


"Did you just assume that I want to get you?" He leaned forward and smirked at me. "Or you're projecting it to me? Am I your type? Try getting me then." Umayos siya ng upo at pinagkrus ang braso sa dibdib.


Napatitig ako sa kaniya nang matagal habang nakatingin siya sa akin, naghihintay ng sasabihin ko. Nagpasalamat pa siya sa waitress nang dumating ang tubig na pinakuha niya.


"Do you want to sleep with me?" I asked to get a reaction from him. I just blurted it out. 


I expected him to spit out the water but instead, he just smirked behind the glass while drinking water, like he was expecting it from me. Nang ibaba niya ang baso ay tinitigan niya ako, mukhang binabasa ang iniisip ko.


"Sex won't solve your problems, woman," he told me.


"I'm not asking you to solve it," sambit ko pabalik. "And I'm not asking to have sex."


He stared at me again before letting out a short laugh. Tinaas niya ang kamay niya para hingin ang bill. Ni hindi niya man lang tiningnan 'yon at nag-sign na lang. "Charge it on my room," seryosong sabi niya.


Pretentious once more. I wanted to be brave that night and forget about everything. I didn't want to look scared. I didn't want to be myself. I was so tired of feeling fear. I would gladly do it if I could mask my emotions just for tonight. I could use anyone. It just happened that this man... sat in front of me.


"Alright... Do you want to go up to my room? We can order more food, I guess," sabi niya sa akin at nilahad ang kamay niya.


I took his hand, and we walked out of the restaurant. I was biting my lower lip while we were inside the elevator. Kami lang dalawa kaya ang tahimik.


"You're not taken, right?" tanong niya sa 'kin. Umiling ako sa kaniya.


"Ikaw ba?" tanong ko pabalik. Ayaw kong mapahamak 'no.


"Nope," he said, popping the 'p.' "Never." 


Ang tagal ng elevator. Kinabahan ako bigla nang mapagtantong papunta na nga kami sa hotel room niya. Nagpasalamat na lang ako nang bumukas ang elevator at sumunod ako sa kaniya papunta sa room niya.


"Ciandrei," sabi niya habang binubuksan ang pintuan gamit ang key card. "Ciandrei Kyle. That's my name... But you can call me Shan."


Tumango ako at naglakad na kami papasok. Hindi ko na sinabi ang pangalan ko para hindi niya ako mahanap. Wala naman na akong planong kitain pa siya o kausapin pagkatapos nito.


Inalis niya ang necktie niya at sinabit sa may sofa. Ako naman ay umupo roon at tumingin sa paligid. Tumayo lang ako para tingnan ang city lights sa malaking glass wall.


"What do you want to order?" tanong niya sa akin, hawak ang menu. "They have... Hmm... Fruit shakes? Oh, here. They have bingsu."


"Iyon na lang," walang pakialam na sabi ko, nakatingin pa rin sa labas.


Tumawag siya sa restaurant at nag-order nga noong bingsu. Hindi ko alam kung ano 'yon kaya nagulat ako noong dumating na sa room at nakitang ang laki pala noon.


Umupo ako sa may sofa at umupo naman siya sa tabi ko. Tinanggal ko ang heels ko habang siya ay nag-iisip kung paano siya kakain nang hindi nagkakalat.


"Huwag ganiyan. Kakalat!" sabi ko. Pinatong ko ulit 'yong bingsu sa tray tapos dahan-dahan kong nilagay sa isang maliit na plato ang nakuha ko para mabawasan.


"So, why are you here?" tanong niya sa akin habang kumakain kaming dalawa. Nakapatong na ang paa ko sa sofa at nakaharap sa kaniya habang nakaupo siya medyo malayo sa akin para bigyan ako ng espasyo. "Why did you even trust me?"


"I don't," sagot ko naman. "Kapal naman ng mukha mo kung iisipin mong pinagkakatiwalaan kita. Ibabalik ko sa 'yo ang tanong... Bakit mo ako dinala rito? Pinagkakatiwalaan mo rin ba ako? Paano kapag may gawin ako sa 'yo?"


Natawa siya bigla sa sinabi ko. "Scary," sarkastikong sabi niya.


"Talaga," sabi ko at kumuha ulit ng bingsu gamit ang kutsara.


"What if I kiss you?"


Nanlaki ang mga mata ko at napalingon kaagad sa kanya. Kagat-kagat ko pa ang kutsara at hindi ko pa nangunguya ang strawberry.


"You won't," matapang na sabi ko at binaba ang kutsara.


"Why?" Kumunot ang noo niya. "Paano mo naman nasabi?"


Tinitigan ko siya sa mata habang malayo siya sa akin at tinaasan ng kilay.


"Want to play a truth or dare?" tanong niya, nakangisi.


Tumingin ako pabalik kay Luna para tingnan ang reaksyon niya sa kwento ko. "Tawa-tawa kami, kwentuhan, we played a game. Natalo ako... and then... Boom! One thing led to another-"


"Ano?! Pucha, hindi ko maintindihan, Ke! Bakit?! Never kong naisip na mangyayari 'to!" Gulat na gulat pa rin siya.


"Ako rin naman!" Tumaas na rin ang boses ko. "Pero hindi ako 'yong kagabi, okay?!"


"Eh, sino 'yon?!" naguguluhang tanong niya.


"I don't know!" sigaw ko. "But at least she was free!" 


Natigilan siya at napatitig sa akin, hindi alam ang sasabihin. Her eyes were suddenly full of worry because of what I said. Umiwas ako ng tingin sa kaniya.


"Yes... I used someone to forget. Alam kong mali... Huwag mo nang sabihin sa akin," sabi ko sa kaniya. Alam ko na ang iniisip niya.


"Hindi naman 'yon ang iniisip ko," sabi niya at umiling. "Hay nako, basta. Sige na... Magpahinga ka na."


"Huwag na natin pag-usapan ang tungkol dito, ha?" sabi ko bago siya lumabas ng kwarto ko. "Pinagsisisihan ko na 'yong nangyari. Hindi na mauulit 'yon tsaka hindi naman na kami magkikita noong lalaking 'yon!"


I shouldn't have done that... I just opened the gate to another disaster in my life. Ciandrei Kyle.

________________________________________________________________________________

.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top