7


"Ang tagal mo namang umihi, Eli. Ano inilabas mo lahat?" Natatawa si Vina nang makaupo ako.

"Hinanap ka ni Prof. Sabi ko nagtext ka na sumakit ang tyan mo kaya tumambay ka muna saglit sa CR." Kinurot ko naman sya. Napaka fake news talaga!

Napatagal naman kasi ako dahil si Rav napakakulit. Gusto pa akong hilain papunta sa clinic eh nalagyan ko na nga ng ointment ang noo ko. Ni ayaw pang tanggalin ang pagkakayakap sa akin. Buti na nga lang at may tumawag sa kanya sa phone kaya nakawala ako at dali-daling umalis.

"-so that's all for today." Tuluyan na ngang umalis si Prof kaya't naghanda na akong tumayo.

"Guys! May laro daw si Ivar mamayang hapon kalaban ang department natin. Nood tayo?" Yaya ng isa naming kaklase. Some of them agreed.

Nagtataka ko namang nilingon si Vina na ngayon ay nakakunot na ang noo.

"Nood tayo mamaya, Eli. Nandoon si Kulot!" She tried to pursuade me.

"Akala ko ba graduating na rin sila?Di ba sila busy sa OJT, Vin?"

"Time management tawag jan, El. Ano go tayo? And last year na rin naman natin. One last watch na to sa kanila."

"Try ko, Vin." I said and put my things on my bag.

"Anong try, try? Manonood tayo. Kailangan nating pumunta at nang makabawi ako sa Kulot na yan at mapagtawanan rin sya sa tuwing madadapa sya!" She insisted and dragged me.

Hindi nga nagpapigil si Vina. Ni hindi nga nya ako hinayaang umuwi para lang makapagbihis. Suot suot ko pa rin ang puting uniform namin. Mabilis pa naman 'tong madumihan.

Nang mag ala una na ng hapon ay hinila na ako ni Vina sa field. Naupo kami sa pinakaunahang baitang.

The field was full of people. I looked around and saw some of them wearing the colors of their department.

Nang magsisimula na ang laro ay isa-isa nang tinawag ang mga players. Masyado nang maingay ang field kaya naman ay hindi na gaanong nagkakarinigan. It was noisy as hell!

Dismayado naman ang iba dahil mukhang mali-late daw si Ivar. It was in the middle of the game when I felt the need to pee. Dapat talaga hindi ko muna inubos itong isang bote ng mineral water! Kinuhit ko si Vina at sinenyasan nya lang ako na tumayo na.

"Eli, yan yung Kulot! Ay, nadapa! Buti nga!" Sigaw pa ni Vina. Hindi ko na tiningnan at kailangan ko na talagang makaalis dito. I think I'm going to pee in my skirt soon if I don't move fast.

Sakto namang kararating lang daw ni Ivar at sya na ang papalit sa isang player. Nakayuko na man ako para di maabala sa manonood kaya't di ko na sya napagmasdan pa.

"Baby!" Whispers filled the field.

"Hey, Babe. Wait!" He added and the audience laughed and shouted.

"Imara Alessia! Where are you going, by?"

Ang kaninang maingay na tawanan at sigawan ay napalitan ng katahimikan. Napahinto na man ako sa pagyuko at napalingon sa tumawag.

Nakatayo sa gitna ng field si Rav habang nakahawak sa magkabilang baywang at nakakunot ang noo. Nakasuot ng soccer uniform.

"Aalis ka? I'm not yet playing, baby!" Sigaw nya pa. Nagsinghapan na man ang mga tao. Is he crazy?

"Go back to your seat and watch me play, by!" Utos nya pa. Ano ba, ihing ihi na ako oh!

"Come on! Don't go yet!" Sigaw nya pa.

"Ano ba! Ihing-ihi na ako, Rav! Paalisin mo muna ako!" Ganting sigaw ko at dali-daling umalis. Nakakahiya talaga ang lalaking yun.
Tumambay na lang ako sa cafeteria matapos kong umihi. Ni ayaw ko na nga sanang bumalik doon sa field kaso itong si Vina, tawag ng tawag. Pinapabalik ako, tili pa ng tili.

I guessed that incident that happened awhile ago gave her another reason to tittle-tattle. This time, with me as one of the main characters.

Nang makabalik ako ay wala na gaanong tao. Kakatapos lang rin pala ng laro. May mangilan-ngilan na napapatingin sa akin at namamangha. Ang ibang babae naman ay iirapan ako. What the hell?

Nakita ko naman si Vina sa pwesto namin kanina at nilapitan ito. Kinurot nya naman ang baywang ko at bumulong.

"Ikaw ha! Di mo sinasabi lumalandi ka na pala!" Nanggigigil na sabi nya habang tumitingin sa likod ko.

"Ano ba yang pinagsasabi mo?" I irritatingly answered.

"Yan. Yang papunta sa atin ang sinasabi ko!" She hissed but laughed. Oh, weird.
Lumingon naman ako at nakita si Rav kasama ang mga kaibigan nya na papunta sa amin. Malaki ang ngiti, parang tanga.

"I'm happy you're cheering me today, by." Napairap naman ako. Kakarating ko nga lang ulit. Pinagsasabi ba nito?

"Glad to see you again, Eli!" Si Justin na nakasuot rin pala ng soccer uniform.

Nagsilapitan naman sa pwesto namin ang iba pa nyang kasamahang players. Naalala ko ang dalawa dito na syang kumuha ng bola nung tinamaan ako kanina!

"Eli! S-sorry talaga! Hindi ako yung nakatama ng bola sayo! Promise!" Sabi pa nito at akmang hahawakan sana ako nito nang mapigilan sya ni Rav na ngayon ay nakakunot na naman ang noo.

"Don't you dare touch her, Jake!" Rav annoyingly said.

"Ay grabe naman, boss!" The Jake guy said and moved backward. Raising both of his hands.

Hinawakan naman ako ni Rav sa kaliwang kamay ko. Pawisan pa sya pero mabango pa rin. Sana all.

"Let's get out of here?" He whispered and dragged me, didn't let me answered his question.

"W-wait. Si Vina! Kasama ko sya." I tried to stop him.

"It's okay, by. She can handle herself." He said and smiled.

Nakarating kami sa sasakyan nya at inalalayan pa ako papasok. Mabango rin ang sasakyan nya. Malinis at malamig. Bago siguro ang aircon.

"What do you want to eat, baby?" He asked.

"Di ka ba muna magbibihis?" Basa na kaya ang damit nya dahil sa pawis tapos nakaaircon pa kami. Baka sumakit ang tyan nito!

Napangisi naman si Rav at may inabot sa may passengers seat. Inilabas nya sa bag ang isang puting t-shirt. Nabigla naman ako nang biglang maghubad ito sa harapan ko! I saw how perfectly defined his body is, I remove my gaze when my eyes landed on his flat stomach.

"A-ano ba! Respeto naman no?!" I suddenly blurted out.

"Why are you looking away, baby? You have the right to look, you know!" Nang-aasar nya pang sabi. I didn't looked back but I can still see it on my peripheral vision.

"I'm done. You can look now. I was just teasing you." He said and hold my hand again. I sighed in relief!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top