4


"-what the hell, Dude?"

"-Sya na ba yan?"

"Can you please shut your mouths? Baka magising to."

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Hindi masakit ang likod ko kahit na sa sofa ako nakatulog. I looked at the ceiling and realized na wala ako sa sofa. Nasa kama ako at katabi ang lalaking may malaking ngisi. Napalingon naman ako sa kabilang banda at nakita ang dalawang matangkad na lalaki na napapakamot sa kanilang mga ulo.

"Good morning, baby. How's your sleep?" Napangisi nyang sabi. Ang aga aga nang-aasar.

Napabangon naman ako at tumayo. Naiilang sa tingin ng tatlong lalaking nakatitig sa akin. Tinungo ko ang banyo at sandaling nag ayos. Lumabas ako at nakitang nagbubulungan sila. Natahimik naman ng mapansin ako.

Kalalaking tao tapos mga gossipers.

"I'll call the Doctor and ask for your results. Behave. Don't move." Nagmadali naman akong umalis at nakita si Nurse Misha.

"Nurse Eli? Bukas pa shift mo. What are you doing here?"

"Good morning po. May binantayan lang. Nag rounds na po ba si Doc Sy? At ready na po ba ang results ng CT Scan nung kahapon?"

"Mag ra-rounds pa lang sya actually. And yes pwede nang makuha ang result." Bigla namang napaawang ang bibig ni Nurse Misha nang mukhang may naalala.

"Oh wait. Yan yung pasyenteng isinugod kahapon?" Nangingiti nyang tanong. Tumango naman ako.

"What a coincidence. Ay, ayan na si Doc oh!" Turo nya naman sa Doctor na papalapit sa amin.

"Eli. Papunta na ako roon. Ikaw na lang itong humawak ng chart at may inaasikaso pa sandali si Gina." Tukoy nya sa Nurse na dapat ay kasama nya.

Dumiretso naman kami sa kwarto. Nakuha na pala ni Doc Sy ang result ng CT Scan. Pagbukas namin ng pinto ay nandito pa rin ang dalawang lalaki. Kumakain ng instant noodles pati na rin ang lalaking nasa kama.
Nanlalaki naman ang mata nya nang makita ako at mabilis binaba ang cup noodles. Ngumisi naman nang makita ang Doctor na parang nakakita ng kakampi.

"Good morning, Iho. I've got your results and normal naman lahat. You just have to take the medicines that I will prescribe."

Chineck naman ulit ni Doc si Rav at isinulat ko naman sa chart ang mga detalye. Pwede na raw lumabas si Rav ngayong alas otso kaya naman ang mga kaibigan nya na ang nag asikaso.

Kailangan rin nitong magpahinga ng mga ilang araw. Nang maayos na ng mga kaibigan nya ang lahat ay tumayo na ako.

"I'm going. Take care of yourself." Kinuha ko na ang mga gamit ko at akmang bubuksan na ang pinto nang magsalita ito.

"Thank you, baby. I'll find you again." Napairap naman ako sa kanyang sinabi at tuluyan ng lumabas. Sakto namang nakasalubong ko ang dalawang kaibigan nya.

"Excuse me, Miss. I'm Grey. Thank you sa pag-aalaga sa kaibigan namin." Sabi ng lalaking singkit.

"I'm Justin. Nice to meet you, Miss?" Napalingon naman ako sa isang kaibigan nyang kulot at medyo singkit rin.

"Eli. You can call me that." Sagot ko naman.
"I put the prescribed medicine oh his table. Wag nyo munang pagurin si Rav." Dugtong ko.

"R-rav? That's what you call him?" Grey questioned weirdly.

"Yes. That's his name, right? That's what he told me to call him." I answered confusely.

"Maybe you're really special, Eli." Napangisi nang sabi ni Justin.

Naguguluhan man sa pinagsasabi nila ay umalis na ako. Nakarating ako sa school ng ala una. Suot ko na naman ang puting uniform. Agad na man akong sinalubong ni Vina na parang may panibagong chismis na dala.

"What's the matter, Vina?" I curiously asked.

"You know Ivar? The hot guy from the Architecture Department?" she answered. I can't remember who the hell was Ivar pero tumango na lang ako.

"Imara Alessia! I know you can't remember him! Dahil di ka naman mahilig tumingin sa paligid. Well, next time ituturo ko sya sa 'yo!" Nanggigigil na kinurot naman nya ang tagiliran ko.

Nakakatawa talaga itong si Vina. Obvious naman na hindi ko kilala tapos itatanong pa.

"What about him?" I asked again.

"He met an accident pala."

"Oh tapos? Buhay pa?" Tanong ko.

"Of course, Eli! Ano papatayin mo na diretso yung tao? Di ko pa nga natuturo sayo!" At kamay ko naman ngayon ang kinukurot nya.
Mas lalo tuloy akong natawa kay Vina.

"I'm just joking!" Natatawa ko pang sagot.

"Yeah. Yeah. Tatawa na ba ako tutal minsan ka lang mag joke at tumawa?" Nang-iirap nya pang sabi.

"Pwede rin naman kung gusto mo?" Nang-iinis ko pang sabi at bahagyang tumawa.

Dumiretso na kami sa room pagkatapos. Nandoon na ang Prof to give further instructions para sa upcoming graduation. She also asks us about how our OJT went. Matapos iyon ay tinawag pa ako at mukhang may iiwan lang at aalis na. Sinabihan pa akong ihatid raw sa next class ni Sir Philip ang librong iiwan. Wala naman daw kaming gagawin. Ipapaiwan lang daw ni Sir ang libro parang props kung may dadaan mang checker.

Nakakatawa kung iisipin, sabi pa nya na alam daw nyang stressed kami kaya't bibigyan nya kami ng free time. Nang umalis nga ang Prof ay napuno ng ingay ang room. Usap-usapan ng mga babae kong kaklase ang lalaking nagngangalang Ivar. Nakichismis naman si Vina kaya naman ay nakinig na lang ako.

"Ivar's not that friendly." Sabi ng isa naming kaklase.

"Yes. Napakasuplado kaya. Ni hindi nga kumakausap ng mga babae yun."

"He's a snob." singit naman ni Vina.

"Biruin mo five years ang architecture pero ni hindi pumatol sa mga nagkakagusto sa kanya."

"Yup. Pero yung sa mga friends nya sabi mabait daw yung kulot."

"Mabait ba yun? Ang suplado kaya nun." singit ulit ni Vina.

Napahaba pa ang usapan nila. Sinasabi nilang matalino raw si Ivar kaso ay mapaglaro. Nagsusuplado raw pero kahit ano atang kutya pa ang ibigay ay hindi raw nito matatakpan ang angking kagwapuhan.

Tumayo na ako ng malapit na ang time para sa next class ni Sir Philip. Ihahatid ko pa itong libro ni Prof. Gagawin pa nya ulit itong props.

"Uuwi ka na after nito, Eli?" Napatango naman ako kay Vina. Mukhang babalik pa ata sya sa assigned hospital nya.

"Ihahatid ko lang ito, Vina. Sa bahay na ako didiretso." Sabi ko pa.

"Okay. Take care, Eli." I gave her a smile and walk away.

"Ay wait! Don't forget the ring, ha?" Pahabol pa nya. I nodded at her and waved my hand.

It was for our graduation. Hindi kasi required sa amin na school ang bibili. The admin instructed us na pwedeng kami ang mamili ng gusto namin. Wala pa akong time bumili kaya baka next time na lang siguro.

Nakarating ako sa third floor ng Architecture Department. Napakalayo ng nilakad ko kasi naman nasa magkabilang dulo ang mga building namin. Nang makarating ako sa room ay wala pa si Prof pero may mangilan-ngilan nang studyanteng nakaupo.

Sinabi naman sa akin ni Prof na kung wala pa si Sir ay ilagay ko nalang diretso sa mesa ang libro. Puno ng tawanan ang loob at may kanya-kanyang gawain kaya naman pumasok na ako diretso.

Natahimik naman ang buong room kaya't nagtaka ako. Dahan dahan akong lumingon at nagtaka. Nakaawang ang bibig ng karamihan na halos lahat ay lalaki. Nagtataka siguro sila dahil na rin sa suot kong puting uniform.

"Miss, pwede bang magpacheck up. Pa BP pwede?" Namamanghang sabi ng isa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top