26
Akala ko mas lalong bibigat ang dibdib ko dahil sa mga nangyari, pero hindi pala laging ganoon. Mas naging magaan ang pakiramdam ko. Parang nabunutan ako ng tinik dahil sa mga nangyari. Maybe that closure was the hardest thing to do, but it kept us moving forward.
Mahigit dalawang linggo na akong tambay dito sa bahay. Pinag-leave ako ni Kuya ng isang buwan para raw makapagpahinga ako. It was so boring dahil wala rin naman akong masyadong ginagawa.
Si Vina naman ay nakauwi na. Hindi kasi pwedeng iextend ang leave nya. I understand her din naman.
Ibinalot ko ang aking sarili sa kumot at naglakad palabas ng kwarto. Kakatapos lang ng ulan kaya naman malamig ang hangin.
Hindi rin masyadong nagagawi dito si Makoy dahil laging sinasama ni Kuya ang bata sa mga lakad nito.
Sumilip ako sa bintana at napansing maggagabi na. Tinatamad pa naman akong magluto dahil sa panahon. Bumalik ako sa taas. Mas gusto ko pang humiga at matulog nalang ulit.
Naalimpungatan ako nang makarinig ng sunod-sunod na tunog ng doorbell. Napatingin ako sa wall clock at napansing alas syete na pala ng gabi.
Napasimangot naman ako habang sinusuot ang aking tsinelas at binalot pa rin ng kumot ang aking sarili. Hindi pa rin tumitigil ang pagtunog ng doorbell.
Why can't they wait?
Bumungad sa akin ang nakasimangot na si Rav nang mabuksan ko ang pinto. May bitbit syang dalawang supot na hindi ko alam kung ano ang laman.
This is the first time I saw him after what happened.
"Your brother instructed me to give you these." He said and handed those to me. Kinuha ko naman iyon kahit na nahihirapan ako dahil hawak ko pa rin ang kumot sa katawan ko.
I heard him groan at mabilis na kinuha sa akin ang mga supot. Dire-diretso syang pumunta sa kusina at ipinatong iyon sa dining table.
"Thanks." Tumango naman sya at mabilis na lumabas.
Matapos masirado ang pintuan ay dumiretso ulit ako sa taas. Sinilip ko ang mga laman kanina na puro pala pagkain. Ang mga gulay at fresh meats ay nalagay ko na sa ref. Ang iba namang de lata ay hinayaan ko na sa lamesa. Bukas ko na sila aayusin at gusto ko pang matulog ulit.
Naalimpungatan na naman ako nang makarinig ulit ng tunog ng doorbell. Napatingin ulit ako sa orasan at alas otso pa lang. Mag-iisang oras pa lang mula nang makatulog ako ulit.
Tamad na bumangon ako at mabilis na inihagis ang kumot na nasa katawan ko. Mabilis na dumiretso naman ako sa pintuan.
Napairap ako nang makitang si Rav ulit ang nakatayo sa harap ko.
"Why are you opening the door with that outfit?" Napatingin naman ako sa suot ko. Wala namang mali. Loose shirt at shorts lang naman to.
"Why are you here again?" Iniabot nya naman sa akin ang bitbit nyang cooked meal. Amoy na amoy pa ang Adobo.
"Your brother told me to give this to you." Napakunot naman ang noo ko sa sagot nya.
"He said that I should make sure that you really eat it."
"What?" Hinila nya naman ako sa sarili kong kusina. Pinaupo nya ako at kumuha sya ng pinggan at kutsara. Binuksan nya rin ang lalagyan ng dala nyang Adobo. Pati nga ang kanin na nasa rice cooker sa gilid ay inilagay nya rin sa mesa.
"Eat." He seriously said.
"Are you serious?"
"Mukha ba akong nagjojoke?" He answered. Tinaasan pa ako ng kilay.
"You should start eating para makaalis na ako." He added.
"You can go now. Hindi ko naman need ng presence mo."
"Your brother clearly told me not to leave until you finished eating."
"Sinusunod mo na sya ngayon?" Ako naman ang nagtaas ng kilay.
"I don't want to defy your brother's requests." Napaismid naman ako.
"Kumain ka na r-". Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang mabilis itong tumayo at kumuha rin ng plato at utensils. Wow.
Nasaan na yung sinasabi nyang bilisan kong kumain dahil aalis sya?
"Hindi naman halatang gutom ka no." I said as I started eating. He just look at me and didn't dare to answer.
After a few minutes ay tumayo naman ako at kinuha ang pickled papaya jar na ginawa ko kahapon.
Napasobra ata ang pagpihit ko kahapon kaya naman ay nahihirapan akong buksan ito ngayon. Rav notice what I'm doing, so he snatched it away from me.
I looked at his hands. He puts so much strength kaya naman mas lalong nakikita ang mga ugat nya. I move my gaze and looked at his arms. Malaki na nga talaga ang pinagkaiba nya kesa nung dati. Napapansin ko rin ang tattoo nya dahil na rin sa pagtaas ng kanyang sleeves.
Actually, we talked like strangers who basically just met few weeks ago. In short, we're civil. Parang ang nangyari nung nakaraan ang closure talaga namin.
He handed me the open pickled jar and continued eating.
Napaiwas naman ako ng tingin nang mapansing nakatitig sya sa akin. I didn't mind him and continue to eat the pickled papaya.
Mahigit isang oras nang nandito si Rav. Naubos ko na nga ang pickled papaya at lahat-lahat ay hindi pa rin sya natatapos. Naubos nya na nga rin ang kanin namin. Pati na rin ang pickled papaya na hiniwalay ko para sa kanya kanina. Nakapaghugas na nga rin ako ng mga pinagkainan namin. Ngayon naman ay ang mango juice naman ang pinagti-tripan nya.
Napairap naman ako. Mahigit 10minutes na mula nang matimpla ang juice pero hindi pa nakakalahati ang bawas sa baso nya.
"May ikakatagal ka pa ba dyan? Baka gusto mong iovernight ang juice?" I harshly said. He grinned but didn't answer.
"I-bring home mo na kaya yan? Kung gusto mo pati baso dalhin mo." Inis na inis na ako sa kanya. Ano, wala ba syang balak umalis?
"Pinapaalis mo na ba ako?" He asked. Tinaasan pa ako ng isang kilay. Namimihasa na to ha!
"Ay! Ngayon mo lang ba napansin?" I retorted. Hindi pa sya nakakasagot nang biglang mawalan ng ilaw at biglang bumuhos ang ulan.
Napairap naman ulit ako sa hangin. Napaka-cliche naman ng nangyayari ngayon.
Nanatili kaming nakaupo sa may kusina. Walang gumagalaw, tanging bagsak lang ng ulan ang nagbibigay ingay sa amin. Napatitig naman ako sa bintana. May kakaunting liwanag akong nakikita sa labas dala ng buwan.
"Where would we be now if our love hadn't lasted?" Rav suddenly blurted. Madilim man ang paligid, ramdam ko naman ang mga titig nya sa akin.
"I'm not sure. Maybe we have built a family? Or maybe, if we really didn't work out. We were much worse at hating each other until now." I whispered.
"Our love was pure at that time. It was ideal, but it was not for us." I added.
"It was for us. I just messed it up." Bulong nya.
Tumayo at ako at sumilip sa bintana. Huminto na ang panandaliang ulan. Ang liwanag ng buwan ay tuluyan nang nagpapakita. Ang mga bituin sa langit ay unti-unti na ring lumalabas.
Napansin kong tumayo sya at pumunta sa aking gilid.
"Do you still love the moon and stars? The night sky?" He asked. Napatango naman ako.
"I learned to love them too." He said. Napangiti naman ako. They're always part of me. Masaya akong marinig na may nakakaappreciate din pala bukod sa akin.
"And I still love you." He whispered something that made me shiver.
With all the seriousness in his eyes, I'm guessing joking was out of the question.
The lights suddenly back. I am now facing him with his brown eyes intently staring at me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top