2

Napalingon naman ako nang may nagsalita sa aking tabi. Sa sobrang focus ko siguro kaya di ko sya napansin. Kung titingnan ay mukha syang misteryoso. Seryoso rin ang mga matang nakatitig sa akin.

He looked neat and clean. His hair was kinda messy but still looks nice.

"Bakit hindi mo tinapos?" Ulit nya pang tanong na parang kasalanan ko pang hindi tinapos ang iginuhit ko.

I did a fast sketch so talagang mabilisan lang ang drawing ko. Ni hindi nga na identify ang ibang details.

"Malapit na ang next class ko kaya aalis na ako." Walang ganang sagot ko at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Would you mind if I ask for that?" Turo nya sa scratch paper.

Bakit nya naman pag iinteresan 'to? If I were him, I definitely choose any except this one. Napalingon naman ako sa kanya. I looked directly at his brown eyes. So cold yet so warm.

"Why would you? Scratch paper lang naman to. Kunot kunot na papel." Nagtataka kong tanong sa kanya. Hindi nya pa rin inaalis ang seryosong tingin.

Natuwa ata sya sa sinabi ko dahil bahagyang umangat ang sulok ng labi nya.

"I can see beautiful creations even on it's worst angle." Nakangisi nyang sagot. Hindi nya na ako pinasagot at mabilis na inagaw sa aking kamay ang papel at umalis.

Weird. I never knew that guy. Ni minsan ay hindi ko sya nakita o baka naman nakita ko na sya pero hindi ko lang maalala.

Minsan nga may nakakasalubong akong di ko naman kilala pero nginingitian ako. It was so awkward but I always smiled back. Kahit na mukhang ewan yung ngiti ko.

Naglakad na ako papunta sa klase ko. Hindi na inabala pa ang sarili na isipin ang nangyari kanina. Weird things happen sometimes.

Nasa second floor ngayon ang room ko at sakto namang labasan na ng mga naunang gumamit. Nang masiguro na nakalabas na ang lahat ay saka ako pumasok. Naupo ako sa ikalawang row malapit sa bintana. Mas nakikita ko dito sa banda ko ang mga taong dumadaan sa hallway.

Mabilis kong nakita si Vina na papalapit sa akin. She was running kahit di pa naman sya late.

"El. Kamusta ang retdem mo kahapon? Di na kita nahintay. Nataranta kasi ako kay CI kaya biglang sumakit ang tyan ko." She whispered. She was the first one who did the return demo yesterday. Hindi ko nga alam kung natapos nya ba ng maayos.

"It was fine, Vin. Nakakakaba naman lagi."

Pasado alas kwatro nang natapos ang panghuli kong klase. Vina bid her goodbye and left. Katulad ng mga nagdaang araw, mas pinili kong lakarin na lang pauwi. Hindi rin naman kasi gaanong malayo at nakakaya rin namang lakarin.

"You're going home?" Huminto ako sa paglalakad ng madinig iyon ngunit hindi nag abalang lumingon at nagpatuloy sa paglalakad.

Naramdaman ko na lang na tumabi sya sa akin. Nang tumingin ako ay nakapamulsa na sya. Matangkad nga sya kung tutuusin.

"Bakit ka ba lapit ng lapit?" Nagtataka kong tanong.

"I'm just asking. Is that bad?" Nakangisi nya pang sagot.

"You know what's bad? Itong ginagawa mo. I don't even know you, and your creeping me out." Saka bahagyang lumayo sa kanya mula sa pagkakadikit.

Tumawa naman sya nang marinig iyon. Ngayon lang ata narealize na hindi dapat nakikipag usap sa strangers. Di ba sya tinuruan ng Mama nya?

Napahinto naman ako sa naisip. Sabagay ako nga namuhay ng mag isa pero alam ang bagay na yun. Malamang ay alam nya rin ang tungkol doon.

"Hey! You're spacing out." At nagawa nya pang iwagayway ang kamay sa harap ko. Napakurap naman ako sa ginawa nya. Napansin nya ata akong nakatitig sa kanya kaya bahagya na naman sya napangisi.

Napatingin naman sya sa suot kong ID at bahagyang hinila kaya naman ay napalapit ako sa kanya ng kaunti.

"Hi, Imara Alessia. I'm Rav."

"And so?"

"You know what? You're actually cute." I won't buy it.

"You know what? You're weird, actually."

"Of course not, baby." Nakangisi nya pang sagot. Inismiran ko naman sya at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Stop bothering me, okay?"

"Well, I'll see you tomorrow again. I guess?" Nanghahamon nya pang sagot bago umalis at tumalikod.

I blew a deep breath before I continue walking.

Nagbubukas na ako ng gate ng marinig ko si Aling Ynes na nagkukwentuhan kasama ang isa pa naming kapitbahay. Napansin nya ata ako kaya naman ay lumapit sya.

"Naku Eli! Narinig mo ba ang balita? Yung anak ni Marites aba'y nagkukulong daw sa kwarto at ang sabi'y depress!"

"Aba'y  ano ba yang depress depress na yan at nag iinarte lang ang mga kabataan ngayon! Kakacellphone nila kaya kung anu-anong naiisip." Nakalapit na rin pala ang isa naming kapitbahay.

They say depression is not a joke. But how can I educate them if, in the first place, they are the ones who have not taken it seriously?

"Puntahan mo nga muna ang anak ni Marites, Eli. Baka nga'y kung anu-ano nang ginagawa ng batang 'yon." Pakiusap pa ni Aling Ynes. Worried was already seen in her face.

"Aba'y mabuti pa at tama nga baka kung ano nang ginawa. Bigyan mo na rin ng reseta kung kinakailangan, Eli."

"Ano ba yang pinagsasabi mo at hindi doctor itong si Eli." Saway ni Aling Ynes.

"Aba'y hindi ba pwedeng magreseta ang mga nurse?" Hirit pa nito.

"Aba'y malamang hindi. Naku Eli, sige na puntahan mo muna ang anak ni Marites." Tulak nya pa sa akin.

Napabuntong-hininga na lang ako. Bitbit ang mga gamit ay dumiretso ako sa bahay nila Aling Marites. Napansin kong papadilim na ang langit, tanda na malapit nang gumabi.

"Eli? Iha? Bibisitahin mo ba si Janine? Halika, pasok ka." I knew Janine simula noong lumipat ako dito years ago. She was a very energetic kid. Masayahin at palakaibigan. Nag-iba lang noong lumaki na. Naging tahimik at hindi palaimik.

Inihatid naman ako ni Aling Marites sa kwarto ng anak.

"Mas mainam na ring nandito ka Eli. Kausapin mo na rin ang anak ko at minsa'y di ko na sya maintindihan." Hiling pa nya.

Napatango naman ako kay Aling Marites saka sya umalis at pumunta ng kusina.

"Janine? Si Ate Eli to. Can you open the door for me?" I looked at the plain beige door. Hinihintay na mapagbuksan ng pintuan.

"A-ate? T-they can't understand me." Umiiyak nyang sabi.

"I'll help you. Okay? But first open this door for me so I can check you."

Unti-unti nya namang binuksan ang pintuan. Tumambad sa akin ang madilim nyang kwarto. Ipinatong ko naman ang dala kong gamit sa mesang malapit sa kanyang kama.

"Can we turn on the lights?" Tumango naman sya. Sinimulan ko na sya icheck. Normal naman ang tibok ng puso nya. Chineck ko rin ang blood pressure nya at pareho pa ring normal.

"May problema ba?" I asked her gently habang nililigpit ko ang mga gamit.
Ilang minuto ang lumipas bago sya tumango ngunit hindi naman sya nagsalita.

"You know what? I know it's not easy for you to tell me about your problems. I know it's not easy to open up. You need a lot of courage. Maybe you are weighing the possible results after this. But it's okay to ask for some help." Janine sobbed after hearing what I said.

"A-ate. I-i think hindi ko kaya ang studies ko." She started.

"I-I was having a hard time. I was studying naman. But sometimes my mind won't cooperate with me. It's like I was listening to nothing. I don't know what to do, Ate." She added.

"S-si Mama. I heard her once. Kakwentuhan nya ang mga friends nya. Sobrang proud na proud sya sa akin. She said that she was looking forward to my bright future. I was afraid that I would really disappoint her."

"T-tapos nung isang araw, Ate. Natanggap na namin ang grades ko. Bumagsak ako, Ate. H-hindi pa alam ni M-mama. Natatakot akong sabihin." I hugged her to comfort her.

"It's like I was a failure. I'm feeling worthless. I have nothing good to do."

"Wag kang mag-isip ng ganyan. It's okay to fail. Atleast you tried. I know your Mama will understand you. I'll help you, diba?"

Anxiety and depression are not a joke.

I told her that I will talk to her mother about her problems. Aling Marites was shocked that her daughter was thinking that way. She agreed na ipacheck na rin si Janine at para mas lalo nya pang maunawaan ang anak.

Nakakaintindi rin naman siguro ang mga magulang. Siguro sa iba, kapag mataas ang expectations nila sa mga anak nila. Napakahirap sigurong tanggapin dahil na rin sa pride nila.

But I know Janine will be fine.

It's not easy to deal with that. You are your own enemy. You just have to help yourself, understand it and trust the process.

Umuwi na rin ako pagkatapos. Pagod na pagod ang katawan ko. Bukas ay didiretso ako sa hospital dahil na rin sa hospital duty ko. Binibilang ko na kung ilang hours ba dapat ang ilalaan ko para saktong matatapos ko lang bago ang graduation.

I feel like mas madali pang maging pasyente kesa maging nurse.

Tomorrow I will face the same challenges. When will my life be better?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top