18
Ang hampas ng alon at huni ng mga ibon ang tangi kong naririnig. Ang malinaw na dagat at unti-unting pagsilip ng araw ang nakikita ko sa aking harapan.
Lumapit pa ako ng isang hakbang at naramdaman ang malamig na tubig sa aking paanan. The long white dress I wore was slowly getting wet. Nililipad na rin ng hangin ang aking maiksing buhok na ngayo'y hanggang balikat nalang.
"Mama Alessia, lalangoy na po ba kayo?" Napalingon ako sa maliit na boses na tumawag sa akin.
Napailing ako kay Makoy. Lumapit pa sya sa akin kaya naman ay hinawakan ko ang kaliwang kamay nya.
"Medyo madilim pa po. Masyado pang maaga. Hindi na man po ulit kayo nakatulog?" Tumawa naman ako nang marinig iyon.
"I slept well kaya maaga akong nagising. Ikaw siguro ang hindi makatulog?" I said and teased him. I heard him giggle and laugh.
Sabay kaming naglakad paalis. Ang maninipis na buhangin ay dumidikit sa aming mga basang paa. Napalingon ako sa paligid at napangiti sa ganda ng tanawin. Maaliwalas ang paligid. May mga nagtataasang puno at malinaw na karagatan.
Natatanaw ko rin ang mga mangingisdang pauwi na. Mukhang marami silang isdang nakuha. I smiled at that thought.
It was 6 years ago when I got here. It was hard. My life was a mess. Si Vina ang tumulong sa akin. Sya ang umasikaso sa lahat ng kailangan ko sa review at exam. Hindi ako tumuloy sa hospital na dapat ay papasukan ko. Nagself-review ako habang nandito sa isla.
We were so happy when we both passed the exam. Finally, may license na ako. Vina tried to convince me na lumipat na sa city, but I am enjoying my island life.
Napadpad ako dito sa isang private hospital. I applied here at malaki man ang pagkakaiba ng ospital dito compared sa ibang lugar, maganda naman ang pakikitungo ng mga tao. I also gained my Masters degree and became a Nurse practitioner. As of now, I am working as the Chief Nursing Officer. Konti lang ang staffs ng ospital. Tatlong doctor, limang nurse at ang iba ay mga medical staffs na.
Marami ang nagbago at parang may kulang.
It was indeed far from the future I wanted for myself. But I know it was one of the best decision I've made.
"Ma, sabi ni Caloy may pupuntahan daw syang bayan . Puro bundok daw po ang makikita. Wala ba silang dagat doon, Ma?" He asked curiously.
"Meron naman siguro. Saang lugar daw ba?"
"Hindi ko po natanong eh. Itatanong ko po sa kanya mamaya." Napatango naman ako sa sagot nya.
Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na kami sa bahay. Alam naman ni Caloy na tuwing wala sa tabi nya ang bata ay nandito ito kasama ko.
Makoy was just 5 years old. Bata pa para maging lakwatsero. Mana talaga sa pinagmanahan.
Napalingon naman ako sa likod at nakita si Nana Lena na sumusunod sa amin. Humihikab pa sya. Malamang at ginising na naman ng batang maliit.
Sumasakit na rin nga ang ulo namin ni Caloy sa kakulitan ni Makoy. Pero there's nothing to worry din naman dahil sa akin lang naman sya laging dumidikit.
"Pupunta na po kayo sa ospital, Ma?" Makoy asked when he saw me on my white uniform. Naupo sya sa sofa na kanina'y hinigaan nya.
Pinauwi ko na muna si Nana Lena kanina dahil alam kong kulang pa ang tulog nya.
"Yup. Halika na. Idadaan na kita kay Nana Lena." I said and gently held his cute little hands.
It was 7:30am when I arrived at the hospital. It was peaceful and quiet. Ibang-iba sa maingay at di magkandaugagang ospital na nakasanayan ko.
I looked at the colorful walls. I painted them when I'm bored. Nagustuhan din naman ng mga bumibisita dahil pwede daw nilang gawing background picture.
"Good morning po Maam Alessia." Napalingon naman ako kay Kuya Emam. Isa sa mga guard dito.
"Hello 'ya. Kamusta po? Kumain na kayo?" I asked. Tumango naman ito at ngumiti kaya naman ay dumiretso na ako sa office.
Nakasalubong ko pa si Isay. Isa sya sa dalawang nurse na kasa-kasama ko.
"Good morning po, Maam Alessia. Hinahanap ka po ni Doc Cavin kanina. Ang sabi ko po ay sasabihan ko kayo agad pag dumating na po kayo." I nodded and smiled at her.
"Thank you, Isay. Pupuntahan ko sya agad."
I immediately put my things at dumiretso agad sa opisina ni Doc Cavin. Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto.
He immediately got up when he saw me.
"Good morning, Doc. Pinapatawag nyo po ako?" I asked.
"Stop the formality, Imara Alessia. I told you not to call me Doc diba?" He answered and slightly laughed.
Napakunot naman ang noo ko.
"Nasa hospital tayo, Doc." I obviously said to him.
Itinaas nya naman ang dalawang kamay nya. Senyales na talo sya.
"Okay okay. But I tell you. Stop calling me that ha, sweetheart?" He answered.
"Wala na naman si Makoy nang magising ako. Ibibigay ko na talaga sya sayo." He jokingly added.
Napangisi naman ako. I texted him earlier na kasama ko ang bata sa dalampasigan.
"Bigyan mo na daw kasi ng Mama." I teased him. Napaismid naman sya sa sagot ko.
"Nandyan ka naman. Okay na yun. Wag ka nalang mag-asawa." He answered and laughed loudly.
"Ay teka. Mag-aasawa ka pa ba? Diba iniwan ka?" he added and laughed again.
"Stop teasing me. Hindi ka nakakatuwa ha!" Inihagis ko naman sa kanya ang nakita kong magazine sa tabi ko.
"At hindi ko natatandaan na iniwan ako no!" I laughed at hinagis pa ang natitirang magazine sa tabi ko. Naiinis pa rin ako sa kanya!
Tumayo naman sya at lumapit sa akin. Nakakunot pa rin ang noo ko.
He held my hands and laughed again. Ang kapal talaga!
"I'm sorry, Imara Alessia. Okay?" He laughingly said and hugged me.
"Binibiro ka lang naman ni Kuya. Ang seryoso mo naman." He added. Hinawakan nya pa ang dalawang kilay ko at pilit na pinaghihiwalay. Baliw talaga!
It was 2 years ago when they saw me.
I was busy eating my lunch nang mapalingon ako sa aking gilid. There's this cute little kid who was cutely staring at me.
"You looked exactly like me. Are you my Mama?" He suddenly asked.
I stared at his cute little face. Gosh. Kamukha ko nga! Wala naman akong anak! Hindi nga ako nanganak eh! How come na may cute na batang lalapit sa akin at itatanong kung ako ang mama nya?
Ilang percent nga ba ulit ang may possibility na may kamukha?
Napahinto ako sa pag-iisip nang hawakan nya ang kamay ko. Napalingon naman ako sa paligid. Baka mapagkamalan pa akong kinidnap itong bata.
"Sinong kasama mo? Nawawala ka ba?" I asked him but he just stared at me.
Huminga ako ng malalim at pinaupo sya sa upuang tabi ko.
"Ma. Kandong ako sayo?" He asked. Napakamot naman ako sa kilay ko at muling kinarga ang bata para makaupo.
"Who's with you? Baka hinahanap ka na ng parents mo." I asked again pero wala yata syang gustong isagot sa akin. He just stared at me.
Hinawakan ko ng maayos ang bata at kinarga. Pupunta ako sa reception. Panigurado nandun ang parents nito.
Hingal na hingal ako habang karga-karga ang bata. Maraming napapatingin dahil hindi naman talaga maipagkakaila na magkamukha kami.
"Excuse me, Miss. May nagtanong na ba dito about sa nawawalang bata?" I asked.
"Yes po, Maam. May nakita po ba kayong nawawalang bata?" She asked nicely.
Tumango naman ako at itinuro ang karga ko.
The receptionist just smiled at me weirdly. Tinawag nya pa ang isang kasama to confirm something.
"Sure po ba kayo na hindi nyo po yan anak, Maam? Kamukha nyo po kasi." She added.
Napangiwi naman ako. Oh God! Ano bang nangyayari?
"Sure pa naman ako dito, Miss." I answered.
"We will contact the family po na nag inform about sa nawawalang bata. Can you please sit nalang po muna?" She answered at itinuro ang sofa sa gilid nito.
Tumango naman ako. The kid didn't say anything again. Nakatitig lang sya sa akin. Naguguluhan na rin tuloy ako. Nanganak ba ako ng hindi ko alam?
Nagka amnesia ba ako kaya wala akong matandaan?
Nakakunot ang noo ko habang nakikipagtitigan sa bata nang biglang may tumawag sa atensyon nito.
"Makoy. Napakalakwatsero mo talaga." The person said and laughed.
Bumaba naman ito sa kandungan ko at nagpakarga sa lalaking bagong dating.
Kung kanina'y nakakunot ang aking noo, ngayon nama'y nanlalaki na rin ang aking mga mata.
Pa? Is Papa Alive? Am I insane? Bakit nasa harap ko si Papa? At hindi sya tumanda. Nasa early 30's sya kung titingnan.
Kung ano man ang reaksyon ko ay ganun rin ang reaksyon ng lalaking nasa harapan ko.
Minumulto mo ba ako Pa? Dahil ba hindi ako masyadong nakakabisita sa inyo ni Mama? Sorry po. Ipagtitirik ko kayo ng kandila mamayang pag-uwi ko!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top