14


Nagmamadali kong isinarado ang gate ng sabihin ni Rav na malapit na sya. Susunduin nya ako ngayong araw at sabay raw kaming papasok sa University.

Napansin naman ako ni Aling Ynes kaya't napalingon sya sa gawi ko.

"Eli, aba'y himalang napaaga ka ngayon!" Nagtataka nya pang tanong. I remembered her nagging me all the time dahil sa pagiging mabagal kong kumilos.

Hindi pa ako nakakasagot ng pumarada ang sasakyan ni Rav sa harapan ko. Bumaba naman sya at binuksan ang kabilang pinto.

"Aba'y sino itong gwapong binata, Eli?" Nagtataka uling tanong ni Aling Ynes at tuluyan na ngang napahinto sa ginagawa nitong pagwawalis.

Napangisi naman si Rav sa narinig. Lumapit pa kay Aling Ynes at nagawa pang magmano.

"I'm Rav. Imara Alessia's boyfriend, Auntie." He said proudly. Mukha namang nagulat si Aling Ynes sa narinig. Bahagya pang nabitawan ang hawak na walis tingting at biglang napatalon at napa-palakpak ng kaunti.

"Naku! Mabuti naman kung ganoon, iho. Aling Ynes nalang ang itawag mo sa akin at nakakahiya naman ang Auntie. Tunog sosyalin." Napatawa pa si Aling Ynes ng bahagya.

"It's okay po, Auntie. I will still call you like that po." He answered. Mukha namang tuwang-tuwa si Aling Ynes kay Rav at napatagal ng kaunti ang pag-uusap. Nang maalala ang oras ay ipinagtulakan kami ni Aling Ynes sa sasakyan at baka raw malate pa kami.

"She likes you." I said as I sat down on the front seat of his car.

"Sa gwapo kong 'to, by. Sino bang hindi?" He joked. Kinuha nya naman ang kabilang kamay ko at hinawakan.

"Good morning, by." He said. Kissing my forehead and then stole a kiss from my lips. Tumitig kami sa isa't-isa at napangiti. Nagulat na lang kami ng biglang may kumatok sa bintana. Si Aling Ynes, sumesenyas na umalis na raw kami. Napatawa naman si Rav, he started the engine. Nahihiya naman ako at baka nakita ni Aling Ynes ang ginawa namin.

"It's tinted, by. Don't worry." He said and laughed. Napatakip naman ako sa mukha sa hiya.

Maaga pa nang dumating kami sa University. Rav got out from the car and opened the door for me. Napapatingin naman ang ibang estudyante sa gawi namin.

Malaki ang ngiti ni Rav which adds the attention he got from other students. Hinawakan nya ang kamay ko at sabay kaming naglakad. Nakasalubong namin si Justin na may hawak pang T-square. Nanlalaki ang mga matang nakatingin sa amin kahit na singkit naman ito.

"Dude, Eli? Tama ba 'tong nakikita ko?" Confusion was written on his face.

Itinaas naman ni Rav ang magkahawak naming kamay at bahagya pang ngumisi.

"I will just accompany my baby to her room, Just. Mauna ka na." Ivar answered and that made Justin widely opened his mouth. Napasinghap rin ang ilang mga nakarinig.

"Shit naman, dude? Kayo na talaga?" He asked again.

"Oo nga. Isa pang tanong babatukan na kita!" Naiirita nang sagot ni Rav. Muli namang napasinghap si Justin. Natawa naman ako sa reaction nito.

"Close your mouth, too. Baka pasukan ng langaw." Pang-aasar pa ni Rav at iniwan na namin si Justin na shock pa rin sa narinig na confirmation.

The news spread like wildfire. Vina was standing in front of me and giggling like a baby.

"Hay naku! Love is everywhere." Pagpaparinig nya pa. Sabay tingin sa mag-jowa naming classmates at muling ibinalik ang tingin sa akin.

"Would you please stop teasing me, Vin?" I asked her but she shrugged her shoulders and giggled again.

"Masarap kiligin diba, Imara Alessia?" She teased me again at itinataas-taas pa ang dalawang kilay nya. Napairap naman ako sa sagot nya. Kinuha ko ang phone ko nang may nag-text. It was Rav.

Rav: How are you, by? I love you.

Napangiti naman ako. I typed that I'm okay and an I love you too and hit the sent button. Nagulat naman ako nang makarinig ng hagikhik sa aking gilid. Mukhang mas kinikilig pa si Vina kaysa sa akin. Nakasilip pa sa phone na hawak ko.

"Humihinga ka pa ba, Vin?" I jokingly asked at kinurot nya naman ang kamay ko sabay tawa.

"You deserve that happiness in your eyes, Eli." She seriously answered.

"Everyone deserves it, Vin. You deserve it too." Hinila ko ang kamay nya and hugged her.

"Pero totoo, El. Masaya ako para sa 'yo." She whispered and hugged me tighter. Bumitaw naman sya pagkatapos ng ilang minuto.

"Nag-aya si Rav na lumabas mamaya. Sama ka?" Pareho naming free time mamaya so inaya nya ako kahapon. Napaismid naman si Vina sa tanong ko.

"Anong role ko dun, Eli? Third wheel?" She answered and started laughing.

"Kaya nyo na yan. Baka langgamin lang ako pag sumama ako sa inyo." She added and rolled her eyes.

"I think sasama si Justin." I answered and that made her face frowned even more.

"Ayoko munang makakita ng kulot ngayon, Eli. So, pass muna ako." She answered. I don't know what's the thing between them both. Ang pagkakaalam ko lang ay sa part na hindi tinulungan ni Justin si Vina nang madapa ito.

I looked at my phone when it started ringing. Tumatawag si Rav.

"Miss na miss. Parang di nagkasama kanina ha." Pang-aasar ni Vina.

"Hello?" I answered the call. Medyo maingay ang background ni Rav. I can't understand what he's saying.

"Sorry, by. That was my friends. Inaasar nila ako." He said and chuckled.

"It's okay. Ba't ka napatawag?" Nagtataka kong tanong. Hindi naman break time. Wala lang kaming Prof dahil may emergency meeting sa department namin.

"I just missed you, by." He answered. Nakarinig naman ako ng commotion sa kabilang linya. Inis na inis si Rav sa mga kaibigan nya dahil inaasar sya ng mga ito.

"Can't wait to see you later, by. Pumayag na si Justin na sumama. Sya ang photographer natin mamaya." He said and started laughing. Narinig ko naman ang boses ni Justin na umaangal.

"Wag mo masyadong asarin, Rav. Ayaw sumama ni Vina eh. Partner sana sila." I laughed. Napatingin naman ng matalim si Vina sa akin.

"Aw. Looking forward pa naman sana si Justin kay Vina." He teased kaya naman narinig ko ulit si Justin na umaangal sa kabilang linya.

"See you later, by. I love you, Imara Alessia." He answered. Kinikilig na naman ako. Napuno ng tuksuhan ang kabilang linya. Si Rav lang ata ang pinagkakaabalahan nila.

"Yeah. Love you too, Rav." I whispered and ended the call. Napalingon naman si Vina sa akin. Hindi nakalampas sa pandinig nya ang sinabi ko.

"Hay! It's so nice to be inlove no, Eli?" She teased me again.

I looked at Vina and nodded. Aaminin ko, it feels so genuine to feel this. Para akong nakalutang. Tuwing kasama ko si Rav, nararamdaman ko yung sinasabi nilang butterflies sa stomach. I never thought that I would experience this. I just feel so happy. Im so happy na sa tuwing tinititigan ako ni Rav ay kinikilig ako. I smiled at that thought.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top