Epilogue

Epilogue:



Yamato's Point Of View.


In our whole relationship her brother found out and because of that Jami and I started living under the same roof, I got her parents permission to allow that and they didn't say no.

Sobrang busy ko rin dahil pinagsasabay ko ang trabaho at pag-aaral, isang araw ay pagod na pagod ang hitsura ko dahil inabuso ako ng boss ko.

Over time ngunit malaki naman ang sahod, pag may over time hindi ko rin matanggihan, naging problema namin ni Jami at pagpilit niyang bayaran ang lahat.

Nauunawaan ko naman ang punto niya ngunit ayokong ginagawa niya 'yon, hindi dapat siya nahihirapan sa puder ko.

Hindi dapat siya gumagastos ng sobra, dahil ayoko ng ganoong klaseng relasyon sa kung saan nags-suffer siya sa pagkukulang ko.

Binawasan rin ng lolo ko ang allowance ko, ginigipit niya ako dahil sa hindi ko wari na nais niya.

Ayoko talagang gumastos siya pero she's really kind hearted and considerate, wala siyang pakialam kahit pa malaking pera ang gastusin niya huwag lang ako mahirapan.

I really appreciate it but I don't like her carrying the burden I was supposed to carry.

One day my grandfather went and meet me, "Yamato, ikaw ang dapat humahawak ng kumpanya, bakit sa kumpanya ng iba ka nagt-trabaho?" Galit at gigil niyang sabi.

"L-Lo wala namang koneksyon sa kurso ko ang kumpanya natin—"

"Gayunpaman ikaw ang nag-iisang lalake ng pamilya! Sundin mo na lamang ako!" Bumuntong hininga ako sa sinabi niya.

"Lolo pasensya na po ngunit—" Nahawakan ko ang pisngi matapos tanggapin ang malakas niyang sampal.

"Hindi ka mabubuhay ng kurso mo! Bilang lalake dapat ay mas mayaman ka sa babaeng Garcia na 'yon!"

"Hindi ka na ba nahiya sa pamilya nila?! Gigipitin kita hanggang sa magmakaawa kang lumapit sa akin, tandaan mo 'yan!" Dinuro niya ako kaya naman bumuntong hininga ako.

Wala naman akong magagawa ngunit patuloy kong tutuparin yung nais at plano ko para sa amin ni Jami.

Sa totoo lang nakakasama ng loob, umuwi ako sa condo namin umaasang sana ay huwag niya mapansin ngunit nakita niya kaagad.

Nahulaan niya rin kaagad ang nangyari at wala akong ginawa kundi hayaan ang sarili kong magpahinga sa mga yakap ni Jami.

She's really the one who's making me feel lighter, nakakagaan, tila nawawala ang pagod ko.

Nagdaan ang mga araw na nilulugmok ko ang sarili sa trabaho upang magkaroon ng mas malaki pang pera, unti-unti na ring nawawala ang allowance ko at ang nakakasama ng loob ay wala ring magawa at ideya ang magulang ko.

Dadagdag lang ako sa problema nila, hindi pa nga maayos ang problema kay Ate Miran. Ngunit isang beses ay inutusan ako na buhatin ang painting kasama ang isang lalake pati na ang anak ng pinagt-trabahuan ko na si Crisanta.

Pikon na pikon ako sa kaniya at hindi siya nakakatuwa, kung hindi nga lang siya babae ay baka tinamaan na siya sa akin ngunit gayunpaman ay nirerespeto ko na lang siya dahil isa siyang babae.

May magulang at kapatid rin ako na babae, ayoko rin silang nasasaktan ng pisikal. Habang binubuhat 'yon ay natigilan ako nang biglang tumigil si Crisanta.

Napatigil rin tuloy kami, "Just carry it over there so we can hang it in the middle of the hall." Utos niya kaya binuhat namin ngunit halos mabitiwan ko ang painting nang biglaang tumigil si Crisanta sa harapan ko.

Tumigil siya sa harapan ko at biglang hawakan ang katawan ko, labas ang dibdib niya kung kaya't minabuti kong umiwas tingin dahil nakakapandiri.

"What the fuck, can you keep a distance?" Galit kong sabi sa kaniya.

Napatingin rin yung kasama ko magbuhat, ngunit nagulat ako nang biglang mag-react si Crisanta nang dumating yung daddy niya. "Oh my god, is this a scratch?" She pointed to the painting.

Tinignan ko 'yon at nagulat ako nang makita ko rin ang maliit na damage ng painting, tila natuklap 'yon at hindi na maibabalik pa. Huminga ako ng malalim.

"Huwag ka kasi dapat basta-basta tumitigil, maybe you scratched it from that ladder?" Umawang ang labi ko tsaka ako huminga ng malalim.

"I don't recall scratching it, sir. I was carrying this when your daughter suddenly touched my body." Mahinahon kong paliwanag, ngumiwi si Mr. Crisanto.

"Whoever did this will pay or enter the jail. This is a very expensive painting! This is worth two-hundred thousand!" Napabuntong hininga ako nang nanginginig yung kasama ko magbuhat at parang maiiyak na.

"Sir, sigurado po akong maayos ang painting nang dalhin namin dito. W-Wala pong ganiyan." Turo nito.

"I guess it's Yamato's fault." Wika ni Crisanta.

"Mr. Lapiz, can you explain—"

"We are sure that the painting is safe, sir. How could we damage it if we're carring it side by side?" Kinakalma ko ang sarili.

"That's the point then who did this?! This man?!" Turo ni Mr. Crisanto sa inosenteng kasama ko na alam kong part timer.

"S-Sir hindi po talaga kami—"

"I'll just put you in jail for ruining this exclusive painting—"

"Sir, please. Inosente po kami." Pakiusap no'n.

Akmang tatawag na ng pulis si Mr. Crisanto ay wala akong nagawa, "Wala talaga siyang kasalanan, sir. Binubuhat lang namin yung painting—"

"Then should I put you in jail, Mr. Lapiz?" Napatigil ako at hindi alam ang gagawin dahil umiiyak na rin kaka-pakiusap yung kasama ko na halatang estudyante pa.

Graduating naman na ako.

"You choose Mr. Lapiz, be in jail with this man or pay for it." Napabuntong hininga ako.

"I'll just pay for it."

After that itinabi na yung painting, nalaman ko rin na two-hundred thousand lahat ng babayaran ko ngunit habang nasa faculty ay lumapit sa akin yung kasama ko nagbuhat.

"Sir," tawag niya sa akin kaya nilingon ko siya.

"Pasensya ka na, wala po talaga akong ginawa sa painting. Wala po tayong ginawa pero kinailangan mong i-shoulder lahat." Nahihiyang sabi niya, matipid akong ngumiti.

"I can handle this."

"Pasensya ka na sir, mahirap lang talaga ako at ito lang ang maitutulong ko." Napatigil ako nang i-abot niya sa akin ang envelope na puti.

"Ano 'to?" Tanong ko.

Letter ba 'to?

"Sir, tulong ko po para mabayaran niyo kahit papaano yung painting. 'Yan lang po talaga ang kaya ko ibigay." Natigilan ako nang makita ang twenty thousand na cheque

"Baka kailangan mo ito?" Tanong ko.

"'Yan lang po talaga ang kaya ko ibigay sa lahat ng ipon ko sir, tanggapin niyo na po. Inalis na rin po ako rito." Bigla ay naawa ako sa kaniya.

Bumuntong hininga ako. "Kakausapin ko siya para hindi—"

"Sir, ayos na ho. Ayos lang ho. Salamat talaga." Tumango na lang ako at tsaka nang umalis siya ay nasapo ko ang noo.

Paano ko ito babayaran lahat?


Kulang na nga ang para sa condo at mga ibang bagay, wala pa akong allowance for my school.

In short I have one-hundred-eighty thousand left to pay as I have twenty thousand. Pinagtrabahuan ko 'yon sa paglipas ng ilang buwan, pagod at lahat ginawa ko.

Hanggang sa naging laban na sa akin ang utang na 'yon, napipilitan akong mag-overnight at iba pa.

Pinagdadasal kong sana hindi malaman ni Jami dahil ayoko siyang ma-mroblema. Isang gabi na may dinner kasama ang parents niya ay aalis na sana ako ngunit hindi ko nagawa.

Tatawagan ko na sana si Jami para sabihan ngunit natigilan ako nang kunin ni Crisanta at apak-apakan ang cellphone ko.

"What the heck? Tabi nga!" Pinatabi ko siya at mabilis na dinampot ang cellphone ko ngunit basag basag na 'yon at ayaw na magbukas.

Nanlumo ako lalo. "Ano bang problema mo ha?" Napipikon na tanong ko nakakuyom ang kamao.

"Ikaw. Ikaw yung problema ko! Ano bang meron sa babae na 'yan at gustong gusto mo siya?!" Sigaw ni Crisanta kaya natawa ako sa inis.

"Hindi mo alam? Ayan, 'yan yung ugali na kahit kailan man hindi makukuha ng girlfriend ko." Sinampal ko ang katotohanan sa kaniya.

"Maunawain siya at mabait, hindi tulad mo. Gusto ko nga ako ngunit pinahihirapan mo naman ako!" Sumbat ko.

"Aalis na ako." Galit na sabi ko ngunit pinigil niya ako.

"Hindi ka makakaalis!" Itinulak niya ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Pag umalis ka kusa na lang nilang dadamputin yung dating kasama mo at ikukulong!" Inis ko siya lalong tinignan.

"Edi gawin mo, tangina. Pagod na pagod na ako sa trabahong ito!" Nang bantaan niya pa ako ay wala akong nagawa dahil tototohanin niya talaga.

Nag-aalala na ako kay Jami, baka hinihintay niya ako. Baka galit na siya. Matapos ko buhatin lahat ng mabibigat habang naka-gloves ang kamay ko ay ramdam ko ang sakit ng katawan.

Matapos no'n ay sobrang late na, naghugas lang ako ng kamay hanggang braso ngunit ang dungis sa damit ko ay hindi ko magawang alisin.

Sandali kong natignan ang sarili sa harapan ng salamin, ang dumi ng damit ko. Abot-abot ang kaba ko nang pauwi na, siguro ay tulog na si Jami kakahintay.

Ngunit bago pa man ako makababa ng sasakyan ay natigilan ako ng makita si lolo sa parking lot at masama ang tingin sa akin.

Pagod ako ngayon.

Walang gana akong lumapit sa kaniya ngunit sinampal niya kaagad ako at may kalakasan iyon. Hindi ko nagawang hawakan ang sampal niya kahit namanhid 'yon.

"Hindi mo ba nakikita ang sarili mo, Yamato? Hindi mo ba nakikita ha!?" Napayuko ako sa kaniyang sigaw.

"Pinahihirapan ka sa kumpanya doon, tapos tinitiis mo? Anong masasabi ng nobya mo sa ganiyang hitsura mo ha?" Damang dama ko ang bawat diin at galit sa salita niya.

"Magsasawa at mapapagod rin ang batang iyon! Bata pa 'yon Yamato! Hahanap 'yon ng kaya siyang mahalin at buhayin habang may tamang oras na naibibigay!" Pinipigilan kong maluha dahil pagod na pagod na rin ako sa ganitong sistema.

"Ikaw, umiyak ka man ng dugo hanggang diyan lang ang kaya mo! Hindi ka aangat sa kurso at sa trabaho mong katiting ang sweldo!"

"L-Lo, please lang. Pagod na pagod na ako huwag niyo ng dagdagan pa ang pagod na nararamdaman ko!" Pakiusap ko at nasapo ang noo ko.

"I'm surviving without you, may pamilya ako ngunit hindi ko maramdaman ang suporta sa inyong lahat at 'yon ang nakakapagod!" Sumbat ko.

"Lo, what's bothering me is are you concerned that I'm like this or you just wanted someone to carry the burden of your company?" kwestyon ko, natigilan siya at matagal akong tinitigan.

"Sinasabi ko sa'yo, Yamato. Wala kang mapapala, masisira pa ang relasyon niyo nang batang 'yon." Pagod na pagod kong tinapos pakinggan ang sinabi niya bago ako huminga ng malalim at naglakad papaalis.

Pagkapasok ko sa condo namin ay nakapatay ang ilaw, wala akong makita agad dahil galing ako sa liwanag. Nasapo ko ang noo at basta-basta na lang ibinaba ang gamit ko tsaka ako napaupo sa likod ng pinto.

Kusa na lamang tumulo ang luha ko, hanggang sa kailangan ko na ring pigilan ang tunog sa pag-iyak.

Nakakapagod tangina!

Pakiramdam ko ay ubos na ubos na ako, gusto ko na lang maglaho ngunit hindi ko magawang iwan si Jami.

Si Jami na lang yata ang tanging rason upang manatili pa. She's the only reason why I'm trying to survive from this tiring life.

After sulking, I stood up and got used to the darkness and glanced at Jami's who's peacefully sleeping on the couch.

Inabutan na siya sa sofa kakahintay sa akin. Sinuri ko ang mukha niya na may make up pa, hinaplos ko ang malambot at maliit niyang mukha.

Tsaka ko siya binuhat at inilipat sa kwarto, pagkapahiga ko sa kaniya ay bumuntong hininga ako. "I'm sorry, I love you." Mahinang sabi ko, sa tinig ko ay alam ko rin na pagod na ako.

I can't take more hurtful words, or I'll break myself for taking more.

Habang pinupunasan ko siya matapos linisin ang sarili ay nagising siya, kinabahan naman ako.

She asked me what's happening but I don't have the strength to open up what I go through. She'll worry.

As she speaks, I can feel how stressful it is to deal with me. She seems tired of me.

"Hindi sa wala akong tiwala sa'yo, pero kumakain ka pa ba sa tamang oras? Panay ka na trabaho, trabaho, trabaho!" Ramdam ko ang galit at tampo sa tinig niya.

"Hinihintay kita, umuwi. Sabay tayo mag-dinner pero kahit ako hindi na makakain kakahintay sa'yo!" Ramdam na ramdam ko ang sakit sa tinig niya, umiiyak siya sa harapan ko at natatakot ako na baka iwan niya na ako.

Na baka maging tunay ang sinabi ni lolo, "Oras lang naman ang gusto ko, pagtuunan mo naman ako ng pansin, kasi nakakapagod maghintay sa wala."

"Ayokong awayin ka, ayokong sigawan ka, but I always ended up yelling because you don't listen! You don't open up!" Napatitig ako sa mga mata niya habang pinipigilan kong lumuha ng sobra.

Nakikinig sa mga hinanakit niya sa akin, "Ano mo ba ako Yamato? Sabihin mo naman sa akin yung pinagdadaanan mo, hindi yung ako na lang parati, ako na lang yung iniisip mo."

"Sorry." Sa dami ng sinabi niya ay hindi ko kayang depensahan ang sarili dahil nalulungkot ako sa napaparamdam ko sa kaniya.

Sinimulan niya na ring kwestyunin kung ano pa ba siya sa buhay ko, masakit.

"Tama nga siguro si lolo, h-hinihila lang kita pababa." Ngunit matapos ko sabihin 'yon ay humikbi siya ng humikbi sa harapan ko.

Kusang tumulo ang luha sa mata ko dahil napakasakit marinig nang mga iyak niyang 'yon, wala nang isasakit pa ang mga 'yon dahil sinisisi ko ang sarili.

"Uuwi na muna ako, sa 'min." Hirap na hirap siyang sabihin 'yon at doon ako natulala ngunit tumayo siya kaagad at pumunta sa closet.

Sumarado ng padabog ang pinto ng closet na tila 'yon ang gumising sa akin, tumayo ako at humabol. Pagkabukas ko ay nagulat pa ako dahil nakita ko ang likod niya, nagbibihis siya.

"Jami, please." Pakiusap ko.

Hindi ko alam ang gagawin.

"I'm in my twenties now, Yamato. Understanding you is not hard, but w-why am I having a hard time by just waiting, by just— fuck it!" Napapikit ako nang malakas na tumunog ang sinipa niyang cabinet.

Matapos niya magbihis ay sinulyapan ko ang paa niya kung nasugat ba 'yon ngunit mabuti na lang at wala. "Ano bang plano mo para sa'tin? I can pay the bills if that's your freaking problem." She wiped her tears using the back of her hand.

I sighed and tried to explain, "I-I just don't work for money, Jami. I also love having this project kahit na hindi pa ako professional, kahit saling pusa lang." Gusto kong pahirin ang luha na tumutulo sa mata ko maipaliwanag lang sa kaniya.

Yet she looked away, "F-Fine, I will take a day off." Naglakad ako papalapit sa kaniya to hold her hands, "Huwag ka lang umalis. Let's have baby time, for a whole day tomorrow." She sighed heavily.

I hope she agrees.

And that's how we ended up fixing our problem again. She forgives me and gives me a chance to make up for my omissions.

She's kind and soft hearted, I can't ask for more. She's the only reason why I still have a peace of mind.

Her love is my strength.

After that baby time, we become more okay and happy. A few months later, I felt very tired and I suddenly wanted to lean on her.

I admitted how tired I am and she just made it feel okay to rest beside her.

Nabawasan na rin ang kailangan ko bayaran, 100k left for the painting. I've paid eighty thousand already.

Not until she found out about the painting debt, wala akong nagawa. I explained why I didn't tell her about it.

Ngunit nagalit siya, "Then what the fuck do you expect me to do? Watch you break a spine from working hard?" Galit niyang sumbat.

At doon na nga nangyari ang kinakatakutan kong mangyari, I was very tired. "Pagod na pagod na ako, Jami." Pagsasabi ko ng totoo.

"Sa tatlong taon na 'yon, do we even grow together? Or you just hid your fucking problems on me?" Hindi makapaniwala ko siyang tinignan sa kaniyang pagmumura.

"It's because I will just be a burden to you," pinipigilan kong mag-taas ng boses dahil ayokong matakot siya sa akin.

"Burden? Sinabi ko naman sa'yo na wala akong pakialam kung ano man ang mangyari sa akin, maubos na kung maubos basta hindi ka hirap!" She kept on yelling because of anger, wala akong magawa.

I can't stop her from getting mad, "You're taking me as an uncompetitive man, how disappointing." Matapos ko sabihin 'yan ay mas magalit lang siya.

Maglalakad na sana ako paalis ngunit sumigaw siya, "Why would you take it that far?!"

Matapos niya magalit ng sobra ay pumasok muna ako sa kwarto, walang mangyayari kung makikipagsumbatan rin ako.

Maya-maya ay sinilip ko siya ngunit nakatulog siya sa sofa dahilan para mapabuntong hininga ako at lapitan siya.

Inayos ko ang buhok niyang nakaharang sa mukha niya tsaka ko siya binuhat, basa pa ang kaniyang mukha dahilan para mas makonsensya ako ngunit ang problema ko ay kailangan ko maayos nang hindi humihingi ng tulong.

Dinala ko siya sa kwarto at inayos ang pagkakatulog niya doon, natulog na rin ako sa tabi niya dahil sa pagod.

Monthsary namin ngunit nag-away lang kaming dalawa, I hope she doesn't get tired of me.

Kinaumagahan ay parang walang nangyari, balak ko man siyang deadmahin upang huwag niya na ipilit ngunit nakakainis na Yuno Marshall, naturingang pinsan ko tawag pa ng tawag sa girlfriend ko.

Hindi ko mapigilang hindi mag-selos, nakakayamot.

Bigla ay parang walang nangyari sa pagitan namin ni Jami hanggang sa ilang araw na naman ang lumipas ay muli akong ginitgit ng lolo ko at ng mga boss ko.

Wala akong magawa, isang araw ay nagkayayaan uminom at sumama na ako. Hindi ko alam na kasama si Crisanta kaya dumistansya ako.

Habang umiinom ay yung mga kasama namin ay nilalandi si Crisanta ngunit wala naman akong pakialam, pumunta lang ako rito para makalimot sandali.

Gusto ko na lang makatulog pagkauwi, habang umiinom ay nagulat ako nang maupo sa kandungan ko si Crisanta dahilan para tumayo ako kaagad at umiwas.

"What the fuck?" Galit na angil ko.

"C'mon Yamato, satisfy me." Nang subukan niya akong halikan ay pikon na pikon ko siyang tinulak ngunit hindi ganoon kalakas.

"Tangina, ayaw ko sa'yo hindi mo ba maintindihan 'yon?!" Malakas na sabi ko dahilan para matahimik ang mga kasama.

"What the hell! Your girlfriend won't know!" Lasing niya na ring sabi kaya peke akong natawa.

"Bobo ka ba? I won't fucking lowered my standard just to fucking fuck you! I fucking hate you can't you see?!" Galit na sigaw ko, kumuyom ang kamao ko sa galit.

"Bro, kalma." Awat ng kasamahan ko.

"Ma'am, tama na." Awat rin nila kay Crisanta.

"Why do you hate me that much!?" Masama ang loob niyang tanong sa akin.

"How can I not? You can't stop yourself from forcing me to like you. Hindi kita gusto at hinding hindi kita gugustuhin, naiintindihan mo?" Gitil ko.

"Mas higit naman ako kay Jami! Mas malaki ang dibdib at pwet k—"

"Hindi 'yon ang minahal ko sa girlfriend ko! Mahal ko yung girlfriend ko kaya hinding hindi ako magkakagusto sa iba, naiintindihan mo?" Pagod na pagod kong sabi ngunit galit.

"Tangina. Lumayo layo ka sa akin at baka hindi kita ma-tansya." Seryosong sabi ko at naupo na.

Nasapo ko ang ulo dahil sumakit 'yon, nang medyo may tama na ako ay lumayo ako kay Crisanta nang lumapit na naman siya sa akin.

"Fuck off, what the hell?" Tinulak ko siya sa balikat niya upang makalayo siya sa akin.

"Yamato—"

"Bullshit. I'm done, I'm off." Paalam ko at galit na kinuha ang gamit ko tsaka ako umalis.

Ngunit pagkauwi ko ay nagtalo na naman kami, nagsisisi ako sa naging desisyon ko ngayong gabi sana hindi na lang ako uminom.

Pagod na pagod ako at umiiyak sa sobrang hindi ko na kaya pa, Jami's been hurting and I don't know how did I made her feel like that.

"Magpahinga na muna siguro tayo, Yamato." Nang sabihin niya 'yon ay sobra akong kinabahan.

"T-That's the only way for us to be okay, h-hindi mo tatanggapin." Pabulong niyang sabi.

Ang pagkakahawak ko sa kamay niya ay pinanlamig ako. "Yamato, uuwi na muna ako sa 'min." Tuluyan ko siyang nabitiwan dahilan para pumasok siya sa kwarto namin.

Sandali akong natauhan at sumunod sa kaniya ngunit nag-aayos na siya ng gamit, "P-Pag usapan natin, Jami."

"H-Hindi, uuwi muna ako Yamato." Mahinang sabi niya.

"Jami naman, please. Hindi mo kailangang umalis," hinawakan ko ang kamay niya sinusubukang baguhin ang isip niya.

"Pagod na 'ko, Yamato." Nanlulumo niyang sabi.

"H-Hon.. N-Napapagod ka na ba sa 'kin?" Natatakot na tanong ko ngunit mas nabasag ako sa sagot niya.

"Y-Yes.. I-I am so tired of you, Yamato. P-Pagod na pagod na ako, h-hindi lang ikaw yung naapektuhan, hindi lang ikaw yung may problema, a-ako rin naman eh." On her explanation I just realized how much I drained her.

"I-Iiwan mo 'ko? Honey?" Pigil luha na tanong ko.

"H-Hindi ka na babalik?" Umiyak siya ng umiyak sa harapan ko at hindi ko na alam ang gagawin.

"H-Hon, hindi ka na babalik? Hmm?" Gusto kong pahidin ang sariling luha ngunit kagat labi niyang tinitigan ang mukha ko.

"H-Hon, h-hindi tayo maghihiwalay 'di ba?" Sa tanong ko ay maraming beses siyang tumango dahilan para mas lumuha ang mata ko.

"H-Hindi, magpapahinga lang tayo." Hinawakan niya ang mukha ko at pinahid ang mga luha, ako dapat ang gumagawa no'n sa kaniya ngunit nanghihina ako.

"B-Babalik rin ako, Y-Yamato. Babalik rin ako." Sa kaniyang sinabi ay napayakap na lang ako ng sobrang higpit.

Mawala ng lahat sa akin, huwag lang si Jami. H-Hindi ko yata kakayanin.

Hanggang sa naayos pa naming dalawa ang lahat ngunit hindi ko inaasahan na may mas darating pang nakakatakot doon.

Ang kinakatakutan ko ay tuluyan na akong kinita, hindi ko na nagawang iwasan kahit anong gawin ko dahil desidido na siya.

It's driving me crazy.

It's fucking making me crazy, losing her is one of my biggest fear.

Lubusang nabiyak ang puso ko matapos pakinggan ang masasakit niyang salita ngunit kahit na ganoon ay hindi ko magawang magalit dahil sinasaktan niya ako.

Ayokong iwan niya ako.

I can't think of a way, I can't think of a way to make her stay and it feels like I'm powerless.

My love can't make her stay anymore.

I can't make her stay anymore.

Nakikipaghiwalay na siya sa akin, "Yung presensya mo nakakapagod, yung pagpapahintay mo sa akin nakakairita, hindi ako natutuwa." Para akong sinaksak sa dibdib sa kaniyang binitiwan na salita.

Hindi ko maunawaan.

"Your efforts? It's not enough." She stutter saying those words, natulala ako sa kaniyang mukha.

It's not enough. But I didn't act mad, I begged and she slapped me. "Your best? We're done, Yamato. Be a professional, sampalin mo 'ko ng pagsisisi."

Tila namanhid ako ng husto sa sinabi niya, I can't.

"Make me regret that I left you, make me regret that I was not beside you on your lowest!" Wala akong maramdaman Jami.

Wala akong maramdaman, alam kong masakit ang mga sinasabi niya ngunit hindi ko magawang ipakita na nasasaktan ako.

Para akong nabingi, hindi ko siya nagawang habulin. Nanghihina akong napaupo matapos niya ako iwan sa study room naming dalawa.

Nasapo ko ang mukha, bakit hindi ako umiiyak?

Bakit hindi ko maramdaman yung sakit na sobra-sobra kanina? Hanggang sa may mag-bell sa condo namin kalaunan. Binuksan ko 'yon ngunit nagmamadali na pumasok si Kuya Laze.

Natulala lang ako at bahagyang dumistansya.

Napuno ako ng pagtataka nang makita ko na buhat ni Kuya Laze si Jami, may sinabi siya sa akin ngunit hindi ko naunawaan.

Naiwan akong mag-isa sa condo namin, mag-isa lang. Walang Jami, w-wala yung girlfriend ko.

Sinubukan ko lahat, para maibalik siya. Nakiusap ako ngunit masasakit na salita at pantataboy ang narinig ko.

Lahat ng mga sinabi niya ay nagawa kong maniwalaan, hindi na siya masaya sa akin. At sapat na dahilan na 'yon para hayaan ko siyang sumaya.

Kasi hindi na siya sasaya sa akin, h-hindi na niya ako gaanon kamahal.

I left without anything left to say, matapos no'n ay sinubukan ko namang mag-aral ng mabuti ngunit hindi niya nilisan ang isip ko.

Tanging mga solusyon ang pumapasok sa isip ko upang mapabalik siya sa akin ngunit wala na akong ideya. Sinusubukan ko mag-aral but I ended up being miserable.

Crying in my book. "Bro." Cane called me out, hindi ko mapigilang hindi umiyak sa harapan ng dalawang kaibigan ko.

Wala silang magawa kundi bumuntong hininga at damayan ako, "Gusto mo ba kausapin namin si Jami, bro?" Tanong ni Cane, umiling ako.

"That's not gonna change anything, it will just show how pathetic I am." Nasapo ko ang mukha at tsaka ako napahilamos sa palad ko.

"Yamato, pwede ka magluksa pero hindi pwedeng maapektuhan yung exam mo. Malapit na," tumango ako.

Uminom kaming tatlo at dinadamayan talaga nila ako kahit anong oras na, hindi sila umuwi. Hanggang sa dumaan ang araw ng examination day.

Late pa ako nagising at panay tawag na nila Cane at Senti ang natanggap ko, pati na yung prof ko. Isang oras mahigit na akong huli sa exam.

Nagawa kong humabol ngunit hindi ako binigyan ng exception. Pinagbigyan ako mag-exam ngunit sa loob lang ng ilang oras na natitira.

Wala talagang pag-asa na makapasa ako, the passing score is 700 points, it's a 1,500 points total if I answered everything.

Dahil sa kaunting oras ay 500 lang ang nasagutan ko, malabong malabo na makapasa. 3 days before the results, paulit ulit lang ang routine ko.

Wala rin akong balita kay Jami, alam ko sa sarili ko na gustong gusto ko na siyang makita.

Miss na miss ko na yung kaisa-isang babae na kailangan ko ngayon.

3 days, We all got the result pero hindi kabilang ang pangalan ko. Inaasahan ko na 'to, "B-Bro, Yamato."

"Okay lang." Matipid na sabi ko tsaka ako tumayo at pumasok sa kwarto sa kung saan kami natutulog ni Jami, iniwan ang kaibigan ko sa labas.

Tangina.

Ano bang ginawa ko, ano bang ginagawa ko. She asked me to prove myself yet I failed the exam.

I fucking failed it.

Anong sasabihin niya? Pinatunayan ko talaga na wala akong kwenta? Ayon ba?

Kung ginalingan ko sana, baka binalikan niya pa ako. Nagkulong lang ako sa kwarto, hindi tumutugon sa kahit na sino.

Dalawang araw akong nag-kulong, tubig tubig lang. Tubig, alak, cereal.

Mag-isa na lang ako ngayon, hanggang sa biglang bumukas yung pinto ko sa condo habang umiinom ako.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang parang nagmamadali siyang pumunta sa condo namin.

"Y-You didn't pass the exam?" Kwestyon niya matapos ko siya tanungin kung anong pakay niya rito.

"You heard?" I asked back trying to be cold.

Hanggang sa mag-taas siya ng boses, she sounded so disappointed.

Hanggang sa masaktan na naman ako ng sobra dahil pinamumukha niyang hindi na siya babalik pa. "Umalis ka na, p-pakiusap."

Hinang hina ako ngayon, ang mga tuhod ko ay bibigay na. "A-Aalis na ako." Mahinang paalam niya.

I hope she stays, I wish she'll come and hug me because I r-really need that.

"H-Huwag na huwag ka ng babalik." Sobrang sama ng loob ko nang humakbang talaga siya.

"M-Mahal na mahal kita, Jami. P-Pero ayaw na kitang makita pa ulit." Sunod-sunod na tumulo ang luha ko at walang hinto.

Pagod na pagod na ang mga mata ko, "M-Mahal rin kita, Yamato." Nasapo ko ang mga mata sa narinig.

"Kung ganoon bakit mo 'ko iiwan? Bakit mo 'ko iiwan ulit?" Sumbat ko.

Nang hindi biya sagutin 'yon ay napasulyap ako sa pinto. Sa pinaglabasan niya, tila nagmamadali siya.

Mas naramdaman ko ang sakit sa dibdib, ang bigat sa pakiramdam. Nagsisisi ako sa mga sinabi ko, s-sana suwayin niya ako.

Bago pa man ay tumayo ako at lumabas ng condo, sinubukan ko siyang habulin upang magmakaawa na lang na bumalik na lang siya sa akin.

No, I can't let our relationship sink this way. I can't let myself have this pain for telling her to not come back anymore.

I want her back.

Ngunit pagkababa ay hindi ko na siya naabutan, napaupo ako sa hagdan sa labas ng condo building at parang tangang yumuko doon sapo-sapo ang mukha ko.

I didn't pass the exam because I answered most of the questions wrong. I failed because of the lack of time.

I studied everything for a lot of months, with Jami beside me.

Week later, I found out that Jami is leaving the Philippines. No, she left already.

Maybe that's her plan.

Huling contact namin ay nang tumawag siya habang umiiyak, para siyang nahihirapan. Ngunit pinatayan niya pa rin ako ng telepono when I was about to ask her whereabouts.

Hinayaan ko na lang, mukhang hanggang dito lang talaga kaming dalawa.

Next exam will be next 6 months and I have a lot of time to get ready again.

Kabisado ko na yata ang mga sagot sa bawat tanong sa sobrang tagal ko nag-review.

Naging mahirap, hanggang sa nasanay ako na para bang nasa malayo lang si Jami.

Hindi ko maitanggi na hindi ko siya maalis-alis sa puso't isip ko.

A few months later, I passed the exam and I got the highest score from this batch that made my family very happy.

Ngunit si Jami ang nasa isip ko, I hope I could receive a congratulations from her. She's the only one who'll make me happy.

Pero wala.

Walang Jami, kahit anino niya ay wala.

Hindi ko naman inaasahan na sa kahit pag-alis at pag-iwan niya sa akin ay magiging inspirasyon pa rin siya sa akin.

I can't even hate her.

Nagdaan ang ilang taon hanggang sa magsimula na akong mag-trabaho, sobrang hirap nong umpisa dahil minamaliit at ginawa nilang laban ang hindi ko pagkapasa sa unang exam.

"Boss master, si Jami nakauwi na!" Napatayo ako kaagad sa sinabi ni Senti, "Oh?" Gulat na sabi ko.

"Joke lang boss master." Napalunok ako sa naging reaksyon ko, isang taon na ang lumipas ngunit nag-aabang pa rin ako.

"Oh giliw ko~" Sinamaan ko siya ng tingin nang magsimula siyang kumanta, "Miss na miss kita~ gusto lagi kitang kasama.."

"Go back to your work, dumbass." Singhal ko at wala sa mood na tumipa na lamang sa laptop ko.

Wala pa naman akong on-site checking sa ngayon, baka next month pa. Makalipas ang ilan pang mga buwan ay kahit papaano ay hindi ko naiisip si Jami sa sobrang busy ko.

Wala na nga akong oras kumain, imposible na maisip ko pa si Jami— naiisip ko na naman siya tangina talaga.

Nasapo ko ang noo dahil pakiramdam ko nahihibang na ako, "Boss master!" Napatayo na naman ako agad.

Nakauwi na siya?

"Oh?" Kwestyon ko.

"Kain na tayo hehehehe." Kumuyom ang kamao ko tsaka ko pinaglaro ang dila sa gilid ng pisngi sa pagka-inis.

At dahil mukhang hindi pa siya babalik ay pinilit ko na lang na huwag umasa, I worked hard until I get the promotion I deserve, sa totoo lang masyadong mabilis hindi ko inaasahan.

But I know I deserve it, busy ako sa site after a year again hanggang sa tumawag sila Senti at Cane na iinom rin daw sila dahil iinom ang mga girlfriend nila.

Nang malaman ko naman na inaaya rin ako nila Serina at Mandy ay wala akong nagawa kundi pumunta.

Minsan ko lamang sila makita, nagmaneho ako papunta sa club sa kung saan nandoon sila. It took me a few minutes before I arrived.

Pagkapasok ay nagtatawanan sila at nag-uusap. Nang makapunta sa likod nila ay bahagya akong na-traffic dahil may waiter na naglilinis 'di naman kalayuan.

"Having fun, everyone?" I asked, mukhang may bago silang kasama, bagong kaibigan siguro sa kumpanya.

"Good evening engineer!" Bati nila Mandy at Serina.

"Inom ka engineer?" Tanong ni Serina.

"I have a lot of workloads, pero sige, ano ba ganap?" Nang makalapit na ay nasa likuran ako ng babaeng hindi ko pa kilala.

Hindi man lang siya lilingon? Sabagay, why would she right?

"May new friend?" Tukoy ko sa babae na nasa harapan ko ngunit nakatalikod sa akin dahil ang kinauupuan niya ay ganoon.

"Nope, an old friend?" Sa sagot ni Serina ay nagtaka ako.

Old friend? Sino?

"Sino?" Takang tanong ko kunot ang noo.

Naglakad ako sa gilid niya ngunit ang weird naman kung sisilipin ko ang mukha niya gayung umiinom siya ng alak ngayon.

Tinignan ko si Senti, "Boss, old bebe." Nang sabihin niya 'yon ay parang tumigil ang oras.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko, "Really?" Tugon ko at kinuha ang silya na inaabot nila Serina sa akin.

Nang makaupo ay napatitig ako sa kaniya ngunit hindi niya ako tinitignan, nahihiya ba siya?

She's more beautiful now, more mature.

Hanggang sa may tumawag sa kaniya, ang isyoso kong kaibigan ay sinasagi ang binti ko sa ibaba ng mesa. Umaakto ako ng tama.

Yari sa 'kin 'tong mga 'to, 'di man lang ako sinabihan hindi na sana ako pumunta.

Sino kaya ang kausap niya? New boyfriend? Tsk.

Sana ay magpakatatag sila.

"Sino tumawag? Bebe mo rin?" Sa kwestyon ni Senti ay kinabahan ako sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"H-Hindi." Sa sagot niya ay naiinis ako dahil bakit parang naalis ang tinik sa lalamunan ko.

Ang mga gusto ko g malaman ay tinanong na ng mga kaibigan ko, medyo goods.

"May naging boyfriend ka doon?" Sa tanong nila ay na-intriga ako.

"Wala naman gaano—"

Naknampucha, wala naman GAANO? woah. Mga ilan lang ba?

Ako nga wala pa, wala man lang akong naging girlfriend tapos siya mga wala naman GAANO?

"Uy may promise ring na hindi pa naalis." Sa sinabi nila ay napatingin agad ako kay Jami ngunit napansin ko ang pagtago niya ng kamay sa ilalim ng mesa.

Suot pa niya?

Lol, why would I assume that she still wears it? I don't mind.

Panay sulyap at obserba lang ako sa kaniya. Pansin ko na bahagya siyang naiilang, it's been years.

While drinking in our group, suddenly the couples started kissing each other. Napansin ko na nailang lalo si Jami dahil doon, she's like how innocent she is when I first met her.

And because of that awkwardness, I tried to start a conversation with her, I asked her to come with me to the stand table.

After that ayoko sanang isakay yung apat dahil malikot at baka magsuka sila ngunit awkward naamn lalo kung si Jami lang ang ihahatid ko?

Lahat naman kami ay nakainom.

Kung kaya't tumambay kami sandali ngunit awtomatikong tumaas ang kilay ko nang may magyaya sa kaniya na lalake, one night stand raw.

Gusto ba nitong mabasagan ng bungo?

Tarantado 'to ah?

Buti na lang ay nagsalita si Senti.

At matapos ang pagkakita na 'yon ay hindi ko alam kung malulungkot ba ako dahil parati na naman kaming magkikita dahil sa iisang kumpanya kami magt-trabaho.

Iniwasan kong lumaki na naman ang interes sa kaniya, ngunit bigla na lang siyang sumusulpot sa kahit saan.

Kahit ayaw ko ay wala akong magawa kundi kaharapin siya, hanggang sa isang araw ay may batang tumawag sa kaniya ng mommy. That made me overthink.

May anak ba kami?

Did I get her pregnant?

Did I? She's using pills that time, is it possible?

"Where is my daddy?" I overheard the young guy's question to her mom, Jami.

"Amato, stop asking about your dad—"

"Nice name." Singit ko at tumayo sa gilid nila, Amato? Why Amato? Is it really my son?

Makulit na bata si Amato, nalilibang at naaliw ako sa kaniya. Kung anak man namin siya ay gagawin ko lahat magkabalikan lamang kami.

Hindi ko na lang ipahahalata, merong parte sa akin na umaasang anak nga namin 'yon.

After that we haven't seen each other for a week. She's working in a company while I'm on site, not until one day Senti opens the door widely and announces that Jami is here.

"I bought the three construction workers you requested." She said in monotone, salubong ang kilay at ang tingin ay tila magtataray agad.

"Bakit ikaw pa pinagdala nila?" Tumayo ako at itinuro ang upuan sa harapan ko, ang init init.

Ang init init bakit nila inutusan si Jami maghatid ng construction workers? Malayo pa ang byahe.

"Maupo ka."

"Well, I'm also hands on in my work. Ayoko kasing nasasabihan," matapos niyang sabihin 'yon ay awtomatiko siyang sumulyap kay Engr. Cariño.

"Ah, yeah." Pinigilan ngumisi ng labi ko, alitan nga naman sa dalawang 'to ay hindi maganda. Masakit sa ulo.

"Nice office," biglang puri niya dahilan para ka-conscious ako sa opisina ko.

Makalat ba?

Hindi ko na pinansin 'yon dahil naabala ako sa pag-tingin sa mga kalat, sana ay hindi niya mapansin ang mga papel na nakakalat sa ilalim ng desk ko.

"May gagawin ka pa ba rito?" Tanong ko sa kaniya, maybe she's a busy person.

Ngunit tila naging masama ang dating ng tanong ko sa kaniya, m-maayos naman ah?

Susundan ko na sana siya ngunit biglang lumapit si Engr. Cariño, nagulat ako nang bigla siyang lumapit ng sobra dahilan para mapaatras ako sa desk ko.

"What's the matter?" Kwestyon ko.

Naiiwas ko agad ang mukha ko nang subukan niyang ilapit ang mukha ngunit napansin ko na mabilis bumukas at sumarado ang pinto dahilan para mapalingon ako doon.

"Don't do that again, Engr. Cariño." Banta ko.

Lumabas ako ngunit hindi ko na naabutan si Jami, nilapitan naman ako ni Senti. "Umuwi na si Engr. Garcia, mainit ulo. Inaway niyo boss master?"

"Hindi." Sagot ko.

"Paano umuwi? May car?" I asked.

"Wala boss master, hahatid ko nga sana pero sabi niya cab na lang raw. Mahal pa ,an din ng pamasahe." Pailing iling na sabi ni Senti.

"Gago, hinatid mo na sana." Singhal ko.

"Wow, boss master ayaw nga eh." Ngumuwi ako at bumuntong hininga.

After that busy na ulit at sa dinner night na kami nagkita ulit, maya-maya ay habang kumakain nawala siya ng matagal tagal.

Not until a message popped up on my screen, it was her.

@jams.liezel: Hey.. Can I ask a favor?

@yummito.lapiz: What?

Nag-alala ako bigla, sana ay maayos siya.

@jams.liezel: I'm in the powder room, I need sanitary pads. Could you get me one?

@yummito.lapiz: Ge.

Nagmadali akong maghanap ng mabibilhan at mabuti na lang may convenience store sa ibaba, bumili na lang ako ng pack inaalala ko pa ang gamit niya noon dahil ako rin naman ang bumibili.

Bumalik ako kaagad doon at ibinigay sa kaniya, para makapag-ayos na siya ng sarili.

'Yon lang ba ang kailangan niya? Hindi ba niya kailangan ng gamot para sa puson niya?

We're at the party tonight, at the club. Senti's birthday celebration. I watched how Mandy announces their engagement and I saw how Jami congratulate them.

I even saw her teared up, napaiwas tingin ako. Tayo dapat ang mauuna, tayo dapat 'yan.

Napansin ko naman na napaparami na naman ang pag-inom niya ng alak, ngunit sinimulan nilang tanungin si Jami sa dahilan kung bakit kami naghiwalay.

"Napagod?" Sagot niya, hindi alam kumg sigurado.

"Napagod, 'yon yung dahilan 'di ba?" She confirmed it, ngumiwi ako napagod ako but that's not a reason to leave her.

"Napagod siya sa 'kin." Deretsong sagot ko.

"Let's say that," parang nag-disagree pa siya.

Sobrang awkward pag-usapan ang problema naming dalawa, lalo na't may ibang nakikinig. We can't open up that well, sobrang sakit ng naging paghihiwalay namin para sa akin.

Parang wala akong choice.

Parang wala akong laban noong tapusin niya kami, nawalan ako ng karapatan humindi.

"Ilang years ba yung parents mo?" Pinag-uusapan nila yung sa family ni Jami, yung kahit ilang taon na lumipas ay mahal pa rin ang isa't isa.

"5 years rin yata." Sagot naman ni Jami, tila hindi sigurado.

"Ay, pre hintay ka pa mga 2 years." Nagulat ako sa sinabi ni Senti at pati na sa pagpalo niya sa legs ko.

Sinamaan ko ng tingin si Senti, pasmado ng bibig pucha. "Shut the fuck up." Mariing sabi ko.

"Aray ha!" Reklamo niya, namura ko ba siya?

"Maka shut the fuck up 'to, sama ng ugali." Masama pa ang loob niyang sabi, paano ba naman nilalaglag niya ako.

Ngunit nalaman ko na yung lalakeng nangungulit kay Jami ay yung lalakeng ipinalit sa akin ng ex-girlfriend ko na si Athena. He changed a lot.

But I didn't expect that tonight will make me crazy, sobrang daming hindi ko alam. Para akong walang kamuwang muwang sa mundo.

Nang magsimulang magalit si Jami at mag-taas ng boses ay naguluhan ako lalo sa sinabi ng lola niya. "Kumalma ka Liezel Jami at 'yang puso mo!"

Puso? What's with her heart?

Una yung mga meds na sinasabi ni Amato, tapos ito? Ano 'to?

"H-Hindi ko maintindihan." Sabi ko.

"Bakit 'yang puso mo? Paano si Amato?" Kwestyon ko, nagtataka.

"Ano bang magbabago pag nalaman mo ha? Meron ba?" Sumbat ni Jami sa akin, parang galit.

"Jami huwag mong sigawan si Yamato." Pag-awat sa kaniya ng lola niya.

"Eh paano po nakaka-frustrate kayong lahat! Hindi ko pa nga po masabi yung isang bagay gusto niyo ilatag ko lahat. Paano naman ako?" Para na siyang maiiyak.

Habang ako? Nakatulala, naghihintay sa sagot at eksplanasyon niya.

"Wala ba akong isinakripisyo? Ako yung mali, alam ko naman po 'yon pero i'm trying my best to make things right." She exclaimed.

"You don't need to rush me, kahit sabihin niyo pong mali ako ng paulit ulit, ako ang magdedesisyon sa gagawin ko. Ako lang," wika niya pa.

"Ako lang naman ang makakaranas ng mga consequence, hindi kayo. Manonood lang kayo, nanonood lang kayo." Halatang pagod na pagod siya ng sabihin niya 'yon at kahit na ganoon hinintay ko lang siya magsalita.

"Mommy!" Nang marinig si Amato ay biglang nawala ang kaninang awra ni Jami, napalitan 'yon ng tila inosente.

Matapos no'n ay nagpaalam kami kay Amato, I asked her for details. At doon ko nalaman na hindi sa kaniya si Amato, it was Athena's son.

Sobrang mahal niya si Amato, nakikita ko 'yon. Dahil ganoon ang ginawa niya para lang ma-protektahan ito at hindi lang, marami siyang isinakripisyo para sa bata.

Nakikita ko rin kung gaano siya katakot mawala yung bata sa kaniya, pagkabalik sa club ay bahagya kong inasar at pinikon si Jami upang mabaling sa akin ang atensyon niya.

"I'm good na, do you want to join me upstairs?" Natignan ko kaagad si Jami nang yayain niya si Kuya Yuno.

Gagawin nila sa taas?

"Huh?"

"Upstairs, it has better views." Nakangiting yaya ni Jami.

"Views lang ba talaga?" Sa tanong ni Kuya Yuno ay tumaas ang kilay ko, pucha.

"Pwede rin namang iba pa?" umawang lalo ang labi ko sa sagot ni Jami.

Pucha.

Pupunta na sana sila ngunit hindi ko maawat ang sarili kakaisip sa iba't ibang bagay. "Let us join." Halos mapapikit ako nang bigla kong sabihin 'yon.

"Ha? Huwag na." Sa sagot ni Kuya Yuno ay gusto ko siyang suntukin sa tagiliran.

"Maganda ang view sa taas." Sagot ko, nagdadahilan.

"Fine." As if kailangan ko ng opinyon mo nayayamot na naman ako sa'yo. Ayoko lang may iba kang gawin kay Jami.

After that fun, parehas kaming bahagya na naiilang sa isa't isa mabilis rin naman na lumipas ang oras at panahon na bahagyang ikinatuwa nang puso ko ang naging pag-amin niya na mahal at gusto niya pa ako.

That's what I'm always waiting for.

Nang una ay nag-inarte at nagpakipot ako ngunit sunod ay panay asaran at alitan kaming dalawa na para bang bumalik kami sa pagiging teenager sa kung saan para kaming aso't pusa.

We text and chat each other, humahanap ako parati nang dahilan para i-chat siya at 'yon ay sa tuwing may story siya sa IG.

Parati silang magkasama ni Amato, si Amato naman ay itinuring ko na talagang anak ko dahil ilang taon na ako ngunit ito pa rin ako hindi pa kasal at wala pang anak.

Hanggang sa mauwi rin kami sa engagement, nakangisi ang labi ko habang pinanonood siyang magsukat ng wedding gown.

Pinagkrus ko ang braso habang tinititigan siyang nakangiti habang nakaharap sa akin at inaalalayan siya nang dalawang babae.

"Everything suits you, hon. How about—"

"Magastos pag sariling design hon, it's okay." Pangunguna niya kaya huminga ako ng malalim at nilapitan siya nang iwan kami ng mga assistant sa wedding boutique.

"Hon, pinaghandaan ko 'to. Don't worry and stop caring about money, pag designers bag G na G ka." Asar ko na ikinatawa niya.

"Then that would take us a month to get married?" Pabulong na sabi ng future wife ko, napaka-cute talaga.

"Excited ka maikasal sa akin huh?" Hinalikan ko siya sa noo.

"Sa dami ba naman nang pinagdaanan natin, patatagalin ko pa ba Yamato?" Sa pagtawag niya sa pangalan ko ay napaayos ako nang tayo.

"Sure, hon. Sabi ko nga eh hindi na dapat pinapatagal pa 'to," sabi ko, takot ko na lang na bawiin niya ang matamis niyang yes sa proposal ko.

At dahil 'yon na ang plano ay sinukatan siya kaagad, para mabilis matapos ang wedding gown. Pagkauwi ay sinalubong kaagad kami ni Amato.

"Mommy! Daddy!" Yumakap kaagad ito sa binti ko kaya natawa ako, sinulyapan ko si Senti na humahabol sa anak ko.

"Daddy, Tito Senti is acting like a ghost." Turo niya habang nakalabi at tiningala ako para tignan kung ano ang gagawin ko.

"Sentimo tama na 'yan," sita ko.

"Wow, protective daddy." Asar niya kaya ngumiwi ako at binitiwan ang kamay ni Jami nang mapansin ko na may gusto siyang gawin ngunit nahihiyang hiklatin ang kamay niya.

Makalipas ang ilang linggo ay kagigising ko pa lang excited na excited si Jami na ginising ako sa kama.

"Hmm hon, good morning." Inaantok kong bati.

"Hon wake your ass! Nandito na yung gown ko!" Napabangon ako kaagad sa sinabi niya.

"'Di nga? Saan?" Hinila niya ako kaya napasama ako sa kaniya at doon ko nakita ang malaki at magandang kahon na nasa sala.

Nasa condo kasi kami dahil inaayos ang mga gamit sa bahay na ipinatayo ko para sa amin ni Jami, fully furnished naman na pero gusto ko ay pagka-kasal sa amin ay doon kami uuwi.

"Huwag mo na sukatin." Biglang sabi ko, natigilan siya at nilingon ako nang nakakunot ang noo.

"W-Why?"

"Hindi raw matutuloy ang kasal," nanlaki ang mata niya at mabilis na isinara ang kahon.

"Well, save for the best." Itinabi niya 'yon at tumikhim tsaka siya umastang parang wala lang.

Pinigilan ko ngumisi, "So, are you ready?" Wala si Amato ngayon kaya solong solo ko siya.

"Ready?" Paglilinaw niya at hinayaan akong makalapit sa kaniya.

Nang yumakap ako mula sa likod niya ay dinampian ko ng halik ang batok niya, "Aga-aga hon," bulong niya.

"Sa kasal, hon.." Paglilinaw ko na ikinatikhim niya.

Ngumisi ako, "Of course, I'm excit—" Naputol siya sa pagsasalita nang madikit ang hindi ko inaasahang magigising.

"Hon, what was that?" Alam kong alam niya na ngunit ibinaling ko sa iba ang atensyon.

"Wala hon, so before the exact same date of our monthsary date?" Pagbabago ko nang usapan.

"Yes hon, pero why are you hard—"

"Hon naman, lahat pinapansin." Bulong ko at humiwalay sa yakap para maitago.

"Patingin!" Sinamaan ko siya ng tingin nang sandaling pilitin niya akong paharapin dahilan para matawa siya.

"Naks, kala mo 'di nakikipag-sex sa akin ah—"

"Honey yung bibig mo," banta ko.

"Pansin ko mula nang ma-engage tayo walang sex ah?" Umirap ako sa sinabi niya, para naman mapahinga siya.

"Take that as your rest day, hon. Pag kinasal tayo hindi tayo titigil hangga't walang baby." Ngumisi ang labi niya, "How about we do it now, honey?"

Nagitla ako sa anyaya niya, "Bata ka pa lang ganiyan ka na ka-wild Liezel Jami. Disinuebe ka pa lang maharot ka na," singhal ko at naitago ang dapat itago na mas ikinatawa niya.

"Damot mo kasi, conservative." Angal niya pa.

"Ha?"

"Sabi ko conservative ka—"

"Harurut." Ngising pagputol ko sa sasabihin niya dahilan para seryoso niya akong tignan.

"Ayoko nang ganiyan," banta niya.

"Ano?" Tanong ko.

"Yung ha—"

"Anino." Asar ko pa.

"Ugh pwede ka na umalis sa harapan ko Yamato at baka hindi kita siputin sa simbahan." Natawa ako lalo at mabilis na ninakawan siya ng halik bago tumakbo sa banyo.

Papalapit ng papalapit ang date ng kasal namin at maayos na lahat, pauwi na ako ngayon binisita ko lang yung site kaya naman sinulyapan ko si Senti na sasama na naman.

"Sawang sawa na sa mukha mo si Amato, sama ka ng sama sa condo." Pagsasabi ko sa kaniya dahilan para ngumisi siya, "Busy kasi si Serina, sabi ko mag-anak na kami para malibang ako." Pagrarason niya.

"Edi samahan mo kung saan man siya abala, para ramdam niyang nandiyan ka palagi." I advised.

"Ganoon ba 'yon boss master?"

"Yeah, go ahead and take care of your girl.." Sinunod niya naman ang sinabi ko kaya pagkauwi ay si Amato lang nakita ko.

"Daddy!" Bati niya.

"Amato," tawag ko at hinalikan siya sa noo.

"Nasaan ang mommy mo anak?" Ibinaba ko ang paper bag na ang laman ay pasalubong.

"She went out po daddy, she's with Tito Jiyon—"

"Jiyon what?" Gulat na sabi ko at inabot agad ang cellphone ko.

"Ano na naman ba gagawin no'n sa mommy mo, anak ng kalapate—"

"Joke lang honey!" Nasapo ko ang dibdib sa gulat nang biglang may tumalon sa likod ko.

"Honey naman." Reklamo ko at napangiwi na lang sa pagpapakaba niya sa akin.

"Daddy I'll eat this!" Paalam ni Amato at pumasok sa kwarto niya kaya pasimple kong tinangay ang mommy niya sa loob ng kwarto at tsaka ko siya kinubong sa mga braso ko.

"What was that huh?" I raised my eyebrows.

"I'm just pranking you, honey." Malambing siyang ngumiti.

"Hindi ko pa nakakalimutan na hinayaan mong halikan ka no'n Liezel Jami ah," tumaas ang isang kilay niya tsaka lumabi.

"Oo na," bulong niya.

"Itatali na kita sa akin—"

"Oh please tie me—"

"Honey." Banta ko nang pabiro niyang i-ungol 'yon.

Nagpahinga na kami dahil napagod rin ako sa naging lakad, malayo kasi talaga ang kailangan ko i-drive just to visit the site of my clients.

Mabilis na dumaan ang araw at araw na ng kasal namin, nakahanda na ako ngunit sabi nila ay inaayusan pa lang si Jami.

After 30 minutes pinapunta na nila ako sa simbahan but that was another 30 minutes of waiting and I was very nervous.

"Boss master, para ka namang natatae tuwid ka ngang tumayo diyan." Singhal ni Senti at hinawakan ako sa balikat para hindi ako maglakad paikot ikot.

"Kinakabahan ako tol." Seryosong sabi ko.

Ngumiti naman si Cane sa harapan ko, "Ikakasal ka na, syempre excited at kakabahan ka. That's another chapter of your life but with Jami tol." Pagpapagaan niya sa loob ko, kabado akong huminga ng malalim.

"Kakaiba yung kaba, parang nauuhaw ako sa kaba gusto ko na siya makita." Natawa sila sa sinabi ko ngunit seryoso ako.

Naghintay pa kami habang ang ibang bisita na galing ibang bansa ay nire-rehearse nila kung ano ang gagawin nila pag nagsimula na.

"Malapit sila sa simbahan!" Malakas na anunsyo ng isa kaya naman napaayos ako ng tayo at doon na umayos ang iba, nagsimula na ang march paloob sa simbahan at isa ako sa nauna sa harapan.

Kabado.

Sumarado ang malaking pinto at nakita ko ang excited na si Amato na ring bearer namin. Napabuga ako sa hangin nang malakas na bumukas ang pinto ng simbahan at doon nagsimulang tumugtog ang kanta.


[Dapat mayroong isang GIF o video rito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]


[Ikaw lang by Nobita]

Hindi ko man gaano maaninagan ang mukha ni Jami ngunit alam ko kung gaano kaganda 'yon, sobrang ganda ng mapapangasawa ko.

Napangiti ako, abot-abot ang kaba sa dibdib. "Yie." Gulat kong nalingon si Senti na ngingisi ngisi.

Siya ang naging best man dahil natalo niya sa bato-bato pick si Cane, sakto rin na nagbigay si Mandy na si Serina ang maid of honor.

Pinanood ko ang marahan at eleganteng lakad ni Jami papalapit sa akin, sinusulyapan niya ang lahat sa paligid at tumutugtog na ang kanta.

"Oh kay gandang pagmasdan ang iyong mga matang kumikinang-kinang.. 'di ko maintindihan~"

"Ang iyong mga tingin, labis ang mga ningning.. langit ay bumaba, bumababa pala ang tala~"

Ngunit para akong bumalik sa unang buwan namin nang nasabay sa kanta ang pagtinginan ng mga mata namin.

"Tumingin ka sa aking mga mata, at hindi mo na kailangan pang magtanong ng paulit ulit.. Ikaw lang ang iniibig~"

Nasapo ko ang dibdib sa kaba ngunit hindi ko 'yon pinahalata at nakangiting tumitig lang kay Jami na naluluha na.

Napahid ko ng mabilis ang luha sa mata nang tumulo 'yon pagkangiti ko ng malaki sa kaniya.

"At kung 'di kumbinsido'y magtiwala ka, hawakan ang puso't maniwala na ikaw lang ang siyang inibig.."

"Ikaw lang ang iibigin.."

Kalagitnaan ay sinamahan siya ng daddy niya maglakad upang ihatid sa akin, maluha luha akong ngumiti sa kanila.

Sa pagkalapit niya sa akin ay naamoy ko kaagad ang halimuyak na dala niya, hinahangin 'yon sa napakalamig na simbahang ito.

Nagsi-mano kami sa mga magulang namin, "I know you'll take care of my daughter, I trust you ever since Yamato anak.." Nakakabakla mang aminin ngunit parang kiniliti ang puso ko sa sinabi ng daddy ni Jami.

"Yes, tito."

"Tito pa ba anak?" Biro niya kaya ngumiti ako.

"Thanks dad." I smiled.

"That's what I want to hear—"

"Yamato ha alagaan mo ng mabuti si Jami kahit pa minsan maarte 'yan mahal na mahal ka niyan." Umiiyak ang mommy niya kaya nakangiti akong tumango.

"Yes I will po," dahil doon ay inabot ko na ang kamay ni Jami.

"You're so beautiful, Liezel Jami." Gusto ko na siyang yukuin para halikan ngunit may kung anong belo na nakalagay pa sa ulo niya.

"You are handsome, my future husband," she complimented me. I squeezed her hand and planted a kiss on the back of her hand.

Nang nasa harapan na ng altar ay hinintay namin ang pare o priest na pumunta sa harapan namin.

Hindi ko ginawang bitiwan ang kamay ni Jami, "Hon ang ganda mo, gusto kitang halikan." Seryosong bulong ko kay Jami dahilan para lingunin niya ako.

"Save that for the last," nakangiting sabi niya at hinabol ng tingin ang magkakasal sa amin.

"Malugod akong makita kayong dalawa, noon abay lang kayo ng kuya at ate niyo hindi ba?" Bulong ni father kaya natawa si Jami.

"Yes po father.."

"Uumpisahan ko na," paalala niya at tumikhim.

Nagsimula ang misa o proseso para maikasal kami, hindi naman ganoon katagal 'yon hanggang sa bigyan kami ng pagkakataon na sabihin ang mga vows namin.

"Yung vows raw," hinintay namin ang mga ginawang vows ngunit natigilan kami nang wala silang mai-abot.

"Nawawala gagi," bulong ni Senti.

"Jams, nawawala." Huminga ako ng malalim.

"Huh? Bakit nawala?"

"Hayaan na, I can say what comes into my heart." Ngumiti ako at hinawakan ang kamay ni Jami.

"Don't worry honey," I cheered her up.

Ako pala ang mauuna kaya tumikhim ako at napaayos ng buhok, "To my wife, uhm in a minute later.. Vows or promises, mark my words and I will act by it. Mahal kita Liezel Jami, we may fight, argue, and you may yell at me because I am frustrating mamahalin kita ng buo, at hindi kita iiwan sa kasagsagan na kailangan mo ako, at kahit hindi mo 'ko kailangan sa buhay mo ay mananatili ako sa tabi mo. Hindi naka-depende sa'yo o sa kung mahal mo 'ko kaya ako nandito. I am here because without you Liezel Jami I am a mess." Maluha luha siyang ngumiti at tumango sa akin.

"So yes, for better or worse, for our ups and downs, I will be your husband and no matter how much we fight I am always here for you." Tumango siya at ngumiti.

"Thank you." Malambing niyang sabi at parang ang ibig sabihin no'n sa akin ay mas higit pa sa salitang mahal niya ako.

On her turn, napahid niya ang luha. "Yamato, you'll be my husband in a minute and I'll be a wife already. That was one of my exciting adventures in life that I am willing to take." She smiled genuinely, so beautiful.

"We've been apart for years and we've hurt each other before, but Yamato, my love for you is inevitable. It will last long and I am sure of that.. I can't wait to wake up every morning and see your face, your love for me is so weird and sweet, hindi ko kayang alisin ang pagmamahal ko sa'yo at asahan mo na sa pagdaan ng maraming pagsubok ikaw ang pipiliin ko. Loving you is one of my best decisions in life, kahit gaano pa ka-alanganin noon hindi ako nag-alangan na mahalin ka at mamahalin kita habang nabubuhay ako. Hanggang sa huling mulat ng mata ko, hanggang sa huling paghinga ko, ikaw ang nanaisin kong makita." Naluha ako kaya pinahid ko 'yon.

Hindi niya sinabi na for better or worse but what she said melts my heart, sobrang ganda pakinggan.

Mas matamis pa sa lahat ng sinabi ko, "I love you Jami." Bulong ko at hinalikan ang likod ng kamay niya.

"That vow is touching my heart, so sincere." Sabi ni father kaya ngumiti kami ni Jami.

"Yamato Romero Lapiz, tinatanggap mo ba si Liezel Jami Sandoval Garcia bilang katipan habang buhay?" Napangiti ako sa kakaibang pagsabi ni father sa tanong na 'yon.

"I do father," sagot ko.

"Liezel Jami Sandoval Garcia, tinatanggap mo ba si Yamato Romero Lapiz bilang iyong katipan sa panghabang buhay?" Tinitigan ko si Jami na naiiyak na.

"I-I do father." Ngumiti ako at doon na namin isinilid ang sing sing sa daliri ng isa't isa.

"I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss your bride. Congratulations." Inalis ko ang belo matapos humarap ni Jami.

Nang mapatitig sa mukha niya ay napangiti ako. "I love you honey." Niyuko ko siya at pasimpleng kinabig upang halikan at doon ay kumakanta na ulit ang singer.

"Ikaw— lang ang iibigin." Nanlaki ang mata namin ni Jami na naghahalikan nang pumiyok yung singer.

Ngunit halos matigil kami nang matawa lalo na nang tumawa si Senti halatang hindi napigilan.

Ang lakas pa no'n, "Oh my god." Bulong ni Jami at nahihiyang yumuko at yumakap sa akin.

"Wooohooo! Congrats!" Nagpalakpakan ang lahat at dahil doon ay niyakap ko rin siya pabalik.

Natatawang lumapit si Senti sa akin, "Rinig mo 'yon boss master? Pumiyok HAHAHAHHAA." Nakagat ko ang ibabang labi para magpigil.

Nag-bouquet catching naman ang mga babae at abay. Napangiti ako habang pinanonood silang lahat.

Dederetso na kami sa venue ngunit nang salubungin ko si Jami ay para akong tanga kakangiti sa sinabi niya.

"Tara na gwapo kong asawa." Nakagat ko ang labi at tinangay siya agad sa limousine na gamit namin papunta sa venue.

Nang makaupo ay sumandal siya sa dibdib ko habang yakap ko siya, "I love you honey. Mahal na mahal kita Jami." Hinalikan ko siya sa noo.

"I love you more honey, mahal na mahal rin kita." Tugon niya at inabot ang labi ko para halikan dahilan para tugunan ko 'yon at wala pa man kami sa honeymoon ay parang mauuna kami sa sasakyan.

Ngumisi ang labi ko.

This is how I know she's the one, she's a bit loud but she's giving me peace. She's my home.



=THE END=

@/n: Another book is about to close, but that doesn't mean that their life would end. In our imaginations and in our hearts their story grows and continues, let them live in our hearts happily ever after. Thank you so much for supporting me, this is Third Generation Series #2: Our Solicitous Heart, finally closing September 26, 2022. I love you everyone! I appreciated everything, kisses and hugs. ❤️

Special chapters will be published soon, you can now read 3G Series #3: Our Broken Revenge.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top