Chapter 70: The Last Moment
Chapter 70: The Last Moment
Liezel Jami's Point Of View.
Pagkasampa ko sa hospital ay dumeretso ako sa emergency room pero nalaman ko nasa ICU na si Yamato kaya mabilis akong tumakbo papunta doon kahit hila-hila ko si Amato.
Pagkabukas ko ng private ICU room ay natigilan ako nang may pumutok na popper, naitikom ko ang bibig ng makita ang magandang disenyo at ang sulat na nakadikit sa wall.
Bumuntong hininga ako at nasapo ang mukha ko dahil sa pag-iyak, "Do you even guys need to do this?" Umiiyak na tanong ko sa kanila.
Maayos ngunit nag-aalala na lumapit si Yamato sa akin, "Sorry honey." Malambing na sabi niya.
"Nakakainis ka! If you wanted to marry me just ask me the damn q-question hindi yung paiiyakin mo pa ako sa pag-aalala!" Hinampas ko siya sa dibdib dahilan para ngumuso siya at yakapin ako.
"Sorry."
"I'm sorry honey." Hinalikan niya ako sa noo.
"I'm really sorry, honey." Hinalikan niya pa ang tuktok ng ulo ko ngunit nakanguso ako not until he knelt his one knee on the floor and took out a velvet box.
"I told you that I'll beg, even if it's kneeling my one knee on the floor." Nakagat ko ang ibabang labi dahil wala pa man ay natutuwa na ang puso ko.
He opened the velvet box in front of me that made me tear for more, "Liezel Jami, our three years relationship from the past kept me here until now." Nakangiti man siya ay para siyang maiiyak ngunit nagpapaka-strong ang mata niya.
"Sabi ko noong umalis ka noon, pag bumalik ka bahala ka na sa buhay mo dahil naka-move on na ako pero that one night that you just came back made my feelings come back all at once." He chuckled on his story.
"I became curious about how you've been doing, I've been concerned if you're still single, or do you still want me just like before and at some point my inner self wanted you." Napahinga siya ng malalim at umiling.
"I won't make this long as I wanted to tell it to you privately, so Liezel Jami were both engineers uhm.." He stopped for a minute.
"I suddenly forgot what I wanted to say so I'll just say this it came from my heart," I stared at him as he seemed to be having a hard time thinking and then suddenly he chuckled.
"I know it sounds cheesy, but will you allow me to build a family and a life with you for the rest of our lives?" Napanguso ako tsaka ko nasapo ang mukha sa sinabi niya.
"Nakakainis naman Yamato eh," nang humikbi ako ay natawa si mommy sa paligid kaya mas napanguso ako.
Nakangiti siya sa akin, nakagat ko ang ibabang labi tsaka maraming beses na tumango. "Yes, I'll build a life with you for the rest of our lives, Yamato." Napangiti siya ng husto at kinuha ang kamay ko upang suotan ng sing sing.
Kumislap sa mata ko ang may diamond na ring, namangha ako ng lubusan bago tumayo si Yamato at yakapin ako ng pagkahigpit higpit.
"Okay guys! Congrats! Tara labas na, solo moment!" Mabilis silang naglabasan kasama si Amato at bago pa man ay mabilis nilang ni-lock ang pinto.
"Honey." Masayang tawag niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi, sa noo, sa tungi ng ilong at napapikit ako nang maglapat ang labi naming dalawa.
Tumutulo ang luha ko sa saya at tila hindi ko makakalimutan na sa ICU pa talaga siya nagp-propose sa akin.
Muntik pa kami mapaupo sa hospital bed buti na lang naitungkod niya ang kamay para mapasandal na lang ako doon habang tumutugon sa halik niya.
Nang sandaliang maghiwalay ang labi namin ay nagtama ang mata namin ngunit napapikit ako muli sa agresibo niyang pagsunggab sa labi ko.
He sucked my lips aggressively and lively, he made our lips lock alternatively until he reached my tongue and sucked it gently.
After that hot kiss, he ended up planting a kiss on my forehead. "I love you so much honey, not just because the moon is always beautiful but your beautiful soul." He sweetly said and planted another kiss on my forehead.
Yamato held my hand and kissed the back of my palm, "Let's go." Inayos niya ang mukha ko kaya napangiti ako.
"I am damn speechless, it feels unreal honey." I sweetly whispered in his ear.
"Hmm, let's make it real after your birthday." He fixed my ring and stared into my eyes darted to my soul.
Yamato's Point Of View.
"Bro, may makakasama raw tayong first year civil engineering. Sana mga girls." Napangiwi ako sa suhestyon ni Senti sa akin.
"Mukha kang babae," bulong ko.
"Tumayo ka na diyan, pupunta tayo ngayon." Huminga ako ng malalim at binuhat ang gamit ko tsaka kami sabay-sabay na naglakad papunta sa room.
Habang naglalakad ay natigilan ako sa text ni Athena.
From Athena:
Babe, Saturday night right?
Nangunot ang noo ko, babe? Anong trip niya at tinatawag niya ako sa ibang endearment?
Hindi na muna ako nag-reply dahil nasa harapan na kami ng first year classroom, section one.
Pagkapasok ay napalunok ako ng sobrang dami ng mga students, nang sabihin nila kung saang grupo ako ay naglakad ako papunta doon ngunit natigilan ako ng bahagyang mamataan ko ang pamilyar na babae.
Yung masungit na kapatid ni Kuya Laze 'to ah?
Nang magtama ang mata namin ay matipid ko siyang nginitian, nakakahiya naman.
Ang laki niya na, noon kaaway ko lang siya dahil sa comics. Pinigilan ko ngumiti sa naalala.
Natutuwa ang mga mata nilang nakatingin sa akin, "I'll introduce myself first," I announced.
"Yamato Lapiz, 3rd year college." Pumalakpak pa ang iba sa kanila kaya matipid akong ngumiti.
Lahat sila ay nagpakilala ng sinabi ko, ngunit nahuli yung kapatid ni Kuya Laze.
Ang inosente nitong mukha ay ang ganda pagmasdan. Parang hindi kayang manakit ng kapwa, pero sinungitan ako noon.
"Jami Garcia," sobrang tipid ng pakilala niya ngunit tumango ako dahil ngayon ko lang ulit narinig ang boses niya.
"Top 1 last semester," biglang singit ng kasama sa grupo.
Halata naman.
Sinimulan namin ang kailangan gawin, Jami didn't even care to ask me dahil panigurado akong alam niya na ang gagawin niya.
Habang nagsusulat ako at nagc-compute ng data ay natigilan ako ng sunod-sunod na tumunog ang cellphone ko sa text message ni Athena.
Sinulyapan ko 'yon.
Athena: I mean love, wala kang reply love?
Athena: Busy ka love?
Athena: Galit ka ba love kasi tinawag kitang babe? Bawal ka bang tawagin sa babe?
Yamato: I'm in class, later.
Itinabi ko na ang cellphone ko ngunit nangunot ang noo ko nang tumawag siya, sinabi ko ng nasa klase.
I silenced my phone and hid it, after a while napatingin ako kay Jami nang matapos niya na kaagad.
Naunahan niya pa ako? Woah.
Pinuri ko siya ng kaunti sa galing niya dahil baka mawirduhan naman siya kung sosobrahan ko 'di ba?
Eh magka-away kami noon.
Matapos no'n ay kinekwentuhan ako ng mga kaklase niya at ang pinagkaibahan ni Jami sa iba ay wala siyang pakialam sa buhay mo.
Pinigilan ko mangiti habang pinanonood siyang naglalakad sa harap namin, ang hinhin gumalaw.
Nang umalis mga kaklase niya ay napansin ko na naghihintay siya sa entrance, "Uuwi ka na?" I asked.
Tinanong ko siya matapos ko replyan si Athena. "Opo." Sobrang galang niya pa.
Napa-ayos ako ng relo, "Ah, may sundo ka?"
Pwede ko naman siya ihatid kung wala 'di ba? Kapatid naman siya ni Kuya Laze?
Hindi naman siguro magagalit si Athena? Hamak na mas bata si Jami sa akin.
"Wala po, hinihintay ko lang po yung pinsan ko." Lumunok ako at tumango sa sagot niya.
"Alright, una na ako. Don't be late tomorrow," I tapped my watch and smiled sa little para hindi naman siya ma-tense.
"Ingat ka po kuya," usal niya dahilan para mapalunok ako at tumango na lang tsaka naglakad na.
Kuya? Hindi naman masama pero— sige na nga.
Habang naglalakad ay nakita ko na si Athena, matipid ko siyang nginitian tsaka hinayaan na lang. "Love galit ka?" Umiling ako bilang tugon.
"Love sa saturday pala may lakad ako," nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"A while ago, nag-text ka sa akin asked me about that saturday. Ano't ngayon ay nagbago?" Nagtataka kong tanong.
May tiwala naman ako pero this is off, a bit.
"My friends wanted to hangout, isinasama lang nila ako. All of them are my classmate, love." Huminga ako ng malalim.
"Ihahatid kita—"
"Hindi na, susunduin nila ako." Ngumiti siya kaya bumuntong hininga ako.
"Okay."
Pagkahatid ko sa kaniya ay wala ako sa mood na umuwi sa bahay, ang ingay ng lahat sa GC ngunit hindi ko man lang nakikita si Jami na nag-chat doon kahit dot.
Napailing ako sa naisip, ngayon ko lang siguro siya nakita.
Kinaumagahan ay iritable ako, pumasok ako sa library ngunit si Jami na lang ang wala.
Kasasabi ko lang ma huwag mal-late, kinuha ko ang papel at nag-compute na lang.
Nang makarating siya ay hindi na ako umimik, nakagat ko ang ibabang labi ng kagabi pa walang reply si Athena sa akin.
Nang PE na ay nakabilog kami, bumuntong hininga ako. Napano ba si Athena?
Yamato: Hey love, wala ka pa ring reply?
Yamato: Are you mad at me by any chance?
Yamato: What did I do, love?
Yamato: I'm worried.
Yamato: Hmm..
Tumigil ako sa pagtipa at nagtaas ng tingin dahil pansin ko na may nakatingin sa akin ngunit hindi ko nahuli.
As Kuya Yuno assigned me to teach our group hindi na ako tumanggi.
Ngunit ng si Jami na ang partner ko ay napalunok ako, paano ba 'to?
I explained her my intentions and she got it easily, nang magkadikit kami ay medyo kinabahan ako. I trapped her but then I almost fell when she exchanged our positions.
Ang lakas.
Nabibilib ako.
I gently tapped her arms, "Calm down."
Binitiwan niya ako kaagad, "S-Sorry, a-akala ko po kasi kuya totoo yung gagawin kong self defense." Nang mautal siya ay hindi ko mapigilang matawa.
How innocent.
"That's a great defense—" hindi ko naituloy ang sasabihin dahil sa asaran ng grupo.
What the hell?
What if she felt uncomfortable, mga estudyante talaga.
Nang sumingit si Kuya Yuno ay bahagya akong nag-alala kung baka hindi siya maging maingat ay mapilay si Jami.
Ngunit wala akong nagawa, nang sabay silang tumimbawang ay bahagya akong nagulat.
After the training kumuha ako ng water bottle na dalawa dahil pansin ko na medyo tulala si Jami.
"You're good at protecting yourself," I complimented her.
We talked a little, bago siya umiwas sa akin. Nagtaka naman ako, tsaka ko napansin ang sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko.
Athena: I'm here, sino yung kasama mong babae?
Athena: Yung maputi na inabutan mo ng water bottle.
Nangunot ang noo ko at tsaka luminga sa paligid hanggang sa mamataan ko siya. Tumayo ako upang lapitan siya, lumabas naman siya kaya sumunod ako.
"Why are you not replying, Athena?" Kwestyon ko kaagad, nagkibit balikat siya at tumanaw sa loob.
"Sino 'yon?" Seryoso ngunit masungit niyang tanong kaya mahina akong tumikhim.
"She's my in law, kapatid ng boyfriend ng ate ko." Tumango si Athena sa akin, "Mauuna na ako. Just wait for my text love," sweet niyang sabi at mabilis na humalik sa pisngi ko kaya pinanood ko siyang umalis.
I am being bothered every time Athena doesn't reply, hindi ko alam at hindi ako mapakali.
Not until one day, my own fear crept me up. Jami told me that my girlfriend is cheating, I really don't believe things that my eyes don't see.
But it's Jami, she won't lie about those things yet I don't want to believe it.
That word throbbed pain in my heart, "What kiss?" Seryosong tanong ko matapos tumayo sa harapan niya.
Hindi ko alam ngunit hinawakan ko ang baba niya at hinalikan siya sa pisngi tsaka ako lumayo. "Kuya Yamato." Gulat niyang sabi.
I explained her the difference of a kiss in cheek yet she denied it. Bumuntong hininga ako at wala sa mood na nilisan ang library.
Lumipas ng lumipas ang araw at ilang beses niyang napatunayan na niloloko ako ni Athena ngunit hindi ko matanggap 'yon.
Parang hindi ko pa kayang tanggapin, not until one day. Naniwala na ako nang makita ko na may ka-live in partner ang girlfriend ko.
Ex-girlfriend.
Jami accompanied me on a bar, nanlulumo ako at hindi ko alam kung paano pipigilan ang bugso ng nararamdaman ko.
Panigurado'y tinatawanan niya na ako dahil huli na ng makinig ako sa kaniya, tsk.
Tahimik lang siya habang kasama ako, maya-maya ay tila isa akong tanga na umiiyak na at wala naman siyang nagawa kundi panoorin ako.
Hindi ko namalayan na sobrang dami na pala nang nainom ko at inaawat na ako ni Jami, inalalayan ngunit sa bigat ko ay bumagsak kaming dalawa.
Napakurap ako nang maraming beses habang nakatitig sa kaniya, bumaba ang mata ko sa mapula niyang labi. Bago pa ako umiwas ay kusa ko ng pinaglapat ang labi naming dalawa.
And that's how we both started, How I started to feel what I felt back then when I was a teenager.
I felt like I came back to when I liked and had a crush on her before.. But that made her confused.
Well, Jami didn't know that I had a crush on her. So I understand why she felt very distant after I made that decision.
Sinubukan ko naman siyang iwasan sa abot ng makakaya ko dahil natatakot akong i-entertain ang sarili kong nararamdaman dahil wala ng kasiguraduhan.
On her debut, in Palawan. My family came as we're invited. I was getting ready, namiss ko rin ang kakulitan at ang inosenteng mukha ni Jami na tiniis kong huwag hanapin.
What flower does she like? Would she accept a rose?
Yeah I'll buy her a dozen. I ordered it and nahirapan ako pumili ngunit rush hours kaya roses ang napili ko.
Sa party ay tahimik lang akong tumitipa sa cellphone ko hanggang sa maramdaman ko ang presensya ni Jami.
She really smells like a sweet milk, hindi ko alam but that what she smells, hindi masakit sa ilong.
Parang baby.
Minasdan ko siya nang nasa harapan ko na siya kaya naman tumayo ako, "Happy Birthday."
Nakipagkamay ako na para bang mali ang ginawa ko dahil kinakabahan. "Thank you po kuya." Matipid siyang ngumiti kaya bahagyang tumaba ang pisngi niya.
Umiwas tingin ako at bumalik sa pagkakaupo.
Later on, I grabbed some alcohol but then she bumped into me causing my hand to wet. Natapunan lang naman ako ngunit tinitigan ko ang mukha niya.
"Kuya Yamato." Bigla ay napatigil ako sa paglalakad at nilingon ang nilampasan ko na si Jami, I was about to grab the flowers.
"Hmm?"
"You'll be okay kuya." Mahinahon niyang sabi dahilan para mapabuntong hininga ako at tinalikuran siya.
I should give her the flowers already, nang makuha ang bulaklak ay hinanap ko siya at nang makita ay kinalabit ko siya.
Nang humarap siya ay nagulat siya kaya inabot ko 'yon, "Kuya Yamato." Nabibigla niyang sambit sa pangalan ko at tinanggap 'yon.
"Happy birthday ulit Jami." Bati ko sa kaniya.
"Akala ko po galit ka pa rin sa akin," Jami said that made my lips parted a little, galit? Why?
I smiled to her for assurance that I am not, "Galit? Do I have a reason to be mad at you?"
Nag-usap kami sandali hanggang sa maalala ko na ako pala ang 17th dance niya sa 18 roses dahil last dance si Kuya Laze.
"Hmm, enjoy your day. Kasama ako sa 18 roses." Pagsasabi ko sa kaniya.
"You need kausap po?" And that's how I went to spoil and entertain my unstable feelings for her again.
I can't resist.
Nag-usap kami nang bahagya hanggang sa masdan ko na naman ang kasuotan at ang mukha niya. She's really cute and beautiful.
"You look stunning." I complimented and I noticed how her cheeks turned red, napaiwas tingin ako dahil bahagyang kinabahan.
"After the party, a-are we not okay again po?" She seemed nervous, dahil ba sa sinabi ko nang pumunta ako sa kanila?
"We are okay Jami, what do you mean?" I tilted my head a little and then smiled.
"I-I mean, a-ang ibig ko po sabihin ay d-deadmahin po ba kita sa tuwing magkakasalubong t-tayo?" She kept on stutttering in front of me, which I found cute.
I can't help but to chuckle seeing how worked up she is on asking me about this, "You're quite adorable," I sighed when I couldn't help my smile.
Huminga ako muli ng malalim, "We'll greet each other then?" I asked.
"T-Talaga po?!" Masaya niyang tanong kaya ngumiti ako at nasulyapan ang relos.
We parted ways and bumalik na ako sa table namin nila ate, maya-maya ay bumalik na rin siya kaya naman matipid akong ngumiti.
Hanggang sa bigla at nagmamadali na lumapit si Kuya Laze at ang mommy nila.
Napatitig ako sa kanila, "Who is it?" Biglang tanong ni Kuya Laze.
Mukhang magsusungit.
"Po?" naguguluhan na sabi ni Jami.
"Is your heart okay?" Tanong ni Kuya Laze kaya nasuri ko si Jami, may sakit ba siya sa puso?
It made me worried not until, magsalita ang mommy niya. "Whoever told you that you're quite adorable, guys if you know please tell me. It's her crush!" My face turned pale on what I heard.
Crush?
Well.. B-Baka hindi lang naman ako ang nagsabi 'di ba? 'Di ba?
Afer that naging awkward ang pagitan namin yet I'll try to act normal. Baka hindi naman ako, 'di ba?
Damn.
On her 16th roses it was Kuya Yuno and I'm supposed to be next but then Kuya Laze went there and danced with her.
What about me?
"'Di ba ikaw dapat Yamato?" Nagtatakang tanong ni Kuya Yuno sa akin.
"Oo, kuya. Pero hindi ko maintindihan," naguguluhan na sabi ko at tinanaw sila sa dance floor.
Nang ako na ay kinakabahan ako na inayos ang sarili ko at dumaan sa gitna ng maraming tao para maglakad sa red carpet hawak ang magandang bulaklak.
Nang marahan na i-abot ni kuya ang kamay niya sa akin ay tinanggap ko 'yon at inalalayan siya matapos niya hawakan ang bungkos ng rosas.
Pinigilan ko ang sariling puso, "18th, by coincidence?" Pigil ang ngiti ko na sinabi 'yon.
To change and to make her 18th dance special I took the lead, it's not what they rehearsed but I changed it.
For the better.
"Happy birthday Jami, it's my 4th time greeting you tonight." Nakangiting bulong ko.
"Thank you po kuya."
"May your 18th be the best of your lives, I wish your happiness Jami." Ngunit nagkamali siya ng tapak kaya tumama ang tungi ng ilong ko sa noo niya na ikinangiti ko.
"I'm sorry kuya," she shyly said.
"It's okay to take the wrong steps sometimes, you'll learn from it." Makahulugan kong sabi sa kaniya.
Napansin ko ang buhok na humaharang at baka tumusok sa mata niya kung kaya't inayos ko 'yon at iginilid sa tenga niya.
Napansin ko ang pag-iwas tingin niya sa mata ko kaya pinigilan ko ngumiti nang sobra.
I kind of forget her whenever I stare at Jami's face. It's making me calm and I can't think of anything.
Our next meeting was in a party that is hosted by Kuya Yuno, napansin ko na ang presensya niya kasama ang pinsan niyang babae na mas nakakatanda sa kaniya.
Pagkalapit ko sa kanila ay kinikilig pa yung kasama niya kaya napangiti ako, binati ko siya at dahil doon ay nagkasama kami sa iisang table.
When I heard her cousin wanted to try dating Jami with some random guy it worries me, why the hell would Jami need a date for? She's 18.
Nang pumayag siya ay bahagyang huminga ako ng malalim. Ngunit nang marinig ang tipo ni Jami ay hindi ko mapigilang matawa.
Sino ba naman kasing gugusto sa manyak? Maybe she's still young that's why.
Nang maalala ko na may gusto si Jami ay medyo nadismaya ako, yeah right.
"Sino kayang hahanapin ko na date mo—"
I decided to cut off Sierah's words, "Don't look so far, baka hindi mo 'ko makita." Parinig ko at tumikhim.
Kinakabahan sa magiging reaksyon ng dalawa. That's how I first dated Jami, our first date night that I couldn't forget.
I can't forget it.
I remember how innocent she is, how gullible she is, sobrang hinhin parang mas mahihiya ako dahil sa pagiging mahiyain niya.
I really had fun that night with her, I guess feelings really go back because first love never dies?
Natawa ako sa ka-kornihan na naisip. Did I really say that? It doesn't look like me.
After that night sinimulan kong magparamdam sa kaniya, I sent her coffee, biscuits, and food. I even handed a note, God what's happening to me?
Am I starting to like her? Again? Agad?
At my sister's birthday, I expected Jami to attend so I bought a single pink rose that was a significant first love. She's my first love after all.
Binigay ko 'yon sa kaniya. I forgot my wallet even though it's in my suit.
Later on my blockmates took me away from Jami, wala naman akong nagawa dahil may surprise raw sila not until I saw Athena in the middle of the circle.
Is this some kind of manipulation to get me back? Does she think I'm afraid to embarrass her? Because I loved her?
"I'm not happy with this," nang sabihin ko 'yon ay napatitig ako sa kaniya.
"It's not a surprise, it's just a piece of shit. Hindi niyo ba alam yung nangyari?" galit kong sabi sa mga blockmates ko.
"Kung ano man siguro yung nangyari bro pwede niyong pag-usapa—"
"You think so?" I sarcastically asked, "If you really know me, will I leave her if I can still fix us?" malamig kong tugon.
"Man, you're ruining my day. What the fuck?" Iritang sumbat ko at ibinaling sa kung saan ang mata ko not until I met Jami's disappointed eyes.
Sana ay hindi iba ang isipin niya dahil dito.
"Yamato, please come back? Let's make it right this tim—" I cut off Athena's words and walked near Jami.
Nang makalapit sa kaniya ay nagulat siya at na-estatwa ngunit dinala ko siya sa gitna ng bilog na ginawa nila. "I'm sorry, I'm already settling with someone I can trust." I lied, but somehow I wanted it to be true.
"Athena, we've been done for more than a month now. I didn't know you're that desperate after cheating on me." Natigilan ang mga kaibigan namin sa sinabi ko.
"Gago.." Hindi makapaniwalang bulong nila.
"She's no match for you! Isa pa mas bata siya—"
"She's no match for me, because she's out of my league Athena. At least she won't use me for money." Naitikom ko ang bibig, ang iba ay pinagtawanan si Athena dahil sa sinabi ko.
"Hindi ako naniniwala na kayo na, huwag mo 'kong ipahiya Yamato." Deretso ko siyang tinignan sa sinabi niya, pahiya? Lol.
"Bro, huwag sana ganiyan.."
"Tangina, mukha ba akong nagsisinungaling?" Napatitig ako sa kanilang lahat, ang lutong no'n pero hindi naman kasi talaga nakakatuwa.
"Kingina, stop guilt tripping me. All of you, ayoko na." Singhal ko pagod na pagod na sa nangyayari.
"Para niyo 'kong ginagago, kayong lahat. Hindi niyo man lang inalam sa akin yung nangyari," masama ang loob kong sabi. Napansin ko na humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Jami.
"Kung ganoon huwag kang gumamit ng ibang tao! Kung ayaw mo sa akin sabihin mo! Hindi yung gagamitin mo yung babaeng pinagseselosan ko noon!" Galit na sigaw ni Athena sa harapan ko.
"Ginagago mo ba 'ko?" Galit na tanong ko kay Athena, ang lamig ng kamay ko at masasabi kong kahit nagtatapang ako ay kinakabahan ako dahil ngayon lang ako nagalit ng ganito kay Athena na hindi nagpipigil.
"Yamato naman!"
"Ayaw mo maniwala?" Kwestyon ko sa kaniya handang patunayan ang lahat tumigil lang siya.
"Ayaw mo?!" Nag-taas na ako ng boses sa sobrang galit.
"H-Hindi ako naniniwala.." Napatitig ako kay Athena na lumuluha na ngayon, "Panoorin mo." Napatitig ako kay Liezel Jami ng yukuin ko siya at dampian ng halik sa pisngi.
Tangina.
Ngunit may ibinulong siya, "I'm sorry, for this is the second time I'll make you this close to me." I apologized and stared at her eyes, but I was desperate.
I held her jaw and pressed my lips onto her, halatang nagulat siya sa ginawa ko.
It's not just a smack that I did, I can't help but to suck her lips and forget that this is public.
Hindi kumakalma ang puso ko at hingal na hingal ako, shit I'm so sorry Jami.
I was tempted, no her lips— tangina mali 'to.
I took advantage on her, hinila ko siya papaalis doon sa crowd. Nang makalayo ay todo-todo ang pigil ko sa sarili ngunit marahan ko siyang tinulak sa pader at niyuko upang masakop ang labi niyang nakaawang sa gulat sa ginawa ko.
Yamato, tama na. Maguguluhan siya sa inaasta mo!
Ngunit halos kumabog ng sobrang bilis ang dibdib ko nang sandaling humawak ang kamay niya sa braso ko ja tila ba tumitiklay siya.
Lasing na ba ako?
Why do I feel sleepy and out of my head?
Nang lumayo ako ay doon ko lang natauhan, "J-Jami." Kinakabahan na sabi ko.
Gulat na gulat ang brown niyang mata habang nakatitig sa akin, napaatras siya at mags-sorry sana ako pero tumakbo siya papalayo sa akin.
Bumuntong hininga ako at nasapo ang noo, shit.
Nang dahil sa dinner ay nagkaroon ako ng pagkakataon upang hindi siya makaiwas sa akin, I really want to talk about that.
Sa ilang linggo na 'yon ay inaamin kong hinahanap ko ang presensya niya.
Not until we headed to their home because of my grandparents.
Dinahilan ko ang remote na nawawala pero ang totoo ay itinago ko 'yon, para lang makausap ko siya.
Hanggang sa hindi ko mapigilang ang bibig. "Jami, I want to be someone special to you." Baka sakali ko.
"Po?" Halata na nagulat siya kaya tumikhim ako.
"Wala." Bawi ko agad.
Kinakabahan ako.
Hanggang sa kinompronta niya ako, "May nagbalak humalik sa inyo, nagalit kayo. Tapos ako po, nag-take two pa kayo. Tapos hindi niyo naman masabi sa akin yung dahilan," mahabang sabi niya na ikina-awang ng labi ko.
Wow, evidence?
"Tangina." Hindi makapaniwalang sabi ko, sinabi ko naman alangan ng sabihin kong gusto ko siya? Magdududa lang siya sa akin.
"Papanindigan na ba kita?" Seryosong tanong ko.
Nanlaki ang mata niya.
Lumipas ng lumipas ang linggo hanggang sa umamin ako sa kaniya sa paraan na hindi niya inaasahan, ngunit pansin ko na gusto rin siya ni Kuya Yuno.
Higit na mas ka-close niya 'yon kung kaya't grabe ang kaba ko.
I'm sure I like her.
Pero she's doubting my feelings and zi decided to love myself first by figuring out how much I like Jami and how much I value her.
I stayed in Cebu and promised her to come back on this day if I like her.
Babalikan ko talaga siya.
Mamatay man.
Inabala ko ang sarili sa trabaho na ibinigay sa amin sa Cebu, kasama ko ang mga tunay at pili kong kaibigan.
Si Senti at Cane, ang dalawang nahiwalay lang nang una sa akin dahil sa isang project at group 'yon.
Pinipigilan ko ang sarili na isipin si Jami ngunit kusa siyang pumapasok sa isip ko.
Hindi ako nago-online sa ibang social media accounts ko.
Hanggang sa isang araw ay masira ang cellphone ko dahil sa hollow blocks.
"Ang malas mo pre ha." Asar ni Senti.
"Pahirap ako cellphone." Reklamo ko at inilahad ang kamay ko.
"May IG ka?" Baka sakali ko, "Oo bakit pre? Makiki-log in ka?" Tanong niya.
"May ic-check lang akong profile, pa-search." Naupo ako sa gilid, hinayaan niya naman ako dahil wala naman daw siyang girlfriend.
I stalked Jami and actually I followed her too, gamit naman ang account ng kaibigan ko. Binuksan ko ang story niya at sinuri, mas namiss ko siya lalo nang marinig ko ang boses niya sa kinatagal tagal ng panahon.
"Crush mo 'yan master?" Tanong ni Senti.
"Ah—"
"Uy namula agad!" Turo ni Cane sa mukha ko kaya ngumiwi ako, parang nakuha na nila yung sagot nila eh.
"Si Ms. Garcia 'yan 'di ba master? Junior natin?" Tumango ako.
"Ganda master, bagay kayo. Amoy semento HAHAHAHAHAH— ACK!" Nasapo ni Senti ang tuhod nang manghina siya sa pagsipa ko sa likuran ng tuhod niya.
Nagrereklamo ang tingin niya sa akin kaya ngumisi ako.
Nang araw na aalis na dapat kami pabalik sa city ay na-stranded kami sa lakas ng ulan. Hindi kami pinayagan kaya nanlumo ako.
Paano kung isipin niyang comfort lang talaga siya kaya hindi ako bumalik on that day?
Tangina.
Kinaumagahan na kami nakabalik, sa dinner pa. Kinakabahan ako lalo na nang makapasok ako ng bahay ay nakita ko kaagad ang likuran ni Jami.
Tangina, mamatay ako sa kaba. Nang lumapit si Ate Janella ay napangiti ako. "My plane got delayed, I'm sorry. I miss you, too, Ate Janella. Congratulations," nakangiting sabi ko.
"Okay lang, maupo ka na, let's go!" Excited si Ate Janella kaya kinuha niya ang brown LV travel bag ko. Ibinaba niya 'yon sa sofa at tinangay ako papalapit sa dining.
"How's your flight?" Nakangiting tanong ni dad sa'kin.
Nasulyapan ko ang likod ni Jami na hindi ko wari kung bakit hindi siya lumilingon, "It was good dad," I replied to my father, "Good evening po," I greeted Jami's family, Jami got stunned when I placed my hand on Jami's shoulders, and then left to greet her grandparents.
Wala kasi ang parents ni Jami ngayon. Hindi ko rin wari kung bakit.
She smells good, ngayon ko lang hindi naamoy ang amoy ng gatas sa kaniya.
"Good evening," nakatayo ako sa likod ni Jami ngayon.
Kinakabahan ako, ngunit I tried to act normally.
Niyuko ko siya habang nasa likod niya ako, naamoy ko siya lalo at mas nagwala ang puso ko. "You smell good," bulong ko matapos dampian ang pisngi niya ay gusto kong sumigaw at tumalon talon dahil ayaw kumalma ng puso ko.
Nakakamiss si Jami.
And that night I asked her out, I also found out that she waited for me. Nakakatuwa 'yon kung hindi lang masama para sa lalaki ang tumili ay nauna na ako.
Ngayon ay hindi na ako natatakot ipakita ang nararamdaman ko sa kaniya sa tagal naming hindi nagkita ay wala na akong duda sa nararamdaman ko.
Ang korni pero tangina ang swerte ko dahil pinayagan niya akong gustuhin siya.
Mabilis na lumipas ang buwan hanggang sa nagkaroon ng halo-halo na insidente, maganda at hindi.
Hindi ko alam kung gaano kabilis ngunit sa mismong banyo ng hospital ay sinagot niya ako.
Hindi ko inaasahan, at hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya. Mas masaya pa kesa noon, sinagot niya lang naman ako hindi pa naman pinakasalan ngunit nakakabaliw yung pakiramdam.
We had our first kiss in the relationship, it feels great.
Our endearment is sweet, nakakabading!
Our first fights, second and third, but we always talk it out.
Nang una ay nahihiya pa siya sa akin hanggang sa masanay na siya at inaaway na ako parati. I like it anyway.
Hanggang sa mawala ang ate ko at ang kuya niya dahil sa pagsabog, lumipas ang buwan at inalalayan ko siya dahil alam ko na kailangan niya ako.
Nag-aalala ako ng sobra dahil hindi pa nahahanap si Kuya Laze at dahil doon ay hindi matahimik si Jami.
Nagbabago ang mood niya parati, hindi rin siya kumakain sa tamang oras at natatakot ako na baka mapahamak siya sa ginagawa niya.
Kaya hindi ko siya iniwan hanggang kaya ko, hangga't nandito pa ako ay hindi ko siya pababayaan.
Dumating ang oras na kailangan ko umuwi sa city para sa examination, siya ay hindi makakauwi kaya ine-excuse ko siya sa bawat klase niya.
Sa lahat ng subject ay nagpasa akonng excuse letter, na nauanwaan ng iba ngunit hindi lahat.
Sa exams ay pwede pero sa outputs bawal. Kahit pagod na pagod na ako ay isinabay ko ang outputs niya dahil babagsak na siya sa lagay na 'to.
Kahit busy ako ay chine-check at kinakausap ko siya kahit walang reply. Sana ay maayos siya ngayon.
Matapos ko ipasa lahat ng outputs ni Jami ay sumalampak ako sa labas ng faculty room sa sobrang antok.
Hindi ko na inisip kung marurumihan ako, "Master, grabe naman na yata yung ginagawa mo sa sarili mo?" Kwestyon ni Senti.
Napaayos ako at tumayo, "Sorry, nahilo lang talaga ako." Pagsisinungaling ko.
"Outputs mo master? Deadline na oh." Tumikhim ako at naayos ang buhok ko.
"B-Bukas na, magpapasa naman ako eh." Mahinang sabi ko.
"Uwi muna ako." Paalam ko sa kanila, babalik na rin ako sa palawan. Tatapusin ko lang ang ibang outputs ko.
Nang makatulog ako ng ilang oras ay gumising ako para atupagin ang outputs ko, hindi lang doon nagtapos 'yon dahil mukhang galit na ang prof ko kaya pinatawag niya ako sa office niya.
"Ano bang ginagawa mo sa sarili mo, Yamato? Outputs mo na tatlo wala pa. Yamato. Pinagbibigyan kita dahil mataas ang grado mo sa akin sasayangin mo ba lahat 'yon?!" Napayuko ako sa sermon nito.
"Sorry sir."
"M-Magpapasa naman ako sir, okay lang kahit may bawas na sir. N-Natambakan lang po talaga—"
"Si Ms. Garcia kahit na may malaking problema nakapagpasa ng tamang oras, kahit na hinahanap niya ang nawawala niyang kuya naipasa niya na lahat ng outputs niya." Napayuko ako at nakagat ang ibabang labi.
"Sorry sir."
"Sorry talaga." Pinaghawak ko ang kamay ko sa likuran ko.
"Huwag mong hintayin na alisin kita sa rank list dahil sa tatlong outputs na kulang Yamato." May pagbabanta 'yon kaya nanlumo ako.
"A-Ayos lang naman sir kung mawawala ako sa rank list—"
"Hindi ayos 'yon sa akin Lapiz, tapusin mo na." Pagod na pagod akong sumangayon at lumabas ng office niya.
Wala akong lakas na umalis doon, hanggang sa maisipan ko nang pumunta ng Palawan matapos ipasa ang ilan sa outputs ko.
Narinig ko kasi sa ate ko na sobrang unstable na ni Jami, baka kailangan niya na ako sa tabi niya.
Pagkarating doon ay umasa ako na makikita ko siya kaagad sa araw na 'yon ngunit hindi, tinawagan at sinabi ko rin na nasa Palawan na ako sa kaniya.
Hinintay ko ang tawag niya, hinintay ko siya sa lobby, sa mismong room niya ngunit hindi kami nagkaka-abot.
Antok na antok na ako, kinaumagahan ay bumili ako ng sunflower bouquet, maybe this could calm her and relaxed her.
Ngunit sa dalampasigan ay natigilan ako nang matanaw sila ni Kuya Yuno, nanlulumo ako at nasaktan.
They were hugging each other in front of the sun setting down.
Parang dinamba ako sa dibdib, ang sakit pala makitang may kayakap na iba yung babaeng mahal mo na gustong gusto mo ng mayakap.
Lumapit ako, nanginginig ang kamay sa takot at kaba na baka maulit ang nangyari sa akin noon. "Sana all. Maganda ba yung sunset?" Parinig ko sa likuran nila habang tinatanaw ang araw.
Labis akong nanghina nang magulat pa siya na makita ako, bumuntong hininga ako sa pagkadismaya.
Natignan ko si Kuya Yuno, bago siya umalis ay pinigil ko siya sa sama ng loob ko. "Are you having fun, kuya?" With my girlfriend.
Tangina.
Pinigilan ko maluha.
"I just stayed by her side, because the one who's supposed to be beside her is not around." Pinigilan ko matawa sa sagot ni Kuya Yuno sa akin.
Tangina alam ko naman eh.
I sarcastically laughed to hide the pain on what Kuya Yuno said, ako nga naman dapat talaga ang nasa tabi ng girlfriend ko.
Hindi ko ba gusto? Hindi ko ba ipinilit?
"Talaga ba?" Sumbat ko.
"I'm very sorry for not being able to stay by your side, Jami. Sorry kung iba yung inuna ko," makahulugan kong sabi, "Pasensya na kung wala akong kwenta." I added.
Nang umalis ako ay humabol si Jami, isang sorry niya lang, isang paliwanag lang please, titigil ako kakaisip Jami.
Isang pakiusap lang para malinaw ang nakita ko, tangina pakilinaw yung naguguluhan kong utak.
Nang marinig ko na nadapa siya ay nag-aalala kaagad akong binalikan siya.
"Hindi ko alam na pupunta ka," mahinang sabi niya sa akin.
"Paano mo malalaman, 'ni hindi mo nga ma-check yung cellphone mo." Nahihimigan ko ang sama ng loob sa tinig sarili.
"Galit ka?" Tanong niya.
"Kanina hindi," bulong ko, "Tinatawagan kita, kasama mo lang naman pala si Kuya Yuno. Hindi mo man lang matignan yung cellphone mo na nasa bulsa mo lang." Napalunok siya at kinapa ang nasa bulsa niya.
Nang makumpirma ay halata na nakokonsensya siya.
"Sorry, I was too busy to check." Napatitig ako sa kaniya hindi makapaniwala, busy hugging? Tangina.
"Busy with Yuno, I guess." Sa sarkastiko kong sinabi ay napalunok siya, umiwas tingin na ako sa kaniya nadidismaya ako eh.
"Tinawagan kita, hindi mo sinagot." Sambit niya.
"Hindi ko alam, Jami ha. Hindi ko alam kung bakit bigla mo 'kong tinatawagan, I was tired of checking my phone kasi wala kang reply, panay ka seen, hindi ko naman alam na bigla kang tatawag." Sarkastiko ang tinig ko at nasasaktan ako nang maisip ko lahat 'yon.
"Hindi ko nga alam kung naisip mo man lang ba ako," mahinang sabi ko kaya napatitig siya sa akin.
"Kaya nga kita tinawagan, kasi naisip kita." Mahinang sabi niya ngunit dismayado ako lalo.
"Wala ka nga nang kailangan kita no'n," sa idinagdag niya ay parang sinaksak ang puso ko, tila uminit 'yon at pati tyan ko ay sumakit sa masakit niyang sinabi.
"Baka naisip kasi wala ka ng kasama." Nasasaktan na sabi ko.
"Yamato." Napipikon na sambit niya sa pangalan ko.
"Jami, paano mo natitiis 'yon?" Sa biglang tanong ko ay seryoso niya akong tinignan, ngunit salubong rin ang kilay ko.
Nakaupo ako sa sofa, ngunit hindi ako relaxed. "Paano mo natitiis na hindi man lang ako kumustahin?" Naitikom ko ang bibig dahil nasaktan ako sa sariling sinabi.
"Iniisip ko kung kailan mo tatanungin kung kumusta ako, kung maayos pa ba ako, kung kumakain o natutulog pa ba ako ng maayos—" Naputol ang sasabihin ko upang pigilan maluha.
"Okay lang naman yung mga 'yon, kung wala, pero yung kahapon pa ako nag-aabang sa'yo dito sa Palawan, pero kasama mo si Yuno, Yuno." Sambit ko, nakagat niya pa ang ibabang labi.
"Yuno na naman, Yuno ulit kanina." Gitil ko, napayuko siya sa harapan ko. Mukha siyang naiirita sa akin.
Pagod na pagod ako, ngayon ko ito lubusang naramdaman. "Nakakarindi ka." Mahinang sabi niya, nasapo siya sa mukha at napahilamos sa pagkairita.
Natuod ako sa kinauupuan sa sinabi niya, nasaktan ako ng sobra. Nang mamasa ang mata ko ay napaiwas tingin ako.
Pipigilan ko sana ang luha ngunit mabilis na kumawala 'yon sa mata ko dahilan para pahirin ko agad.
Parang may kung ano na nakaharang sa lalamunan ko. Nahihirapan ako huminga at sumisikip ang dibdib ko matapos marinig ang sinabi niya.
Nakakarindi ako.
"I'll go ahead." Mabilis na paalam ko at nasasaktan na lumabas ng hotel room niya, pagkalabas ay nasapo ko ang mukha at napahilamos.
After that akala ko hindi na kami maayos dahil hindi niya ako kinakausap, hanggang isang araw ay pumunta siya sa basketball court habang nagpapawis ako.
Pinigilan ko ngumiti nang iwan niya ang tubigan sa akin, tama galit ako.
Ngunit nag-aalala akong lumapit agad walang ano-ano ay nakalimutan ko ang galit nang makita ko siyang umiiyak habang inaalo siya ng mga kaibigan.
After that confrontation nawalan siya mg malay and I don't have a choice but to take her to our home.
Dahil doon ay naayos kaming dalawa, she apologized and I accepted it.
"Nandito lang naman ako, hihintayin ko na lang na siguro maging okay ka. Baka mahalin mo 'ko—"
"M-Mahal naman kita," napaiwas tingin siya at nagulat ako sa pagputol niya ngunit lumunok ako ay pilit dinedeadma 'yon.
"Ang pagmamahal, nakakakilig pag sinasabi. Pero nakaka-overwhelmed pag mas pinaparamdam, kaya focus on yourself. Kasi nakakahintay naman ako," wika ko.
"Ito lang yung bahay ko, alam mo yung classroom ko, alam mo yung phone number ko, alam mo yung instagram ko, madali i-reach out." I added pa.
"Kung naririndi ka sa akin, patahimikin mo na lang ako sa hindi masakit na paraan." I suggested smirking.
"Ano sasabihin ko? Shh? Ganoon?" She even placed her finger in between her lips. Cute.
"Gan'to, hina mo naman." Sambit ko at kinabig siya upang halikan sa labi, tangina ako yung mabibitin sa ginagawa ko eh.
Nalaman niya rin yung ginawa ko sa handouts niya, nabanggit siguro ng kaibigan niya.
Nagpaalam ako na kukunin ko muna pagkain niya sa baba ngunit halos kagatin ko ng husto ang labi sa mahinang bulong niya. "I love you."
"Kingina naman, Hon. Lugi naman ako pag ganiyan," napaiwas tingin ako sa kaniya.
Tangina nawawala angas ko rito ah?
Makalipas ang ilang linggo ay nilalagnat ako, sobrang sama ng pakiramdam ko at nahihilo ako sa tuwing nagmumulat ako.
Nagising ako dahil sa tawag sa akin, pinilit kong abutin 'yon at tignan.
Nang malaman at mabasa ang sinabi ni Jami ay pinilit ko tumayo, ngunit nasapo ko ang ulo sa sobrang sumakit 'yon.
Tangina, huwag ngayon. Kumuha lang ako ng hoodie at pinilit tumayo, nang makababa ay nagulat si mama.
"Anak, nilalagnat ka ano ka ba—"
"Ma, mabilis lang." Pakiusap ko.
"Anak, saan ka ba pupunta? Hindi pwede—"
"Ma, please. Kailangan ako ni Jami, kailangan niya ako ngayon. Wala na si Kuya Laze." Naiiyak na sabi ko dahilan para magulat sila.
"Oh my god." Natakpan ni mama ang bibig niya kaya nakaalis ako kaagad.
Pagkasakay ko ng sasakyan ay sobrang sumama ang pakiramdam ko, pinilit ko pa rin mag-drive kahit sobrang bagal ko.
Nang makarating ay hinanap ko kaagad siya sa loob ng club kahit sobrang giniginaw ako at nanghihina.
Ngunit natigilan ako nang makita siya at si Kuya Yuno na hinalikan siya sa labi.
Nanghina ako lalo.
"Tangina naman." Nasasaktan ko na sabi, sa sobrang panghihina ay napamura pa ako at napaupo sa bakanteng upuan.
Tumayo na ako at nagmamadali na umalis doon, humabol siya sa akin ngunit nasasaktan talaga ako.
"Yamato."
"Sakit mo naman, Jami." Nanlulumong sabi ko, ganito ba magmahal? May sumpa ba ako?
"Yamato, it's my fault." Nang matanaw ko si Kuya Yuno ay masama ko siyang tinignan.
"Gumilid ka." Mahinahon na sabi ko kay Jami na humahawak sa akin.
Hindi ko pinakinggan ang sasabihin ni Kuya Yuno at sinapak ko siya sa mukha agad.
"Gago ka rin 'no?" Galit na sabi ko.
Tangina, ang sakit sakit niyo!
Ngunit sa huli ay pinaniwalaan ko si Jami at inalis ang pangamba ko sa sariling puso at isip. Jami will never hurt me intentionally.
Mahal niya ako.
Naiiyak siyang yumakap kaya pinaupo ko siya sa kandungan ko, pinahid ko ang kabi niyang nadampian ni Kuya Yuno.
Nakakaselos.
Akin lang dapat 'to.
Pagkatapos niyan akala ko ay ayos na kami ngunit may kasunod pa, hindi na natapos ang alitan namin.
Hindi ko na maunawaan, ngunit tila pinarusahan ako dahil araw araw ay namimiss ko siya.
Walang araw na hindi ako tumulala dahil nasa isip ko siya.
But after weeks of that her parents sent bodyguards and dito rin siya para bantayan kami.
Dinner time, I found out that Kuya Laze was alive and that time I made her follow me to my room.
Usap. Wala siyang balak eh.
Nang hindi ko siya makausap ng maayos ay sinabi kong lumabas na lang siya ng kwarto ko.
Nakakapagod.
"Umalis ka na Jami." Seryosong sabi ko at tinalikuran siya ngunit maya-maya ay nagulat ako nang biglaan na lang niya akong niyakap habang nakatalikod ako.
Kumabog ang dibdib ko, at tuluyang nanlambot.
Nang marinig ko ang hikbi niya ay bumuntong hininga ako. Pinahid ko ang luha sa mata at hinarap siya.
"Mahal nga kita," ilang beses niyang ipinilit 'yon hanggang sa sabihin niyang pagod na siya magpaliwanag at halos magulat ako nang sunggaban niya ang labi ko.
Dampi lang 'yon, ngunit sa sobrang pagkamiss ko sa kaniya ay hindi ko na pinalampas, hinapit ko siya at mas hinalikan.
Hinalikan ko siya ng sobra na para bang ang tagal ko na hindi ginawa 'yon sa kaniya.
Tumagal ang halikan na 'yon at ako na mismo ang lumayo bago pa man ako masobrahan.
Grabeng pagmamahal ng isang Liezel Jami, literal na pinatunayan sa akin parang naging under ako bigla dahil sa pagkukusa na ginawa niya.
Rupok rupok mo Yamato. Ano bang pangalan mo? Yamato (Marupok) Lapiz? Kingina.
///
@/n: Continuation will be on Epilogue! Sorry for a very late update, love lots! Keep safe I hope you enjoyed.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top