Chapter 64: Petty Fights

Chapter 64: Petty Fights



Liezel Jami's Point Of View.


"Doon ka na sa kwarto mo," mariing sabi niya.

"I mean, anong abogado ko?" Tanong ko.

"Naiintindihan ko na yung dahilan kaya gusto mo na tumigil noon, kung anong desisyon mo go ahead." Napatitig ako sa mukha niya at pinigilan ngumiti.

Salubong ang makapal at itim na itim niyang kilay habang masama ang tingin niya sa kung saan habang sinasabi 'yon. "Nagseselos ka ba?" Natatawang tanong ko.

"Hindi." Sagot niya.

"Ba't ako magseselos? Asa ka," masungit niyang sabi at umiwas tingin.

"Bakit sabi mo abogado ko?" Kwestyon ko.

"Sinabi ko bang doon ka ha sa engineer mo?" Singhal ko.

"Ano?"

"Nang halikan ka ni Engr. Cariño," bulong ko.

"Tsk. Doon ka na sa kwarto mo."

"Yamato, c'mon. Don't be like this," wika ko nagpipigil tawa.

"Gusto mo na ako ulit?" Kwestyon ko.

"Hindi." Masungit niyang sagot.

"Matutulog na ako, bye." Humiga siya at nagtakip ng kumot hanggang ulo niya kaya napangiti ako.

Umusad ako sa tabi niya, "Amoy selos oh." Asar ko.

"Nagseselos ka sa abogado KO?" Natigilan siya at nahawi ang kumot niya.

"Edi doon ka." He sulked.

"Doon ka na nga, alis." Mahinang tulak niya pa sa akin.

Nakangisi tuloy akong umalis sa kama niya, "Samahan kita matulog gusto mo?" Asar ko.

Naningkit ang singkit niyang mata, "Ayaw ko. Alis." Bugaw niya pa na para bang isa akong lamok o langaw sa ere.

Ngumisi ako lalo, "Sabihin mo lang, hon." Asar ko.

Pinanlakihan niya ako ng mata, "Matulog ka na, pagod ka 'di ba?" Huminga ako ng malalim.

"I'm willing to stay up late with you," I smirked and tried to come near him but then he glared at me. That's why I stopped and backed off.

"Fine. Goodnight." Malambing na sabi ko.

"Night." Matipid niyang sabi, seryoso ang tingin at parang gusto akong lockan ng pinto sa sobrang kulit ko.

Pumasok na ako sa kwarto ng nakangiti habang yumakap kay Amato, hindi naman naging mabagal ang oras dahil tulog kaagad ako.



"Look, maayos akong nagt-trabaho para maging maayos ang itinatayo natin na building at ano? Bibigyan niyo ako ng kanang kamay?" Galit na sabi ko sa telepono, kausap ang kumpanya namin.

"At sino? Si Engr. Cariño pa? Manhid ba kayo at hindi niyo alam na may alitan kami sa isa't isa?" I added, glaring at the blue skies.

"Ma'am, naka-pirma na po kasi si Engr. Cariño, wala na rin po kaming magagawa pa." Nakagat ko ang ibabang labi ko.

"No, I want to talk to Mr. Teloso."

"Ma'am, b-baka po matanggalan ako ng trabaho niyan pag ipinilit ko ma'am." Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.

"Nakakainis naman kasi, okay. Fine. Ako na bahala, stay out of this and protect your work. Bye." Pinatay ko ang tawag sa inis.

Nasapo ko ang noo, lintek na Engr. Cariño 'yan. Nakakainit ng dugo, stove ba siya?

Pumasok ako sa office ni Yamato ng padabog tsaka ako pumunta sa harapan ng desk niya hindi inisip si Senti na nagpapahinga sa sofa, "Alam mo." Natigilan siya at nagulat.

"'Yang engineer mo talaga trip niyang sirain ang buhay ko 'no?" Napakurap si Yamato at napatigil sa pagtipa sa laptop niya.

"Sa dami ng position, kanang kamay ko pa? Hindi ko kailangan ng kanang kamay. Pakisabi sa Engineer Cariño mo, mag-back out siya!" Gigil na sabi ko at inis na naupo sa harapan ni Yamato sa dalawang seat sa harap ng desk niya.

"K-Kalma." Tumayo si Yamato.

"Nakakainis eh." Singhal ko.

"Kung magkakaroon ako ng kanang kamay si Serina lang ang tatanggapin ko o si Mandy, hindi siya." Singhal ko pa.

"Miss madam, ikalma mo." Nalingon ko si Senti tsaka ko pinagkrus ang braso.

"Sinusubukan talaga ako ng babaeng 'yon eh, 'no? Humanda siya sa akin." Gigil kong sabi.

"A-Anong plano mo?" Tanong ni Yamato.

"Aba, harap harapan kitang likingkisan sa harap niya." Singhal ko.

"Ayon lang, damay ako." Pinagkrus ni Yamato ang braso sa harapan ko.

"Ayaw mo?" Galit na tanong ko.

"Ayaw ko." Sa sagot niya ay ngumuso ako.

"Fine, ganiyan ka naman. Ayaw mo sa akin, magsama nga kayo ng engineer mong mukhang isda." Galit na sabi ko tsaka ako tumayo at padabog na lumabas ng opisina niya.


Hindi ako bumalik kaagad, tiniis ko ang init ng site huwag lang bumalik kaagad sa opisina ni Yamato, he should console me at least unless he want that woman here.

Uwian came and I didn't dare to enter his office, naiinis ako eh. Mabuti na lang nandito si Senti, "Sents, pakuha naman ng bag ko sa office niya." Nakikisuyo na sabi ko.

"Miss madam nakiki-wards pa oh," asar niya kaya ngumuso na lang ako.

"Huwag na, oh." Nang i-abot ni Yamato 'yon ay padabog ko 'yon na kinuha tsaka ako umirap at naglakad na pauna para makapunta sa van.

Sumakay na rin sila at pagkauwi ay wala si Amato, sumama sa date ni Kenny at Athena. Humiga ako sa kama ko at pumikit.

Pagod ako araw-araw, tas dadating pa si fish? What a headache. "Hoy gaga!" Nalingon ko si Serina na pumasok sa kwarto ko.

"Hmm?"

"Inaantok rin ako, patabi." Ngumuso ako at umusad para makahiga rin siya.

"Sabihin mo kay Yamato pahiram kami ng room niya mamaya be, miss ko na si Senti." Natawa ako at umirap.

"As if may magagawa ako—"

"Ayaw mo no'n kasama mo si Yamato sa kwarto?" Napalunok ako.

"Wards kami."

"Ay weh?"

"'Di nga?"

Umirap ako sa sunod-sunod niyang tanong matapos ko sabihin na wards kami, si Senti kasi pauso ng words. Wards are like war with a person.

"Sige na be, favor." Nakangusong sabi ni Serina.

"Ayaw niyo mag-get ng room? My treat." Ngumuso siya at umiling.

"Para mas magkaroon rin kayo ng oras ni Yamato, tange." Ngumuso ako at pumikit na lang.

"Bahala ka diyan," desisyon ko pa.

"Okay, ako bahala."

Dinner came and I woke up with Yamato eating something on my couch, nangunot ang noo ko as I glared at him. "Bakit ka nandito?"

Alam ko naman kung bakit, "May naglalampungan sa kwarto ko, I can't watch it anymore." Seryosong sagot niya habang kumakain.

"What's that?" I asked and stood up to walk near him, sinilip ko 'yon at ng alukin niya ako ay naupo ako sa single sofa at naki-kain rin ng street foods na meron siya.

"Wala pa si Amato?" I asked.

"Nakikita mo na ba?" Ngumiwi ako sa pilosopo niyang sagot.

"Mabulunan ka sana 'no?" He chuckled at my reply on what he said.

"Sungit." Bulong niya.

Habang nanonood ay inaabot ko pa ang pagkain niya, hanggang sa ibigay niya na lang sa akin 'yon at ako na ang nanood mag-isa habang ngumunguya.

Hanggang sa tumayo siya at nagsimulang mag-vacuum sa kwarto, mabuti naisip niya? Nang tumunog ang cellphone ko dahil sa call ay nalingon ko 'yon. "Tumatawag," kinuha niya 'yon at inabot sa akin.

And it was Jiyon who's calling me, seryoso ang mukha niya kaya tinanggap ko 'yon at sinagot. "Oh?" Tugon ko.

"Dito ako Cebu, same hotel, samahan mo naman ako kumain." Lumunok ako at sumulyap kay Yamato na seryosong naglilinis.

"Kumain? Sakto hindi pa kami kumakain kasi wala pa si Amato, wait muna natin si Amato tapos sabay-sabay na lang?" I suggested.

He humm on the other line and then sighed, "Okay sure. Call me or just DM me."

"Alright, bye-bye." Paalam ko.

"Bye Unifier." Umirap ako sa sinabi niya.

"Bye, defender." Natawa siya kaya ngumisi ang labi ko at pinatay na ang tawag, tumikhim ako at kumain na.


After 30 minutes, Amato got home and he's hungry na raw because they played. "C'mon, we'll shower and then eat na." Dinala ko siya sa bathroom.

Matapos ko siyang banyosan ay binihisan ko na rin siya, "Go to daddy and make him get you a jacket baby." Utos ko.

Sumunod si Amato, "Daddy, jacket raw po." Kinuha ni Yamato ang jacket sa dresser tsaka niya isinuot 'yon kay Amato.
Cute.

"Tara na," aya ko matapos i-chat si Jiyon.

Pumunta na kami sa restaurant kung saan kami kakain, nang makita ako ni Jiyon ay ngumiti siya kaagad.

"Hi," lumapit siya at bumeso.

Nang makita niya si Amato ay nagulat si Amato, "Tito Pogi!" Napangiti ako ng yumakap si Amato kay Jiyon.

"I miss you tito!"

"I miss you too Amato." Tugon ni Jiyon.

Nang kay Yamato na ay ngumiti si Jiyon at inilahad ang kamay niya sa harapan ni Yamato. "Jiyon." Kinuha 'yon ni Yamato at matipid na ngumiti.

"Yamato."

Naupo na kami dahil tapos na sila magpakilala, "It's on me." Nakangiting sabi ni Jiyon.

"Wala sila Serina?" Jiyon asked.

"Wala, nasa taas kasama yung fiancé niya." Nakangiting sagot ko dahilan para mahinang matawa si Jiyon.

"They surely missed each other," he mentioned.

"That's for sure."

"Bakit ka pala nandito sa Cebu?" Taas kilay na tanong ko.

"Namiss kita kaagad," pinanlakihan ko siya ng mata pero binigyan niya ako ng 'pagselosin-natin-look'.

"For that? Bumyahe ka? Ang mahal ng plane ticket these days." Kalmadong sabi ko.

"Hmm, it's not always the price. I want to see you." He sweetly said dahilan para pigilan ko matawa.

"Hmm, okay." Tugon ko.

"Hindi tayo mabubusog sa usap, order na." Parinig ni Yamato kaya nakagat ko ang ibabang labi tsaka ako sumangayon.

"Is your heart completely healed?" Tanong ni Jiyon matapos naming maka-order.

"I guess so, I'll find out on my next check up." Nakangiting tugon ko.

"I hope it's healed already, nangayayat ka rin noon dahil sa sakit mo 'di ba? Naalala mo ba ng binisita kita after your operation?" Matipid akong tumango.

"Hmm, I remember."

"Hindi mo naman ako kinausap," tila nagtatampo niya pang sabi.

"Naka-tubo yata ako no'n," mahinang sabi ko.

"Oo nga pala." Matapos ng usapan na 'yon ay kumain na kami, pagkatapos kumain ay sumabay si Jiyon sa amin maglakad.

"Wala ka bang kaso na hawak?" Tanong ko bigla.

"I have but I don't have a case that needs to be taken inside court," he calmly answered.

"I have power on my own time," ngising sabi niya pa.

"Maganda ba maging abogado?" Kwestyon ko.

"Yup, they think highly of you. Yet sometimes they think I play dirty, well, we all know I can play dirty but I can win without doing so.." Nabilib ako sa sinabi niya.

"That's why I like my mom's brother, ang galing niya. Yet the most epic thing he did is the criminal trusted him but he ended up losing the case because he can't protect a criminal." Kwento ko pa.

"So you like me too, because I'm a lawyer?" Naitikom ko ang bibig.

"Medyo? Nabibilib lang ako sa mga abogado." Sagot ko.

"Goodnight," paalam niya ng nasa elevator na.

"Goodnight." Paalam ko rin.

"Goodnight Engr. lapiz." Paalam rin ni Jiyon kay Yamato.

"Goodnight, attorney." Matipid na paalam ni Yamato.

Nang makabalik sa kwarto ay tahimik lang si Yamato, "Nood tayo?" Aya ko sa kaniya.

"Wala akong gana," matipid niyang sabi.

"Huh? Bakit? Favorite series mo 'to," tukoy ko.

"Ayoko nga." Nang maupo siya sa carpet at nagsimulang magtipa sa cellphone niya ay wala na akong nagawa.

"Dito ka na matulog, sa kabilang dulo. Malaki naman yung bed ko." Mahinang sabi ko.

"Okay." Matipid niyang tugon.


Dahil doon ay hindi na kami nag-usap pa ulit, kinabukasan ay natapos ang trabaho ko at tumatawag si Athena dahil kay Amato.

Nagpapasaway ang bata sa kaniya.

Kasabay ko na umuwi si Yamato, nang makapasok sa suite ko ay nakapamewang akong tumingin kay Amato na hindi napansin ang pagdating namin.

"Ayaw ko po." Tanggi niya.

"Amato, kailangan mo na maligo—"

"I said I don't want it!" He crossed his arms after raising his voice to Athena.

"Amato. Please, pawis na pawis ang suot mo." Maayos na sabi ni Athena.

"No, I don't want to!" Huminga ako ng malalim.

"Amato." Pagtawag ko pa lang sa pangalan niya ay napalingon na siya, tila kinabahan ng makita ako.

"M-Mommy." Nakangusong tawag niya.

"Is it right to raise your voice to olders?" Umayos siya kaagad ng tayo sa tanong ko at pinaghawak sa harapan niya ang dalawa niyang palad.

Yumuko siya, "Is it right not to obey your tita-mommy? And yell at her?" Humaba ang nguso niya sa tanong ko.

"N-No mommy."

"Then why did you do it?" Napayuko siya lalo.

Para na siyang maiiyak, nagtatanong pa lamang ako. "Alam mong ayaw kong natutuyuan ka ng pawis sa likod, anong kakulitan 'to?" Nang tumulo ang luha niya ay nakonsensya ako.

But we should never tolerate that, "Daddy!" Nang umiyak siya at tumakbo sa daddy niya ay nilingon ko si Yamato na hindi alam ang gagawin.

"Stop, huwag kang magpabuhat sa daddy mo at sundin mo si tita-mommy." Humikbi na siya habang nakatingin sa akin.

"Are you disobeying mommy na?" Mahinahon na tanong ko.

I want everything to be calm when I talk to him, para alam niyang usap lang dapat ay susunod na siya. "N-No mommy." Magalang niyang sagot.

"Then what should you do by now?"

"L-Ligo mommy." Nakapalabi niyang sagot.

"Don't run to dad when I'm asking you what to do because he'll not tolerate your topak." Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at ng makalapit ay yumakap siya kaya bumuntong hininga ako.

"Be a good boy." Bulong ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Do ligo na, pag good boy may new toys." Lumiwanag ang mukha niya at ngumiti.

"Sorry mommy, I'll ligo na mommy." He sweetly replied and ran to Athena and tooj of his clothes.

Napangiti ako, napaupo ako sa sofa ng nasa banyo na sila. "Pag ganoon huwag mong aluin, kasi naghahanap ng kakampi kahit na mali siya."

"Yeah," wika ni Yamato.

"Hmm."

"Galit ka ba sa akin?" Tanong ko.

"Hindi." Mahinang sagot niya.

"Bakit hindi mo ako pinansin buong araw?" Natigilan siya at sinulyapan ako.

"Wala naman akong sasabihin," bulong niya.

"Hindi ko tuloy naalala uminom ng gamot," pagsasabi ko ng totoo. Nalingon niya ako kaagad, salubong ang kilay.

"Hindi ka uminom?"

"Nakaligtaan ko lang, iinom na lang ako." Nang mabahiran ng pag-aalala ang tono niya ay tumayo na aki at inabot ang bag ko.

"Sa dami ng kakalimutan mo gamot pa pa talaga? Pero hindi mo nakakalimutan maki-chat diyan sa abogado mo." Singhal niya at kumuha ng tubig kaya pinigilan ko ngumiti.

"Nawala lang sa isip ko, hindi naman ako nakikipag-usap kay Jiyon ah?" Kwestyon ko.

"Inom na." Singhal niya.

"Tigas ng ulo, pag may naramdaman ka na naman diyan ikaw rin mahihirapan Liezel Jami." Sermon niya pa.

"Ba't ka galit?"

"Tigas ng ulo mo eh." Ngumuso ako at minasdan siya na salubong ang kilay.

Uminom na ako ng gamot ko, tumikhim ako ng malunok 'yon. Ramdam ko ang antok sa tuwing umiinom ako ng gamot, maybe side effect na 'yon ng gamot sa akin.

"Yung abogado mo naman gusto ka nga 'di ka naman mapaalalahanan uminom ng gamot." Nang muli siyang magsalita ay napamulat ako at tinitigan siya.

"Dapat alam niya yung mga oras ng pag-inom mo ng gamot, hindi yung panay lang magaling ka na? Magaling ka na?" Suminghal siya at naayos ang buhok.

"Mukha bang gagaling ka sa kaka-gan'on niya?" Ngumiti ako ng nagtama ang mata namin.

"Hindi niya naman responsibilidad ipaalala 'yon sa akin," I reasoned out, "Isa pa, malaki na ako—"

"Pero kinalimutan mo," ngumuso ako ng basagin niya ako hindi pa man ako tapos magsalita.

"Oo na, ikaw na tama."

"Talaga." Singhal niya kaya napangiti ako.

Cute naman magalit nito, sarap i-kiss.

"Yamato," nang humawak ako sa braso niya ay namutla ang kaniyang mukha sa pagkabigla, "I miss you."

"L-Loko," nang alisin niya ang kamay ko sa braso niya at mabilis na lumayo ay natawa ako.

Nababalisa siya.

He frowned, "Gusto kitang gawing bola, nang ma-dribble kita. N-Nakakainis ka," he looked away and sighed.

"Wow, damang dama ko yung inis mo sa akin para gawin akong bola ha." I joked.

"Yeah, bola. Bilis mo rin magpa-bola sa iba." He manly rolled his eyes at me and ran his fingers through his hair.

"Bagay kayo," he paused as he glare, "Doon ka na sa abogado mo."

Sobra akong natawa sa hirit niya, "Nagseselos ka na niyan?"

"Lol? Ba't ako magseselos, hindi siya ka-selos selos." He denied and crossed his arms, on his body language hindi halatang defensive siya 'no?

"Hindi pa nga niya abot ang height ko." Parinig niya.

"Wala pa siya sa kalingkingan ng sais," tumaas ang kilay ko sa pang-iinsulto niya sa height ni Jiyon.

Jiyon is tall, Yamato is just taller. "Maipagtatanggol ka ba ng payat? Tsk, I doubt." Hindi ko na mapigilan ang ngiti sa labi.

"Sabi ko nga eh hindi ka nagseselos," Sumulyap siya sa akin.

"Talaga." He confirmed.

Mahina akong tumawa, "Kain ka pa bigas," bulong ko.

"Ano? Hoy huwag mo 'kong mapa-kain ng bigas. Diet ako." Natawa ako ng husto sa parang bata niyang sabi.

"You know what, Yamato?" I stated, I watched him turn his face at me. "Just admit it already, crush mo 'ko."

Nanlaki ang mata niya, "Hindi, asa ka."

"Talaga? Asa ako?"

"Sige, umaasa naman talaga ako. Tagal mo nga ako balikan," reklamo ko.

"Asa ka." Masungit niyang sabi at inabot ang kung ano sa lagayan ng mga kape at binasa ang mga nasa likod no'n.

How cute.

Dinner came and pumunta ako sa place ni Athena, pagkapasok ko ay bumuntong hininga ako ng tinataboy niya si Kenny.

"Let me help you, I-I'm fine." Hinawakan ko sa braso ni Kenny.

"Ako na muna bahala," matipid ko siyang binigyan ng ngiti.

Nanlulumo niyang tinignan si Athena, "Kenny, ayaw niyang makita mo siyang nasasaktan. C'mon, tell Yamato to eat dinner na rin." Pakiusap ko.

Sumunod rin siya kaya naman ng makalapit ako kay Athena ay bumuntong hininga ako. "You'll be fine," nahihirapah na sabi ko.

"It's getting w-worst." Naiiyak niyang sabi.

"It's getting worse and worst Jami, h-hindi ko na yata kakayanin ang susunod na s-sakit." Nasapo niya ang sariling ulo kaya wala akong nagawa kundi yakapin siya.

Sa kaniyang daing ay wala akong nagawa kundi damayan siya, aluin, baka sakali na magawasan ang hirap at sakit na napagdadaanan niya.

I sighed, tumahimik ako at ang naririnig ko lang ay ang daing at iyak niya. Inabot kami ng dalawang oras ng ganoon lang.

Nasasaktan rin ako para sa kaniya, dapat at matuwa ako dahil malapit na ang kaarawan ni Amato ngunit sakit ang nararamdaman ko.

Dahil ibig sabihin no'n, by any of that time she'll rest permanently.

As she fell asleep, inayos ko ang higa niya sa kama. Pinanonood ko ang pagod niyang mukha, napatingala ako ng maluha.

Napahid ko ang luha dahil ramdam ko ang sakit at kirot sa dibdib, ako ang nasasaktan dahil hindi niya man lang magawang makasama ng mas matagal pa si Amato.

Alas diyes na ng gabi ng lumabas ako ng kwarto to find out that Kenny waited outside Athena's room.

I sighed, "You can come in now, tulog na siya."

"Y-Yes." Wala sa sarili si Kenny kaya naman napahid ko ang luha ng wala ng tao.

May sariling kwarto na si Senti at Serina, while Amato stayed with his father's room. Pumasok ako sa kwarto ko tsaka ako napaupo sa likuran ng pinto at nasapo ang mukha ko.

Never pa ako namatayan ng matalik na kaibigan, at hindi ko alam kung kakayanin ko.

G-Ganito rin ba mararamdaman nila noon pag nalaman nilang hindi ako naka-survive sa operation ko noon?

Alam ko yung takot at pangamba ni Athena dahil sa taon niya ay alam kong hindi pa siya handang umalis. Alam na alam ko na gusto niya pang mabuhay.

Yumuko ako sa mga tuhod ko dahil sa hindi ko mapigil ang luha, ngunit napahid ko kaagad ang mga 'yon ng bumukas ang extension door.

"Jami." Nang lumapit si Yamato ay napatikhim ako at tumayo.

"May masakit ba sa'yo?" Nag-aalala niyang tanong.

"W-Wala."

"Jami, yung totoo." Sinuri niya ng mabuti ang mukha ko.

Umiling ako, "Okay lang ako, maayos yung puso ko. W-Wala kang dapat ipag-alala."

"Sigurado ka? Bakit ka umiiyak?" Nakagat ko ang ibabang labi.

Inaantok man ang mata niya ay nakikita ko ang pag-aalala ng mga 'yon habang nakatitig sa akin.

"Yamato," napatitig siya lalo sa akin.

"What would you feel if I only got months to live?" Naestatwa siya nang marinig ang tanong ko.

"May taning ka na ba?" Suddenly his facial expressions became dull.

"H-Hindi ka pa ba magaling?" Napakurap ako ng maraming beses.

"G-Gusto mo dalhin kita sa ospital? Masakit ba yung puso mo ulit?" Ngumiti ako matapos marinig ang maraming tanong niya.

"Hindi mo naman sinagot ang katanungan ko," bulong ko.

"I-I'll be sad." His eyes pierced through my soul, "Maybe for the rest of my life?"

Lumamlam ang mga mata ko, napatango ako at napayuko. "Y-You're not dying right?"

"I am not." Mahinang sagot ko.

He sighed, "May problema ka ba?"

Nang maramdaman ko ang ngalay dahil kanina pa kami nakatayo ay naupo ako sa sofa, sumunod siya kaagad.

"Tell me, kung may masakit sa'yo. I'm not a doctor pero ang mama at ate ko ay may sakit sa puso kaya alam ko ang gagawin." Ngumiti ako sa kaniya, napahid ang luha sa mata ko.

"There are just things that I can't tell you even if I wanted to, Yamato." Mahinang banggit ko.

"Huh? Tell me if your heart gets worse."

"Of course, I can do that." Ngumiti ako.

"Don't lie to me ever again, don't hide or keep things from me specially if it includes health." Huminga ako ng malalim at tumango.

"Yes."

"What do you want to do?" Kalmado at mahinahon niyang tanong sa akin.

"Kumain ka na ba?" Umiling ako bilang sagot.

"Tara," aya niya.

"Si Amato." Turo ko sa kwarto niya.

"I'll text Senti to check him." Tumango ako, maya-maya ay nakapamulsa si Senti sa pajamas niya na pumasok.

"Saan boss master?"

"Nandoon," turo ni Yamato kaya naman ng makalabas kami ay sa elevator pa lang tahimik na ako.

"Baka ang pangit ko?" Turo ko sa mukha ko.

Mahina siyang natawa, "I told you not to worry about your face, maganda ka kahit umiiyak."

Nang maalala ko na sinabi niya 'yan noon ay napangiti ako, kinikilig na naman ako.

"What do you want to eat? It's on me." Nakagat ko ang ibabang labi.

"Pwede street foods?" I suggested, napakurap siya bago siya tumango.

Naglakad kami sa gilid upang makapunta sa gusto kong kainan, nang makarating ay namangha ako dahil ang ganda ng city lights rito. Kulay orange sila at sobrang ganda pa ng kalangitan.

Higit pa doon ay may mga plastic tables and monoblocks na pwede mong kainan, mahangin at natural na malamig pag ganitong oras.

"Pili ka." Sinunod ko naman siya, pumili ako ng inihaw na chicken intestines and some kwek-kwek.

"Gusto mo balut na kwek-kwek?" Nalingon ko si Yamato na kumukuha rin ng kaniya.

"May sisiw?" Bulong ko.

"Oo, maliit lang." Nakangiti ako na tumango.

"Can we also get the putobongbong? Or bibingka?" I pointed to the other stall.

"Sure." Natuwa ang puso ko tapos ay nagpa-ihaw na rin ako ng pig skins.

"May iba pang fried sa kabila," turo ni Yamato.

"Kukuha rin tayo doon?"

"Sure, if you want." Ngumiti ako at dahil pinaihaw 'yon ay si Yamato humawak ng number lumipat kami sa kabilang stalls.

"How much po here?" Turo ko sa may parang crumbs.

"These are chicken proventriculus right?" Natigilan si Yamato at natawa.

"Yeah, proben in short." Lumunok ako sa sinabi niya.

"Yeah."

"Calamares gusto mo? Or mami? May goto rin dito." Turo ni Yamato.

Tila natuwa tuloy ang buong pagkatao ko, "Can we eat those?" He chuckled and nodded.

Lahat yata ng klase ay binili niya, punong puno ang table namin at tuwang tuwa naman ang puso ko.

Nang makita ang scramble na may mallows, chocolate chips, and chocolate syrup with milk powder ay gusto ko ng unahin 'yon.

Inuna ko ang isaw dahil 'yon ang pinaka-pamilyar sa akin, nalaman ko ang mga ganitong pagkain sa pag-sunod sunod ko kay Yamato noon.

"Buti kumakain ka ng mga ganito?" Kwestyon ni Yamato.

"I mean, I don't know if I asked you this question before pero I'm just wondering right now." He explained, nilunok ko ang nasa bibig tsaka ako natawa.

"Noon kasi crush na crush talaga kita, so if I have the chance to see you outside the school pasimple akong sumusunod. It may sound pathetic but I learned to eat this kind of food kasi parati mo silang kinakain noon." Nakangiting kwento ko pa.

"Imagine, we've been dating for three years noon and I didn't even get to tell you how I watched you from afar." Turo ko pa sa malayo.

"I even watched you kiss Athena, bigla bigla kasi siyang sumusulpot noon." Natatawang sabi ko.

Tapos may mga panahon na hindi ko alam kung nage-exist ba ako sa mundo mo kasi feel ko hindi, kahit nagkakasalubong tayo wala. Itong naging engineer lang talaga ako noon," kwento ko habang kumakain kami.

"I actually didn't expect us to enter a relationship, live in pa, hindi ko nga inaasahan na magkakagusto ka sa akin." Ngiwing sabi ko pa.

"Parang kahit ganito ako, ang hirap mo abutin noon, but maybe I only think of that because I never liked anyone but you— I-I mean—"

"I've heard it already, I am your first love and your greatest love." Natatawang sabi niya.

"First crush, first in everything I guess?" Nanlaki ang mata ko tsaka napasubo ng kwek-kwek.

"Eh ako? Ano naman ako sa'yo? Second girlfriend? Second ex? How cruel." Bulong ko.

"First love, first balibag, first body count?" Nanlaki ang mata ko at nasamid.

Natakpan ko tuloy ang bibig, "G-Gago nito." Bulong ko.

Natawa siya, "First woman who stayed at my lowest? First woman who supported me in my failures? First woman who pursued me to achieve my success bukod kay mama."

Napatitig ako sa kaniya sa sinabi niya, napaiwas tingin ako. "I wish to be last, too." Bulong ko.

"Who knows?" Nalingon ko si Yamato sa kaniyang sinabi.

"Ang paasa mo ha." Bulong ko.

"Medyo lang, kasi baka may pag-asa nga naman." Inirapan ko siya dahil masyado na akong kinikilig at ayoko ipahalata 'yon.


///

@/n: Any thoughts? Keep safe everyone, love lots!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top