Chapter 48: Deep Talks

Chapter 48: Deep Talks





Liezel Jami's Point Of View.





Pumikit na ako habang nakasandal sa sofa, "Ang bilis talaga malasing nito oh," rinig kong sabi ni Mandy.

"Hindi ako lasing, inaantok lang." pagdadahilan ko at nagmulat na.

Aabutin ko pa sana yung baso pero natigilan ako ng pasimpleng ilayo 'yon ni Yamato nang damputin niya ang baso niya.

"A-Ano 'yon?" Kwestyon ko sa kaniya.

Nangunot ang kaniyang noo na tinignan ako, "Wala." Sagot niya kaya mas pinilit ko abutin yung baso pero nilayo niya.

"Engr. Lapiz." Banta ko.

"Lasing ka na raw," wika niya at seryoso akong tinignan habang umiinom sa baso niya.

"Hindi naman ako magd-drive?" Baka sakali ko.

"Oh? 'Di ko tinatanong." Ngumiwi ako at kumuha na lang ng pagkain, napahikab ako at tsaka ako tumitig sa stage.

"Kumanta ka na bro." Suhestyon ni Senti kay Yamato at dahil doon ay nakangiwing tumayo si Yamato at pumunta sa stage.

Napaayos tuloy ako ng upo upang makinig sa kaniya, kinausap niya yung nasa banda at tsaka sila nag-ngitian.

Pinigilan ko ngumiti ng sobra akong ma-gwapuhan sa kaniya, sa ngayon ay tanging longsleeve na lang na half turtle neck ang suot niya.

Bakat tuloy ang maganda niyang dibdib at ang braso niya, kulang na lang pati abs bumakat dahil sa pagkaka-tucked in no'n. Nang bahagya niya pang ilihis ang sleeves niya ay pansin ko na maraming napatingin sa kaniya.

Nang i-abot sa kaniya yung electric guitar ay napalunok ako, "Ano kaya kakantahin niya?" Bulong ni Senti sa sarili.

"Gusto ko sana yung kay David Cook, yung maganda yung may baby baby—"

"Ano 'yon. Baby baby baby ohh~"

"Tanga hindi, kay Justin Bieber 'yan eh." Ngiwing sabi ni Serina.

"Eh baka nga basta, hayaan mo siya mamili. Binigyan ko siya ng list." Sagot ni Senti.

Nang maupo siya doon ay sandali niya pang inayos ang mic stand, itinapat niya 'yon sa bibig niya kaya napatitig ako sa kaniya.

"Mic test."

"AHHHHHHHHH!"

"OH MY GOSH!"

"KYAAAAAAAH!"

"BOSES PA LANG PANALO NA!"

My eyes widened in shock, nagsabi lang si Yamato ng mic test, maka-tili naman 'tong mga 'to.

"To my friend since high school, Senti Ramos. Happy birthday, and congrats on your engagement." He smiled while holding the mic on the stand.

Huy enebe, ba't ang gwapo ng boses niya ngayon? O lasing lang ako?

"WOOOOOOH!"

"SALAMAT BRO!" sigaw ni Senti mula sa table namin with kaway pa kaya napangiti ako.

"This song was on his list and I don't know if he's teasing me but let's sing it. Over you by Daughtry." He smiled and chuckled on the mic that gave me a mini heart palpitations.

[Dapat mayroong isang GIF o video dito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]



"PALAHI PO!"

"ENGR. LAPIZ PA-CHOKE!"

Nanlaki ang mata ko at mabilis na hinanap ang babae na'yon, "Ako na sasakal." Bulong ko sa sarili.

Nang magsimulang patunugin ni Yamato ang electric guitar ay pansin ko ang pinagkaiba no'n sa gitara.

Parang sa electric guitar mas madadama mo, sa intro ng kanta ay maganda na paano pa kaya pag humalo na ang boses niya.

Napatitig ako sa daliri niya at napalunok, lumalabas rin lalo ang ugat niya sa kamay at pataas na siko niya.

"Now that it's all said and done, I can't believe you were the one~"

"To build me up and tear me down, like an old abandoned house~" Naitikom ko ang bibig sa liriko ng kanta.

Mapanakit ha.

"What you said when you left, just left me cold and out of breath. I fell too far was in way too deep~"

"Guess I let you get the best of me~" I pouted my lips as the lyrics stabbed me in the chest.

Nanadya ba Senti? Mahahambalos kita.

Paano ba naman kasi damang dama niya yung kanta, feel ko tuloy sa akin sinasabi yung lyrics.

"Well, I never saw it coming. I should've started running, a long, long time ago~"

"And I never thought I'd doubt you, I'm better off without you, more than you, more than you know~"

"I'm slowly getting closure, I guess it's really over. I'm finally getting better, and now I'm pickimg up the pieces. I'm spending all of these years putting my heart back together~"

I sighed, getting hurt. Nakaka-affect kaya yung kanta. Parang para sa akin talaga, pain ha.

"'Cause the day I thought I'd never get through, I got over you." Naging dramatic yung pag-tipa niya sa electric guitar na mas nagpaganda sa kanta.

Ngumuso ako, "Ang pangit ng kanta." Bulong ko

"Huh? Maganda kaya, pang-broken nga lang." Asar ni Serina.

"Sagad-sagad makapanakit yung lyrics." Parinig ni Senti.

"Bahala kayo diyan, ayoko na makinig." I covered my ears yet ended up glancing at Yamato who's been having an instrumental getting ready to sing again.

Nang magtama ang mata namin ay natigilan ako ng bahagya niya pang i-tilt to left ang ulo niya nakatingin sa akin.

"You took a hammer to these walls, dragged the memories down the hall. Packed your bags and walked away," he paused a little.

"There was nothing I could say~" He sang that part as if he remembers what I did and he had no choice about my decisions before.

"And when you slammed the front door shut, a lot of others opened up. So did my eyes, so I could see. That you never were the best for me~"

Nasaktan ako ng kantahin niya 'yon habang nakatingin sa akin mismo, umiwas tingin na siya kaya nanlumo ako.

He got over me, and he knew that I was not the best for him. I agree, iniwan ko ba naman siya sa mga panahon na walang wala siya.

Tumayo na ako at tsaka ko kinuha ang bag ko, "Uuwi ka na?" Gulat na sabi ni Serina.

"Of course not, banyo lang." Paalam ko tsaka ako dumeretso sa bathroom.

Nang makapasok ay napahawak ako sa sink, nasapo ko ang mukha tsaka ako bumuntong hininga.

Inayos ko ang sarili at ang namumula kong mukha, nang makalabas ay inaayos ko ang buhok ko ngunit natigilan ako ng makita si Yamato na kalalabas lang rin sa kabilang banyo.

"Oh, tapos ka na mag-perform?" I tried to make myself sound okay.

He glanced at me for a sec before clearing his throat, "Yup, they'll call me if Senti requested." He answered.

He even fixed his belt, so I looked away. "Nahihilo ka pa?" He asked.

"A little," mahinahon na sabi ko.

"Bawal ka sa sobrang alcohol, nakakarami ka na ah?" Ngumisi ako sa sinabi niya.

"Pansin mo?" He stopped walking and glanced at me, "Bilang ko lang dahil nakita ko sa table." He reasoned out.

Hindi na ako nagsalita at ng makabalik sa table ay naupo ako sa pwesto ko kanina, "Okay ka lang?" Serina asked, ngumiti ako at tumango.

"Where's Engr. Marshall? Siya kasama mo uminom rito kanina ah, nagkakamabutihan?" Napatitig ako kay Mandy ng sulyapan niya si Yamato kaya mahina akong natawa.

"We're just fooling around," wika ko.

"We're both singles anyway, walang magagalit, walang mawawala." Bahagya ko pang idiniin ang word na magagalit dahilan para tumikhim ng malakas si Senti.

"Magagalit raw, wala oh." Paubo-ubo na sabi niya.

"Wala ba magagalit pre?" Senti asked Cane and it made me shake my head.

"Hindi ko alam pre, baka meron? Meron ba?" Nakagat ko ang ibabang labi ng magsalubong ang kilay ni Yamato at pasimpleng isipa ang leather shoes niya sa binti nila Senti.

"Uy may nagpaparamdam na multo, pre. Naninipa, baka nagagalit?" Natawa si Serina at yumakap kay Senti kaya ngumuso ako.

"What if he asked you out on a date, would you agree?" Sa tanong ni Mandy ay napatitig ako sa kaniya.

Huminga ako ng malalim at napaisip, napahawak pa mga ako sa kamay ko. "Date?" Pag-uulit ko.

"Ang laki rin kasi ng age gap namin, I don't think he'll understand my ways and I'll understand his." I explained.

"Oh, oo miss madam. Masyadong malaki, mas matanda pa man din 'yon sa kuya mong pogi." Nginisian ko si Senti.

"Pero sabi nila they're mature enough to adjust for their loved ones?" Natigilan si Senti at Cane nagkatinginan pa sa sinabi ko.

Tila naghahanap ng masasabi at mairarason. "What do you think, boss master?" Baling bigla ni Senti dahilan para matigil sa pag-inom si Yamato.

"Oh? Bakit ako?" Pabulong na sabi ni Yamato.

"Eh maalam ka diyan boss master, baka may ma-advice ka sa ex mo, alam mo na." Napatikhim ako dahil sa ex na word.

"Bahala kayo diyan," sagot ni Yamato at sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri dahilan para makita ko ang makinis niyang noo.

Ano ba 'yan, hanggang noo ba naman hot pa rin?

Uminom kami ulit, isang bote na lang. Naglaro sila ulit ng body shot, "Uy neck raw!" Tuwang tuwa si Senti na tinuro ang dice kaya ngumuso ako.

"Kalaswaan," bulong ko.

"Hoy! Maka-laswa naman 'to!" Singhal ni Mandy kaya ngumisi ako.

"Sa harapan ko pa kasi talaga?" Ngiwing sabi ko.

"Sali kayo!" Anyaya nila at halos mapalunok ako ng ipahawak nila sa akin ang dice.

"Ayoko niyan," reklamo ko.

"Dali na! Partner mo si Engr. Lapiz, single ka 'no engineer?" Natigilan si Yamato nakakunot ang noo.

"Yeah?" Patanong na sagot niya.

"Ang korni ng laro," sagot ko.

"Wala, ang killjoy nito. Dali na!" Ngumiwi ako at tsaka ko nag-roll ng dice.

Nakahinga ako ng maluwag ng likod lang ng palad, "Oh boss master! Yung likod ng kamay mo akin na," kinuha 'yon ni Senti sapilitan ay nilagyan niya ng salt.

"Uy shot mo!" Ang iingay nila, mga lasing na yata.

"Pucha," bulong ni Yamato at umiwas tingin habang nakalahad ang kamay niya sa tapat ng mesa.

Ngumuso ako at tsaka ko ininom 'yon, napaitan ako dahil nag-alangan akong kunin ang salt sa likuran ng kamay niya.

Hinawakan ko rin yung pulsuhan niya at ng matapos ay napalayo ako kaagad, "Ang pait." Reklamo ko.

"Ang tagal mo kasi dilaan ng salt," sita ni Mandy.

"Eh paano ko didilaan ang awkward kaya!" Reklamo ko pa.

"Sus! Malaman laman ko nga kahit walang asin kung ano-ano dinidilaan niyo!" Nag-init ang pisngi ko ng lasing na sabihin 'yon ni Mandy.

Nasapo ko ang noo, "What a shame," singhal ko.

"Oh Senti, i-dice mo dali!" Natapos sila not until si Yamato na ang magd-dice, ngumuso ako ng mapili ang balikat ko.

"Gago," bulong ni Yamato.

"Huwag na, ang pangit ng laro niyo." Singhal niya at napaupo ng maayos.

"Huwag ganiyan tol! Yung iba nga hindi pa magkakilala kung saang-saang parte pa. Dali na!" Nanguna si Serina at nilagyan ng asin ang balikat ko.

Inilihis niya pa ang buhok ko, "'Tong mga 'to, mangdadamay pa kasi kayo." Gitil ni Yamato ay kinuha yung shot.

Tumayo siya at lumipat sa tabi ko, napaiwas tingin ako at tsaka ako tumingin sa kung saan, "Wooooooh!"

"Uyyyy!"

"Uy natatawa oh!" Naitikom ko ang bibig.

Si Senti, bandwagon.

"Shot mo na pre," napapikit ako kaagad ng makiliti lalo na ng hawakan ni Yamato ang braso ko upang hindi ako maka-iwas sa gulat.

Nang maramdaman ang labi niya ay lumunok ako, uminit bigla. "Tapos na, ayoko na." Reklamo ni Yamato at bumalik sa seat niya.

"Pag iba okay lang?" Tanong ni Senti.

"Hindi, tanga ka ba." Sumbat ni Yamato.

"Kahit sino, hindi ko naman nobya ba't ko gaganunin." Pagsasabi niya, tumikhim ako at tsaka ako napahikab dahilan para takpan ko ang sariling bibig.

"Weh?"

"Good boy 'yan?" Asar ni Senti.

"Conservative?" Natatawang parinig ni Cane.

"Conservative? Syempre." Pinigilan ko tumawa sa sinabi ni Yamato, dahilan para malingon niya ako ngunit tumikhim ako at nagpanggap na hindi natatawa.

"Ayaw niyo na?" Tanong ni Senti.

"Ayoko na," sagot ko kaagad.

"Ayoko na rin." Gatong ni Yamato.

"Pangit niyo ka-bonding," reklamo ni Senti kaya sila na lang ang naglaro, panay tawa ako ng panay sila kagaguhan.

"Uy babe! Nakikiliti naman ako!" Ngumiwi ako kay Mandy.

"Hayop," bulong ko.

"Be, okay lang 'yan." Natatawang sabi ni Serina.

"Makakaranas ka rin," tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"As if I'm wishing for it? Duh, 'di naman ako ganoon." Pagsasabi ko ng totoo.

"Tagal mo ng walang sex, weh?" My lips parted, "Yung bibig mo, Serina ha." Singhal ko na malakas niyang ikinatawa.

"Miss madam, yung totoong dahilan kung bakit hindi ka bumalik kaagad?" Natigil ako sa pag-inom dahil sa tanong ni Senti.

"After ng break up niyo? Parang gusto mo naman kasi talaga bumalik pero may pumipigil sa'yo eh." Pansin niya pa kaya ngumiwi ako.

"Wala," wika ko.

"Para itago si Amato?" Kwestyon ni Senti.

"Of course not," matipid na sagot ko.

"Eh ano?"

"Wala naman na akong babalikan," matipid na sagot ko dahilan para matigilan silang lahat, even Yamato.

"Ayon lang, paano mo naman nasabi na wala miss madam?" Napatitig ako kay Senti.

"Someone told me not to go back and show myself anymore," I whispered. Remembering what Yamato said before I left his condo when he didn't pass the board exam.

"Parang kilala ko 'yan ah." Parinig ni Cane.

"'No boss master?" Nalingon ko si Yamato sa pagsiko sa kaniya ni Senti. Tumikhim lang si Yamato tsaka siya huminga ng malalim.

"Ba't ka nakinig, hindi mo naman ugaling sundin ako." Sa sinabi niya ay natigilan ako, seryoso ko siyang tinitigan.

So he wanted me back, before?

"You begged, what more can I do?" I hissed.

"I also begged for you to stay," On his rebat, I got nothing left to say but to be ashamed for what I did, and what I said before.

"Yari," bulong ni Senti.

"Alis muna kami ha? Usap kayo. Bye!" Paalam ni Cane.

"Senti, tangina mo. Halika na! Chismoso!" Cane hissed and pulled Senti na ayaw pa umalis at gusto maki-chismis.

Nang makaalis silang apat ay wala ako masabi bigla, "Gago talaga mga 'yon," bulong niya sa sarili niya at tumanaw.

"What do you think?" Natigilan ako sa kaniyang sinabi, "Should we talk it out? For closure?" Sa dinagdag niya ay nalungkot ako.

He only wants closure, not wanting me back.

Bumuntong hininga ako, I'm not yet ready. I'm still hoping for a comeback. "Ikaw," wika ko.

"Ano ba pag-uusapan?" Matipid na sabi ko.

"Wala ako maisip," ganting sagot niya. Napalunok ako at napaiwas tingin ng seryoso niya akong tignan.

"Para saan ba ang closure?" I asked.

"Closure, para malinaw lahat ng mga hindi napag-usapan ng tama after break up. Mostly, panay sama ng loob ang nasasabi while in the verge of breaking up." He explained.

"Panay problema dahil may kasamang feelings, now that it's all gone hindi na ganoon ka-dramatic." Tumango ako sa pahabol niya.


Now it's all gone? Tsk paano naman ako?

Paano naman ako na meron pa?

Ang daya mo naman.

"I don't know how to start, give me why.." I stated, looking away.

"You gave me up that easy, why do you want to hear my why's?" Sa sinabi niya ay naitikom ko kaagad ang bibig.

"M-Malay ko bang may g-gusto ka itanong," naiilang na sabi ko at inabot kaagad ang baso ng alak tsaka ako napainom.

Para akong nauuhaw. "Isang araw mo lang ako sinukuan," wika niya.

"Sa isang araw na 'yon, hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon makausap ka ng maayos." Napatitig ako sa mukha niya, he looked so okay telling me those.

Parang ang meron siya ngayon is curiosity.


"You just left me, I asked and begged for you to stay. Because at that time, I was at my lowest, I needed you. I just needed to breathe before telling you everything." Bigla ay napuno ako ng matinding konsensya.

Napapahiya kong nahawakan ang pisngi tsaka ako tumikhim, "Wala na ngang natira sa akin, iniwan mo pa ako." Mahinang sabi niya, salubong ang kilay at tsaka siya uminom sa baso niya.

"Sorry." Mahinang sabi ko.

"I can't blame you if you get tired of me, but at least.. Don't hurt me that much, nakaya ko marinig 'yon sa lolo ko." Hindi ko mai-alis ang titig sa mga mata niya.

"Nakaya ko marinig 'yon sa kadugo ko, pero sa'yo? Parang nasira yung buong pangarap ko ng sabihin mong hindi sapat." Napaiwas tingin ako ng magbigay sakit 'yon sa dibdib ko.

Gusto ko humingi ng tawad, pero masyado akong natatakot. Natatakot sa sasabihin niya.

"H-Hindi ko ugaling maghabol, hindi ko gawain 'yon. Alam mo naman 'yon, pero wala akong magawa." Matipid niyang sabi.

"Wala akong magawa kasi hindi ko kaya, hindi ko kaya na wala ka sa tabi ko. Akala ko hindi ko kaya, hanggang sa matanggap ko." Mahinang sabi niya.

"Dahil— dahil sabi mo hinihila na lang kita paibaba." Napaiwas tingin ako, bumibigat ang paghinga. Gusto ko umiyak.

"I am so scared when you started acting cold, pinilit kong hindi maniwala, nagtiwala ako na hindi tayo dadating sa ganoon." Matipid siyang ngumiti, hindi ko alam kung natatawa siya kasi nakakatawa.

"I don't know if Crisanta is the reason, but I also blamed her for everything." He added.

I was out of words, listening.

"I overthink a lot, iniisip ko kung mahal mo pa ba ako, o nawawala na sila. Natatakot ako na baka tulad ni Athena noon, makulangan ka sa akin." His trauma, naalala ko ngayon.

Naalala ko kung gaano siya na-trauma sa nangyari noon, but he fought it as he loves me. "A-Akala ko pa okay na tayo nang lagnatin ka, huli na pala 'yon." Ngumiwi siya.

Mahinang tumawa, "Bigla ka na lang umayaw, na para bang 'yon ang pinakamadaling desisyon ang ginawa mo." He sarcastically said.

"Ang dali mo 'kong iniwan. Sobrang pagod na pagod na rin ako no'n, Liezel Jami. Yung pagod na gusto ko na lang maglaho," wika niya napahawak sa batok niya.

"Gusto ko na lang maglaho pero hindi kita kayang iwan, hindi kita maiwan. Pero iniwan mo 'ko kasi napagod ka." Ngumiti siya.

"Laugh trip." Bulong niya pa at tumawa.

"Sinabi mong tumigil na tayo dahil mas mabuti pa 'yon, pero ikaw lang naman ang napabuti. Ginawa mo 'kong miserable." Tila may sama ng loob 'yon kahit pa nakangiti siyang nagk-kwento.

Nang tumulo ang luha ko ay mabilis kong napunasan 'yon. "Sabi mo pa, pagod ka ng nasa tabi ko, pagod ka ng mahalin ako, pagod ka ng intindihin ako." Naalala niya ang mga sinabi ko.

Ayoko namang iwan siya, pero mas masakit sa lahat ay kung hindi ako nagising sa operation ko. Tapos ganoong paraan kita iniwan, mas masasaktan ka.

"I tried to look for solutions, sabi ko kahit cool off lang, pahinga lang. Pero desidido ka na para bang yung tatlong taon sa'yo burado agad." Ngumisi siya.

"Ano pa bang magagawa ko? Ano pang laban ko kung ako yung dahilan kung bakit hindi ka umaangat? Nahihirapan ka sa tabi ko." Sumbat niya.

"My efforts are not enough, I understand. I don't have enough time for you. You got tired when I didn't accept your help, it's because I don't want to pull you down with me." He explained.

"Kung may babagsak, ako na lang. Hindi na kita idadamay pa, hindi naman ako makasarili." Mahinang sabi niya.

Ngunit tumigil kami ng maging sad yung music, bwisit talaga 'tong si Senti.

"You asked me to make you regret that you left me, but what for Jami?" Mahinang sabi ni Yamato.

"You want me to make you regret that you are not there at my lowest? Tatanungin kita, do you even regret that you left me?" Sa tanong niya ay napatitig ako sa mukha niya.

Paano ko sasagutin 'yon?

I licked my lips, should I be honest? "No." Mahinang sagot ko.

"No, because you are successful now." Mahinang dagdag ko, napatitig siya.

"Because I am not there, you became successful without a hindrance. A hindrance like me who can't understand when you don't have time to go out on dates with me." I explained, I held my forehead.

"What I regret is I made you feel you're not doing enough, I made you seem like you're a loser when you're not." Napatitig siya sa akin.

"I wanted to say, I am so proud of what you have become." Bahagyang umawang ang labi niya sa sinabi ko tsaka siya umiwas tingin.

"K-Kahit hindi ka pa ganiyan ka-successful noon, I am already proud of you." Napalunok ako, tila may nakaharang sa aking lalamunan.

"Hindi mo 'ko hinila pababa, a-ako, a-ako yung humila sa'yo pababa." Huminga ako ng malalim.

"That's not true," he stated.

"You were the one who pulled me up when I'm at my lowest, bakit mo ba nasasabi 'yan?" Ngumiti ako sa kaniya.

"Bakit, nakakatulong ba sa'yo yung dinadagdagan ko yung problema mo sa tuwing inaaway kita kahit na may problema ka?" Natawa ako sa sinabi ko.

"Kung ako yung nasa sitwasyon mo noon, iniwan ko ng lahat. Lumayo na ako, but you are strong enough at ako ang pabigat." I explained.

"Ako yung pabigat sa buhay mo, kasi bakit ko pa piniling tumira sa isang bubong kasama ka? Naging dagdag ako sa gastusin at isipin mo." Napaiwas tingin ako.

"Ginusto ko naman 'yon," ngumiwi ako.

"Pero dahil pinilit kita," sagot ko sa sinabi niya.

"No, Jami. I am ashamed that I made you wash the dishes, clean the house, clean the bathroom. You were not supposed to do that, prinsesa ka." Mahina siyang natawa.

"Nakakahiyang ibalik ka sa magulang mo dahil pinag-gawa kita ng mga bagay na hindi nila pinagagawa sa'yo." Napairap ako sa sinabi niya.

"Bakit nakakahiya? You made me an independent woman. Sa tingin mo ba matututo ako magluto ngayon kung hindi dahil sa'yo?" Singhal ko.

"Sa tingin mo ba matututo ako maghugas ng pinggan, maglinis ng banyo, mag-laba kung hindi dahil sa'yo?" Sagot ko.

"Nagawa ko yung mga bagay na tinuro mo dahil kami lang ni Amato ang magkasama, ako nagluluto para sa amin, ako naghuhugas para sa amin, ako naglilinis at naglalaba ng mga damit niya kasi sobrang selan niya." Pinagkrus ko ang braso.


Lasing na yata ako.


"I hated your sermon, but it helped me a lot." Umiwas tingin ako matapos salubungin ang tingin niya.

"Isang buwan lang naman sana," mahinang sabi ko.

"Ang alin?" Sa tanong niya ay natigilan ako.

Para akong tanga kung sasabihin ko ang nasa isip, "Wala." Sagot ko na lang.

"Tanggap ko naman eh, ako may kasalanan." Mahinang sabi ko.

"Okay ka naman na ngayon, wala akong pagsisisihan. Mas masaya ka ngayon, maganda ang buhay, mas mataas ka pa nga sa akin." Mahinang sabi ko.

"Tsk, kung yaman ang pag-uusapan wala akong laban."

"I am not talking about wealth! I am saying that you're more successful." Singhal ko.

"Dapat lang naman, nauna ako naka-graduate. Dadating ka rin dito pag nasa taon kita, mas higit pa." Pinigilan ko ngumiti sa sinabi niya, malaki ang tiwala niya na kaya ko ah.

"You also passed the board exam with the highest score." Nang sabihin niya 'yon ay napatitig ako sa kaniya, he checked?

He checked?!

"Bakit mo alam?" Tinaasan ko siya ng kilay at dahil doon ay napaayos siya ng upo.

"N-Narinig ko lang, h-huwag kang assuming. I didn't check," tumaas ang kilay ko sa defensive na sagot niya.

"Ang defensive ha, nag-ask lang naman ako." Maayos na sabi ko.

"Para kang nagbibintang kaagad," ngumiwi siya.

"Okay na?" I asked.

"Anong okay?" Tanong niya.

"Okay na yung utak mo? Wala ka ng iniisip?" Huminga siya ng malalim.

"Parang ang dami mo ngang lihim," matipid na sabi niya.

"Ako lang naman yung nagsalita rito," sagor niya.

"Hindi ko pa nga rin alam yung dahilan mo that night," napairap ako.

"Ah," wika niya.

"Sabi mo wala kang pakialam, mag-isip ka rin." I raised a brow, "Sama ng ugali." Bulong ko.

"Pinaghula mo nga ako kung anak ko si Amato." Singhal niya.

"K." Matipid na sagot ko.

"Dot." Dagdag niya kaya umirap ako lalo.

"Okay lang 'yan, naka-move on ka naman na. Pakasaya ka sa buhay mo ngayon," labas sa ilong ko na sabi.

"Yeah, I'm having fun." Sagot niya.

Sumangayon rin, sana hindi masarap ulam mo isang buwan.

"Pinipilahan ka ha," natatawang sabi ko. Fake laugh with sama ng loob and selos.

"Tsk, ako lang 'to. Yummy," nanlaki ang mata ko.

"Yuck." Labas sa ilong na sabi ko.

"Maka-yuck, akala mo naman.." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano?" Banta ko.

"Wala." Bawi niya.

"Huwag ka na uminom, baka i-dive mo na naman ako." Nag-init ang pisngi ko.

"Hindi ko sadya 'yon!" Gitil ko.

"L-Lasing ako no'n, 'no, at isa pa akala ko g-guni-guni ka." Naiilang na pagdadahilan ko, his lips formed into a smirk.

"So you sometimes imagine me and you see an illusion of me?" My eyes widened, I shook my head a lot of times.

"Of course not, that would be crazy." Dismayadong sabi ko.

Alam ko namang gwapo siya, pero hindi naman ako medyo ganoon ka-in love sa kaniya 'no.

Hindi naman medyo..

"Yeah right, that will only mean you're in love with me." Halos masamid ako sa sariling laway dahilan para mapaubo ubo at aabutin ko na sana ang alak upang uminom pero pinalo kaagad ni Yamato ang likod ng kamay ko.

"Nasamid ka tapos alak?" Singhal niya at nilagyan ng tubig ang isang baso.

Kinuha ko 'yon ay ininom, ngumiwi ako at nang makabawi ay uminom na ako ng alak. "Aren't you bored?" He asked.

His legs were wide open and his other hand was holding a glass of alcohol and the other hand was resting on his lap. I sighed, paano ako mabo-bored kung ang ganda ng view.

"Hindi naman, umiinom ako habang may iniisip." I replied back.

"I'm bored, let's play." Nangunot ang noo ko at tinitigan siya.


///

@/n: Any thoughts? Hehehehe 😽

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top