Chapter 40: Son?
Chapter 40: Son?
Liezel Jami's Point Of View.
Napalunok ako sa reply niya, naghintay ako and after five minutes narinig ko ang mahinang pagtawag niya sa pangalan ko. "Where are you in?" His voice echoed inside the powder room.
"5th cubicle." Sagot ko.
Maya-maya ay inabot niya 'yon sa ibaba sa siwang sa tapat ng pinto, "Thank you!" I answered.
"Labas na 'ko." Paalam niya.
Nang makapaglagay ay nakahinga ako ng maluwag, glad I wear panty liner every time. Hindi tuloy nalagyan ng stain yung undies ko. Naghugas ako ng kamay at nag-alcohol.
Pagkalabas ay nagulat ako ng nasa gilid si Yamato, "Saan ka nakakuha?" Nahihiyang tanong ko.
"Salamat," napalunok ako ng i-abot niya sa akin ang maliit na paper bag.
"A-Ano 'to?" Naguguluhan na tanong ko.
"Sanitary pads." Matipid na tugon niya habang nakatingin sa kung saan, "B-Bumili ka ng buo? Saan?" Kwestyon ko.
"Somewhere?" He answered.
"Magkano 'to, babayaran ko—"
"'Di na," sagot niya at sumenyas na bumalik na kami, ngumuso ako at pumunta na sa dining.
"Napano ka Engr. Garcia?" Tanong ng iba.
"Bakit kayo magkasama bumalik? Naligaw ka ba Engr. Garcia?" Tanong ni Engr. Cariño.
"Lahat ba dapat alam niyo?" Iritableng sagot ko tsaka ako naupo sa kanina, matapos namin kumain ay nag-yaya si Tito Zai uminom sa club sagot niya raw.
Wala tuloy humindi at doon ko nalaman na hinuhuli ni Tito Zai si Zian, ngumiti ako tsaka napapailing na lang na uminom ng light lang na alak.
After a while, they started talking about love while I was silently listening. "Let's do the truth or dare." They suggested.
"Lahat sasali, walang tatanggi. Mababaog, tumanggi." Nanlaki ang mata ko at napaayos ng upo.
"Spin that bottle," I hissed.
Natawa sila dahil doon, nang tumama 'yon kay Engr. Cariño ay nag-dare siya. "I dare you to chat or text the person you like, anything you want." Tumaas ang kilay ko, kinuha niya naman ang cellphone niya at halos mapalunok ako ng tumunog yung cellphone ni Yamato sa ibabaw ng mesa.
Wow, ano 'yan high school students?
"Uyyyy!"
"Si Engr. Lapiz!"
"Tumunog yung cellphone oh!"
Pasimple akong napairap, tinignan naman 'yon ni Yamato tsaka ito tumikhim at napailing iling. "Anong sabi boss master?" Tanong ni Senti.
"Kumusta?" Pagbasa pa ni Senti kaya nang patayin na ni Yamato ang cellphone niya at sinubukan ko na huwag ngumuso.
"Next!" Engr. Cariño spinned the bottle and it pointed on Senti.
"Pucha, truth lang." Ngumiti ako sa sagot ni Senti.
"Engineer, gaano na kayo katagal ni Serina?" Tinitigan ko si Senti, tinaasan ng kilay ng mapasulyap siya sa akin.
"1 year and 9 months." He confidently answered, ngumisi ang labi ko.
"Oh ako na! Dasal-dasal sino maturo kawawa." Ngising sabi ni Senti at pinaikot ang bote, nang tumama 'yon ay Yamato ay tinaliman nito ang tingin kay Senti.
"Gago, malas." Bulong ni Senti.
"Truth lang," sagot ni Yamato.
"Ayusin mo," sita niya pa kay Senti.
"Ang daya naman, ba't may pagbanta?" Nakangusong reklamo ni Senti at ginulo ang buhok.
"Gaano katagal yung huling relationship mo?" Naningkit ang mata ni Yamato, sino ba? Ako ba? Oh my gosh, may iba pa kaya after me?
"Hulaan niyo muna," sagot ni Yamato.
"Pucha," bulong ni Senti.
"Huhulaan ko Engr. Lapiz, 1 year?" Umiling si Yamato sa sagot ng kapwa engineer namin.
"6 months?"
"8 months 'yan, kasi madalas 8 months nagkakalabuan."
"2 years?"
"4 months?"
"Manghula ka kaya Engr. Garcia? Pag nahulaan mo sagot ko na yung lunch mo bukas." Suhestyon nila kaya nagkatinginan kami ni Yamato.
"Wala, hindi pwede. Matagal na kami magkakakilala," singit ni Senti.
"Oh?"
"Friends rin kayo?"
"Oo nga, daldal mo." Inis na sagot ni Senti.
"Sagutin mo na lang kasi boss master," bulong ni Senti.
"Fine, three years and 3 months." Sa sagot ni Yamato ay nalunok ako ng maraming beses, inabot ko ang kupita at uminom.
"Ang tagal rin pala," nakangiting sabi ng iba.
"College days yan, Engr. Lapiz?" Kwestyon pa ng iba.
"Yeah." Sagot niya.
Pagkainom niya ay iniiwas ko ang tingin sa kaniyang leeg, yung matangos rin niyang adams apple ay gumagalaw, mas matangos pa yata adams apple niya kesa sa ilong ng iba.
"Spin the bottle na boss master," singit ni Senti upang maiba ang usapan.
Nang tumama 'yon kay Senti ay natawa siya sa saya, "Pucha, ako ulet!"
"Para sa'yo boss master, dare ang pipiliin ko." Ngumisi si Yamato, nang ipagkrus niya ang legs niya ay napalunok ako.
Ang sexy niya!
"Drink 5 shots," turo ni Yamato.
"Luh!" Reklamo ni Senti.
"Magagalit bebe ko niyan eh! Sige na nga, sasabihin ko na lang ikaw may kasalanan." Natawa ako at nang mainom niya 'yon lahat ay namumula ang mukha niya.
"Pag ako, gaganti ako boss master!" Singhal ni Senti at pinaikot ang bote, nang sa akin tumama 'yon ay napaayos ako ng upo.
Yari na, loko-loko pa man din si Senti.
"Hehehehehehehe truth or dare miss madam?" Natawa ako sa tawag niya sa akin, tawa na may dalang kaba.
"Truth lang," wika ko.
"Hehehehhee." Mala-demonyo siyang tumawa kaya napalunok ako.
"Ask mo si Engr. Garcia kung ilan na naging boyfriend niya dalii!"
"Ilan ex, pangit pakinggan ng ilan ang boyfriend." Singit ng iba.
"Teka nga! Doon kayo! Ako magtatanong eh, mga epal." Tinitigan ko si Senti habang nakataas ang kilay ko.
"Bakit ka umalis noon miss madam? Walang paalam." Naglapat ang labi ko sa tanong niya, huminga ako ng malalim.
"Dapat ba totoo yung sagot?" Kwestyon ko, nagitla siya.
"Truth nga eh, tas sasagot ka ng lies miss madam? Niloloko mo yata ako eh." Natawa ako tsaka ako huminga ng malalim.
"I just think I needed to go far away after ruining someone's life, right? I should stop torturing someone who doesn't want to see me anymore." Sa sagot ko ay umiwas tingin si Yamato at uminom lang sa baso niya.
"Ah kaya pala," tango-tango si Senti.
Pinaikot ko na yung bote at nang tumuro 'yon kay Yamato ay napaayos siya ng upo. "Truth or dare?" I asked.
"Truth." Sagot niya.
"Ba't mas tumangkad ka lalo? Hindi ba unfair 'yon?" Tumaas ang kilay niya.
"Three times a day," nanlaki ang mata ko sa kaniyang sagot.
"Pucha! Bawal 'yan boss master!" Natatawang sita ni Senti.
Natawa ang lahat, "Taray, lakas naka-three rounds."
Nag-init lamang ang pisngi ko at umiling iling na lang, nang paikutin ni Yamato ang bote ay tumama 'yon sa iba naming kasama.
"Siopao ng 7/11 o siopao ng chowking?" Ngumisi ang labi ko, what a nonsense question Yamato.
Sarap mo batukan.
Umikot ng umikot ang bote hanggang sa akin tumama ito at ang kasamahan namin na babae ang nagpaikot ng bote.
"Truth lang," sagot ko ulit.
"Are you in love Engr. Garcia?" Sa tanong niya ay natigilan ako, how will I answer that?
"I was i-in love," mahinang sagot ko.
"I was, a long time ago," matipid na sagot ko.
Hindi ko na masagot pa ang tanong, hindi ko matignan si Yamato as we don't have any closure, walang closure after my last I love you.
I did him bad, I don't like him to end up failing but I was the reason why he failed his test.
Pinaikot ko muli ang bote, nang tumama 'yon kay Yamato ay nag-dare na siya. Ayaw ng sumagot ng tanong.
"Dance," I smirked.
"What? A-Ayoko." Sagot niya.
"Edi sing na lang, sing at the band over there oh." I pointed.
"Ba't ang hirap?" Kwestyon niya.
"Kakanta lang!" Ngiwing sabi ko.
"Oh boss master! Kanta, bawal tumanggi lakas ng loob mo mag-dare eh!" Sulsol ni Senti kaya ngingisi ngisi kami ng tumayo si Yamato.
Inis siyang naglakad papalapit doon, pinanood ko siyang kausapin yung sa mismong banda, inilihis niya ang long sleeve niya dahilan para mas makita ang relos at ang visible veins niya sa kamay.
How sexy..
He gave them a half smile before glancing at me just to give me a death glare, I tried not to smile. Ngunit nang ma-pamilyar ko ang tutugtugin niya ay naalala ko ang sinabi niya few years ago.
That he'll sing this song if we ever broke up.. he's doing it right now! Nakakahiya.
"Uy magaling na singer 'yan!" Senti hyped him up.
"Lips of an angel title niyan 'di ba?" The others asked.
[Dapat mayroong isang GIF o video dito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]
"Honey, why you calling me so late?" Nag-init ang pisngi ko ng marinig ang pagkanta niya.
Tila damang dama niya pa ang kantang 'yon, "Uy pucha! Honey raw oh!" Parinig ni Senti sa akin at sinulyapan ako.
"Sana all honey!"
"It's kinda hard to talk right now, and honey why you crying? Is everything okay?" Pinagkrus ko ang braso at umiwas tingin.
"I gotta whisper 'cause I can't be too loud. Well, my girl's in the next room. Sometimes I wish she was you, I guess we never really moved on~" napainom ako ng alak sa huling stanza.
"Uy, lamig."
"Ang ganda talaga ng boses ni Engr. Lapiz."
"Parang anghel!"
"It's really good to hear your voice, saying my name, it sounds so sweet." Napakurap ako ng maraming beses ng maalala ko na natutuwa siya noon tuwing tinatawag ko siya sa pangalan niya.
"Coming from the lips of an angel, hearing those words, it makes me weak." Hindi man ako nakatingin ay kinakabahan ako ng husto.
"And I never wanna say goodbye, but, girl, you make it hard to be faithful. With the lips of an angel~"
Ang ganda talaga ng boses niya, sarap pumikit at matulog.
Nang matapos niya ang kanta ay pinaikot niya ang bote, "Happy?" Singhal niya pa kaya pasimple akong umirap.
Umikot ng umikot at ako na naman kaya ngumuso ako, "Truth."
"Engr. Garcia, how old are you when you enter your first relationship?" Huminga ako ng malalim.
"18 years old." Usal ko.
After that spin bottle, hindi pa pala tapos, ako muli ang naturo. "Truth," pagod na pagod ko ng sabi.
"How old were you when you got your first kiss and how did it happen?" Sa tanong na 'yon ay naalala ko ang pangyayari!
Imagine, I just swore to myself that time that I want to be kissed at my 18!
I sighed, "17 years old, it was an accident, I just swore to myself that time that I want my first kiss to be when I'm 18 pero shit happens." Natawa ang lahat sa kwento ko bukod kay Yamato na tumikhim at umiinom.
It was Yamato's turn, "Truth or dare?" Tanong ng iba.
"Truth baka pag nag-dare ako mapakanta na naman." Reklamo ni Yamato nagpaparinig sa akin.
"Based on your experience Engr. Garcia, what's hurtful? A break up from a healthy relationship or a break up because of toxicity? Toxicity may involve ng cheating, gaslighting, etcetera." Tanong ng babae, huminga ng malalim si Yamato.
Syempre mas masakit siguro yung niloko siya ni Athena, hehehe sorry Athena naalala ko lang naman yung kagagahan mo eh.
"A break up from a healthy relationship, because you'll keep on wondering what went wrong? What's the problem? Why do you need to break? Marami pa, kasi 'yon ngang healthy na may problema pa pala." I pouted my lips to his answer.
"Tama na, pagod na ako mag-spin the bottle." Reklamo ni Senti, halatang inaantok na.
Inaantok kong nasapo ang mukha, napapasobra yata ako sa inom, kanina pa kasi kami umiinom. "Miss madam, tama ka na ha." Paalala ni Senti.
"May sasakyan ka bang dala Jams?" Seryosong tanong niya.
"No worries, I can go home. May service naman ako," mahinahon na sabi ko.
"Tol, hatid mo 'ko ha? Isabay mo na rin si Jams." Turo ni Senti sa akin kaya umiling ako.
"No na, I can handle it."
"Tanga, commute tayong dalawa. Iniwan ko na sasakyan ko alam ko na iinom." Sagot ni Yamato kaya patago ako na napangiti.
"Ay oo nga pala," bulong ni Senti.
"Hatid na namin kayo, papasundo na rin ako." I insisted.
"Hindi na—"
"Thank you Jams!" Singit ni Senti sa hindi ni Yamato.
Later on dumating na yung van kaya naman pagkabukas ay nanlaki ang mata ko ng makita sa loob si Amato. "W-What are you doing here?" Taas na kilay kong tanong.
"Mommy," he pouted his lips.
"M-Mommy raw boss master!" Natatarantang sabi ni Senti.
"M-May anak ka na Jams?!" Gulat na sabi ni Senti hindi makapaniwala.
Ngumuso si Amato kaya sumakay na ako, "Sa harap ka na boss, basa pa kasi yung upuan sa pinaka-likod." Maayos na sabi ni Manong, napausad tuloy ako dahil sa pag-upo ni Yamato sa tabi ko.
"Mommy, you drank a lot." Sermon ni Amato.
"And I asked you to sleep early, didn't I?" Taas kilay na sabi ko.
"W-We both made mistakes mommy, we can't blame each other right?" Sa sagot ni Amato ay napairap ako.
"Gago, lasing na yata ako! May anak si Jams?" Pinigilan ko matawa sa reaksyon ni Senti.
"Hoy bata, sino tatay mo?" Sinipa ni Yamato ang likuran ng upuan ni Senti.
"Huwag ka maingay diyan, tinatakot mo yung bata." Sita niya.
"He's so talkative and loud," nakangusong turo ni Amato kay Senti.
"He's your tito," bulong ko.
"Tito Senti, kilala mo si Tita Serina? That's his boyfriend." Nakangiting explain ko.
"Really mommy? But why are you not introducing me to your friends?" Nakagat ko ang ibabang labi sa sinabi niya.
"Soon, I will, if they're not busy." I smiled.
"Mommy, stop drinking a lot." Paalala niya.
"Let's talk about that later when we get home okay? N-Nakakahiya sa kanila oh." Tukoy ko sa mga kasama.
"But they're your friends mommy, they should know right?" Bulong niya sa akin, kinandong ko siya sa kandungan ko.
"Hindi naman ako uminom last day? Last week, ngayon lang ulit." Sagot ko.
"What if it got worse again?" Pasimple kong inilagay ang hintuturo ko sa labi ko.
"Shh."
He pouted his lips, ang makapal niyang pilikmata at matabang pisngi ay umusli, ang bahagyang nakaawang niya na labi ay pinahid ko ang laway. "Close your mouth." Paalala ko.
"But my cheeks were full," reklamo niya.
"Aba'y lunukin mo, ako ba lulunok niyan?" Humagikgik siya dahilan para matawa rin ako.
"Engr. Lapiz," napalingon tuloy si Yamato ng tawagin siya ni Amato.
"Yes?" He softly replied.
"Take care of my mommy at work, please?" Namula ang pisngi ko.
"Amato, I can take care of myself." Paalala ko.
"Don't mind him ha, medyo—"
"Mommy, let us talk." Napatigil ako nang lumipat siya sa kandungan ni Yamato dahilan para alalayan siya nito.
"She's really careless, Engr. Lapiz. She tends to forget her lunch, and everything. She doesn't listen to me that much because I'm little." Amato gestured to his height and it made me smile.
"Really?" Kalmadong sabi ni Yamato.
"Hmm," Amato cutely nodded his head.
"She eats super kaunri, no not kaunri, little." He can't pronounce other words perfectly.
Kaunti dapat 'yon ngunit dahil sa dila niya siguro ay hindi niya masabi. Pigil tawa si Yamato, "Hmm, understand." Tumango pa si Yamato.
"Can I get your number? She sometimes doesn't answer my call po." Inabot ni Amato ang maliit niyang touch screen cellphone kay Yamato.
"Done." Inabot 'yon ni Yamato pabalik.
"I will put you in my number two emergency, mommy's first. Supposed to be, my daddy should be in second but I don't know him." Bumuntong hininga ako at kinuha na si Amato sa kandungan ni Yamato.
"Sorry, madaldal talaga siya." Nahihiyang sabi ko.
"Hayaan mo na, ganiyan talaga pag bata." Matipid na sabi ni Yamato, niyakap ko na si Amato at pumikit ako sandali.
Yumakap naman si Amato at sumandal sa dibdib ko, "I can hear your heart, beating mommy." Alam kasi ni Amato ang sakit ko sa puso.
Minsan ay chinecheck niya pa kung tumitibok 'yon, napaka-inosenteng bata, siya rin ang naging reminder ko sa gamot. Ang sweet niya, pakiramdam ko tuloy pag bumalik si Athena.
Hindi ko alam kung paano ko matatanggap na ilalayo niya sa akin si Amato. Nayakap ko ng mahigpit si Amato ng sumago 'yon sa isip ko.
"Pa-sleepover tol," paalam ni Senti.
"Ge," tipid na sagot ni Yamato.
"Mommy, he's the man in that picture right?" Sobrang hina ng bulong ni Amato, tinutukoy si Yamato.
Sana hindi siya marinig, "Hmm." Bulong na tugon ko.
"Tulog ka na," mahinang bulong ko at hinagod ang likuran ni Amato upang makatulog siya.
"Hala sir, sarado naman yung daan dito?" Tanong ni manong kaya napasilip ako.
"May aksidente yata," singit ni Senti at sumilip.
"Meron nga," bulong ni Senti.
"Paano tayo uuwi?" Tanong ni Senti.
"Dito rin daan ng bahay namin," turo ni Senti.
"Matagal pa 'to pag maghihintay, nakakahiya naman, mag-hotel na lang kaya tayo?" Tanong ni Senti.
"Sa bahay na lang namin," matipid na sabi ko.
"May available guest rooms naman, manong ikot na tayo papunta sa bahay." Mahinahon na sabi ko.
"Hotel na lang sigur—"
"Mahal tol, sayang pera, doon na lang kila Jams. Hehehehe." Sagot ni Senti, salubong naman ang kilay ni Yamato mukhang walang choice.
Pagkarating sa bahay ni lola ay sinubukan ko buhatin si Amato, "Ako na." Kinuha ni Yamato si Amato sa akin na tulog na tulog na.
Nang makapasok sa loob ay pinaayos ko kaagad sa mga kasamahan sa bahay ang kwarto na gagamitin nila, "Saan yung kwarto niya?" Tanong ni Yamato kaya pinasunod ko siya.
Binuksan ko ang kwarto ni Amato at tsaka ko inilihis ang kumot para maihiga siya ng maayos. Kinumutan ko si Amato at hinalikan sa noo.
Nauna naman lumabas si Yamato, "Sino yung tatay niya?" Natigilan ako sa tanong niya, bigla ay gumuhit ang ngisi sa labi ko.
"Gusto mo malaman?" Tila kinabahan siya sa sinabi ko.
"M-May anak ba tayo?" Gulat niyang sabi.
"N-Nabuntis ba kita noon?" Nakagat ko ang ibabang labi sa seryoso niyang sabi.
"K-Kaya ka siguro umalis 'no? Anak ko ba siya?" Pinilit ko huwag matawa, ngunit umiling iling na lang ako.
"Kaka-inom mo 'yan, goodnight na. Doon yung kwarto mo," turo ko sa kwartong kalalabas lang ng nag-ayos.
Tinalikuran ko na siya pero halos makuryente ako sa init ng kamay niya ng pigilan niya ang pulsuhan ko.
"B-Ba't?" Gulat na tanong ko.
"May anak ba tayo?" Pinigilan ko matawa sa sinabi niya.
"Isipin mo," ngising sabi ko at binawi ang kamay ko.
"Engr. Garcia," seryosong tawag niya ngunit derederetso ako na naglakad.
"Jami." Napangiti ako nang tawagin niya ako sa aking pangalan ngunit naglakad na lang ako.
"Liezel Jami." Nakagat ko ang ibabang labi at kinikilig na pumasok sa loob ng kwarto ko.
Mabaliw ka muna sa kaiisip.
Madaling araw ay masakit ang ulo ko na nagising dahil sa malakas na pag-iyak ni Amato, tumakbo ako papunta sa kwarto niya ngunit natigilan ako ng makasabay ko si Yamato.
He kept on calling mommy, nang makalapit ay yumakap ito sa akin kaya bumuntong hininga ako. "W-What's wrong baby? Hmm?" Iniupo ko siya sa kandungan ko habang nakayakap.
"M-Mommy," he hugged me tightly and cried while sobbing.
"I-I dreamed of mom dying." Naiiyak na sabi niya, bumuntong hininga ako at hinagod ang likuran niya.
"Mommy, don't die okay?" Pulang pula ang ilong at pisngi niya dahil sa pag-iyak niya.
"I will not die, not yet, okay?" I tried to calm him, napasulyap ako kay Yamato na halatang nagising rin.
"M-May kailangan kayo?" Tanong niya maluwag na white shirt lang ang suot niya at pajamas na blue. Sa white shirt niya ay medyo kita pa ang balat niya.
"D-Daddy," halos umawang ang labi ko ng gusto magpabuhat ni Amato kay Yamato, na-estatwa pa si Yamato ngunit lumapit naman siya at binuhat ito.
Idinantay ni Amato ang baba niya sa balikat ni Yamato habang buhat siya ni Yamato, bahagya niya pa itong hinele. Bumuntong hininga ako, "Sorry." Nahihiyang sabi ko.
"B-Babalik rin siya sa pagtulog, h-hindi ko kasi siya kayang buhatin." Tahimik akong tinignan ni Yamato tsaka siya tumango, hinagod rin ang likuran ni Amato na papikit na.
"Wait, titimplahan ko siya ng milk." Kinuha ko ang malaking bote ni Amato tsaka ko inilagay ang formula doon at tsaka ko tinignan kung sakto ba yung init ng gatas sa likod ng palad ko.
Papikit pikit na ito sa balikat ni Yamato, "H-Huwag ka masyadong magalaw," sa biglang sinabi ni Yamato ay nangunot ang noo ko.
"H-Huh? Bakit?" Nagtataka na tanong ko.
"W-Wala ka yatang suot panloob." Bigla ay nanlaki ang mga mata ko at tsaka ko nayakap ang katawan.
"Oh my gosh, I'm sorry!" Nahihiyang sabi ko, bigla ay naramdaman ko ang pagdaloy ng dugo sa mukha ko.
Pulang pula na siguro ako sa kahihiyan, "Ge lang." Masungit niyang tugon at umiwas tingin.
N-Nakita niya naman na noon 'to ah?
Napatitig kaming parehas kay Amato ng bahagya niyang ilayo ang mukha niya at titigan ang mukha ni Yamato. "Our n-names are alike, I just lost the letter Y." Pinigilan ko ngumiti sa inosente niyang sinabi.
Namamaos pa ang tinig, "I-I'll just think that you are my daddy." Nahihiyang sabi ni Amato at sa hiya niya ay yumakap na lang siya ulit ay idinukdok ang mukha niya sa leeg ni Yamato na gulat sa sinabi ni Amato.
"H-Hehehehe, sorry talaga." Bulong ko.
Naningkit ang mata niya tsaka siya pairap na iniiwas ang tingin sa akin, bading talaga 'to eh, parehas sila ni Kuya Laze.
"Amato, get to bed and drink your milk na ha." Mahinahon na sabi ko at sinenyasan si Yamato na ihiga na si Amato.
Nang makahiga si Amato ay inabot ko sa kaniya ang baby bottle niya at tsaka niya hinawakan 'yon at dumede. Dumedede pa rin kasi talaga siya, ayoko namang pagbawalan.
"He's still a baby," bulong ni Yamato habang magka-krus ang braso niya sa tapat ng dibdib, pinagmamasdan si Amato.
"Why is his name, Amato?" Napalingon ako kay Yamato.
"Gusto ko, ba't ba?" Maarteng sagot ko, ayaw sabihin ang totoo. Dahil hindi dapat, hindi ko pa alam kung dapat pa ba niyang malaman.
"Tsk," singhal niya.
"Anak ko ba?" Turo niya, pinigilan ko ngumisi.
"Huwag mo na alamin, wala naman magbabago." Mahinahon na sabi ko at kinumutan si Amato na nakapikit na habang dumedede sa bote niya.
"Matutulog na ako, sakit ng ulo ko." Paalam ko at sinindi ang galaxy light ni Amato bago ko pinatay ang ilaw sa gitna ng kwarto.
Nauna naman siyang lumabas, "Did he live at States?" Kwestyon ni Yamato, tinutukoy si Amato.
"Yes, he lived with me while I study, and worked." Kalmadong sagot ko.
"Nabuntis ba kita? Hindi lang halata noon?" Natawa ako sa tanong niya.
"Gago ka ba Engr. Lapiz?" His eyes widened a little before he threw a glare.
"Tino mo kausap, bye." Singhal niya at irita akong tinalikuran, ngumisi ako at tsaka ako naglakad na papasok sa kwarto ko.
Napapahikab.
Ma-stress ka muna, Yamato.
///
@/n: Hello? Sabay-sabay raw tayo ma-stress sabi ni Jami 😂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top