Chapter 37: Our Very Ends

Chapter 37: Our Very Ends


Liezel Jami's Point Of View.


I knew all along that I am getting worse day by day, it's been a month since Yamato and I have seen each other. That long, and I miss him very much.


Not until I received a call from Serina, "Nag-break kayo ni engineer?" Bumuntong hininga ako sa panimula niya.

"W-We did," bulong ko.

"H-He didn't pass the board exam, Jami." Sa sinabi niya ay natulala ako sa kawalan.

"H-Ha?" Gulat na sabi ko.

"He didn't pass, Cane and Senti did." Natakpan ko ang bibig, tila nanlamig ang buong katawan ko at mabilis na umagos ang luha sa mata ko.

"I-I mean, h-how did that happen? I-I asked him to study hard on his exam!" I exaggerated, blaming myself.

"W-What is more important that you made him like this?" Ang naninising tinig ni Serina ay mas nagbigay sakit sa dibdib ko.

"I-I'm sorry." I covered my mouth as I was crying in my room very loud.

"Hindi ko na alam, Jami. Naawa ako kay engineer." Nasapo ko ang noo sa kaniyang sinabi.

"I-I'll go to him," mahinang sabi ko at pinatay ang tawag, nagmamadali akong lumabas ng bahay at nagpahatid sa driver namin.

Nang makarating sa condo ay binuksan ko 'yon using the password, pagkapasok ko ay natigilan ako nang sobrang gulo ng condo.

Ngunit natigilan rin si Yamato ng makita niya ako, may hawak siyang bote ng alak at dahil doon ay nanlumo ako.

"Y-Yamato," I called out his name. He sighed, matalim ang tingin sa akin.

"What are you doing here?" Kwestyon niya, malamig ang tinig. Naupo siya sa sala at ibinaba ang bote ng alak doon.

Lumapit ako sa kaniya, "Y-You didn't pass the exam?" Kinakabahan na sagot ko.

"You heard?" Malamig niyang usal, hindi ako tinitignan.

"H-How did you end up failing the exam, Yamato? I asked you to do your best!" Nagtaas ako ng boses.

"Ano bang pakialam mo? Wala ka ngang pakialam sa akin 'di ba?" Natigilan ako sa sinumbat niya.

"Tangina, iniwan mo na nga ako, ba't nandito ka na naman?" Halatang masama ang loob niya sa akin sa mga tinuran, kasabay no'n ay ang pagtungga niya sa bote.

"Y-Yamato," nanlulumong tawag ko sa pangalan niya.

"Ano? Babalikan mo ba ako?" Mahinang tanong niya.

"N-No." Mahinang sabi ko.

"Tangina, p-pinahihirapan mo naman ako lalo, Jami." Malungkot niyang sabi.

"Why are you here now?" Kwestyon niya.

"K-Kukumustahin mo 'ko matapos mo 'kong iwan? Tangina, hindi mo ba nakikita?!" Galit niyang sumbat at sa muli ay umiyak na naman siya.

"Hindi mo ba n-nakikita? Hirap na hirap na ako sa unang pag-alis mo, b-ba't ka pa bumalik?" Naiiyak ko siyang tinitigan sa inaasta niya ngayon.

"P-Para ano? Para iwan ako ule? Tangina pinaparusahan mo ba 'ko?!" Panay ang pahid niya sa mga luha niya ngunit hindi tumitigil sa pagtulo 'yon.

"S-Sorry." Bulong na sabi ko.

"I-Iiwan mo 'ko uli, h-hahanapin na naman kita uli. U-Umalis ka na, Jami." Nakikiusap niyang sabi.

"P-Please lang," umiiyak niyang pakiusap.

"Y-Yamato—"

"Umalis ka na, p-pakiusap." Mariing sabi niya at bahagyang iniiwas sa akin ang mukha niya kaya bumuntong hininga ako.

"A-Aalis na ako," paalam ko.

"H-Huwag na huwag ka ng babalik." Sa mariing sinabi niya ay sobra akong nasaktan, p-paano pa ako babalik niyan?

"M-Mahal na mahal kita, Jami. P-Pero ayaw na kitang m-makita pa ulit." Umiiyak niyang sabi kaya nanlumo ako, napayuko ako at huminga ng malalim.

"M-Mahal rin kita, Yamato." Mahinang sabi ko.

"Kung ganoon bakit mo 'ko iiwan? Bakit mo 'ko iiwan ulit?" Sumbat niya kaya yumuko ako at tinalikuran na siya. Pagkalabas ko ng condo ay sobra akong umiyak, nakakahiya man ngunit nakita pa ng taga-ibang unit ang hitsura ko.

I'm so sorry, Yamato.

Few weeks later, we're here at a big hospital in the States. Sobra akong natatakot ngayon, gusto kong tawagan si Yamato at sabihin sa kaniya na mahal na mahal ko siya dahil hindi ko alam kung aabot pa ba ako bukas.

Monthsary rin namin ngayon, kung hindi sana ako nakipaghiwalay. My brother is beside me, caressing my back as the pain severes every breath I take.

"We'll just talk outside 'nak, babalik kami before your pre-op." Tumango ako, nang maiwan si Kuya Laze ay nasapo ko ang mukha.

"Calm down, Jami, you can do this." Niyakap ako ni Kuya Laze.

"W-What if I don't wake up, oppa?" Natatakot na tanong ko.

"Natatakot ako, s-sobra." Huminga siya ng malalim.

"Magigising ka, gigisingin kita." Napaiyak ako lalo sa sinabi niya.

Nang pumasok bigla si mommy ay naiiyak na rin siyang lumapit sa akin, "I-I ended up being t-the reason why h-he failed the board exam m-mom." Nakokonsensyang sabi ko, mas sumasakit ang dibdib.

"Jami, mixed emotions are not allowed, please try to maintain one emotion at a time or no emotions at all." Pinigilan ko 'yon tulad ng sinabi ni mama.

"Still, Jami. Yamato deserves to know what's happening to you, in order for him to accept and understand everything." Napailing ako sa sinabi ni mommy.

"M-Mom, I don't know if I can live after the surgery." Nasasaktan kong sabi, natatakot. "What if I don't wake up anymore?" Umiling si mommy at yumakap.

"You'll wake up, I-I promise you that," napapikit ako at nanatili sa yakap nila, my mom hugged me while Kuya Laze is hugging both of us.

"I-If ever, mommy. Please take care of Amato," naiiyak na sabi ko.

"Jami, don't say that."

"You'll live, we'll do anything." Napapikit ako.

"I-I want to call him, mommy." Tumango si mommy at inabot niya ang cellphone niya, nang tawagan niya si Yamato ay hinawakan ko ang cellphone.

"Lalabas kami sandali," paalam niya.

Nang makalabas sila ay hinintay ko na sagutin ni Yamato ang tawag, nang sagutin niya 'yon ay hindi pa ako nakapagsalita kaagad.

"Hello po, tita?" Nang marinig ko ang boses niya ay naluha ako kaagad.

"I-It's me." Nauutal na sabi ko, halata na natigilan siya sa kabilang linya.

"Jami?" Tanong niya.

"Hmm," tugon ko.

"W-Why did you call?" Kwestyon niya, lumamig ang tinig.

"Y-Yamato, I'm very sorry." Panimula ko, rinig ko ang kaniyang pagtikhim.

"Thank you for everything, p-please study hard, grind hard, I-I still want to see you s-successful." Natakpan ko ang bibig ng hindi ko na mapigilan ang paghikbi.

"M-Mahal na mahal kita, h-happy monthsary, hon." I tried to make it sound so sweet, but I ended up ending the call as a pain in my heart sharpens and it makes it hard to breathe.

Mabilis kong pinindot ang emergency button at dahil doon ay pumasok kaagad ang lahat, "H-Hindi ako makahinga, m-mommy." Natatakot na sabi ko.

"Shit." Natatarantang sabi ni daddy.

Pinahiga nila ako at may kung ano-ano silang dinikit sa dibdib ko, halos mahawakan ko ang oxygen na inilagay sa bibig at ilong ko baka sakaling makatulong 'yon sa akin.

I panted really hard, not until they injected something on my veins and it made me sleepy.

I woke up in the middle of a conversation, "Jami, anak. Magsisimula na ang operation mo, please hang on for us okay?" Pinilit ko ngumiti.

Hinawakan nila ang kamay ko, my Kuya Laze even planted a kiss on my forehead. "Let's see each other again, later. Okay?" Tumango ako.

Hanggang sa may ilagay sila sa ilong ko at pinaantok ako no'n ng husto, hanggang sa kalmado akong pumikit at pakiramdam ko ay nakalutang ako sa kung saan.

Yamato, if our ends were this harsh, I hope you forget about me and live a happy life. I would still appreciate everything you've done for me, I guess we'll see each other again?


6 months later..

I was busy typing at my laptop to check the passers of board exam in engineering, I was checking his name when suddenly Amato poke my cheek.

Nalingon ko siya, "Mommy, meds." Dala niya na ang bag of medicines ko and I pouted my lips.

"Amato, what did I tell you?" Ngumuso siya at tsaka niya inabot 'yon wala tuloy akong nagawa kundi inumin ang gamot niya.

"Bakit ang tagal mo tumangkad, Amato?" I asked.

"Mommy." He pouted his lips and turned his back at me that made me smile.

I continued my course in here in States and it's really fine, nang hanapin ko ang pangalan ni Yamato ay nanlaki ang mata ko ng makita ko siya.


1620 Lapiz, Yamato Romero


Napatayo ako at naiiyak na sumigaw sa saya, "Oh my god!" I excitedly jumped and as Amato worried, I even held his hand and jumped with him around.

"Mommy!" Gulat niyang sabi ngunit nayakap ko siya sa saya.

"Your dad passed the board exam!" Masayang sabi ko.

"With the highest score!" Napaiyak ako ng sobra.

I am so proud of you, my engineer!

You did it! I covered my face with the tears of happiness. "Mommy!" Ngumiwi ako ng sermonan ako ni Amato.

Bawal pa kasi akong masobrahan sa saya, sa kaba, kumbaga dapat balance ko ang nararamdaman ko dahil umiinom pa rin ako ng gamot hanggang ngayon.

Imagine, I need to drink that medicine for 2 years! Kawawa naman yung kidney ko 'di ba?

Amato's been living with me, with manang, I decided to have him beside me even if I'm studying, makulit siyang bata at kahit na bata pa siya ay matalino na.

Mana siguro sa mommy niya, tinignan ko ulit 'yon tsaka ako napangiti. I am so proud of him, kahit na bumagsak siya on his first try he made it so well the second time!

Highest score? I know he could do this.


It's been 1 year and 6 months, I already graduated and passed the board exam with the highest score. I wanted this to be our goal, I don't have any idea if he's single but I don't care.

I want to see him.

I missed him so much!

He's been inactive on social media, because maybe he's busy at work? I've never heard anything from him ever since our last phone call.

Naka-move on na kaya siya?

"Mommy, meds." Amato handed me the back with water bottle, ngumuso ako at tinanggap 'yon.

"Amato, why are you not getting taller? You still look like a baby." Nagtatakang sabi ko.

Ngumuso siya, naiinsulto sa sinabi ko. "Mommy." Ngumiti ako at hinalikan siya sa noo.

"Babalik tayo Philippines, aren't you excited baby?" Masayang sabi ko.

"Is my daddy there?" Umirap ako.

"Maybe?" Sagot ko.

Pag binalikan ako ni Yamato, syempre daddy mo na 'yon HAHAHAHA!

Pero I don't have much of that expectation, baka nga naka-move on na siya eh. Sa sakit ba naman ng nagawa ko sa kaniya?

My emails are flooded with projects and contracts, I already picked a few naman na pero I didn't sign yet after my very first project.

Well, I hope he's single and still in love with me, but he's Yamato. He's more than a standard.

Dala ang maleta ko ay hawak ko rin sa kamay si Amato, hindi ko ba alam kung bakit ang tagal niya lumaki, nakakalakad naman na siya ng maayos nakakatakbo na nga.

Wala naman siyang problema, baka baby face lang? Bahala na. "Amato, behave yourself." Paalala ko sa kaniya.

"I behave mommy." Ngumiti ako, we boarded the plane and waited until we landed in the Philippines.

My brother is the one who'll pick us up, nang makita namin siya ay masaya akong kumaway. Kahit si Amato ay kumaway sa kung saan, ginagaya ako.

Yumakap ako, "I miss you!" Masayang sabi ko.

"Tsk, ngayon mo lang naisipan umuwi? Taken na si Yamato." Natigilan ako sa sinabi niya, "R-Really?" Kinakabahan na tugon ko.

"Well, I heard, since may inuuwi siyang babae sa kanila." Tumaas ang kilay ko, bigla ay nawala ako sa mood.

"How come," bulong ko. Binuhat ni Kuya Laze si Amato at tinangay na kami.

"Nakakapikon naman 'yon," bulong ko.

Sino naman kaya yung hipokritang 'yon?

Sana hindi sila magtagal, masama ako eh ba't ko hihilingin na magtagal sila?

Napahikab ako at nang makarating sa bahay ay huminga ako ng malalim at sinalubong ang lahat. Amato greeted his grandparents. I stayed in my room and captured my bed with my feet on it.

Huminga ako ng malalim at inilagay 'yon sa story ko, I even captioned it.

It's nice to be back, after 2 years?

Ngunit naka-receive kaagad ako ng message kay Serina and Mandy. They even made a group chat, instantly. I smiled, I miss them both.

@tired.serina: Gaga! Nakabalik ka na?!!!

@mandy.cute: Bobo serina, nakita mo nga sabi it's nice to be back! Kumusta be?!

@jams.liezel: I miss both of you.

@tired.serina: Tama na 'yan! Inuman na~

@jams.liezel: Wanna hangout? I can't drink a lot, anyway.

@mandy.cute: Game, I'll ditch our date for you my friend.

@tired.serina: How dramatic, Mandy. So ano? Are we G?

@jams.liezel: Sure, pagod ako but let's go.

@tired.serina: Didn't spread the chismis pa, let's go! See you at the bar later! 6pm!

@mandy.cute: Libre mo dapat Jami, HAHAHHAAHA see you!

@tired.serina: See you, honey HAHAHHAHAHAHA.

@mandy.cute: Gago mo, Serina. Huwag mo na pansinin Jams.

@jams.liezel: No problem.

@tired.serina: The guys will also drink, pero not sure si Engineer Lapiz, laging busy 'yon eh.

Hindi na ako nag-reply tsaka ako humanap ng dadamitin ko, matapos no'n ay naghintay lang ako ng kaunting oras tsaka ako lumabas ng room bago mag-6pm.

"Mommy, are you going out?" Sinalubong ko si Amato tsaka ko siya pinahalik sa pisngi ko.

"Meeting some friends, don't wait for me to go home ha? Sleep na early." Ngumiti siya sa akin.

"Have fun mommy," ngumiti ako at tsaka ako sumakay sa van at hinayaang ihatid ako ng driver namin.

Pagkarating ko sa bar ay ang daming tao, mga magagandang sasakyan ay nagkalat sa parking lot. Napangiti ako ng husto, excited and nervous.

I was wearing a black fitted dress with slit on legs, huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob.

Hinanap ko ang mga kaibigan ko, hanggang sa kawayan nila ako. Dalawa sila at magkatabi, may mga alak na rin at pagkain.

Pagkalapit ay niyakap nila akong dalawa, "Miss you!" Ngumiti ako.

"It's been a while, right?" I smiled.

"You passed the board exam already, right?" Nakangiting sabi nila kaya tumango ako.

"Si engineer nako, on his first project? Sobrang harsh sa kaniya ng ibang seniors niya, they even bullied him that he didn't pass the first exam!" Nakinig ako sa chika nila.

"He did great," nakangiting sabi ko.

"Alam niya na bang nakabalik ka?" Umiling ako bilang sagot kay Mandy.

"As if he still cares?" Mapait na sabi ko.

"Sabagay. Gaga mo kasi eh," natawa na lang ako at uminom.

"How's life?" They asked.

"Good? Great? I don't even know how to explain it." Habang umiinom kami ay isang oras ang nakalipas ng biglang may humalik sa pisngi ni Mandy and it's Cane.

Nang makita ako ni Cane ay ngumiti ako sa kaniya, "Welcome back, Jams." Nakangiting sabi niya kaya ngumiti ako.

"Thank you, getting stronger huh?" I asked.

"Naman, huwag papatibag!" Masayang sabi ni Cane at naupo sa tabi ni Mandy.

"Si Senti?" Sa tanong ni Serina ay ngumisi ako.

"So all of you are now taken huh?" Kwestyon ko.

"Ay oo, pati si Yamato." Napalunok ako sa sinabi ni Senti bigla.

I was not ready for that..

"That's nice," bulong ko. Labas sa ilong, I wanted to pout my lips but ended up stopping myself when I heard a familiar voice!

For fuck's sake! His voice was deep and he seemed like he matured more!

"Having fun, everyone?" Lumunok ako nang marinig ang boses niya at gusto kong suminghot ng husto nang maalala ko ang pamilyar na pabango niya.

"Good evening engineer!" Bati nila Mandy.

Napapasulyap pa sa akin, "Good eve, inom ka engineer?" Serina stated and glanced at me, I can't even glanced at him as I am facing back.

"I have a lot of workloads, pero sige, ano ba ganap?" Tanong ni Yamato, hindi pa siya umaalis sa bandang likuran ko.

"May new friend?" As he added that, I heard his footsteps.

Shit! Bakit ba ako kinakabahan? Calm down, Jami.

"Nope, an old friend?" Sagot ni Serina.

"Sino?" Tanong ni Yamato at nang nasa gilid ko na siya ay naabot ko ang kupita at napainom.

///

@/n: Mas mabilis pa ba sa pagm-move on mo? Char, thank you for supports! Punong puno notif ko kasi na-hurt raw kayo 😂 kalmahan niyo lang. Ganiyan talaga buhay. ❤️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top