Chapter 34: Her Reason

Chapter 34: Her Reason


Liezel Jami's Point Of View.



Our anniversary came, in a blink of an eye I entered our room with a bouquet of roses in bed and a gift from him with cake.

Napangiti ako kaagad, "Happy 3rd Anniversary." Malambing na sabi ko at yumakap sa kaniya.

"Happy 3rd Anniversary honey," he sweetly said and planted a kiss on my forehead.

"Ang sweet naman, wala kang work?" I asked, ngumiti siya.

"AWOL." Nanlaki ang mata ko sa sagot niya.

"Absent without official leave? Pwede ba 'yan?" Umiling siya kaya napangiti na lang ako at yumakap sa kaniya.

"Let's not fight and talk about problems just for today, okay?" Ngumiti ako at tumango.

"Bukas na lang?" Tanong ko, his lips parted, he even rolled his eyes at me.

"Honey, magtiwala ka sa'kin. I can do this, lalo na you're there for me." Tumaas ang kilay ko at pinalo ang pwetan niya dahilan para tumalim ang tingin niya sa akin.

"So how about we go to Tagaytay?" He asked, napangiti ako at tumango tango.

"Yes!" I answered, he crossed his arms and handed me his hand, my forehead made a crease.

"What?"

"Honey what?" I asked, I even placed my hand on his palm.

He sighed, "Ugali mo talaga 'yan ha!" I slapped his hand and he smiled instantly, a wide smile.

Because of our anniversary, we decided to go to Tagaytay to have some fun. We bought a ticket for the amusement park, we played like little kids, we burst out in laughter as we watched each other yell and shout because of these harsh rides.

After riding a lot of rides, the sun is about to set and he bought me a cotton candy, "Thank you honey." I reached his cheek and planted a kiss.

His lips rose and glanced at me, he took my hand and held it on his thighs. Because of that, I ate my cotton candy with my mouth, ayokong bitiwan ang kamay niya eh.

Matapos namin mag-enjoy sa amusement park ay nag-decide kami mag-dinner somewhere here in Tagaytay, maraming magagandang restaurant with beautiful views.

I watched him talk to the waiter about his request, he was standing tall to the point that the waiter needed to look up, I smiled. My honey is so tall.

He even glanced at his silver watch and seemed like he was telling time, his black soft hair was pushed back using his fingers and it stayed there.

His pants were black and he was wearing combat boots, super simple, he slid his hand in his pocket and I noticed something from him, may surprise ba siya?

He's graduating na pala, few months and he'll need to take an exam. Nang matapos siya doon ay nginitian ko siya kaagad, "Ang tagal mo naman nakipag-usap?" I asked.

"Nilinaw ko lang ng maayos, bakit?" Nangunot ang noo ko sa 'bakit' niya, "Anong bakit?" I replied.

"Miss mo 'ko agad?" Umawang ang labi ko at pekeng tumawa sabay sabing, "Mukha mo makapal."

We both laughed, he even shook his head out of happiness. "Hon, gutom ka na ba?" Tanong niya.

"Oo, gutom na 'ko. Napagod ako sa amusement park eh."

"Paano ba naman eh para kang bumalik sa pagkabata?" Natatawang sabi niya kaya ngumisi ako, "Eh hindi kasi ako gaano nakakalaro sa ganoon nang bata ako." Maktol ko, natigilan siya.

"May I ask why?" Kwestyon niya.

"Sure, pero hindi ko sasagutin?" Halos mahina siyang magmura sa naging tugon ko ngunit mas natawa ako, "Joke lang!"

"Eto na, kasi 'di ba may training training kami, kaya nga marunong ako mag-self defense for myself." Tumango siya sa kwento ko, nakikinig pa.

"Tapos nag-focus ako sa archery," napa-ah pa siya with tango-tango.

"Oo nga pala, malupit na archer pala ang girlfriend ko." Sa sinabi niya ay napangiti ako sa kilig, ang ganda sa ears matawag na girlfriend ko.

"Syempre naman hon, hayaan mo, papasok ako sa tournament dapat nanonood ka ha? If we ever win, hati tayo sa prize, mas pagandahin natin yung condo." Ngumiti siya at tumango.

"Sure, hon."

"Kayang kaya mo 'yan, basic lang sa'yo." Sagot niya, tiwalang tiwala.

"Gusto mo turuan kita?" Natigilan siya.

"Pagkatapos nito?" Tukoy niya sa hapunan namin, I nodded as a reply and he smiled, "Yes naman, aba, Jami na magtuturo tatanggi pa ba?" Napairap ako sa pambobola niya.

Nang dumating na yung food ay nagtaka ako ng may heart chocolate and a wooden cute hammer. "Pagkain 'to?" I asked and held the hammer.

"Hindi ma'am, hahawakan niya po 'yan tapos babasagin niyo yung heart chocolate tapos meron pong laman sa loob." Nakangitingin sabi ng waiter.

"Ah gagawin ko na?" Natignan ko rin si Yamato na magkakrus ang braso at mukhang excited.

"Para sa 'kin lang?" Tumango si Yamato.

Excited ko naman na hinawakan ang hammer, "Okay, Jami be careful about it." Paalala ni Yamato kaya naman tinitigan ko 'yon.

Umalis na yung waiter, nang una ay mahihina ko iyong pinalo palo at sa susunod ay medyo nilakasan ko na dahilan para makita ko ang cracked heart chocolate.

"One more," he reminded and so I did.

Natigilan ako ng makita ang ibang chocolates at ang nasa gitna no'n. A little box, a little velvet box.

"W-What's this?" Nagugulumihan kong tanong, ngumiti si Yamato at tsaka niya kinuha 'yon at inalis ang cling wrap na nakabalot dito.

Nang buksan niya 'yon ay nakita ko ang isang gold knotted ring, it has a tiny diamond in the middle of the knot. A promise ring..

I know it's a promise ring and it made my heart race as I know the meaning of it, "I can't ask you to marry me, yet, honey." Napangiti ako sa sinabi niya.

"We're still young and we still have a long way to go, but I promise you, I promise to marry you once I become successful and professional. Maybe three years later? Four?" Sumaya ang puso ko at hindi ko alam kung maiiyak ako.

Because after our long fights and whatever, he still wants me, "Don't cry honey." He pouted his lips and wiped the tears on my cheek.

"Gagi," ngumuso ako at nang kunin niya ang kamay ko ay isinilid niya sa daliri ko 'yon dahilan para mamangha ko na titigan 'yon.

"Ang ganda." Natutuwang sabi ko.

"Sobrang ganda, hon." I even held it with my hand, I stared at it for a long time.

"I don't care how long it will take for us to be successful, Yamato. I don't care how many fights we go through, I'll still marry you if you ask me." He chuckled and smiled.

"I will ask you even if you're raging mad," ngumiti ako at tumango tango.

"I am so happy, nakakainis ka." Natawa kami sa sinabi niya, "May bendisyon 'yan ni father huwag ka," ngumiti ako lalo.

"Ikaw nagpabendisyon ka na rin ba? Makasalanan." Bulong ko.

"Hoy, akala mo ako lang gumawa ng kasalanan. Dalawa tayo 'di ba?" Napairap ako sa sinabi niya.

"Edi wow," bulong ko.

"Joint sin," he proudly said that made me roll my eyes at him, "Honey," nang seryoso niya akong tignan ay nagtaka ako.

"Oh?" Sumeryoso tuloy ako ngunit sinusuri niya talaga ako, "Gumaganda ka lalo ah—"

"Ang ano nito!" Nahihiyang sabi ko, natawa siya napansin niya siguro na kinilig ako.

"Seryoso naman," bulong niya.

"Para kang bulaklak," nangunot ang noo ko sa sinabi niya, "Blooming pag nadidiligan." My face instantly turned red.

"Shut up." He smirked and whistled a little before cutting his steak, "Date night."

I took a picture, with him together, with our food and posted it on my IG. But I saw his tags and it is a picture of me in the carousel.

Holding a cotton candy, and me and him together on a bench. "Ang sweet mo ha," singhal ko.

"Sweet naman ako ah?" Sagot niya.

I posted a picture and after that as I am busy thinking for a caption, sinubuan niya na lang ako ng steak.



@jams.liezel
    -1,095 days, 36 months, 3 years. Still you.
    If promises are meant to be broken, promise to leave me, and break it.
    Bonding at Tagaytay, celebrating 3 years of love.



Ngumisi ang labi ko nang maraming mag-like, ngunit tumaas ang kilay ko ng mag-comment ang ibang kaibigan namin.



@tired.serina
-Engaged na?

@tired.serina
-Okayed, sana all. Sana ako rin may ka-three years para naman sumaya ang mundo ko.

@senti.ti
-Simulan na natin, umisang buwan. Bago ka mangarap ng three years.

@mandy.cute
-Pangit ng pangalan mo, Sents. Bastos kaya 'di ka pinapatulan sayang mukha mo.

@senti.ti
-Epal, Mandy. Hoy, @cane.dy itago mo nga girlfriend mo. Pakalat kalat.

@cane.dy
-Babe, pabayaan mo na si Senti. Single na nga eh.

@senti.ti
-Ina mo, Cane. Wala kang kwentang kaibigan! FO!

@yummito.lapiz
-Huwag kayo sa comment section ng girlfriend ko magkalat, lilikot niyo.


Natigil ako at napatingin kay Yamato na nakangisi habang ngumunguya, "Hon, kain na tayo." Sa pag-aya ko sa kaniya ay ngumiti siya at ibinaba na ang cellphone niya sa mismong tabi ng cellphone ko.

Pagkatapos namin kumain ay humanap kami ng play station, may bowling, archery, and a badminton court, meron ring basketball.

Nang makapasok sa archery station, tinulungan ko si Yamato mag-suot ng safety protections and pumili kami ng bow at arrows.

"Posture, and concentration mahalaga sa archery. Dapat hindi rin nangangatog kamay mo." Paalala ko.

"Opo." He replied, nang unang bitiwan niya ay napalunok ako ng tumama 'yon sa nuebe.

What a good start, I was never this good at my first!

"Nice," bulong ko.

"Dali, gawin mo lang 'yan. Tapos pag nagawa mo let's play a game." I made him shoot for almost 15 times and his hands were now stiff.

Nakanguso ang labi niya na parang bata sa harapan ko habang pinipisil pisil ko na parang minamasahe ang braso niya.

"Honey, my pulse." He pointed his wrist using his lips and I tried to massage it, huminga ako ng malalim nang matapos.

"Have you learned?" I asked.

"Oo, kita mo naman may 1 bullseye ako. Good for a newbie?" Ngumiti ako at tumango, "Let's play na, I'm giving you 3 tries to score 20, and I only have 2 tries. Pag mas mataas ka sa 'kin. I'll grant you a wish. Ganoon ang laro ha?" I explained.

"Copy, master." Ngumisi ako at pumwesto na, our arrows are different so we could identify it.

"Ako una?" Tanong ko.

"Sure, hon." He smiled and move one step back, sinimulan ko ng hawakan ang malaking bow tsaka ako huminga ng malalim at tsaka ko binitiwan ang arrow na dumeretso sa tatamaan.

And I got a bullseye.

"10 points." Sambit ni Yamato.

"One more honey." Nakangiting sabi ni Yamato.

Kumuha ako ng panibagong arrow, huminga ako ng malalim tsaka ako muling tumira at naka-10 points ako ulit.

"20 points, sana all." Tumabi na ako upang si Yamato na.

"Oh newbie ako, huwag ka tatawa." Paalala niya kaya sumeryoso ang mukha ko, nang unang arrow niya ay tumama 'yon sa seven.

"Seven points?" Bulong niya.

"Yeah, 2 more." Paalala ko.

"Honey," nagmamaktol niya ng sabi kaya tumango ako.

Sa pangalawang arrow niya ay naka 4 points lang siya. "Favoritism yung bow," bulong ni Yamato.

"One last try, kaya mo 'yan. Dapat bullseye." Nanlaki ang mata niya.

"Dapat?" Tumango ako.

"Para 21 points." Sagot ko.

"H-Ho—"

"Oy!" Nanlaki ang mata ko ng maka-bullseye siya, napapalakpak pa siya kaya ngumiti ako.

"Nice one," nang tignan niya ako ay huminga ako ng malalim. "What's your wish?"

"Hmm, my wish is don't mind me when I have problems, just stay by my side. Malaking tulong na yung nasa tabi lang kita," napanguso ako sa kaniya.

"Honey naman."

"I really value our relationship, I value you, and I respect your kindness, hon. But that is a large amount of money that you can use for business and such, hindi ko kayang ako ang dahilan ng pagkawala ng perang pinaghirapan mo." Mahabang explanation niya.

"Isa pa, 'di ba parang pinatunayan ko kay lolo na hindi pa ako handa para sa'yo kung tatanggapin ko 'yan. Kaya okay lang ako, hon. 100k? Hindi na mahirap bayaran, kaya ko." Ngumuso ako.

"Fine," bulong ko.

"But I can't promise," tumaas ang kilay niya.

"Wish ko 'yon, madaya." Sumbat niya kaya umirap ako, "Grabe ka na." Ngumisi ako.



A month passed, I supported him on his work and on his few months in school. Stressed na rin ako sa third year ko, kinagabihan ay bumisita sila Mandy and Serina.

"Nagdala kami, alak."

"Ako food, pulutan na rin." Ngumisi ako at pinaupo sila, sakto at nakaayos ako ng bahay kanina.

"Si engineer wala pa?" Kwestyon ni Mandy.

"Mamayang 8pm, nandito na 'yon." Pagsasabi ko ng totoo, dumeretso ako sa kusina at sinilip ang niluluto ko.

"Engaged kayo be?" Kwestyon ni Serina, napatingin sa sing-sing ko kaya ako napangisi.

"Promise ring," bulong ko.

"Eh 'di ba parang ganoon na rin 'yon?" Natigilan ako at tinitigan siya, "Kasi 'di ba panigurado nangako siya na papakasalan ka niya few years later?"

"O-Oo," tumango pa ako at sumandal sa counterpart ng kitchen, nagkibit balikat siya.

"Ganoon na rin 'yon," she added and opened our refrigerator.

"Penge, yakult." Turo niya kaya tumango ako.

"Lagot ka kay Yamato," bulong ko, "Uy gago! Bakit?" Kwestyon niya at naibalik niya agad ang nabuksan na yakult kaya tawang tawa ako.

"Joke lang, pero sa kaniya 'yan. Mahilig siya sa ganiyan," nakangiting kwento ko.

"May nangyari na sa inyo?" Sa tanong niya ay naitikom ko ang bibig.

"Uy alam ko 'yang ganiyan na tingin. Okay lang 'yan, three years naman na kayo at mukhang wala sa mukha ni engineer ang tumakbo sa responsibilidad niya." Pinigilan ko ngumiti, pag kaibigan mo talaga ay mababasa na nila ang sagot sa mukha mo pa lang.

"Sa mukha ko meron?" Taas kilay na sabi ko.

"Hmm, feel ko naman hindi pero you're most likely to leave the relationship." Natigilan ako with taas kilay, "But I hope not," umirap na lang ako sa sinabi niya.

We started drinking when the two friends of Yamato came in and they're carrying Yamato's things. "Si Yamato?" I asked, and stood up.

"Bumili ng barbecue, sa labasan niyo lang." Sagot ni Senti at ng makita niya si Serina ay tinabihan niya kaagad ito.

"Yuck! Doon ka nga, ayan ka na naman eh!" Tulak ni Serina ng akbayan siya ni Senti.

"Ikaw na-crushback ka lang sinusungitan mo na ako, aba ang kapal mo naman." Sa muli ay nagtalo na naman silang dalawa.

Umiiling iling ako, nang bigla ay kumabog ng malakas ang dibdib ko, kaya naman napalunok ako at kinapa 'yon.

May mangyayari bang masama?

"Saan banda bumili si Yamato?" Tanong ko.

"Pa-left Jams, pagkalabas mo ng gate, mag-left ka malapit lang." Tumango ako at tsaka ko kinuha ang cellphone ko.

Pagkalabas ko ay dumeretso ako sa direksyon na itinuro nila, ngunit tumaas kaagad ang kilay ko ng makita si Crisanta na nakatayo sa tabi ni Yamato.

Nang humawak pa ito sa braso ay umirap ang mga mata ko, really? In front of the food?

I walked slowly near them, "You said you don't care about me right? Then you don't also care if I want to be this close to you?" Umiwas si Yamato at maayos na tumayo.

"Huwag mo 'ko, kausapin." Mariing sabi ni Yamato, naka-sabit sa balikat niya ang isang bag niya, sa isang balikat lang kaya naman bumuntong hininga ako.

"Alam na ba ng girlfriend mo?" Sa tanong ni Crisanta ay nagtaka ako, may hindi ba ako nalalaman?

"Lol, you think so?" Sumbat ni Yamato.

"Hinalikan kita 'di ba? Alam ba 'yon ng girlfriend mong feelingera?" Kumuyom ang kamao ko sa narinig.

Tumalikod na lang ako sa kanila at bumalik sa itaas, I'll wait for him to confess within this day and if he didn't, gera na.

Pagkabalik ay hindi sila nagtanong sa 'kin, dahil umiinom na sila kaya naupo ako sa single sofa at tsaka ako umabot ng isa.

After 5 minutes, Yamato came back with a paper bag with a lot of sticks in it. "'Yan na lahat bro?" Tanong ni Cane.

"Hmm," tugon niya at nang makita ako ay ngumiti siya kaagad at lumapit upang humalik ngunit sa pisngi ko lang siya pinahalik.

"Maligo ka na muna," tugon ko.

"Naligo na ako," sa sagot niya ay nangunot ang noo ko.

"Saan?" Kunot noo na tanong ko, natigilan siya at tinuro si Cane.

"What's with him?" I asked.

"Naligo na ako sa kanila," nagdududa ko siyang tinignan.

"Magkakasama na kami 7pm pa lang, magkakasama kasi kami sa group kaya sinundo namin siya sa work niya tapos tinangay sa condo." Explain ni Cane kaya tumango ako at tumayo.

"I'll just get a plate—"

"Ako na, nakatayo na ako." Pangunguna niya, ibinaba niya na ang bag niya at tsaka siya pumasok ng kusina upang maghugas muna ng kamay at braso.

Nang maupo siya ay napausad pa ako dahil sa armrest siya ng single sofa naupo sa tabi ko, "Ilang shot niyo na? Hindi niyo man lang ako hinintay." Rinig ko na sabi niya, pasimple akong umirap.

"Yung girls nauna, hindi naman kami." Sagot ni Senti.

"Pagdasal niyong grumaduate kami at makapasa sa CELE." Natatawang sabi ni Cane, tumahimik lang ako at pasimpleng uminom at kumain.

Nang maalala ko na medyo messy sa kwarto ay tumayo ako, ngunit habang inaayos ko yung kama ay bumukas 'yon kaya hindi ko na sinulyapan alam ko naman kung sino.

"Hon, okay ka lang?" Kwestyon ni Yamato, nang makalapit siya sa akin ay tumikhim ako.

"Oo," sagot ko.

"Nagagalit ka ba kasi hindi ako dito naligo?" Kwestyon ni Yamato, hindi ako sumagot at sinulyapan ko siya.

"Ang babaw naman kung magagalit ako dahil doon?" Sumbat ko, kunot ang noo at seryoso siyang tinitigan.

As if magagalit ako because of that? I am not that petty.

"Hmm, sure ka? May problema ka ba hon? May problema tayo?" Paninigurado niya.

"Ikaw ba? Meron?" Balik tanong ko.

"Hindi na lang ba problema ang tinatago mo sa 'kin? Kundi may iba pa?" Natigilan siya sa tanong ko.

"Ah so you overheard?" Sa tanong niya ay umiwas tingin ako at naupo sa kama.

"Don't give me trust issues, Yamato." Matipid na sabi ko, "Hearing that from her mouth, makes me feel disgusted about you." Iritableng sabi ko, tumayo siya sa harapan ko.

"Why are you disgusted? What if I hated it, too?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Because it's disgusting, hindi ba obvious? Dapat ba ma-turn on ako lalo?" Inis na tanong ko.

"Stop being sarcastic in front of me, Yamato. You're not funny," wika ko at tsaka ako tumayo at aalis na sana pero hinawakan niya ang kamay ko.

Napalunok ako ng ihiga niya ako sa kama, "Stop it." Banta ko.

"Don't be disgusted, walang ganoon. Muntik lang, sa pisngi. She threw herself at me and I got to look away but her lips met my cheek." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Then you should have told me earlier." I hissed, he smiled. "You're making fun of me, masakit kaya." Nagtatampo na sabi ko, but he planted a kiss on my lips and I pouted more.

"Nakakainis," bulong ko pero dinampian niya muli ang labi ko.

"Lasing ka na ba?" Singhal ko.

"Wow, five shots? Malalasing ako?" He unbelievably asked and sat beside me.

Naupo rin tuloy ako, ginulo niya ang buhok niya tsaka niya 'yon sinuklay pataas gamit ang daliri niya. "Ilan na lang natira sa binabayaran mo?" Pabulong na tanong ko.

"80k, sinosolo mo yung payment sa bahay eh." He pouted his lips, ngumisi naman ako.

"Because it's also my home." I rolled my eyes, "Bahay ko rin." Sagot niya.

"Oh hindi mo na ako pinayagan tulungan ka tapos pagbabawalan mo pa 'ko sa condo?" Tumahimik siya.

"W-Wala na nga sinasabi eh."

"Wala ba?" Inambahan ko pa siya ng suntok.

"Huwag ka gaano uminom, hon." Paalala niya.

"Bakit?"

"Nakakasama sa kalusugan 'yon." Ngumiwi ako, ako inaalala niya pero yung sarili niya hindi.

Matapos ang araw na 'yon ay bumisita ako kay Amato, pagkapasok ko sa bahay ay ang maliit niyang boses ay kumakawala na mula kay lola. "Mommy!" Nang ibaba siya ni lola ay gumapang siya sa carpet kaya bago pa mawala yung tinutuhuran niyang carpet nilapitan ko na.

"Why are you rushing?" Ngumiti siya sa akin.

"Mommy," may sinabi siya ngunit wala akong maintindihan, he ended up blabbering his saliva and I laughed at it.

"Sinusubukang magsalita, ngunit talsik laway lang ang ginagawa." Natatawang sabi ni lola.

"Have you told Yamato na ba?" Umiling ako sa tanong ni lola.

"You look pale, apo, may sakit ka ba?" Umiling ako sa sagot ni lola, "Wala po," bulong ko at nilaro si Amato.

"A—"

"Mato!" Tuloy ni Amato kaya napangiti ako ng husto, "I love you." Bulong ko.

Ngunit laway niya lamang ang napunta sa pisngi ko kaya ibinaba ko na siya sa pinaglalaruan niya.


A few weeks later, nagtaka ako ng ipatawag ako sa company nila Yamato, yung father ni Crisanta. Kaya naman pumunta ako, ngunit halos manlaki ang mata ko ng maglapag siya ng tatlong pregnancy test.

"Tell your boyfriend to take responsibility for my daughter!" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya, "What are you talking about?" Galit na tanong ko.

"Binuntis lang naman ng boyfriend mo yung kaisa-isa na anak ko, tapos nag-resign siya sa trabaho a few days ago? Matapos niya malaman!" Kumuyom ang kamao ko sa sinabi niya.

"My boyfriend will not cheat on me, Mister Crisanto." Mariing sabi ko.

"You think so? Nakikita mo ba siya sa trabaho? Alam mo ba lahat ng ginagawa niya? Gaano ka kasigurado na wala siyang nililihim sa 'yo?" Nanghihina akong tuhod kong napapikit sa naririnig.

"He will not cheat on me."

"At naniniwala ka doon?!" Sigaw niya kaya nakapa ko ang dibdib ng sumakit 'yon.

Fuck.

"May tiwala ako sa kaniya, he will never do that to me. Sa tingin mo ba he'll cheat on with your daughter, when he has a girlfriend like me?" I stated, angrily.

"Miss Garcia, ang lalake ay lalake. Kung natukso walang pakialam sa mukha, sa ugali, at sa iba pa!" Sigaw niya kaya kumuyom ang kamao ko.

"He's different." Bulong ko.

"Men are all the same—"

"My dad never cheated on my mom! So don't you dare say that they're all the same because they're not!" Galit na galit kong sigaw sa kaniya.

"Don't you ever call me on your bullshits! Timping timpi lang ako sa anak niyo, kaya ilayo niyo siya sa boyfriend ko kung ayaw niyong dumanak ang dugo sa sinapupunan ng babaeng 'yan!" I even slammed his fucking desk out of my anger.

"Wala akong sinasanto, sana alam mo 'yan. Crisanto." Hindi ko na siya tinawag ng maayos, humahangos ako sa galit.

"Wala akong sinasanto at pag nalaman ko na yung anak niyo, ginagago ang nararamdaman ko, sisirain ko lahat pati na ang pangalan at kumpanya niyo." My fist were shaking and I couldn't even control it.

"Stop threatening me and face the reality Miss Garcia!" Sigaw niya.

"Magkano yung painting?" Galit na tanong ko.

"Magkano pa yung balance ng boyfriend ko, babayaran ko! Huwag niyo lang masira-siraan ang nobyo ko." I opened my wallet and took out a cheque.

"Panindigan niya ang anak ko! 'Yon ang dapat—"

"I said he would never cheat on me! Take this, sa susunod na guluhin mo pa kami. Makikita niyo," galit na galit kong sabi.

Tinalikuran ko siya ngunit saktong bumukas ang pinto, nang makita ko si Crisanta ay sinamaan ko siya ng tingin. "For sure, kagagawan mo 'to?" Galit na tanong ko.

"No, he's really the father of my child—" I slapped her hard, her face turned to the left because of my slap.

"You're fucking delusional." Galit na sabi ko.

"H-How dare you—" I slapped her again, harder this time.

"Ang kapal ng mukha mong sabihin 'yan sa harapan ko, akala mo ba hindi ko alam yung pangungulit mo sa kaniya? Yung pagsubok mo na halikan siya?!" Sigaw ko.

"You're so pathetic, nakakaawa ka, pati na yung anak mo at kung sino mang gagong lalake ang ginamit mo upang sirain kami." Mariing sabi ko sa harapan niya.

"You planned this all along because of your obsession with Yamato. Mukha bang papatol siya sa mukhang bulutong na katulad mo?" Tumaas ang kilay niya, galit na galit akong tinignan.

"Tingin mo ba sinisiraan ko lang kayo?! Something really happened between me and him!" Sigaw niya.

Galit ko siyang tinignan, "Fuck off." Mariing sabi ko tsaka ako lumabas ng office, and in between of walking I felt dizziness.

I was running out of breath and I just fell on the floor, damn.

I woke up, hearing some sobbing and little curse, I opened my eyes and tried to sat when I saw my parents and my brother.

"Mommy, why are you crying? I just fainted because of stress." I cleared my throat.

"Mommy, I'm okay." Ngumiti ako, at hinawakan ang kamay niya.

"Daddy, oppa, I'm fine." Mas lalong umiyak si mommy kaya lubusan akong nagtaka.

"Matagal na ba, anak?" Nangunot ang noo ko sa tanong ni daddy.

"Alin dad?"

"Mommy, tahan na po." I calmly said, ngunit niyakap niya ako habang hinahagod ang likuran ko.

"Mommy, I'm fine, really—"

"How fine are you Jami that you are this sick?" Nagtataka ko na tinignan si Kuya Laze, nagtaka rin ako nang ang daming naka-konekta sa swero ko.

"Sick? Look, I am just stressed because there is this woman who's giving me problems. I don't even have a fever, never pa ako nagka-fever this year mommy." Natatarantang sabi ko.

"Kumalma ka, huwag ka magmadali magsalita." I pouted my lips on dad's remark.

"I am really fine—"

"Hindi ka nga okay! Paano ka magiging okay kung may butas yang puso mo!" Kuya Laze aggressively yelled and I was stunned.

"H-Huh?" Gulat na sabi ko.

"B-Butas? M-May butas naman talaga sa puso, daddy 'di ba? Kasi po doon magpu-pump yung blood." I explained.

"Yes, but there is more. I'm sorry," mabilis na sabi ni Kuya Laze kaya napalunok ako.

Dahil doon ay mas umiyak si mommy, habang nakayakap sa akin. "B-But I am healthy." Nauubusan ng boses ko na sabi, nakatulala sa kung saan.

Ano bang sinasabi nila? Wala naman akong sakit..



///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top