Chapter 28: Abandonment

Chapter 28: Abandonment


Liezel Jami's Point Of View.


I was staring at Yamato the whole time he's fixing and furnishing the study room wall, and interior. "Ate Miran gave me a floor plan, and I've been following it, okay naman ba?" Nang lingunin niya ako ay mabilis kong pinawi ang ngiti sa labi.

"Yes."

Nangunot ang kaniyang noo, staring at me seriously, "Nai-in love ka, 'no?"

"Huh? Bakit?" Tugon ko.

Tumayo siya at ibinulsa ang dalawang kamay niya sa shorts na suot niya, pinagmasdan ko naman siya, "Let's have fun first, okay? Mamaya ko na gagawin 'to." Lumapit siya sa akin at umakbay sa balikat ko.

Lumabas kami ng study room, "Saan tayo?" Tanong ko.

"Let's have the food, deliver here, kailan mo sasabihin sa family mo ang relationship natin, hon?" Sa tanong niya ay napalunok ako.

"Uhm, hindi ko pa alam eh." Natigilan siya at seryoso akong tinitigan.

"I can talk to Kuya Laze, but you should tell him first, especially now." Humaba ang nguso ko sa mahinahon niyang sinabi, "I will try."

We ordered food, a lot of food, at kami lang ang kumain no'n. I was standing beside his countertop in his kitchen, while he's washing the dishes.

"8pm, hatid na kita hon." Paalala niya at sinulyapan pa ako, lumapit naman ako sa kaniya at sumilip.

"Hmm?" He responded kaya matipid akong ngumisi.

"Ayoko umuwi," natigilan siya at tsaka niya isinalansan ang hinuhugasan bago siya naghugas ng kamay at seryoso akong hinarap.

"I will let you sleep over, if they're aware of our relationship. Paano kung mag-alala sila?" Sermon niya kaya ngumuso ako.

"Pwede ko naman sabihin nag-sleep over ako sa friends ko?"

"You're gonna lie? Ayoko ng ganoon, Jami." Lumabi ako at masungit na pinagkrus ang braso ko with stomping of my feet.

"Ay?" Dismayado niyang tugon sa inasta ko.

"Nagbago ka na," bulong ko.

"Oh? Jams naman." Malambing niyang tawag sa pangalan ko.

"Sabi mo kaya gusto mo ng condo, para masolo mo 'ko. Hindi mo naman ako—"

"That's not it," pagputol niya sa sasabihin ko kaya nakanguso akong umiwas tingin tsaka ko sinamaan ng tingin ang ibang bagay sa condo niya.

"Jami." Huminga siya ng malalim matapos tawagin ang pangalan ko.

"Huwag ka na magtampo, okay? Sa susunod, pag maayos na talaga yung condo, papayagan kita." He explained.

I kept my posture and facial expression, "Jams." Pagtawag niya muli at bahagya pang kinalabit ang pisngi ko.

Mas ngumuso ako at tsaka ko siya tinignan, "Ayaw mo lang yata ako kasama," bulong ko.

"Luh, gagi. Awit, hindi ah." Naningkit ang mata niya.

"Uwi na 'ko." Labas sa ilong kong sabi na ikinatawa niya ng mahina, "Nagtatampo ka sa 'kin hon?" Halos manlaki ang mata ko ng buhatin niya ako at i-upo sa countertop.

Napatitig ako sa kaniya, yung titig na nagtatampo. "Hmm?" My face turned red when he touched my face and held on to my neck part.

He leaned closer, I immediately closed my eyes when he kissed my lips, he gave it a peck but ended up sucking my lips, alternately.

But then as I am feeling his lips, he made our lips separate, smiling. "'Yan ka na naman." He pointed to my lips, and I felt really sleepy.

"Inaantok ako." Bulong ko at yumakap na lang sa kaniya habang ganoon ang pwesto namin, yumakap ang braso niya sa bewang ko at tumatapik pa nga sa likuran ko ang isang palad niya.

"I'll take you home, hon." Pumikit ako habang nakadukdok ang mukha ko sa kaniyang leeg.

Ang bango niya naman..

Dahil sa kaantukan ko ay hinayaan ko siyang ihatid ako sa bahay namin, pagkauwi ko ay hinintay ko lang ang confirmation na nakauwi na siya at natulog na rin ako.


Ever since that day, naging busy kami ulit, a month later, pumunta ako sa apartment ni Athena. Dala ko ang pasalubong ay kumatok ako, nang buksan 'yon ay nagulat siya ng makita ako.

"Hoy, bumisita." Ngumiti ako at pumasok na.

"Nasaan ang inaanak ko?" Taas kilay ko na sabi sa kaniya.

"Nandoon, napaka-kulit na, dumadapa na eh." Pumunta ako sa kama nila at tsaka ko kinuha si Amato.

Nang makita nito ang mukha ko ay napangiti ako ng tawagin ako nitong mommy, "Athena kasi, nasasanay tuloy na mommy rin ang tawag sa akin." Singhal ko.

"Gaga, huwag ka na mapili. Ninang ka naman 'di ba? Inaanak, alangan ng tawagin ka niyang, Iniina?" Halos mamura ko siya ngunit may bata akong hawak.

"Kahit kailan ka 'no?" Singhal ko.

"May gagawin ka ba sa weekend?" Sa tanong niya ay pinagkrus ko ang braso ng anak niya na nasa kandungan ko dahilan para matawa siya.

"Wala, bakit?"

"Kunin mo muna siya, pwede?" Naningkit ang mata ko.

"Bakit? May lakad ka?" Kwestyon ko.

"Oo, rocket. Alam mo na, kailangan ko buhayin ang baby ko, pati na ang sarili ko." Ngumiti ako at tumango.

"Mabuti 'yan, ilang araw ba?" Kwestyon ko.

"Saturday, Sunday lang. Babalik rin ako sunday night." Anunsyo niya, ah kaya pala may dala siyang maliit na bag.

"Sige," sagot ko, inaayos niya naman ang pasalubong ko sa kanila.

Nakayakap sa akin ngayon si Amato, may hawak rin siyang teether, "Saan niya nakuha yung kaputian niya?" Tanong ko.

"Gaga, look at my skin oh." Turo niya sa balat niya at hinaplos pa ang legs niya kaya umarte akong nasusuka.

"Ah, sa'yo ba? Akala ko kasi alagang gluta ka—"

"Ang sama talaga ng ugali mo, 'no?" Ngumiti ako at tumango, buhat-buhat ko si Amato ay pumunta ako sa dining table niya upang makakain.

"Buti marunong ka magbuhat ng bata?" Kwestyon niya sa akin.

"Lahat natutunan, tanga ka lang talaga hehehe." Tumaas ang kilay niya at halos batukan ako ngunit tumawa ang anak niya kaya ngumiti na lang rin siya.

"Pumapayat ka yata?" Tanong ko.

"Gaga, uso diet." Umirap ako at kumain na lang.

"Oh anak yung isang mommy mo, binilhan ka na naman ng food and milk, may damit pa. Love na love ka 'no, anak?" Napangiti ako sa sinabi ni Athena.

"Syempre naman, love na love ko ang Amato Zeil. 'Yung nanay niya hindi ko love," parehas kaming natawa ni Athena at kumain na lang kami.

Hanggang ngayon ay wala pa ring ideya si Yamato na tinutulungan ko si Athena, mukhang sineryoso niya na never na siyang tatanggap ng balita kay Athena kaya wala siyang idea.


Sobrang bilis ng panahon, malapit na naman kaming mag-dalawang taon ni Yamato, nasa isang club kami ngayon dahil birthday ni Senti, parang bumalik kami sa nakaraan.

Habang nagsasaya kami ay naramdaman ko ang paghapit ni Yamato sa bewang ko habang sumasayaw kami sa dance floor.

Tinitigan ko siya tsaka ako natatawang humarap sa kaniya, "Hon, dance the song right!" I yelled.

"Hon, baka mas mahulog ka sa 'kin, niyan?" Umirap ako at tsaka sumayaw at mas lumapit sa kaniya dahilan para mapalayo siya.

"Honey." Banta niya ng magdikit ang katawan naming dalawa.

"What?" I asked, but he just sighed and shook his head, halos pitikin niya ang noo ko nang bahagya akong gumiling.

"Honey, nakikita ng iba. Ikaw talaga," napangiti ako nang parang stressed na stressed siya sa akin, medyo nakainom na kasi ako at ang ganda ng kanta.

I unbuttoned two of his buttons since he's wearing a white longsleeve polo, loose 'yon at naka-tucked in, his typical style.

"Honey," pinigil niya ang kamay ko.

Namamawis na rin ang noo niya, kaya ngumisi ako. "Naiinitan ka kasi yata," sagot ko at tsaka ko pinunasan ang noo niya na agad niyang naiiwas.

"Hindi," tanggi niya.

"Hoy kumalma ka, Jami! Lasing ka na?!" Malakas na tanong ni Serina kaya ngumisi ako at kinindatan siya.

"Not yet!"

"Gaga! Hindi halata yung not yet mo!" Ngumisi na lang ako at sumayaw.

"Kingina, ilang santo pa ba ang tatawagin ko." Rinig ko na bulong ni Yamato at inayos ang polo niya, nakaalalay sa akin.

Nang hilain na ako ni Yamato paalis doon ay ngumuso ako, ngunit ang mga mata niya ay ang talim na ng tingin sa akin, "Wow, makatitig abot hanggang kaluluwa ah." Asar ko at tumawa.

"Ang gwapo mo hon," mahina akong tumawa at natakpan pa ang bibig ko.

"Hon, alam ko." Tumango pa siya.

"Kaya tama na kakainom ha, mayayari na 'ko sa kuya mo nito." Hindi ako nakuntento at hinapit siya sa kaniyang batok.

Napalunok siya at napahawak sa bewang ko upang umalalay, "Jami." Kalmado niyang tawag ngunit napapikit siya nang bigyan ko ng halik ang kaniyang labi.

Nang bahagya akong lumayo ay mas tumalim ang tingin niya sa akin, "Don't do this to me, honey." Pabulong niyang sabi.

"Why not?" Inaantok kong tugon.

"Papatayin talaga ako ng kuya mo," ngumisi ako at hinalikan siya muli, ngunit halos manlaki ang mata ko ng may humila sa akin papalayo sa kaniya.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang galit na tingin ni Kuya Laze. "Liezel Jami." Napatayo si Yamato, nagulat rin.

"O-Oppa." Kinakabahan na tawag ko sa kaniya, tila nilisan ng alak ang katawan ko.

He pursed his lips, tila nagagalit na, "Uwi. Mag-uusap tayo sa bahay." Mariing sabi ni Kuya Laze kaya bumuntong hininga ako.

"Kuya Laze—"

"Sa susunod tayo mag-usap, Yamato." Masungit na sabi ni Kuya Laze at wala akong nagawa ng tangayin ako ni Kuya Laze papauwi.

Nang makarating sa bahay ay galit siyang tumitig sa akin, "What did I tell you, Jami?" Napipikon niyang tanong, pigil na pigil ang tono ng kaniyang pananalita.

"Ano na naman ang nangyari sa inyo," sita ni lola.

Napayuko ako at pinaghawak ang kamay ko, "Kailan pa, Jami?" Hindi ko alam ngunit para akong maiiyak.

"Tangina, naiintindihan ko na magagalit ako sa oras na malaman ko, pero paano mo nagawang itago sa akin?" Hindi ako nagsalita.

"Hindi na ba kuya ang tingin mo sa akin, kundi malaking hadlang sa mga kagustuhan mo?" Napapikit ako nang bahagyang tumaas ang boses niya.

"Laze, huwag mong pagtaasan ng boses ang kapatid mo." Paalala ni lola, parati siyang pumapagitna ngunit walang kinakampihan.

"Jami, kailan pa? Ito ba yung sikreto na tinutukoy ko noon? Ito ba?"

"Yes, kuya." Natatakot na sagot ko.

"Tangina, dalawang taon? Dalawang taon mo talaga itatago sa pamilya mo yung relasyon niyo ni Yamato?" Nang sabihin niya 'yon ay nagulat rin si lola.

"O-Oppa—"

"Grabe ka na, nadagdagan lang ng ilang taon yung gulang mo, kinalimutan mo ng may kuya ka. Wala naman akong nilihim sa'yo ah!" Panay lang ako iyak sa harapan niya.

"Laze, hijo. Kumalma ka muna," lumapit si lola kay Kuya Laze at pinapakalma ito.

"Sorry po."

"S-Sorry.."

"'La, dalawang taon niya tinago. Nakakasama ka ng loob, sa iba ko pa talaga malalaman?" Natakpan ko ang mukha at nahihiyang umiyak sa harapan niya.

"N-Natatakot po kasi ako na magalit ka—"

"Pwes, galit talaga ako sa'yo. Iniingatan lang naman kita, sobrang lapitin ka ng distractions bata ka pa lang. Sobrang dali mo pa masaktan, kaya ayoko muna sana pero yung ilihim mo." Hindi niya makapaniwalang sabi, napahilamos pa sa mukha.

"It's because you're being too protective, and I'm starting to hate it." Napapikit ako matapos ko sabihin 'yon.

Nang tignan ko siya ay galit siyang tumitig sa akin ngunit nasasaktan, "Then you should've told me, you should've told me that you hate it. Para hindi na ako gumigising ng madaling araw sa tuwing tumatawag sa akin si lola na hindi ka pa raw nakakauwi, tangina." Kumuyom ang kamao ko.

"I never asked you to look for me, every time I came home late. I-It's just that with him, I-I feel happy." Natigilan siya sa sinabi ko, kahit si lola.

"Liezel Jami." Matipid na tawag sa akin ni lola.

"I'm so sorry lola, I'm really sorry." Napaghawak ko ang dalawang kamay ko.

"Am I too much?" Masamang loob na tanong ni Kuya Laze, napaiwas tingin ako.

"Nakakasakal ba kami? Hindi ka nakakahinga? Masakit ba sa'yong sabihin sa amin na may boyfriend ka? Sa paraan na hindi kami mabibigla?" Ang mahinahon niyang tinig ay mas masakit pakinggan.

Tila nagsasawa na siyang unawain ako.

"Ano, Jami?"

"Nakakasakal po." Mahinang sabi ko.

"P-Para po akong bata kung tratuhin niyo, hindi niyo po ako hinahayaan, si Ate Sierah, may boyfriend naman po, bakit hindi kayo nagagalit?" Kwestyon ko.

"Bakit sila pwede, bakit ako bawal?" Sumbat ko.

"Nakakasawa na po." I added.

"Ayoko po na pinagbabawalan niyo ako parati, gusto ko rin po sumaya." Nang tumango si Kuya Laze ay kinabahan ako ng todo.

Napahilot siya sa sintido niya, "Sasabihin mo lang lahat ng ginagawa mo, hindi mo pa magawa."

"Si Sierah? Eh kaya naman no'n ang sarili niya. Alam ng magulang niya na may nobyo siya, eh ikaw? Tinago mo ng dal'wang taon." Pinahid ko ang luha sa pisngi.

"Dahil ikaw po yung dahilan kung bakit hindi ko masabi-sabi, nagagalit ka—"

"Pero yung galit na 'yon, Jami. Mawawala rin, kasi tatanggapin ko rin. Dalawang linggo, o isang buwan, hahayaan naman kita. Pero yung ako na nga lang yung nandito sa tabi mo oh," pinigilan ko humikbi.

Sobrang sama ng loob niya sa akin, "Ito? Hindi ko alam, kung hanggang kailan ako magagalit sa'yo, ang sakit mo sa loob." Narinig ko pa ang mahinang mura niya sa lenggwahe namin.

"Nakakasakal pala, nakakasakal pala sa'yo yung pag-aalala ko." Nilalaro ko ang daliri ko habang nakikinig sa sermon niya.

"Ako na lang yung nandito sa tabi mo oh, kasama mo, kami nila lola. Hindi mo man lang sinabi sa amin." He added.

"Masyado ka na," wika niya.

"Hindi ko na alam kung ikaw pa ba yung kapatid ko, Jami. Ang layo-layo na ng batang nagsusumbong sa akin—"

"I did not change," mahinang sabi ko.

"Then what? Who the hell are you?" Nasaktan ako sa sinabi niya, at umukit ang sakit no'n sa dibdib ko, physically.

"Pangalan na lang yata ang kilala ko sa'yo." Nakapa ko ang dibdib nang mahirapan ako huminga.

Ngunit agad naman na nawala 'yon, "That's enough for today. Jami, go to your room." Lola's coldness made me sad.

"Bahala ka na, Jami. Kung nakakasakal na ako, I won't even blink. Bahala ka na sa buhay mo, tutal sabi mo malaki ka na." Nakagat ko ang ibabang labi dahil ang sakit niyang magsalita.

"Hate me, hate me for caring so much. I won't mind, aawat na ako rito. Humanap ka na ng kuya mo," kumuyom ang kamao ko ngunit tinalikuran niya na ako.

That's the harshest thing I've ever heard from him. Humanap na raw ako ng kuya ko, nakakasawa.

"Jami, bakit naman kasi ganoon apo?" Napapahiya akong umilag sa hawak ni lola.

"Pabayaan niyo na po ako, aalis na lang ako. Tutal, pinaghahanap niya na ako ng ibang kuya." Hinawakan ni lola ang kamay ko ngunit mas naiyak lang ako.

"Hindi naman siguro gustong sabihin 'yon ng kuya mo, apo. Nasaktan lang siya dahil, yung bunsong kapatid niya na siya ang sandalan simula't sapul, nagsimula ng maglihim sa kaniya." Napahid ko ang luha.

"Kahit ako man ay nasasaktan, tila hindi mo kami mapagkakatiwalaan." Napapahiya akong yumuko.

"Sorry po lola, pero hindi po kayo nagkulang." Mahinang sabi ko.

"Huwag ka ng umalis apo—"

"Ayoko na po dito." Naiiyak na sabi ko.

"Ang laki-laki ng bahay, ang ganda-ganda, ni minsan hindi man lang tayo nakumpleto ng buong araw. Wala si mommy, wala si daddy, may asawa na si kuya, iba-iba na ang bahay na inuuwian nila." Malungkot na sabi ko.

"Minsan, pagkauwi ko rito, wala pa kayo." Niyakap ako ni lola sa sinabi.

"Sorry apo." Bulong ni lola.

"P-Pabayaan niyo na po ako," wika ko.

"Saan ka pupunta?" Kwestyon ni lola.

"K-Kay Yamato po," bumuntong hininga si lola at umiling.

"Mas magagalit ang kuya mo—"

"Lola, itinakwil niya na nga po ako." Mahinang sabi ko.

"Hayaan mo, kakausapin ko ang kuya mo, huwag ka ng umalis." Umiling ako sa sinabi niya.

"Sorry lola," umiwas ako sa yakap niya at tsaka ako umakyat sa kwarto ko.


Nag-impake ako ng damit ko sa maleta, nilagay ko lahat ng kailangan ko sa isang malaking maleta, para akong tanga na umiiyak habang nag-iimpake.

Nilapitan ko ang parrot ko, "Go on his condo, okay?" Ang dalawa ay naistorbo ngunit gumawa sila ng ingay.

Ala una na ng madaling araw ng lumabas ako ng kwarto, katatapos ko lang mag-impake. Sumakay ako sa taxi, at dumeretso sa condo ni Yamato.

Nang kumatok ako sa condo niya, at nag-bell ay bumukas 'yon kaagad, nang makita niya ako ay nagulat siya. Lalo na ng makita niya ang maleta ko.

"J-Jami." Yumakap ako kaagad sa kaniya at umiyak.

Umatras siya at hinila ang maleta ko tsaka niya ako niyakap, malalim na paghinga ang narinig ko sa kaniya habang pinapatahan ako.

Nang medyo tumahan ako ay pinahid niya ang lahat ng luha sa mata ko, "Nagalit?" Tumango ako.

"P-Pinalayas ka, Hon?" Nag-aalala niyang tanong, umiling naman ako.

"T-Then why do you have luggage?" Bumuntong hininga ako at yumakap sa kaniya, he tapped my shoulders, waiting for my answer.

"I left the house." Nang mapatayo siya ay nagulat ako.

"Jami, ihahatid kita pabalik. Ano k-ka ba, hindi ka dapat naglayas." Ngumuso ako at nasapo ang mukha ko.

"If you're going to make me leave, I'll just sleep somewhere else." Inis kong hinila ang maleta ko ngunit mabilis niya naman na hinuli ang braso ko.

"S-Sige. Pag-usapan na lang natin bukas, pag kumalma ka na." Ngumuso ako at bumalik sa pagkakaupo.

Naupo siya sa tabi ko, "What did Kuya Laze say?" Huminga ako ng malalim.

"H-Humanap na raw ako ng ibang kuya," bulong ko.

He sighed heavily, "Galit nga siya."

"I should have told him earlier. Para hindi ganito, it's my fault I'm sorry." Ngumuso ako sa sinabi niya.

"How is that your fault? Ako ang nagdedesisyon na huwag sabihin." Napapikit siya at huminga ng malalim.

Kinaumagahan ay maaga akong gumising upang isalansan ang mga gamit ko sa closet, hanggang sa bumukas ang closet ay nagulat si Yamato. "Hon, umuwi ka sa inyo, ihahatid kita."

"Ayoko." Mahinang sabi ko.

"Liezel Jami, hindi pwede 'to eh. Mas magagalit ang kuya mo," wika niya.

"Ayoko umuwi." Mariing sabi ko.

"I can pay half, just let me live here." Bumuntong hininga siya.

"Alam mo, hon, hindi sa ayaw ko sa desisyon mo pero, ayoko na mag-alala ang family mo sa'yo." Napahilamos siya sa mukha.

"Kahit hindi ka magbayad, walang problema. Eh lumayas ka sa bahay niyo eh, anong iisipin ng family mo? Na kinuha ko yung opportunity para maka-live in ka?" Napaiwas tingin ako sa kaniyang sinabi.

"I told lola, that I will go here. It's my decision," seryosong sabi ko.

"Did she give us permission?" Umiling ako.

"That's my point, kung kakasuhan nila ako, wala akong magagaw—"

"I am not a kid." Galit na sabi ko.

"Yamato, hindi ako bata. I'm already 20 years old," naiinis na sabi ko.

"Ang lungkot lungkot sa bahay na 'yon, ang tahimik, nagsasawa na ako ipaliwanag yung nararamdaman ko sa inyo." Bumuntong hininga si Yamato at pinantayan ang tangkad ko.

"Hindi mo alam kung gaano ako nalulungkot sa tuwing gusto ko silang makita pero ang lalayo nila sa akin, nasa iisang bahay kami pero—"

"I'm sorry." Hinawakan ni Yamato ang mukha ko at pinahid ang mga luha kaya mas naiyak ako sa harapan niya.

"Alright, don't cry anymore. I'll talk to them in person." Mahinang sabi niya, hinalikan niya ang noo ko.

"Sige na, isalansan mo 'yang mga 'yan. Maliligo lang ako, kakausapin ko yung family mo." Ngumuso ako at humihikbi pa na inilagay sa hanger ang ibang damit ko na hindi pwede tupiin.

Sumisinghot ko na ihinilera ang mga sandals at sapatos ko sa ibaba ng shelfs namin. Somehow, living here made me feel happy.

Yamato left for a while, bumalik siya nang hapon na, hinintay ko siya nang mahigit limang oras. Ngunit napalunok ako nang kasunod niya si daddy at mommy na dala ang iba pang maleta ko.

Naluluha ko silang tinitigan, "Are you happy here?" Sa tanong na 'yon ay naiyak ako kaagad kung kaya't lumapit sa akin si daddy at hinayaan akong umiyak na parang bata.

Bumuntong hininga si daddy, at nang kumalma ako ay nakaupo kami sa sofa ni Yamato, habang pinagitnaan ako ni daddy at mommy.

Habang kaharap nila si Yamato, "Hmm, nice condominium." Bulong ni daddy nanatiling nakaakbay sa akin.

"Pagpasensyahan mo na ang kuya mo, 'nak ha? Alam mo namang ganoon ka talaga kamahal no'n bata ka pa lamang." Humaba ang nguso ko sa naririnig.

"I really wanted to live independently. It's a challenge in my life and I want to conquer it, daddy." I explained.

"I understand, okay lang. Naiintindihan ko, at alam namin ang pagkukulang namin bilang magulang mo." Si mommy ay sobrang tahimik, siguro ay hindi niya rin alam ang sasabihin.

"If you need me, call me anak. Pupunta ako, kahit ma-late pa ako." Nalingon ko si mommy tsaka ako sa kaniya sunod na yumakap.

"Mga bata pa kayo, ngunit alam ko naman na alam niyo na nag-aaral pa kayong dalawa." Tumango si Yamato.

"Yes, tita."

"Okay lang naman sa akin ang relasyon niyong dalawa, walang problema kahit malaman ko ng mas maaga. Ngunit ang kuya nito ay lubusang naapektuhan." Kwento pa ni mommy.

"Kung ikaw rin naman siguro, Yamato ay paghihigpitan ang kaisa-isa na babaeng kapatid mo at bunso pa." Tumango si Yamato.

"Tita, baka walang makalapit na lalake." Natatawang sabi ni Yamato at dahil doon ay natawa sila kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.

"Hindi ako titigil kakasuporta sa'yo, Jami ha. Yung allowance kung ayaw mo galawin, itabi mo, obligasyon pa rin kita." Mahinahon na sabi ni daddy.

"Yes daddy."

"Ang kuya mo, mawawala rin ang galit no'n. Hintayin mo lang." Ngumiti ako at tumango.

"Yes daddy."

"Mag-aral kayo ng mabuti, para maganda ang buhay niyo pagdating ng panahon, mas maganda ng handa kayo sa lahat ng bagay." Ngumiti si Yamato at sumangayon.

"Kumain ng tamang oras, Jami, huwag kalimutan ang exercise." Nang sabihin ni daddy ang exercise ay alam ko ang ibig niyang sabihin.

Ang misyon, at ang estado ng katawan ko sa labanan. "Yung mga gamit mo, nandito na, may natira pa naman sa bahay pero tingin ko ay sapat na ito." Tukoy ni daddy sa dalawang maleta.

"Yes dad," tumango ako.

"Kami ay babalik na rin sa Palawan, maraming nangangailangan sa amin doon. Mag-iingat kayo rito, Yamato, huwag mo pabayaan ang bunso ko ha?" Tumayo si dad at nagyakap sila ni Yamato.

"I will, tito."

Nang umalis sila ay napatitig ako kay Yamato, ngumiti siya kaya halos tumalon ako at yumakap sa batok niya.

"Si Kuya Laze na lang ang aamuhin ko," bulong niya at yumakap sa bewang ko, nanlaki ang mata ko ng lumutang ang paa ko ng ilang segundo.

"Huwag mo 'kong ngiti-ngitian, mag-aral ka." Natutuwa akong ngumiti lalo.

"Thank you."

"Yung sleep over mo, nauwi sa— ay jusko." Nasapo niya ang noo, ngumisi ako.

"Punta tayo sa bahay bukas, sasabihin ko kay mama at dad." Tumango ako muli.

"Opo."

"Bumait bigla," rinig ko na bulong niya kaya ngumisi ako at pumasok sa study room.

Itinayo ko ang iPad ko sa stand na binili ni Yamato, dalawa kasi ang table rito, pero magkadugtong lang, malaki lang ang space kasi pareho kaming engineer.

Habang nagbabasa ako at sumusulat ng notes ay biglang tumawag sa akin si Serina, and I'm sure kasama niya si Mandy.

Sinuot ko ang earphones sa iPad at sinagot ang videocall niya, nangunot ang noo niya, tila naninibago sa background.

"Nasaan ka be?" Panimula niya, nangunot ang noo ko at ipinakita ang libro.

"Saan nga?"

"Study room, saan pa ba ako mag-aaral?" Sagot ko, tumaas ang kilay niya.

"Nagpa-renovate ka ba ng kwarto? Separate na ang study area mo?" Pinipigilan ko ngumisi, nagkibit balikat lang ako.

"Bakit ka tumawag?" I asked, nakita ko naman ang mukha niya ngunit tumaas ang kilay ko ng makita ko na maglakad si Senti sa likod niya.

"H-Hoy, ano 'yon?" Turo ko.

"Nandito sila sa condo ngayon, i-invite ko nga sana ikaw, tapos malay mo pumunta si Engineer Lapi—" Napanood ko siyang matigilan ng bumukas ang pinto sa likod ko.

"A-Abs—" Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Uy gagoooo!" Nanlaki ang mata ko at nilingon si Yamato, may twalya siya sa balikat at walang suot pang-itaas, nakasuot pa siya ng reading glasses habang may inaabot sa may kataasan na shelf.

"Maliligo ka na?" Tanong ko, nalingon niya ako.

"Hmm, kinukuha ko lang aaralin ko mamaya." Tugon niya, naririnig ko naman si Serina sa kabilang linya at nandoon na rin ang boses ng mga kasama nila.

"Ang shala! Magkasama pala ang dalawa be!" Ngumisi ako at hinarap na sila, medyo iniiwas ko kay Yamato ang camera dahil ayoko naman na nakikita ang katawan niya.

Ang sexy masyado, para sa mata ko lang dapat.

"Ikaw ha! Sleepover ka diyan?" Nginisian ko si Serina at nagkibit balikat.

"Busy kami, mag-aaral pa kami mamaya, tapos niyo na ba model niyo?" Tanong ko, isinarado ko muna ang libro at sumandal ako sa study chair.

"Kami nga, nag-aaral habang umiinom, pang-alis stress." Itinaas pa ni Serina ang baso na may alak kaya napailing ako.

"Tawag diyan, unhealthy."

"Wow, be sige na ikaw na healthy. Nakakakita ka pa ng magandang view diyan," suhol ni Mandy.

"Asan si boss master?" Sumilip si Senti kaya ngumisi ako.

"Maliligo raw eh," sagot ko.

"Sana all may bebe, 'no, Serina?" Napangisi ako sa parinig ni Senti, umirap naman si Serina at inagaw na ang cellphone.

"Maya na lang be!" Paalam ni Serina kaya kumaway ako at pinatay na ang tawag, nang mamatay ang tawag ay nag-focus na ako sa pag-aaral.


///

@/n: Any thoughts? Keep safe everyone!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top