Chapter 24: Miserable Days

Chapter 24: Miserable days

Liezel Jami's Point Of View.


"Yamato, It's my fault." Nang dumating si Kuya Yuno ay natigilan si Yamato, inalis ni Yamato ang pagkakahawak ko sa kaniya.

"Gumilid ka," matipid na sabi ni Yamato sa akin.

"Don't blame her because I did kiss her—" Nanlaki ang mata ko ng matumba si Kuya Yuno sa lakas ng sapak ni Yamato.

Natulala ako, ngunit hindi ako umawat, "Gago ka rin 'no?" Kwestyon ni Yamato, masama ang tingin niya kay Kuya Yuno.

"Hindi ko alam na ugali mo tumalo ng girlfriend ng pinsan mo, mali yata pagkakakilala ko sa'yo?" Galit na tanong ni Yamato.

"Tangina," galit na dagdag ni Yamato.

"Iniintindi ko naman, iniintindi ko na gusto mo yung girlfriend ko. Pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo alam yung limitasyon mo." Nakakuyom ang kamao ni Yamato.

"Bobo ka siguro, tangina." Lumayo na si Yamato matapos niya sabihin 'yon, nang tignan niya ako ay kinabahan ako.

"Kanino ka magpapahatid? Sa akin o sa kaniya?" Sa tanong niya ay napahiya ako, "S-Sa'yo." Kinakabahan na sagot ko, iniiwas niya ang tingin sa akin tsaka siya naglakad.

Sumunod ako kaagad, pagkasakay sa sasakyan niya ay napaghawak ko ang kamay ko. Nang makasakay siya ay napapahiya akong umiwas tingin.

"Nakatulog ako, hindi ko nasagot agad yung tawag mo." Sa sinabi niya ay sunod-sunod na tumulo ang luha ko sa kahihiyan.

"Punish me," wika ko.

"Huh?" Napatitig siya sa akin sa sinabi ko.

"I am not a cheater, so I'll accept whatever you want me to do." Kinakabahan na sabi ko.

Huminga siya ng malalim, napasandal sa sandalan ng sasakyan niya. "What if I asked you to stay away from me?" Nang sabihin niya 'yon ay napaiwas tingin ako.

"Y-Yamato," wala pa man ay naiiyak na ako, nasapo ko na lang ang mukha sa harapan niya at doon ako umiyak ng umiyak.

"Of course, I wouldn't ask that. Ihahatid na kita, let's just have some time alone. That would be better for me, ayokong awayin ka dahil nasasaktan ako." Inalis ko ang seatbelt ko at tsaka ako lumapit at yumakap sa kaniya.

Bumuntong hininga siya at halos manlaki ang mata ko sa gulat ng halos buhatin niya ako at i-upo sa kandungan niya sa driver seat at doon yakapin.

Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya at ganoon rin siya, "I can't afford to lose one more, Yamato." Pabulong na sabi ko at muli na namang umiyak sa balikat niya dahil naalala ko si Kuya Laze.

He sighed, "I am still mad and hurt, Jami. But I can set them aside and stay like this for a while." He tapped my back gently.

"You're hot," mahinang sabi ko at bahagyang lumayo, nag-iinit ang pisngi kong hinipo ang noo niya.

Yumakap ang braso niya sa bewang ko, nahihiya ako dahil nakaupo ako sa kandungan niya. "I'm really sorry," nakokonsensya ko lalo na sabi dahil dinagdagan ko ang sakit niya.

"Hot naman talaga ako," mahinang sabi niya.

Nang isang braso niya ang yumakap sa akin ay natigil ako dahil pinunasan niya ang labi ko. "This is mine," bumuntong hininga siya habang nakatitig sa mga 'yon.

"Dampi lang naman, pero naiinis na ako." Napanguso ako dahil sa konsensyang nararamdaman.

"I will never cheat on you, kahit pa model at sobrang yaman ang iharap sa akin." Seryosong sabi ko.

"I will never do that, because I'll kill myself if I do." Huminga siya ng malalim.

"Bakit ka pa hahanap ng model at sobrang yaman, I could make myself both." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, nag-init ang pisngi ko ng mas hapitin niya ako papalapit.

"Y-Yamato," naninitang sabi ko sa kaniya. Ngumisi ang labi niya at tinitigan ang labi ko, "I'll make myself clear," Kalmadong sabi niya.

"I won't grip hard on you, but I want you to know what's mine.." He stared at my lips, and I thought as he leaned over he'd kiss me but he just made our lips brush against each other.

What a tease.

"What's ours, and it's only for us." Hindi ko maalis ang titig ko sa kaniya, nanlaki ang mata ko ng ayusin niya ang pagkakaupo ko dahilan para mas lalong mag-init ang pisngi ko.

He was possessive, possessive in a good freaking way!

"Should I take you home, hon?" Nangunot ang noo ko, sasagot na sana ngunit may dinagdag pa siya, "Or do you want to stay here longer?" Nang bahagya siyang may sinulyapan sa ibaba ay napalunok ako at mabilis na napahawak sa balikat niya at umayos.

"M-My parents m-might be worried," nahihiyang sabi ko.

"Alright," wika niya at nagmaneho na.

Pagkarating sa bahay ay natulala na lang ako sa naabutan, bigla ay bumalik kaagad ng sakit sa dibdib ko. Napayuko ako.

Ngunit may mainit na palad ang humawak sa kamay ko, "Be strong, Liezel Jami." Natingala ko si Yamato.

"My sister is also suffering," mahinang sabi niya kaya mas nalungkot ako.

"I wish he's just alive and nagging me," mahinang sabi ko.

Inayos ni Yamato ang buhok ko, "Get inside hon, uuwi lang ako sandali, babalik ako rito." Mahinahon niyang paalam, napikit ako nang halikan niya ang noo ko ng matagal tagal.

"If you can't, it's fine. Magpagaling ka muna, okay?" Ngumiti siya ng matipid.

"Kaya ko isantabi ang lahat, hon. Huwag mo 'ko alalahanin." Nang sabihin niya 'yon ay gusto ko maluha dahil sobrang thankful ako sa consideration na kaya niyang ibigay sa akin.

"Ingat ka, dahan-dahan sa pagmamaneho." Tumango siya.

"I will," hinawakan niya ang kamay ko at pinisil 'yon bago niya binitiwan.

Pagkapasok ay gusto ko na lamang pumikit, makikita mo ang maraming bulaklak at ang malaking tarpaulin, bago mo makita ang kabaong at ang malaking picture frame na nagbigay sakit at sama ng loob sa dibdib ko.

"Anak! Saan ka ba galing?" Pagkalapit ni mommy ay alam ko na maamoy niya ako kaagad.

"Anak naman," niyakap niya ako dahilan para pigilin ko ang paghinga dahil pag hindi ay alam ko na iiyak na naman ako.

"C'mon, I'll help you take a shower." Inalalayan niya ako, at nang makita ako ni daddy ay napahilamos siya sa kaniyang mukha at lumapit.

"Where did you go? Jami, late na late na." Nanlulumo niyang sabi.

"Amoy alak ka, saan ka uminom? Pwede naman dito na lang sa bahay—"

"I'm sorry for being a burden, mommy and daddy." Matipid na sabi ko at dahan-dahan na inalis ang pagkakahawak ni mommy sa akin.

"Anak—"

"Mom, I'm okay. Huwag niyo na po akong isipin." Pinilit ko ngumiti sa kanila ngunit pagkatalikod ko ay para akong sinampal ng reyalidad.

Ang sakit sakit..

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko ngunit umakyat ako sa kwarto ko at naligo, habang nasa banyo ay napatitig ako sa isang blade.

Napapikit ako nang maalala si Kuya Laze, huminga ako ng malalim at nasapo ang mukha ko. Panay ang hikbi at pagtunog ng iyak ko ang naririnig ko.

Tumayo ako at inabot ang blade, napatitig ako sa sariling pulsuhan at iguhuhit ko na sana ngunit naalala ko kaagad si Yamato.

I-If I do this, he'll be in vain.

I should stop, I should not hurt anyone just to end the pain I'm feeling.

I opened the trashcan and throw it, bumalik ako sa shower at muling binasa ang buong katawan at ulo ko.

Baka sakaling mahimasmasan ako sa mga naiisip, gusto kong tumigil kakaisip ngunit hindi ko magawa.

Umaasa ako na buhay ang kuya ko.

Matapos ko maligo ay nagpalit na ako ng damit, mas pinili kong ipitin ang buhok ko tsaka ako lumabas ng kwarto.

Pagkababa ay natulala lang ako ng makita kong humagulgol si Ate Miran at hindi matanggap ang nangyari.

Napaiwas tingin ako ng may luhang tumulo sa mata ko, bumaba na ako at dahil sa alak ay bahagyang masakit ang ulo ko.

Ngunit halos mapalingon ako kaagad ng mataranta ang lahat dahil nawalan siya ng malay, ngunit wala akong lakas para lapitan siya.

Napaupo lang ako sa gilid, "May lagnat siya." Napalingon ako kay daddy na lumapit sa akin.

"Okay ka lang ba anak?" Inakbayan ako ni daddy kaya sumandal ako sa dibdib niya, hindi na ako sumagot at pumikit lang.

"Luke, paki-asikaso muna yung family ni Miran." Nang marinig si lolo ay napamulat ako kaagad, nasulyapan ko si Yamato na naka-long sleeve sweatshirt at itim rin na jogging pants.

Lahat ay itim, bumuntong hininga ako. "Our deepest condolences," napatitig lang ako sa kanila at umiwas tingin na.

Halata na lahat sila ay umiyak, nakagat ko ang ibabang labi. "Jami," napatingin ako kay Yamato tsaka siya tinanguan.

Ang mga kaklase ko ay pumunta rin lalo na ang mga kaibigan ko, lumapit kaagad sila sa akin at yumakap.

"Stay strong be, kaya mo 'yan." Sumandal na lang ako sa balikat nila.

I am lost for words.

Nang lumapit si Yamato sa akin ay sumama ako sa kaniya, "I don't know how to make you feel better, so let's just stay here." He opened his car, naupo naman ako sa loob.

Nasa likuran kami ng sasakyan niya, nakabukas ang aircon at hindi naman kami kita mula sa labas, nang makaupo siya sa tabi ko ay niyakap niya ako.

Yumakap na lang ako at pumikit, I noticed that I've been attentive to him and in our relationship. "3 months na tayo, hindi man lang kita nagawang batiin." Bulong na sabi ko.

"It's okay hon." Bulong niya.

"Huwag mo na muna isipin 'yon," wika niya at niyakap lang ako.

"I'm sorry." Bulong na sabi ko habang nakayakap sa kaniya.

"I'm sure you've never experienced this on Athena," wika ko, nakokonsensya.

"Don't bring her up," wika niya. "I'm not Yamato for nothing." Bulong niya at niyakap ako.

"Kahit ano pang iparanas mo sa akin, I would gladly accept it. Because it's you," bulong niya sa akin. Napapikit ako nang muli niyang halikan ang tuktok ng ulo ko.

"Thank you.." Madamdamin na sabi ko, nang mapangiti siya ay nangunot ang noo ko.

"In Japanese hon, The word thank you is the most beautiful word. Pag naririnig ko 'yan sa'yo kahit hindi mo sabihing mahal mo 'ko parang sinasabi mo na dahil sa thank you na word." Nagtaka ako sa explanation niya.

"R-Really?"

"Hmm, Japanese often say arigato." Sumandal ako sa dibdib niya, ipinikit ang mata ko.

"You stopped me from being messed up, you know?" Bulong na sabi ko.

"Hmm?" Tugon niya.

"I almost bleed myself to death, but thinking of you. I don't want you to experience what I feel," hinaplos ni Yamato ang likod ko para bang pinapakalma ako.

"Thank you." Bulong niya.

"Thank you for not making yourself bleed for me, I can't afford to lose you. Dummy." Nakagat ko ang ibabang labi sa sinabi niya, how mean.

"You called me dummy, dumbass." Ganti ko na mahina niyang ikinatawa.

"Sa dami ng sinabi ko hon, 'yon pa talaga ang tumatak sa isip mo?" Ngumuso na lang ako at nanatiling nakapikit.

Dahil two days lang ang wake ni Kuya Laze ay pinili ko na lang na i-isolate muna ang sarili ko sa kung sino, naiintindihan naman ni Yamato 'yon.

Iniiwasan ko lang na mag-breakdown ako at masaktan sila sa sasabihin ko. Pinanood ko si Ate Miran na ilayo ang kaniyang sarili kaya bumuntong hininga ako.

Nakakarindi rin ang mga iyakan, mas lalo akong pinapalungkot ng mga iyak nila. Bago pa man ako umalis doon matapos ang burol ay nakita ko si Yamato.

Ngunit nangunot ang noo ko ng makita si Yamato at si Athena na nag-uusap sa gilid, lumapit ako kaagad sa kanila. "What are you doing here?" Tanong ko kaagad kay Athena.

Nalingon ako ni Yamato, "Hon, she's just borrowing money." Kalmadong sabi ni Yamato, sinamaan ko siya ng tingin.

"Then why don't you borrow from a loan company?" Naiiritang sabi ko, napatitig sa akin si Athena.

"May interest sa loan company." Rason niya.

"Baka naman nagdadahilan ka lang para makalapit na naman kay Yamato?" Naiiritang sabi ko.

"Jami, I guess it's not like that. Okay? She'll give birth next month, next year—"

"If you're still responsible for her, bakit hindi mo na lang siya pinanindigan? If you're that worried, dito pa talaga kayo magkikita?" Naiiritang kwestyon ko.

"Jami.." Huminga ng malalim si Yamato.

"Huwag mo 'kong hawakan," naiiritang sabi ko.

"Jami naman."

"Yamato, naiinis ako kasi bakit sa dinami dami sa'yo pa rin siya lumalapit? Dahil ba ex mo siya? Nag-aalala ka pa rin sa kaniya?" Sumbat ko.

"Jami hindi ganoon—"

"Ganoon ang dating sa akin, what's the reason of you meeting your ex again? Help? And you're gonna help? Kaya ka nilalapitan kasi alam niyang hindi mo siya matitiis." Galit na sabi ko.

"Bahala kayo." Napipikon na sabi ko na at tinalikuran sila.

"Jami naman," hinawakan ni Yamato ang kamay ko at pinigilan akong umalis.

"Naawa lang ako sa magiging anak niya, h-hindi na pumapayag ang hospital ngayon na asikasuhin ka kapag wala kang pera—"

"Ayon na nga, kaya paulit ulit ka niyang nilalapitan kasi willing na willing kang tulungan siya. Baka samahan mo pa sa delivery room 'yan?" Natigilan siya sa sinabi ko.

Naitikom niya ang bibig. "Bakit ba ganiyan mo 'ko kung pag-isipan Jami?" Natigilan ako sa pangengwestyon niya.

"Hindi ko na maintindihan kung ano pa bang kulang ko sa'yo. Wala naman akong ginagawang masama," mahinang sabi niya.

"Wala naman akong ginagawang masama pero ang sama-sama ng ugali ko sa tuwing tinitignan mo 'ko." Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya.

"You can ask me nicely, to stay away from her, you can ask me to not help her, you can ask me to ignore and avoid her, Jami." Kumuyom ang kamao ko sa naririnig.

"Did you see me, hugging her? Kissing her? Talking to her in an appropriate way?" Nang sabihin niya 'yon ay natigilan ako.

Alam ko na kung saan 'to papunta.

"Sinusumbat mo ba yung nakita mo sa amin ni Kuya Yuno? Gumaganti ka?" Kwestyon ko, umawang ang labi niya sa sinabi ko.

"Jami, gumaganti? Ano bang sinasabi mo?" Nauubusang pasensya niya ng sabi.

"Gumaganti ka ba kasi nakita mo na niyakap ako ni Kuya Yuno? Na hinalikan niya ako?" Nangunot ang noo niya.

"W-What are you talking about Jami?" Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Ito ba yung parusa ko sa'yo?" Napatitig siya sa akin.

"Fuck it," bulong niya at umiwas tingin.

"Sa tingin mo kaya kitang parusahan? Sa tingin mo gagantihan kita kung masaktan mo 'ko?" Nang maluha ang mata niya ay alam ko na punong puno na siya sa naririnig.

Umiwas tingin ako ng maluha na naman, "Jami hindi kita sasaktan dahil sinaktan mo 'ko. Tangina naman." Napipikon niyang bulong.

"I never opened that topic, that part where Kuya Yuno kissed you. Huwag mo naman ipaalala yung kinakalimutan ko, Jami." Halos masabunutan niya ang sariling buhok ng ayusin niya 'yon.

"Kinakalimutan ko 'yon kasi masakit, kahit hindi mo gusto, yung fact na 'yon masakit." Nasasaktan niyang sabi.

"Ngayon binuksan mo na yung topic, ano? Ilang linggo, ilang araw na naman ba ang kailangan ko para lang makalimutan 'yon?" Hindi ko inalis ang titig sa kaniya.

"Jami, sinasaktan mo na lang naman ako eh." Kumabog ng malakas ang dibdib ko sa napapagod niyang tono, ngunit hindi ko inalis ang titig sa kaniya.

"Huwag mo naman akong ubusin, sige, hindi ko na tutulungan si Athena, hindi ko na siya kikitain, hindi ko na siya kakausapin." Huminga ako ng malalim.

"Pero mas mabuti sigurong ayusin mo muna yung sarili mo, bago pa parehas tayo ang masira." Napatitig ako sa kaniya ng masama, nasasaktan ako ngayon ngunit alam ko na nasasaktan rin siya.

"Kaya ko, k-kaya ko isantabi ang lahat para sa'yo. Pero papaano na kung ako na ang masisiraan ng bait? Kaya mo pa bang mahalin ako?" Tumutulo na ang luha sa mata ko ngunit nakatitig pa rin ako sa kaniya.

Tila may nakaharang na kung ano sa lalamunan ko, gusto kong humikbi, gusto kong humagulgol. "Kaya m-mo pa bang manatili sa tabi ko?" Umiwas tingin na ako ng hindi ko na mapigilang umiyak ng walang tunog.

"I doubt it, I'm sorry." Bulong niya.

"Let's have a break first, let's just talk once again when you're okay." Natakpan ko ang bibig dahil panay na ang iyak ko sa sinabi niya.

"Hindi ako naghahangad na mahalin mo tulad ng pagmamahal ko sa'yo, pero parehas tayong nasasaktan kasi ikaw yung hindi handang umunawa." Nang hawakan niya ang kamay ko ay iniiwas ko 'yon.

"Huwag mo 'kong hawakan." Mariing sabi ko.

"Keep safe, always. Jami." Pabulong na sabi niya at tsaka siya umatras at tinalikuran na lang ako dahil hindi na lang ako ang umiiyak kundi pati siya.

Dahil nasaktan ko na naman siya.


Noche buena na ngunit wala akong lakas, bumaba ako ng kwarto at tsaka ako pumunta sa sala ngunit natigilan ako ng may pumasok na matangkad na lalake at naka-sumbrero.

Buhat-buhat nito si Ate Miran, parehas silang basa at mukhang naligo sa malakas na ulan. "Oh my god." Natakpan ko ang bibig ng makita si Kuya Laze.

"Laze." Lumapit si mommy at gulat na nilapitan sila.

"What happened?" Natulala akong pinanonood sila.

"She collapsed." Natitigan ko si Kuya Laze.

"Dalhin mo siya sa kwarto, ako na bahala." Sambit ni mommy, nanghihina akong napaupo, b-buhay siya?

Buhay si Kuya Laze. "Mia, ako na bahala sa bata. You better explain to your bunso." Nang bumaba rin si Kuya Laze ay natulala ako lalo.

"O-Oppa." Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Hindi ko maintindihan," mahinang sabi ko.

"Anak, sorry." Lumapit si mommy sa akin kaya nagtataka ko siyang tinignan, "Mom."

"Am I seeing a ghost?" Tanong ko.

They explained and it made me mad, "Kuya Laze, you should have told me." Hindi makapaniwalang sabi ko.

"I'm sorry Jami," napayuko siya ngunit naiyak lang ako ng sobra.

"I-If you're alive and well sana sinabi mo sa akin kuya," napapikit ako ng mariin.

"Nakakatuwa bang panoorin kami na nasasaktan? Nagluluksa kasi akala namin patay ka na?" Galit na sumbat ko.

"Hindi, Jami. I am really sorry—"

"Sana kahit sinabi mo man lang sa akin! Parte naman ako ng pamilya!" Galit na galit na sabi ko.

"Bakit kayo lang nakakaalam?! Halos bumagsak ako! Halos hindi na ako mag-aral kakahanap sa'yo kuya!" Napayuko siya, sinusubukan akong paamuhin.

"Kuya, ang dami kong sinayang! Ang dami kong nasaktan! Ang dami kong pinabayaan!" Sumasakit ang dibdib ko, hindi ko na yata kakayanin.

"Forgive me Jami, h-hindi ko naisip." Nang yakapin niya ako ay naitulak ko siya tsaka ako lumayo sa harapan niya.

Nakakainis.

Makalipas ang ilang oras ay nakipag-ayos na rin ako kay Kuya Laze, namiss ko rin siya kaya inagawan ko muna si Ate Miran.

Kumapit ako ng kumapit sa braso niya, "Liezel Jami, hindi ka makakakain niyan." Natatawang sabi ni Kuya Laze.

"What if namatay ka talaga? Wala na akong kuya." Nagmamaktol na sabi ko na ikinalaki ng mata niya.

"Magb-boyfriend ka na pag namatay ako." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, "H-Hindi po."

"Sus, Jami ha." Ngumiti ako at kumapit sa braso niya.

"Paano ako mag-aasawa nito kung kapit na kapit ka sa akin?" Napapahiya akong bumitaw at sinulyapan si Ate Miran na maganda ang ngiti habang pinanonood kami.

"Hindi ko aagawin ang kuya mo, Jami. No worries," ngumiti ako at tsaka kumain na lang.

"Masaya ka na?" Kwestyon ni mommy sa akin.

"Halos awayin ako ng kapatid mo dahil pinatitigil ko siya sa paghahanap sa'yo." Sumbong ni mommy kaya napanguso ako.

"I already apologized mommy, binigyan pa nga kita ng cake." Nakangusong sabi ko na ikinatawa nila.

"Baka hinahanap ka ng family mo, Miran. Nagsabi ka na ba?" Kwestyon ni mommy, kaya nakuha ko ang cellphone ko.

Should I text him that Ate Miran is here?

Should I?

And because I don't want him to worry, nag-iwan na lang ako ng message sa kaniya na kasama namin si Ate Miran.

I'm worried, what if he hates me now?


Kinaumagahan ay hinatid namin si Ate Miran, kinakabahan ako pero hindi naman kami bababa kaya hindi ko makikita si Yamato.

Masyadong masakit ang huling naging usapan namin at panigurado na malaki na ang tampo niya dahil sa mga sinabi ko.

Okay na sana pero pinasok kami at wala akong nagawa. Nahihiya ako ngunit pagkapasok ay saktong kabababa ni Yamato kaya nang sandaling magtama ang mata namin ay umiwas agad ako.

Dahil nga nag-usap usap sila ay naiilang ako sa presensya ni Yamato, ang seryoso niya masyado at tila kagagaling niya lang rin sa pag-iyak.

Simple lang na maluwag na blue na shirt ang suot niya at pajamas na kulay itim. Dahil nag-uusap ang parents namin ay wala akong ginawa kundi tumahimik.

Not until I received a text message from Kuya Yuno, it was an apology. Huminga ako ng malalim, ano magagawa ko?

@yunoyummers: I'll help you, sa panunuyo. Kasi susuyuin ko rin si Yamato, mas malupit pa magtanim 'yan ng sama ng loob kesa sa gardener.

@yunoyummers: Alam ko naman mga wants niya, so ano? Game?

@jams.liezel: Fine. It's your fault anyway.

@yunoyummers: Ay, sige na. Ako na. Ako na nga nasapok.

@jams.liezel: Mukha mo Kuya Yuno, nakakabwisit.

@yunoyummers: Ge, ikaw rin.

@jams.liezel: Your face.

@yunoyummers: Handsome.

@jams.liezel: WTF?

Itinago ko na ang cellphone ko at tsaka ako napatingin kay Yamato na salubong ang kilay at nagtatakang nakatingin sa akin. Nagtataka siguro siya na nagtitipa ako?

Araw-araw siyang gwapo, hindi ba siya napapagod?

"Daddy, pahangin lang po ako." Nahihiya na paalam ko at pinayagan naman ako.

Panigurado ay galit siya sa akin, dahil sa ganoon ang pinaramdam ko. Hindi naman talaga sa ayaw ko na tulungan niya si Athena, pinagbuntungan ko lang siya ng galit.

Kawawa naman si Athena, ang bilis ng panahon at manganganak na siya sa susunod na taon. Kawawa naman ang bata dahil walang ama.

Should I help her instead? I have ipon naman..

Huminga ako ng malalim at hinanap ang IG account niya so I could reach her, napatitig ako sa profile niya.

@jams.liezel: How are you doing? You can ask me instead of him, I'll help you. Just don't bother him.

I was about to chat with her one more time but I instantly hid my phone when I heard someone cough a little.

Nalingon ko kaagad si Yamato, napalunok ako at umiwas tingin. Napaghawak ko kaagad ang kamay, "What was that?" Nangunot ang noo ko at napatitig sa kaniya.

"W-What?" Naguguluhan na tanong ko.

"Are we having secrets with each other now?" Sa tanong niya ay umawang ang labi ko, ang lakas pa ng question niya what if marinig ni daddy.

"W-What secrets?" Naguguluhan at pabulong ko na tanong, tumaas ang isang kilay niya.

"Never mind, we're not okay, anyway." Nagtatampo ang tinig niya at mags-sorry na sana ako pero biglang dumating si daddy dahilan para mapaayos ako ng tayo.

"Napaka-gwapong bata nga naman nito oh, binata na." Inakbayan ni daddy si Yamato.

"Ilan chics natin?" Sa tanong ni daddy ay tumaas ang kilay ko.

"Daddy anong natin? Isusumbong kita kay mommy—"

"What I mean is, yung sa kaniya anak. Hindi sa akin," paglilinaw ni daddy kaya naman ng tignan ako ni Yamato ay napalunok ako.

"Ilan?" Tanong muli ni daddy.

"Isa lang, tito. Faithful ako eh," nanlaki ang mata ko, awtomatikong napaiwas tingin dahil nag-init ang pisngi ko.

Oh my gosh..

///

@/n: Any thoughts? Keep safe everyone, thank you for always supporting! Love lots ❤️👉🏻👈🏻

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top