Chapter 22: Omissions

Chapter 22: Omissions

Liezel Jami's Point Of View.

Ever since that day tumulong si Yamato sa paghahanap habang nagrereview siya. "Ikaw na maunang bumalik, i-excuse mo na lang ako sa exam." Pakiusap ko.

"Hindi ka mag-eexam hon?" Umiling ako.

"I'll just take an special exam, kahit ma-late na siguro yung handouts ko." Napapikit ako kaagad nang yakapin niya ako.

"I understand, babalik ako after exam. I'll join you, okay?" Sinilip niya ang mukha ko kaya pinipigilan ko maluha.

"Opo. Good luck!" I tried making my voice cheerful but I'm not good at faking my emotions.

"I'll continue texting you, okay lang kung hindi ka maka-reply. Maiintindihan ko, don't be pressured, dito lang ako." Hinalikan niya ako sa noo at tsaka siya huminga ng malalim at lumayo sa akin.

"I'll do my best," paalam niya at sinuot ja sa balikat niya ang bag niya.

"I love you," nang sambitin niya ang mga katagang 'yon ay napaiwas tingin ako dahil naluluha ako kaagad.

"L-Likewise." I waved my hand a little and stared at him, he smiled a little and then naglakad na siya papaalis.

Few weeks of staying in Palawan, hinahanap ko pa rin si Kuya Laze, hindi ko rin nagawang mag-review at gumawa ng handouts ko. Siguro ay sa isang araw sobrang dami ng chats and text ni Yamato.

Ni hindi ko man lang 'yon binasa and I failed to be okay, lahat kami ay nag-aalala kay Kuya Laze, dahil ilang linggo na siyang hindi nahahanap.

Naupo ako sandali sa kama ko, katatapos ko lang naligo at ngayon ay hinawakan ko ang cellphone ko upang basahin ang messages niya.

Inuna ko sa IG, at halos mapalunok ako nang sobrang dami na no'n.

@yummito.lapiz: Hon, I arrived safely.

@yummito.lapiz: On the way na ako sa school, commute lang ako hindi ko kasi kaya mag-drive.

@yummito.lapiz: Stay safe, Jams. Start na ako first subject. Kain ka on time.

@yummito.lapiz: Jams, done na first subject ko. Sobrang hirap.

@yummito.lapiz: Hon.

@yummito.lapiz: Hon, gawa muna ako handouts. Tapos na tatlong exam ko, kumain ka na diyan anong oras na.

@yummito.lapiz: Sakit ng ulo ko hon, stay hydrated.

@yummito.lapiz: Hindi ka raw nag-aaral sabi ni Ate Miran, yung handouts mo hon paano na?

@yummito.lapiz: Ingat ka diyan.

The range of his chats are one to three hours, I hope he's doing fine.

Sunod ko na tinignan ay ang messages niya offline.

Yamato: Honey.

Yamato: Rice ka ba?

Yamato: Kasi kulang ako kung wala ka, boom. Gutom na ako. :D

Yamato: Sana jacket mo na lang ako, para pwede kita mayakap kahit maraming tao.

Yamato: Sad boy amp, tapos na exam ko hon. Balik ako diyan next three days, ay sige huwag na.

Yamato: Tapusin ko muna handouts ko. Bye bebe.

Bebe? Kung ano-ano na naman tinatawag niya sa akin, ang lakas talaga ng tama.

Huminga ako ng malalim at tsaka ako lumabas na ng kwarto, ngunit pagkalabas ko ay nagulat ako kay Kuya Yuno.

"B-Bakit po?" Tanong ko.

"Samahan kita, maghanap. Tara." Napalunok ako at napasunod kaagad sa kaniya.

Nang makasakay kami sa yate ay napalunok ako nang magsuot rin siya ng para sa mga divers.

Will he dive?

"Buhay si kuya, bakit kailangan niyo lumusong?" Gitil ko, napatigil siya sa pagtalon.

"Just to be sure." He stated, naupo ako sa labas ng yate at hinintay sila.

Isang oras bago sila nakabalik, napahikab ako at natignan ko ang cellphone nang tumawag si Yamato.

Sinagot ko naman 'yon, "Hon." Panimula niya.

"Did you do great on your exams?" I asked, narinig ko ang mahinang tawa niya sa kabila.

"Of course hon, ako pa ba?" Napangiti ako.

"Nasa yacht ako," sagot ko.

"Halata, rinig na rinig ko yung alon mula diyan." Napangiti ako muli.

"I miss you," bulong na sabi niya dahilan para mapaayos ako ng upo.

The last time he said that, hinalikan niya ako. "Liezel wala pa kaming nakita," napatingin akonkay Kuya Yuno.

"Are you expecting him underwater?" Iritableng sabi ko at tumayo na, bumaba na lang ako at narinig ko ang pagtikhim ni Yamato.

"Maghanap na muna kayo, mamaya na lang. Ingat, Jams." Huminga ako ng malalim.

"Alright, ingat." Paalam ko na rin.

It's been three days since maghanap ako kasama si Kuya Yuno, ngayon ay wala pa rin kaming mahanap. Umabot na kami sa iba't ibang hospital.

Hindi ko na rin naharap si Yamato dahil sa busy ako, hindi pa naman pupunta si Yamato.

May mga handouts pa kasi siya na kailangan ipasa, nalulungkot ako. Lahat nang bagay ngayon ay nakakalungkot, napaupo ako sa harapan ni Kuya Yuno.

"Jami, kain kain rin, lalamig na." Ngumuso ako at kumain na lang, matapos kumain ng gabihan ay inaantok na akong sinapo ang ulo ko.

"Bakit?" Tanong ni Kuya Yuno.

"I'm just worried about kuya, thank you po sa pagsama." Mahinahon na sabi ko, "Kumusta kayo ni Yamato?" Napatitig ako sa kaniya.

"B-Bakit po?"

"Just wondering if he's treating you right," pabulong niyang sabi kaya huminga ako ng malalim, "We're okay po." I stated.

"That's great," sagot niya na lang at umiwas tingin. "Who else is aware?"

"Po?"

"Sino mga nakakaaalam?" Sinabayan niya naman ako maglakad kaya huminga ako ng malalim, "Hindi mo ako sinumbong?" I wondered.

"Of course not, I don't like meddling in problems." Pagsagot niya, inalis niya ang suot niyang jacket at nang subukin niyang ilagay 'yon sa akin ay pinigil ko siya.

"I'm not cold, kuya. I'm fine," tumango pa ako at matipid na ngumiti ngunit ipinilit niya.

"I'm not doing this just because of my feelings, ginagawa ko 'to sa kahit na kanino." Pabalang niyang sagot.

"Gentleman 'to," pasimple akong napairap sa kaniya.

"Magseselos si Yamato? Duda ako." Ngiwing dagdag niya kaya ngumisi ako.

"Hindi naman seloso 'yon—"

"Mas lalo akong nagduda diyan," mahina siyang natawa kaya napailing na lang ako.

"Baligtarin mo yung edit, dali." Nangunot ang noo ko at napatigil sa paglalakad tsaka ko siya hinarap.

"Tide?" Bigkas ko.

"Gulat ka 'no?" Nangunot ang noo ko, napakamot pa ako sa ulo ko sa sinabi niya.

"Hindi ko po gets," ngumiwi siya.

"Buti pa si Miran, gets niya. Mayaman ka kasi," wika niya kaya napuno ako ng pagtataka at inayos ang pagkakapatong ng jacket sa balikat ko.

"Tide? Gulat ka 'no?" Pagtulad ko pa sa kaniya ngunit hindi ko maunawaan.

"Tangi, huwag mo na ulitin. Mukha kang tanga, Jami." Ngumuso ako nang i-tangi niya na naman ako.

"Magpahinga ka na ngayong gabi, ako hahanap kay Laze. Baka nakita siya ng mga kaibigan naming shokoy," he sighed, mukha siyang nagbibiro pero mapapansin ko naman na worried rin siya kay Kuya Laze.

"He'll be fine, kilala mo naman ang kuya mo." Hinarap niya ako kaya ngumiti ako.

"Thank you sa pagsama kuya," kumaway pa ako nang kaunti at tsaka inayos ang pagkakatayo ko at iaabot ko na sana sa kaniya ang jacket niya pero umiling siya.

"Sige lang, sa susunod mo na ibalik. Kaya ko talaga 'yan pinahiram sa'yo para ikaw maglaba." Nanlaki ang mata ko sa natatawa niyang tugon.

"Kahit kailan ka po talaga 'no?" Dismayadong sabi ko at napairap na.

"Goodnight," ipinamulsa niya ang kaniyang mga kamay.

"Goodnight po." Paalam ko tsaka ko binuksan na ang kwarto ko, inabot niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko bago ako tinalikuran.

Another week came, and my mom asked me to stop already. Nakatayo kami sa hallway sa hotel, nasa paligid si Kuya Yuno at si dad.

"Mom, d-don't tell me you're giving up?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"He's alive, Kuya Laze is alive out there, what were you talking about?" I frustratedly asked.

"Anak, masyado ng matagal—"

"Mommy, kahit po isang taon o ilang taon pa hindi ako titigil." Galit na sabi ko, naiiyak na.

"Anak hindi naman sa titigil na tayo totally, ang gusto ko lang hindi maapektuhan ang araw-araw na buhay natin. Babalik na rin tayo next week sa city, bumalik ka na." Kumuyom ang kamao ko, tumutulo na ang luha sa mata ko.

Ramdam ko ang init ng dibdib ko ngayon, alam ko na galit ako, alam ko na naiinis ako, gustong gusto ko na lang mapaluhod at umiyak.

"Anak naman—"

"I-Ikaw pa man din ang mommy namin," Masama ang loob na sabi ko.

"Jami," naninita ang tinig ni dad pero nanlulumo ko silang tinignan.

"Why is it easy for you to make me stop mom? Nanay ka namin. Y-You should be the last one to give up on kuya," nang subukin niyang hawakan ang kamay ko ay galit ko na iniwas ang kamay ko.

"Anak hindi ganoon 'yon, naapektuhan na rin ang pag-aaral mo. 'Yon yung ayaw ko mangyari." Blangko akong tumitig sa kung saan, hinahayaan ang sarili na lumuha.

"Mom, I can do everything to catch up. Hindi niyo na dapat ako inaalala, si Kuya Laze ang priority ko rito," naiinis na sumbat ko na.

"Naiinis po ako sa inyo." Mariing sabi ko.

"Jami, tama na 'yan. Makinig ka na lang sa mommy mo 'nak—"

"Daddy, I am very disappointed in our family." Tinitigan ko sila ng masama, dahilan para magulat sila sa sinabi ko.

"Anak—"

"I-I hate both of you," galit na sabi ko at tinalikuran na sila. Naglakad ako paalis doon, instead of going straight to my hotel room.

Napasunod naman si Kuya Yuno at hinayaan ko siya, galit akong naglakad derederetso sa dalampasigan. "I understand your anger," napalingon ako kay Kuya Yuno.

"I-If they'll stop, sino na lang ang aasahan ni Kuya Laze?" Kwestyon ko, nagtatampo sa parents ko.

"I know, so calm yourself. Okay?" Nang pantayan niya ang mukha ko ay huminga ako ng malalim at umiwas tingin.

Naiinis ako, sobra akong naiinis, ia-asa nila sa mga body guards namin? Sino ba sila para mag-tiyaga sa paghanap kay Kuya Laze?

Hindi naman nila kami kadugo, I doubt they'll find him spotless.

Natulala ako sa karagatan na para bang walang dulo, inis kong sinipa ang buhangin. Pinahid ko ang luha ko, "Jami, kumalma ka." Paalala ni Kuya Yuno.

"I'm not even losing hope, but they're already not looking for a way." Galit na sabi ko, "Jami." Napahid ko ang luha, mas galit na sinisipa ang mga buhangin sa paanan ko.

"N-Naging magulang pa sila," masama ang loob na sabi ko.

Napaupo ako sa buhangin, hindi ko na mapigil ang luha dahil sa sama ng loob ko. Nang maupo sa tabi ko si Kuya Yuno ay napaiwas tingin ako.

"Tumahan ka na, sige ka papangit ka niyan." Nang tatayo na ako ay napalunok ako nang akbayan niya ako at parang yakapin.

"Tahan na, tangi." Sa ginawa niya ay mas lalo akong naluha, "Huwag mo nga 'ko yakapin kuya," umiiyak na sabi ko at pinapalo pa siya.

Mas naiiyak talaga ako pag niyayakap ako, ayoko ng comfort, mas maiiyak lang ako lalo.

"N-Namimiss ko na si Kuya Laze," nasapo ko ang mukha nang magbigay kirot 'yon sa dibdib ko.

"Hmm, I know." He tapped my back a lot of times, trying to calm me.

Nang may tumikhim mula sa likuran namin ay napatigil ako at umayos na, "Sana all. Maganda ba yung sunset?" Nang marinig ang pamilyar na boses ay napalingon ako.

Nang makita si Yamato na nakatayo at nakapamulsa habang nakatanaw siya sa araw na palubog na ay kinabahan ako, paano kung iba ang isipin niya?

"Y-Yamato," I tried not to stutter but then he glanced at us and sighed.

Sandali niya lang kami sinulyapan, natigilan ako nang alisin niya ang pagkakatago ng isang kamay sa likod at doon ko nakita ang isang sunflower na nasa bouquet.

H-Hindi ko alam na pupunta siya ngayon.

Tumayo ako ng maayos, "I'll head out." Paalam ni Kuya Yuno, ngunit bago pa man niya lampasan si Yamato ay natigilan ako nang pigilan ng palad ni Yamato si Kuya Yuno.

Sa paghawak niya sa balikat nito at dahil doon ay nagkapantay ang tangkad nila, seryosong tinignan ni Yamato si Kuya Yuno. "Are you having fun, kuya?"

Five words, and it made me so nervous.

"I just stayed by her side, because the one who's supposed to be beside her is not around." Seryosong sabi ni Kuya Yuno at inalis ang kamay ni Yamato sa balikat niya.

Wala akong masabi, Yamato's tone were very sarcastic. "Ikaw yung dapat nasa tabi niya, Yamato. Anong ginagawa mo?" Mahinang natawa si Yamato sa sinabi ni Kuya Yuno.

Very sarcastic laugh, "Talaga ba?" Yamato's lips rose up and then he glanced at me.

"I'm very sorry for not being be able to stay by your side, Jami. Sorry kung iba yung inuna ko," napakurap ako ng maraming beses.

Kinakabahan sa tinuran niya, "Pasensya na kung wala akong kwenta," napatitig ako lalo sa kaniya.

"You should rest, baka napagod kayo. I'll go ahead," nang umalis si Yamato ay natuod ako sa kinatatayuan ko.

Hindi ko alam ngunit nagbigay 'yon ng kakaibang sakit sa dibdib at sa tyan ko na para bang magkarugtong ang dalawa. "You two should talk," sambit ni Kuya Yuno kaya naman mabilis akong naglakad at sinundan si Yamato.

Sobrang laki ng mga hakbang niya kumpara sa mga hakbang ko, huminga ako ng malalim ng mahirapan ako huminga. Ang bilis niya masyado, "S-Sandali." I tried catching up.

Ngunit ang mga hakbang niya ay sobrang lalaki no'n at pakiramdam ko sobrang bibigat no'n dahil sa mga buhangin na napupunta sa ere.

"Y-Yamato, sandali." Humabol ako sa kaniya ngunit aksidente akong natapilok dahilan para mapadaing ako.

Napatigil naman siya at napalingon kaagad, sinubukan ko tumayo ngunit nakagat ko ang ibabang labi ng sobrang sumakit ang paa ko sa pag-apak ko.

Pinantayan niya ang pagkakaupo ko at tinignan 'yon, "Ano ba kasing ginagawa mo," mahinang sabi niya at tsaka niya hinawakan ang talampakan ko.

Aburido niyang iniikot 'yon, "A-Aw."

Ngumiwi siya sa pagdaing ko, nang magtama ang mata namin ay hindi ko alam kung maiiyak ako. "Yamato," pagtawag ko sa pangalan niya.

He's looking so decent right now, ang puting long sleeve buttons up polo niya ay naka-tucked in sa denim pants.

Naglapat ang labi niya, "Huwag ka kasi tumakbo." Sermon niya at nag-aalalang sinuri ang paa ko.

"Can you walk?" Tanong niya at inalalayan ako, nang maging maayos ang paa ko ay tumayo na ako.

"Ang bilis mo kasi maglakad," mahinang sabi ko.

"Ihahatid na kita sa kwarto mo," matipid niyang tugon at napalunok ako nang ipahawak niya na sa akin ang isang piraso ng sunflower.

Napansin ko naman na bumagal ang paglalakad niya, "Hindi ko alam na pupunta ka," mahinang sabi ko sa kaniya.

"Paano mo malalaman, 'ni hindi mo nga ma-check yung cellphone mo." Nahihimigan ko ang sama ng loob sa tinig niya at nakonsensya ako kaagad.

"N-Nagsabi ka ba?" Kwestyon ko.

"Hmm," gitil niya.

Nang nasa kwarto ko na ay pinapasok ko siya, ngunit tahimik lang siyang naupo sa sofa. Hindi ako gaano tinitignan, "Galit ka?" I asked.

"Kanina hindi," bulong niya, "Tinatawagan kita, kasama mo lang naman pala si Kuya Yuno. Hindi mo man lang matignan yung cellphone mo na nasa bulsa mo lang." Napalunok ako at nahawakan ko ang cellphone sa bulsa.

At naka 5 missed calls pala siya, kanina lang, nakita ko rin ang naipon niyang messages and calls from the past few days.

"Sorry, I was too busy to check." Napatitig siya sa akin.

"Busy with Yuno, I guess." Sa sarkastiko niyang sinabi ay napalunok ako, umiwas tingin na siya sa akin halatang dismayado.

"I called you three days ago, you're not answering." Paalala ko sa kaniya, "Have you seen my reply?" Sumbat niya.

"Hindi ko alam, Jami ha. Hindi ko alam kung bakit bigla mo 'kong tinatawagan, I was tired of checking my phone kasi wala kang reply, panay ka seen, hindi ko naman alam na bigla kang tatawag." Sarkastiko ang tinig niya at nasasaktan ako.

"Hindi ko nga alam kung naisip mo man lang ba ako," mahinang sabi niya kaya napatitig ako sa kaniya.

"Kaya nga kita tinawagan, kasi naisip kita." Mahinang sabi ko.

"Wala ka nga nang kailangan kita no'n," dagdag ko pa.

"Baka naisip kasi wala ka ng kasama." Nakonsensya ako sa kaniyang sinabi, dahil alam ko na totoo ang sinasabi niya.

"Yamato." Napipikon na sambit ko sa pangalan niya.

"Jami, paano mo natitiis 'yon?" Sa biglang tanong niya ay seryoso ko siyang tinignan, ngunit salubong rin ang kilay niya.

Nakaupo siya sa sofa, ngunit hindi siya relaxed. "Paano mo natitiis na hindi man lang ako kumustahin?" Naitikom ko ang bibig.

"Iniisip ko kung kailan mo tatanungin kung kumusta ako, kung maayos pa ba ako, kung kumakain o natutulog pa ba ako ng maayos—" naputol ang sasabihin niya ng umiwas tingin siya at mahinang magmura na para bang nasasaktan siya sa sariling sinasabi.

"Okay lang naman yung mga 'yon, kung wala, pero yung kahapon pa ako nag-aabang sa'yo dito sa Palawan, pero kasama mo si Yuno, Yuno." Sambit niya, nakagat niya pa ang ibabang labi.

"Yuno na naman, Yuno ulit kanina." Gitil niya, napayuko ako.

I'm really frustrated and tired right now, "Nakakarindi ka." Mahinang sabi ko, nasapo ko ang mukha at napahilamos sa pagkairita.

Natigilan siya sa sinabi ko, bigla ay nawala ang pagiging sarkastiko niya at tsaka siya gulat na napatitig sa akin.

Bakas sa mukha niya ang sakit, dahil sa itinuran ko. Bigla siyang napaiwas tingin, nang mapansin ko ang mata niya ay napalunok ako.

"I'll go ahead," mahinahon niyang sabi at tsaka siya tumayo, walang ano-ano ay lumabas siya ng hotel room ko.

Napapikit ako at napaupo na lang sa sahig, nasapo ko ang mukha. Hindi ko na alam kung ano pa bang ginagawa ko, kung tama ba yung sinabi ko, kung ano yung nasabi ko.

Nakagat ko ang ibabang labi ko, pinilit ko tumayo at tsaka ako pumunta sa kama ko at nagtalukbong ng kumot.

Kinabukasan ay bumangon ako, ang sakit ng katawan at mga mata ko. Tinignan ko kaagad ang cellphone ko kung may text messages ba siyang bago ngunit wala, bumalik naman ako sa text messages niya na hindi ko nabasa.

Yamato: Hon, sorry. Nakatulog kasi ako sa library, bakit ka tumawag? May problema ba?

Yamato: Hon, hindi ka naman sumasagot.

Yamato: Okay ka lang ba? Kumain ka na? Baka lamigin ka, yung jacket ko i-suot mo muna hon.

Yamato: Still up, hon. Waiting for your call, I miss you.

Yamato: 3am hon, can't stop thinking about you.

Yamato: Galit ka ba Jami? Sorry, hindi ko sinasadya makatulog.

Yamato: Pag natapos ko talaga 'to, lahat hon. Pupuntahan na kita.

Yamato: Hon, byahe ako diyan bukas. Sasamahan na kita, kaunti na lang naman kailangan ko ipasa.

Yamato: Hon, dito na ako sa hotel. Sa dati ko na room, wala ka kasi sa hotel room mo. I checked inside, pero wala ka.

Yamato: Dito lang ako, abangan kita sa lobby hon.

Yamato: Hon, umuwi ka ba? Hindi na naman kita naabutan. Hoping to meet you, while I'm here hon.

Yamato: Miss you like crazy, I miss you like crazy~

Yamato: Napapakanta na ako sa pagka-miss sa'yo, 'no ba naman hon.

Yamato: Honeeeeey, naka 100 puffs na ako sa vape, wala ka pa rin. Hindi ka na yata kumakain ng tama. Hayst, sad boy na naman ako. Joke. Peace yow.

Nakagat ko ang ibabang labi, Liezel Jami. Paano na 'yan? Naligo na ako, nag-ayos ngunit bago pa man ako mag-blower ng buhok ay may tumawag.

Nilapitan ko kaagad 'yon ngunit sobra akong nadismaya dahil hindi si Yamato 'yon, kundi si Serina. Sinagot ko na dahil baka may sinasabi na ang professor namin.

"Liezel Jami, gago. Ikaw highest natin sa handout na isa ah, hindi ka pa pumapasok niyan pero ang lupit mo!" Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ha?" Nagtatakang tugon ko.

"Yung pinapasa mo kay Engineer Lapiz, sabi niya kasi nasa Palawan ka kasi nawawala kuya mo. Kaya ipinapasa mo na lang raw," natulala ako sa sarili ko sa salamin.

Wala akong pinapasa, wala pa nga akong nagagawa, "Sabi tuloy ni sir, pagbigyan ka na lang mag-special exam. Kasi complete naman na handouts mo." Sa dagdag kwento niya ay napatay ko ang tawag.

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko nang ma-realize kung saan siya busy, at kung bakit kulang ang mga tulog niya.

Nasapo ko ang mukha at pilit ko na hindi nilakasan ang pag-iyak ngunit humagulgol rin lang ako sa gulo ng nararamdaman.

H-Hindi ko na alam.

Tumayo ako at kakausapin ko na sana si Yamato at pupuntahan ngunit tumatawag si Senti sa akin. Sinagot ko 'yon baka emergency, "Jams, pasabi naman sana kay Yamato magpasa na siya ng handouts." Napatigil ako lalo.

"A-Ano 'yon?" Paglilinaw ko.

"Hinahanap na kasi ni sir yung tatlong handouts niya, wala pa siyang naipapasa. Nag-take lang siya ng exam, tapos apat na handouts pa lang naipapasa niya may tatlo pa." Sa sinabi niya ay mas lalo akong na-konsensya.

"May minus na 'yon, panigurado. Pasabi Jams ha? Hindi niya kasi sinasagot tawag namin." Napapikit ako sa narinig.

"O-Okay sige," sambit ko.

"Salamat, Jams. Pasensya na ha, ikaw lang kasi papakinggan no'n eh." Nagpasalamat na lang ako at pinatay na ang tawag.

Paano ko siya haharapin ngayon?

Paano niya nagawang unahin yung handouts ko, hindi pa nga niya matapos tapos yung kaniya. Yamato naman.

Gusto ko na lang umiyak at magtago sa sobrang kahihiyan sa kaniya dahil sa inasta ko, ang sama ko.

///

@/n: Any thoughts? Keep safe, love lots. ❤️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top