Chapter 21: His Consideration
Chapter 21: His Consideration
Liezel Jami's Point Of View.
After our date, hindi ko pa rin masabi yung three words sa kaniya, I was too shy to say it. "Jami." Nalingon ko siya kaagad.
"Po?"
"Pag nagkulang ako, tell me. I'll try to provide, I am not a perfect person Jami." Pag Jami ang tawag niya sa akin ay napakaseryoso niya.
"Marami akong pwedeng makaligtaan, kaya sana ipaalala mo sa akin kung ano yung kulang ko para mapunan ko kaagad," nang abutin niya ang kamay ko sa lap ko ay napangiti ako.
He's so sweet and caring.
"I'll study hard to deserve you, Jami." Pabulong niyang sabi, nang iangat niya ang kamay ko at halikan ang likod no'n ay nag-init ang pisngi ko.
Pasimple kong kinagat ang ibabang labi ko, para akong kinikiliti sa tyan, ito ba yung sinasabi nilang butterflies in stomach?
He's already deserving, bakit niya naiisip na hindi? Is that his concern in our relationship?
That my parents won't approve of him? That's impossible, my family is not like that. Wala nga silang pakialam sa pera.
Nag-date pa kami afterwards and then I remember the phone call so bago ako bumaba ng sasakyan niya ay nalingon ko siya. "How about the phone call?"
Natigilan siya tsaka mahinang natawa, "Si Senti, ipinasok niya raw ako sa chess competition, money ang prize." He proudly said.
"I wish I could win, I'm planning to buy a condominium in the future. You know," nang sabihin niya 'yon ay napalunok ako.
"For you?" I asked.
Nang napangisi siya ay napalunok ako at naitikom ang bibig ko, "Malay mo for both of us?" My eyes widened when he told me that.
"Y-Yamato talaga," nahihiyang sabi ko.
"Imagine hon, if we have 2 separate tables for our things and a different shelf for your comics and collections." Napatitig ako sa kaniyang mukha.
"Then we're studying together," napansin ko na sobra siyang natutuwa dahil nawawala pa ang mata niya sa pagkakangiti niya.
"But you're too young for that, so I'll prepare myself for that future." He squeezed my hand and glanced at me.
"Go ahead hon, sleep ka na pagkapasok mo. May classes ka pa," wika niya at inabot ang batok ko.
Ngunit hinalikan niya lang ako sa noo, napanguso ako. "Hon," sambit niya kaya tinitigan ko siya.
Napapikit ako kaagad nang dampian niya ng halik ang kanang mata ko, "Goodnight." He whispered and then leaned back.
Lumayo siya sa akin at tsaka bumaba na ng sasakyan niya, matapos niya ako pagbuksan ay dinala ko lahat ng ibinigay niya.
Nagpaalam na rin kami sa isa't isa, a week past and one day, Kuya Yuno called me and I don't have a choice but to answer.
"Hello po," I started.
"Go downstairs, sa mismong guidance office." Matipid niyang sabi kaya huminga ako ng malalim at pinatay na yung tawag.
Pagkarating sa tapat ng guidance office ay napatingin ako kay Yamato ng makita ko rin siyang naghihintay sa labas. "Pinatawag ka na pala," sagot niya.
"Tumawag si Kuya Yuno," matipid siyang tumango. Mukhang pagod dahil sa klase niya, inaantok ang mata niya at dahil doon ay sabay kami na pumasok.
"Good afternoon sir," bati namin.
"I've heard that Engineer Marshall and Mr.Lapiz investigated the origin of the post against you Ms.Garcia," panimula nito kaya natignan ko si Yamato ngunit matipid lang siyang ngumiti.
"And I heard from Mr.Lapiz that he started a fight because a student your age talks behind your back. A malicious one, papunta na sila rito." Tumango ako bilang sagot.
"We'll see how we handle this matter, wait patiently." Naupo muna kami at dahil doon ay napagitnaan ako ni Kuya Yuno at Yamato.
After a few minutes, there were 2 girl students, and 1 man. So they're the poster?
"I don't understand why would they need to get in between our fight, Liezel Jami, porket ba apo ka ng may ari ng school?" Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi ng isa yung babae.
"If you don't like someone getting in between our issues, edi sana kinausap mo 'ko personally instead of posting it?" I fired back.
"Hindi nga kita kilala," pabulong na sabi ko.
"Instead of apologizing, you're here to insult her more?!" Malakas na hinampas ni sir ang kaniyang mesa.
"How disappointing! Kung ibang estudyante ang ginanyan niyo hinihimas niyo na ang rehas!" Striktong sabi nito kaya napayuko ako.
"But this kid here, mas bata sa inyo, hamak dahil mga graduating na kayo! Pero siya freshman, hindi kayo nahihiya sa mga ugali niyo?" Dagdag ni sir.
"Bakit ba kailangan niyo makialam!? Away estudyante 'to!" Singhal ng isang babae, hakatang spoiled brat siya sa inaasta niya.
"I-I'll call your parents with that attitude!" Turo sa kaniya ni sir, "Masyado ng malaki ang mga ulo niyo. Kung dalawang lalake ang may gusto kay Ms.Garcia ay wala kayong pakialam!" Pagsasabi ng totoo ni sir dahilan para sumama ang tingin ng dalawang babae sa kaniya.
"Huwag mo 'kong mabastos bastos—"
"Binabayaran ka lang naman namin rito! Kaya ka nakaupo sa pwesto mo—"
"Now I understand, bakit hindi kayo gusto ng dalawang binata na 'to. Ang papangit ng ugali niyo, I'll put you in expulsion." Galit na sabi ni sir.
"Ms.Garcia, settle this with a lawyer or I'll just kick them out. I'll start a meeting with the higher ups, to expel you in this school. You understand? No more words for both of the girls, you may leave." Galit na umalis ang dalawang babae, mukhang kambal.
"Mga pinanganak na bastos," mainit na ulong sabi ni sir kaya napanguso ako.
Nang pasimpleng hawakan ni Yamato ang kamay ko ay kumabog ng malakas ang dibdib ko ngunit itinago niya 'yon, naramdaman ko ang pagpisil niya kaya nasulyapan ko siya.
Matipid siyang ngumiti sa akin, "Okay, Mr.Lapiz and your issues," sambit ni sir sa isang lalake yung kasapakan niya last time.
"Sir, bawing bawi naman na po. Binigyan niya ako ng pasa at napilay pa ang braso ko sa kaniya, nagka-rib fracture rin po ako nang ibalibag ako ni Yamato." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng lalake.
Ang lala..
"Ah.." Walang masabi si sir at sinulyapan si Yamato, tsaka siya napangiwi.
"B-Bakit mo naman kasi binalibag, Mr.Lapiz," alanganin na sabi ni sir kaya naman nang matawa si Kuya Yuno ay natignan siya kaagad.
"I'm sorry," he apologized, si Kuya Yuno talaga hindi lumulugar sa pagtawa.
"What's funny?" Bulong ni sir.
"Sir, we all know that Yamato is a master in that skill. Lumaban nga po siya sa isang competition when he was in his high school, natalo niya yung college. What more, ngayong ganyan siya kalaki." Kuya Yuno explained that it made me bite my lips.
May punto.
"I know, I know about that. But my point is he's not in a competition bakit siya mananakit—"
"May tinatawag tayong, wait for your enemy to punch you first, and act like a self defense." Singit ni Yamato.
Nanlaki ang mata ko at nasiko siya, "Umayos ka." Bulong ko.
"Sir, may point." Sangayon ni Kuya Yuno.
"In other instances, especially with law, wala akong mali." Yamato stated, huminga ako ng malalim.
"Oh sir, tapos paparusahan pa 'ko?" Sumbat ng lalake.
"S-Sapat na po siguro yung parusa na bigay n-nito." Senyas ko kay Yamato.
"Oh sir, pinapatawad na nga ako ni Jami—"
"Hindi ka pa nga nagsosorry!" Singhal ni Kuya Yuno.
"E-Eh, edi sorry Jami." Hindi ko nga alam kung anong sinabi niya kaya tumango na lang ako, "Alis na 'ko sir." Paalam niya at nagmamadaling naglakad, ngunit sa pag-ayos ng upo ni Yamato ay nanlaki ang mata ko ng magtakip agad ng ulo yung lalake.
Alanganin akong napangiwi, nagulat din si Yamato. "Kingina," bulong ni Yamato at dahil doon ay umalis na kaagad yung lalake.
"You may go back," sambit ni sir.
Sabay sabay kami lumabas tatlo, "Kuya Yuno, thank you for finding them, I appreciate it." Matipid ko siyang nginitian dahilan para mapaiwas tingin siya.
"Huwag ka na magpa-cute, pumasok ka na sa klase mo. Kakausapin ko muna si Yamato." Sinabi niya 'yon habang nakatingin kay Yamato kaya huminga ako ng malalim.
"H-Huwag kayo mag-aaway ha," paalala ko.
"No worries, nagsasapakan kami." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Yamato kaya nahampas ko siya sa braso.
"Yamato, umayos ka." Banta ko.
"Thank you rin sa'yo," ngumiti siya at inayos ang buhok ko ngunit halos mapalunok ako sa gulat ng hiklatin na siya ni Kuya Yuno.
"Anak ng— sandali nga!" Kawag ni Yamato ngunit nahila na siya papalayo.
Mabilis na lumipas ang ilang linggo, abalang abala kami sa library ni Yamato dahil parehas kaming may upcoming exam sa first week of november.
Nasapo ko ang noo at tsaka ko inabot ang water tumbler ko. Napainom ako ng tubig dahil nanunuyot ang lalamunan ko, "Sakit na ng ulo ko hon," napatingin ako kay Yamato.
"Are you sleepy?" I asked, medyo namumula na kasi ang mata niya dahil kahapon pa siya nag-aaral.
"Medyo hon," ngumiti ako at inabot sa kaniya ang water ko, kinuha niya 'yon tsaka siya uminom.
"Thanks."
"Tapusin pa natin isang lesson, tapos uwi na tayo okay?" Suhestyon niya at sinulyapan ang silver watch niya sa mismong left wirst niya, napahikab siya at muling binuklat ang libro niyang makapal.
"Panay actual naman na kami sa 5th year, kaya magtitiis tiis muna ako." Napailing ako sa kaniyang sinabi, "Huwag pakampante," I reminded that made him smile.
"Yes hon," nang abutin niya ang kamay ko ay nakagat ko ang ibabang labi at napalipat na lang ng pahina.
Nang natapos namin ang isang lesson ay binuhat niya ang bag ko at panay hikab pa siya habang naglalakad. "Magiging busy na ako lalo hon, may report pa ako na gagawin bukas." Inaantok niyang sabi.
"Yes po."
"Ako rin," mahinang sabi ko.
"May service naman ako, pwede na mag-focus ka muna sa studies mo." Ngumiti si Yamato, "I'll still try hon." Sagot niya.
Pagkahatid niya sa akin ay humilata kaagad ako sa bed, hindi ko na kaya ang antok. Mabuti na lang ay kumain kami ng heavy meryenda hindi tuloy ako makaramdam ng gutom.
Ilang araw ang makalipas ay tatlong oras lang ang tulog ko dahil sa floor plan na kailangan ipasa kinabukasan, pagkapasa ko no'n ay napaupo ako sa kung saan pwede.
Hanggang sa may tumawag sa akin, sinagot ko naman ang tawag ni mommy.
"Mommy, hello po."
"Where are you 'nak?" Nangunot ang noo ko nang marinig ang tinig ni mommy na medyo iba ang tono.
"School mommy," wika ko.
"Why did you call po?" I asked.
"Y-Yung kuya mo kasi 'nak," nangunot ang noo ko sa panimula niya, hanggang sa marinig ko ang mahinang hikbi niya ay napatayo ako ng maayos.
"B-Bakit po?"
"Something happened to your brother, h-he can't be found in the sea after the yacht explosion." My eyes widened, tila nanghina ang tuhod ko.
"I-In Palawan mom?" Napaupo ako muli at tsaka pinipigilan ang sarili ko na maluha.
"Oh my god.." Bulong ko.
"I-I'll go there—"
"Mamaya na 'nak, pag may available chopper na to fetch you okay? Calm yourself. Your brother is good at surviving." Napapikit ako at sumangayon na lang.
"Yes mom, b-bye po."
"Take care, 'nak." Paalam niya at pinatay na ang tawag, natulala ako.
Yacht explosion? Bakit? Bakit sasabog yung yate namin mismo? Is it planned?
Napapikit ako at tsaka tumayo, tahimik at lutang ako na naglakad. Nang tumunog ang cellphone ko ay tinignan ko 'yon, napatitig ako sa cellphone ko.
@yummito.lapiz: Is there a problem hon? Look up.
Napatingala ako at nakita ko siya sa 4th floor, nakahawak sa railings at nakatanaw sa akin. Huminga ako ng malalim.
@yummito.lapiz: What's wrong hon? Tell me. Matatapos na rin kami rito, we're just waiting for the announcement.
@jams.liezel: My brother got into a yacht explosion.
@yummito.lapiz: Huh? But he's with my sister, tangina. Wait.
Nawala siya sa 4th floor, ngunit napalunok ako nang makita ko siyang nagmamadali na tumakbo pababa, nang makalapit siya sa akin ay hinarap niya ako hinihingal.
"Kasama niya si Ate Miran?" Tanong ko.
"Yes, I heard from my dad. Magkasama sila sa Palawan, kung sumabog yung yate does that mean kasama yung ate ko? Kumusta si Kuya Laze?" Bumuntong hininga ako.
"Nawawala," mahinang sagot ko.
"Shit, can you confirm if my sister is okay?" Umiling ako bilang sagot, "My parents are busy looking for my brother, h-hindi ko sila matatawagan ulit. Pero isasama kita pag pupunta ako ng Palawan." I explained.
Nasapo niya ang noo tsaka siya huminga ng maluwag, he even tried calling his sister but it's unreachable.
"Tangina," bulong niya halatang frustrated dahil nag-aalala siya sa ate niya. I hope my brother and Ate Miran are okay and safe.
We both waited for calls, not until my mom called me again sinagot ko 'yon kaagad habang nasa sasakyan kami ni Yamato.
"Mom, si kuya? Nahanap na po ba siya? Si Ate Miran? Magkasama ba sila?"
"Miran and Laze can't be found yet, I'm worried anak." Nakagat ko ang ibabang labi sa sagot niya.
"I'm with Ate Miran's brother, mom. H-He's also worried." I stated, napatitig sa akin si Yamato, inabot ko naman ang kamay niya at hinigpitan ang hawak doon.
"Ipapasundo ko kayo, kasama ang family nila." Maayos na sabi ni mommy.
"Yes mommy, We'll wait." She ended the call and I sighed, "Tara na sa inyo, ipapasundo tayo ni mommy para makapunta sa Palawan." Mahinahon na sabi ko.
He nodded, he started the engine, pagkarating sa kanila ay naghintay kami sa loob ng bahay nila. "P-Paano ba kasi nangyari 'yon? Sino may gawa? Sadya ba?" Natataranta na sabi ni Tita Janine.
"Ma, kumalma ka muna." Paalala ni Yamato.
"Pakiramdam ko yung Bautista may gawa nito eh, mga may lahing demonyo talaga. Ang kakapal ng mukha!" Bulyaw ni Ate Janella.
"Mama, ate kumalma nga kayo, alam niyo naman na may problema yung mga puso niyo." Nahihirapang sita ni Yamato.
"Hindi pa man din ganoon marunong lumangoy ang ate mo, anak. Anong gagawin natin?" Pinaghawak ko na lamang ang mga kamay ko.
Hindi ko alam kung paano sila matutulungan gayung kinakabahan rin ako para sa kuya ko. Nanahimik lang ako dahil lahat sila ay nagpa-panic.
Pagkarating ng chopper ay sumakay kami kaagad lahat, sobrang tahimik ko lang dahil naaburido rin ako.
Pagkarating ay yumakap kaagad ako kay mommy, "T-They can't be find yet?" Nang umiling si mommy ay nanlumo ako ng husto.
"You can stay in the hotel rooms, Jami. Can you take them there? We'll talk later." Tumango ako kay mommy dahil mukhang pagod rin siya.
"Si daddy po?" Magalang kong tanong, inayos ni mommy ang buhok ko tsaka siya matipid na ngumiti.
"Hinahanap nila ang kuya mo," wika niya.
"Sige na 'nak, hatid mo sila sa rooms nila. Sa ibaba ng penthouse ng Tito Kent mo." I nodded and I unintentionally grabbed Yamato's hand in front of them that made my eyes widened.
"I-I'm sorry," gulat ko na sabi at nahihiyang binitiwan 'yon. Nang magtama ang mata namin ni Yamato ay nakatitig lang siya sa akin tsaka matipid na ngumiti kaya mas nag-init ang pisngi ko.
Nauna naming hinatid ang parents at mga kapatid niya, nahuli siya at nang sa kwarto niya na ay mabilis niya akong hinila papasok doon.
He even locked the doors, and while watching him, he glanced at me. "Why po?" I curiously asked.
"Stay with me for a while," sambit niya at huminga ako ng malalim nang yakapin niya ako. Habang nakasandal ang pisngi ko sa dibdib niya ay hinahaplos niya ang likuran ng ulo ko.
"Let's rest po," anyaya ko at hinawakan ang kamay niya. Dinala ko siya sa sofa at naupo kami doon, magkahawak ang kamay naming dalawa habang nakasandal siya sa balikat ko.
Nang may abutin siya sa bag niya na nasa gilid ng sofa ay pinanood ko siyang ilabas ang vape, "Wait hon." Binitiwan niya ang kamay ko.
May inilagay siya sa parang glass tube at nang ibalik niya 'yon ay nakita ko pa na pinindot niya 'yon at umusok kaagad.
Nang humipak siya ay naamoy ko kaagad ang sweet menthol flavor no'n, sobrang bango. Nang i-abot niya sa akin 'yon ay hinawakan ko lang, "Don't you want to try?" Napairap ako at napalo siya sa legs niya.
"Hindi nga ako marunong, ang kulit mo." Bulong ko.
"Sipsipin mo, pero hindi yung parang sisipsipin mo na parang labi—"
"A-Anong labi?" Naguguluhan na tanong ko na mahina niyang ikinatawa, "Wrong comparison, sorry." Ngumuso ako sa sinabi niya.
"Try sipping the air," I did what he told me and then the next time he placed the tip of the vape on my lips.
"Try it," ginawa ko nga at halos mapaubo ako nang biglain ko.
"Jami, slowly kaya." Hinagod niya ang likod ko dahil sa pag-ubo ko, ngumuso ako at umiling.
"Ayoko na," umuubo ko pa na sabi dahilan para matawa siya at akbayan ako, sumandal siya at humipak pa.
"Stressed ka 'no?" Natigilan siya sa sinabi ko.
"Why?"
"Halata sa paghipak mo eh, iba kasi pag you're using it for fun. Sobrang light lang, ngayon ibinubuga mo lang sila," mahinang siyang tumawa sa explanation ko.
"I'm worried about my sister," sagot niya.
"Alam mo ba when I found out that my sister, yung panganay ha na may sakit rin sa puso parati ko silang pinag-iingat," napatitig ako sa kaniya nang magkwento siya.
"Parehas kasi sila ni mama, naalala ko noon inatake si mama sa puso at wala akong magawa kundi umiyak, natatakot tuloy ako kasi puso nila ang sensitive."
"Isang pagkakamali mo lang ay pwedeng bumalik yung sakit nila sa puso at papaano kung mapano sila?" Isinandal ko ang ulo ko sa bandang dibdib niya.
"They'll be fine," I tapped his chest lightly, just comforting him.
"Okay? They'll be fine," I stated.
"My mom had my Kuya Laze in such a dangerous state, may sakit rin kasi siya sa puso no'n but she's fine now." Kwento ko pa.
"That's just one of my fear, yung magkaroon ng sakit sa puso yung mga mahal ko kasi hindi nila mae-enjoy yung mga bagay bagay." Ngumiti ako sa sinabi niya.
He held my hand, "So take care of your heart, ayoko na magkaroon ka ng sakit. Okay?" Ngumiti ako at tumango.
"Hinding hindi ako magkakaroon ng sakit sa puso, bukod pa sa parati ako nag-exercise, kumakain ako ng healthy." I proudly said that made him smile.
"That's great," wika niya at hinalikan ako sa noo.
Sa noo na naman.
"Yamato, mag-aral ka mabuti ah, baka mamaya nagbubulakbol ka na naman." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko, "Hon pustahan pa tayo ano? Baka nga maka-uno ako eh." Napangiti ako sa hamon niya.
"Paramihan tayo ng uno?" I asked.
"Luh, magkaiba nga yung year level natin hon. Hindi ba ako lugi niyan?" Naningkit ang mata ko.
"Compare to our age," wika ko.
"Sige, ganto na lang. Pag uno lahat ng grades mo sa lahat ng subject, I will grant you one wish, kahit ano pa 'yon." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Sa tingin mo ba hindi ko kaya?" Hamon ko rin.
"Kaya mo, kaya nga isang wish lang kahit uno mo lahat." Natawa kaming dalawa sa sinabi niya.
"Hanapin na natin sila?" I asked, "Sure hon. Let's go, nahawakan mo pa kamay ko sa harapan nila." Natatawang sabi niya, tila nang-aasar.
"Yamato ha."
"Hon, ikalma mo lang. Mahuhuli tayo niyan," natatawang sabi niya pa kaya umirap ako at tumayo na.
"Let's go." Itinayo ko na siya.
Sinimulan naming hanapin sila, ngunit kalagitnaan ng gabi ay may tumawag na kay mommy kaya naman habang nasa yate kami ay napalunok ako.
Si Kuya Laze ba?
"Ah yes, I'll tell them. Okay." Napatitig ako kay mommy, nang ibaba niya ang cellphone ay nabuhayan ako ng loob.
"Miran was found in Cebu," nang sabihin 'yon ni mommy ay tila nakahinga ng maluwag ang family nila Yamato.
"H-How about Kuya Laze?" I asked.
"Hindi pa anak, sorry." Nangunot ang noo ko sa sagot ni mommy.
"Pero mommy magkasama po sila, p-paanong si Ate Miran lang ang nakita?" Naguguluhan na tanong ko.
"Magkahiwalay sila nang sumabog ang yate anak, huwag ka mag-alala. Your brother is safe okay? We'll pray for that." Napaiwas tingin ako, naiiyak.
"Bakit h-hindi pa siya nahahanap mommy? P-Papaano po kung napano na siya?" Natataranta na sabi ko.
"Jami, anak. Kumalma ka, hinahanap na natin ang kuya mo okay?"
Iniiwas ko ang tingin sa kanila, "Maybe h-he's somewhere there?" Turo ko sa kawalan.
"Anak," pilit ako na pinapakalma ni mommy.
I'm really close with my brother, hindi ako natutulog nang bata ako kapag hindi ko siya nakikita, o naririnig ang boses niya. Lalo na sa every day training niya.
"Puntahan niyo na si Miran sa Cebu, para masigurado kung maayos ba talaga siya. Okay? Mag-iingat kayo, gamitin niyo na yung chopper." Huminga ako ng malalim at tsaka ako umalis doon, bumaba na lang ako sa yate.
Bakit si Ate Miran lang ang nakita? Paano na ang kuya ko.
Tahimik ako na naupo sa loob, sa kwarto, tumulala lang ako doon, pinagdadasal na sana maayos lang si Kuya Laze.
Nang pumasok si Yamato ay napaiwas tingin ako, "Hon.." He softly called me, ngumuso ako kaagad.
"I'm sorry hon, are you mad?" Naupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.
"Are you mad that your brother is not yet found?" Napapikit ako, nakokonsensya.
"Yes, Yamato. I am so frustrated, but that doesn't mean I don't want Ate Miran to be found." I tried explaining.
"N-Naiirita lang ako kasi nag-aalala ako kay kuya." Tumango siya.
"I understand your frustration, I'll still help para mahanap si Kuya Laze." Inayos niya ang buhok ko, tinititigan niya ang mukha ko at tsaka siya huminga ng malalim.
"Aalis muna kami sandali, hon, para puntahan si Ate Miran." Tumango ako, nakanguso.
"Ingat kayo," pabulong na sabi ko.
"I'll call you later, when we arrive, keep yourself warm hon." He took off his jacket and placed it on my shoulders. Hugging me.
"Ingat po."
"Hmm, I'll be back." Hinalikan niya ang noo ko, napapikit ako dahil matagal tagal 'yon.
Ngunit parehas kaming napalayo sa isa't isa nang magsalita si Ate Janella. "Uy, Lamig." Napayakap pa siya sa mga braso niya dahilan para mag-init ang pisngi ko.
"Lamig ba Jem? Lamig 'no?" Napanguso ako, kumabog rin ang dibdib ko ng malakas dahil baka mahalata nila.
"Oo, lamig nga eh. Parang antarctica." Napapahiya akong umiwas tingin.
"Ano 'yon brader? Ano yung natuklasan ko?" Lumapit si Ate Janella kay Yamato.
"Sikreto lang dali, may something kayo 'no?" Nang tumango si Yamato ay mas nag-init ang pisngi ko.
"Sabi na eh," bulong ni Ate Janella.
"Tara na," anyaya naman ni Yamato at tinangay na si Ate Janella.
Nagpatuloy kaming naghanap matapos nila makaalis, ngunit hindi pa rin namin makita si Kuya Laze sa kung saan. My dad looked for Kuya Laze in hospitals.
Ang kasama ko lang ngayon ay si mommy at ang iba pang naghahanap, hindi ko na nga rin nagawang replyan si Yamato dahil nakalimutan ko na rin mag-charge.
After two days na paghahanap ay wala pa rin si Kuya Laze, nowhere to be found.
I am stressed and pressured at the same time, I have an exam this upcoming 3 days.
Wala pa akong review gaano, yung mga kailangan ko pa ipasa na plates.
"Pahinga ka muna 'nak," My mom sweetly said, huminga ako ng malalim at tsaka yumakap.
"Calm down okay?" She reminded me.
"Yes mommy," paalam ko.
Naglakad na ako papasok sa hotel ngunit halos mayakap ko ang sarili ng makita ko si Yamato na nakaupo sa lobby area ng hotel.
Magkakrus ang braso at nakapikit habang nakasandal ang likuran niya sa sofa, may magazine rin sa kandungan niya.
Huminga ako ng malalim at nilapitan siya, kinalabit ko siya at halos magulat pa siya kaya naman nang makita niya ako at ngumiti siya kaagad.
"Why are you waiting here?" I asked.
"H-Hindi ko kasi alam kung saan kita mahahanap, hindi mo rin sinasagot ang text messages and calls ko." Huminga ako ng malalim at tumango.
"Tara," anyaya ko.
Dumeretso kami sa tinutuluyan ko ngayon, pagkapasok ay kinuha ko ang maleta ko at kumuha ng dadamitin.
"I'll just take a shower," paalam ko.
"Did you eat na ba?" Nalingon ko si Yamato, huminga ako ng malalim at tsaka umiling.
"Okay ka lang ba ho—"
"Mamaya na tayo mag-usap." Naiiritang sabi ko at pumasok na sa banyo.
Padabog ko na isinara ang pinto tsaka ko sinimulan maligo, ang sakit ng ulo ko.
Ano ba nangyari kay Kuya Laze?
Pagkatapos ko ay pinatuyo ko na ang buhok ko bago pa man ako lumabas, nasapo ko ang noo.
"B-Bumili na ako ng food sa labas, tara kain." Pilit siyang ngumiti kaya naupo ako sa harapan niya.
Inihain niya na 'yon at sinabayan na lang ako kumain. Pagkatapos ay natulala pa ako sandali, "Si Ate Miran kumusta?" I asked.
"H-Hinahanap pa rin niya si Kuya Laze." Tumango ako at uminom ng tubig.
"Kailan pa kayo nakabalik?" Tanong ko muli, natigilan siya, "Kahapon pa." Tumango ako muli.
Wala ako sa mood.
"Sige," tugon ko.
"May exam pa tayo hon, anong plano mo?" Sa tanong niya ay bigla ako nag-alala sa examinations ko at mga dapat ipasa.
"Hindi ko na alam," bulong ko.
"Sa exam siguro pwede naman ako mag-special take?" Bumuntong hininga si Yamato, natigilan ako nang tumayo siya.
"How about the handouts?" Nasapo ko ang noo, hindi na alam kung ano ang uunahin ko.
"I'll just do both, magpahinga ka na rin Yamato." Paalam ko, tumayo ako at iniwasan ang hawak niya ngunit mabilis niyang sinalo ang kamay ko.
"Hon." Napatitig ako sa kaniya.
"W-Wala talaga ako sa mood ngayon, sorry." Naiilang na sabi ko, "Let's just talk next week, mag-aral ka na muna, gawin mo na rin yung handouts mo." I suggested.
"Jami, kailangan mo rin intindihin yung mga kailangan mo gawin kasi hindi ka na high school to be able to retake the exam." Tinitigan ko lang siya sa sinabi niya, he's wearing a plain black shirt and a black cotton shorts.
"Kaya nga pagsasabayin ko, sige magrereview ako, habang hinahanap si Kuya Laze, okay na?" Pabalang na sagot ko, huminga siya ng malalim.
"Go to bed, I'll study here." Itinuro niya ang mesa ko kaya nangunot ang noo ko.
"Yamato—"
"Seryoso ako," wika niya.
"Matulog ka na, sasamahan kita mag-review, habang hinahanap natin ng sabay si Kuya Laze." Napatitig ako sa kaniya, hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman.
"Yamato naman." Maktol ko, napaupo ako sa sariling kama ko.
"Matulog ka na hon, pagod ka 'di ba? Magtatalo lang tayo kung ipipilit mo pa." Bumuntong hininga ako at tsaka humiga talaga sa kama ko.
Sa inis ko ay pinatay ko ang lahat ng ilaw kahit na nag-aaral siya sa malapit sa kama ko sa sofa, sa maliit na entertainment area.
Narinig ko ang matunog niyang pagbuntong hininga, hindi ko na siya pinansin at nagtalukbong na lang ako ng kumot.
Makalipas ang trente minuto ay naalimpungatan ako muli, nakapatay pa rin ang mga ilaw kaya maingat akong napaupo, at ganoon ako niyakap ng konsensya ng makita ko siyang nagbabasa habang ang ilaw niya ay ang flashlight ng cellphone.
Humaba ang nguso ko, dahan dahan ako tumayo, naluluha. Nagulat pa siya nang maupo ako sa tabi niya sa sobrang dilim, "Bakit hon?" Nakokonsensya akong yumakap sa mga braso niya.
Nang tumulo ang luha ko ay yumakap na ako sa bewang niya at nagtago sa dibdib niya, nakakainis ka kasi Jami.
"What's wrong hon? Tell me, do we have a problem?" Kahit sa madilim ay nakikita ko ang mukha niya.
Hinigpitan ko ang yakap hanggang sa hagurin niya ang ulo ko, "Huwag ka na umiyak." Bulong niya.
"Let's solve your problem," he added and planted a kiss on the top of my head.
I looked at his face and pouted, "I'm sorry." I mentioned.
"Sorry if I'm mean, h-hindi ko dapat pinatay yung ilaw knowing na nag-aaral ka." Nahihiyang sabi ko at dahil doon ay mahina siyang natawa.
"Okay lang, naiintindihan ko naman na frustrated ka. Don't cry na," bumuntong hininga ako.
"No, even if I'm frustrated, hindi dapat kita dinadamay. It's wrong, don't tolerate it. Sabihin mo na mali ako," mahinang sabi ko.
"Hon, mali 'yon. Pero okay lang kasi naiintindihan kita." Napakadali niyang kausap gusto ko maiyak lalo.
Inangat ko ang paa ko sa sofa dahil giniginaw ang talampakan ko, hinayaan ko na yakapin niya ako.
Nang kunin niya ang paa ko at ipatong 'yon sa lap niya ay nanatili ako sa pwesto ko, bahagya ko pa na isinisipa sipa ang paa ko sa ere dahil nakapatong naman sa kandungan niya.
Nakasandal pa rin ako na parang bata sa dibdib niya, sinindi ko na lang yung lampshade para makabasa pa rin siya.
Antok na antok na ako ngunit napalunok ako nang haplusin niya ang pisngi ko ay ibaba ang libro, "What do you want?" Inaantok na tanong ko na.
"I missed you," nang maramdaman ko ang palad niya sa bewang ko na humawak ay kinabahan ako.
"S-So?"
"N-Namiss rin naman kita pero h-hindi ko gaano napansin kasi busy ako," pagdadahilan ko pa.
"Hmm, okay." Tugon niya, nang ayusin niya ang buhok ko ay nahihiya akong napalunok dahil sa tahimik ay kahit paglunok ko naririnig ko.
"Y-Yamato—" naputol ang pagtawag ko sa pangalan niya nang paglapatin niya ang mga labi naming dalawa.
Ilang beses siyang lumayo, at muling pinagdadampi ang labi namin. Napapikit ako at humawak na lamang sa braso niya.
Nang mas dumiin ang pagdampi ng labi niya ay bahagya akong napaawang ngunit 'yon na ang daan niya upang halikan ako nang medyo hindi ko na alam.
Mas naramdaman ko ang antok, dahil sa paghalik niya, panay ang paghabol ko sa hininga nang mawala kami sa balanse at napahiga sa sofa.
Walang tigil ang paghalik niya ngunit nagulat ako nang bigla siyang tumigil at napatayo pa, "M-May kukunin lang ako sa room ko h-hon, matulog ka na." Nagtataka ko siyang pinanood.
Huh?
"Yamato okay ka lang?" Inabot ko ang kamay niya ngunit nagulat pa siya, I saw him bit his lower lip and tried to smile.
"Y-Yes hon, sleep ka na. Babalik ako," paalam niya at mabilis na lumapit para halikan ako sa noo.
Napuno ako nang pagtataka nang lumabas na siya nang kwarto ko kaya naman bumalik na ako sa kama ko at napahawak sa labi ko.
Kakaiba sa pakiramdam 'yon ah..
///
@/n: Any thoughts? Bakit kaya umiwas bigla si Yamato?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top