Chapter 20: His Lines

Chapter 20: His Lines


Liezel Jami's Point Of View.

Yamato was glaring on the road, para bang nandoon ang kaaway niya, ang singkit niyang mata ay tila nanghahamon ng away. "Kingina, sino naman kaya naglabas ng ganoong issue. Napakabastos," gitil niya at tsaka huminga ng malalim.

"K-Kalma," nahihiyang awat ko.

"Hon, sino kakalma? Halata namang babae 'yon. Ang bastos ng bibig," iritable niyang sabi.

Nabasa niya siguro yung sa part na sinabi yung private part ng babae, sa keep your ano, intact.

"Naiintindihan ko na mabait ka, Jami. Pero ako hindi," napanguso ako nang bumalik kami sa school.

Dumeretso kami sa guidance office, ngunit wala rin namang nagawa ang guidance kundi mag-imbistiga. Pinagkrus ni Yamato ang kaniyang braso sa dibdib, salubong ang kilay at nakasandal sa hawakan ng hagdan.

"Napipikon ako, hon." He even bit his lips, huminga ako ng malalim. "I'm okay, really. G-Ganiyan lang talaga sa school, since I have your back and I'm a bit close to Kuya Yuno." I explained.

"Yeah right," bulong niya.

"Tell me if you found out, or if she comes to you. Hindi naman ako nanapak ng babae," his fist were closed and I sighed heavily.

"Okay lang ako, let's go na." Anyaya ko sa kaniya.

"Mauna ka sa car hon, may dadaanan lang ako." Matipid niyang paalam, nangunot ang noo ko.

"Is that necessary?" Mahinang tanong ko.

"Hmm, really necessary." Tumango ako at tsaka ko siya tinanguan at pumunta na lang sa parking lot.

I waited for him for like ten minutes, I'm glad he gave me his keys so I can stay inside his car. Pagkabalik niya ay sumakay na siya kaagad sa driver's seat.

"Hatid na kita sa inyo hon?" He asked.

Napatitig ako sa kaniya, "Sure." Pabulong na sabi ko.

"Let's eat ice cream first," sa idinagdag niya ay sumaya kaagad ang puso ko dahil gusto ko pa talaga siya makasama kahit ilang sandali.

We both enter the ice cream parlour near the club, and the building, "Ay sama ka na muna sa bahay," nanlaki ang mata ko sa dinagdag niya.

"P-Po? Bakit?"

"Hon, maka-po ka naman." Natawa siya kaya napangisi ako, "Bakit?"

"Gusto pa kita makasama, plus mama cooked champorado." Ngumiti ako at tumango.

"Sure."

We both ate our ice cream and then umuwi na kami sa kanila, pagkababa ay hindi kami ganoon kadikit, syempre baka makahalata ang each side.

Mabanggit pa kay Kuya Laze, yari ako. "Hi Jami!" Masigla akong sinalubong ng mama niya at napapangiti ako dahil doon.

"Hello po, good afternoon." I greeted back, hinawakan ako nito sa braso at inakay.

"Kumakain ka ba ng champorado? Favorite 'yon ni Yamato." Nakagat ko ang ibabang labi tsaka ako tumango.

"Yes po, nagluluto po si lola ng ganiyan." Kwento ko pa, pinaupo ako nito.

"Ma, bisita ko inaagaw sa akin." Pinanlakihan ko ng mata si Yamato sa hirit niya sa mama niya.

"Ano ka ba, bisita na rin siya rito. Hindi mo naman girlfriend, ambisyosong bata." Nanlaki ang mata ni Yamato tsaka siya napanguso.

"Ganyan ka na ma, hindi mo na talaga ako mahal." Maktol niya.

"Hay nako, Yamato, yung cellphone mo nga nabasag mo na naman." Pinigilan ko tawanan ang mukha ni Yamato na nakangiwi.

Dismayado, "Ma naman, sesermonan pa nga ako sa harap ng bisita oh. Feel ko talaga ampon ako—"

"Hindi ko pa ba nasabi sa'yo anak?" Napaayos ng tayo si Yamato sa sinabi ng mama niya, pigil na pigil naman akong ngumisi.

"Ma, parang ewan." Bulong niya.

"Bihis lang ako, Jams." Paalam niya sa akin kaya tumango ako, "Jami, may gusto ka bang binata ngayon?" Sa tanong ni Tita Janine ay nasulyapan ko si Yamato na napatigil.

"Po? Meron naman po." Naiilang na sagot ko.

"Huhulaan ko kung sino!" Excited na sabi niya, hinarap niya ako at tsaka naningkit pa ang mga mata niya.

"S-Sino po?"

"Si Yuno ba?" My eyes widened on his guess.

"P-Po? B-Bakit naman po?" Kinakabahan na tugon ko dahil nakikinig si Yamato.

"Kasi masyado kayong close noon pa man, si Yamato sana pero aso't pusa naman kayo noong mga bata pa kayo." Nang sumilip si Yamato mula sa sala ay nagtama ang mata namin at pinaningkitan niya ako.

"Si Yuno ba hija? Gwapo rin naman ang bata na 'yon at mabait. Sweet pa," wika ni Tita Janine.

"Pero hindi kaya masyado siyang matanda para sa'yo? Apat na taon mahigit ang lamang ng taon niya sa'yo eh. Pero mature naman mag-isip pag ganoon na, engineer pa." She hype me up, ngumiti na lang ako.

Natignan ko si Yamato na, nakasandal sa bukana ng dining at kusina. Nangunot ang noo ko ng may sabihin siya ngunit walang tunog.

"Jami, pasama!" Nalingon ang mama niya kaya nagulat ako, "Jami 'nak, tawag ka samahan mo muna. Baka nakakita na naman ng daga sa kwarto niya." Natatawang sabi ni Tita Janine kaya alanganin akong ngumiti at tumayo.

Seryoso niya akong tinignan at hinintay sa mismong taas ng hagdan, magkakrus ang braso. "Hindi mo man lang itinanggi, hon." Nagtatampong bulong niya.

"Sorry, hindi ko kasi alam sasabihin ko." Kinakabahan na sabi ko.

"Tara, samahan mo 'ko." Nanlaki ang mata ko at napalo siya sa braso.

"Baliw, alam mo namang magbibihis ka." Ngumiwi siya.

"Ito, hindi ka naman titingin." Pasimple akong umirap at sumunod.

"Huwag ka na mag tangka hon, black belter ako." Turo niya sa mga uniform at belts niya sa taekwondo, and other kinds of practice in being a fighter.

"You studied mixed martial arts?" I asked, natigilan siya at tsaka sinulyapan yung other medals niya.

Ngumiti siya at tumango, "I regret quitting hon, sana tinuloy ko na lang." He opened his cabinet full of clothes and grabbed a shirt.

Tumalikod ako sa kaniya nang nakatalikod siyang maghubad, nasulyapan ko tuloy ng kaunti ang likuran niya. Halata naman sa katawan niya na fighter siya.

His ripped muscles show them all, "Why did you stop being a fighter?" Nakatalikod kong tanong sa kaniya.

"Huh? Gusto mo malaman? Seryoso?" Kinakabahan niyang tugon kaya, nangunot ang noo ko at nilingon siya ngunit halos mawalan ako ng balanse sa biglang pag-iwas tingin.

"S-Sorry akala ko tapos ka na." Nahihiyang sabi ko ngunit mahina siyang natawa, "Kalma, pantaas lang ang wala, hahawakan mo rin naman 'to." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"W-Why would I?!"

"I mean— mahahawakan mo rin."

"B-Bakit ko mahahawakan?" Naguguluhan ko na tanong.

"Wala, 'to naman. Explanation pa gusto, aabutin tayo ng siyam-siyam." Natatawang sabi niya kaya ngumuso ako at huminga ng malalim.

"Then why did you stop?" Humarap na ako, at nakabihis naman na siya.

"I stopped two years ago," wika niya at pakiramdam ko ay alam ko na ang dahilan.

"Because of Athena?" Kwestyon ko, naitikom niya ang bibig tsaka siya umiwas tingin.

Ngumuso ako, "W-What a toxic relationship," bulong ko pa.

"Hon, that's why I'm thankful Athena and I didn't work out." Natignan ko siya, medyo matalas ang tingin.

"Bakit?"

"Kasi nagkaroon ako ng ikaw," turo niya pa sa akin.

"'Di ba? Maganda na, mabait pa, sobrang cute pa, plus—"

"Panay ka bola 'no? Sana pina-dribble na lang kita." Nakangusong sabi ko na ikinatawa niya, inakbayan niya ako at inilapit ang mukha niya sa akin.

"Hon, not gonna lie. But you're really nice, and you're everything I'm describing." He sincerely said that made me blush but I tried to hide that I'm flattered.

"Kung magsisinungaling ako, 'yon siguro yung sabihin kong sobrang sweet mo." Nanlaki ang mata ko at napalo ko siya sa likod ng kamay niya na ikinahalagapak niya ng tawa.

"Kung magsisinungaling ako, 'yon siguro yung sasabihin kong hindi ka nakakainis sa pang-aasar mo madalas." Napipikon ko na wika at napangiti siya no'n.

"Cute mo kasi magalit, lalo na pag tinatawag mo yung pangalan ko." Nawala ang mata niya dahil nakangiti siya ngayon.

Ang gwapo, gwapo sakalin.. with love pero..

Pagkatapos niya ako harutin ay bumaba na kami, pagkababa ay napanguso ako dahil panay siya asar sa akin.

"Ma, alam mo ba si Jami crush ako niyan nang bata siya." Turo niya sa akin kaya nanlaki ang mata ko, I mean he's telling the truth but why is he bulgaring my secret!

"Ay talaga ba Yamato? Parang ikaw ang may gusto sa kaniya noong katorse ka hanggang 18 ka." Nanlaki ang mata ni Yamato sa panlalaglag sa kaniya ng mama niya at kinilig ako doon.

"Ma naman."

"Oh, kita mo na." Kumain na kami ng champorado na mainit, ngunit maya-maya ay nagtaka ako ng kunin ni Yamato ang dilis na parang tuyo. I mean it's dried dilis.

"Na-try mo na 'to?" Tanong niya.

"Hindi pa po," bulong ko.

"Try mo dali, wala ka bang allergies sa seafood?" Umiling naman ako bilang sagot.

"Wala po."

"Try mo," he scooped a champorado from his bowl using his spoon and placed a one dried fried dilis on the top of it, "Say ah, ho— hahaha." Nakagat ko ang ibabang labi noong muntik na siya madulas sa tawag niya sa akin.

Tinanggap ko naman 'yon at tamang tama ang tamis at alat ng dilis sa champorado, ang sarap!

"Oh 'di ba?" He brightly stared at me, watching my reaction.

I nodded thrice while smiling, napangiti siya at tsaka umiling na lang tapos ay kumain na. "Sana nga'y walang sumugod na langgam sa tamis," gulat naming nalingon si Tita Janine ngunit itinuloy niya ang sinabi, "Nang champorado."

Nag-init ang pisngi ko, kumain pa kami at pagkatapos no'n ay ihinatid na rin ako ni Yamato kasi parehas kaming may long quizes bukas.

"Aral ka mabuti, para sa future mo, kahit settled na. Okay? It would be a pleasure to live a life on your own money," he made me realize that heir is just a title.

Na mas magandang paghirapan ang lahat, para maging proud at kuntento ka sa meron ka.

A week later, I noticed that he's a lot busier that before, in the afternoon tumatakbong pumasok ang isang estudyante sa kung saang kurso.

"Ms.Jami! Si Kuya Yamato po!" Nanlaki ang mata ko, wala pa man ay napasunod ako sa kaniya kaagad.

"What happened?" Natatarantang tanong ko.

Tumatakbo kami at hingal na hingal na, "Nakikipag-away po siya eh, sinabi lang po nang friends niya na tawagin kita." Kinabahan naman ako at nang makarating kami sa likod ng school ay nakita ko kaagad siya.

Nakatali ang sarili niyang panyo sa kamao na ginagamit niya pansuntok, "Tangina! Awat na Yamato!" Napanood ko si Cane na hinihila si Yamato palayo sa lalake.

"Yamato ano ba! Kumalma ka nga! Idaan niyo sa usapan!" Huminga ako ng malalim, pasimple kong nasapo ang dibdib ng kumirot 'yon sa malalim na paghinga ko.

Nakita ko naman ang sinapak niyang dumudugo ang ilong at bibig, "Thinkers are doers, fucker!" Naitikom ko ang bibig sa kaniyang malutong na mura at aamba pa sana ngunit tinawag ako ni Senti.

"Paawat Jami!" Hirap na hirap na sila ngunit natigil kaagad si Yamato nang makita ako.

"Tangina naman," kahit bulong 'yon ay naririnig ko. Inis niyang nilayuan yung lalake wala pa man akong sinasabi.

"Ilayo layo niyo sa akin 'yang bastos na 'yan," utos niya.

"Ang yabang mo, Lapiz!" Sigaw ng lalake na sinapak niya.

"Hindi ko alam kung saan ka galit, dahil ba sinabi ko na malandi si Athena, o dahil sinabi ko na hindi alam ni Garcia ang pipiliin sa inyo ni Yuno?" Natigilan ako sa narinig.

"Hindi ka ba nagdududa, Jami?" Malakas na tanong ng lalake na sinapak niya.

"You can bluff on me, but not on her—" pinutol niya ang sasabihin ni Yamato.

"Naguguluhan ka pa rin ba sa nararamdaman mo Yamato? Siguro ay pumuputol ka ng petals at ang choice mo ay si Jami at Athena?" Pasimpleng kumuyom ang kamao ko sa pagkairita.

"Tanga ka ba?" Gitil ni Yamato.

Pumikit ako sandali at pinakalma ang sarili, sumasakit lalo ang puso't ulo ko sa inyo. Pinatakbo niyo pa ako. "You shouldn't have called me, I have classes pa." Matipid na sabi ko at tinalikuran na sila.

"Jami, Sandali." Derederetso akong humakbang, tahimik at tanging sapatos ni Yamato ang naririnig ko sa likuran.

"Jami!" Hinuli niya ang kamay ko kaya nilingon ko siya.

"May klase ako," wika ko.

"Mamaya na lan—"

"Hon, don't think twice about what I feel about you." He pleased.

"Huh?" I responded, napatitig ako sa mukha niya.

"M-May klase ako, papasok muna ako." Nahihiyang sabi ko bigla, "M-Maya na lang." kinakabahan na sabi ko, huminga siya ng malalim at dahan-dahan na binitiwan ako.

"Go ahead," pabulong niyang sabi.

Tinalikuran ko na siya, I took my classes and waited for our dismissal, later on pagkalabas ko sa classroom ay napaayos ako kaagad ng tayo at kahit mga kaibigan ko ay natigilan nang makita si Yamato sa labas ng room namin.

Napatitig ako sa kaniya, hindi ko magawang bumuntong hininga dahil makakahakata ang kaibigan ko, "Let's go?" He asked.

"Una na ako, Serina, Mandy." Paalam ko sa dalawa.

"Sige be, ingat kayo. Ingat kayo engineer." Pahabol sila kaya naman kinawayan ko sila at pilit na nginitian.

Sinabayan ko si Yamato maglakad, sinusulyapan niya naman ako. Nang nasa sasakyan niya na ay pinagbuksan niya ako ngunit inilagay niya na rin ang seatbelt ko kaya pinigilan ko huminga.

I can smell him from his damn neck, gusto ko na lang pumikit as it drives me crazy. "I'm sorry, are you doubting?" Napamulat ako kaagad at natignan si Yamato na ganoon pa rin ang pwesto.

"Huh?"

Nawala ako sa sarili bigla, nakakahiya. "You're doubting about what I feel?" Matipid akong uming.

"O-Of course not," bulong ko.

"Hmm, duda ako." Nanlaki ang mata ko, s-siya pa talaga duda ha? Sabagay..

"Yamato, tara na kaya." Nahihiyang sabi ko.

"Okay, kiss muna dali." He adorably said that made me blush, he cupped my face and planted a kiss on the tip of my nose.

How disappointing, nasa ibaba na lang ng nose ko yung lips.

"Hon, busy ako bukas. May class reporting kami, baka late na kita maihatid sa inyo. Is it okay? Can you wait?" Nagbabakasakali niyang tanong kaya ngumiti ako.

"Sure, kasama ko naman sila Serina and Mandy."

"Okay hon, thank you."

Kinabukasan ay natapos ang klase ko ay sabaw na sabaw ang utak ko. "Bakit ko ba kinuha 'tong course na 'to, ang daming numbers!" Singhal ni Serina.

"Ano ba date ngayon? Tara inom." Pinanlakihan ko ng mata si Mandy.

"Anong inom, huwag na." Awat ko.

"October 13 ngayon," sagot ni Serina tinititigan ang cellphone niya.

Natigilan ako, oh my gosh. Nakalimutan ko, how dare me? Bigla ay naalala ko ang message ni Yamato this morning dahil hindi naman kami sabay pumasok.

Tinignan ko ulit ang cellphone ko.

@yummito.lapiz: Good morning hon, have a great day today, we'll see what we can do after my report. Happy mot-mot.

@jams.liezel: Good morning hon. Ingat and good luck, what's mot-mot?

@yummito.lapiz: Ikaw ha, let's talk later about that.


Oh my gosh! What should I do?

"I forgot our first month, what should I do?" Gulat akong nalingon ng mga kaibigan.

"First month?"

"Monthsary?" Tanong ni Serina.

"Oo."

"Gagi, posible ba 'yon? Ikaw pa mismo na babae makakalimot? Madalas lalake eh. Baka hindi mo siya ganoon kamahal?" Nanlaki ang mata ko.

"Baka nga, 'no Serina?" Halos mapatalon ako nang may paghinga sa tenga ko dahil nagsalita si Yamato.

"Ouch," naharap ko si Yamato but then he was holding a bouquet of three red roses that has a mix of baby's breath around it, the plant that can be dyed.

"Hala ka diyan, Jams." Bulong ni Mandy.

"I-I didn't mean to forget it, h-hindi lang ako tumitingin sa calendar. I'm sorry," nahihiya at nakokonsensya kong sabi.

He stared at me, in his serious gaze. "Follow me," kinabahan ako sa tugon niya.

"Hala ka!" Napasunod ako kaagad nang mas takutin pa ako ng mga kaibigan.

Pagkarating sa car niya ay inabot niya sa akin ang flower, the roses are blooming. Ang ganda nila tignan, "T-Thank you. I'm sorry." I tried making my boses malambing.

"Hmm," tugon niya.

"Yamato, don't be mad?" I placed the flower on my lap and tried to hold his arms.

"Hon.." I mouthed, in a super low tone but then he glanced.

Did it work?

"Daya," bulong niya.

"My fault for not looking at the date, I'm sorry." I pouted and rested my head on his shoulders while holding his arms.

"Sige na, oo na. Tinawag mo na akong hon eh," bulong niya sa sarili at hinawakan ang mukha ko tapos hinalikan ako sa noo.

"Let's go and have fun!" He excitedly stated and drove his car, nanlaki ang mata ko ng mabilis niya pang iliko 'yon.

"Para ka namang si kuya," bulong ko.

"Why?" Natatawang tanong niya, inilihis niya ang sleeves ng suot niyang itim na polo. Niluwagan niya pa ang necktie na kaniyang suot.

"Ganyan talaga pag reporting 'no? Kailangan gwapo yung pormahan?" Pansin ko.

Nalingon niya ako, "Does that mean, gwapo ako?" Nanlaki ang mata ko at natignan siya.

"P-Palagi naman ah," bulong ko nahihiya, narinig ko ang mahinang tawa niya.

"Hon talaga," sambit niya.

Napatitig ako sa 3 red roses, I know what this means. I really know it, "Yamato," nalingon niya ako.

"What hon?" Napatitig ako sa relos niya, nang humigpit ang hawak niya sa manibela ay napatitig ako sa magandang kamay niya.

How manly..

"Why did you give me flowers? I can still remember the first time you gave me flowers," kwento ko at napangiti.

"You gave me 1 pink rose, what does it mean?" Napangiti siya kaya naman lumunok ako, "Ano meaning?" Pag-uulit ko.

"It means, first love. Because I liked you from 14 'till 18 hon and it genuinely went back to my 20's." Nag-init ng husto ang pisngi ko.

"T-Totoo?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Hmm, pero bata ka pa noon eh. Kaya nag-move on na lang ako, kaya nga kita inaasar palagi kasi hindi mo 'ko pinapansin pag hindi ka napipikon sa akin." Napaghawak ko ang mga kamay.

So we liked each other?

"I-I also liked you back then," bulong ko.

Halos manlaki ang mata ko sa biglaang preno niya, "Yamato!" Gulat na singhal ko.

"Kailan?" Gumilid ang sasakyan niya kaya natitigan ko siya.

"W-When I was 13 po." Sa comic bookstore.

"Duda?" Sambit niya.

Ngumuso ako, "Totoo po kaya."

"Jami, hindi magandang biro 'yan. Nanghihinayang yung puso ko oh." Napangiti ako sa sinabi niya, "Totoo po."

"Kingina, sayang." Nag-drive na siya ule, nakanguso ang mga labi. Parang nanghihinayang nga ata.

Nang mapatigil kami sa isang mataas na lugar sa city ay namangha ako sa city view sa ibaba, "Ingat, hindi ka pwede mahulog diyan. Mamatay ako bago ka masalo," nanlaki ang mata ko sa kaniyang sinabi.

"Don't talk about death," ngumisi siya.

"Why not hon?" His lips rose up and walked backwards just to face me, "Baka madapa ka," paalala ko, nag-aalala sa kakulitan niya.

"Why not?" He repeated, sasagot na sana ako but then he cut me off with his smooth line, "Patay na patay naman na ako sa'yo."

Lumunok ako ng husto, pinipigilang matawa. "Awat ka na," humawak na ako sa braso niya at tinangay siya sa loob.

"Sandale, sandale yung regalo ko sa'yo." Awat niya at bumalik sa sasakyan niya, is the flower not enough?

Pagkabalik niya ay inabot niya sa akin ang paper bag na sakto lamang ang laki, "Wala man lang akong gift sa'yo," nakokonsensya ko na bulong.

"Kalma, you don't need to give me back, what I can give you." He smiled, inakbayan niya ako at habang tinitignan ko ang nasa loob ay pumasok na kami.

"Yung reservation ko sa labas mismo, yung tanaw yung view." Nakangiting sabi miya at inabot ang ID niya.

"Yes sir, follow me po." Magalang na sabi ng lalake.

Pagkarating doon ay nanlaki ang mata ko nang may teddy bears pa na nasa seat ko since we're both sitting on a wooden floor with some sort of cloth or carpet I guess?

It was a purple teddy bear and there's a ribbon on its ear, "Thank you!" Yumakap ako sa kaniya at tsaka siya napangiti.

"You deserve it hon," nang lumayo ay inalalayan niya ako upang makaupo at niyakap ko kaagad yung teddy bear.

"Bagong yayakapin bago matulog?" Napangiti ako sa hula niya, tumango ako dahil kasing laki ito ng isang unan ko.

"Happy 1st month, Yamato." Masaya siyang ngumiti, nawawala ang mga mata.

"Happy 1st month, hon." He said sweetly.

Later on, dumating na yung food and while unboxing his other gift, tumunog yung cellphone niya.

"Bakit tumatawag 'to," bulong niya at sinagot 'yon.

"Ba't ka tumatawag? Nasa date ako." Iritableng sagot niya.

"A-Ano? Sino? Nasaan kayo?" Tinitigan ko siya at natigil ako sa pagbukas ng box.

He looked concerned, "O-Osige."

"S-Sige, mamaya." Nang patayin niya ang tawag ay pilit siyang ngumiti sa akin.

"Kumain muna tayo hon, kwento ko sa'yo mamaya." Tumango naman ako at tsaka kami kumain dalawa.

Sinubuan niya pa ako ngunit panay lang kami tawa nang kumalat 'yon dahil may nalaglag pa sa kutsara. "Minsan sweet, minsan hindi ko na ba alam." Napapahiyang sabi niya.

"Hindi naman kasi parating sweet," I stated.

"Minsan epic fail kaya matatawa ka na lang," inirapan ko pa siya dahilan para tumawa na lang siya.

Pagkatapos namin kumain ay nasapo ko ang tyan, natanaw ko naman ang pag-baba ng mismong araw. Sunset..

"Don't tell me how beautiful a sunset is, hon." Napatitig ako kay Yamato sa sinabi niya, he looked serious.

"But let me tell you how beautiful the moon is," nagtaka ako.

"And in Japanese, it means I love you and please don't let me go." Napakurap ako ng maraming beses, bigla ay para akong kinuryente.

Ang init ng mukha ko, gusto ko hawakan. Did he just—

Oh my heart..

///

@/n: Late updates, enjoy! Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top