Chapter 19: His Jealousy In Bloodline

Chapter 19: Jealousy In Bloodline

Jami Liezel's Point Of View.

I stayed in my room, waiting for his call. Not until my phone rang for 3 seconds and I answered it immediately, It's a video call.

Nakita ko kaagad siyang nakaupo sa lobby area, wearing a white classic button up top, the button's are completely closed.

Yung kwelyo niya ay maayos ang pagkakatupi, "What's your outfit? May I see?" I asked, smiling.

He blinked, inilayo niya ang camera sa kaniya at dahil doon ay nakita ko na naka-tucked in 'yon sa isang slim straight black jeans, may sinturon rin na itim.

"What shoes did you pair them with?" I wondered.

"Ah, just lace up boots, hon. Gwapo ba?" He even gestured a pogi sign on his chin that made me smile and nod.

"Hindi na kayo nakakatuwang dal'wa, katabi kami oh." Nang sumilip si Sents ay nakangiwi siya kaya kinawayan ko siya.

Nagbago bigla ang facial expressions niya at ngumiti tapos kumaway sa akin, "Hi Jams, pogi ba ng bebe mo? Dami babae 'yan, nakapila." Natawa ako tsaka ngumisi.

"Paramihan ba ng pila 'to?" I asked, Yamato's eyes widened.

"Hindi, hon. Huwag mo na pansinin 'yan," bawi ni Yamato.

"Gago nito, alam mo namang pinipilahan 'yan," sita niya kay Sents.

"Gago, sumingit ka yata sa pila ah?" Nang mag-asaran na sila ay panay tawa ako.

"M-Medyo, sumingit ako siguro sa pinaka-unahan." Natatawang gatong ni Yamato, nang marinig ko ang sa microphone ay napansin ko na napatingin rin sila Yamato sa kung saan.

"Start na?"

"Oo bro, tara!"

Natignan ako ni Yamato, "Hon, we'll go first, call ako ulit mamaya." Paalam niya at matipid akong kinawayan, tumango ako kasabay ng ngiti.

"Enjoy, ingat kayo." Hon..

Bakit parang ang cringe pag ako ang nagsasabi? Sa utak ko pa lang 'yon, hindi ko na kaya pakinggan.

I ended the call and lay on my bed, pag hindi ko siya kausap ay ang tagal ng oras. Wala akong ginawa kundi pumikit at umidlip muna.

Ginising naman ako ni lola for dinner, after our dinner, I decided to study while waiting for him.

I opened my instagram after finishing 1 engineering plate, it's a drawing para siyang 3D somehow. I visited Sents story, I watched the video.

My brows furrowed when I saw Yamato, nakayuko na sa table nila. Is he okay? Oh my gosh.

What if there's a girl that will take advantage? I viewed their pinned location and stood up.

I can't attain that, bahala na.

I changed my clothes and booked in that hotel, para lang makapasok ako. Pumunta ako sa baba at lumapit kay lola who's busy baking a cake.

"Lola," nahihiya kong tawag, nalingon niya ako kaagad.

"What's wrong apo? May kailangan ka ba?" Tanong niya sa akin, "Lola, I need your help." Nangunot ang noo niya.

"About what apo?"

"I need to go to Cebu tonight, lola." Her eyes widened, "C-Cebu?" Gulat niyang sabi.

"Yes lola, it's still early pa naman po."

"Anong pakay mo doon apo?" She asked, hindi ako maka-isip ng rason.

"My friend's birthday lola, it will start at 8pm. Can I go?" Napakurap siya at tsaka huminga ng malalim.

"Alright, I'll call our pilot. Just use the chopper, may landing area ba sa hotel na 'yon?" Tumango ako ng maraming beses, natutuwa.

"Alright, paano ka uuwi?" She asked.

"I'll just ride a regular plane, lola. Thank you!" Ngumiti siya at inayos ang buhok ko.

"Is that friend, a guy?" My eyes widened.

"Just kidding, sige na. Susunduin ka na lang sa likod, punta ka na sa landing area." Ngumiti ako at nag-paalam na, pagkaalis ko ay pumunta ako sa likod, sa landing area sa mismong bahay nila lola.

Nang dumating ang chopper ay sumakay lang ako at umalis rin kami kaagad, hindi na nagsalita yung pilot. Actually sakto lang naman yung laki ng chopper na gamit ngayon.

Unlike sa chopper na 8 seater, pagkarating sa tuktok ng hotel ay nagpasalamat ako at sinundo naman ako ng dalawang crew sa hotel.

"Actually, I'm going down. Sa event?" Natigilan yung dalawang babae.

"Ah sa party ma'am sa ibaba?" Ngumiti ako.

"Tara ma'am, assist ko na kayo. Mamaya po ituturo ko na lang yung room niyo sa third floor." Ngumiti ako at sumunod.

Glad I wore something nice, I'm wearing two inch wedge heels, a white one pairing my white backless dress, that is three inch above my knees.

Hawak ko ang black bag ko, na maliit lang. Iniikot ko ang mga mata ko sa buong area, at hinanap ko ang nakita ko na background kanina. Tumaas kaagad ang kilay ko ngunit bago pa man ako humakbang papasok ay hinarang ako ng babaeng guard.

"Ma'am, invitation card po?" Maganda ang pagkaka-ngiti niya, hindi siya tulad ng iba na tingin pa lang akala mo ay may galit na sa tao.

"Ah, Nasa loob kasi yung kasama ko and nasa kaniya yung invitation card. But can I show you my ID?" Inilabas ko ang drivers license ko.

"Ma'am, engineering ID po meron?" Nang sabihin niya 'yon ay napangiti ako at ipinakita ang school ID ko.

"Thank you for your cooperation ma'am, enjoy the party." Pinapasok niya na ako kaya nginitian ko siya at tsaka ko hinanap si Yamato.

Ngunit tumaas ang kilay ko nang makita ko pa rin siyang nakayuko, ngunit napansin ko rin ang paglapit ng isang babae sa kaniya.

Pansin ko naman na mukhang may tama na ang halos lahat nang nandirito, lumapit ako doon dahil nakita kong hinahaplos at hinahawakan ng babae yung balikat at braso niya.

Nang makalapit ay naririnig ko si Yamato, "D-Doon ka nga," pabulong 'yon at pilit niya inaalis ang kamay.

"Let's go, dalhin na kita sa room mo—"

"Doon ka, ampangit mo," nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Yamato.

"W-What?! Hindi mo pa nga ako nakikita you're calling me pangit na?!" Iritableng sagot ng babae na halatang lasing na rin.

"Ha?" Umayos ng upo si Yamato.

"Oks na?" He even gave that woman a thumbs up, "Ano?" Naguguluhan na sabi ng babae.

"Nakita ko na mukha mo, hindi nagbago ang pananaw ko. Alis!" Sita niya, tumaas ang kilay ko nang pilit halikan ng babae si Yamato ngunit mas nanlaki ang mata ko ng itapat ni Yamato ang palad niya sa mukha ng babae at doon itulak.

"Pangit, alis!"

"Isusumbong kita sa girlfriend ko, sandaleee!" Nakagat ko ang ibabang labi, I've never seen this side of him, drunk.

Nang tumunog ang cellphone ko ay sinagot ko kaagad ang tawag niya, "Hon!" Sa pagtawag niya sa akin ay napangiti ako.

"Oh?" I answered.

"Hon, may pangit hon. Paalisin mo," nakagat ko ang ibabang labi pinipigilan matawa.

"Hon, inaakit ako, ang pangit niya. Nasusuka ako!" Naglakad ako papalapit.

"Sabi ko hon sumama ka eh," maktol niya.

"Hmm, okay. Anong gusto mo gawin ko?" I asked, habang naglalakad papalapit.

"Make her leave, honey." Sagot ni Yamato.

"Wala ka namang girlfriend eh, come let's go!" Pagpupumilit ng babae.

Lumapit na ako at nang makalapit ay nginitian ko yung babae, "Can you distance yourself?" I calmly asked and grabbed her wrist and forcely removed it on Yamato's arms.

"Alis." I stated.

"And who are you to meddle—"

"Hon?" Natignan ko si Yamato nang tawagin niya ako, nginitian ko siya tapos ay inayos ko ang suot niyang button up top.

"Did you drink a lot?" I asked, sinulyapan ko ang babae ng hindi pa umaalis.

"Woah, I have super powers, I summoned you because of a phone call." Napangiwi ako sa sinabi ni Yamato.

Lasing na nga..

"Hi Jams! Dito ka rin?" Mga lasing na rin ang kaibigan niya.

"Bobo ni Senti, hon." Sumbong ni Yamato, staring at me with his tired eyes.

"Hon, did you teleport here?" Napalunok ako noong ihawak niya ang dalawang palad sa bewang ko at hapitin ako sa kaniya kahit nakaupo siya.

"How did you find us? You have superpowers?" Naningkit ang mata ko tsaka ako naupo sa tabi niya.

"You're so messy," bulong ko at ibinutones pa ang naalis sa pinaka-taas. He pouted his lips, stared at my face.

"Hon—"

"Hmm?" Tugon ko at kumuha ng tissue upang punasan ang noo niyang namamawis.

"Can you guys still stand?" I asked his friends, Cane and Sents stood up proudly.

"Kaya pa Jams," ngumiti ako at tumango.

"May mga girlfriend kayo?" I asked.

"Single, single kami Jams, si Yamato lang taken." Natatawang sagot ni Cane.

"Hindi niya matanggihan si Sir, I mean yung head engineer kaya siya napainom," natatawang kwento ni Sents.

"Should I take you to your room?" I whispered.

"Jams, tabi lang kami sa kamang tatlo. Pwede mo ba siyang ampunin muna?" Sa tanong ni Sents ay hindi ako makatanggi.

"S-Sure."

Huminga ako ng malalim at umupo ng maayos, ngunit isinandal ni Yamato ang ulo niya sa balikat ko, nakapikit.

Inabutan naman ako ng inumin ng waiter, kinuha ko 'yon and later on a man on his 30's walk near us, straightly looking at me.

"Engineer," bati nila Sents at Cane.

Ah, so he's the head engineer?

"Knock down na yata si Mr.Lapiz," natatawang sabi no'n at sumulyap sa akin.

Matipid akong ngumiti, "The girlfriend?" He asked, I nodded.

"Yes, Engineer." Sagot ko.

"Are you also a student of engineering?" He sat in front of us, but Yamato is peacefully sleeping on my shoulders.

"Yes, engineer. I'm in my first year," I smiled confidently.

His eyes showed interest, "Family of engineer?" Umiling ako.

"No, engineer. My parents are doctors, and my brother is a licensed architect." Proud na sabi ko na ikinatango niya.

"How about your other family?"

"Ah, my grandparents are all businessmen and women." Ngumiti ito.

"Mr.Lapiz will be a great engineer in the future, sobrang hard working although he's still studying. Maalam rin siya sa bagay-bagay at nasasaulo niya lahat ang mga sinasabi mo." Nakangiti kong nasulyapan si Yamato na pinaghawak pa ang kamay namin sa kandungan niya.

"I can see that," pabulong na sabi ko.

"Sabi ko nga if he topped the boards, I'll get him to be the next head engineer. It will be a good opportunity for him," I smiled.

"He would be grateful to accept that," I answered.

"Lapiz is known as a company of appliances right?" Nangunot ang noo ko, "I'm actually not sure about that, engineer. Pero maybe, it is."

"Ah, sabagay. How about you? Miss?"

"Liezel Jami Garcia," nang marinig niya ang pangalan ko ay natigilan siya.

"Sandoval?" Sa idinagdag niya ay ngumiti ako.

"Wow, I've already met their heir then?" I smiled and shook my head, "I don't think I could take their business in the future since I entered an engineering course not just to stay in a company." Napatango ito sa sagot ko.

"Great mindset, I'm impressed." I smiled at his compliments.

"I'll go ahead, Ms.Garcia." I bowed my head a little to show respect, para ko na siyang professor eh.

"A Garcia and Sandoval, baka kaya ka niya niligawan is for your money and you know, mana?" The woman sarcastically said after showing up beside us.

"Mayaman ka rin naman, bakit hindi ka gusto?" I fired back that made her eyes widened in anger.

"You're nothing but a mannerless bitch, aren't you?" I smiled at her reply.

"You offended me first, Miss." Matipid na sabi ko, staring at Yamato's hand and mine.

So sweet, and passionate.

"Maybe you got offended because it's true?" Mataray niyang sumbat kaya ngumiti ako.

"Maybe you got mad because it's true?" I mocked her, inis niya akong tinignan pero iniiwas ko na ang tingin sa kaniya.

What an elegant party to have a monkey.

By 9pm, I tried waking him up. But he's asleep so deep that his breath is normally heavy and relaxed.

"Tulungan ka na namin, Jams. Saan kwarto mo?" ngumiti ako at hinayaan ang dalawa niyang kaibigan na may tama rin.

Itinuro ko ang kwarto ko tsaka ako sumunod sa kanila, I opened the room using a card. "Wow, engrande." Sabi ni Senti.

"Hindi naman, it's just that in order to enter that event area, I needed this." Ngumiti sila at ibinagsak basta-basta si Yamato at pinalo pa sa legs.

"Hoy, gago gising! Mahiya ka nga kay Jams!" Sita nila ngunit nag-maktol lang si Yamato.

"Yung gamit niya?" I asked.

"Ay, oo nga pala, bihisan na namin para sa'yo Jams?" Tumango ako at ngumiti.

"Baka makakita ka ng agila eh," nanlaki ang mata ko at nag-init ang pisngi ko.

"I mean yung boxers, niya, or undies. American eagle yung brand." Tumango ako at pumasok muna ako sa banyo upang mabihisan nila.

"Kunin mo nga yung bag niya!" Dinig ko sila kahit nasa banyo ako, I started removing my light make up and I even took a shower.

Mabuti na lang may provided sleeping clothes ang room na kinuha ko, I change into that and then asked them.

"Are you guys done?"

"Oo Jams! Sige na, alis na kami!" Paalam nila.

Narinig ko ang pagsara ng kwarto, kaya naman lumabas na ako ng banyo. Ngunit halos manlaki ang mata ko ng sando ang suot ni Yamato sa pang itaas at naka-pajamas siyang itim.

Nasapo ko ang noo, "B-Bobo ni Cane," nanlaki ang mata ko ng sabihin niya 'yon ng tulog siya.

I sighed, nilapitan ko siya tsaka ko nasulyapan ang isang available bed, doon na lang ako matutulog.

Tinitigan ko siya, nakatikom ang labi niya ngunit dahil sa pagkakapikit niya ay kitang kita ko ang makakapal niyang pilikmata.

"Yamato," mahinang pag-gising ko sa kaniya.

Kumuha na lang ako ng towel dahil hindi na rin naman siya gumising, pinunasan ko ang mukha niya. I grabbed the mouthwash and woke him up.

He opened his eyes, pouting his lips, nang nagtama ang mata namin ay pumikit siya ulit. "Hon, ginagawa mo sa kwarto ko?" Nakapikit niyang tanong.

Napangiti ako, "Bawal ka rito, off— off lipits— limits." Napangiti ako nang mautal siya.

"Maupo ka, c'mon." Inilagay ko ang unan sa likod niya nang mapaupo ko siya.

"Mouthwash," mahinang sabi ko. Inabot niya 'yon at tsaka siya nagmulumog.

"Spit it on this," I grabbed the paper cup and he did what I told him to.

"Ang ganda mo, hon." Ngumiti siya at humilata na naman.

"Ganda.." Pabulong niyang sabi.

Napatitig ako sa kaniya, "Ang ganda ng g-girlfriend ko." Nakapikit niyang sabi at umawang na ang labi nang tuluyan siyang dumapa.

Napailing iling ako at inayos ang pagkaka-kumot sa kaniya, tinakpan ko siya hanggang sa kaniyang leeg tsaka ako dumeretso sa kama ko ngunit natuod ako sa pagkakatayo ng marinig ko ang sinabi niya.

"M-Mahal kita, hon." Mahina siyang tumawa na parang kinikilig ngunit pagkatapos no'n ay niyakap niya ang unan at tsaka niya ipinatong ang pisngi doon.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko sa kaba na nararamdaman dahil sa sinabi niya, nakagat ko ang ibabang labi ko tsaka ako humiga sa kama ko at nagtalukbong ng kumot.

Pasimple ko pa ngang isinipa-sipa ang paa upang pigilan ang sarili na gumawa ng ingay sa kilig na dulot niya.

Naalimpungatan ako ng magising ako ng ala singko ng umaga, nangunot ang noo ko ng may ilaw sa banyo at nakabukas 'yon.

Tumayo naman ako ng mapansin na wala si Yamato sa kama niya, "Are you okay?" Malakas na tanong ko.

"Huh? Oo." Tugon niya, "Wait hon." Tugon niya pa kaya hinintay ko siya at pa-kusot kusot pa ako ng mata.

Nang lumabas siya ng banyo ay halatang kaka-shower niya lang, "Akala ko panaginip," natatawang sabi niya.

"Akala ko si Senti ka." Napalunok ako, Senti nga pala pangalan no'n nahawa ako kay Serina akala ko Sents.

"Nakakahiya, sorry hon." Ngumiti ako at mahinang natawa.

"May sinabi ka nga," bulong ko.

"Sabi mo, miss mo na si Athena." Pagbibiro ko, nanlaki ang mata niya.

"That's impossible." He confidently said kaya umirap ako.

"Ikaw nagbihis sa akin?" Bigla ay nanlaki ang mata naming dalawa.

"Gagi ka, masama 'yan huy," umawang ang labi ko hindi ako makasagot kaagad.

"H-Hindi!"

"Jami, ikaw ha." Turo niya sa akin.

"Yung friends mo po nagpalit sa'yo." Pagsasabi ko ng totoo, tumango naman siya at parang nakahinga ng maluwag.

"Ah by the way, good morning." Nakangiting sabi niya, nang maupo siya sa tabi ko ay nalunok ako.

Ang bango.

"Good morning po."

"Ang aga mo naman nagising?" Pagbabakasakali niya.

"How did you get here pala?" Napalunok ako.

"By a plane?"

"Ah, of course." He scratched his cheek.

"Yung babae kagabi hon? Napaalis mo?" Tumango ako bilang sagot, bigla ay nasapo ni Yamato ang mukha niya.

"Kapatid 'yon ng head," nanlaki ang mata ko.

"Seryoso?!" Tumango siya kaya nakagat ko ang ibabang labi.

"Alam mo ba muntik mo na lamutakin yung mukha niya tapos sinabi mo pang pangit siya?" Nanlaki lalo ang mata niya.

"Ayoko na sa alak," bulong niya.

"Yari ka." Asar ko.

"Hayaan na hon, inaakit ako, hindi ko naman siya type." He sighed, "But why are we in the same room?" Napaiwas tingin ako.

"Sabi ng friends mo," sagot ko.

"Sure ka? Ikaw ha baka may binabalak ka?" Naningkit ang mga mata niyang singkit.

"Yamato, wala. Ang kapal ng mukha mo," nakangusong sabi ko na ikinatawa niya.

"Papatayin talaga ako ng kuya mo pag nalaman niya 'to," pailing iling pa siya kaya ngumiti ako.

"Patay ka po talaga," mahina siyang natawa at napahiga sa kama ko, habang ang paa niya ay nasa carpet pa rin.

Sinulyapan ko naman siya tsaka ko ipinatong ang paa ko sa kama ko, nilingon ko siya. Tinitigan, "Hon, bakit ka pumunta?" Nakangiting tanong niya.

"W-Wala."

"Hmm, namiss mo 'ko agad?" Napairap ako, "Of course not, hindi naman ako clingy 'no." Pagdadahilan ko pa.

"Then why?"

"Wala," naiilang na sagot ko ngunit naupo siya.

Nagtaka ako ng titigan niya ako, he even tilted his head a little to the side. Nag-init naman ang pisngi ko, "B-Bakit po?"

"Nagtaka lang ako bigla," nangunot ang noo ko sa sinabi niya, "Bakit po?"

"Wala," umawang ang labi ko. Ngunit napalunok ako nang haplusin niya ang pisngi ko, kinabahan ako kaagad!

Panay ang lunok ko, napakurap ako ng maraming beses ng mapansin ko ang tingin niya sa labi ko tsaka siya napailing at tinignan ako sa mata.

"You can stop me," ngunit pinanood ko ang paglapit ng kaniyang mukha sa mukha ko at hindi lang, he even guided my face and reached my lips for a kiss.

Ilang ulit niyang pinagdampi ang mga labi namin, napapikit ako nang mapunta sa batok ko ang palad niya at tumaas ng husto ang balahibo ko sa pag suklay ng daliri niya sa ilalim ng buhok ko.

He parted my lips using his tongue and went in for a kiss. I felt him sucking my lower lip gently and felt his thumb on my jaw to cheeks.

Napatingala ako nang umayos siya ng upo, ngunit hindi ko namalayan ang paghigpit ng hawak ko sa bandang pulsuhan niya, he's not aggressive as what he did when he first kissed me when he got drunk.

This time, it shows a lot of respect, and I even tasted his toothpaste. Hindi ko na maintindihan ang puso ko, pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko.

Nang bumitiw ang labi niya ay nanatiling nakaawang ang bibig ko, dahan dahan siyang lumayo at ganoon ko naramdaman ang mainit na daloy sa mukha ko.

Pulang pula na siguro ako, nang masulyapan ko ang mukha niya ay nahihiya kong naitikom ang bibig ngunit napatitig siya sa mukha ko at napangiti.

"Tangina," bulong niya sa sarili at tsaka siya napalayo at humiga sa kama ko. Nanlaki ang mata ko ng takpan niya ang mukha gamit ang unan ko, I even saw his feet touch each other, parang— parang kinikilig?

Natakpan ko ang sariling labi tsaka ako nagmamadaling tumayo at pumasok sa banyo, oh my god! Is that our first kiss officially?

I guess it lasted for a minute, and my lips can still feel the softness of his lips and the movement of it.

Nang tumitig ako sa salamin ay gusto kong tumili ngunit walang tunog na lamang akong tumalon talon habang takip takip ko ang bibig.

Ang gwapo niya lalo!

Lalo na pag kagigising, kahit lasing, hindi ko na alam. Masyado na akong nababaliw, ACKKKKK!

I took a fast shower tsaka ako nag-ayos na lumabas ng banyo ko, bigla ay naalala ko ang gustong sabihin sa kaniya.

Nakahiga naman na siya sa kama niya, nasulyapan niya ako. "Hon," napaupo pa siya ng maayos.

"Yamato, may sasabihin pala ako." Sumampa ako sa kama niya, nangunot ang noo niya at hinarap ako.

"Is that serious?"

"Opo," I replied.

"Okay, tell me." Seryosong sabi niya.

"But don't be mad?" Nang sabihin ko 'yon ay napalunok siya.

"J-Jami, wait." Huminga siya ng malalim, "Kinakabahan naman ako sa'yo, naalala ko kasi noon na pag ganyan is about kiss?" Napatitig ako sa kaniya.

He really has the trauma.

"But tell me, I'll understand it, whatever it takes." Matipid siyang ngumiti.

"I don't want to keep things to you, but Kuya Yuno kissed me on the cheeks po. But I told him that it's not a good thing," napatitig siya sa akin.

Sumeryoso ang mukha. "Wow," bulong niya.

"Sorry," mabilis na sabi ko.

"Sorry, Yamato. It's o-okay if that angers you. I-I'll understand," kinakabahan na explain ko.

Huminga siya ng malalim, nang senyasan niya akong lumapit ay napaupo ako sa tabi niya nang akbayan niya ako.

"I am not mad at you, seryoso. Hindi ako galit sa'yo," paglilinaw niya.

"If you want, I'll tell him the truth." Mahinahon na sabi niya, bumuntong hininga naman ako.

"Kuya Yuno knows that I also like you—" naputol ang sasabihin ko dahil ito yata ang unang beses na sinabi ko 'yon, vocal.

"I-I mean—"

"Since when? Since when did he know?" Nahihiya ko siyang tinignan, ngumuso ako at huminga ng malalim.

"Kayo pa ni Athena," bulong ko.

"Oh?" Gulat niyang sabi.

"Talaga ba?" Ngumuso ako at hindi na sumagot.

"C-Crush lang naman p—"

"So she's right? That you like me back then?" Tinitigan ko siya ng masama.

"Pero hindi ko po sinumbong 'yon para sirain kayo," paglilinaw ko.

"Hindi ko po intensyon 'yon, lalo na ang saktan at maloko kayo, ang tanga niyo po kaya paano kung hindi ko sinabi— hmp!" Maktol ko nang takpan niya ang bibig ko.

"Oo na, tanga na. Paulit ulit," pinigilan ko ngumisi ng mapikon siya sa akin, napaiwas tingin pa siya.

"Inaway niyo pa nga po ako, kasi akala niyo okay lang na mag-cheat yung girlfriend niyo. Kung mas matanda nga po ako sinapok ko na yung ulo—"

"Kuya Yama—" natakpan ko ang bibig nang aksidente ko siyang matawag na kuya.

Tumaas kaagad ang isang kilay niya, pinagkrus ang braso, tinitigan ako. "Kuya?"

"I mean, Yamato." Paglilinaw ko at umiwas tingin.

"Talaga ba bunso?" Napairap ako sa sinabi niya.

"Sige, maging mag-kuya na lang po tayo, para wala talaga kayong reklamo." Ngiwing sabi ko na ikinatawa niya.

"Ah, talaga ba bunso?" Umirap ako lalo.

"Sige, Kuya." Inis na sabi ko.

"Sige baby." Nanlaki ang mata ko at napalo siya ngunit nahiya ako nang mapalo ko siya sa legs niya.

Natawa lang siya at tinapik ang legs niya, "Kinikilig ka na no'n?" Asar niya, "Asa ka po." Gitil ko.

"So, how's my kiss? May improvements ba?" Tinitigan ko siya ng matagal, pinipigilang mamula at mapangiti.

"Kaya po siguro marunong kayo kasi tinuruan kayo ni Athena?" Awtomatikong tumaas ang kilay niyo.

"Selos ka, hon?" Kwestyon niya.

Bigla ay napatigil ako at sumeryoso. "H-Hindi po."

Bigla ay nawala ako sa mood, "Sa 2 years niyo, sabagay. Panigurado panay kayo kiss, mukha ka namang maharot eh." Tumaas ang isang kilay niya at halos samaan ko siya ng tingin ng matawa siya.

"Baka nga po hindi lang kiss," pabulong na sabi ko, nagtatampo na.

"Kaya lang kadiri kasi humahalik din siya ng labi ng iba, yuck—"

"We didn't kiss a lot," hindi ko alam kung maniniwala ako sa kaniya ngunit mas humaba lalo ang nguso ko.

"Kaunti lang? Mga 200 times?" Sarkastikong sabi ko na ikinatawa niya lalo.

"Hindi rin, wala pa ngang isang daan—"

"So 99?" Napipikon na wika ko.

"Hindi, mga 98— biro lang." Bawi niya ng humaba ng tuluyan ang nguso ko.

"Kiniss din po ako ni Kuya Yuno sa lips, nang hindi mo pa ako gusto." His eyes widened, disappointment written all over his face.

"Seryoso ka Liezel Jami?" Nang tawagin niya ang buong pangalan ko ay naitikom ko ang bibig.

"Mas magaling nga po siyang humalik—"

"Luh, ang sama." Bulong niya, umiwas tingin at pinagkrus ang mga braso, napansin ko rin ang bahagyang pag-usad niya papalayo sa akin.

Napangiti ako, "Joke lang rin po." I added.

Ngunit hindi na nagbago ang reaksyon niya, kinabahan naman ako dahil hindi niya na din ako sinulyapan, "Joke lang po," nakangusong sabi ko at pasimpleng hinila ang braso niya pero ngumiwi siya lalo.

"Mas magaling, sana all." Bulong niya.

"J-Joke lang po 'yon," pagbabawi ko.

"Sige lang." His lips patted his lips, "Matulog ka na ulit." Turo niya sa kama ko kaya ngumuso ako.

"G-Galit ka?" Nagtama ang mata namin ngunit hindi niya ako tinugon at nahiga na lang siya at nagkumot.

"Yamato," I tapped his shoulders.

"Yamato," I softly said, nanlalambing.

"Hey, I'm sorry." Sinilip ko ang mukha niya ngunit mas itinago niya 'yon.

"Yamato." I pouted my lips.

Did I cross the line again?

Nasaktan ko siguro siya, sa mismong biro ko. Hindi ako nag-iisip, sana man lang pumasok sa isip ko na galing siya sa trauma.

Nakokonsensya akong huminga ng malalim, parang maiiyak ako sa simpleng bagay. Napahawak ako sa sariling kamay ko.

"I'm really sorry, hindi na ako magbibiro about it. Hindi na po mauulit, kung galit ka pa rin s-sige po. B-Babalik na ako sa bed ko." Mahinang sabi ko.

Hindi niya ako pinansin kaya naman tatayo na sana ako pero may humawak sa kamay ko, kaya natignan ko siya kaagad. "Joke lang— pucha, umiiyak ka hon?" Gulantang niyang sabi kaya iniiwas ko ang mukha.

Pinahid ko 'yon agad, "N-No po." I lied.

"Sorry hon, huwag ka na umiyak." Pinahid niya ang luha sa pisngi ko kaya mas napanguso ako.

Mas nagiging sensitive tuloy ako, "Tara, sleep na. Sorry," nang pahigain niya ako sa tabi niya ay sobra akong kinabahan.

Pero nakahinga ako ng maluwag ng lumabas siya sa kumot at ako lang ang kinumutan, hinalikan niya ako sa noo. "Sleep na," bulong niya na para bang nagpapatulog siya ng bata.


Ilang linggo ang nakalipas, bumalik na kami sa city. Bumalik sa klase at parati naman kaming nagkikita dahil hatid sundo niya ako.

Pagkapasok ko sa classroom ay nagtaka ako ng lumapit kaagad sa akin si Serina at Mandy, "Be alam mo na yung issue?" Nangunot ang noo ko.

"Sa school page natin, tapos sa bulletin board." Umiling naman ako.

"Ano meron?" Tanong ko.

"Look," inabot ni Serina sa akin ang cellphone niya ngunit napalunok ako sa picture namin ni Kuya Yuno, ito yung sa club 'di ba?

B-Birthday ni Senti?

"Ano 'to?" Hindi makapaniwalang sabi ko, tinignan ko pa ang ibang picture, kahit ma yung mga picture noon.

Nakagat ko ang ibabang labi, "Look at the caption be, ang gaga ng gumawa ng issue na 'to." Inis na sabi ni Serina.

Panay ang buntong hininga ko.


Anonymous:
  
      What a shame, ganoon ba talaga kapag maganda? Two-timer? Hindi ka makapili girl? Kaya hindi mo mabitiwan ang isang graduating in engineering at isang licensed engineer na? Sugapa na sugapa sa pogi?

Nakakahiya ka Liezel Jami, isang Yuno Marshall pa talaga at isang Yamato Lapiz? Alam naman natin na isa kang Garcia pero keep your puke intact. Balahurang babae.

I sarcastically laughed, what do they know?

Okay lang sa akin, ma-issue ng ganito, ngunit ang ayaw ko ay ang mag-isip ng kung ano-ano si Yamato.

Alam ko na nga yung pinagdaanan niya noon, dadagdagan at gagatungan ko pa ba?

Pinatapos ko ang klase ko tsaka ko tinawagan si Yamato, ngunit hindi niya sinasagot ang tawag. I sighed.

"Mandy, alam niyo ba number nila Senti? Can you asked them kung nasa room pa si Yamato?" Pakikisuyo ko.

"Sige be," tugon niya agad.

"Umuwi na raw be," tumango ako at nagpasalamat.

Pumara ako ng taxi at pumunta kila Yamato, ngunit pagkababa ko ng taxi ay nakita ko si Kuya Yuno at Yamato na magkaharap.

I sighed, "Kuya Yuno, stop bothering Jami." I heard Yamato, pleased.

"Am I? Gusto ko lang siya pero hindi ko gagawin 'yon sa kaniya. Tangina, tanga ka ba? Sisiraan ko si Jami?" Inis na sabi ni Kuya Yuno.

"You're aware of us right?" Sumbat ni Yamato.

"Bakit ganoon pa rin ang ginagawa mo kuya?" Ngumiwi si Kuya Yuno sa sinabi ni Yamato.

"Pakialam ko sa inyo." Bulong na sabi ni Kuya Yuno.

"Kuya naman—"

"Why can't you just accept it Yamato? Gusto ko yung babaeng 'yon, wala ka naman sa tabi niya nang nasasaktan siya dahil ikaw ang dahilan no'n." Inis na explain ni Kuya Yuno.

"Mapipigilan ko ba 'to?"

"Kingina, ikaw na nga yung gusto ng tao. Sagad-sagad pa kayong dalawa kung manakit, parang bawal." Iritableng paliwanag ni Kuya Yuno.

"Sorry kuya," mahinang sabi ni Yamato.

"Pero sa susunod na makita ko pa yung mga gagawin mong labag sa kalooban niya, kalimutan mo na lang na may pinagsamahan tayo." Seryosong sabi ni Yamato, salubong ang kilay.

"I don't get your point, you know I'm watching you, pero sinasadya mo. Ilang beses kitang pinagbibigyang aligiran yung girlfriend ko kuya." Huminga ng malalim si Yamato, dismayado.

"Sigurado ka bang hindi mo siya masasaktan? Dahil sa oras na magkulang ka, pupunan ko kaagad 'yon. Masira na kung masira." Gitil ni Kuya Yuno tsaka niya inis na binuksan ang sasakyan niya at sumakay na doon.

Nang mapalingon sa gawi ko si Yamato ay nagulat siya at napatigil, "Jami." Lumapit siya kaagad sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Is he mad at me?

"Are you okay? Did others talk behind your back?" Napakurap ako ng maraming beses, hindi inaasahan ang tugon niya.

Akala ko ay sisisihin niya ako dahil binibigyan ko siya ng problema at isipin. Napayuko ako at yumakap sa kaniya.

"Sorry, Yamato."

"Sorry kung nasisira ko kayo," napapahiyang sabi ko. Yumakap ang braso niya at hinagod ang likuran ko, "Hindi mo kasalanan, hon." Bulong niya.

"Sorry, umuwi na ako. I found out that Kuya Yuno's here so I rushed out." He explained.

"I know how great your bond with Kuya Yuno, k-kung makakasira lang po ako—"

"It's our choice Jami, none of this is your fault." He stated, inayos niya ang buhok ko at tsaka siya huminga ng malalim.

"Let's eat?" Ngumuso ako.

"If he wants to play the losing game, I'll lose to you, Jami. Huwag ka mag-alala, hindi kita isusuko. Selfish naman akong tao," napatitig ako sa sinabi niya.

"Come," hinawakan niya ang kamay ko at tsaka niya ako pinasakay sa sasakyan niya.

He'll lose to me?




///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top