Chapter 15: 6 Red Roses

Chapter 15: 6 Red Roses

Liezel Jami's Point Of View.

Nakagat ko ang ibabang labi, "Okay po, sure." Nang sumagot ako ay awtomatikong nabinat ang labi niya tsaka siya mahinang natawa.

"Woah, gusto ko biglang magpa-inom buong engineering." Sa sinabi niya ay pinigilan ko ngumiti.

"Pero in one condition po," natigilan siya at tinignan ako. "What is it, Jami?"

"You can't tell anyone, especially sa kuya ko po. Sa atin po muna sana or sa trusted friends mo." Napatitig siya sa akin, huminga ng malalim.

"Sure." Sagot niya, respecting my decision.

"Thank you for allowing me, Jami. I'll ask you every month, since this day. I'll ask you next month if you want to be my girlfriend." My face heated by what he told me.

"Kuy—"

"Kuya ulit? Just call my name, Jami." Natatawang sabi niya, I awkwardly smiled.

"Why does it sound rude po?" Pabulong kong sabi.

"Try it now, call my name." He even rested his back, smiling in his ears while staring at me.

"Y-Yamato." Nang pigilan niyang ngumiti ay nakagat ko ang ibabang labi ko dahil yung mga mata niyang singkit ay nawawala kahit na pinipigil niya ang sarili ngumiti.

"See? It's great." He complimented.

"Hindi po ako sanay," wika ko.

"Ah," he chuckled, "What do you want to happen then? You'll call me kuya even if we're in a relationship?" My eyes widened on his idea.

"W-Wala pa naman po."

Napatigil siya at tumango, "Sabi mo eh, kain na Jams." Turo niya sa cake not until he placed a fork in front of my mouth, "Say ah."

"Kuya— I mean—"

"Take it," ngumiti pa siya at tumango.

Why is he so assuring? Oh my gosh, my heart.

Pagkatapos naming kumain ay lumapit na si Kuya— siya doon sa mismong cashier, I don't know why kung kaya't tumayo na ako.

I even moved the chair closer to the table, pagkalingon ko ay natigilan ako ng makita ko siyang may hawak na 6 red roses.

"W-What are these?" Bulong na sabi ko nang i-abot niya.

"6  red roses means, guess it." He smiled and I was stunned when he grabbed my bag and carried it for me.

How gentleman!

Lumabas na kami and it was already 5pm, sobrang calm na ng kalangitan, hindi na masakit sa balat ang araw.

"May gusto ka bang puntahan?" Pagbabakasakali niya at pinagbuksan ako.

"Ikaw po ba?"

Napaisip naman siya, "Let's go then," dahil doon ay pumunta kami sa destination na gusto niya.

And before 6pm dama na namin yung pagod kakalakad, I really wanted to know the meaning of 6 red roses.

"You need to study right?" Nalingon ko siya, "Slight po."

He nodded and as he drove me home, hindi ko maalis ang saya at excitement sa puso ko. Imagine, my crush likes me?

Hindi ko inaasahan na yung pag nood nood ko sa kaniya sa malayo ay may patutunguhan na ganito, it was a dream come true.

Pagkarating sa bahay namin ay kinuha ko ang bag at ang 6 red roses na naka-bouquet, "Thank you for today, Jami." Tumayo siya ng maayos sa harapan ko, isang metro ang layo.

"Thank you rin po," ngumiti ako ng matipid, but then I saw him bit his lower lip trying not to smile a lot.

But then he ended up chuckling, "Sorry, Overwhelmed lang." My cheeks heated, he even covered his mouth with his palm and I can't help myself not to smile.

"Ingat po, drive safely." Tumango siya at bahagya pa akong napayuko nang i-pat niya ang tuktok ng ulo ko.

"See you," he gestured me to go inside na kaya naman pumasok na ako at muli siyang sinulyapan.

Kumawya siya mula sa malayo, pagkapasok ko sa bahay ay napalunok ako ng makita ko si lola na napatitig sa flowers na hawak ko.

"6 red roses," tumango tango siya kaya nag-init agad ang pisngi ko.

"L-Lola, good evening po."

"Alam mo ba na ang meaning ng 6 red roses, I want to be yours?" My eyes widened as I shook my head.

"Hindi po eh," wika ko.

"Now you know, mag-shower ka na." Ngumiti ako at tumango. Itinabi ko yung flowers na binigay niya at inilagay 'yon sa vase.

Sa susunod ay ipapa-dried flower ko ulit 'to, I want to be yours?

Nakagat ko ang ibabang labi at nag-shower na lang, pagkatapos ko naman mag-shower ay humiga ako sa kama ngunit napansin ko ang cellphone ko kaya kinuha ko 'yon.

And may notif from instagram..


@yummito.lapiz: I just got home, study hard.

Ano ba? Nakakagana naman mag-aral lalo, akala ko ba sabi ni Kuya Laze nakakaabala sa pag-aaral? Hehehehe..

Ano ire-reply ko?

Bago pa man ako maka-reply ay tumawag si Kuya Laze kaya naman sinagot ko kaagad 'yon, "Where are you?"

"Oppa, I'm in my room. Why?"

"Can you get me my gun, located in my drawer beside my bed Jami." Nangunot ang noo ko sa utos niya.

"Sure, oppa. But may I ask, why do you need this?" Tumayo na ako at naglakad papunta sa kwarto niya.

"Mission," tumango ako at nang makita ang isang briefcase ay binuksan ko 'yon at nakita ko ang naka-dis arm pa niyang baril.

"Should I connect it na, oppa?"

"Please do, can you take it here, Jami?" Lumunok ako, naka-pajamas na ako pero sige.

"Sure oppa, wait, I'm still fixing your gun. Why is it so difficult, what pistol is this?" Reklamo ko, I rolled the silencer and locked the trigger for safety.

"Nandito ako kila Miran, take care Jami, call me when you're near." My eyes widened but I tried not to react.

Makikita ko siya ulit?

I covered his gun with cloth, and put it in my bag. Hindi na ako nag-bihis, mukhang urgent eh, "Lola, I'll just deliver oppa's gun to him." Paalam ko.

Dumeretso na ako sa labas at nag-taxi na lang ako, pagkarating sa kanila ay pinindot ko ang bell waiting for them to open the gate.

"Wait lang!" Nang marinig ang boses niya ay napalunok ako, shet! Siya pa talaga bubungad sa akin?

Nang buksan niya ay nagulat pa siya nang makita ako, "Jami." He was only wearing a plain white shirt and cotton pants or pajamas.

"Is my kuya inside?" I asked.

He nodded, "Pasok ka." Pumasok ako at tsaka ko siya sinabayan, "Kaya pala hindi naka-reply," sa bulong niya ay pinigilan ko mangiti.

"Si kuya?" Tanong ko.

"Nasa kwarto yata ni Ate Miran," sagot niya, "Upo ka muna." Naupo ako sa sofa nila, pinatay niya ang TV dahil medyo maingay 'yon.

"Ma! Si Jami nandito," pasigaw niyang sabi dahil magkalayo sila.

"Oy! Liezel!" Nanlaki ang mata ko ng makitang bumaba si Kuya Yuno nagmamadali at lumapit sa akin.

"Hello! Tagal nating hindi nagkita ah?" Napalunok ako at nasulyapan si Kuya— si Yamato— ugh nakakailang!

"Opo, hehe. Busy po sa upcoming exam." Tumango tango pa ako sa sinabi, naupo siya sa tabi ko.

"Bakit ka pala nandito? Miss mo 'ko 'no?" Angal niya pa kaya alanganin akong ngumiti tapos ay ipinakita ko ang baril na ikinalaki ng mata niya.

"Pota!" Napatayo siya kaagad.

"Kay Kuya Laze po," sagot ko.

"Ah.."

"Asan na ba 'yon, teka tatawagin ko." Paalam niya at umakyat na, nakahinga ako ng maluwag ngunit hindi ko pinalampas ang tingin ni Kuya Yamato na nagsasalubong ang kilay.

"Ayos 'yon ah," wika niya.

"P-Po?" Bahagyang ngumiwi ang labi niya at sinulyapan si Kuya Yuno, "Hi Jami, andito ka pala 'nak." Halos mapalunok ako nang tawagin akong anak ni Tita Janine.

"Ah hello po, good evening." Bati ko.

"Dito ka na dinner, anong oras na rin oh." Nang sulyapan ko si Kuya Yamato ay ngumiti pa siya at inakbayan ang mama niya.

"Oo nga naman ma, 'di ba? Masama nalilipasan kahit isang minuto." Sa gatong niya sa mama niya ay mahina siyang napalo sa balikat.

"Ikaw ba'y may girlfriend bata ka ha?" Tinitigan ko si Kuya Yamato sa pang-gigisa sa kaniya ng mama niya.

"Bakit ma? Selos ka?" Nang sulyapan niya ako ay awtomatiko akong umiwas tingin.

"Hindi 'nak, baka si Jami single pa oh." My eyes widened but before anything, Kuya Laze extraded himself.

"She's not yet allowed tita, baby pa. Umiinom pa ng gatas 'yan, plus hindi pa 'yan nakakatulog pag wala yung stuff toy niya." Ngumuso ako sa panlalaglag ni Kuya Laze.

"Ay willing ako maging stuff toy, Jami— aray! Pota naman Laze," reklamo aagd ni Kuya Yuno nang makatikim siya ng malakas na hampas sa ulo.

"Kasasabing bata pa," gitil ni Kuya Laze kaya ngumiti ako.

"Hangga't sa akin pa tumatakbo 'yan, bawal." Nakagat ko ang ibabang labi.

"Oh bawal pala eh," bulong ni Kuya Yamato at inaasar akong tinitigan kaya ngumuso ako.

"Dito na kayo dinner," anyaya ni Tita Janine.

"Sige ma!" Sagot naman ni Ate Miran na pababa pa lang ng hagdan.

"Gago, yung tsinelas ko Yamato!" Biglang sigaw ni Ate Miran at doon ko napansin na suot ni Kuya Yamato ang pink na tsinelas na mabilis niyang inalis.

"Nagmamadali ako kanina." Pagrarason niya.

"Ma! Bilhan mo nga pink na tsinelas si Yamato." Suhestyon ni Ate Miran, hanggang sa mag-asaran na naman sila.

Ang totoo niyan ay inaantok na ako ngunit dahil nandito si Kuya Yamato ay nawawala 'yon. "In a mortar, the binding material is?" Sa biglang tanong ni Kuya Yamato ay napatitig ako sa kaniya.

"C-Cement?" Kinakabahan na sagot ko.

He smiled, turned his face to glance at me. "Correct, that's very basic though." Ngumuso ako, ngumiti naman siya lalo.

"Kain na!" Malakas na sigaw ni Ate Janella kaya tumayo na ako, "Ah by the way, alam mo na yung meaning ng 6 red roses?" Tanong niya on our way to dining.

"Sabi po ni lola, I want to be yours, ang meaning no'n." Ngumiti siya at tumango.

"Cheesy ba?" Napalingon ako sa kaniya at natigilan, what should I answer? "Okay lang, yung iba nga walang makain." My eyes widened on what he added.

"Po?"

"Huwag mo na pansinin 'yan Jami, gago lang talaga 'yan." Ate Janella scoffed and sat in front of me.

Habang kumakain ay nag-usap na rin sila magkakapamilya, "Yuno wala ka pang girlfriend?" Nalingon ko si Kuya Yuno na kumakain ng barbecue on a stick that they barbecued.

"Girlfriend? Wala, may hinihintay ako." Seryosong sagot niya, "Nililigawan wala?" Kwestyon pa ni Ate Janella.

"Wala, may hinihintay ako." Tapos ay sinulyapan niya ako kaya napasubo ako ng rice and meat.

I tried to look away, "Kung kailan tumatanda talaga tsaka nawawalan ng babae 'no?" Parinig ni Ate Janella.

"Okay lang, hindi naman nagmamadali." Pinaglalaban pa ni Kuya Yuno.

"Ikaw Yamato? Meron?" Tumikhim si Kuya Yamato at sumulyap sa akin.

"Secret," ngising sagot niya.

"Aba! Parang hindi kapatid ah?" Singhal ni Ate Janella, inabot niya ang baso at napainom pa.

"Sino?" Kwestyon ni Ate Miran.

"Akin na muna 'yon," matipid niyang wika at ngumuya na lang, pagkatapos kumain ay sobra akong nabusog.

"Thank you po sa dinner," pagpapasalamat ko.

"Balik ka lang Jami, nang hindi lang mukha nila ang nakikita ko." Natatawang sabi ni Tita Janine.

"Ma naman," reklamo ni Ate Janella.

Nauna na ako sa labas at hinintay ko si Kuya Laze na maghahatid sa akin, habang hinihintay ay nagulat ako ng biglang may umakbay sa akin.

Natingala ko siya, "Kuya Yamato—"

"Kuya ulit?" Natatawang sabi niya at niyuko rin ako para makita ang mukha ko, matipid siyang ngumiti.

"Ingat ka pauwi," mahinang sabi niya.

"I'll see you again, okay?" Tumango ako.

"Goodnight!" Ang pagkaka-akbay niya sa balikat ko ay inabot niya ang pisngi ko kaya napaglapat ko ang sariling labi. Ngumiti siya at nang marinig sila kuya ay inalis niya na ang pagkaka-akbay.

Pasimple siyang ngumiti at pinagkrus ang mga braso habang hinihintay sila Ate Miran, "Ingat kayo kuya," paalam niya.

"Tara na," anyaya ni Kuya sa akin, ngunit pagbubuksan na sana niya ako pero inunahan na siya ni Kuya Yamato— eto na naman ako.

Nilingon ko si Kuya Yamato at nginitian, nang umandar na si Kuya Laze ay tumahimik na ako sa likod. "Don't you change your mind, Miran." Seryosong sabi ni Kuya Laze kaya tumanaw ako sa labas ng bintana.

"Baka mamaya nandoon ka na naman kay Terry," kinagat ko ang ibabang labi.

Makalipas ang isang linggo ay sumasakit na kaagad ang ulo ko sa data analysis, hindi na kaya ng utak ko yung inaaral ko sa iisang araw.

Halo-halo, "Jami kumain ka na muna, mamaya ka na mag-review." Pagtawag sa akin ng kaibigan ko, ngumuso ako at sinulyapan siya.

"Mamaya na ako, mauna na kayo."

"Mahirap talaga 'yan Jams, kahit nga kami hindi pa namin gets pero kakain kami. Tara na," huminga ako ng malalim at pilit siyang nginitian.

"Okay lang ako, mauna na kayo." Huminga siya ng malalim at tumango, after 15 minutes tumunog ang cellphone ko kaya naman tinignan ko 'yon.

Napatitig ako sa screen, at awtomatiko kong dinampot lahat ng gamit ko ng makita ang message ni Kuya Yamato.

Yamato: Been waiting for 15 minutes, where are you Liezel Jami? Kain-kain rin aba, kawawa naman yung sikmura mo niyan.

Tumakbo ako papunta sa cafeteria dahil sa message niya, pinigilan ko pa mangiti sa cute niyang sermon.

Pagkapasok sa cafeteria ay hinanap ko siya kaagad, nakita ko siya sa sulok kaya naman pumunta ako doon. Naningkit ang singkit niyang mata at tinitigan ang silver watch niya.

"Are you flash?" Nangunot ang noo ko sa tanong niya, I saw the food in the table, umuusok pa.

"Po?"

"Because you are so fast, one minute. Did you run?" Gulat niyang sabi.

Ngumiti ako at naupo sa harapan niya, "Sorry po, hindi ko po kasi ma-gets yung data analysis and I don't stop in something if I don't get it." I explained.

He smiled, "Kumain ka muna, let's go. Dig in," halos mapatitig ako sa kaniya nang alisin niya ang isang butones ng suot niyang white polo.

"Init, sorry." Nakagat ko ang ibabang labi ko sa sinabi niya at kinuha ang spoon and fork.

"Thank you po." I smiled.

"Welcome po," pag-tulad niya sa ginagamit ko pag bigay galang.

"15 minutes ka na po naghihintay?" I asked while eating, he chewed on his food first before answering me.

"Joke lang 'yon, 5 minutes lang. I saw your friends and they told me na ayaw mo raw kumain, just to make you come." He chuckled after explaining.

"Susunduin sana kita sa classroom niyo, pero akala ko kasi out niyo nang 11:50 am." Tumango ako.

"Opo."

"Jami, Yamato lang, Yamato, huwag mo na ako i-po at opo." Nakagat ko ang ibabang labi, I covered my mouth.

"Sorry po—"

"Sige po." He mimicked.

"Kuya Yamato ang awkward talaga," seryosong sabi ko.

"Hmm. Sige ate," pinanlakihan ko siya ng mata pero natawa siya at kumain na lang.

Pagkatapos namin kumain ay napasandal siya sa kinauupuan, "Saan ka nahihirapan?" Tanong niya bigla at inilahad ang kamay.

Para saan 'yon?

Hanggang ngayon ba naman may trust issues pa rin ako sa paglahad lahad niya ng kamay? Inabot ko ang libro ngunit natawa siya, "Yung kamay mo." Nanlaki ang mata ko at nabawi ang libro.

Inabot ko ang kamay, "Bakit po?"

Tinignan niya ang palad ko kaya nangunot ang noo ko, "Kuya bakit po?" Gitil ko.

"Tinitignan ko lang kung kasama ba ako sa future mo," pinigilan niyang ngumiti matapos sabihin 'yon kaya pinanlakihan ko siya ng mata at pinigilan ko matawa.

"Ang korni mo po 'no," singhal ko. Syempre kasama ka..

Syempre..

"Ay korni ba, okay lang. At least, kasama sa future mo." Tumaas ang kilay ko.

"Huwag na po yata kita isama, sunod ka na lang." He smirked, "Buhatin pa kita papunta sa future natin," banat niya kaya umirap ako.

"Saan ka ba pero nahihirapan? Turo ko, baka alam ko." Nang sabihin niya 'yon ay kinuha ko ang notebook ko at pinakita sa kaniya.

"I asked my brother but he answered, he didn't study engineering." Nakangusong sagot ko, "May point." Nang sumangayon siya kay Kuya Laze ay humaba agad ang nguso ko.

Bago ako pumasok ay itinuro niya muna sa akin kung paano ko mapapadali ang understanding sa subject na hirap ako and it really works.

Pagkahatid niya sa akin sa classroom ay halos tumabingi ang katawan ko ng tusukin ng kaibigan ko ang tagiliran. "Ikaw ha," kinikilig niyang sabi.

"B-Bakit?"

"Nililigawan ka pala ni engineer!" Bulong niya kaya nanlaki ang mata ko at umiwas tingin.

"S-Sinabi niya?" Nagtatakang sabi ko.

"Ay totoo?" Nanlaki ang mata niya kaya naman napalunok ako.

Shet, nahuli ako.

"Gagi! Totoo?!" Ngumuso ako at tumango.

"Pero secret lang," bulong ko.

"Sure! Pag sinabi ko sa iba, mamawawala aso ko. Kaya hindi ko sasabihin," napangiti ako nang idamay niya muli ang sariling aso.

Nag-aral na kami, not until someone knocked on our classroom door that is closed, lumingon ang prof namin kaya napatingin rin ako doon.

Nang sumilip ang isang babae ay napatingin ako rito, "Good afternoon sir, May I excuse Jami Garcia?" Nangunot ang noo ko.

"Bakit ako," bulong ko sa sarili.

"Ms.Garcia," nang tumango si sir ay tumayo ako at pumunta doon sa labas.

Pagkalabas ko ay nagtaka ako, "Bakit po?" Tahimik lang siya, "Follow me." Huminga ako ng malalim at sumunod sa kaniya.

Nang nasa wala na kaming tao ay natigilan ako ng makita si Athena at ang isa pang babae, tatlo sila. "Since she's pregnant, I'll tell you." Panimula niya at pinagkrus ang braso.

"Stay away from Yamato," tumaas ng bahagya ang kilay ko.

"Bakit po?"

"Bakit ko po 'yan gagawin?" Kwestyon ko.

"She got her pregnant tapos pinopormahan ka niya? At ayos lang 'yon sa'yo? Hindi ka ba nahihiya?" Tumaas ang kilay ko at sinulyapan si Athena.

"Bakit hindi mo habulin ang tunay na tatay niyan?" Gitil ko.

"Ano bang sinasabi mo?! Bobo ka ba!?" Nang sigawan ako ng babae ay blangko ko siyang tinignan.

"You're wasting my time, I have classes. Confirm your issues first," paalam ko at tinalikuran sila ngunit wala pang isang minuto ay may humablot na ng buhok ko at sa lakas no'n ay nawalan ako ng balanse dahilan para sumalampak.

Sinamaan ko ng tingin si Athena, huminga ako ng malalim, unti-unti ay nauubos ang pasensya. "Athena, parehas naman nating alam na walang nangyayari sa inyo ni Yamato."

It's my first time, calling out his name without any hesitation. "At naniwala ka sa kaniya? A man will always find a way to escape their mistakes!" She yelled, she got a point actually.

"But not him," I stated.

"Alam mo naman kung gaano ka niya minahal! Pero ikaw yung sumira sa inyong dalawa, bakit ngayong maayos na siya gusto mo na naman siyang guluhin?" Galit na tanong ko.

"Naniniwala kang hindi ka niya ginagamit Jami?" Kwestyon niya.

"Sigurado kang hindi niya na ako mahal?" Natigilan ako nang damputin niya ang cellphone niya sa bag niya at ipakita sa akin ang text messages.

Napatitig ako doon, kinakabahan.


Yamato: How's the baby?

Yamato: Eat healthy and don't skip your check ups.

Yamato: Don't get too stressed, masama 'yan sa baby.


Napakurap ako ng maraming beses, huminga ako ng malalim at tsaka ko siya tinitigan. "Mahal niya pa ako, Jami. Kaya ako na nagsasabi sa'yo, masasaktan ka lang." Mahinahon niyang sabi.

Umatras ako at tsaka derederetso siyang tinalikuran, nagbigay kirot 'yon sa dibdib ko lalo na ng malaman ko na dalawang araw lang ang text messages na 'yon.

Bumalik ako sa klase ng tahimik, inayos ko ang buhok at tsala ako nag-aral. Pagkatapos ng klase ko ay hindi ko batid kung ano ang mararamdaman.

Lumabas ako ng school gate at pumara ng taxi, sanay ako na hatid sundo niya, pero hindi ko naiintindihan.

Hindi ko maintindihan mismo, if he's still concern about that woman. Bakit pa niya ako inaaligiran?

Kung mahal niya pa bakit hindi niya na lang balikan, hindi ko sila maintindihan lahat.

Pagkauwi ko sa bahay ay nag-aral lang ako nang nag-aral, hindi ko pinapansin ang pagtunog ng cellphone ko at kahit na nang ipad ko for instagram notifications.

Dineadma ko 'yon, kinaumagahan ay late na ako nakatulog dahil nag-aral ako. Naligo lang ako at pumasok na, derederetso lang ako sa classroom.

Not until someone grabbed my hand and pulled me, napaharap ako kaagad sa kaniya. Bahagya pa akong nagulat ngunit pinigilan kong bumuntong hininga.

"Jami, what's wrong?" Nag-aalala niyang tanong, tinitigan ko ang mukha niya.

"I studied hard, and had a hard time." Napatitig siya sa akin, hindi ko siya ma-confront, natatakot ako sa maging sagot niya.

"Pasok na po muna ako, baka ma-late." Pagdadahilan ko.

"Okay, hihintayin kita mamayang hapon. Ingat Jami," he calmly stated and smiled slightly but then I nodded and turned my back on him.

Tulad nang nakasanayan, nag-aral ako at hindi na kumain ng lunch, wala rin naman akong gana. Pagkatapos ng klase ko ay sandali akong yumuko sa desk ko.

"Jams okay ka lang?" My guy classmate asked, I glanced at him and nodded.

Pagkatapos ko mag-stay nang ganiyan for 5 minutes, inayos ko na ang mga gamit ko. Hindi maalis sa isip ko ang sinabi at pinakita ni Athena.

If she has proof, number rin ni Yamato, so what does it mean?

Dahil sa naguguluhan ako ay pinalipas ko ang tatlong araw na iwasan siya, hanggang sa saturday na ay natigilan ako nang pagbaba ko ng kwarto ay nakita ko si Kuya Yuno.

"Ginagawa mo po rito?" Walang gana kong kwestyon, "Kuya mo, sinamahan ko lang." Sagot niya naman.

"Ah, okay po."

Kumuha ako ng water sa ref ay uminom, "Jami natutulog ka pa ba? Panay ka yata aral." Napansin ni Kuya Yuno, malamlam siguro ang mata ko.

"Exam po eh, malapit na."

"Kalmahan mo lang, makakapasa ka niyan." Tumango ako at matipid na ngumiti.

"Akyat na po muna ako," matipid na sabi ko.

"Oh sige, ingat!"

Pagdating nang hapon ay nasapo ko ang ulo, wala akong gana mag-review kahit na review ako ng review. May messages rin si Yamato pero tinatamad ako basahin sila lahat.

Hindi ko talaga alam.

Dumaan ang gabi ay pinili ko muna bumaba matapos maligo, "Lola, punta po muna ako sa cafe niyo." Paalam ko sa kaniya.

Humalik ako sa pisngi niya, "Manong, pahatid po sa cafe. Thank you."

It's 7pm sharp and I'm bored. I ordered ice cream as I want chill food when I'm studying. Habang nagsusulat ako ay napayuko ako sa table ko at pumikit.

Pag-upo ko nang maayos ay napatingin ako sa cashier, ngunit halos magitla ako nang makita si Kuya Yamato na nakatingin sa akin.

Nang makuha niya ang cake ay huli na para makatakas pa ako, he sat in front of me. With his arms crossed over his chest, "What's wrong Jami?" He asked.

"Wala po."

He sighed, "Come with me, ayusin mo yung gamit mo." Halos mapasunod ako kaagad sa seryosong tinig niya, ibinalik ko sa bag ko ang ipad at notebook.

Tumayo siya at halos lumunok ako nang buhatin niya ang bag ko at hawakan ako sa kamay, para akong bata na tinangay niya at napasunod.

Pagkarating sa sasakyan na dala niya ay inilagay niya sa likod ang gamit ko at ang cake na binili niya, nagsuot naman ako ng seatbelt.

"I know you're busy, studying for an upcoming exam. But do we have a problem?" Mahinahon niyang tanong at nilingon ako.

Huminga ako ng malalim at umiling, "Kung meron kang tanong, ask me. If you're worried about something ask me, Jami para hindi ka nag-iisip mag-isa." Yumuko ako, pinaglaro ko ang mga daliri ko.

Naiiyak.

"Jami," iniiwas ko ang mukha nang maluha na ako.

He sighed heavily, "What's our problem? Hmm?" He wiped my tears and stared at me worriedly.

"Are you serious about me?" I stated, confronted him.

"What do you mean Jami? Serious about you?" Paglilinaw niya.

"Sigurado ka bang wala ka ng nararamdaman kay Athena?" Natigilan siya sa sinabi ko, "Wala na." Sagot niya.

"Sigurado ka?"

"Yes, Jami."

"What's wrong?" Umiwas tingin ako.

"Because if you still have feelings for her, don't bother me anymore po. Ayoko po masaktan," mahinang sabi ko.

"If you have trust issues yourself, don't give me trust issues po, I really hate overthinking." Huminga siya ng malalim.

"Okay, Jami." He nodded.

"What do you want to assure?" He asked, he wiped my tears using his thumb staring at my face.

"Athena showed me that you texted her," pabulong na sabi ko.

"Texted her? You mean, I replied to her?" Nangunot ang noo ko, nakita ko nag-text lang wala ng iba pang message eh.

Napalunok ako nang buksan niya ang cellphone niya sa harapan ko, showing me his password and then he handed it to me.

"A-Ano po?"

"You can check," napalunok ako nang ipahawak niya sa akin 'yon.

Napalunok ako at nahihiya, nanatili siyang nakatingin sa akin.



Athena: I got to an hospital, wala akong kasama, I bleed kasi. Can you come?

Yamato: How's the baby?

Yamato: I can't come.

Athena: Can't you drive me home? The baby is fine but weak.

Yamato: Call your friends, I don't have time.

Yamato: Eat healthy and don't skip your check ups.

Athena: Can't you help me this time, Yamato? May pinagsamahan naman tayo.

Athena: Sobrang stressed na ako, hindi ko alam kung papaano ko bubuhayin yung baby ko. Pinalayas ako ng mga umampon sa akin.

Yamato: Don't get too stressed, masama 'yan sa baby.

Yamato: I really don't want to get involved with you anymore, Athena. I'm already okay.

Athena: Yamato, Please?

Athena: Just this time, I'll be good. Help me.

Athena: Yamato, I don't have a home.

Athena: I'm staying with my friend, yung house na ginawa binenta na niya.


Huminga ako ng malalim, so she deleted how she started the conversation and made me look like a fool.

Ngumuso ako at pinatay ang cellphone niya, "Does it made you uncomfortable?" Natignan ko siya.

"No, She just showed me three messages that I misunderstood." Pagsasabi ko ng totoo.

"Is that what's bothering you?" Napaiwas tingin ako at tumango.

He sighed, "You can always ask me, and I'm willing to explain everything, huwag ka lang maguluhan." Napapahiya akong yumuko, pinaglalaro ang mga daliri not until hawakan niya ang kamay ko.

"I'm sorry, I bothered you a lot." Nang hawakan niya ang batok ko ay napapikit ako kaagad ngunit hindi ko wari kung madidismaya dahil tanging noo ko lamang ang hinalikan.

Sana po sinulit mo na.

"Hindi niyo naman po kasalanan, kasalanan ko rin kasi imbis na kausapin kayo ay pinili ko kayong iwasan." Nagmamaktol kong sabi na mahina niyang ikinatawa.

"Mismo," mas ngumuso ako sa pag sangayon niya.

"You made me worry, akala ko basted na ako." Natatawang sabi niya.

"Halos tawagin ko ang ilang santo, sagutin mo lang ang tawag ko. Grabe, kabado." Natapik niya pa ang dibdib.

"Mga ilang araw ko ring pinilit paniwalain yung sarili ko na busy ka lang talaga sa pag-aaral." Bigla ay na-konsensya ako ngunit dahil nakangiti siyang nagkekwento ay gusto ko siyang yakapin.

Ang tagal ko siyang hindi nakita, namimiss ko rin yung pang-aasar at pang-dadaldal niya sa akin.

"Ah shit, dinner." Bulong niya sa sarili nang tumunog ang cellphone niya.

"Wait hon," My eyes widened when I realized what he called me, HON?

HON? LIKE HONEY?

Hon?

Baka mali lang pandinig ko, tama.

///

@/n: Any thoughts? Thank you for genuine support!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top