Chapter 12: Her Confusion

Chapter 12: Her Confusion


Liezel Jami's Point Of View.

Nang makarating sa condominium ni Kuya Laze ay bumaba na ako, humabol naman kaagad si Kuya Yuno nang mabilis akong maglakad.

"Jami," hindi ko siya matignan sa mata, gusto kong maiyak, naguguluhan ako kung anong gagawin ko.

I really care for him, pero yung ako na yung cause of his pain. I can't be more worried.

"Let's stay like we used to," napatitig ako sa kaniya dahil sa sinabi niya, sinabi 'yan sa akin ni Kuya Yamato..

"Go home na po, ingat." Bigla ay nahiya ako sa kaniya, huminga siya ng malalim at binitiwan ako.

"Thank you for tonight," pabulong niyang sabi kaya naman tumalikod na ako at nagmamadaling umalis sa harapan niya.

Nang nasa lobby na ay huminga ako ng malalim at umakyat na sa itaas. Pagkapasok ko sa condominium ni Kuya Laze ay 11pm na rin, hindi ko alam pero mukhang tulog na sila.

Nakapatay na ang ikaw at tanging lamp shade na lang ang bukas kaya maingat akong pumunta sa kusina upang uminom ng tubig.

But then I ended up sitting on the dining, hindi ko na alam, biglang gumulo lahat. Nasapo ko ang sariling mukha, yumuko ako sa dining.

Lubusang nanlulumo, nasulyapan ko ang cellphone ko tsaka ko ininom ang natirang tubig.

Masaya naman ako sa pag-amin ni Kuya Yamato, pero nang umamin rin si Kuya Yuno ay hindi ko na alam, biglang naging mahalaga ang dahilan kung bakit nila ako gusto.

Gusto ba nila ako kasi uhaw sila sa pagmamahal? O gusto nila ako kasi ako yung nandito ng masaktan sila.

Nasaktan ako sa sariling ideya ng isip, tila humirap para sa akin ang pagkatiwalaan ang nararamdaman nila.

Nang mapaluha ay napahid ko 'yon, not until someone moved the chair beside me and he sat on it. Nagulat ako sa pagsulpot niya, akala ko ay tulog na siya.

"What's wrong?" Nang malumanay niyang itanong 'yon sa akin ay tila gusto ko maiyak lalo na ng pahidin niya ang kapiranggot na luha sa pisngi ko.

Napatitig ako sa mukha niya, I want to ask him but I can't confront him when he's nice just like this.

Iniiwas ko ang mukha, "May nangyari ba?" He softly asked.

"W-Wala po," bulong ko.

"Hmm, get to bed Jami. Take a rest," he gently tapped my back, which comforted me a lot. He stood up and asked me to stand.

"Go upstairs, matulog ka na. Goodnight," matipid siyang ngumiti kaya naman awtomatiko akong napasunod sa kaniya.

Nang makaakyat ay natanaw ko pa siya sa ibaba, kaya naman nag-alcohol lang ako at nahiga na sa tabi ni Ate Miran.

Kinabukasan ay nagising rin ako dahil kay Kuya Yamato at Kuya Laze.

"Gising na mga prinsesa." Nakangiwi na sabi ni Kuya Yamato.

"Yamato ano ba," sita naman ni Ate Miran at bahagyang sumipa bago ito itago ang paa sa kumot na makapal.

Nang akmang hahawakan ni Kuya Yamato ang paa ko ay nagbanta si Kuya Laze, "Don't touch my sister's feet." Pinigilan ko mangiti.

"I know," napatikhim pa siya ng alanganin. Ang gwapo naman ni Kuya Yamato sa umaga.

Ang ganda gumising.

"Nakaluto na ako breakfast, since Kuya Laze can't." Tumaas agad ang kilay ni Kuya Laze sa sinabi ni Kuya Yamato.

Ngunit nang si Ate Miran na ang tumingin kay Kuya Laze ay umiwas tingin ito, ang cute nilang couple.

Naunang tumayo si Ate Miran kaya nagtalukbong pa ako at pumikit not until my brother forcefully asked me to stand.

Pagkatapos ni Ate Miran gumamit ng banyo ay tatamad tamad akong pumasok sa banyo.

Pagkatapos ay nagpunas lang ako ng mukha at naupo na sa dining, natignan ko naman ang magandang pagkakahain ng ulam. "Inaantok pa kayo?" Kwestyon ni Kuya Laze ng humikab ako.

"Kuya anong oras na kaya ako natulog," pagrereklamo ko, sana ay hindi niya tanungin ang ganap sa amin ni Kuya Yuno.

Oh my gosh, ang nagtataka niyang tingin ay nandiyan na. "Hindi niya matanggap yung pagkatalo niya as champion." Nang sumingit si Kuya Yamato ay nakaligtas ako.

Ako nga nanalo eh..

"Partida," sagot ko at umirap matapos niya ako makahulugan na tignan.

Pagkatapos kumain ay balak ni Ate Miran na bisitahin ang lola niya kaya naghintay na lang ako, nagpakuha na rin ako sa driver namin ng damit ko na pinadala naman ni lola.

Matapos ko maligo ay tinuyo ko ang buhok gamit ang towel dahil ginagamit pa ni Ate Miran ang hair dryer.

Habang tinutuyo ang buhok ko ay natulala ako sa balcony ni Kuya Laze, maganda naman ang view maraming buildings, billboards, and little peoples.

I sighed, not until I felt a presence on my back so I glanced but I immediately stepped back but he stopped me from bumping into the glass walls.

"I'm not doing anything," gitil niya.

"What happened last night?" Huminga ako ng malalim.

"Wala po," mahinang sabi ko.

"That's odd, iiyak ka ba kung wala?" Kwestyon niya, nanlaki ang mata ko at nahihiyang umiwas tingin.

"Kuya Yamato, nakakainis po kayo mag-pinsan. Ako po ba yung trip niyo?" I asked.

"Bakit? Ano meron?" Sumeryoso ang mukha niya, napalunok naman ako.

"I-I mean, y-yung sa kahapon po. Y-Yung joke niyo—"

"Hindi naman ako nagbibiro," nagsalubong ang kilay niya ngunit malumanay ang tinig.

Nag-init muli ang pisngi ko, "Kuya Yamato, your heart is still broken right?" I assured him.

Natigilan siya, hindi nakasagot. Dahil doon ay bumuntong hininga ako, "Kaya po sana siguraduhin niyo yung sinasabi niyo, kasi baka sa huli kayo po ang mahirapan at maguluhan." Naitikom niya ang bibig at umiwas tingin.

"People can be swayed po, j-just because you want to see her every day it doesn't mean you like that person." Hindi siya sumagot.

"Attachment to a person is not like or love, you're just comfortable every time you're around them." He stared at me, umiwas tingin ako.

Hindi niya rin naman kaya magsinungaling dahil hindi siya makasagot kaagad, both of them are trapped in their own past and they maybe like me in order to escape.

At pag pinatulan ko 'yon, sa huli ako ang masasaktan ng sobra. "I like you, really. But what you said is also true, Jami." Mahinang sabi niya, hinarap ko siya, napapasulyap pa ako kay Kuya Laze.

"I was broken, I admit that. But that doesn't stop me from liking someone, I don't intend to like you. It's not a plan," gusto ko kiligin Kuya Yamato.

Pero pakiramdam ko sa ating dalawa ngayon, ako ang may trust issues sa sinasabi niyo. "Gusto kita makita palagi—"

"Baka po tulad ng sinabi niyo, napapalimot ko sa inyo yung sakit kaya gusto niyo ako palaging nakikita." Bumuntong hininga siya sa sinabi ko.

"I'm really confused, Kuya Yamato. It's a two year relationship, imposible na makalimutan niyo kaagad ang pinagsamahan niyo." I stated myself, trying to clear and sort things out.

"I understand your concern," mahinang sabi niya.

"Let's go," tinalikuran niya na ako matapos pagmasdan ng mahigit ilang segundo. Napasunod naman ako, mahirap mag-usap rito.

Mapagalitan pa ako ni Kuya Laze.

Nang makaalis ay ayaw makita ni Kuya Yamato ang mga Bautista kaya nagpa-iwan kami sa labas, actually iniwan ako ni Kuya Laze.

Dahil doon ay naghintay na lang kami sa sasakyan ni Kuya Laze, "Bakit pala hindi ka umuuwi Kuya Yamato?" Kwestyon ko.

"Nagtalo rin kami ni lola," matipid niyang sagot.

"Galit ka po sa kaniya?" Tanong ko.

Nasulyapan niya ako, ang round neck shirt niya ay bahagya niyang hinila palayo sa leeg niya dahil para siyang nasasakal. "Medyo, hindi ako natutuwa sa desisyon niya sa buhay."

"Pero hindi naman ibig sabihin no'n gusto ko yung nangyari sa kaniya, l-lola ko pa rin siya. Mama siya ng dad ko, kahit pa gaano siya kasama ayoko pa rin na mapasama siya." Napangiti ako sa sagot niya.

"Kung magkakaroon po ako ng younger sibling, sana katulad niyo rin siya. Ako kasi yung bunso," nakangusong reklamo ko.

"Kaya si Kuya Laze yung nansesermon sa akin, wala akong masermonan tulad ni Ate Miran." Napatitig siya sa akin dahil sa sinabi ko.

"Hindi naman dahil sa mas bata ako ay siya lang ang nagbibigay sermon. Dahil kahit ate ko siya ay may mga mali rin siyang desisyon kaya minsan, sinasabihan ko rin." Ngumiti ako sa sinabi niya, proud siya ha.

"Hindi mo pa ba napagalitan si Kuya Laze?" Sa sinabi niya ay napakamot ako sa pisngi, sabagay.

"Nasabihan na po, pero napagalitan rin ako." Mahina siyang natawa sa sinabi ko.

"Bata ka pa nga," nang guluhin niya ang buhok ko ay napatitig ako sa kaniya.

Gusto mo po ba ako? Yung totoo po.

"Kaya nga po bawal pa mag-boyfriend," bulong ko.

"Ate Miran got a bo— ah wala pala silang label," pabulong niyang sabi sa sarili kaya napangiti ako.

"So what really happened between you and Kuya Yuno? Inaway ka? Inasar?" He curiously asked, napatitig naman ako sa kaniya.

"Hindi pa po ba siya maka-move on kay Ate Alyssa?" Tanong ko, nang sabihin ko 'yon ay napalunok siya.

"So you did talk about her," bulong niya.

"S-Somehow po?"

"Sa kwento ng isang ate ko, girlfriend niya raw 'yon high school pa lang sila. Pero bago sila umapak sa college, naipagkasundo si Ate Alyssa sa kapatid ni Terry Bautista." Sa kinwento niya ay bahagyang nanlaki ang mata ko.

I heard that when Kuya Laze and Kuya Yuno are talking, "Like Ate Miran?" I asked.

"Yes," he even nodded.

"And her girlfriend died because of suicide," napakurap ako ng ilang beses.

Suicide.. how painful is that for him?

"Her death anniversary is coming, this friday." Nang sabihin 'yon ni Kuya Yamato ay napatigil ako.

So they really want me, for escape.

Bigla ay nawala ako sa mood, "Kaya po pala."

"Why are you so curious about him? Do you like him?" Nang sabihin niya 'yon ay nanlaki ang mata ko at umiling iling.

"N-Natanong lang po," he softly sighed.

"Okay."

"Kuya Yamato," nalingon niya ako muli. He even fixed his hair in front of me, hinahangin kasi 'yon sa mga mata niya.

"Op?"

Hindi ko maibuka bigla ang bibig ko, at nawala lahat ng sasabihin ko dahil sa titig niya.

Kuya Yamato naman, hypnotized by his gaze.

"Huy, ano?" Umiwas tingin kaagad ako.

Aaaaaaaaaaaaahhhhhhhh!

Nakakahiya, "Wala po." Sagot ko bigla.

Mahina siya muling natawa, "Ginagago mo na naman ako ha," pinigilan ko mangiti sa sinabi niya.

Parati na lang namin sinasabi 'yang word na 'yan, magsasalita pa sana ako pero may tumikhim sa likuran namin.

Nalingon ko ito at napalunok ako ng makita si Kuya Yuno na magkakrus ang braso at tila kagagaling niya lang sa trabaho dahil naka-polo siyang itim at may hawak pa na jacket sa braso niya.

"Kuya Yuno," bati ni Yamato.

"Hmm, musta?" Tugon ni Kuya Yuno kaya naiiwas ko na ang tingin sa kaniya.

"Okay lang, ikaw ba kuya?" Uusad sana si Kuya Yamato para paupuhin sa tabi niya si Kiya Yuno ngunit halos mapalunok ako ng sa tabi ko maupo si Kuya Yuno.

"Usad," matipid niyang sabi kaya wala akong choice kundi umusod pa lalo at dahil doon ay napausod rin si Kuya Yamato.

Nagtataka, "How about you? Are you good?" Napansin ko ang paglagay ng braso ni Kuya Yuno sa sinasandalan kaya umalis ako sa pagkakasandal.

"O-Okay po." Sagot ko.

Bigla ay nailang ako sa presensya niya, nakakahiya ang nangyari kagabi at hindi ko alam kung paano siya kahaharapin. "Consider what I've said, Liezel." Nalingon ko siya sa sinabi.

Kuya Yuno naman.

"I-I'll see what I can do about that, Kuya Yuno." Idiniin ko ang word na kuya na bahagyang ikinangiwi ng labi niya.

"Should I say, darling?" Halos tumaas ang balahibo ko nang ibulong niya sa akin 'yon.

Nalingon ko kaagad si Kuya Yamato na salubong ang kilay at punong puno ng pagtataka. "U-Una na po ako, s-sisilipin ko sila mommy sa loob." Kinakabahan na paalam ko.

"Sure." Tugon agad ni Kuya Yamato.

Ipit na ipit ako bigla sa kanilang dalawa, isa lang naman ang hiniling kong magkagusto sa akin, bakit magpinsan pa? Jusko.

Matapos ang araw na 'yon ay nanlumo ako dahil magkasama pa rin si Kuya Yuno at Kuya Yamato, nang magkita si Kuya Yuno at Kuya Laze ay nagbatian pa sila.

"Uuwi na kayo? Can I come over?" Sa tanong ni Kuya Yuno ay kinabahan ako, ibig na sabihin no'n makakasama ko na naman sila?

"Sure, may problema?" Tanong ni Kuya Laze.

"Ah, by the way. What happened last night? Saan kayo pumunta?" My Kuya Laze glanced at me, a little bit glaring.

"Well, I just took her out. To inhale some fresh air, right?" Nang tignan ako ni Kuya Yuno ay kinabahan ako.

"O-Opo."

"Took her out?" Kwestyon ni Ate Miran.

"Are you dating her?" Sa tanong ni Ate Miran ay nag-init ang pisngi ko sa kahihiyan.

"Am I?" Nanlaki lalo ang mata ko at napatitig kay Kuya Yuno na nakatingin sa akin.

Bahagya akong napaatras, ngunit halos mapaharap ako sa likod ko ng maapakan ko ang paa ni Kuya Yamato, nagtama ang mata namin ngunit umayos kaagad ako.

"Sorry po." Nahihiyang sabi ko, nababalisa.

"She's not yet allowed to date anyone, so that's impossible. Right Jami?" Sa sinabi ni Kuya Yamato ay napatango ako ng maraming beses.

"Opo."

"Tama." Tumaas ang kilay ni Kuya Yuno at mapagalarong ngumisi.

"Right," bulong ni Kuya Yuno.

"Let's go," anyaya ni Kuya Laze. Dahil sa sobrang ilang ko ay kumapit na lang ako sa braso ni Kuya Laze na ikinataka niya ngunit hinayaan niya ako.

Pinagbuksan niya rin ako ng pinto, kaming dalawa ni Ate Miran. "Doon na ako sa car ko," paalam ni Kuya Yuno.

"Sama ka sa akin, Liezel." Napatigil ako sa pagpasok ng sasakyan ni Kuya Laze dahil sa anyaya ni Kuya Yuno.

"Po?"

"Accompany me," wika niya.

Ngunit halos mapalunok ako ng hawakan ni Kuya Yamato ang tuktok ng ulo ko at papasukin ako sa sasakyan ay nagtataka ko siyang tinitigan.

Ngunit matipid siyang ngumiti, "Go ahead." Umayos ako ng upo.

"Ako na sasama sa'yo kuya," patakbong umalis si Kuya Yamato sa sasakyan ni Kuya Yuno. Wala namang nagawa si Kuya Yuno, kundi buksan ang sasakyan niya.

I was saved by him..

Ang awkward kasi!

Pagkarating sa parking lot ay bumaba na ako pero bago pa man ay inilahad ko kay Kuya Laze ang palad ko. "Kuya, hindi pa ako nakaka-withdraw. Gusto ko po sana ng street food outside this place." Turo ko sa nadaanan namin kanina.

Naningkit ang mata niya at binuksan ang wallet niya, nang bigyan niya ako ay napangiti ako. "Thank you oppa," humalik pa ako sa pisngi niya at nagmamadaling maglakad papalayo doon.

Syempre, kumakain rin ako ng ganito. Noon sinusundan ko kasi si Kuya Yamato, nakita ko siyang bumili ng gan'to.

Nang makarating doon ay bumili na ako ng 40 pesos na proben? Or proven? I forgot what it's called na, basta Kuya Yamato ate this before.

Mabuti na lang we don't have classes since we have few days left for reporting, if may reporting kasi ay binibigyan kami ng days to focus on it.

"Ma'am wala kayo barya?" Dahan-dahan akong umiling sa tanong ni ate na nagtitinda.

"Ah hehehe sige po, p-papabarya po muna ako." Napatitig ako sa kaniya ay ngumiti.

"I-I'll just add na lang po, maybe 100 pesos po na ganito?" Turo ko sa kinakain ko.

Baka gusto rin ni Ate Miran at Kuya Yamato, dahil doon ay inilagay nila 'yon sa plastic kaya naman nakuha ko ang sukli ko tsaka ako umalis na habang kumakain.

Pagkapasok sa lobby ay natigilan ako ng makita si Kuya Yamato na nakaupo sa sofa, sa mismong lobby. Nagulat pa nga ako, ngunit tumigil siya kaagad sa pagbabasa ng magazine at tumayo.

"Tara na, ano 'yan?" Kwestyon niya at lumapit.

Pinigilan ko talagang ngumiti! Inilahad ko sa kaniya 'yon dahil baka gusto niya, bahagya pang nanlaki ang mata niya at napapangiting tinanggap 'yon.

He even used my stick, pagkasakay sa elevator ay pinigilan niya ako kumain using a stick, "Iwas disgrasya." Natatawang sabi niya.

"Does he like you too, Jami?" Sa biglang tanong niya ay napalunok ako, hehehehe seryoso ka ba Kuya Yamato tatanungin mo 'ko niyan?

"A-Ano po?" Sinubukan ko magbingi bingian ngunit mahina siyang natawa.

"Ah, I knew it." Tumango tango siya, inayos niya pa ang silver watch niya tapos ay huminga siya ng malalim.

"Kaya ba hindi ka naniniwala? Kasi pakiramdam mo ginagamit ka namin?" Napatitig ako sa kaniya sa kaniyang seryosong tanong.

"Kuya Yamato, opo. H-Hindi ko po talaga kaya na paniwalaan kayo gayung kagagaling niyo sa sakit sa pag-ibig." Pagsasabi ko ng totoo.

Tumango tango siya, "Naiintindihan ko."

Nang bumukas ang elevator ay napanguso ako at naglakad na, pagkarating sa condo ni Kuya Laze ay pumasok na kami.

Ibinaba ko sa sink 'yon at inilipat sa isang glass bowl, tapos ay inilagay ko na rin sa gitna ng sala table ni Kuya Laze.

Naupo naman ako sa single sofa, habang kumakain pa rin. Panay ang nguya ko not until someone sat on the armrest of the single sofa.

Nilingon ko si Kuya Yamato, "Kain pa." Ngumiti siya.

Nag-init ang pisngi ko at napasubo na lang ng food, nag-uusap usap sila habang ako ay tahimik lamang na kumakain at nakikinig.

"Whatever happens, it's not your fault. Miran, kaya stop blaming yourself, we all know how lola is," kwento ni Kuya Yuno.

"Mismo," dagdag ni Kuya Yamato.

"Ay pota!" Halos magulat rin ako ng magulat si Kuya Yuno sa biglang pagtahol si Bullet kaya napangiti ako.

"Jump scare, very good." Kuya Yamato caressed Bullet's head.

Napangiti ako, nang pumasok si Kuya Yamato sa banyo ay umakyat naman si Kuya Laze at Ate Miran, paano naman ako hehe?

Iiwan niyo ako kay Kuya Yuno, dahil doon ay wala akong takas. "You can hide," napatingin ako sa sinabi niya.

"Po?"

"I'm not stopping," biglang sabi niya kaya nanlumo ako.

"Kuya Yuno naman.."

"Kung si Yamato ba pwede?" Napanguso ako sa tinanong niya.

"Parang hindi niyo naman po alam, k-kayo nga po una kong pinagsabihan." Nahihiyang sabi ko.

"Ang awkward po, between us. Para ka nga pong si Kuya Laze tapos bigla mo po akong hihiritan ng ganiyan." Pinagkrus ko ang mga braso.

"Alam niyo rin naman po na gusto kayo ni Ate Sierah, naiinis po ako sa inyo." Maktol ko pa na ikinatitig niya sa akin.

"Sierah also likes Yamato, what's the difference?" Bulong niya pa na sabi.

"Kuya."

"Stop calling me kuya," mas napanguso ako at nasapo ang noo ko.

"Ginagamit niyo naman po ako, para kalimutan si Ate Alyssa." Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko.

"I am clearly not using you for rebound, Jami. Ano ba?" Tumaas ang kilay niya kaya naitikom ko ang bibig.

"Kaya kong sabihin sa kuya mo, just tell me how far can I go to prove you." Kung si Kuya Yamato ang magsasabi niyan ay matutuwa ako ngunit ikaw po ay mas nalulungkot lang ako.

Kasi ayoko masaktan kayo, "Ayoko po na saktan kayo."

"Then let me like you until I'm tired," Bumuntong hininga ako sa sinabi niya.

"Kulit mo po, gusto mo po talaga matulad sa akin?" Inis na sabi ko.

"Kung ikaw gugustuhin okay lang," sa isinumbat niya ay nahiya ako.

Gusto ko umiwas sa kaniya ngunit halos mapalunok ako nang sobra siyang lumapit sa akin, napasandal ako sa sandalan ng sofa.

"Kuya Yuno," banta ko.

Ngunit kumabog ng malakas ang puso ko nang hawakan niya ang ibabang labi oo gamit ang hinlalaki niya.

Nang bumukas ang pinto sa banyo ay halos manlaki ang mata ko ng sulyapan niya pa ang lumaabs doon ngunit hindi siya lumayo.

"Kuya Yuno," banta ko.

"Hmm?" Nang yumuko siya ay halos idukdok ko ang likod ng ulo ko makaiwas lang.

Hanggang sa takpan ko ang bibig sa sobrang lapit niya ngunit bumulong lang siya. "What's your impact on him?" Umatras siya at halos mamula ako ng todo ng pahidin niya ang sariling labi na para bang pinakikita niya kay Kuya Yamato na hinalikan niya ako kahit hindi.

Tsaka siya prenteng bumalik sa kinauupuan niya, hindi ko siya makapaniwalang tinitigan. "H-Hindi po ako natutuwa sa'yo." Galit na sabi ko tsaka ako tumayo.

Humarap ako sa likuran ko ngunit halos manlaki ang mata ko ng makaharap ko si Kuya Yamato ngunit lumunok ako ng makita ang katawan niya ngunit hindi lahat! Dahil may towel na nakasampay sa balikat niya.

Mula sa kinatatayuan ko ay amoy na amoy ko siya, umayos ako ng tayo. Mabilis na umiwas tingin, bakit topless?!

Bakiiit?!

Dahil wala akong matakasan ay napapunta ako sa kwarto ni Kuya Laze. "Oppa!" Malakas na tawag ko para kung sakaling may magugulo ako ay umayos sila ngunit nanonood lamang sila ng movie.

"Bakit?" Tanong niya, ngumuso ako at tumalon sa gilid niya sa kama.

Dumapa ako at nagmaktol, gusto oo magsumbong. "What's wrong?" Kinalabit ako ni Kuya Laze.

Ngunit isinuksok ko ang ulo ko sa likuran niya dahilan para huminga siya ng malalim.

"Inaway ka?" He asked.

"Pinagtripan po," nakangusong sumbong ko.

"Sino? Hampasin natin sa utak." Ate Miran stated kaya ngumiti ako at lumapit sa kaniya.

Sa kaniya ako yumakap, napangiti si Ate Miran. "Pwede niyo po sila batukan dalawa?" Pagbabakasakali ko na mahinang ikinatawa ni Ate Miran.

"Sige, para sa'yo. Basta batukan mo kuya mo para sa akin ha," napalunok ako at tinignan si Kuya Laze.

"Magagalit po," nakanguso kong reklamo.

"Sige ako na lang," natigilan si Kuya Laze bahagya pang nanlalaki ang mata.

"Hoy! Party kayo diyan, damay!" Nang tumalon si Kuya Yuno sa kama ay napadaing pa si Kuya Laze dahil nadaganan siya.

"Ang laki ng kama mo ah, pwede tumbling 69 times." Sa sinabi ni Kuya Yuno ay natawa si Kuya Yamato.

"Kalat mo, kuya." Natawa sila habang ako ay hindi nauunawaan ang sinasabi nila.

"May bata, tumigil nga kayo." Sita ni Kuya Laze kahit na natatawa siya.

"Tumbling 69 times? Edi nahilo ka po?" Napatitig sa akin si Kuya Yamato at napangising umiling.

"Pinanonood niyo? Bold?" Nanlaki ng husto ang mata ko sa sinabi ni Kuya Yuno ngunit dahil doon ay nahampas siya ni Ate Miran sa likod.

"Tumahimik ka nga," sita niya.

"Hehe, hindi naman po ako ganoon kabata." Napairap ako sa kanilang mga lalake at inabot ang cellphone ko na tumutunog.

Nagtaka ako ng makita ang kasama ko sa report na lalake, lima kasi kami sa reporting.

Sinagot ko 'yon, "Oh?" Tugon ko.

"May mawawala ba sa locker mo, Jams?" Panimula niya.

"Wala naman, bakit? May kailangan ka sa locker ko Mr.Rupert?" Natawa siya sa kabilang linya.

"Yung report, kukunin ko sana."

"Kunin mo na, ayusin mo locker ko. Hindi naka-lock 'yan," naririnig ko naman sa background ang kasama niya na teammate ko rin.

"Oh kausapin ka raw," natawa ako at tumayo para pumunta sa hagdan dahil nanonood sila.

"Hi Jams! Miss your presence, papasok ka na bukas?" Ang tinig ng babae kong kaklase ay nagpangiti sa akin.

"Miss mo 'ko? Sige, miss rin kita. Kain na lang tayo bukas, breakfast bago i-pass reporting." Pagsusuhestyon ko.

"Sige be, see you!"

"Okay, see you." Paalam ko.

Pagkatapos ay bumalik na ako pero nanlaki ang mata ko ng pagharap ko ay nakaupo na si Kuya Yamato sa tuktok ng hagdan.

"K-Kuya," gulat na sabi ko.

"Is it normal to miss a friend? That is a man?" Kwestyon niya kaya napalunok ako at huminga ng malalim.

Nagkamali siya ng dinig, "Babae po 'yon, kasama niya po yung teammate ko na babae." Sagot ko.

"Hmm," tumango tango siya at umayos na.

Kinagabihan ay umuwi na si Kuya Yuno ng after dinner, dama ko na rin ang antok pagkatapos kumain. "Una na ako," nang guluhin niya ang buhok ko ay ngumuso ako.

"Ingat po," sagot ko.

"Yes ma'am," he even saluted, which made me pout and look away.

Nagpalipas lang ako isang oras ay nag-brush na ako at pinili matulog, nanonood pa si Kuya Laze ngunit nang umakyat ako ay bumaba na lang sila.

Pagkapikit ko ay awtomatiko ng sumuko ang talukap ng mga mata ko, ngunit kalagitnaan ng madaling araw ay nagising ako dahil sa hagulgol.

Nalingon ko na si Ate Miran 'yon, nag-alala ako dahil baka may sumakit sa kaniya. I called her out, not until I got no choice but to wake my brother and her brother.

And to find out, their grandmother had passed away. Napatitig ako kay Kuya Yamato na natulala habang nasa bandang harapan ni Ate Miran.

I wanted to comfort him.

Ate Miran broke down and I can't do anything but to excuse myself. I fixed myself, and waited for them to go downstairs.

Sunod na pumasok si Kuya Yamato, kaya hinayaan ko muna siya at kumuha ako ng tubig para i-abot sa kaniya pagkatapos niya.

Nang lumabas siya ay sandali pa siyang natulala at huminga ng malalim, lumapit ako sa kaniya at inabot ang baso.

"T-Thank you," mahinang sabi niya.

Umiwas tingin siya, namumula ang mata niya kaya itanggi niya man ay alam ko na umiyak pa rin siya.

"Una na kami sa baba ate," paalam ni Kuya Yamato at napasunod ako sa kaniya kaagad nang makalabas sa condo ni Kuya Laze ay tahimik lang siya.

"Sa sasakyan na tayo maghintay," matipid niyang sabi.

Sa labas kami ng sasakyan naghintay, pasimple ko siyang sinusulyapan.

"I'm okay," napatitig ako sa kaniya ng siguraduhin niya ako.

"Nag-aalala lang ako, dahil masisisi si Ate Miran, sigurado ako." Napaiwas tingin siya ng maluha muli ang mata niya.

Okay raw pero ang totoo ay gusto niyang umiyak, pero hindi niya magawa.

Lumapit ako sa kaniya tapos ay sinilip ko ang mukha niya, bumuntong hininga ako at sinubukang pahidin ang mukha niya. "You don't need to hold back, kuya. I already saw you cry." Napatitig siya sa akin tsaka siya mahinang natawa.

"Langya," bulong niya sa sarili.

I widened my arms that made him sighed, nang yumakap siya ay hinagod ko ang likuran niya. "You'll be fine, kuya," I tapped his back gently.

Nang humiwalay ay ngumuso ako, "Ang lamig," mahinang sabi niya.

"Payakap pa nga—" sinamaan ko siya ng tingin kahit na kinikilig at nag-iinit ang pisngi ko.

Matipid siyang ngumiti at pinagkrus na lang ang braso niya, nang dumating sila Kuya Laze ay sumakay na ako kaagad, pagkarating ss ospital ay nasisi talaga ng lubos si Ate Miran.

At dahil nagkagulo na ay naiwan kami nila Kuya Yamato rito dahil inilabas muna si Ate Miran, "Sisihin mo ate ko? Sino ka ba? Kingina, maka-paminsala ka sa pamilya ko makasisi ka akala mo ikaw nawalan!" Galit na galit si Kuya Yamato kaya naman pinanood ko ang mommy niya umawat.

"Anak, tama na ha."

"Ma, sila patigilin niyo." Singhal ni Kuya Yamato.

"Totoo naman na ate mo ang may kasalanan! Hindi mo ba matanggap 'yon—"

"Wala ka pa ring karapatan saktan ang ate ko!" Bumuntong hininga ako dahil naawa ako sa kaniya, kahit pa pawis na pawis siya ay ayaw niya talagang naaragabyado ang ate niya.

"Anak tama na," nahihirapan na ang mommy niya na sitahin siya kaya huminga ako ng malalim.

"Kuya Yamato, tama na po." Tinulungan ko na ang mommy niya, hinawakan ko sa braso si Kuya Yamato ngunit halata ko na galit pa rin siya ng tignan niya ako.

"Ikaw bakit ka nandito?" Napatingin ako sa kapatid ni Kuya Terry.

"Because I'm not there," singhal ko.

"Pwede ba, if you're not part of the family. Will you shut your mouth? You're such a freak." Pang-aaway ko na rin para tumigil na si Kuya Yamato.

"Wow, famil—"

"Yes, family ako. Eh ikaw? Hindi ka naman totoong Bautista 'di ba? No offense but please be offended." I stated and pulled Kuya Yamato in front of them.

Nang makalabas ay hinarap ko si Kuya Yamato ng sunduin ng mommy niya ang daddy nila sa loob. "Don't mind her, Kuya Yamato. Alam mo naman siguro na toxic ang family nila." Gitil ko.

"Hmm," tila nahiya siya sa inakto niya kanina.

"I'm sorry." Umiling iling ako ng mahina siyang mag-sorry.

"It's okay po, it's fine to be mad and to express it. Okay?" Huminga siya ng malalim at tumango.

"Thank you."

Sobra akong naawa sa kaniya ngayon, sa kanila ni Ate Miran, ngunit hindi naman ako aalis sa tabi nila ngayon dahil mas kailangan nila kami.

Isasantabi ko na muna ang mga katanungan sa isip ko, kailangan ko isantabi. Dahil baka dumagdag pa ako sa isipin niya imbis na hindi na.

Mamaya ka na Jami ha? Siya muna..


///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top