Chapter 1: Her Start
Chapter 1: Her Start.
Liezel Jami's Point Of View.
My 18th birthday is coming, but I was in school staring at my childhood crush. I sighed, I was always watching him, and he never gave me a little bit of attention as a woman.
He always knew me as a kid, and I'd never been a woman to him.
Nangunot ang noo ko nang may isang mestizang babae ang lumapit sa kaniya, napatitig ako noong yumakap ang babaeng 'yon sa kaniya.
Girlfriend niya.
Nawala sa isip ko na may girlfriend nga pala siya.
Hindi naman ako umaasa na ako yung maging babae na 'yon lalo na't sa taon ko na 'to? Dalawang taon mahigit ang agwat naming dalawa.
Binata na siya ay bata pa rin ako, nasa iisang school lang naman kami at nagkikita kami sa tuwing may party na magkakasama ang bawat pamilya namin.
"Hindi ko ba alam, sa dami ng papanoorin mo magka-relasyon pa?" Gulat kong nalingon ang nagsalita, mahina akong natawa nang makita si Ate Sierah.
"A-Ah gusto ko kasi magsulat ng romance book ate," pagrarason ko.
Nang makita si Ate Sierah ay alam ko na parehas lamang sila ng taon, yung lalakeng pinanonood ko kanina pa. "Si Kuya Laze ba—" pinakinggan ko siyang magkwento habang tinatanaw ko na magkaakbay na umalis yung dalawa.
Ewan ko rin ba sa sarili ko, una sa lahat hindi naman siya ganoon— hindi na ako magsisinungaling. Sa simpleng porma niya kasi ay malakas lakas ang dating niya dahil half Japanese siya.
Singkit ang mata at matangos ang ilong, hindi man ganoon kapula ang labi ay masasabi kong kulay pink pa rin 'yon kahit na yata walang moisturizer.
Matapos ang matagal na pagmamasid ay pumasok na ako sa classroom, "Jami! May notes ka ba sa lesson kahapon? Pwede pahiram?" Nalingon ko ang babaeng kaklase tsaka ko kinuha ang notebook ko at ibinigay sa kaniya.
"Iwan mo na lang sa desk ko pag wala ako," matamis siyang ngumiti at nagpaalam na.
Naupo ako sa silya at tumitig sa malaking white board sa harapan ng malaking classroom namin, "Balita ko yung mga seniors natin makakasabay natin ngayon," nalingon ko ang chismisan ng mga kaklase.
Senior?
Dahil engineering course ang kinuha ko, ayoko kasi mag-doctor o abogado, pero kahit na ganoon kumukuha pa rin ako ng business classes in future purposes.
Habang gumuguhit ay natigilan ako nang pumasok ang professor namin ngunit mas natigilan ako nang kasabay niya ang childhood crush ko at ang iba pang seniors namin.
Since first year college kami ay 3rd year college na sila. "Good morning class! Today is the day, please lang matuto kayo sa mga senior schoolmates niyo." Sa bilin ni sir ay napaayos ako ng upo lalo na noong ngumiti ang mga seniors namin at isa na siya doon.
"In every group, may isang senior representatives kayong makakasama for first year college reporting." Nakinig lang ako sa discussion at nang sabihin ang groups ay nasapo ko ng pasimple ang noo nang malaman na kasama ko siya sa grupo.
Nang lumapit siya sa amin ay natigilan siya nang nakita ako, ngunit napalunok ako sa matipid niyang pag-ngiti habang nakatingin sa akin.
B-Bakit?
"I'll introduce myself first," panimula niya. Ibinaba niya ang bag niya sa uupuan niya sa bandang gitna ng table namin, "Yamato Lapiz, 3rd year college." Ngumiti ang lahat lalo na ang mga babae sa grupo.
"Japanese ka po 'no?" Nakangiting sabi nila.
"Medyo?" Natatawang sagot niya pa kaya lumunok ako at bahagyang umiwas tingin.
"Kindly introduce yourselves, para hindi tayo nagkakapaan." He suggested and fixed his watch on the left side of his wrist.
Nagpakilala sila at nang ako na ay huminga ako ng malalim, "Jami Garcia," tumingin siya sa akin at tumango.
"Top 1 last semester," dagdag ng kaklase ko kaya nahihiya akong umayos ng upo.
"That's great, nang first year ako wala pa ako sa top 10." Natawa ang lahat sa kwento niya, "Nasa top 10 ka naman ngayon kuya, kaya magandang improvements 'di ba po?" Ngumiti lang siya at kalaunan ay sinimulan na namin ang reporting.
Medyo naging ilang ako sa presensya niya, hindi ako sanay na malapitan ko siyang napapanood ngayon.
Nang tumunog ang cellphone niya ay sinulyapan niya lang 'yon at hindi muna pinansin, inabala niya ang sarili sa pag-susulat ng data at measurements.
Nang tumunog ang cellphone niya for a call ay napalunok ako nang patayin niya 'yon at itago sa bag niya mismo.
For sure girlfriend niya 'yon, bakit kaya hindi niya sagutin?
Pagkatapos kong isulat ang parte ko ay pasimple kong inilagay 'yon sa bandang harap niya, natigilan siya. "Tapos ka na?" Tila hindi pa makapaniwala.
"O-Opo." Nahihiyang sagot ko.
"Woah, you're fast." Nabibilib niyang sabi at itinabi 'yon sa tabi niya.
"Mabilis talaga 'yan kuya, kung gaano kabilis ang google ganoon rin ang utak niya." Pagpuri ng kaklase ko kaya nahihiya akong yumuko at tinitigan ang yellow pad na nasa harapan ko.
"That's great and amusing," sagot niya lang.
"'Di ba mag-classmate yung kapatid niyo noon ni Jami kuya?" Natigilan siya at tumango.
"Parehas silang magkasama palagi sa top," ngumiti ang iba sa sagot niya.
"Edi magkakilala rin po kayo personally?" Turo nila sa akin.
"Uhm yes, we met a lot of times." Pagsasabi niya ng totoo, ako parati ko siyang nakikita hindi niya lang ako napapansin.
Paano ba naman kasi tutok na tutok siya sa girlfriend niya— eh girlfriend 'yon Liezel Jami, ikaw childhood friend lang.
Pagkatapos ng unang araw ay kinuha niya ang lahat ng 'yon, para raw maayos niya. Kinuha niya rin ang number naming lahat, at isasali niya raw kami sa group chat.
Nauna na akong umalis at kasunod sila, dinadaldal pa nila si Kuya Yamato. Tahimik lang akong naglakad hanggang sa tumahimik na ang likuran ko at isa-isa sila na nagpaalam.
Tumayo ako sa labas ng main entrance ngunit natigilan ako ng pumantay si Kuya Yamato habang nagtitipa sa cellphone niya. "Uuwi ka na?" Panimula niya kaya naman nalingon ko siya.
"Opo." Maayos na sagot ko.
"Ah, may sundo ka?" Sinulyapan niya ako at itinago ang cellphone niya. "Wala po, hinihintay ko lang po yung pinsan ko." Maayos kong sagot.
Natigilan siya at napatango, "Alright, una na ako. Don't be late tomorrow," he tapped his watch and smiled a little.
Medyo late pa ako nag-react dahil sa pag-ngiti niya, "I-Ingat po kuya," tumango siya at naglakad na papaalis.
Pinanood ko siyang maglakad hanggang sa salubungin siya muli ng girlfriend niya, nasulyapan pa ako ng girlfriend niya bago humawak sa braso nito.
"Huy bata—"
Nanlaki ang mata ko sa biglang pagsulpot ng isang matangkad na lalake ngunit kamuntikan pa siyang mapatid. Nang makilala siya ay napalunok ako, "Kuya Yuno." Sambit ko.
"Hello." Sa pag ngiti niya ay lumabas ang dimple niya at para pa siyang bata na kumaway sa akin bahagyang nawawala ang mata.
"Uuwi ka na? Hatid kita." Umiling ako, "Hinihintay ko po yung pinsan ko," pagsasabi ko ng totoo.
"Ah yung babaeng masungit?" Tumango ako.
"Sumangayon ka, tsk.." napailing pa siya kaya nangunot ang noo ko, tumayo siya sa tabi ko kaya naman nasulyapan ko pa kung sino ang tinitignan niya.
"Punta ka po sa birthday ko 'di ba?" Kwestyon ko.
"Ah oo, nakuha ko na pala yung invitation. Naks 18 years old, pwede nang pakasalan ah?" Nanlaki ang mata ko at napailing iling.
"Wala po akong boyfriend," wika ko.
Lumabi siya at tumango tango, "Sige na. May pakay ako rito, pasok muna ako. Ingat sa daan," paalam niya at napayuko pa ako ng bahagya ng guluhin niya ang buhok ko.
Nang makaalis siya ay saktong dumating ang pinsan ko kaya sabay kaming umuwi.
Kalaunan ay kinailangan kong magmadali sa pagpasok dahil kakasabi niya pa lang na bawal akong ma-late ay male-late na ako agad.
Pagkapasok ko ng library ay nakaupo na sila kaya naman nahihiya akong naupo sa natirang seat.
"Good morning," bati ko.
"Good morning." Bati nila pabalik.
Tahimik lang siyang derederetso sa pagsusulat, suot niya ang PE ngayon dahil may PE yata mamayang hapon.
About self defense, hindi ko naman na kailangan no'n pero sigurado ako kailangan 'yon ng marami.
Pagkatapos ng third part ng report ay tumayo na kami dahil magkakasama ang engineering at architecture sa malaking gym.
Since sa amin sila nakasama, sa section namin ay bumilog na lang kami.
Nasulyapan ko siya ngunit abala siya sa cellphone niya, girlfriend niya siguro yung ka-text niya?
Napaiwas tingin kaagad ako ng magtaas siya ng tingin, napasulyap ako noong makita ko si Kuya Yuno sa gitna kasama yung prof.
Anong ginagawa niya rito?
Minsan ko na rin silang nakita na magkasama ni kuya, akala ko nga ay magkaaway sila pero nakakalito sila madalas.
Nang makita ako ni Kuya Yuno ay nilapitan niya kaagad ako ng matapos i-discuss ang gagawin, special guest pala siya kasi siya raw yung nag-turo sa ibang students noon na classmates niya.
"Sup," napayuko ako ulet ng ipatong niya ang palad sa tuktok ng ulo ko.
"Uy Yamato." Bati niya rin, tumango lang si Kuya Yamato. Sa pag-upo ni Kuya Yuno sa tabi ko ay impit na tilian ang ginawa ng mga ibang kaklase ko.
Lalo na ng nakatabi ni Kuya Yuno sa kabilang tabi niya, "Hindi ka na kailangan turuan?" Pabulong niyang bulong, napalunok ako sa kaniyang sinabi.
Tila alam niya ang kakayahan ko?
"Huh?" Maangan ko.
"You're just like your brother right? Skilled?" Pabulong niya muling dagdag kaya medyo naiiwas ko ang tenga dahil sa pagbulong niya.
"O-Opo, siguro." Sagot ko na lang.
"Alright," ngumiti siya at binuksan ang cellphone niya.
Nang magsimula ay isa-isa na pinatayo ang tuturuan, "Ay black belter ka pala 'no Yamato. Muntik ko na makalimutan, ikaw na magturo dito." Inakbayan ni Kuya Yuno si Yamato, sandali pa silang nag-usap.
Nang umalis si Kuya Yuno ay prente kong hinintay na magturo siya for self defense, "Who's a little bit familiar of self defense? Will you join me as my partner?" Tanong niya habang nakatayo sa gitna sa kung saan may foam ba 'yon.
Walang nakasagot kaya huminga ako ng malalim at tumayo, "My brother taught me," napatango siya at matipid na ngumiti.
"Show me an example, please bear with me as I'm here as your trainor." He explained his intentions, he respectfully placed his arms around my shoulders, trapping me.
My heart pounds as I started to sweat, sana hindi niya maramdaman ang kaba ko. "Show them what will you do if someone trapped you like this, I'll do it real, okay?" Paalam niya.
"Okay kuya," mahinang sagot ko, pinanonood nila kami at nang simulan ko na ay tila nagulat siya sa pagiging mabilis ko dahil napagpalit ko kaagad ang pwesto namin sa pagkubong ko ng leeg niya sa braso ko.
He tapped my arms, "Calm down." Nanlaki ang mata ko at agaran siyang nabitiwan.
"S-Sorry, a-akala ko po kasi kuya totoo yung gagawin kong defense." Nahihiyang sagot ko, umayos siya ng tayo at natawa.
"That's a great defense—"
"Yieeeee!"
"Bagaaaay!" Nanlaki ang mata ko sa kantyaw nila, nag-init ng husto ang pisngi ko at umilinh iling.
"I-It's just a lesson." Paglilinaw ko.
"Stop it guys, don't make her feel uncomfortable." Paalala ni Kuya Yamato at ngumiti.
"Let's do it in slow motion," paalala niya.
"Step by step, then next susunod kayo rito sa harapan ko." Paalala niya, naiilang kong ginawa 'yon ngunit maingat naman ang kamay niya sa paghawak hawak at marespeto ang distansya.
Matapos no'n ay may pumalakpak noong sa mabilis na parte na, nalingon ko si Kuya Yuno na maganda ang pagkakangiti, nakalabas ang dimples at mangha na mangha.
"Your brother is a great teacher, indeed. Try me," he signals his hand so I could come closer.
Nang ilagay niya ang mahigpit na pagkakakulong sa akin ay halos matigilan ako noong hindi gumana ang malakas na pwersa ko.
Did I underestimate him?
"K-Kuya be gentle—"
"Rapists are not gentle, Yamato. You should be realistic." Paalala ni Kuya Yuno at mas hinigpitan kaya naman buong pwersa ko ang ginamit ko at hinablot siya sa kaniyang balikat kasabay ng pag-patid ko dahilan sa pagkawala ko ay lumaban siya.
Ngunit halos manlaki ang mata ko ng sabay kaming tumumbang dalawa, nahihiya akong napatayo kaagad sa pagbagsak ko sa ibabaw ng dibdib niya.
Napatitig siya sa akin at mahinang natawa, napailing habang nakangisi. Kusa siyang tumayo, "My mistake." He put his hand in the air and smiled, which made me swallow hard.
Bakit ngiting ngiti siya?
"Kuya Yuno naman," reklamo ko.
"Sorry na, ang gaan mo malay ko ba?" Umirap ako at bumalik na sa dating pwesto ko.
"Tayo na nga lang dalawa," inakbayan niya si Kuya Yamato na kasing tangkad niya tsaka nila itinuro ang kahinaan ng lalake.
Kung saan hindi kakailanganin ng lakas o pwersa dahil hindi naman lahat ng tao ay pare-parehas.
Pagkatapos ng PE class na 'yon ay natigilan ako noong abutan ako ni Kuya Yamato ng tubig, "You're good at protecting yourself," panimula niya at naupo sa tabi ko.
"Because no one else will do it for me in emergency situation po," pagsasabi ko ng totoo.
"You're right."
Ininom ko ang tubig tsaka ako napasulyap, natigilan ako noong makita ko ang girlfriend niya na nakatayo sa entrance ng gymnasium.
Napaiwas tingin ako kaagad at nagmaangan, tila kunyare ay walang alam. "Kuya, una na po ako." Paalam ko at tumayo.
"Okay, ingat."
Kinuha ko ang gamit ko at tsaka naglakad papunta sa shower room, nakakahiya naman pinawisan rin kami kahit papaano.
Hindi kaya iba ang isipin ng girlfriend niya? Pero wala namang ginagawang masama si Kuya Yamato sa totoo lang.
He really knows how to distance himself from girls, he has boundaries.
Makalipas ang ilang araw ay naglalakad ako papunta sa parking lot dahil doon ako susunduin, ngunit natigilan ako noong makita si Kuya Yamato at ang girlfriend niya.
Napatayo ako ng deretso, napaiwas tingin kaagad ako nang makita kong halikan siya ng girlfriend niya sa bibig, napatalikod ako sa gawi nila pero nanlaki ang mata ko ng papunta na si Kuya Yuno sa gawi ko.
"Saan punta mo?" Tanong niya nakapamulsa sa itim na pantalon niyang suot.
Napasulyap pa siya sa likuran ko, "May boyfriend ka 'no?" Nanlaki ang mata ko at umiling iling.
"Wala po!"
"P-Papagalitan ako ni kuya," mahinang sabi ko.
"Bawal pa, bata ka pa kasi. Okay?" Ngumuso ako, "Wala nga po."
"Edi mabuti? Saan ba punta mo?" Kwestyon niya itinaas ang buhok.
"Hinihintay ko po yung sundo ko, dapat nga po kanina pa siyang nandito pero wala pa rin." Mahinang pagmamaktol ko, kailangan ko pa man din bumanyo.
"Hmm hatid na kita?" Napatitig ako sa kaniya, is he trust worthy? Pero pinagkakatiwalaan nga siya ni Ate Miran eh.
"Ayoko po makaabala eh," nahihiyang sabi ko.
"Tara na," inakbayan niya ako dahilan para mapalunok ako at sumunod na lang.
Nang makarating sa sasakyan niya ay inalis niya ang jacket niya at inilagay sa likuran ng sasakyan niya, malamig naman sa car niya. "Bakit po pala madalas ka rito sa school namin?" Tanong ko.
"I got a project here," mahinang sabi niya.
"Kuya mo nga ibang bansa ang nais," ngising sabi niya kaya napaiwas tingin ako.
Nang maihatid niya ako ay ngumiti ako at kumaway, "Thank you Kuya Yuno! Ingat ka po," napatitig siya sa akin tsaka mahinang natawa at kinawayan ako.
"Pumasok ka na," turo niya sa malaking gate namin kaya muli akong ngumiti at tinalikuran siya.
Dumeretso agad ako sa kwarto ko, at pagkapasok ko ay tsaka ko naalala ang natuklasan.
Ano bang ineexpect ko gayung nasa loob sila ng relasyon? Natural ay gagawin nila 'yon.
Isang linggo ang nakalipas ay hindi ko gaano nakikita si Kuya Yamato, dahil tapos na rin naman yung report ay wala ng dahilan para pumunta siya sa classroom namin.
Napakamot ako sa noo ko at naglakad papunta sa book store sana, pero pagkapasok ko ay natigilan ako noong makita ang girlfriend ni Kuya Yamato.
Pero..
Sino naman yung lalakeng kasama niya na nakaakbay sa kaniya?
Pumasok na lang ako at dineadma sila, baka kaibigan. Humanap ako ng libro na bagong release lang for my engineering course.
Habang nasa sulok ay sinuri ko ang libro kung maayos, nang makita kong lukot ay napangiwi ako at mabilis na humanap ng kapalit.
Ngunit napasulyap ako sa gilid sa wala gaanong tao, nanlaki ang mata ko nang makita ko na maglapat ang labi ng girlfriend ni Kuya Yamato at yung kasama no'n na lalakeng nakaakbay sa kaniya.
Is she cheating?
Kinuha ko na ang libro at tsaka ako dumeretso sa counter, hindi makapaniwala sa nakita. Ginawa akong balisa no'n hanggang sa paglabas ko sa bookstore.
Sigurado ako na girlfriend 'yon ni Kuya Yamato, hindi naman sila lasing?
Papaano ko sasabihin 'yon kay Kuya Yamato? It doesn't seem like a force, kasi ipinulipot pa nga ang braso sa leeg ng lalake na 'yon.
Tila ako ang nasaktan para sa kaniya, ano kayang mararamdaman niya pag nalaman niya?
Napabuntong hininga ako, kinaumagahan ay maaga akong pumasok. Hindi pinatulog ng konsensya ko, hindi ko alam kung paano sasabihin gayung hindi naman alam ni Kuya Yamato na alam kong may girlfriend siya.
Pero kailangan kong sabihin sa kaniya, right? Nakagat ko ang ibabang labi at tsaka ako bumuntong hininga.
Sige, sasabihin ko mamaya.
Tinapos ko ang dalawang klase ko at lunch na ay inalam ko ang classroom niya sa professor ko para hindi gaanong halata na alam ko kung saan.
Habang papunta ay nakasalubong ko siya, natigilan siya nang makita ako. "May pakay ka rito?" Tanong niya noong makalapit.
"Kuya Yamato, pwede ka po bang makausap?" Nangunot ang noo niya, nasulyapan ang relos niya at tsaka huminga ng malalim.
"Okay lang ba kung mag-usap tayo habang naglalakad?" Tumango ako bilang sagot, sinabayan ko siya.
"Ano ba 'yon? May kailangan ka ba?" Nang makababa kami sa second floor ay kinakabahan ako sa tanong niya.
"May kailangan po kasi akong sabihin kuya," nababalisa kong tanong.
Hindi ko alam kung kaya kong sabihin gayung may kaklase siyang nakasunod lang sa likod, papaano kung marinig?
"Pag dumaan na po sila," turo ko sa classmate niya.
"Ah," mahina siyang natawa at tumango.
Inayos niya pa ang buhok at ang suot na damit kung nalukot ba ito, "Gaano ba ka-importante 'yan at namamawis ka?" Natatawang tanong niya pa.
"Sobrang importante po." Seryoso niya akong tinignan, nawala ang tawa.
"Woah, aamin ka ba na crush mo ako?" Nanlaki ang mata ko sa sagot niya.
"H-Hindi po!"
Mabuti nga po sana kung pwede akong umamin na gusto ko kayo, kaya lang hindi naman. Ano ako tanga para umasa sa taken? Duh.
"Biro lang, bata ka pa lang hindi na tayo nagkasundo. Nahiya ka lang noong nagdalaga ka na." Naitikom ko ang bibig, may punto pero gusto ko naman na siya noon pa lang.
Crush! I mean crush..
"Ano ba 'yon? Wala ng tao," tumigil siya at bahagyang hinarap ako.
"Galing po kasi ako sa bookstore kahapon—"
"Love!" Natigilan ako nang makita ang girlfriend niyang yumakap, napaiwas tingin ako noong may kung anong kumirot sa dibdib ko.
Nagulat rin si Kuya Yamato, "Ah, Girlfriend ko pala." Napatingin ako kay Kuya Yamato, hindi ko alam kung papaano tutugon.
"H-Hello po." Mahinang sabi ko.
Natigilan yung babae at tsaka siya umayos ng tayo, ngumiti siya sa akin. "Hello, classmate mo?" Kumaway siya sa akin kaya naiilang akong umiwas tingin.
"Classmates kayo?"
"She's my junior, first year college engineering." Pagsasabi ni Kuya Yamato.
"Also a sister of my friend, si Laze Garcia." Napatango yung girlfriend ni Kuya Yamato.
"Ah ako nga pala si Athena Barbara, future flight attendant. 'Di ba love?" Malambing niyang sabi, ngunit naalala ko ang ginawa niya ay wala ng mas nakakadismaya sa kaniya.
"Sure love, of course." Ang sweet ni Kuya Yamato.
Hindi naman masakit, 'di ba Jami?
"Ano ulit name mo?" Tanong ng girlfriend niya.
"Jami Garcia po." Sagot ko.
"Ah anong ginagawa mo rito? Sa first floor ka 'di ba?" Tumango ako sa sagot niya.
"Oo nga pala, ano yung sasabihin mo Jami?" Natigilan ako noong tanungin ni Kuya Yamato sa akin 'yon.
"Galing ka sa bookstore, tapos?" Nasulyapan ko ang girlfriend niya na natigilan, lumunok naman ako.
Paano ko sasabihin?
"B-Book recommendations po sana for first year engineering," pagsisinungaling ko.
"Ah, just borrow mine." Umiling ako at ngumiti.
"Hindi na kuya," matipid siyang ngumiti at tumango.
"Just buy this.." He talked about the book, tumahimik yung girlfriend niya, nakita ko kaya yung panloloko niya.
"Thank you kuya, ah parang nakita po kita sa bookstore Ate Athena." Nakangiting sabi ko bigla, natigilan siya at napilitang ngumiti.
"Oo, oo galing nga ako sa bookstore, 'di ba love? Kasama ko yung pinsan ko." Dismayado akong ngumiti sa pagsisinungaling niya.
"Oo nga, paalam mo sa akin kahapon." Sagot ni Kuya Yamato.
"Sige po, una na ako." Paalam ko.
Nagtama ang mata namin ng girlfriend ni Kuya Yamato ay ngumiti ako, "Ang gwapo po pala ng pinsan mo. Hindi ko nga po maalis yung tingin ko sa kaniya kahapon, pwede mo po ba ako ipakilala?" Nagulat si Kuya Yamato sa sinabi ko sa girlfriend niya.
Alanganing natawa ang girlfriend niya, "May girlfriend 'yon eh." Nababalisa pa siya, namamawis na rin kaya ngumiti ako.
"Sayang naman po," sagot ko.
"Thank you, babye po." Paalam ko at tinalikuran na sila.
May pinsan bang naghahalikan labi sa labi? Ang ganda niya, ang inosenteng tignan, manloloko naman.
///
@/n: Any thoughts? 🙈
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top