Kabanata 1

The Characters and events depicted in this spectacle are fictitious. Any simularity to actual persons, living or dead, is purely coincidental.

Copyright © 2023 All rights reserved.

No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical method, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in reviews and certain other non-commercial uses permitted by copyright law.

***

“Today is the day we first met. Let me tell you, that you are the person I would never get tired of meeting over and over again.”

“Papa, bakit hindi po natin kasama si Mama?” tanong ng batang babae.

Nasa palaruan ang mag-ama. Nililibang niya ang kaniyang anak habang inaayos ang surprise birthday party na inihanda para sa kaniya. Ika-pitong kaarawan niya ngayong araw.

“May inaasikaso si Mama sa bahay. Mamaya uuwi na rin tayo,” alibi niyang sagot sa anak. Napahawak sa bandang tiyan ang kaniyang Ama na parang may iniindang sakit.

“Papa, may masakit ba sa'yo?” nag-aalalang tanong ng anak sa Ama.

“Medyo masama ang tiyan ni Papa. Punta lang ako sa banyo huwag kang aalis dito,” bilin niya sa anak.

Mabilis na tumango ang batang babae. Hawak sa kaliwang kamay niya ang saranggola matiyagang naghintay ang bata sa Ama. Hindi niya inakala na may nakaabang na panganib sa kaniya.

Sapilitan siyang kinuha ng mga lalaking nakamaskara. Nagpupumiglas siya habang pinapasok sa loob ng itim na van. Dahil sa walang tigil niyang pag-iyak pinagsasampal siya ng babaeng nakatakip ang kalahating mukha. May pinaamoy sa kaniya hanggang unti-unting pumikit ang talukap ng kaniyang mga mata.

Naalimpungatan siya nang makarinig ng nagtatawanan. Dahan-dahan niyang minulat ang kaniyang mga mata. Liwanag na galing sa bombilya ang kaniyang naaninag. Bumangon siya at pinagmasdan ang paligid. Sa mabaho, mainit at maruming bodega siya kinulong. Maraming sirang gamit ang nakatambak, samahan pa ng samo't saring nakakatakot na insekto. Napasigaw siya ng may dumaan na daga sa paa niya. Nanginig ang buong katawan niya sa takot. Dahil do'n napaiyak siya ng malakas.

“Papa, Mama,” umiiyak niyang tawag.

“Crybaby, stop crying,” pag-aalo sa kaniya ng batang lalaki. Hindi siya tumingin. Hinawakan siya ng bata sa kaniyang balikat. “I'll protect you,” dagdag pa niya.

“I'm scared. I want my Papa and my Mama,” umiiyak pa rin niyang untag.

“Don't be afraid. I'll stay by your side and protect you. We'll be alright,” patuloy na saad ng batang lalaki.

Humarap siya na puno ng luha. “Big Bro, will we really be all right?” paninigurado niyang tanong.

“Yes,” mabilis niyang sagot.

Niyakap siya nito habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Nang lumalim ang gabi at tulog na ang lahat pagkakataon nila upang tumakas. Magkahawak ang kanilang mga kamay habang tumatakbo papalayo.

“Big Bro, where are we?” tanong niya habang palinga-linga sa paligid. “Why can't we get out of this place?”

Napatingin din ang batang lalaki sa paligid. Nang makakita siya ng malaking bato na puwede nilang maupuan hinatak niya ito papunta ro'n.

“You haven't been home for so long. I'm sure your parents will get the police to save us,” positibo niyang sagot.

Muli siyang napaiyak. “But I'm so scared.”

“Crybaby, let's forget about this incident and we'll be afraid no more,” pampalakas loob niyang sabi.

“You mean it?” sinisigurado niyang tanong.

“I wouldn't lie to you,” sigurado niyang sagot.

“Let's both keep this a secret,” seryosong sabi ng batang babe.

“Pinky promise.” Pareho nilang pinag-cross ang kanilang daliri. Pagkatapos no'n may binigay sa kaniya ang batang lalaki. Isa iyong exquisite small blue diamond necklace. “This is for you.” Nilahad niya at agad na tinanggap. Napangiti ang batang babae habang sinusuri.

Nakangiting tumingin siya sa batang lalaki. “Big Bro, will we see each other again?”

“Absolutely. I'll look for you when I grow up,” sagot niya.

“KRRRRRING!” Tunog ng alarm clock.

Napabalikwas ako ng bangon. Pinatay ko ito at napatingin sa orasan. Alas-sais na ng umaga. Napayakap ako sa dalawa kong tuhod. Napaginipan ko ang pangyayaring 'yon sa buhay ko. Pumatak ang luha sa pisngi ko. Nang mahimasmasan na ako pinunasan ko ang aking pisngi gamit ang kamay. Binuksan ko ang drawer malapit sa aking kama. Kinuha ko ang maliit na kahon kung saan labintatlong taon ko ng tinatago. Nilabas ko ang kwintas na binigay niya sa akin. Malungkot ko itong pinatitigan, muli akong napaluha ng bumalik sa alaala ko ang maikling oras na magkasama kami.

“Magkikita pa kaya tayo.....big bro?” lumuluha kong tanong.

***

“Good morning,” bati ko.

“Good morning princess.”

“Tsk!” 

Nakangiting bati sa akin ni Papa at Mama pero si Lucy na nakababatang kapatid ko ay inirapan ako. Sinenyasan ako ni Papa na umupo. Hindi ko pinansin ang pagsusungit sa akin ni Lucy. Kahit kailan hindi kami magkasundo na dalawa. May binubulong ito sa sarili na hindi ko maintindihan.

“Alam niyo ba na sumali sa beauty contest ang pinakamamahal ninyong anak?” taas-kilay na tanong ni Lucy.

Napahinto ako sa pagsubo pati na sina Papa't Mama. “Totoo ba ’yon anak?” tanong ni Mama.

“Opo,” mahina kong sagot.

“Tsk! Suwail ang tinuturing ninyong mabait,” pagsingit ni Lucy.

Tiningnan ko siya ngunit muli niya akong inirapan. Napapailing sina Papa't Mama dahil sa walang asal na pinakita ni Lucy.

“Sorry po kung ginawa ko po ’yon na wala kayong pahintulot.” Mahigpit akong napahawak sa laylayan ng damit ko.

“Hindi mo na kailangan humingi ng sorry sa amin. Wala naman masama ang pagsali sa mga school event niyo basta lang huwag mo pabayaan ang pag-aaral,” buwelta ni Papa.

Hinawakan ni Mama ang kamay ni Papa na nakapatong sa mesa at saka sila nagkangitian. Binalingan nila akong dalawa at ginawaran ng ngiti. 

Napaigtad ako ng binagsak ni Lucy ang hawak nitong tinidor. Padabog itong tumayo kaya bumagsak ang inuupuan nito. “Usual siya na naman ang kinampihan.” Mariin ang bawat pagbikas niya ng salita. Walang pasabi ito at basta na lang umalis.

Nakatanaw ako sa pigura ni Lucy habang naglalakad palayo. Tipid kong nginitian sina Papa't Mama. Ako ang nahihiya sa ginawa ni Lucy sa magulang namin.

“Pa, Ma papasok na po ako,” paalam ko.

Malungkot silang tumango. Mabigat ang pakiramdam ko nang lumabas ng bahay. Masama na nga ang gising ko sinira pa ni Lucy ang araw ko.

***

“Anong nangyari sa'yo?” bungad na tanong ni Erika pagdating ko sa dorm.

“Wala,” tipid kong sagot sabay upo.

Kung maaari ayoko i-open sa kanila ang problema ko sa pamilya. Kinaiinggitan ko ang aking mga kaibigan dahil kahit simple ang kanilang pamumuhay masaya sila. Hindi kagaya ko marangya nga pero hindi ko maramdaman ang salitang 'masaya'.

“Ara, alam mo bang laman ka na naman ng balita sa school forum? Iba talaga kapag school beauty,” ani Nikka.

“Hayaan niyo sila,” walang gana kong sagot.

Bago pa ako manalo bilang Miss Goddess of University lahat ng mata ay nakatuon na sa akin dahil 'yon sa apelyidong dinadala ko. Kung hindi lang nangangailangan ng pera si Erika para sa operasyon ng Tatay niya hindi ako sasali. Ayoko na humingi ng tulong mula sa magulang ko baka mas lalo akong kainisan ni Lucy. Wala na akong ibang maisip na paraan kaya napasubok ako. Ang premyong nakuha ko mula sa pagkapanalo ay malaki ang naitulong upang maisalba ang buhay ng kaniyang Ama. Sa awa ng Diyos balik sigla na ang kaniyang pangangatawan.

“Anong hayaan lang? Basahin mo nga kung ano ang pinagsusulat tungkol sa'yo ng kapatid mo,” mataray na saad ni Megan.

Binasa ko ngunit hindi ko 'yon sinapuso. Halos kasinungalingan lang naman ang nakasulat. Lumaki kami ni Lucy na puro paninira ang ginagawa nito sa akin. Ang mahalaga kilala ko ang aking sarili.

“The school beauty was spotted riding in an expensive sports car owned by an old billionaire!” Malakas na pagbasa ni Erika.

Hinayaan ko na lang ang pagbubunganga ni Erika. Wala rin naman saysay kung pipigilan ko. Sa mga oras na ito alam na ng lahat. Siguradong abot-tainga ang ngiti ni Lucy ngayon. Malamang naibalita na rin ni Mr. De Guzman ang director ng unibersidad sa magulang namin. Hindi ako magtatago o mahihiya dahil alam ko ang katotohanan.

“Pinapalabas niya na gold digger ka,” giit ni Nikka.

“Huwag niyo na lang patulan,” suhestiyon ko.

Binuklat ko ang event planning book at sinimulan na basahin. Palagi akong naga-advance reading sa susunod namin na lesson. Kailangan ko mag-extra lesson lalo na nangako ako sa magulang ko.

“Tama si Ara. Mag-window shopping na lang tayo. Tara Ara sumama ka sa amin,” aya ni Megan.

Mabilis akong umiling. Sinarado ko ang libro at kinuha ang bag. Nakamasid ang tatlo sa akin. Tumayo ako at inayos sa pagkakapuwesto ang upuan.

“Saan ka pupunta?” kunot-noo na tanong ni Erika.

Mamaya pa ng hapon ang klase namin kaya nagtataka siya. “Punta lang ako sa coffee shop.” 

Pagkalabas ko ng dorm nakasalubong ko si Lucy kasama ang kaniyang mga kaibigan. Nagtatawanan at nagbubulungan ang mga ito. Nilagpasan ko sila at hindi pinansin.

“God dammit!” dinig kong pagmumura ng lalaking nasa harapan ko. Panay ang pagkapa nito sa bulsa ng suot na pantalon. “Fuck!” 

Masakit sa aking tainga kapag nakakarinig ako ng nagmumura pero bakit ngayon maganda sa pandinig ko. Napalingon ako at maraming tao na ang nakapila. Naiirita na ang mga ito dahil sa lalaking nasa harapan ko.

“Ako na magbabayad ng in-order niya miss,” sabi ko sabay abot ng pera.

Walang emosyon ang mukha nitong tumingin sa akin. Nagkatitigan kami ng ilang minuto. “Thank you,” malamig niyang sabi pero nagdulot ng kakaibang init sa puso ko.

“Your welcome.” Agad akong umiwas dahil naramdaman ko ang pang-iinit ng mukha ko.

Pagkabayad ko umalis na ako. Hindi ko na makayanan ang pintig ng puso ko. Parang hinihigop ang lakas ko na anumang oras hihimatayin ako.

“Wait!” 

Napahinto ako sa paglalakad at napalingon. Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo nang tumakbo siya palapit sa akin. Hindi ako makagalaw parang namanhid ang buong katawan ko. Pinatitigan ko siya sa kaniyang mga mata ng ito'y makalapit. Magkasalubong ang kilay niyang nakatitig sa akin.

May kinuha siya sa loob ng coat at binigay sa akin. Nanginginig ang kamay ko na kinuha mula sa kaniya.

“That's my calling card. Call or message me so I can pay you. I'm sorry but I'm in a hurry,” arogante niyang saad.

Nagmamadali siyang umalis. Nakamasid lamang ako sa kaniya hanggang pinaharurot ng mabilis ang sasakyan.

“Ako si Amara Sandoval. Glad to meet you,” bulong ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top