Epilogue

Lorraine's POV


"Lori, kailan mo ba ipapakilala sa akin 'yan?" nabigla ako nang biglang magsalita si mama sa likuran ko.


"Ma, hindi ba at pinakilala ko na siya sa'yo?" sabi ko.


"Gaga! Sa personal," napahawak ako sa batok ko dahil binatukan ako ni mama. Ang sadista talaga niya!


"Malapit na ma, kaunting hintay na lang."


"Kailan 'yang malapit na 'yan?" nakapamewang na tanong nya.


Napabuntonghininga na lang ako.


"Sa sabado po. Magkikita na kami. At third monthsary na namin no'n!" proud na sabi ko.


Yes, tuloy 'yong plano naming meet up sa third monthsary namin. Excited na nga ako eh. Minsan nga napapatanong na lang ako... ano kaya itsura niya? Matangkad kaya siya? Gaano kaya siya kaputi? Basta maraming tanong.


May tanong din ako para sa sarili ko. Paano kaya kung hindi ako pumasok ng rpw? Makikilala ko kaya siya? Makikilala ko kaya 'yong mga kaibigan ko sa rpw? Sina Leigh, Erra, Saji, Nyx, Zeah, Ceah,Clea, Trish, Irish, si mama danna at marami pang iba.


Hindi ko kailan man pinagsisisihang pumasok ako sa pekeng mundo na 'yon. Oo, peke siya pero hindi ibig sabihin na peke rin ang mga tao roon.


Ang pekeng mundong 'yon ang laging tambayan ko sa tuwing ako ay nalulungkot at sa tuwing nakakaramdam ako nang pagiging mag-isa. Siguro ito na ang pinakamasayang ala-ala ang dadalhin ko hanggang sa pagtanda ko.


"Ma! Aalis na ho ako!" sigaw ko bago lumabas ng bahay.


"Mag-iingat ka ha? At 'wag mong kakalimutang dalhin dito ang nobyo mo." Hay nako, si mama talaga.


"Opo, ma!"


Naglakad na ako papapuntang sakayan at nang makasakay ako ay agad kong sinabi kay manong tricycle driver ang bababaan ko.

Wala pang sampung minuto ay nakarating agad kami sa McKinley hill kung saan matatagpuan ang venice grand canal. Nagbayad na ako kay manong bago bumaba ng tricycle.


Chinat ko si Keian na nandito na ako, nag-reply din naman agad siya ang sabi niya ay nasa loob na raw siya kaya naman lakad-takbo ang ginawa ko para makarating sa loob.


Hingal na hingal ako pagkapasok ko. Chinat ko ulit siya kung nasaan siya at sabi niya ay nasa may bridge raw siya kaya tumakbo ulit ako para makarating sa bridge. Ang bilis ng tibok ng puso ko habang papalapit ako nang papalapit sa bridge. Maraming tao ang naroon kaya naman chinat ko siya ulit.


"Takte! Ang dami kayang naka grey t-shirt," bulong ko sa sarili ko.


Pumunta ako sa kabilang dulo ng tulay nagbabakasakaling makita siya roon.


"Hi miss, are you looking for someone?" Lalakad na sana ako nang may lalaking nagsalita sa likuran ko.


"Ah, meron po kaso ayaw magpahanap eh," sagot ko habang nakatutok sa cellphone ko at nagtipa ng mensahe.


Napatigil ako nang marinig ko pagtunog ng cellphone nitong lalaking nasa harapan ko. Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko at nang magsalubong ang mga mata namin ay bigla siyang ngumiti.


"Ayan... nahanap mo na 'yong hinahanap mo," nanatili pa rin akong tahimik. Shemss, si keian na 'to? Shuta! Nahiya ako bigla. Takte mukha siyang artista. Ang tangkad niya na ang puti.


"Hoy, grabe ka naman kung makatitig." mahina siyang tumawa habang ako ay iniling ang ulo at ibinaling nalang sa ibang direksyon. Shit ka Lorraine nakakahiya ka!


"A-ano... K-kasi..." kinagat ko ang labi ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.


"Akala ko ba hindi ka mahihiya sa akin?" tawa niya.


"Hindi naman ako n-nahihiya," sige mag-deny ka pa.


"Tara, maglibot-libot tayo." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila sa kung saan.


Pinilit kong tanggalin ang hiya sa sistema ko para naman makapag-enjoy akong kasama siya.


"Saan mo gustong kumain? Jollibee o Mcdo?" tanong nya.


"Sa jollibee na lang. Mas masarap doon eh," sagot ko.


Sabay kaming nag-order at nang makuha na namin ang order namin ay agad na kaming naghanap ng mauupuan.


"Gusto mo sumama sa bahay?" tanong ko.


"Bakit? Anong gagawin natin doon?"


"Pinapapunta ka kasi ni mama," sagot ko.


"Sige, gusto na rin makita si mama ng personal eh," napa-irap naman ako sa sinabi niya.


"Mama mo, ha? Mama mo?"


"Sabi ko nga soon to be mama." sabi niya saka tumawa.


Nang matapos kaming kumain ay nagpunta naman kami sa miniso para magtingin nang kung ano-ano.


"Gusto mo no'n?" Tinuro niya 'yong panda na stuff toy.


"Bibilhan mo ako?" tanong ko.


"Hindi. Tinanong ko lang." Mabilis ko siyang hinampas sa braso niya.


"Joke lang eh. Gusto mo nga? Bibilhin ko 'yon para sa'yo. Wait." Lumakad siya palapit doon at kinuha 'yong panda na stuff toy.


"Tara, bayaran na natin."


Matapos naming bayaran 'yon ay lumabas na kami sa shop at naglibot-libot ulit. Sumakay pa kami ng bangka. Noong una natatakot pa akong sumakay kasi naman parang tataob 'yong bangka eh.


"Halika na, hindi nga 'to tataob." Bwisit na 'to, tawanan ba naman ako. Sa huli ay sumakay na rin ako ng bangka.


Sabay kaming umuwi ni Keian sa bahay. At si mama naman tuwang-tuwa no'ng nakita si Keian. Wow, ma, sino ba ang anak mo sa amin?


"Sana kapag bumalik ka rito kasama mo na mga magulang mo." sabi ni mama.


"Sige po, tita."


Iniwan na kami ni mama sa labas para makapagpaalam kami sa isa't-isa.


"Thank you for this day, Keian. Sobrang saya ko kasi finally nakita na rin natin ang isa't-isa in person." pang babasag ko sa katahimikan.


"Huwag nang Keian ang itawag mo sa akin. Wait, let me introduce myself. Hi, I am Konan Arvin Castillo aka Koa." Shucks, pati real name ang pogi!


"Ako naman si Lorraine Andres, lori or raine." maikling sabi ko.


Niyakap ako nang mahigpit ni Koa bago siya magpaalam na aalis na. Malawak ang ngiti ko nang makapasok ako sa loob ng bahay.


Sobra-sobra ang saya ko ngayon dahil sa wakas ay nakita at nakasama ko na rin kahit sa maikling panahon lamang ang taong mahal ko.

I, Sachi Arantica is now signing off as a rpier.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
-nics:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top