30
Kean Colter
11:25 am
Sachi:
Kean?
Kilala mo sina liam, jace, rome, at kenshi?
Nagfriend request kasi sila sa akin
Ka bh mo ba sila?
Seen
11:30 am
Kean:
Oo ka bh ko sila, slr.
Babantayan ka raw nila habang wala ako
Sachi:
Ehh?
Bakit naman ako babantayan?
Kean:
Hindi ko alam sa mga 'yon
Sachi:
Confirm ko ba?
Or 'wag na?
Kean:
Confirm mo na HAHA
Mababait naman sila e
Sachi:
Osige mamaya HAHAHA
Tambay muna sila sa fr ko HAHAHA
Kean:
HAHAHA
Btw kumain kana?
Sachi:
Hindi pa e
Halos kararating lang kasi namin ni mama kaya 'di pa luto 'yong ulam
Kean:
Ahh gano'n ba?
Kwentuhan muna tayo
Sachi:
Sige HAHAHA
Kean:
Kwentuhan mo ako no'ng mga masasayang experience mo no'ng elem ka at highschool.
Sachi:
Grabe ha, pero sige
Ikaw next ah?
Kean:
Yeah HAHA
Sachi:
No'ng elem ako, ang pinakamasayang experience ko is no'ng sumali ako ng pageant, grade 4 ako ata no'n
Hindi nga sana ako 'yong kasali do'n e kaso pinipilit ng mga kaklase ko na ako na lang ang representative sa section namin.
Tas hindi ko iniexpect na ako pa mananalo do'n HAHAHA
Padamihan kasi ng pera 'yon tapos 'yong mga kaklase ko tuwing breaktime nililibot nila 'yong box ko para mahulugan ng pera.
No'ng nalaman nila mama 'yon tumulong na rin sila sa pagkolekta.
Kean:
Maganda ka raw kasi kaya ikaw pinili nilang representative
Sachi:
Oy grabe HAHAHA
Hindi naman ako sobrang ganda
Wala pa nga ako sa kalingkingan nina kathryn bernardo at liza soberano e HAHAHAHA
Kean:
Kahit na
Para sa'kin sobrang ganda mo kahit na 'di ko pa nakikita op mo
Sachi:
Sus!
Kean:
E no'ng highschool ka?
Sachi:
No'ng gumawa kami ng theater play namin
Sobra 'yong pagod namin no'n, 'yong iba sa amin 6 na nakakauwi dahil gumagawa ng mga props na gagamitin
2nd place lang kami no'n e pero hindi kami nalungkot no'n kasi naging masaya naman kami sa ginawa namin at alam rin namin na ginawa namin ang best namin para makapag perform kami.
Kean:
Sana lahat ganyan mindset
Sachi:
Bakit?
Kean:
Pinagawa rin kasi kami ng theater play no'ng grade 8 kami
Maganda naman kinalabasan no'ng play pero same sainyo second place lang din kami tapos 'yong class president namin hindi nya matanggap na second lang kami. Sinisi nya kami dahil daw hindi namin ginalingan.
E halos magkasakit na nga 'yong iba sa'min kasi wala silang pahinga at kain. Buong week nagpapractice kami pati sabado at linggo.
Kaya no'ng araw na ng play may sakit 'yong iba kaya hindi makagalaw ng maayos.
Sachi:
Kung ganyan president namin nako bahala sya sa buhay nya
Gumawa na lang sya ng sarili nyang play HAHA
Kean:
Kain kana, maya na lang ulit
Sachi:
Sige sige tinatawag na rin ako ni mama e
Ikaw ba, kumain na?
Kean:
Yeah
Sachi:
Okay sige, maya na lang
Kean:
Eat well achi ko
Seen
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
-nics:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top