1: The Start

Zori's POV



"You must marry her for the sake of our company and family's name!" I can feel my father's rage, I can see through his eyes on how pissed he is to me.

I just remained silent. Nakita ko ang kamay Ni mama sa bisig ng dad ko at pilit na pinapakalma ito, alam Kasi nya Kung saan na naman to tutungo Ang away na to. Yung mga kapatid ko ay nanatiling tahimik na nakaupo at hindi magawang galawin ang pagkain dahil sa intense na bumabalot sa hapag.

"Zori you must do what I tell you it is the only way for us to survive." This time he had this calm tone voice, napakalma ata Ni mama. Imbes na sumagot ay tumayo ako at nagmadaling lumabas sa dining area, dumiretso ako kaagad sa sala at nag tungo agad sa labas. I can't stand him anymore.

Hindi ko magawang tapusing kainin ang masarap na luto ni Mama dahil agang-aga ay Yun agad ang topic ni Dad, nakakawalang ganang kumain at nakaka badtrip tuloy. How can he be so insensitive? Can't he see that I'm too young to marry and heto sya pinipilit akong ipagkasundo sa babaeng diko kilala! That's totally insane.

Diko namalayan na nakaabot na pala ako sa school, patuloy parin ako sa pag lalakad hanggang sa natagpuan ko nalang ang sariling nakaupo sa arm chair ng classroom namin. Kunot-noo at malalim ang iniisip, Alam kong nanganganib ang kompanya ni Dad but I don't totally get it— how does marriage solve a chaotic company? Aishh.

"Mr. Zorion El Huerte? Care to share what's on your mind?" Napabalik ako sa reyalidad ng tawagin ako ng ultimate terror teacher namin— pochi I'm seriously dead. First subject ko pala si Sir David how can I forget it?! Agrhhh pano na to.

"Uh.. well," shit anong palusot na naman sasabihin ko okay lang sana Kung nag advance study ako kagabi baka yung topic ngayon ay pwede ko sana gamitin—aishh bahala na nga.

"Actually sir can I excuse myself? I really need to go the bathroom hehe." I caught everyone's attention lalo na sa terror teacher ko,shoot parang ine- examine Ni sir Ang behavior ko sana makuha sya sa akward smile ko. I gulped really hard.


"You may go." Yieeshh it gives shiver to my bone kaya dali-dali naman akong tumayo at lumabas agad ng classroom. It was a good excuse of mine kailangan ko nga din mag cr, I was about to zip my pants nang naalala ko na naman ang away lagi namin ni Dad.

"Aish bat ko ba yun na alala na naman? Malapit nga akong mapahamak kanina Kaka- overthink nito eh," napaupo ako sa cubicle at napasabunot sa kulot Kong buhok. "Eto kasing si Dad why does it always be me? Nandyaan naman yung magaling kong ate na lagi nyang pinag mamalaki so why me? I'm just a useless son to him since the day I was born so bakit ako pa ang mag sasalba sa kompanya diba?" Tanong ko sa sarili. My dad never liked me dahil I'm not good enough for him, he always looked down on me and always praise my older sister.


I sighed in disbelief. Napagpasyahan kong bumalik na sa classroom baka maghinala si sir David na nag cutting ako, pagpasok ko sa classroom ay naabutan kong nagligpit na ng gamit sir— shoot I'm dead. Again.

"Mr. Zorion El Huerte napahaba ata ang pagtawag sayo ng kalikasan hijo?" Nagtawanan ang buong kaklase sa sinabing joke ni sir nakaramdam tuloy ako ng hiya. Pinili ko nalang huwag pansinin ang tawa nila at mas piniling umupo nalang at tumahimik, lumabas na sa classroom si sir David which means tapos na ang subject na Science.

Next subject will be English, I chose to remain silent to not get everyone's attention while waiting for the next lesson. Well time runs fast as it can kaya Lunchtime na ngayon, lahat ng student ay nagtungo agad sa cafeteria ng school yung iba ay sa may plaza kumain dala ang mga home-made baon nila. While me? I'm always headed to my secret comfort place.


Yes, nasa Cafe shop ako laging tumatambay pag oras ng lunchtime. Dito kasi ako nag papalipas oras hanggang sa matapos ang lunchtime, I don't eat much pag Tanghali na kasi masagana akong kumain tuwing agahan pero dahil nga nawala ang appetite ko kanina ay umorder na ako ng pagkain sa Cafe shop.

"Uy Zori ma prend andami mo atang order ngayon ah," Sabi ni Freddie ng may bahid na pag tataka sa mukha nito. "Hulaan ko dika kumain ng agahan na luto ni Mama Genny no?" I just gave him a faint smile. Matapos kong umorder ay bumalik ako sa pwesto ko kanina at naghintay eh serve yung order ko. 

"Oh heto na order mo Zori," nilagay ni Freddie sa lamesa ang isang plato na may half rice at isang maliit na bowl na may laman na adobong manok. Di naman kasi ito yung inorder ko eh pero di bale na nga."Wala bang softdrinks?" tanong ko which is sana di ko nalang tinanong kasi nakatanggap tuloy ako ng hampas galing sa kanya.

"Tangek kaba? May softdrinks ba sa isang coffee shop aber?" Puno ng sarkasmo na tanong sakin ni Freddie.
"Sabi ko nga Wala eh." Kumain nalang ako kesa makipag asaran ni Freddie.

Freddie and I are childhood friends, Kasi his mom and my mom are Bestfriend kaya bata pa kami ay lagi na kaming magkasamang maglaro. Mas older si Freddie sakin Ng five years but I preferred calling him 'Freddie' than kuya, para na ngang mag kapatid turing namin sa isat-isa.

"Come on tell me, what's your problem?" Tanong nya out of nowhere.

I just let out a sigh. "Pwede ba munang tapusin ko tong kinakain ko?" He just rolled his eyes bago sya umalis sa kinauupuan nya at bumalik sa counter kasi may mga customers na sya. Dahil Wala Ng distraction ay patuloy lang akong kumain hanggang sa naubos ko ito, well kahiya namang si Freddie pa Yung mag liligpit sa pinagkainan ko.

Pumunta ako sa kusina bitbit Yung mga plato at utensils na ginamit ko at hinugasan ito, di naman ako nag tagal sa loob ng washing area sa Cafe shop ay lumabas na ako dala parin yung dishes na hinugasan ko.

"Akin na yan nag abala kapang maghugas," Inabot ko naman yung bitbit ko kay Freddie at bumalik agad sa pwesto ko kanina. Napatingin ako sa aking wristwatch Kung anong oras na baka ma late ako sa afternoon lessons namin, well may thirty minutes pa naman akong natitira dito muna ako tatambay.


"Huy ano na," napa aray ako kasi bigla-bigla nalang nyang pinisil ang pisngi ko. "Aray naman!" Reklamo ko na di man Lang nya pinansin.
"Sabihin mo na nga, ano problema mo huy baka makatulong ako niyan lalong lalo na kung problemang babae hm— agrhh! Aray ha!" Sya na naman ang umaray Kasi hinampas ko sya Ng todo.

"Napaka marites mo talaga eh no? Tsaka Wala Naman akong problema about sa babae since Wala Naman akong girlfriend at di ako babaero katulad mo no" giit ko pa na ikinatawa nya. "Si Dad Kasi eh." Nawala yung tawa nya ng marinig iyon alam nya kasi Ang tungkol samin Ni dad. Naging seryoso sya bigla ng eh open up ko sa kanya Ang nangyari kaninang umaga.


"Diko rin ma-gets si Tito Greg Kung bakit pursigido syang eh arrange marriage kayo Ng babaeng di mo man Lang kilala, gets ko yung punto ni Tito na ito Lang Ang tanging way para masalba ang kompanya nyo pero sa lahat ng pwede mag salba sa kompanya bakit ikaw pa? Ito ay isang malaking palaisipan." Malalim itong napaisip at may pa detective pose pa itong nalalaman.

"Diba? Nagtaka nga ako kung bakit ako?Kung pwede naman si ate Clovis since sya Naman Yung paborito nya bonus pa Kasi mas magaling pa sya sakin— aish naging nonsense tuloy Yung mga pinag sasabi ko." Natahimik nalang kaming dalawa, nanatiling malalim ang iniisip ni Freddie.

Sana'y dinggin mo ang awit kong ito
Awit ng nagmamahal sa 'yo

Nabaling Ang atensyon ko sa kantang narinig, sa pag kakaalam ko ay nang galing ang kantang yon sa kaharap na gusali. Ewan ko ba pero nagagandahan akong pakinggan ito.

Awit na may pag-ibig mula sa aking puso
Ang awit kong ito'y para sa 'yo

"Naku nag start na namang nag patugtug yung kabilang gusali ng afternoon music nila noooo" may bahid na paluha effect pa syang nalalaman na parang end of the world na Kung maka react eh kanta Lang Naman Yun ganda nga Ng tono nito eh.

"Ganda Kaya ng kanta." Sabi ko tas napasimangot kala mo na lugi sa ayuda. "Ang baduy Naman Ng taste mo Zori ma prend helloo?? Pang 90's pa ata Tung kanta na to eh" sabi nya.

Langit ang bawat saglit sa piling mo
Ligaya kang tunay sa puso ko


Napatayo agad si Freddie sa pag kakaupo Niya ng may customer na pumasok sa Cafe shop na pinag mamay-ari ng family nya, well napatingin ulit ako sa wristwatch ko I have fifteen minutes left to go.

Padami ng dami na ang customers sa loob Ng cafe kaya Ito na ata Ang hudyat na umalis na ako, nagpaalam na ako kay Freddie na aalis nako at papasok na he just gives me a thumbs up since busy sya. Inayos ko Yung backpack ng may napansin o nakita akong kakaiba— Hindi kaaya-aya. 

'Di ko makakayanang mawalay ka sa akin

Gusto ko mang eh ignore yong nakita ay parang nakokonsiyensa ako, aisshhh bahala na nga si batman!

Ang nais ko'y laging kapiling ka

"Miss—" saktong paglingon nya sakin ay aksidente syang natisod dahil sa isang ale na bumangga sa kanya, Ewan ko ba pero gumalaw ng kusa ang katawan ko at agad nasalo ang babaeng natisod pero dahil sa bigla ay na out of balance ako at parehas kaming dalawang bumagsak sa sahig.

Ikaw ang tangi kong iniibig

Naramdaman ko yung sakit sa pagbasak namin Kaya napapapikit ako at saktong pag dilat ko ay nagtagpo ang paningin namin sa isat-isa, may Kung anong lock sa pagitan namin dahil Hindi ko magawang eh alis Yung paningin ko sa kanya.

Ikaw ang aking mahal magpakailanman

Diko alam pero matagal-tagal rin kaming nagkatitigan. Napansin kong kulay dark brown Ang kulay ng kanyang mga mata, may maganda itong dalawang kurba na kilay, matangos Ang ilong, her lips are plumply, and she had this white-clear skin.

Ikaw ang iibigin ko

Diko Alam Kung timing ba or nananadya ang tadhana na saktong pagtapos Ng kanta ay may nag udyok sakin na mag salita na ikinagulat nito.




"Miss, may tagos ka."



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: