PROLOGUE

Luxem Series #1: Remember, I Love You by PRIMO_WRITESS (On going)

Luxem Series #2: Our Last Rain (On going)

Luxem Series #3: Touch of the Wind by Chioushi  (On going)

Luxem Series #4: The Daredevil by scribblerset  (On going)

PROLOGUE

"Hoy, Yana! Kanina ka pa d'yan ah!"


Umirap ako bahagya at lumabas na sa pinto ng condo ko. Bumungad sa'kin ang mukha ni Kairene na inip na inip na. "Ito na! Tapos na! Agang aga ang high blood nito!" Natatawa kong sambit at nag simula na mag lakad palabas.


"Aba sinong hindi ma-ha-high blood, e, halos kalahating oras na kitang iniintay! Male-late na tayo sa birthday party ni Avrienne." Sagot naman nito sa akin.


Hindi nalang ako sumagot dahil baka ma-bad trip pa si Kairene sa akin. Habang nag lalakad ay hindi pa rin sya tapos manermon.


"Hay nako, ito na nga ang unang beses kong maka-dalo sa birthday party ni Avri, late pa, sasakalin talaga kita Yana e!" Aniya. Kakagaling lang kasi niya sa Paris. Naroon kasi siya ngayon nag tatrabaho.


Sumakay kami sa elevator. Tumawag pa si Trixie dahil malapit na daw mag simula 'yung birthday party ni Avri.


"Ay hala, umuulan na pala." Banggit ni Kai at nag labas ng payong. Sukob kami roon hanggang sa maka-rating kami sa kotse ko.


Ilang minuto ang byahe bago kami naka-rating sa bahay nila Trixie. Today is Avri's 4th birthday party at expected kami roon ni Kairene. Bumaba kami ng kotse at bad trip kasi umulan pa rin. Akala ko hindi na umuulan kaya lumabas ako bigla. Ang ending tuloy tumakbo nalang ako. Good thing naka rubber shoes ako.



"Ninang!"



Tiningnan ko si Avri at kinarga 'yun. "Hi, baby! Are we late? Sorry, Tita Kai and I were late, ha? Si Tita Kai kasi, kung ano ano pang ginawa." Sabi ko.



"Hoy, sulsol 'to! Kapal ng mukha! Baby, hwag ka makinig d'yan sa ninang mo. Masama ugali n'yan." At inagaw pa sa'kin si Avri.


Tuwang tuwa naman si Avri nang makita si Kairene. Ngayon lang sila nag kita sa personal kaya akala mo linta dahil ayaw mag hiwalay. Tumawa nalang ako sa kanila. Hinanap ko kung nasaan si Trixie kasi manghihiram ako ng towel dahil nabasa ako sa lakas ng ulan kanina.


"Oh, Yana, bakit basa ka?" Finally, I found her.


"Napa-takbo ako kanina ng wala sa oras e. Pwede ba maka-hiram ng towel?" Tanong ko.


"Oo— wait ikukuha lang kita."


Umupo ako sa isang upuan medyo malayo sa mga tao. Wala akong gana maki-pag socialize ngayon dahil napagod ako sa school kanina. Heavy ang topic ngayon. I am currently in my 4th year in Medical school. Graduating. Kaya hassle na.


"Oh, heto."


Nagpa-salamat ako kay Trixie at nag paalam s'yang bibihisan muna n'ya si Avri. Lumabas ako sa may pool nila at umupo sa may bench. Ikakalma ko muna ang utak ko bago ako makipag socialize mamaya.


Tumigil na rin ang ulan at buti nalang ay may bubong 'yung sa may bench kaya hindi nabasa 'yung upuan. Sinandal ko ang sarili sa pader sa likod ko at pumikit.


"Ah, shit. Nabasa nanaman ako sa ulan."


I almost froze when I heard a familiar voice. Damn it. Seriously? Sana ay mali ang iniisip ko. Hindi ako umibo man lang at halos hindi na rin ako huminga. Narinig kong may nag lakad kaya inisip ko na s'ya 'yun paalis sa pwesto ko.


"Gosh, Yana! Nand'yan ka lang pala! Hinahanap ka na ni Avri— uy, Razer!"


Dumiin ang pag pikit ko nang marinig ko si Kairene. Amp, wrong timing naman e! Nag mulat ako at bumungad sa akin si Kairene na naka-peace sign sa akin at si Razer na naka-tingin naman sa akin na mukhang gulat din.


"Ay wait— rinig n'yo 'yun? Tawag na ako ng pamangkin ko. Maiwan ko na kayo ha? Bye!"


Halos mapa-mura ako nang iwan kami ni Kairene. Walang hiya talaga. Malalagot 'yon sa akin mamaya.


"Hey.. Sab."


I felt my heart skipped a beat.


"Hello.." ang korni! Ang awkward!


Umiwas s'ya ng tingin sa akin. He licked his lips and put his tongue in his right cheek.


"It's been.. 4 years."


:o

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top