12

DATE 2.0



Tinakpan ko ng unan ang mukha ko habang naka-dapa. Kanina pa ako naka-dapa rito sa kama ko. Kanina pa rin ako naka-uwi at nakapag palit ng pang tulog na damit. 9pm na at hindi pa rin ako maka-tulog.


Nasa isip ko pa rin iyong huling sinabi ni Razer. May susunod pa raw na date. At ngumiti pa talaga s'ya! Si Razer ba talaga iyong kasama ko kanina? Baka naman may kakambal siya tapos nag sinungaling lang siya sa akin buong date namin?!


*beep*


Ibinangon ko ang ulo ko at tumingin sa side table kung saan naka patong ang phone ko. Tumunog ito kaya kinuha ko iyon at humiga ng ayos. Napa-upo ako nang makita ang notification.


Totoo ba itong nakikita ko?! Baka naman ginu-good time mo ako Lord ah! Wala nang bawian 'to!


tanjiushi: are you home?


SHEESH. It was Tanji! Agad kong inopen iyon. Nag open ang instagram ko at bumungad sa akin ang conversation namin ni Tanji. First chat siya dahil never pa kami nag uusap nito through phone.


Kung nasa bahay daw ba ako. Hala, what if magkatotoo 'yung tanong ni Razer kanina at ayain nga ako ni Tanji makipag date? Super haba naman ng hairlalu ko nito! 2 dates in 1 day! Pak, kaya niyo 'yun?


sabriana: uy, oo, bakit?


Naks! Medyo tropa-ish 'yung dating nung chat ko. Tama bang ganon lang? Baka mamaya i-tropa-zone lang ako nito kasi ganito ako mag chat. Haixt. Edi mission incomplete ako nito?! I-unsend ko kaya tapos mag chat ako ng bago?


Gagawin ko palang sana kaso nag reply na agad siya.


tanjiushi: i'm outside your building. can you come down?


Nanlaki ang mga mata ko at agad na tumayo saka tumingin sa vanity mirror ko. Nag suklay lang ako ng ilang hibla ng buhok bago nag compose ng reply.


sabriana: hala? wait lang! hehe


After kong isend ay isinuot ko ang slippers ko pang labas at lumabas ng condo ko bago bumaba ng building. Pagka bukas ng elevator ay nakita ko si Tanji na naka talikod sa labas ng building. Nag-out ako sa front desk at lumabas. Lumapit ako kay Tanji at kinalabit siya sa balikat.


"Huy, anong ginagawa mo rito?" Tanong ko at humarap siya sa akin.


Tiningnan niya ako at ngumiti. "Aayain sana kita. Late night walk?" Aniya habang naka-ngiti pa rin.


Itabi niyo na lahat. Ako na ang mag huhugas ng mga plato niyo.


Sheez! Ito na ba talaga ang sign? Nahuhulog na ba talaga siya sa akin? Seryoso na ba talaga siyang manliligaw siya sa akin? Ako na ba talaga, Lord? Kami na ba talaga?


Agad akong naka-bawi sa gulat at tiningnan ko siya at ang suot niya. Naka black oversized tshirt siya at white man shorts tapos naka white sneakers. Nahiya naman akong naka magka-partner na purple pj tapos slippers lang.


"Ah.. eh.. teka, mag papalit lang ako ng damit hehe," sagot ko at akmang babalik sa loob pero hinawakan niya ako kamay kaya natigilan ako at napatingin sa kaniya.


"'Wag na," sagot niya habang natatawa.


Sumimangot ako. "Anong 'wag na? Nakakahiya naman sa iyo 'no! Ang presentable mong tingnan habang ako naka pang tulog! Ang pangit! Hindi bagay," parang batang pag t-tantrums ko.


"Hahaha, okay lang 'yan. Bagay sa'yo. Ang cute mo nga tingnan e," sabi niya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. "Tara?"


Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango. Nag simula na kaming mag lakad papunta sa direksyon ng park. Dahil nga gabi na, wala na masyadong sasakyan kaya hindi ganoon ka ingay at ang tanging liwanag na lamang ay ang ilaw mula sa mga street lights.


"Huy paano mo nalaman kung saan ako naka-tira?" Tanong ko kay Tanji.


Sa pagkaka-alam ko, hindi niya alam kung saan ako naka-tira kasi nga never pa naman kami nagkaroon ng personal na usapan sa loob ng tatlong taon.


"I asked Trixie. Sinabi rin naman niya at madali lang din naman mahanap kaya pinuntahan kita agad. Buti nga gising ka pa e," sabi niya habang naka tingin sa akin.


Beh, tingin sa daan! Mamaya matakid ka diyan at mahulog.. sa akin! Hihi. Charot, landi girl ha. Tinanguan ko nalang siya. Shet, hindi ko na alam kung anong pag uusapan. Madaldal akong tao pero bakit pag dating sa kaniya bigla akong nananahimik?!


"Pinuntahan kita kanina after ng game pero wala ka pa raw sabi ni Trixie. Kaya ngayon lang ako naka balik dahil sabi ni Kairene na baka raw nasa inyo ka at bukas pa maka-uwi," naiiling niyang sambit.


Bukas pa uuwi? Baliw talaga 'yon! Alam naman niyang hindi ako nakakatagal ng ganoon sa bahay namin. Eme eme 'yong babaeng 'yon ah. Buti nalang nag baka-sakali pa si Tanji at bumalik sa bahay.


"Yana, about sa panliligaw ko,"


Napa-tingin ako sa kan'ya dahil doon. Babawiin niya na ba? 'Wag muna Lord. Ninanamnam ko pa 'yung sarap sa feeling niya oh.


"Hmm? Babawiin mo ba? Hay nako, sinasabi na nga ba't ginu-good time mo lang—"


"Seryoso ako roon. Liligawan kita. Hindi ako humihingi ng permiso. Sinasabi ko lang sa iyo," nakangiti ngunit seryoso nitong saad.


Natigilan ako sa sinabi niya. Omg ka, Lord! Ang lakas lakas ko naman sa iyo!


"Ah.. akala ko.. hehe— ay ano ba 'yan," tinakpan ko ng dalawang palad ang mukha ko. Shuta, super nakakahiya ka na girl ha!


Natawa naman siya kaya napatingin ako ulit sa kaniya. "Hoy, 'wag mo nga akong tawanan! Nahihiya na nga 'yung tao oh!" Kunwaring galit kong saad.


Tumigil siya sa harap ko kaya napatigil din ako. Tumingin ako sa kaniya at ibinaba niya ang mukha niya ka-level ng akin. Gosh. Ang lapit niya.


"You look so cute when you blush," tanging saad niya at muling tumayo ng ayos. "Nagugutom ka ba? Kumain ka na ba?" Tanong niya.


Umiling ako. "Hindi pa ako kumakain, at medyo gutom. Ikaw ba? Balik nalang tayo sa condo may pagkain pa ata ako sa refrigerator ko," sagot ko. Hoo, keep it cool, Yana. Huwag mong ipahalata na kinikilig ka.


"Huwag na. May alam akong Japanese restaurant. Gusto mo ba roon? Treat ko," aniya at muli nanaman akong hinawakan sa kamay.


Nakaka-ilan ka na ha! Chansing 'tong hapones na 'to. Dagdagan mo pa nga!


"Hala, nakakahiya.. pero sige!" Sagot ko habang natatawa.


Pero nahihiya talaga ako dahil libre niya, kaso mas tinatamad ako mag lakad pabalik sa condo tapos baka wala naman palang pagkain sa ref ko. Edi boplaks nanaman ako sa part na iyon. Hays.


Lumiko kami sa isang kanto at don ay naka-kita kami ng Japanese restaurant. Mukha rin siyang five star kaya nag simula nanaman akong mag overthink. Naka pang tulog lang ako tapos siya ang presentable niyang tingnan! Naka lugay pa ako kaya for sure sabog na itong buhok ko.


"Huwag kang mag alala. Anata wa utsukushī. You look beautiful," sabi niya habang nakatingin sa daan at habang nag lalakad kami papalapit sa restaurant.


Feeling ko ay maaari na akong sumabog anytime dahil sa ka-pulahan ng mukha ko.


Nang maka-rating kami sa entrance, pumasok na kami ni Tanji at siya ang nag reserve ng table. Hindi naman pala siya ganoon ka bongga. Parang normal restaurant ganoon. Umupo na kami sa inassign sa akin na table at nag tingin ng menu.


Mag i-inarte pa sana ako sa pag order pero naramdaman ko ang pag kulo ng t'yan ko. Kanina pa kaming hapon kumain ni Razer at since umuwi ay hindi pa ako kumakain kaya siguro nagugutom ako.


"I'll get one ramen lang hehe," sambit ko dahil iyon lang ang alam ko sa menu. Alam ko naman iyong iba dahil naririnig at nakikita ko sa anime pero what if hindi ko magustuhan diba? Sayang.


"Are you sure? You can try the dumpling. Masarap iyon," aniya at binigyan ako ng napaka-poging ngiti.


"Hays sige na nga," sagot ko. Pogi kasi e, hindi ko matanggihan.


Tanji stated our order at hindi naman nag tagal ay ibinigay na rin iyon sa amin. Nang mag sisimula na ako sa ramen ay pinigilan niya ako.


"Wait. It's still boiling," aniya at nag amen pose kaya ginaya ko. "Itadakimasu," aniya at nag bow kaya ginaya ko. Ang alam ko ay tradition na iyon sa Japanese bago sila kumain.


I looked at my ramen and he said that we can start eating na. Nang mag simula, I can't help but to be amazed.


"Ang sarap ha," aniko at nag patuloy. Tinikman ko rin iyong dumpling at mas natuwa.


We enjoyed eating until we finished everything. Tanji called for the bill and payed bago kami lumabas.


"Ano ba 'to, late night walk na napunta sa dinner," natatawa kong sambit habang inaayos ang sarili.


"That's fine as long as you enjoyed it. 'Yun naman ang goal ko hahaha," tatawa-tawang sambit ni Tanji at tiningnan ako. "Hey, you got something.." aniya at idinampi ang thumb niya sa gilid ng labi ko. "There,"


Anak ng! Wala na bang mas ika-gaganda ang gabing ito? Kanina pa ako pinapakilig ng lalaking ito ha!


"Let's get you home?" Aniya at wala sa sariling tumango nalang ako.


Buong paglalakad namin ay hindi ako makapag salita ng ayos. Kinikilig ako parang timang! Nang makarating sa tapat ng building namin ay humarap kami sa isa't isa at nag paalam na ako.


"Thank you for the food ha? Next time ako naman ang mag babayad!" Saad ko.


The side of his lip rose in amusement. "Edi may next time pa?" Sambit niya at hindi ako naka sagot. "Thank you for your time, Yana. See you in our next.. date," ngiti niya at kumaway. "Good night,"


Hindi na ako naka sagot at nag bow nalang saka tumakbo papasok ng building. Napa-hawak ako sa dibdib ko. Jusko, iba na ito. Iba ka na Tanji!


:D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top