11

DATE 1.0


"A-Ano?! Dela Vega ka ba?!" I said hysterically.


Oh my god! As far as I remember, his surname is Hernandez!


Kumunot ang noo n'ya. "Isa lang ba ang apilyedo ng tao? My name is Razer Dela Vega Hernandez." Irap n'ya.


This guy is unbelievable!


I was forced to sit down because I think I was already making a scene. Binigyan kami nung lalaki ng dalawang menu list at umalis na. I still can't believe I was partnered to this ice guy.


I mean, don't get me wrong, okay? I like him. I mean, I like him as a friend. Well— we're not technically friends but— you know! It's awkward! We attend the same school and sport club!


Though, he is kind of a boyfriend material. Kaya siguro inakala kong girlfriend n'ya 'yung Agatha. Damn, I felt so dumb after reading that Agatha's his sister.


S'ya ang tumawag sa waiter at nag order ng pagkain namin. Hindi ko alam kung anong ire-react. I've never been in a date before! Even since I was in highschool!


"First date?"


Mabilis akong tumingin kay Razer na inaayos ang buhok n'ya. Nahihiya akong tumango. Totoo naman e, this is my first date.


"Well, that means I scored one." He whispered and chuckled. "He's courting you, right?" He said and fixed his eyes on me.


Is he referring to Tanji? "Uh, sabi n'ya. But I don't know if he's serious." I shrugged.


I saw him nodding and scoffed. Why? Why did he ask me that? Paano n'ya nalaman? Siguro napag usapan nilang boys 'yun. Pero malabo kasi after sabihin non ni Tanji umalis na agad sila Kaizer e. Malabo naman na silang dalawa lang ang mag usap. Hay, ewan!


I'm really confused. Una, ang unexpected na panliligaw ni Tanji. I mean, I have a crush on him since I was a freshman and sa ilang taon naming magka-kasama sa team ay ngayon lang n'ya ako nilapitan ng ganoon. And ang mas unexpected ay manliligaw pa s'ya!


Baka naman gawin lang akong rebound no'n?


Tapos ngayon, ito namang si Razer. He's acting weird. Noong unang nagkausap kami, kulang nalang ay itaboy n'ya ako palayo kahit kinukulit ko s'ya. Tapos bigla akong sinamahan magpa-galing and now? He's curious about Tanji courting me?


Naputol ang pag-iisip ko when our food came. It was two steaks and one bottle of wine.


I started eating and he did the same. I didn't know what to do. How do I impress him to like me? Damn. This is just getting harder and harder for me.


Sigh. This is for you, Dad. Para sa pinag hirapan mo.


Tumigil ako sa pag kain at tumingin kay Razer. Napansin n'ya 'yon at tumingin din s'ya sa akin. I tilted my head when I noticed something. Kinuha ko 'yung tissue sa harap ko.


I stretched my arm to his direction and wiped his lips with the tissue. There was some food there. This man, ang kalat kumain.


Napansin kong natigilan s'ya kaya napa-tingin ako sa kan'ya. Uhm, did I do something wrong? Pinunasan ko lang naman 'yung labi.. labi n'ya.


Napa-ayos agad ako ng upo at nag patuloy sa pagkain. Gosh! I touched his lips! Though, there was a tissue, pero kahit na! How inappropriate, Sabriana!


I gave him a quick look at hindi naka-takas sa akin ang reaction n'ya. I saw how the side of his lips rose in amusement. So, he's enjoying this, huh?


"Kakain lang ba tayo? Sana nag luto nalang ulit ako sa condo mo." He shrugged at pinunasan ang gilid ng labi n'ya gamit ang tissue at uminom ng wine.


I finished eating at nag salita. "To tell you the truth, I really don't know what to do now. I mean, my Mom only told me to behave and impress you." I shrugged too.


I looked at his eyes and leaned my elbow against the table. "What should I do to impress you?"


I was shocked when he copied me at ngayon ay ilang inches nalang ang kalayuan ng mukha namin.


"To tell you the truth, nothing. You don't have to do anything. I'm already impressed." He said and smirked.


Ano raw? Hindi ko s'ya na-gets. He's already impressed? Huh? Paano naman? E, wala naman akong ginagawa sa kan'ya. Tatanungin ko palang sana s'ya pero tumayo na s'ya.


"Let's end this here. Come on, stand up," he said that made my brows furrowed. Kinuha niya ang table napkin na nasa lap niya at ipinunas iyon sa may bibig niya saka inilapag sa mesa.


Nag simula na siyang mag lakad palayo kaya tumayo na rin ako at inayos ang sarili bago sumunod sa kaniya. Dadaan pa sana ako sa counter pero sinabi niyang bayad na kaya sumunod na ako sa kaniya palabas ng restaurant.


Medyo maliwanag pa kaya tumingin ako sa phone ko upang tingnan ang oras. Mag a-alas quatro palang pala. Medyo maaga pa. Balak ko sanang bumalik sa school pero wala na iyong driver namin at kotse ni Razer ang nasa harap ko. Kotse nya nga ba 'to? Bat parang iba? Yaman ah! Iba-iba kotse.


Bumukas ang bintana ng passenger's seat at tiningnan niya ako roon. "What are you waiting for?"


Kahit naguguluhan ay sumunod nalang ako sa kaniya at pumasok sa kotse niya. After I closed the car door, he reached out for my seatbelt kaya na-estatwa ako sa kinauupuan ko. He fastened my seatbelt at nang matapos ay umayos na siya saka nag simulang mag maneho.


"Uh.. babalik ba tayo ng school?" Takang tanong ko.


May karapatan naman siguro ako mag tanong diba? Baka mamaya ibenta na ako nito sa mga mafia para hindi na niya kailangan magpakasal!


Umiling siya habang naka pako pa rin ang mga mata sa daan. "We'll continue our date," he said in his deep calming voice.


Natahimik nalang ako. Itutuloy pala namin. Akala ko tapos na. Sabi niya kasi kanina 'let's end this here'. Hays. Hindi nalang ako umimik dahil kasama pa rin pala 'to sa date. Baka pag gumalaw at umimik ako ng mali ay isumbong niya ako sa pamilya niya at magkanda-leche leche pa ang lahat.


Tumigil kami sa isang convenience store at bumaba siya kaya bumaba rin ako. Pumasok kami parehas at kumuha siya ng isang basket lagayan ng pinamili.


Balak ba talaga niyang mag luto sa condo ko? Wow ha, sa pagkakatanda ko, Business Management ang course niya at hindi Culinary.


"What do you think kids will prefer to eat at this hour?" Tanong niya habang nag titingin sa aisle ng pagkain.


Inilibot ko ang tingin at pinili yung mga tinapay. Hindi naman pwede ang candies and such dahil hapon na baka mawalan pa ng gana mag dinner yung pag bibigyan niya na bata. After kong makapili ng tinapay ay binayaran niya na iyon at lumabas na ulit kami saka bumalik sa kotse. Binuksan niya iyong backseat at saka ko lang napansin na may take out pala siya galing sa restau.


Siguro ay uuwian niya si Agatha kaya nag tanong rin siya ng pang bata. After non ay sumakay na ulit kami at nag simula na ulit siyang mag maneho.


Halos ilang minuto rin ang binyahe namin bago kami naka-rating sa medyo hindi na maraming sasakyan. Rural side na siya. After some minutes, tumigil kami sa daan at ipinasok niya ang kotse sa lubak na daan. Omg, dito na ba niya ako didispatsahin?! Akala ko ay iuuwi na niya ako at uuwi na rin siya!


I was taken back when I saw a building and nuns. Nuns and kids! We were in an orphanage!


Nang tumigil ang sasakyan at lumabas ako at namangha sa paligid. Ang ganda ng surroundings! Open field siya at puro green ang makikita mo. Napaka-presko ng hangin dahil mag ha-hapon na rin. Tantya ko ay mag a-ala-cinco na.


"You like it?" Razer appeared from behind and held my waist. His other hand was holding the food that we bought at iyong take out niya.


"Let's go," aniya at nag lakad kami papalapit sa isang madre.


Nakita kami ng isang madre at lumapit ito habang natutuwa. "New couple? Mag a-adopt?" Tanong nito.


Nagulat ako at akmang mag sasalita pero nauna na si Razer.


"Hindi po. Bumibisita lang," he said with his cute accent. "I'm Razer and this is Sabriana," he introduced ourselves.


Nagulat ang madre at agad na humingi ng paumanhin. "Naku, pasensya na. Nadala lamang ng emosyon dahil akala ko ay may bata nang magkakaroon ng pamilya," aniya. "I'm Sister Lilian,"


"Okay lang po, nice to meet you po," sabi ko.


"O'sya, narito ang mga bata. Ang iba ay nasa loob na sapagkat mag ha-hapon na at maya-maya ay kakain na sila," anito at dinala kami kung saan naglalaro ang mga bata.


"Mga bata, may bisita kayo. This is Kuya Razer and Ate Sabrian—"


"Yana nalang po," nahihiya kong sambit.


"Ate Yana," ngiti ni Sister Lilian sa mga bata at nag paalam na rin dahil tutulong pa raw siya sa pag aayos ng mga pagkain. Ibinigay din ni Razer iyong mga pagkain at nag pasalamat naman si Sister Lilian.


"Kuya Razer at Ate Yana! Mag aampon po ba kayo?" Tanong ng isang batang mga nasa edad siyam.


Umupo ako upang lumebel sa kaniya at ngumiti. "Hindi e, pasensya na ha. Pero pangako, bibisitahin ko kayo palagi kapag hindi ako busy!" Aniko at ngumiti. Ngumiti rin ito at bumalik sa pakikipag laro.


Nang tumayo ako ay napansin kong wala na pala si Razer sa tabi ko. Naroon na pala siya kung saan may nag kukumpulan na mga bata. Mga apat ata na bata iyon. Nakikipag tawanan sya habang kausap ang mga bata at nakikipag kulitan siya.


Napa-ngiti nalang ako at lumapit.


"Mag-asawa po ba kayo?" Tanong ng isang bata.


Naku, hindi pa kami mag-asawa!


"Hindi pa. But, we will be, one day," Razer answered without hesitation.


Lord, bakit naman ganito? Bakit ang pogi ni Razer sa part na ito?? Totoo bang nawawala na ang pag i-ilusyon ko kay Tanji?!


"Pag kinasal na kayo, ampunin niyo kami ha!" Sambit ng isang batang babae.


Napa-ngiti nalang ako at ginulo ang buhok niya. Hindi ko pa nga maisip na mag a-asawa na ako, mag aampon na agad? Huhu. Hinay hinay lang po.


Nagpakilala sila at tinawag na sila papasok nang mag simula nang dumilim. Nag paalam na rin ako sa mga bata. Gayundin si Razer. Nag paalam na rin kami sa mga madre at muling nagpasalamat. Nag simula na kaming mag lakad pabalik sa kotse at sumakay roon. Nag maneho na siya palabas ng orphanage ngunit dumiretso sa kalsada palayo sa syudad.


Iniliko niya ang sasakyan sa damuhan at doon nag park.


"Tara sa labas," he said at lumabas.


Hindi na lamang ako nag reklamo at sumunod. Bago lumabas ay tiningnan ko ang oras sa phone ko at nakitang 6pm na pala. Iniwan ko iyon sa loob ng kotse at sumunod na kay Razer.


Hindi siya lumayo sa kotse at umakyat siya sa taas nito at ini-abot sa akin ang kamay niya. "Do you trust me?" He asked.


Nagtataka ngunit tumango ako at humawak sa kaniya. Nagulat ako nang dahan dahan niya akong ini-angat at napa-akyat na rin ako sa kinaroroonan niya. Umupo siya roon at tumabi ako sa kaniya.


"Let's formally introduce ourselves," napatingin ako kay Razer and he was already looking at me. "Hi, I'm Razer Hernandez. 22, Business Management student.. and uhm.. I have a little sister, she's Agatha Hernandez," aniya habang tumitingin sa langit na unti unting dumidilim.


Hindi agad ako nakapag salita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Jusko. Ano ba 'tong pinasok ko? Bakit ganito 'tong lalaking 'to? Napaka gulo niya basahin at intindihin ha!


I sighed.


Ibinaling ko rin ang tingin ko sa langit at nag salita.


"I'm Sabriana Gabrielle Husmillo, I'm 22.. a psychiatrist in the making," I let out a little laugh. "Hmm, ano pa ba? May kapatid din ako mas bata. Samara yung pangalan niya. Samara Gail,"


"So.. how did they made you agree to this date?" Tanong niya at sumandal gamit ang dalawa niyang siko habang nakatingin sa akin.


I shrugged. "Too complicated to say. Hmm.. basta about being useful, ganern. Ikaw ba? Paano ka nila napa-payag dito?"


"Too complicated to say rin. But let's just say.. hindi na nila kailangang pilitin ako," sagot niya na nag pagulo ng isipan ko.


Hindi na kailangang pilitin? Kusa ba siyang pumayag? Huh? Ang gulo ha. Pinag lihi ba sa guri-guring sulat 'tong lalaking 'to kaya ganito kahirap intindihin? Umiling nalang ako.


"I'm not really good at dates. I don't do dates, actually. So bare with me kung hindi ko na-meet ang expectations mo," natatawa niyang sambit at umupo ng ayos.


"Expectations? Sus, wala nga rin akong alam sa pakikipag date," iling ko.


"What if Tanji asked you to a date?"


I was taken back. Oo nga, paano nga 'no? Ang saya ko siguro. Aba, long time dream ko iyon 'no! Ang maka-date si Tanji.


"Ewan ko. Siguro matutuwa pero hindi ko pa rin kaya mag buo ng expectation," aniko.


He chuckled and stood up saka bumaba. Binaba niya rin ako at bumalik sa loob ng kotse. Sakto namang umulan kaya umuwi na talaga kami. Hinatid niya ako sa harap ng condo ko at nag paalam bago ako tumalikod.


"Sab,"


He called my name kaya humarap ako. "Hmm?"


He plastered a smile. "It was a nice date. Hoping for the next one. Good night," he said at itinaas na ang bintana bago pinaandar paalis ang kotse niya.


I was left dumbfounded. Hoping for the next one? May susunod pa?


:D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top