DELA VEGA
"Ha?"
Para akong na-bingi sa sinabi n'ya. Ano raw? Ako? Liligawan n'ya? Natawa ako nang bahagya. Alam ko namang ginu-good time lang ako nito pero, ugh. Bakit ako kinikilig?!
Of course kikiligin ako! He's my long time crush!
"Ha-ha-ha! Tapos na ang april fools, Tanji! Ano ka ba!" I tried to sound calm but damn hindi ko alam kung tagumpay ba.
"I know." Sabi n'ya at lumingon sa labas. So I'm right? I knew it. He's just fooling around. "But I'm not joking." Lingon n'ya pabalik sa akin.
Ilang minuto rin s'yang tumitig sa akin. Feeling ko nga ay mas tatagal pa iyon kung hindi lamang dumating sila Jaxon.
"Wew! Ang paalam sa changing room tapos nandito pala, humaharot! Susumbong kita kay Coach, Tanji!" Sabi ni Jaxon pag lapit n'ya sa amin.
"Wow, wow! Dream come true ba, sis?!" Asar naman sa'kin ni Kaizer.
Parehas ko silang sinamaan ng tingin. Panira ng moment. Pero salamat din sa kanila dahil nawala ang awkwardness sa atmosphere. Napansin kong may tao pa sa likod nila kaya sinilip ko 'yon. Akala ko ay si Troy ang kasama nila pero hindi pala.
"Oy, Razer! Na-estatwa ka d'yan! Samahan mo 'ko o-order tayo." Sambit ni Jaxon at hinila si Razer papuntang cashier.
Umupo si Kaizer sa isang bakanteng upuan. Wala bang klase ang mga 'to? Ako kasi hanggang mamaya wala na akong klase. Sinabi lang samin na ipasa sa faculty ang requirements. Nag simulang mag usap si Kaizer at Tanji habang ako ay nag patuloy sa pag babasa ng notes.
Minsan ay sinisilip ko sila at nahuhuling naka-tingin sa akin si Tanji kaya binabalik ko ang tingin ko sa notes. Tunay ba talaga 'yung sinabi n'ya? Liligawan n'ya talaga ako? Pero hindi ba kaka-break lang nila ni Kiana? Baka mag mukha akong ahas nito. Naku po.
"Oh, mga senyorito. Ito na mga order n'yo mga deputa kayo."
Natawa ako sa sinabi ni Jaxon kasabay nang pag lapag n'ya ng mga order nila sa lamesa. Umupo sa kaliwa ko si Razer at si Jaxon naman sa tabi ko.
"Ano ba 'yan, Sabriana! Mamaya ka na mag review! Join join ka muna sa usapan! 'To naman!" Sabi ni Jaxon at inagaw ang notebook ko.
Wala na akong nagawa kung hindi ang maki-sali sa kanila. Halos puro tawa lang kami dahil kalokohan ni Jaxon at Kaizer. Pinag uusapan nila mga lovelife at sinimulan nila sa pag-iintriga kay Kaizer.
"Sana all Hades ang tawag." Simula ni Jaxon.
"Sana all may Dex." Sunod ni Tanji.
"Seryoso ka ba sa tropa ko ha?" Singhal ko.
Agad tumingin sa akin si Kaizer. "Huh?! Bakit alam mo?!" Gulat n'yang tanong.
"Duh! Tropa ko nga diba! Ano nga?" Ulit ko.
Kumamot naman s'ya sa batok at na-mula ang pisngi. Ay nako, iba na 'to. "Syempre naman. Hindi naman ako tulad ng isa d'yan." Sabi nito at tumingin kay Tanji.
"Ulol." Sagot ni Tanji at nag tawanan sila.
Umiling nalang ako. Nag paalam na rin sila dahil may training pa sila. Training match ulit. Boys versus girls. I badly want to join but Coach declined me. Kakagaling ko lang daw sa sakit. Kaya no choice kung hindi ang manood lang ako.
Naunang lumabas si Jaxon at Kaizer dahil nakita ni Kaizer si Kairene na dumaan. Ayun, hinabol at dinamay si Jaxon. Natira sa loob si Tanji at Razer.
Heto nanaman 'yung feeling na parang nag papatayan sila sa mga titig. Ano ba 'to? May mental war bang nagaganap sa dalawang 'to?
"Manonood ka, Yana?"
"You'll watch, Sab?"
Parehas ko silang tiningnan dahil sabay silang nag salita. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanila dahil hindi ko alam kung sino ang sasagutin.
"Uh.. yes." Sagot ko nalang at tinago ang notes sa bag.
Tumayo ako at inayos ang skirt ko. Hindi kasi ako nag palit ng pang P.E. dahil tinatamad ako. Mukhang walang balak mag salita sa kanila kaya tumalikod nalang ako at nag desisyon na mauna sa pag labas.
Pero hindi ko rin nagawa.
"Sabay na tayo."
"Let's go."
Napa-sapo ako sa noo. Ano ba talagang nang yayari rito? Nilingon ko sila at tinaasan ng kilay.
"Syempre, sabay talaga tayo dahil iisa lang ang pupuntahan natin." I answered at nauna na lumabas.
'Tong dalawang 'to parang ewan. Pinag aagawan nyo ba ako? Hays, ganda things nga naman. Char!
Medyo sanay na rin ako sa mga ganitong senaryo dahil sa dami nang nakikita kong ganito sa team namin. Since first year ka-team ko na sila. Isa ako sa mga seniors sa team namin. I was about to be the captain but I refused dahil alam kong mas deserve ni Ella 'yun.
Ella is a great leader. She may be bossy sometimes but she knows how to encourage one of us kapag nagkaka-mali kami. She has some leader thing that I don't have.
And one more thing, I'm a libero. Liberos can't be a captain.
Naka-rating ako sa club room at binati naman agad nila ako. Ella and Trix even gave me a hug after entering the club.
"Are you feeling well na ba?" Tanong ni Ella.
"Oo—"
"Hindi pa rin pwede sumali ngayon!"
Inirapan ko si Trixie at sinamaan ng tingin. "Hindi naman ako mag lalaro e! Manonood lang!" Sabi ko at umupo sa tabi ni Coach.
Narinig ko pang tinawanan ni Ella si Trix bago sila pumwesto. Mag s-serve palang si Maxine nang mag-ring ang phone ko kaya lumabas ako para sagutin 'yon.
It's Mom.
"What?" Walang ganang sagot ko.
"Wala kang klase, right? Fix yourself. You have a date at 3pm."
My eyes widened when I heard what she said. "Akala ko ba sa Sunday pa?" I sounded annoyed.
"No more questions." Sagot n'ya. "Behave yourself. Sa'yo naka-salalay ang kumpanya. Be useful, Gabrielle." And she ended the call.
Huminga ako ng malalim saka tinago ang phone ko at bumalik sa loob. Lumapit ako kay Coach at bumulong para mag paalam. After ko mag paalam ay chineer ko muna ang nag lalaro bago lumabas. As expected, nasa labas na ng main gate ang driver namin.
Mag-aaral na talaga ako mag commute.
"Young Bria-"
I sighed. "Let's just go po." Sagot ko. Syempre may galang pa rin ako. Hindi naman nila kasalanan ang kasalanan ni Mommy para kainisan ko rin sila.
Pumasok ako sa loob ng kotse at tumingin sa bintana. Sigh. Ganito na ba talaga? Wala na talagang atrasan? I can't say no because my Dad's company is leaning on me. Ang kumpanyang pinag hirapan n'yang palaguin. Ang kumpanyang sinayang ni Mommy.
I closed my fist to keep the anger inside me. How could she do that to Dad? He gave her a beautiful life! He was faithful to her! He gave his all to her!
"Young Bria, narito na po tayo."
Napa-balik ako sa huwisyo nang mag salita ang driver. Lumabas ako dala ang gamit ko at lumapit sa may driver's seat.
"Wait me here. H'wag na po kayong sumunod." Sambit ko at nag lakad na papasok.
I did a quick bath before wearing something casual. I tied my hair up at ibinaba ang long bangs ko. Mabilis lang ako kaya naka-balik agad ako sa sasakyan.
Nang mag maneho ulit ang driver, I asked him kung alam ba n'ya ang lugar dahil walang nabanggit sa akin si Mommy.
"Yes po. Sa five star restaurant po ng Heath." Sagot n'ya.
Tumango nalang ako. Alam ko na. Doon kami palagi kumakain nila Daddy dati. Noong buo pa kami.
Wala pang isang oras ay naka-rating agad kami. Pa-baba na sana ako nang mag salita ang driver namin.
"Ah, young Bria, sabihin n'yo lang daw po sa front desk na 'reserved by a Dela Vega'. Alam na raw po nila 'yun."
Tumango ako at bumaba na. I fixed myself before entering and going to the front desk. I was welcomed by a lovely woman. She looks older than me so I bowed.
"Reserved by a Dela Vega." I said.
Nag tingin s'ya sa isang fancy notebook at tinawag ang isang lalaki na nag tatrabaho roon. The guy escorted me to the table and I was shocked to see a man sitting there. Not just a man. A man that I knew.
"What are you doing—"
"So you're my future fiancé, huh?"
:D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top