08
RIVALRY
"Ay jusko!"
Nagising ako dahil biglang gumalaw ang pinag sa-sandalan ko. Pero nag taka ako nang hindi ako natumba. Nakita ko si Razer na napa-higa but he used his arms to support me and prevent me from falling.
"Anong ginagawa nyo rito— jusko, Yana. You're burning!" Naramdaman kong may humawak sa leeg ko.
Napa-tingin ako sa Manager namin at tumingin ako sa orasan. Umaga na pala. Naka tulog pala kami ni.. Razer.
Kahit masakit ang katawan ay pinilit kong tumayo. Si Razer ay tumayo rin. He put his arms around my waist to support me dahil pagewang-gewang pa ako. Agad lumapit sa akin ang Manager namin at hinawakan ako.
"Ang taas ng lagnat mo. Halika, dadalhin kita sa clinic. Hay nako." Sunod sunod nitong sambit at inalis ang kamay ni Razer sa akin.
Hindi ko na napansin ang nangyari dahil sobrang sakit ng ulo ko at pinipilit kong gumalaw ng ayos. Halos ilang minuto rin kami nag lakad bago kami naka-rating sa clinic 1. Ang pinaka malapit na clinic sa volleyball club.
"Oh, ang aga naman ng batang ito sa clinic. Bakit ka pa pumasok, hija? Ang taas ng lagnat mo." Sabi sa akin ni Ms. Lanie. Ang school nurse ng clinic 1.
Hindi nalang ako sumagot. Pina-higa n'ya ako sa kama sa resting area sa loob ng clinic 1. Umalis s'ya dahil kukuhanan daw n'ya ako ng pagkain sa cafeteria para maka-kain muna ako bago uminom ng gamot. Um-oo nalang ako at nag balot ng kumot.
Bakit ba ako nilagnat? What did I do? Hindi naman ako na-ulanan dahil wala pa namang ulan. Maybe because of the heat? Sobrang init na kasi tapos minsan lang ako uminom. Then pinagod ko pa sarili ko sa training.
Narinig kong bumukas ang pinto kaya tumayo ako. Akala ko ay si Ms. Lanie 'yon pero nagulat ako nang makita ko si Razer na may bitbit na plastic bag. Mukha s'yang galing sa takbo. His hair is messy and his sweat were all over his face.
He took out his handkerchief at pinunas 'yon sa mukha n'ya bago muling i-tago. Lumapit ito sa akin at ipinatong ang plastic bag sa table sa tabi ng kama.
Lumapit ito sa akin at dinampi ang likod ng kamay n'ya sa noo 'ko. I stiffened when I felt his warm touch. I'm confused. Bakit s'ya nandito? Bakit hindi pa s'ya umuwi?
Concern ba s'ya?
"The Manager asked me to go here. Kakausapin daw n'ya tayo." Sabi nito like he's reading my thoughts.
Umupo s'ya sa upuan malapit sa hinihigaan ko. He looks like he wants to say something but he's stopping himself to talk.
"Say it." I urged.
He looked at me. Nag tataka kung anong tinutukoy ko. But then, hindi naman s'ya ganoon ka-slow at na-gets din ang sinabi ko. He let out a light sigh before talking.
"Are.. are you okay?"
That's it? 'Yon ang gusto n'yang sabihin? Bakit kailangan pang mag dalawang isip? Hay nako.
Umiling ako sa kan'ya. "No. I'm still sick." As you can see.
Tumango ito. Nabalot kami nang ka-tahimikan. Bumalik ako sa pagkaka-higa at nag balot muli ng kumot.
Bakit ang tagal ni Ms. Lanie? Jusko. At saka, bakit ba ganito nararamdaman 'ko? I feel awkwardness. Hindi naman ako ganito. Maybe because of what happened last night?
We fell asleep while he's hugging me. Tightly. Naka-balot ngayon ang mukha ko ng kumot. And I can feel my face heat up. Gosh. Anong nangyayari sa akin? Narinig ko ang pag bukas ng pinto kaya nag alis ako ng taklob sa mukha at halos hindi ako huminga sa bumungad sa akin.
Razer's face.. is just a few inches away from mine. He also looked shocked at napansin kong na-mula ang pisngi n'ya. Nang maka-recover ay agad din n'yang ni-layo ang mukha n'ya sa akin. Tumikhim s'ya bago muling umupo.
"I was just.. I was just checking kung—"
"Sorry, I took so long."
Sabay kaming napa-tingin kay Ms. Lanie na may dala-dalang tray ng pagkain. Lumapit ito sa akin kaya binaba ko sa dibdib ang kumot saka umupo at sumandal sa headboard. Kinuha n'ya 'yung table bed at inilagay doon ang pagkain na binili n'ya.
"Kumain ka muna para maka-inom ka ng gamot. Papunta raw dito mamaya ang Manager n'yo." Sabi n'ya at tiningnan kaming dalawa.
Nag paalam s'ya at bumalik sa office n'ya. Naiwan kaming dalawa ni Razer dito at nag simula na ako kumain. Habang kumakain, tahimik lang si Razer kaya napa-lingon ako sa kan'ya.
What's new? Sadya naman s'yang tahimik. Dumako ang tingin ko sa plastic bag na dala-dala n'ya pag dating n'ya rito. Inabot ko 'yon pero hindi ko ma-kaya dahil matatapon 'yung pagkain sa harap 'ko. Napansin n'ya siguro ang ginagawa ko kaya tumayo s'ya at lumapit.
"Can you.. get that?" Sabi 'ko sa kan'ya at tinuro 'yung plastic bag.
Kinuha n'ya 'yun at inabot sa akin. Kinuha ko 'yun at binuksan. My mouth formed an 'o' when I saw some cooked sausages and bottled milk.
Kinuha ko 'yun at binuksan 'yung sausages. Inilagay ko 'yun sa pagkain ko na dala ni Ms. Lanie, which is fried chicken, rice and soup. I also opened the bottled milk at nag simula kumain.
When I finished eating, nagulat ako nang kusang imisin ni Razer ang pinagkainan ko at itinabi 'yon. Pumunta rin si kay Ms. Lanie at bumalik sila parehas habang may dalang gamot at tubig.
"Drink this. Pagkatapos ay mag pahinga ka muna. May pwede bang sumundo sa iyo? Kailangan mong mag pahinga. O, okay lang sayo na rito ka muna?" Sabi ni Ms. Lanie at ibinigay sa akin ang gamot. "Though I suggest you to rest in your house dahil mas komportable roon kaysa rito."
I took my medicine before telling her na okay lang ako rito sa clinic. Wala naman kasing mag susundo sa akin at madadala ako sa condo. Si Trix at Kairene lang naman ang pwede pero alam kong busy sila dahil nga last week na ito and finals na next week.
Bumalik sa office n'ya si Ms. Lanie. Dumating din ang Manager namin at tinanong kami kung anong ginagawa namin sa club room. I told her the truth. That we got stuck last night dahil naka-idlip kami parehas. She believed us kasi may nakapag sabing may maingay daw kagabi na pinto. Which is 'yung hinahampas ni Razer kagabi.
Umalis din ang Manager. She told me na huwag muna ako mag training at mag-pagaling muna. Naiwan ulit kami ni Razer.
Nakita ko s'yang tumayo. Mukhang uuwi na ata. 'Yun lang naman kasi ang reason n'ya kaya s'ya narito dahil kakausapin kami ni Manager.
He was about to open the door when it was opened by another person mula sa labas. Ilang minuto rin s'yang naka-tayo 'yun kaya naisipan 'kong umusod pauna para makita kung sino 'yung nasa pinto.
I was shocked when I saw Tanji standing infront of Razer. I can feel the tension between them. Like, anytime maaari silang sumabog. What's up with them?
Nagulat ako when Tanji's eyes shifted to me. Dumaan s'ya sa gilid ni Razer. Hindi naka-takas sa paningin ko ang mahinang pag bangga ni Tanji sa balikat ni Razer.
Seriously? Magka-away ba ang dalawang 'to?
Lumapit si Tanji sa akin at nagulat ako nang idampi n'ya ang likod ng kamay n'ya sa noo ko, just like what Razer did earlier.
"Uminom ka na ng gamot?" Tanong n'ya.
Wala sa sariling tumango ako. Mas nagulat ako nang ilapit n'ya ang mukha n'ya sa akin. Para akong naestatwa. Napansin n'ya siguro ang reaction ko kaya lumayo s'ya habang tumatawa nang mahina.
Hindi pa ako nakaka-hinga nang ayos tapos bigla nalang lumapit si Razer sa akin. I saw how his jaw moved aggressively. Naka-hawak s'ya sa gilid ng kama habang naka-lapit ang mukha sa akin.
"W-What—"
"Sabi ni Ms. Lanie mas magandang mag pahinga ka sa inyo? Let's go." Sabi n'ya at marahan akong hinawakan sa kamay.
"Dude." Lapit bigla ni Tanji at hinawakan si Razer sa braso. "Where are you taking her?" Seryosong tanong nito.
"Home." Tanging sagot ni Razer.
"No—"
"Mas komportable s'ya sa kanila. Ano bang problema mo?" Razer cut him off.
Napa-gasp ako. Nag sasagutan ba sila? At ang cute ng accent ni Razer.
Tanji pursed his lips bago hinigpitan ang hawak kay Razer. "Ako ang mag uuwi sa kan'ya. I know her more than you do."
Razer looked at him with his bored facial expression. "Yeah, but do you know where she lives?" Tanong nito habang naka-taas ang kilay. "I guess your answer is no. Let's go, Sab."
Hindi ko alam pero I found myself following Razer. Tumayo ako at nag ayos ng sarili bago sumunod sa kan'ya palabas. I also want to go home para makapag palit ng damit, I just can't because Trix and Kai are both busy.
Sumakay ako sa kotse ni Razer. Sumakay din s'ya at nag simulang mag maneho. While he's driving, I can't help but to remember the scene they made in front of me kanina sa clinic.
Are they in some kind of a rivalry?
:D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top