04

Author's note: Sabriana Husmillo, Luxem University's volleyball girl LIBERO on the multimedia. Thank you for illustrating Sabriana, Chioushi ! Lovelots!





MOTHER


"Hoy! Sorry na nga e!"


Kanina pa ako hindi kinakausap ni Razer. Nasa loob kami ngayon ng kotse n'ya. Ihahatid n'ya ako sa condo 'ko. Halos malapit na rin kami at may signal na rin ang phone ko. Halos mag aalas-sais na rin.


FLASHBACK —


"H-Ha?" Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil nasa-shock pa rin 'yung sistema ko.


Hinila n'ya ako palayo dun sa lalaki at tumigil sa tapat ng isang kotse. Taka akong tumingin sa kan'ya. Wala ako maintindihan.


"You thought that was my car. Right?" Tanong n'ya at umiling-iling pa.


Muli kong tiningnan 'yung kotse na pinanggalingan ko at ang kotse na malapit sa amin ngayon. So.. mali ako ng pinasukan?


Lumapit s'ya sa akin kaya napa-atras ako ng kaunti. "You're lucky I saw you following me. You thought that that was my car. Kung hindi, baka kasama mo na si Lord ngayon." Sabi nito at pumasok sa kotse n'ya.


He sounded mad and disappointed.


Sino ba naman hindi magagalit? Kung siguro ako s'ya, magagalit din ako sa sarili ko. Ang tanga ng ginawa mo, Yana.


"What? You want to wait for that man to wake up and kill you?" He said, irritated.


Agad akong nag lakad papunta sa may passenger's seat at umupo ro'n. Nag simula s'ya mag maneho at hindi s'ya nagsasalita.


"Sorry.." It was almost a whisper.


He sighed. "Why are you always following me?"


Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sasabihin ko ba ang totoo o hindi? Kasi kung oo, ang creepy ng dating ko! Mag mumukha pa akong chismosa! Kung hindi naman, I will be lying!


"Who's Agatha?"


Huli na nang marealize ko ang bagong katangahan na nagawa ko. My gosh, now I'm embarrassed.


His brows furrowed. "You're not just a stalker, you're also an eavesdropper, huh?" He said in a monotone.


Umiling agad ako. "It was an accident!" I truthfully said. Totoo naman, hindi ko sinasadya na makinig. It just happened that he's close to me and he's talking so loud.


Hindi na s'ya nag salita. Kanina pa ako sorry nang sorry pero wala akong natatanggap na respond sa kan'ya. He spoke but he just asked kung saan ako iba-baba. I told him my address at pagka-tapos noon ay hindi na n'ya ulit ako kinausap.





Tumigil ang kotse kaya tumingin ako sa labas. Nasa tapat na kami nang building kung nasaan ang condo ko. Huminga ako nang malalim at lumingon kay Razer.


"What?" He coldly asked.


I held my hand at nilaro ang mga daliri ko. "A-Ano.. sorry.. and thank you.." Nahihiya kong sagot sa kan'ya.


Hindi ko alam kung anong ire-react. Kasi first of all, ka-tangahan ko talaga ang dahilan kaya naging ganito ang sitwasyon ngayon. Gosh.


Tumango lang s'ya and I guess it's my time to go out of his car. Lumabas ako ng kotse n'ya at nang isara ko 'yon ay umandar na ka-agad 'yon paalis.


Huminga ako nang malalim at saka pumasok sa loob ng building. Hanggang sa pag-pasok ko sa condo ko ay occupied ang utak ko. Sobrang nakaka-hiya ng ginawa ko.


"Hoy babaita! Sa'n ka nanggaling ha? Sinong nag hatid sa'yo?"


'Yan ang bungad sa akin ni Trixie nang buksan ko ang pinto ko dahil sa katok. Kumamot ako sa batok. "Ah.. eh.." hindi ko alam kung anong isasagot ko.


"Okay ka lang ba? Oo nga pala, kanina pa tumatawag si Tita Sharon sa akin. Hindi ka raw ma-contact. Sa'n ka ba kasi nanggaling?" Sabi nito a hinila ako pa-upo sa sofa.


Hindi ako naka-salita. Bakit naman tatawag si Mommy? May kailangan nanaman ba s'ya? Huminga ako nang malalim bago ko kinwento kay Trixie 'yung nangyari. Nang matapos ay binatukan n'ya ako.


As expected.


"Gaga ka talaga! Paano kung hindi ka napansin ni Razer? Ha? Nasaan ka na ngayon?" Kada tanong n'ya ay may hampas na kasama.


Ilang minuto rin n'ya ako sinermunan bago bumalik sa condo n'ya dahil gabi na. May reading pa s'ya. She's studying to be a lawyer kasi.


Umakyat ako sa kwarto at nag linis ng katawan. Nag palit din ako nang pang tulog bago kinuha ang phone ko. Ilang miss calls ni Mommy ang bumungad sa akin.


Huminga ako ng malalim bago siya tinawagan.


"Finally! What happened to you? Why aren't you answering my calls kanina?" Bungad n'ya.


"Just did something. What's up?" I tried to be casual.


"I just want to say that we'll be having a family dinner tomorrow. 7pm. Don't be late. Okay? Ipapa-sundo kita sa driver."


Umirap ako bago sumagot. "Okay. Is that it? I still have something to do."


"Yes. That's it, darling. Sleep early, okay? 'Wag ka na mag puyat. Love you."


I ended the call at humiga sa kama. Family dinner? I doubt. Siguro meron nanaman silang ia-announce or something. Ganoon naman lagi kapag nag di-dinner ako sa bahay kasama ang boyfriend n'yang— nevermind.


"Ano nanaman kaya ang gusto ng Nanay ko? Hay nako."


Pumikit nalang ako. Napagod din ako sa nangyari kanina. Bukas ay may training ulit kami. Normal training. I should sleep now. Hindi naman totoong may gagawin pa ako. Nababanas lang ako kapag kausap ko si Mommy.

Author's note: Hi! Short update for today. Hindi ko alam kung kailan ang next update ko since tomorrow ay start na ng student orientation namin then simulation tapos classes na. Magiging inactive muna ako. But I promise na kapag nag update ulit ako ay malaman. Ayun, thank you!

KJ


:D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top