03

TRUNK



"Hoy, Trixie! Bakit mo ako iniwan kanina?! Hindi man lang ako tinulungan, e, nasa lupa ako! Grabe ka! Fake friend!"


Binatukan ako ni Trixie dahil sa sinabi ko. Tumawa nalang ako at binatukan ko din s'ya.


"Syempe iniwan kita para mag-usap kayo ng Razer!" Pang-aasar n'ya.


Siniko ko lang s'ya. Siraulo. Wala naman akong gusto do'n. Ang gusto ko lang ay maging close kami. Friends gano'n.


"Ay shuta!" Napa-sigaw ako nang may naka-bangga nanaman sa akin. Jusko ano ba 'to?! International banggaan day ba ngayon?!


"Ay sorry!" Sabi nito at hinawakan ako sa waist para masuportahan. Shuta, si Tanji pala.


"Ehe okay leng.." Mahina at pabebe kong bulong. "I mean, okay lang!" Agad akong napa-tayo.


"Nako, mauuna na pala kami. Maiwan ka na namin, Yana ah?" Sambit ni Trixie at mukhang nag mamadali. Sumunod na rin si Kairene sa kaniya.


Pina-ningkitan ko sila ng mata. Mga walang hiya talaga. Alam kasi nilang matagal ko nang crush si Tanji. Mga tatlong taon na. Oh diba? Taray, loyal ako!


Kaso itong lalaking 'to, hindi ko alam kung manhid o wala talagang pakiramdam. Sa loob ng tatlong taon kong pag-papa-pansin, naka-ilang jowa pa rin s'ya, including Kiana na spiker namin. Isang buwan na silang mag-on ngayon.


Binitawan ako ni Tanji nang maka-tayo ako nang ayos. Napa-kamot ako sa ulo ko. "Hehe, sorry."


"Ako dapat mag sorry, haha. Okay ka lang ba?"


This may not be the first time na naka-usap ko s'ya, kinikilig pa rin ako! Pero stop na self, may girlfriend na. Okay? Kung ayaw mong mag mukhang kerengkeng na kabit, mag timo 'ka.


Tumango ako sa kan'ya.


"Okay lang. Bakit parang hindi mo ata kasama si Kiana?" Tanong ko at luminga-linga pa sa likod n'ya.


Napa-balik ang tingin ko sa kan'ya nang kumamot s'ya sa ulo at huminga ng malalim. "Okay ka lang ba?" Tanong ko.


"Iya. Watashitachiha wakareta."
(Nope. We broke up)


Sabi nito at umupo sa may railings ng halaman. Nasa tapat kami ngayon ng Luxemburg University Hospital.


"Huh? Sorry, hindi kasi ako hapones hehe." Sabi ko at tumabi lang sa kan'ya pero naka-tayo. Naka-uniform na kasi ako ngayon kaya hindi ako pwede umupo ng ganoon ka-baba.


Natawa s'ya bahagya. "I broke up with her." Sabi nito.


Hindi ko alam kung ako lang ba or wala akong napansing bahid ng regret sa tono n'ya. Hindi ko s'ya ma-gets. Kanina lang ang lungkot n'ya tapos ngayon parang.. parang wala lang sa kan'ya.


Mabait naman si Kiana. Sa mga taong gusto lang niya. Hindi ko nalang 'yan masyadong kinakausap kasi nga ayaw ko ng gulo. Baka bigla lang kami magka-sagutan, naku! Pero sa totoo lang, bully rin 'yan si Kiana e. Feeling high school. Feeling queen bee. Jusko.


Hindi ko nga alam kung bakit naging sila e. Tanji is a nice guy. A very nice guy. He's approachable. He's a boyfriend material. Basta nasa kan'ya na ata ang lahat.


Baka ginayuma ni Kiana?


Joke, joke lang.


Ngumiti ako sa kan'ya at ginulo ang buhok n'ya. "'Wag ka na malungkot. Hindi ko man alam ang bawat side ng story n'yo, alam kong nangyari 'yan because of some unknown reason. Kaya cheer up lang!" Sabi ko at bahagyang tumalon saka nag thumbs up sa kan'ya.


Ngumiti rin ito sa akin at tumayo kaya napa-tingala ako. Pakshet naman. Ang tatangkad talaga ng players sa volleyball boys. Maliban kay Jaxon.


"Sige, una na ako." Paalam n'ya. "Ikaw ba? Pauwi ka na?"


Umiling ako sa kan'ya. "May klase pa ako," sagot ko at nag simula na kaming mag lakad palayo sa isa't-isa. See you soon nalang ulit bebe. Hihi.


May klase ako ngayon kaya papunta ako sa Medical building. Nang maka-rating, pumasok agad ako sa klase ko. Buti nalang at wala pang Prof. Saktong pag upo ko ay pag pasok ng Professor namin.


We discussed some topics hanggang sa mag bell na. Mabilis kong inayos ang gamit ko para ilagay 'yon sa locker ko. I'm studying to be a psychiatrist. I'm a graduating student. Meaning last year ko na ito dito sa Luxemburg. It's sad though, after this, magkaka-hiwa-hiwalay na kami ng team mates ko at mga kaibigan sa boy's team.


Pero masaya rin ako kasi after my graduation, didiretso na ako sa med school.


Habang nag lalakad papunta sa locker area, napa-tigil ako nang makita ko si Razer na may kausap sa cellphone. I didn't mean to eavesdrop but he was talking so loud.


"How's Agatha? Oh. Did she ate already? That's good. I only have one subject and I'm free. I'll be there at five— alright. I'll go now. Bye."


Napa-tigil ako sa pag tingin sa kan'ya at humarap sa locker ko. Binuksan ko 'yon at inilagay ang mga gamit ko.


Who's Agatha? Girlfriend n'ya ba? Maybe. He seems really worried about her. Maybe they're in a relationship or something?


Why am I even thinking about that?


Nang matapos kong ilagay ang gamit ko, dumiretso ako sa open field dala-dala ang bola ko na pang volleyball. Palagi akong may dalang bola at iniiwan ko iyon sa locker para incase na closed ang club room, I can still play in the open field.


I practiced tossing the ball. Pwede rin naman kasi mag toss ang libero, though, mayroong line na kailangan hindi lampasan. Umupo ako sa damuhan. I made sure that my private part isn't exposed. Then I started tossing the ball.


I sighed. Nasaan ba si Trixie at Kairene? Baka may klase. Vacant ko na kasi ngayon. I could've go home kaso- huwag nalang. I'll just spend my one hour here at hintayin ko si Trixie para sumabay sa kan'ya. Nasa iisang building kasi ang condo namin ni Trixie. E, hindi naman ako maalam mag commute kaya palagi ako sumasabay sa kan'ya. Though, 'yung driver namin ay alam kong palaging naka-bantay sa akin kaya pag lalabas ako mag isa sa gate ay ihahatid agad ako sa bahay. At ayoko 'yun.


Nang manawa ako kaka-toss ng bola sa taas. Huminga ako ng malalim. Sana pala nag palit na ako ng P.E uniform para maka-higa ako rito. Tumayo nalang ako at bumalik sa locker area para ibalik 'yung bola ko. After non, pumunta ako sa girl's room para mag palit ng P.E jeans at white t-shirt.


Pumunta ako sa main gymnasium para mag ikot-ikot. Para akong baliw na naliligaw dito. Kasi naman, ang tagal matapos ng klase ni Trix at Kairene.


Halos walang tao sa gym kaya tahimik. Inikot ko lamang 'yun at agad din na-bored. Sa laki ng nitong Luxemburg, hindi ko pa rin gets kung bakit hindi nila nilagyan ng playground 'to. Ang boring tuloy!


"Si Razer 'yun ah." Bulong ko nang makita ko si Razer sa may entrance ng gym. May kausap ulit ata s'ya sa cellphone.


Nang binaba n'ya 'yon ay agad s'yang umalis. Ako naman itong si ewan na sinundan s'ya. Sinundan ko s'ya hanggang sa maka-rating kami sa parking ng University. Napansin kong tatalikod s'ya kaya nag tago agad ako sa pinaka malapit na mapag tataguan. Sinilip ko s'ya at lumayo s'ya sa kotse'ng bubuksan sana n'ya dahil may kausap ulit s'ya sa phone.


Na-curious ako kung anong gagawin n'ya kaya pumasok ako sa trunk ng kotse n'ya. Huli na nang ma-realize ko ang ka-tangahan na ginawa ko dahil naramdaman ko nang pumasok s'ya sa loob at nag simula mag maneho.


Putek, Sabriana! Anong ginawa mo?! Bakit ka pumasok?!


Mahina kong pinukpok ang ulo ko. Shuta, minsan talaga hindi ko alam kung nasa tamang pag-iisip pa ako e.


Siguro ba-baba nalang ako kapag tumigil s'ya at mag papasundo kay Trix. Hay nako. Halos ilang minuto na nang mapansin kong tumigil ang sasakyan. Naramdaman ko ang pag baba n'ya at nag hintay muna ako ng ilang minuto bago lumabas.


Habang tina-try ko lumabas ay nag darasal ako na sana ay hindi ako makita ni Razer. Dahil kapag nakita n'ya ako, bukod sa sobrang kahihiyan ang ma-aabot ko ay baka kasuhan pa ako nito ng stalking!


"Oh my gosh. Thank you Lord." I whispered nang makitang wala si Razer.


Nilibot ko ang paningin ko at medyo kinabahan dahil hindi ako pamilyar sa lugar na kinatatayuan ko. Agad kong kinapa ang phone ko at mag tatype na ng text kay Trixie nang makita kong walang signal. Pucha.


Tumingin ako sa tapat na bahay na pinag paparadahan ng kotseng pinasukan ko. Muli kong nilibot ang paningin ko sa paligid. Tama ba 'tong ginawa ko? Obviously, hindi. Paano ako uuwi nito?!


I gasped when I felt someone pulled me back. Agad akong tumalikod at nanlaki ang mata dahil hindi ko kilala ang lalaking humawak sa akin. Huhu, Lord ayoko pa po mamatay. Bata pa po ako. Gusto ko pa po maka-sali sA International plays.


"Akin na pera mo. 'Yang gamit mo, akin na!" Sigaw nito kaya nangangatal kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko.


Pero dahil hindi ako papayag na mamatay lang ng ganito, sinapak ko sa mukha 'yung lalaki. Hindi naman ma-ikakaila na mabigat ang kamay ko dahil kaka-training sa volleyball kaya napa-inda at napa-tigil 'yon sa sakit. I took the chance to run kaso hindi pa ako nakaka-layo ay nahawakan ako nito sa braso.


Marahas ko sanang tatanggalin ang kapit n'ya sa kamay ko nang maka-rinig ako ng malakas na sapak. Nilingon ko 'yon at nakitang naka-higa na sa kalsada 'yung lalaking humawak sa akin.


"Why the hell did you follow me?!"


:o

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top