01
COLD AS ICE
"Eh! Kairene kasi! Ayaw ko nga manood! Ang kulit naman e!"
"Heh! Shut up! Sa ayaw at sa gusto mo, manonood tayo. I-rereto kita sa mga basketball players!" Sagot n'ya sa akin.
Mukhang wala talaga akong takas dito kay Kairene. Hindi nalang ako pumalag at nag pahila na sa kan'ya. Naka-rating kami sa main gymnasium at umupo sa taas. Ewan ko ba rito sa babaeng 'to. Sabik na sabik akong bigyan ng lalaki. Para raw hindi na ako thirdwheel sa kanila ng jowa n'ya.
"Ayun oh! 'Yung Velasquez na taga Alvenor! Pogi oh!" Inalog ni Kairene 'yung balikat ko at tinuro 'yung pwesto ng Alvenor students.
"Huh? Asan? Hindi ko naman makita." Sabi ko. "'Yung number 9 ba?"
"Oo! May iba ka pa bang nakikitang Velasquez?!" Irap n'ya. "Ow em giiii! Apollooo! Go Luxem!" Malakas na sigaw ni Kairene.
Hindi pa nag sisimula 'yung laro pero kung maka-sigaw akala mo final round na. Jusko. Nabo-bored na ako. Hindi naman kasi ako mahilig manood ng basketball. I'm more on volleyball.
Nang mag simula ang game, umalis na ako. Ayaw ako paalisin ni Kairene kanina pero pinakita ko sa kan'ya 'yung text ni Coach. Nag text kasi si Coach sa amin na may meeting daw lahat ng volleyball players. Boys and girls. Buti na nga lang e, baka mamatay ako sa ka-inipan dun sa gymnasium.
Nang maka-rating sa club room, agad akong umupo sa tabi ni Trixie. 'Yung isa ko pang tropa na kasama ko sa volleyball.
Binati kami ni Coach at binati rin namin s'ya pabalik. Sinabi lang sa'min ni Coach kung kailan 'yung next training namin. After no'n ay pina-alis na rin kami. Aalis na sana ako nang hawakan ni Trixie ang balikat ko.
"Oy, bakit?"
"Nalaglag oh. Sa'yo ba 'to?" Sabi n'ya at binigay sa akin 'yung isang wallet.
Kinuha ko 'yun kahit alam kong hindi akin. Hindi naman ako mahilig gumamit ng wallet e. Binuksan ko 'yun at may nakita akong card. Volleyball card. 'Yun 'yung binibigay sa amin pagka-tapos namin makuha as players.
Razer Hernandez
10 - Setter
Volleyball boys. Luxem University.
Tiningnan 'ko 'yung itsura nung nasa picture, in fairness, gwapo s'ya. Pero ngayon ko lang 'to nakita. Baka bago. Hinanap ko s'ya sa paligid. Nang makita ko ay agad akong lumapit at kinulbit s'ya. Nagulat pa ako kasi nung lumingon s'ya ay akala ko kakainin n'ya ako.
"What?" Supladong tanong nito.
Inilahad ko sa kan'ya 'yung wallet n'ya. "Nalaglag mo. Sungit." Sagot ko pero bulong 'yung huli.
Kinuha n'ya lang 'yun sa kamay ko at saka ako muling tinalikuran at nag lakad pa-alis. Napa-singhal ako. Napaka-suplado naman no'n! Akala n'ya matatakot ako sa kan'ya? Hah! Dream on.
Madali ka pala mainis ha. Just wait kapag nag kita ulit tayo.
"Yana, let's go!"
Lumabas na ako ng club room at sumama kay Trixie. Nang maka-layo kami ay inalog ako nito. "Girl! You just spoke to the new hot guy in town!"
Huh? New hot guy in town? "'Yung supladong number 10?" Tanong ko.
"Oo, sis! Balita ko, galing daw 'yun sa New York. Weird nga e, lumipat kung kailan graduating." She shrugged. "How to be you!" Asar pa nito.
"Ganoon talaga pag maganda." Sabi ko at nag flip hair pa. "Pero seryoso, ang suplado. Tapos pag tiningnan ka, akala mo mag ye-yelo ka sa sobrang lamig!" Pag tawa ko.
"Ay wow may pag tingin na agad sa mata! Hahaha!" Tumawa rin s'ya. "Baka siya na ang way para matapos na ang pag i-ilusyon mo kay Tanji," halakhak pa niya.
"Loyal ako kay Tanji 'no! Saka sinong magkakagusto do'n? Ang sungit sungit!"
Nag hiwalay na kami ng daan ni Trixie. May kikitain pa kasi 'yon. Ako, dumiretso nalang ako sa cafeteria. Maka-kain nalang since nagugutom na rin ako.
"Sabriana!"
"Uy, Jaxon!" Masigla kong bati at tumakbo sa pwesto nila Jaxon. Sila Jaxon ay ang ka-batch ko na volleyball boys. Lahat kami ay magkaka-close na dahil halos buong college life ata namin nasa volleyball club kami.
"Bakit ka mag-isa? Hinuhunting mo nanaman si Tanji?" Pang-aasar ni Kaizer.
"Ulol! Busy lang 'yung iba kaya wala akong maka-sama. Kayo? Bakit parang dalawa lang kayo? Nasa'n si Tanji?" Tanong ko at luminga-linga pa.
"Ayiee, hinahanap nga si Tanji! Hwag ka mag alala hindi 'yon namba-babae." Mapang-asar na sagot ni Jaxon kaya binatukan ko s'ya.
"Nasa'n nga?" Hinawi ko pa si Jaxon at Kaizer at dumaan sa gitna nila pero tumama ako bigla sa ewan ko kung ano ba 'to.
Umatras ako at narinig ko ang pigil na tawa ni Jaxon. Tiningnan ko kung saan ako na-bangga at napa-atras lalo nang makitang sa dibdib pala ako na-bangga. Sa dibdib ni Razer.
Nakakainis. Ang tangkad n'ya kaya naka tingala ako ngayon. "Uy, ikaw pala 'yan!" Masigla kong sambit. "Hi, I'm Sabriana! Yana for short!" Pakilala ko.
Pero tinalikuran lang ako nito.
"Paktay, nanlalalaki na si Yana. Sumbong kita kay Tanji." Rinig kong sambit ni Kaizer sa likod ko.
"'Wag na 'tol. Mukha namang hindi papatulan ni Razer. Hindi ata na-patol 'yon sa minion. Hahahaha!" Singhal naman ni Jaxon kaya parehas ko silang sinapak sa t'yan.
Muli akong humarap sa direksyon ni Razer. Sungit talaga, ang yabang pa ng dating!
:D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top