CHAPTER 9:5
A/n: Enjoy reading everyone! <3
Vote. Comment.
______________________________________________
Continue...
Ginawa niya ang lahat ngunit dahil pagabi na rin ay hindi niya ma masyadong maaninag ang daan.
Sinadya niyang bumaba na lamang sa bike at naupo sa isang tabi. Pagod na rin siya sa kakapedal ng bike na iyon. Hinihingal at pinagpapawisan na siya. Dumagdag pa ang mga nangangagat na lamok sa kanyang paa.
Bakit ba kasi napakamalas niya ngayong araw na ito?
May naghahanap naman kaya sa kanya ngayon?
Bakit ba kasi palagi na lamang siyang nawawala sa kawalan?
This is crazy.
God help me!
Napasulyap siya sa makulimlim na kalangitan. Nakikiusap ang kanyang tingin doon.
Puwede bang huwag muna itong tumila?
Hindi niya alam pero tuluyan na palang tumulo ang luha sa kanyang pisngi.
"Help!" Napasigaw siya ng tuluyan ng bumuhos ang ulan. Kailangan niyang makahanap ng masisilungan.
Dahil sa takot napatakbo na siya kung saan.
Palinga linga siya. Palihim na humihiling na makakita ng masisilungan.
Basang basa na din siya ng ulan.
Cedrick asan ka na ba? I need you.
Napalunok siya ng madako siya sa malapit sa fish ponds. She remember na malapit na dito ang tree house ng fiancee. Pakiramdam niya natatandaan niya pa naman ang daan.
Kaagad siyang nagtungo sa daan papunta doon. Hindi na siya natatakot maligaw sapagkat alam niyang totoong naligaw na nga siya.
Hindi niya mapigilang mapahagulhol ng iyak sa tuwa na naramdaman ng makita nga ang isang tree house.
Dali dali siyang umakyat papunta sa taas. Maingat niyang binuksan ang pintuan sapagkat baka may tao doon.
Natuwa naman siya ng mapagtantong siya lamang ang nag-iisa doon.
Kaagad siyang pumasok sa loob. Nanlumo siya ng makitang walang sarado sa loob niyon. Wala naman sigurong papasok doon sapagkat kay Cedrick ito.
Nararamdaman niya na ang lamig na nanunuot sa loob ng kaniyang katawan. Sobrang lakas pa rin ng ulan sa labas. Sinubukan niyang maghanap ng kandila at posporo na magagamit o kung kahit anong ilaw kaya naman naglibot siya sa masikip na loob niyon.
Nagulat siya ng hindi sinasadyang mausog ng kaniyang paa ang isang harang at bumukas iyon. Napanganga siya ng mapagtantong parang banyo iyon. Hindi niya mapigilang mapangiti, sapagkat masuwerte pa din pala siya.
Kaagad niyang hinubad ang kanyang suot na mga damit at isinampay na lamang iyon sa sabitan na naroroon. Itinira niya ang kanyang undergarments sa katawan.
Napangiti siya ng maalalang may kumot at unan doon. Iyon na lamang ang susubukan niyang ipantapis sa katawan.
Hindi niya mapigilang maiyak sa kanyang kalagayan.
Asan na si kaya si Cedrick?
Bakit hindi pa din ito dumarating?
Natatakot na siya. Pakiramdam niya sobrang laki ng galit ng mundo sa kanya.
Nakaupo lamang siya sa gilid ng pintuan at nagpapahinga ng makarinig siya paparating na mga tao. Sa pagkataranta niya sa kalagayan, kaagad siyang napatakbo sa banyo niyon at nagkulong. Dali dali siyang nagbihis ng damit.
Manghihingi siya ng tulong!
Palabas na sana siya ng maananigan ang dalawang tao. Kaya naman nahiya siyang lumabas bigla.
Akala ko ba sa kanyang fiancee lang ang lugar na ito ngunit bakit may ibang tao ang napasok doon?
Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang dalawang tao na sabik na sabik sa isat-isa.
Napasalampak siya sa loob ng banyo at siniguradong hindi siya maririnig ng mga ito. Nanlalaki ang kanyang mga mata ng ranging mga pag-ungol ang kanyang naririnig sapagkat tumila na ang ulan.
Mahabaging langit bakit ganito?
Ugh!
Sino ba ang mga ito?
Sinadya niyang takpan ang kanyang dalawang tainga sapagkat hindi niya matiis ang ginagawa ng mga ito.
Hanggang sa nakatulugan niya na ang pagod at paghihintay na umalis ang mga ito.
Wala ng ingay sa labas ng magising siya.
Wala na ba ang mga ito?
Nagulat siya ng maananigan na naroroon pa rin ang mga ito.
Juicecolored naman! Doon pa natulog.
Mukhang natutulog naman ang mga ito kaya naman dali-dali siyang dumaan sa paanan ng mga ito at binuksan ang pintuan ng maingat para lumabas.
Paalis na siya ng biglang may nagsalita.
"Sino 'yan?" Tanong nito kaya naman dali-dali niyang isinarado ang pintuan sa pagkagulat.
Nagmamadali siyang bumaba sa tree house sa takot na mahuli ng kung sino mang pontio pilato iyon.
Kaagad siyang nagpatakbo-takbo sa madulas na daanan.
"Wait who are you?"
Stop please...
Hindi niya alam ngunit mukhang napapraning na yata siya sapagkat nabobosesan niya ang lalaki.
Kaagad siyang nagtago sa likod ng niyog ng makalayo.
Palihim niyang sinilip ang mukha ng anino ng isang lalaki. Hindi niya inaasahan na mamumukhaan iyon sapagkat maliwanag na ulit ang buwan.
Nakita niya ang mukha nito.
Naglalakad siya ngayon ng walang patutunguhan. Alam niyang nakalayo na rin siya sa tree house at nakita niya namang bumalik din ang lalaki kaagad sa tree house ng hindi na siya mahabol.
"Ate!" Hindi niya inaasahan na makita ang dalawang batang nang-iwan sa kanya sa hindi niya alam na rason.
Masama man ang loob sa mga ito ay kaagad iyong mapawi ng mapagtanto na hinanal rin pala siya ng mga ito.
Mangiyak-ngiyak ang mga ito ng makita siya.
"Ate we are sorry." Paghingi ni Angela ng tawad.
"Tara na baka hinahanap na tayo ng kuya niyo." Yaya ko sa kanila. Pinilit kong ngumiti kahit na Nanghihina na ako.
"Ate basa ka!" Pag-aalala pa nito.
"Wala 'yan tara na. Teka, nasabi niyo na ba sa kuya niyo?" Tanong niya sa mga ito.
Umiling naman ang dalawa.
"Hindi pa ate. We are sorry, pero sasabihin naman po talaga namin talaga after kang makita. Hindi pa kasi siya nakakauwi." Pagtatapat ni Angela. Ginulo niya ang buhok ng mga ito.
"Okay lang. Ganito na lang may hihingin akong pabor sa inyo." Pakiusap niya rito.
"Ano 'yon ate?" Si Carson.
"Huwag niyo na lang ipaalam sa kuya niyo ang nangyari kanina. Tutal naman wala namang nangyaring masama sa akin e." Pakikiusap niya sa mga ito dahil halata din namang natatakot ang mga ito sa maaaring nangyari Kapag nalaman ni Cedrick ang nangyari.
"Talaga ate?" Si Angela. Tinanguan niya lamang ito.
"Pasensya na ate. Heto kasi si Angela, sinubukan kong samahan ka dahil may importante lang akong gagawin sa mansion e ang kulit." Napapakamot sa ulo na komento nito.
"Okay lang 'yon." Anya sa mga ito.
Sumakay na sila sa kanya kanya nilang bike patungong mansion mismo. Umuwi siya na napakaraming laman ang kanyang isipan.
This is her worst day ever!
______________________________________________
A/n: READ. VOTE. COMMENT.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top