CHAPTER 9:4

A/n: READ. VOTE. COMMENT. SHARE

______________________________________________

Continuation

Umiling siya. Wala siyang gustong kainin.

"Sure ka babe? Babe, pupunta lang ako sa labas. May importante lang akong kailangang lakarin." Paliwanag nito sa kanya.

Mabilis naman siyang tumango rito. Well, halata namang importante iyon dahil bihis na bihis ito.

"Wala kang gustong ipabili?" Tanong nito na ikinangiti niya. Para niya ng naiimagine ang buhay kasama ito sa pang-araw araw.

Nag-isip naman siya.

A, naalala niyo 'yong pansit!

"Batil patong babe!" Excited na ulit siya. Naalala niya lang bigla na gusto niya nga pala ulit makakain niyon.

The best!

"Sure babe." Hinawakan siya nito sa mukha bago siya hinalikan sa kanyang bandang noo.

Kaya hindi niya magawang magtampo o magalit rito. Because he's the best on making her feel assured that at the end of the day everything will still perfect.

Kapag ito ang kasama niya, lahat nagiging perfect.

"Asan sila Princess?" Tanong nito sa kanya. Itinuro niya naman ang bandang hardin kaya kaagad naman itong nagtungo doon. Sumunod naman siya rito.

"Princess." Tawag nito kay Angela na kausap parin ni Carson.

"O k-kuya?" Gulat na tanong naman nito.

"Why don't you go sa planta at ipasyal niyo ang ate Chain niyo? May pupuntahan lang ako. Para naman malibang siya." Suhestiyon nito pero more on utos.

"Sige po. Tara ate?" Yaya nito sa kanya na ikinangiti niya lamang.

Well, this is different experience to be kaya naexcite siyang bigla. Makakasama niya this time ang dalawang kapatid ng nobyo.

There were bikes that they can use so they ride on it. Kanya kanya silang maneho ng bike ngayon. This is very memorable. Siguro mas masaya kung kasama din siya si Cedrick ngayon.

Ang ganda pala e.

"Ate, this is the part where they planted our flowers and take good care of it." Si Angela. Umaakto itong tour guide niya ngayon.

Tahimik lamang si Carson at tila malalim pa rin ang iniisip.

This is their Hacienda at sino may mas gugustuhin na lamang manatili.

"Ang laki naman pala talaga nitong Hacienda niyo." I commented.

"Hay! Naku ate, may mas malaki pa diyan. Actually, mas malaki ang Hacienda nila Ninong Emildo ko." Napahinto naman ito na napatingin kay Carson. Mukhang may nabanggit itong hindi dapat.

She can sense it.

Who's really that Don Emildo?

Sinusundan niya lamang ang mga ito. Hanggang sa makarating sila sa parteng may maraming nakatanim na niyog.

"Ka Tanyo, magandang hapon ho." Bati ni Carson rito.

"O Carson? Ikaw na pala 'yan hijo. Nagbakasyon ka rin pala?" Tanong ng matanda. Halatang natutuwa itong makita ang binata.

"Opo. Medyo matagal tagal na rin ho kasing hindi nakakauwi. Isa pa, long weekend naman po." Pagpapaliwanag nito.

"Ganun ba hijo. Abay, maganda kung ganun. Abay, sino naman ang kasama niyo hijo?" Nakangiting sambit nito.

"A, nobya ho ni kuya Cedrick." Paliwanag nito.

"Ganun ba, abay napakagandang bata. Bagay na bagay sila ng manong mo." Puri nito na ikinapula ng pisngi niya.

"Sige hijo. Ipagpapatuloy ko lang ang aking pinagkakaabalahan." Paalam nito.

"Sige ho." Paalam nito.

"Ganito na lang ate, dito muna tayo mas mabuti pang kumain muna tayo ng buko." Carson stop his bike and walks toward the coconut.

"Carson, huwag na baka mahulog ka." Kinakabahang puna niya rito.

"Aysus ate, sanay na sanay na 'yan." Si Angela. Napanganga siya. As in? So kung sanay ito, it means sobrang sanay na sanay na ang nobyo niya?

"Are you sure?" Hindi pa rin niya maialis na kabahan.

"Yes ate." Si Angela habang excited sa buko.

"Huwag kang mag-alala ate. Balak ko rin naman talaga 'to, namiss ko 'to." Si Carson. Naalala niyang malayo nga rin pala ito sa pamilya. Nagboboard ito sa Manila, malapit sa pinapasukan nitong paaralan.

Mga limang buko din ang hinulog nito bago ito bumaba. Mabuti na lamang at may mga trabahador naman silang nakita sa paligid. Nanghiram ang binata rito ng itak at binalatan iyon. Gumawa na rin ito ng panandok nila para hindi sila mahirapan.

Magaling!

Ang sarap nga ng buko.

Nam! Nam! Papainggitin niya ang nobyo mamaya. Bahala ito. Hahaha excited na siyang painggitin ito. Hindi na siya makapaghintay.

"Ang ganda naman dito." Nasisiyahang sambit niya.

Ang mga tao, ang paligid. Welcome na welcome.

Masaya palang magkaroon ng hacienda. 'Yong tipong may mundo ka sa loob at sa labas.

"Hehe naku ate, nakakasawa din kaya." Angal ni Angela. Sabagay, buong buhay nito ay nasa bahay-paaralan lamang ito. Hindi katulad ng mga kuya nito na sa ibang lugar na nag-aaral.

"Hayaan mo kapag nagkolehiyo ka na? Magsasawa ka din sa ingay." Sabi niya rito sa nakakatawang tono.

Binabantaan niya ito kaya hindi dapat ito maexcite.

"Parang exciting talaga e." Natutuwang sambit nito.

Nakatikim naman ito ng batok mula kay Carson.

"Siguraduhin mo munang pag-aaral ang atupagin mo Princess bago ang ibang mga bagay." Pagpapaalala nito sa kapatid na ikinatawa niya.

Kung may nakakatanda siguro siyang kapatid? Ganyan na ganyan rin siguro ang maririnig niya mula rito bago siya magkolehiyo.

Ganyan din kasi ang narinig ni Vivian na paalala sa kanya noon. Bago ito magkolehiyo.

Natapos na silang kumain ni Angela. Ang lagkit sa kamay, saan kaya puwedeng makapaghugas?

"Be, may gripo ba dito?" I asked her.

"Ay, wala ate. Bomba lang po, doon pa 'yon te." Turo nito sa unahan.

Kasalukuyan pang kumakain si Carson, inuubos nito ang natirang buko.

"Ganun ba, tara hugas tayo." Yaya niya rito na sinang-ayunan naman nito.

Naglakad nga sila papunta sa bomba.

Enjoy enjoy niya ang pagbobomba, it was her first time yet sobrang naenjoy niya.

Maya maya ay naging abala ito sa cellphone nito.

Natapos na siya ng bigla itong nataranta at nagsalita pagkatapos nitong kulikutin ang cellphone nito.

"A-ate, dito ka lang muna ha? Huwag ka po munang aalis dito. May pupuntahan lang ako saglit. Babalik po kaagad ako." Paalam nito na ikinataka niya.

Nalito siya sa sinabi nito.

Saan naman ito maaaring pumunta?

Seriously.

______________________________________________

A/n: Have you enjoy?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top