CHAPTER 9:3
A/n: READ. VOTE. COMMENT. SHARE
______________________________________________
Hawak hawak kasi nitong ang dalawang paa niya. Maya maya ay naisipan niya itong kilitiin sa leeg. Malakas nga pala ang kiliti nito sa leeg na kaagad niyang ginawa.
Tawang tawa siya ng makalaya mula dito.
This time, parang bata na silang naglalaro sa mismong pool nila. Sinasabuyan siya nito ng tubig habang gumaganti rin siya dito ng saboy.
"Babe, stop!" Hinihingal na sambit niya rito na tinawanan lang nito.
Sa huli natalo na naman siya.
Ang lalaking ito talaga!
Maya maya lumangoy ito papalapit sa kanya pero hindi niya ito pinansin. Nagpapacute naman itong humarap sa kanya pero nanatili siyang poker face.
"Ang sungit mo na naman." Pagpapaawa nito.
Napapout na lamang siya ng halikan siya nito.
Kitams. Para-paraan e. Palibhasa alam nitong hindi siya aangal basta sa halik.
Napalunok siya ng tumagal ang halik nito. Animuy pinapapak na ang kanyang labi. Maya maya ng magsawa ito ay nagpupumilit ng makapasok ang dila nito sa bibig niya na nagpahina sa kanyang mga tuhod.
Damn it. Ang sarap talaga nito humalik.
Hindi lang bibig ang pinaglalaruan nito kundi maging ang mga paru-paro sa tiyan niya.
Napahawak siya sa balikat nito para kumuha ng lakas doon sapagkat pinanghihinaan siya ng tuhod sa mga halik nito.
Maya maya ay huminto na rin ito habang tila pinagtatawanan pa siya.
"Do you like it?" Sinusubukan ba siya nitong akitin?
Nagpalingon-lingon siya sa paligid niya. Baka mamaya ay may tao pala doon, nakakahiya.
Ibinalik niya ang tingin dito na naghihintay ng sagot niya.
Tinatanong nga pala siya nito.
Natatawang umiling siya bilang kasagutan.
Ang landi talaga nito.
Kinilabutan siya ng mag-umpisa na naman siyang halikan nito. Mula sa bibig hanggang sa gumapang sa kanyang leeg na nagpapikit sa kanya.
Damn it.
Hindi niya mapigilang mapaungol ng gumapang ang kamay nito sa kanyang balikat papuntang bewang niya.
"Babe... Umm. Baka may makakita." Sambit niya habang nakapikit pa din at dinadama ang bawat halik at haplos nito sa kanyang katawan.
"Wala 'yan babe." Sambit nito habang patuloy din sa ginagawa.
Nanlaki ang kanyang mga mata ng maabot na ng kamay nito ang kanyang pang-upo. Napadilat siya at nakita niyang nagpipigil ito ng tawa sa kanyang reaksyon.
"Bastos ka!" Bulong niya rito sa nanggigigil na tono.
"I love you." Hindi nito pinansin ang sinabi niya rito.
Lumangoy na lamang ulit sila.
Hayss.
This is the best! Walang trabahong iniisip. Pahinga lang at nagpapakasaya.
Paniguradong hindi niya ito makakalimutan.
Pinagsawa nilang dalawa ang paglalangoy at pagrerelaxed sapagkat alam nilang bilang lang din iyon.
Being a doctor doesn't require too much time for yourself.
When you're a doctor, you rather chose to save a life than to spent your time for nothing.
Tinapos din nila ang pagbababad ng magyaya na itong umahon. Mas nauna siyang nakapagbanlaw kaysa dito kaya naman mas nauna siyang bumaba. Hindi niya na ito hinintay, nauna na siya sa paglabas ng kuwarto nito.
"Paano 'yan kuya, nalaman na daw ni Don Emildo na nandito si kuya Carson. Bibisitahin niya daw si kuya mamaya rito." Nasa gilid ng hardin ang mga ito at nag-uusap ng hindi niya sinasadyang marinig ang mga ito.
Who's Don Emildo?
Aalis na sana siya doon ng magpatuloy ang mga ito.
"Paniguradong may nakakita sa sasakyan ni kuya kanina sa bayan kaya naman nalaman kaagad nito." Anya ng binatang si Carson habang binubuo ang Rubik's na hawak nito.
"Halah! Kuya, paano na 'yan?" Kinakabahang tanong ng dalaga.
Napahinto naman ang lalaki mula sa paglalaro at napaisip.
"Honestly Princess, I don't know this damn whole thing. Hayaan na natin si Kuya kung ano man ang pinaplano niya. At saka, kailangan niya ng magdesisyon ng mabuti." Naiiling na sambit nito sa kapatid.
Napakagat siya ng labi, mukhang may inaalalang problema ang mga ito.
What could be it?
Ayaw niyang mag-over think kaya mas minabuti niya na lamang tumungo sa sala at maupo.
Hindi pa rin ito tapos maligo kaya naman mas minabuti niya na lamang mag tingin tingin ng mga pictures doon sa baba.
Ang cute ng mga ito ng bata pa sila.
Lima silang magkakapatid. Si Cedrick ang panganay habang si Angela ang nag-iisang babae at bunso. Itinuturi itong prinsesa at nag-iisang anghel sa buhay ng magkakapatid. Tatlo lang ang nandito sa pamamahay ng mga ito ngayon. Kulang pa ng dalawa.
She was busy watching the pictures when something caught her attention. Litrato iyon ng isang babae, ni Cedrick at ni Angela. They seem too close to each other. Hindi niya mapigilang mapalunok ng makita iyon.
She doesn't know but she suddenly felt so different inside.
Mas minabuti niyang bumalik na lamang ulit sa sofa at hintayin ang nobyo. But the picture seems a riddle to her that she can't just simply forget.
Napatayo siya ng nagmamadali itong bumaba mula sa hagdan. Bitbit nito ang susi ng kotse nito.
"Babe nagugutom ka ba? Mag-meryenda ka muna. Papahainan kita kila manang, anong gusto mo?" Tanong nito ng huminto ito sa harapan niya.
______________________________________________
A/n: READ. VOTE. COMMENT. SHARE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top