CHAPTER 9:2
A/n: Enjoy. Vote. Comment.
______________________________________________
Continuation
"Ang init babe. I can't sleep." Sambit nito. Hinayaan niya na lamang ito. Lihim siyang napalunok ng yakapin muli siya nito pagkahiga nito.
Nasa ganun lamang silang posisyon hanggang sa nakatulugan niya na rin.
Nagising siya ng maramdaman niya ang mumunting halik nito na itinatanim sa gilid ng kanyang leeg.
"B-babe." Sambit niya.
"You're awake." Puna nito. Idinilat niya ang mga mata at tinitigan ito ng masama.
Nakangiti naman ito. Nagpapacute sa kanya.
Akala niya tapos na ito sa kalokohan nito ngunit laking gulat niya ng halikan siya nito sa labi. Malalim. Mapusok. Nang-aarok.
"Oh." Napaungol siya ng bumaba ang halik nito sa kanyang leeg.
Napakagat labi siya ng pababa ng pababa ang halik nito.
This is the first time na lumagpas ito sa labi niya.
"Huh!" Hinihingal na huminto ito mula sa paghalik sa kanya.
"Let's end with that. Are you hungry?" Tanong nito sa kanya.
Napatitig siya rito bago tumango.
"Let's go." Sambit nito bago isinuot muli ang damit.
Bumaba na sila sa tree house pagkatapos nito iyong saraduhan.
Muli, nasilayan niya na naman ang kagandahan ng mga fish fonds ng mga ito.
Ng pauwi na sila, huminto ito saglit sa parte ng mga magagandang bulaklak at pumitas ito ng tatlong rosas na ikinatuwa niya.
"Thank you babe." Pasasalamat niya rito.
Pagdating nila sa bahay ng mga ito. Nagulat siya ng makita din si Carson doon.
"Ate Chain!" Nagulat din ito ng makita siya.
"Carson!" Hindi niya inaasahang nakauwi na rin pala ito.
"Ang daya. Kuya dapat sinabihan mo ako, para naman nakisabay na lang din ako sa inyo." Angal ng kapatid nito na napakamot.
"Naku Carson. Matutulog ka lang buong byahe. Matuto kang magcommute." Sambit nito sa kapatid.
Natamaan tuloy siya doon kaya naman tinitigan niya ito ng masama.
Mukhang nagets naman nito ang ibig niyang sabihin.
"Walang ibang puwedeng matulog sa byahe kapag ako ang nagdadrive kung hindi sina mama at papa, lalong lalo na si ate Chain niyo." Sabay kindat nito sa kanya.
"Woah! Ayon o." Kinikilig na sambit ni Angela. Nakaharap ito sa laptop nito at tila may inaasikaso.
Natawa na lamang siya sa pambobola nito.
"Tara kain na muna tayo." Yaya nito sa mga kapatid nito.
Hindi daw makakauwi ang parents nito dahil may inattendan itong seminar ng mga Doctors.
"Ate Chain, ang ganda ganda mo. Paano mo nagustuhan si kuya?" Pang-aasar ni Angela sa kuya nito.
Mukhang magkakampi ito at si Carson.
Natawa naman siya sa pagbibiro ng mga ito.
"Hindi naman kasi mahirap mahalin ang kuya Carson niyo." Sabi niya sa mga ito na ikinakilig lalo ni Angela.
Naiiling na lamang si Carson sa kanila.
"Babe... huwag ka ng mahiyang sabihing guwapong guwapo ka din sa akin." Mahanging hirit pa nito na tinawanan lang nila.
Itong lalaki na 'to.
Piningot niya nga ito sa ilong nito. Namumuro na e. Sobrang yabang.
Pftttt.
Nagpout pa ang loko.
"Para kang bata kuya." Puna rito ni Angela na tinawanan lamang niya.
Naiiling naman si Carson sa inakto nito.
"Hayss. Sige ate Chain, magpahinga lang po ako. Jetlag." Paalam nito.
"Hindi ka na kakain?" I asked him. Kakain pa lang kami, tapos na ba ito?
Akala niya kadarating lang nito.
"Busog pa ako ate." Sagot nito na tinanguan niya lamang.
"Hay naku ate, napakaraming baon niyang pagkain sa bag niya kanina. Paniguradong puro kain tulog lang ginawa niyan sa byahe." Paliwanag ni Angela in a harsh tone na ikinatawa niya na lamang.
"Babe... kain na tayo." Yaya ng nobyo niya sa kanya.
Ramdam niya na rin naman ang pagkagutom kaya sumunod na siya rito sa kusina.
"Halika na Angela, kain na muna tayo." Yaya niya sa bunso ng mga ito.
Tumayo naman ito at sumunod sa kanila.
Tuwang tuwa siya ng napakalaking bangus, hipon at crab ang inihain sa lamesa. Naglaway tuloy siyang bigla. Halatang preskong presko iyon.
Sarap na sarap siya sa pagkain.
Naalala niya si Vivian, panigurado kung nandito iyon at makikita ang ulam, paniguradong matatakam iyon.
Paborito pa naman nito ang mga street foods.
"Kumusta ang pag-aaral mo Angela?" Tanong ng kanyang nobyo sa kapatid nito.
"Okay naman kuya." Simpleng sagot nito.
Tapos na silang kumain, nakatambay sila ngayon sa sala at nanood ng TV dalawa.
"Anong oras pa makakauwi sila tita babe?" I asked him.
"Mga hapon pa babe. Why?" Tanong nito.
"Wala naman." Simpleng sagot niya rito.
"Are you bored?" Sa kanya na ito nakatingin ngayon.
Napakamot siya ng ulo bago tumango.
"Let's go swimming in the pool." Yaya nito.
Napaisip siya.
"Are you sure?" Tanong niya sa rito kasi nga biglaan.
Tumango naman ito habang nakatitig lang sa kanya.
"Yayain mo si Angela." Utos niya rito.
Napakamot naman ito.
"O?" Nagtatakang tanong niya rito.
"Let's go swimming, just two of us. Okay? I want to have you alone." Sambit nito.
Ha? Ano daw?
Hindi niya mapigilang matawa sa kakornihan nito.
"Para kang baliw." Puna niya rito bago itinuon ang pansin sa TV.
"I'm crazy for you Doctor Chain." Bulong nito sa gilid ng leeg niya. Takte, nakikiliti siya pero iisnabin niya muna ito.
Malay mo sumuko. Hahaha.
Nagkunwari siyang tutok sa pinapanood kahit na patalastas lang naman iyon.
Kaya naman napatili siya ng bigla siya nitong buhatin.
"Cedrick!" Nabibiglang sambit niya.
"Shhh." Bulong nito sa kanya.
Hindi niya masyadong tanda pero mukhang patungo sila sa pool. So tino-totoo talaga nito?
Damn it babe!
"Wait." Sambit nito ng makarating sila sa mismong pool. Ibinaba siya nito.
Naghubad muna ito ng T-shirt nito.
______________________________________________
A/n: Hayss! <3 Hope you all the best couple!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top