CHAPTER 9:1'A
A/n: Ngayon ko lang ulit nasipagan i-update.
Don't forget to vote and write your comment.
______________________________________________
~Hacienda~
Chain's POV
Bumabalik na naman ang malakas na pagbundol ng kaba sa puso ko.
Damn it. Mukhang mahihimatay pa yata ako bago ko makilala ng tuluyan ang mga magulang ni Cedrick.
I don't know why.
Dahil nasa second floor sila. Inalalayan siyang bumaba ni Cedrick sa hagdan. Nakaalalay ang kamay nito sa bewang niya.
Huminto ang kanyang mata sa magulang nito na napahinto sa pagtatawanan ng makita sila.
Lord help me!
Pagtapak nila sa pinakahuling baitang sinubukan niyang kalmahin ang sarili.
"Hijo!" Anya ng ina nito. Alam niyang ina nito iyon dahil ipinakita na nito noon ang litrato ng ina nito sa kanya.
"Mom!" Lumapit ang ginang rito at niyakap ito ng mahigpit. Huminto ang mga mata nito sa kanya ng matapos ang halik nito.
"She's Chain?" Umpisa ng magulang nito.
Nanlaki ang kanyang mga mata ng alam nito ang pangalan niya. She guess, naikuwento na siya nito sa ginang.
"Opo." Nakangiting sambit nito.
"Hello po. Nice meeting you." Nakangiting pakikilala niya sa mga ito.
Napalingon siya kay Cedrick para manghingi ng tulong. Ramdam niyang nasa kanya lahat ng atensyon ng mga ito.
God!
"Hija! Welcome to our home!" Biglang lumiwanag ang mukha nito at niyakap siya.
Naoverwhelmed siya sa reaksyon nito.
Pakiramdam niya napakawelcome niya at napakaimportante niyang tao.
"Dad, my fiancee. She's Chain." Pakilala nito sa kanya sa ama nito na tumayo na rin.
"Welcome hija." Nakangiting sambit nito.
Kahit na may edad na ang matanda mahahalatang dito nagmana si Cedrick.
Hindi maikakailang napakaguwapo din nito ng kabataan nito at pinaghahabol ng kababaihan.
"Kuya!" Tili ng bagong dating na dalaga. Mukhang kasing edad ito ng kanyang kapatid.
Napahinto ang mga tingin nito sa kanya at napanganga.
"What? She's your fiancee?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"Yes." Nakangiting sambit nito bago siya hinila palapit sa kanya at hinawakan ang bewang ko.
"Babe... she's my little sis, Angela. Remember?" Tanong nito sa kanya.
Napatango naman siya.
Yeah right. She remember. He told me that it was her, the heartthrob in their place. Napakaraming manliligaw ngunit napakapihikan.
Simpleng ngiti ang ibinigay nito sa kanya.
"Hello ate Chain!" Sambit nito na ikinangiti niya.
"Hi!" Bati niya rito.
Nahihiya naman itong lumapit sa kanya at nakipagbeso.
Ipinaupo siya ni Cedrick sa sofa.
Pakiramdam niya, nasa hot seat siya ng biglaang sumeryoso ang topic.
"Mga anak, nakapagplano na ba kayo kung kailan ang kasal?" Tanong ng ina nito.
Actually wala pa kaya naman napalingon siya kay Cedrick. Bahala na ito magdesisyon.
Tutal naman December 12 na ngayon, mas maganda siguro kung sa mga January na gaya ng iniisip nilang dalawa.
"Sa January siguro ma." Sagot nito habang inakbayan siya.
Napatangu-tango naman ang ginang.
"O siya! Sa pamamanhikan na lang pag-usapan ang lahat. Basta pag-isip isipan niyo na lamang kaagad mga anak." Sambit ng ina nito.
Napangiti siya bago tumango. Mahahalata mong napakabait nito.
Napakarami pa nilang napag-usapan hanggang sa niyaya siya ng nobyong mamasyal sa fish fonds ng mga ito. Excited naman siyang tumango sa suhestiyon nito.
Busy ang kapatid nito sa requirements nito kaya naman silang dalawa lang ang nakapamasyal.
Parang napakasarap mabuhay sa hacienda ng mga ito.
Dinrive nito ang pick-up doon dahil medyo malayo pa daw ang fish fonds ng mga ito. Nakatanaw lamang siya sa mga nadadaanang magagandang tanawin. Gaya ng mga taniman ng mga bulaklak doon.
Totoo ngang malayo-layong lakaran din kung sakali.
Excited siyang bumaba mula sa sasakyan ng marating na nila ang tungo.
May mga trabahador doon na nagpapahinga.
"Seryorito!" Bati rito ng isa sa trabahador doon.
"O manong Raul!" Bati nito sa trabahador na bumati rito.
Tumango lamang ito sa ibang trabahador doon.
Naglakad sila ng lalaki sa gilid ng fishfonds. Bitbit nito ang mga feeds na paunti-unti nitong hinahaboy sa tubig.
Namangha siya ng napakaraming bangus ang lumangoy at nag-uunahan sa pagkain. Sa pagkatuwa, kumuha din siya dito at hinaboy din iyon. Napakaming fish fonds pa ang dinaanan nila na may ibat-ibang isda.
Malayo-layo na rin ang nararating nila ng marating nila ang isang tree house.
Namamanghang napatingala siya doon.
"Tara babe." Yaya nito sa kanya.
Pinauna siya nito ng akyat hanggang sa marating nga nila iyon.
Simpleng tree house lamang iyon ngunit may napakalaking pad lock pa na ikinamangha niya.
"Kanino tree house to babe?" I asked him.
"Sa akin babe. Ginawa ko ito noong 15 years old pa lamang ako." Sambit nito na ikinamangha niya.
Well, expected na may tumulong nga sa kanya ngunit hindi maiaalis na ito ang may ideyang gawin iyon.
Nagulat siya ng pagpasok nila ay may lamang bumulaga doon at kagamitan sa pagtulog.
Imagine a certain tree house kung saan mukhang bulok mula sa labas ngunit napakalinis kapag pasok mo sa loob?
Sementado pa ang looban niyon. Hindi niya alam kung paano nito iyon nagawa.
Binuksan nito ang bintana.
At pinagpagan ang kutson. Kumuha ito ng bagong sapin sa isang maliit na kabinet at pinalitan iyon.
May maliit pa na elecricfan doon na chargeable.
Nagulat siya ng umandar iyon. Hindi naman palaobat.
"Dito na muna tayo, magpahinga saglit." Sambit nito bago nahiga. Tinitigan siya nito.
"Ikaw babe? Wala kang balak mahiga?" Tanong nito.
Umiling siya. Medyo maliit ang kama. Masisiksik lamang siya dito.
Nagulat siya ng tumayo ito at hilahin siya pahiga doon.
"C-cedrick." Nauutal na sambit niya pero huli na dahil nahila na siya nito kasunod ng pagkulong nito sa kanya sa bisig nito.
"Namiss kita." Sambit nito sa gilid ng tainga niya.
Hindi siya umimik. Hinayaan niya na lamang ito sa ganung posisyon nila. Alam niyang kulang pa rin ang tulog nito tapos pinilit pa nitong mamasyal kasama niya.
Maya maya ay gumalaw ito at umupo.
"O?" I asked him.
Nanlaki ang mga mata niya ng hubarin nito ang suot nitong T-shirt.
~END~
______________________________________________
A/n: HIT THE STAR TO VOTE. COMMENT.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top