CHAPTER 8:5
A/n: Spacing? My talent. Hahahaha.
______________________________________________
"No way! Highway!" Maarteng sambit nito.
Kumaway siya sa mga ito ng pinaandar na ni Cedrick ang sasakyan.
"Mag-iingat kayo." Paalam ulit ng kaniyang ina.
"Opo." Sambit niya rito.
"Tumawag ka ate ha?" Sambit ni Vivian na ikinatango niya lamang.
18 hours daw ang byahe kaya naman pakiramdam ko sobrang mapapagod talaga siya.
Habang nasa byahe nagpatugtog ako. Nagpaalam ako sa kanya na matutulog muna ako.
Mga alas 8 kami kanina umalis.
Bale mga dalawang oras din pala akong nakatulog, wala kasi akong tulog kagabi.
"O babe. Gising ka na. Nagstop by tayo kanina. May pizza diyan sa likod." Kinuha niya naman ang pizza. Napalingon siya rito ng makitang mainit pa iyon at walang bawas.
Kumuha siya ng isa at sinabihan itong magfocus lang sa pagdadrive.
'Babe o." Sinubuan niya ito.
Kumagat naman ito.
"Hindi ka pa ba gutom?" I asked him.
Kanina pa siya nagdadrive.
"Medyo." He answered.
Sinubuan niya ulit ito.
Pagkatapos niya itong pakagatin, siya naman ang kakagat ulit.
Share share lang.
Wala siyang kuwenta pagkatapos niyang kumain, natulog na naman siya.
Paniguradong napapagod na ito. Siya nga na nakaupo lang napapagod ito pa kaya?
Alas syete na ng gabi. Nasa tuguegarao na sila.
"Babe... Hanap ka muna ng matutulugan na hotel. Para makapagpahinga ka." Utos niya rito.
"Hindi na babe. Kaya ko naman. Sayang 'din ang oras." Sambit nito na ikinatango niya.
Bale bumili lang sila ng pansit sa isang sikat na restaurant at ipinatake out iyon.
Infairness, ang sarap nga ng pansit ng Cagayan.
Pagkatapos, natulog na naman siya hanggang sa magising siya, nasa Sta. Teresita na sila.
Hindi man lang ito inantok.
Well, Doctor e. Sanay na sanay.
Alas onse na pala ng gabi.
"Babe." Hinalikan siya nito sa labi ng magising siya.
Anubayan, hindi pa naman siya nakapagtootbrush. Nakakahiya.
"After four hours. Makakarating na din tayo sa amin." Sambit nito na ikinatango niya.
Sobrang tahimik sa daanan at probinsiyang probinsiya na.
"You knew what babe. Napakaganda ng tanawin kapag ganitong joyride dito." Nakangiting sambit nito.
Pinilit niya namang aninagin ang tinutukoy nitong view pero hindi niya masyadong makita ang lugar dahil nga gabi.
Hindi na siya nakatulog.
Hanggang sa nakarating na sila. Napakalaking gate ang sumalubong sa kanila.
Hacienda ng mga ito.
"Uyy! Sir." Bati ng guard rito bago binuksan ang kanilang gate.
Masyadong bongga. Hindi niya ito iniexpect.
Sinalubong sila ng mayordoma nito na mumukat mukat.
"Hijo! Kumusta?" Nakangiting salubong dito ng matanda.
"Okay lang po." Niyakap nito iyon.
"Ito ba ang iyong fiancee iho? Abay napakagandang bata." Puri nito sa kanya na ikinangiti niya.
"Hello po." Bati niya rito.
Tumango lamang ito.
"Nay, tulog na ho ba sila mama?" Tanong nito.
"Ay, oo hijo e. Hindi na nakapaghintay. Pagod din kasi ang mga iyon." Paliwanag nito na ikinatango lamang ng lalaki.
Ipinaghain sila nito para makakain.
Naaawa siya sa boyfriend. Alam niyang pagod na pagod na ito at kakain lang para makatulog na.
Pagkatapos nilang kumain ay hinila na siya nito sa kuwarto daw nito.
Napakalaki ng kuwarto nito at napakaraming medals and certificate na nakasabit doon.
Mga trophies na nagsusumigaw kung gaano ito kagaling.
Dark ang kulay ng room nito. Mahilig din kasi ito sa dark blue.
Saan siya matutulog?
Nagulat siya ng hilain siya nito sa kama nito at ikulong siya sa dibdib nito.
"Matulog na tayo babe. Goodnyt." Sambit nito na ikinatango niya lamang. Hinalikan siya nito sa labi niya.
Mabilis lamang iyon.
Maya maya rin ay nakatulog na ito.
Alas dos na rin kanina ng dumating sila at magpapaalas kuwatro na ngayon.
Ilang oras na lang mag-uumaga na rin.
Umusog siya ng kaunti kapagdako at pinagmasdan ito habang natutulog.
Napakaguwapo talaga nito.
Hindi siya magtataka kung maraming babae ang pinapangarap din ito.
Napakagat siya ng kanyang labi.
Napakabilis naman nito makatulog. Hanggang sa nakatulugan niya na rin ang pagmamasid dito.
Nagising siya ng maramdaman niyang hinahalikan siya nito. Napangiti siya ng lumalim iyon.
Isinabit niya ang dalawang braso sa leeg nito.
Idinilat niya ang kanyang mga mata.
"Bad breath pa ako." Nahihiyang sambit niya.
"Hindi kaya. Ang sarap mo nga halikan kapag ganito e." Sambit nito bago muli siya hinalikan.
Nakiliti siya ng gumalaw ang dila nito sa bibig niya.
"Bumangon ka na. Maliligo na ako." Sambit niya rito.
Nakakahiya namang humarap sa mga magulang nito na wala pang ligo.
Kailangan presentable naman siya.
"Uy!" Tili niya ng bigla siya nitong buhatin at dalhin sa loob ng banyo.
"Huyy! CEDRICK! IBABA MO AKO!" Tili niya. Pero nagulat siya ng sa bath tub na siya nito ibaba.
______________________________________________
END PART
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top