CHAPTER 7:4

A/n: I've gained my focus again on writing. Well, the early Christmas vacation keep ringing on my mind. Kyah!

______________________________________________










Nagbalik na ito?











"Bakit ka nga pala napatawag kuya?" Tanong nito na nagpabalik sa kanya sa realidad.










"Uuwi ako sa Byernes diyaan kapatid. Isasama ko ang girlfriend ko. Ipapakilala ko siya sa inyo." Kuwento niya rito.











"Ha? Hindi ba si ate Dane ang nobya mo kuya?" Tanong nito na ikinasakit ng ulo niya.










"Matagal na kaming break ading!" May ding na sabi niya rito.









"Pero kuya... hinihintay ka niya." Sambit nito na ikinalaki ng mga mata niya.










Damn it! Napasapo siya sa ulo.









"Basta siguraduhin mo lamang na hindi niya malalaman ang pagbabalik ko diyaan." Utos niya rito.










"Ha? Sige bahala ka manong." Sambit nito.







"Salamat ading." Pasasalamat niya rito bago niya pinatay ang tawag.







Damn it Dane! Bakit ngayon kapa bumalik.









Dumiretso siya sa bar kinagabihan. May gumugulo lamang sa isipan niya kaya naman mas minabuti niyang pumunta muna sa bar.








Sinadya niyang i-off ang cellphone niya para mapag-isa talaga.









Habang tumutungga, may tumabi sa kanya.








"Hi." Bati nito pero hindi niya pinansin dahil babae iyon.








Wala naman siyang ibang pinapansin maliban kay Chain. Syempre stick to one lang siya rito.








Ipinagpatuloy niya ang pag-inom ng maya maya ay mayroong lalaki na tumabi sa babae at niyaya itong sumayaw. Hindi pumayag ang babae kaya naman medyo nairita ang lalaki.








Naririnig niya lang kahit hindi nakatingin.







"Bastos!" Nagulat siya ng isigaw iyon ng babae at pagsusuntukin nito ang lalaki. Gulat na gulat siya doon.







Saan ka ba makakakita ng babaeng palaban? At nanununtok? Bigla siyang may naalala.









Matatawa na sana kung hindi lamang siya biglaang nilingon ng babae at tinarayan.










D-dane?









Literal na nabitawan niya ang hawak na baso sa pagkagulat.









For real?









Iniwanan nito ang lalaking binugbog nito bago siya nilapitan at kinutungan.








"Huh. Isnabero ka na pala sa long time no see mong girlfriend ha." Inis na sambit nito sa kanya habang nakasimangot.








Alam mo 'yong feelings na matagal ng nailibing? Biglaang bumangon.







"D-dane?" Nauutal na sambit niya.









"OO!" Sambit nito bago siya binatukan.










Napakalaki ng pinagbago nito. Gumanda pa ito lalo. Napakaganda pa ng kutis nito. Bakit ba kasi itong nagshort sa bar? Hindi talaga maiiwasang mabastos kapag ganun.









Inisang tungga nito ang alak sa baso niya.









Pero ang kilos nito. Ang Dane parin na kilala niya.







Para siyang namatay bigla.







Napalunok siya. Hindi niya inaasahan ang ganitong pagtatagpo muli.








"I'm sorry. Hindi ko ineexpect." Sambit niya habang napasapo sa ulo. Napakunot ang noo nito sa reaksyon niya.











"B-bakit parang hindi ka masaya na makita akong muli?" Nabigla siya ng biglang nanamlay ang boses nito.









"W-wait Dane. S-saglit lang, CR lang ako." Sambit niya bago siya tumayo at tumungo sa banyo.








Litong lito pa rin siya.








Napahilamos siya sa loob ng banyo. Nanaginip lamang ba siya? Hindi niya inaasahang makita ito bigla.









This is insane.








Ito parin ang Dane na minahal niya noon. Ang babaeng nang-iwan sa kanya para mag-aral sa ibang bansa. Ang babaeng tila lalaki kung kumilos.







Akala niya ba maganda na ang buhay nito sa ibang bansa?









Akala niya ba hindi na siya karapat dapat dito gaya ng sinasabi sa kanya ng mga kamag-anak nito?








Kaya nga siya lumuwas din ng Maynila diba? Para ipagpatuloy ang pangarap niya at patunayan sa mga itong may pangarap din siya. Na karapat dapat siya dito.









Pero nakilala niya si Chain.







At minahal niya din ito.







That's why he tried to forget about Dane.









Pero nakalimutan niyang hindi pa sila break nito.









At ito ang pagkakamali niya.







Damn it!







Kaagad siyang lumabas at binalikan ang babae pero hindi niya ito naabutan. Wala na ito sa upuan nito kanina. Kinabahan siya. Kaagad siyang lumabas ng bar para sana habulin ito pero hindi niya ito naabutan.







Napasabunot siya sa kanyang ulo. Napasulyap siya sa kanyang relo.









Saan naman kaya ito pupunta ngayon dis-oras nga gabi? Damn it!








Biglang lumutaw ang larawan nito kanina ng biglang nanamlay ang boses. Ang biglang nanlungkot nitong mga mata.











Nanuyot ang kalamnan niya.









Hindi niya alam kung bakit niya ito nararamdaman pero biglaan siyang naguguluhan at nasasaktan sa reaksyon nito kanina.









Ang gago mo Cedrick!









Nanginginig na tinawagan niya ang numerous ng kanyang kapatid.








Mukhang inaantok pa ito.










"Hello manong" Sagot nito.








"Wala ba diyan si manang mo Dane?" I asked her.









"A? Lumuwas daw iyon ng Manila kanina lamang. May aasikauhin lang daw sabi sa akin ni Ella." Sagot nito.











"Sige salamat ading. Matulog ka." Paalam niya rito bago pinatay ang tawag.









Paano na ngayon iyan.









Pero dahil sa inis at hindi siya mapakali. Tinawagan niya ulit ang kapatid niya.









"O manong?" May pagkairita na sa boses nito.










"Iforward mo sa akin ang numero ni manang mo Dane." Sabi niya rito.








"Akala ko ba may girlfriend ka na?" Pambabara nito sa kanya na ikinalunok niya sa sariling laway.










May punto ito.









Pinatayan niya na lamang ito. Hindi niya kailangang sagutin iyon. Maya maya ay naiforward naman kaagad nitong ang numero.







Kaagad niyang idinial iyon.









"O?" Ilang minuto pa ang dumaan bago nito iyon sinagot.









Napapikit siya ng mahimigan na malungkot ang boses nito.








Nahulaan niyang alam nito na siya ang tumawag dahil hindi na ito nagtanong kung sino siya. Maaring noon pa man ay nakuha na rin nito ang numero niya sa kapatid niya.








"Asan ka?" Napalunok na tanong ko.








"E-ewan ko. Basta naglalakad lang ako dito sa daanan." Nahimigan niyang umiiyak ito kaya naman napasabunot siya sa kanyang ulo.









Fuck!







Kaagad siyang sumakay sa kanyang sasakyan at nagdrive.








"Makinig ka! Huwag mong ibababa ang tawag. Papunta na ako!"








Sambit ko bago nagmamadaling nagmaneho.








Napakalakas ng pintig ng puso niya.








Hindi niya alam kung para saan pero sobrang kaba ang nararamdaman niya ng mga oras na ito.







Nagulat siya ng biglang lumabo ang paningin niya sa napakalakas na pagbuhos ng ulan.








Biglaan iyon.







Sinikap niyang makita kung naroroon ang babae. Hanggang sa nasilayan niya ito sa malayuan na nakaabang sa gilid ng daan.








Nakahinga naman siya ng maluwag.







Kaagad niyang hininto ang sasakyan sa tapat nito at pinagbuksan ito ng sasakyan.







Napalunok siya ng makita ang kalagayan nito. Ewan niya ba pero parang pakiramdam niya kasalanan niya iyon at dapat lang.









Basang basa ito habang sobra ang kapit nito sa braso nito habang nakatingin sa kanya.







______________________________________________
END PART

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top