CHAPTER 7:1
A/n: Sayang na sayang ang load kung hindi magagalaw. Palibhasa, may ipinapasuyong report sa akin kapatid ko. Mabuti na lang sana kung may libreng load. Hayss.
______________________________________________
Cedrick's POV
I'm so happy too.
It was the first I saw Chain with her genuine smile while crying.
Ilang beses ko na ba siya nakita na umiiyak habang nakangiti at pilit sinasabing 'okay lang ako'?
Hinawakan niya ang kamay nito ng mahigpit habang yakap ito ng ama nito.
Thanks God, his sunshine is happy.
"Hijo, dito ka na lang muna matulog.
Malalim na ang gabi." It was her fiancees ma'am.
Napakamot naman siya sa suhestiyon nito.
"Ma, matanda na 'yan. Makakauwi 'yan ng maayos. Isa pa, may sarili siyang sasakyan." Pangunguna ng girlfriend niya sa ina nito.
Natatawa na lamang siya sa sinabi nito sabay tango bilang pagsang-ayon rito.
Well, siya ang boss.
Masusunod boss.
"Pfft." Kinurot siya nito ng maramdaman nitong nagpipigil siya ng tawa.
O bakit namumula?
Napansin niyang namumula ito.
Pasimple niya na lamang ipinulupot ang kaliwang kamay niya sa baywang nito pars mas makurot siya nito.
Adik!
"Tama hijo! Para mas makapagkuwentuhan pa tayo ng matagal." Panggagatong pa ng ama nito.
Paano ba 'yan may loves?
Pinagbantaan siya nito ng tingin kaya naman napakamot na lamang siya sa sariling ulo.
"Salamat po sa pag-aalala tita, Tito pero kailangan ko pa pong umuwi sa condo. May kailangan pa po kasi akong aralin para sa operasyon ko po bukas." Paliwanag niya sa mga ito na totoo naman.
"Ano? Pag-aaralan kamu? Ay, napakahirap nga naman ng trabaho niyo. Paano 'yan kapag mag-asawa na kayo? May oras pa ba kayo sa isat-isa?" Pambabara ng matanda na ikinalaki ng mata nila ni Chain.
Hindi nila inaasahan iyon.
"Hay naku dad, kailangan ng umalis ni Cedrick." Nakangiting sambit nito bago siya itinulak.
"Sige hijo. Mag-iingat ka. Dumalaw ka na lang ulit next time ha? Ang bilin ko." Sambit nito sa kanya na tinanguan niya lamang.
"Oho Tito. Maraming salamat po. Una na ho ako, tita, Vivian." Paalam niya bago pa siya hilaing muli ni Chain na ikinatawa niya na lamang.
Habang naglalakad sila paalis sa mga ito, inakbayan niya ito.
"Ikaw ha." Umpisa nito, na ikinalaki ng mata niya.
May nagawa ba siyang kasalanan.
"Huy lalaki, pasalamat ka hindi ka pumayag sa suhestiyon ng pamilya ko kundi doon kita sa bahay ng aso namin papatulugin." Pagbabanta nito.
Ang harsh naman.
"Totoo ba 'yan babe? Hahayaan mo bang magkarushes ang kutis ng fiancee mo?" Tanong niya rito sa nagmamakaawa na boses.
"Why not?" Matapang na tanong nito.
Ang high blood naman.
"Sige na nga, una na ako." Pagtatampo ko kunwari bago naglakad paalis.
Pero one step. Hindi man lang siya nito pinigilan.
Two step.
Wala pa rin.
Sa inip ay nilingon niya ito.
Pero pag-lingon niya ay nanlaki ang mga mata niya.
Tumingkayad ito para halikan siya. Na ikinangiti niya.
Kitams.
"I love you panget. Goodnyt. Mag-iingat ka, kundi lagot ka sa akin." Sambit nito sa nanlalaki ang mga mata.
Napangiti naman ako ng sobrang tamis.
Nilalanggam ako dahil mismo sa kagagawan niya e.
"I love you too babe." Sambit niya rito.
"Hayaan mo dobleng ingat gagawin ko para future natin." Paalam niya rito bago kumindat rito.
"Cheh! Siguraduhin mo lang." Nakataas kilay na sambit nito.
Sumakay na nga siya sa sasakyan at nagflying kiss rito. Sayang, hindi man lang ito marunong sumalo.
"Sige na, nakararami ka na a." Banta nito na ikinailing niya.
Mahal na mahal niya talaga ang babaeng iyon.
See? Ang babaeng pinapangarap niya lang noon ay pag-aari niya na ngayon. Damn that Luke for breaking her love's heart before but he's grateful about it. We can all treasure those things that others can't.
Binuksan niya ang windshield ng kanyang sasakyan.
"Woah! Thanks God. I love you!" Sigaw niya doon. Wala lang, masaya lamang siya.
He was so lucky to have Chain now.
Every time na kasama niya si Chain, parang siya lang ang nag-iisang lalaki na napakasuwerte sa buong mundo.
Ang babaeng pinapangarap niya lang noon ay ipinagmamalaki niya na ngayon.
Dumaan siya sa seven eleven.
Bibili siya ng kape.
Kailangan niyang magpuyat mamaya muli. May kailangan siyang operahan bukas. Isa iyon sa ipinagpuputok ng butsi nito kanina. Lagi nitong ipinapaalala sa kanya na unahin ang tungkulin bilang isang doktor dahil maraming tao ang mas higit na nangangailangan niyon.
Habang nakapila. Kinuha niya ang cellphone at nagtipa ng mensahe.
To babe: I love you, good night babe. Dream of me.
Kinilig siya sa sariling mensahe.
This time, pagpaplanuhan niya naman ang pagharap nito sa magulang niya. Kailangan pa nilang pumunta sa kanilang probinsya pero alam niyang magugustuhan naman ito ng fiancee niya.
Ang kanilang probinsiya ay nasa Cagayan Valley pa pero maipagmamalaki naman ang kagandahan ng kanilang hacienda doon.
Oo, may hacienda sila pero halos lahat sa pamilya nila ay mga Doctor.
Minana lamang nila ang hacienda noon pa.
Ng makarating siya sa kanya ng Condo nakahinga siya ng maluwag. Nakakapagod din magdrive syempre at masyadong mahaba ang nangyari ngayon araw.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagtipa.
To babe: Nakarating na ako babe. I love you.
Napangiti siya bago dumiretso sa kanyang maliit na opisina.
Kailangan niya munang magconcentrate ngayon.
Chain's POV
"Ehem." Napalingon siya sa kanyang ama.
"Dad!" Nagulat na sambit niya ng bigla itong sumulpot sa balkon nila.
"Masaya ako dahil gustong gusto ko ang fiancee mo. Matanda ka na talaga at matalino. Sinong mag-aakala na ang iyakin kong panganay noon ay matapang na ngayon? I'm so proud of you anak. Basta kung saan kayo masaya, simula ngayon, susuporta lamang ako." Sambit nito habang nakangiti.
"D-dad." Naiiyak na naman na sambit niya. Niyakap niya ito.
Dad, thanks.
Gusto niya sanang sambitin pero hindi niya na na sambit dahil naiiyak na naman siya.
Sabi nito matapang daw siya, kaya hindi siya iiyak.
Naalimpungatan siya ng may matanggap na mensahe ulit.
Two messages na iyon ha.
______________________________________________
END PART
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top