CHAPTER 6:6
A/n: Charan! Isang buong linggo na naman ako magtitipid. Ehm. Try ko kayang mangaroling sa bahay ni kuya.
______________________________________________
"Good evening Ma'am, Sir." Bati nito sa magulang niya.
"And to you little sis." Bati naman nito kay Vivian na tumango lamang.
"Good evening... Cedrick?" Pag-alala ng kanyang ama sa pangalan nito na ikinataas niya.
Pfftt! It was so epic. She found it so cute.
"Opo Sir!" Nakangiting sagot nito.
"Welcome to our family hijo." Bati ng kanyang ama rito bago ito inakbayan at inakay papasok sa loob ng kanilang mansyon.
Niyakap siya ng kanyang ina at hinaplos ang kanyang likuran. Para bang sinasabing huwag siyang mag-alala.
I love you dad!
"Let's eat first hijo. Nagluto ang tita mo ng sinigang, kare-kare, pasta at nagbake ng chocolate flavor na cake. Paborito mo raw lahat iyan kasi e." Mahabang paliwanag ng kanyang ama na ikinatawa niya na lamang.
Hahaha.
Mabuti na lamang at kaunti lang ang kanilang kinain kanina doon.
Hay naku!
"Ano ba 'yang dala mo kuya?" Tanong ng kanyang kapatid rito.
Nahihiyang inilapag naman nito iyon sa lamesa.
"Pansit palabok sis." Sambit nito na ikinatawa niya nga talaga.
"Uy! Paborito ni daddy!" Pang-aasar ng kapatid niya rito na tinanguan niya lang. Pulang pula naman ito.
Imagine ang isang doctor na napakaistrikto ay may bitbit na pansit palabok para sa ama niya.
Hahaha.
"Thanks God! Mahal, heto lang ang kakainin ko ngayong gabi. Matagal tagal na rin akong hindi nakakakain nito e." Tuwang tuwang sambit ng kanyang ama.
"Aba, hindi mo ako bibigyan mahal?" Tanong ng kanyang ina rito na may himig pagtatampo kunwari.
"Aba, idi hati tayo mahal." Yaya ng kanyang ama rito.
Masaya nilang pinagsaluhan ang mga pagkaing nakahain sa lamesa pagkatapos magdasal.
This is so much!
Sobrang masaya siya.
Sana ganito na lang palagi.
Nagkukuwentuhan ang kanyang ama ngayon at ito sa kanilang hardin.
"Ate! Baka takutin 'yon ni daddy." Pagbibiro ni Vivian sa kanya.
"Hay nakung bata, tigilan mo nga 'yang pagbibiro mo sa ate mo. Mamaya, totoong mapraning 'yan." Natatawang puna ng kanyang ina rito.
"Hahaha. Biro lang ma. Lablab." Niyakap nito ang kanyang ina.
"Vivian, alam mo... Isip bata ka parin. Subukan mong magmatured. May nanliligaw na ba sayo?" Panunukso niya rito.
Umiling naman ito ng todo.
"W-wala ha." Namumulang sambit nito. Natawa na lamang ang kanyang ina.
"Bakit namumula? Nauutal?" Pang-aasar niya rito.
"Wala nuh! Echo's ka te!" Pagpapalusot nito.
Hindi niya na lang pinansin.
"Ang tagal naman nila mag-usap. Inaantok na ako." Sambit nito.
"Matulog ka na dun." Utos niya rito.
"Mamaya na." Sabi nito.
Ang gulo talaga nitong kapatid.
"Ma, kamusta na po sila Tita sa States?" Namiss ko na sila Tita. Nasa abroad na ang mga ito at hindi naman nila akalain na doon nagpalamig ang kanyang ina.
"Well, okay naman doon sila anak. Medyo stress lang si tita niyo because lately, she's over thinking about your uncle having affair with other woman." Naiiling na sambit nito.
Well, that's completely depressing.
"But they say, women's instinct are really something mom." Sambit ni Vivian na ikinasingit niya.
Napapikit siya.
She don't want to be relate but she relate otherwise to the man's situation.
Surely, Luke didn't have a bad thought about her before of cheating unto him but she did otherwise an unforgettable and unforgivable sin.
Napakurot siya sa kanyang paa.
What is this?
She still feel guilty?
How's that?
Ang sakit kasi ng nangyari sa kanila hindi ba? Imagine, they truly love each other so much. Akala niya ito na ang lalaking maghaharap sa kanya Sa altar before. Na ito ang lalaking nakatayo at naghihintay sa altar na iyon habang umiiyak.
But it won't happened now.
She had Cedrick already and surely, the guy completely forget about her already.
Gusto niyang batukan ang sarili. Anong iniisip mo Chain?
Hindi, naisip niya lang kasi. Sobrang minahal niya naman talaga si Luke na hindi niya inisip na magagawa niya pang magmahal ng iba.
Maybe our stars are written completely away and different from each other's fate.
Napahinga siya ng malalim.
Pero seryoso, what if nakasalubong niya na ito for real?
'Yong makita na nila ang isat-isa?
Ano kayang mararamdaman niya?
She's not assuming something, she was putting herself already in the situation.
Hinahanda niya lang ang sarili niya.
Because now that he's back with a fiancee? Nah, anytime they could have been meet.
Napakagat siya ng sariling labi. Ano nga bang dapat isipin niya? Ano nga bang dapat niyang maramdaman?
Surely, she felt so sorry for him before, for their broken relationship yet she couldn't face him anymore after she found out she did something terrible.
She love him so much that it is killing her before every time she remember what happened in Bora they the man was clueless about.
Gustong gusto niyang sampalin ang sarili niya tungkol doon.
Pero nagbago na ang lahat ngayon.
She have Cedrick now and Luke have his own love of his love, Selina.
At dapat mapanatag na si Selina dahil wala siyang binabalak manghimasok sa relasyon ng ibang tao.
Hindi dapat ito matakot kung talagang mahal ito ni Luke.
That girl.
Surely, selosa siya noon but then hindi niya minsan inisip na ipagpapalit siya ni Luke noon. Well, noon lang iyon. 'Yong mga panahong karapat dapat pa siya sa pagmamahal nito.
Hayss. Sana lang this would completely the happy ending she's wishing for. Thanks God. Nakahinga na siya ng maluwag ngayon. God has heard her prayer every night. A complete family and with her love one.
Ng matapos ang usapan ng kanyang ama at ng kasintahan niya kaaagad na nilapitan nila ang mga ito.
Nagtatawanan pa ang mga ito.
May paiyak iyak pang nalalaman ang kanyang ama.
"D-dad..." Naiiyak na ring sambit niya.
"A-anak, I'm so sorry." Niyakap siya nito habang umiiyak ng makita siya.
Maging siya ay napaluha na rin.
Ghads!
"Napakawalang kuwenta kong ama para pabayaan ang ating negosyo at isugal ang kaligayahan niyo para sa ikakabuti niyon. I'm sorry daughter for being idiot." Sambit nito habang yakap yakap siya ng mahigpit.
Napalingon siya kay Cedrick. Nakangiti ito sa kanya at hinawakan ang kanyang kamao habang yakap siya ng kanyang ama.
What have you done boyfriend?
Anong ikinuwento mo kay papa?
"Eeh, I'm sorry pa. Napakawalang kuwenta kong anak. Ni minsan, hindi ko sinunod ang gusto niyo dad. Pero aaminin ko dad, natakot ako habang inooperahan ko kayo. Because I don't want to lose you dad, gaano man ako kawalang kuwentang anak." Humahagulhol na siya sa iyak.
Dad, I'm sorry!
"Tahan na anak. I love you, this time kahit anong mangyari. Ako ng bahala sa kompanya. Just focus on your own life." Sambit nito habang marahang tinatapik ang balikat niya.
Damn! Umiiyak na talaga siya.
This feeling is very rare.
Naiiyak siya dahil masaya siya. Sobrang saya niya.
______________________________________________
END PART
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top