CHAPTER 6:5
A/n: Hello there! Kakapaload pa lang. Walang sponsors e. Hahaha.
______________________________________________
Napangiti naman ito.
"Gusto ng iyong ama na makilala ang iyong fiancee. Lalo na ako anak." Nakangiting sambit nito na hindi niya inaasahan.
Whut?
For real?
Para siyang nabunutan ng tinik sa kanyang dibdib. Maluha luha siyang napatingin sa kanyang ama. Napatango lamang ito.
Yes!
Tumayo siya at niyakap ang kanyang ina maging ang kanyang ama.
"Dad! Mom! Hindi ho kayo magsisisi. He came from a good family." Maluha luhang sambit niya.
It feels so good.
"Yieeh! Congrats ate." Sambit ng kapatid niya habang nakangiti. Hinawakan nito ang kamay niya at marahan siyang hinaplos sa balikat.
Tumango siya sa sinabi nito.
Sa wakas!
Masaya siyang pumasok sa trabaho pagkatapos icheck-up ang kanyang ama.
Mabuti na lamang at malakas pa ang katawan ng kanyang ama. Nakatulong iyon para mas mapabilis ang paggaling nito.
Hindi niya na muli kailangang magtaxi. Ipinahatid siya ng kanyang ama sa kanilang driver papunyang hospital.
Masaya naman siyang nagpasalamat sa kanilang driver bago bumaba.
Excited na siyang ikuwento sa nobyo ang magandang balita.
Nasa hospital na kaya ito?
Nagtaka siya ng hindi abot sa mata ang ngiti ng kanilang guwardiya ng makita siya at tila wala sa sarili. Sa tagal niya ng nagtatrabaho roon, kilala niya na ito. Kaya naman hindi niya mapigilang lapitan ito at mag-usisa.
"Manong okay lang po ba kayo?" I asked him.
Maya maya ay maluha luha naman ito.
"H-hindi ho ma'am. 'Yong anak ko po kasi may sakit sa puso. Kailangang operahan." Sagot nito habang umiiyak na hindi niya akalain.
"H-ha? Asan ho ba siya ngayon?" Tanong ko.
"Nasa bahay ma'am." Umiiyak na sagot nito.
Napakagat siya ng kanilang labi.
"Huwag ho kayong mag-alala. Dalhin niyo po siya sa akin. Titignan natin ang kalagayan niya." Payo niya rito.
Ngunit umiling lamang ito na ipinagtaka niya.
"Wala ho kaming pambayad doc." Sagot nito.
Ganun pala. Napaisip siya.
"Ako ng bahala guard." Sagot niya rito. Hindi niya alam kung sobrang kabaitan ito pero gusto niyang matulungan ang pamilya.
Empleyado din naman ang gwardiya sa kanilang hospital at isa lamang siyang doctor.
Kahit na siya pa ang gumastos para sa bata handa siyang gawin.
Pero itatry niya munang ilapit sa hospital iyon.
"T-talaga ma'am? Naku po! Salamat po talaga Doc." Umiiyak na sambit nito. Maging siya ay naiiyak na din. Halatang mahal na mahal nito ang sarili nitong anak.
Hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin ang kalagayan ng bata ng makarating siya sa kanilang opisina.
Isang pumpon ng bulaklak ng rosas ang naabutan niya sa kanyang lamesa.
Napangiti siya.
"Happy anniversary babe!" Nagulat siya ng bigla itong sumulpot sa kung saan.
May nalalaman pa itong pasurprise surprise ha. May hawak itong pizza sa kamay.
Yieeh!
Kilig na kilig naman siya sa simpleng effort nito.
"Happy anniversary din babe!" Bati niya rito saka ito hinalikan sa labi.
Hinalikan din siya nito pabalik.
Kyah!
"Babe.. May good news ako." Umpisa niya habang kumakain sila.
"Ano 'yon?" Interesadong tanong nito.
"Ininvite ka nila papa sa bahay. Kyahh! Babe." Tuwang tuwang kuwento niya rito.
"Talaga babe? Naku. Salamat! Thanks Lord." Tuwang tuwa din ito.
Niyakap siya nito ng mahigpit.
See?
Parang kailan lang.
Then naalala niya ang anak ng guwardiya.
"Babe... May favor ako." Umpisa niya rito.
"Ano 'yon?" Tanong nito.
Ikinuwento niya ang balak niyang pag-opera niya sa bata. Pumayag naman itong paghatian nilang gastos ng operasyon ng bata.
See? Napakabait talaga nito.
Kaya nga mahal na mahal niya ito e.
"Muah!" Hinalikan niya ito sa labi.
"I love you." Sambit niya rito.
"I love you too babe." Sambit nito pabalik bago siya hinalikan.
Dinner date.
Niyaya siya nito magdinner kinagabihan. Syempre, expected na iyon. It was their third anniversary. At mas minahal niya ito ngayong taon.
Hindi niya alam kung paano nito nagagawa sa kabila ng katotohanang busy ay hindi niya alam. Lagi pa rin itong may pasabog na surpresa sa kanya.
Idinala siya nito sa isang napakaromantikong lugar. Isinayaw pa siya nito na ikinailing niya.
She was so happy.
Unti-unti ng natutupad ang pangarap niya.
"You look so beautiful tonight babe." Bulong nito sa kanya na ikinatayo ng mga balahibo niya sa kamay.
"Bolero." Piningot niya ang ilong nito.
"Totoo kaya. You look so sexy." Dugtong pa nito sabay kindat sa kanya.
Pilyo! Hahaha.
Natapos ang gabi. Iniuwi siya nito sa bahay nila. Ngayong gabi, ito inimbitahan ng kanyang mga magulang para makilala at makausap sa personal.
"Hindi ka ba kinakabahan?" I asked him.
Umiling naman ito.
"Hindi. Kasi alam kong gaya mo, magugustuhan din nila ako." Sambit nito na ikinangiti niya.
Naniniwala din ako.
Cedrick is a perfect definition of her prince charming. He might not be her original prince yet she is willing to accept him in the future as her king.
Hinawakan niya ang kamay nito habang nagdadrive.
Dinala naman nito iyon sa bibig nito at hinalikan ang likod ng palad niya na ikinangiti niya.
She always found it cute.
Napakabait talaga nito.
Kinakabahan siya sa magiging pagkikita nito at ng kanyang mga magulang.
Alam niyang nagbago na ang kanyang ama pero kinakabahan pa din siya.
Damn it! Parang siya ang makikipagkita sa parents nito e.
Siguradong mas malala pa sa ganito ang mararamdaman niya kapag siya na ang makikipagkita sa magulang nito.
"Good evening dad! Mom! Bati niya sa mga ito ng makapasok na sila sa loob ng mansyon. Nakangiti naman silang sinalubong ng pamilya niya.
______________________________________________
END PART
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top